You are on page 1of 4

NOBELA NG TAUHAN

"Nena at Neneng"
NI VALERIANO HERNANDEZ PEÑA

Ang buod sa nobela na ito may matalik na magkaibagan si


Nena at Neneng kapwa mananahi ang kanilang hanap-
buhay. Nagkaroon ng kasintahan ang dalawang dalaga.
Unang ang naging kasintahan ni Nena si Miguel ngunit di
nagtagal ang pagsibol ng kanilang relasyon sa kadahilan
tutol ang ate ni Nena. Kaya nanligaw si Miguel kay Chayon
ng kasintahan naman ng pinsan si Narciso o Sochong.
Ginahasa at ang puri’y inilugso. Si Miguel ay sugapa sa
sugal, bukod sa singungaling at nabilanggo dahil sa
kasamaan hanggang mabulok saka namatay sa bilibid.
Nagkaanak si Chayong at si Narciso ang naging ninong.
Isang araw, dinalaw ni Narciso ang inaanak, nakabangga
niya si Neneng na maghahatid ng tahi para kay Chayong.
Ito ang simula ng pagkakilanlan ng dalawa na humantong
sa pagiging magkasintahan. Si Nena ay umuwi sa kanilang
nayon dahilan ng pagkamatay ng kanilang amain. Dito niya
nakita muli ang kababatang si Deogracias, magkaibigan sila
at di nagtagal ay nagpakasal. Inimbitahan ni Nena ang
magkasintahang Neneng at Narciso.
Sa kasalan, dito nakita ni Isko si Neneng na sa unang
tingin pa lang ay sumibol ang pag-ibig ni Isko para kay
Neneng, na agad naming tinutulan ni Neneng dahil
mayroon siyang kasintahan. Nagpakasal sina Neneng at
Narciso. Hindi pa rin tumugil sa panunuyo si Isko,
lumuluwas pa rin siya sa Maynila para ligawan si Neneng
na taliwas sa kaalaman ni Narciso. Dahil sa isang lihim ni
Isko para kay Neneng na nabasa ni Narciso, at minsang
umuwi si Narciso sa tahanan nila nakita niyang tumalon
mula sa bintana si Isko. Dahil sa pagkaseloso’y
humahangga sa kawalan ng bait. Inakala ni Narciso na
nagtataksil sa kanya si Neneng kaya nilayasan niya ang
asawa. Dinamdam ni Neneng ang pag-iwan ng asawa.
Umuwi siya kina Nena, at sa likod ng pag aliw ng kaibigan,
nagkasakit si Neneng at tuluyang namatay. Si Narciso ay di
mapalagay kaya bumalik siya sa kanilang tahanan. Ngunit
huli na ang lahat, nabatid na yumao na si Neneg dahil sa
pagkasipayo sa pag-ibig. Nang malaman niya mula kay
Nena na patay na ang asawa at mabasa ang liham ni
Neneng na nagpapaliwanag na wala itong kasalanan sa
bintang nito sa kanya. Nagmamadaling nanaog ng bahay si
Narciso upang magtungo sa libingan ni Neneng para
humingi ng tawad, sa kanyang pagmamadali nadulas siya
sa hagdanat sa pagkakahulog tumama ang kanyang ulo sa
bato upang maging sanhi ng kanyang pagkamatay.
NOBELA NG TAUHAN

Mensahe
Sa mensahe ng nobela na ito, na tunay natagos at
naantig ako sa pagkakaibigan ng dalawang tauhan
dito. Sa problemang kinaharap ng magkaibigang
Nena at Neneng masasabi kung napakatibay ng
kanilang pagkakaibigan dahil kahit sa una ay
nagkaroon sila ng problema ay mas pinili nilang
unawain ang bawat isa. Dumating din ang
pagkakataon nanilapitan at kinailangan ni neneng
ng tulong hindi nagdalawang isip si Nena na
tulungan angkaibigan sa problemang kinahaharap
nito. Kung ilalagay ko ang sarili ko ang sarili ko sa
katayuan ni Nena ay gagawin ko din ito sa akin
kaibigan, handa akong isakripisyo ang ibang bagay
para suportahan at protektahan ang aking
kaibigan. Dahil hindi lang basta kaibigan ang
turing ko sa kanila higit pa sa kapatid, kundi isang
bahagi ng aking buhay at pamilya.
Masasabi ko rin na maraming kabataan ang
magugustuhan ang nobelang ito kung kanilang
babasahin dahil sa nobelang ito masusukat ang
talagang kahalagahan ng pagkakaibigan.
Marahil nga alam ng iba ang pakahulugan ng
kabigan ngunit hindi ang totong kahulugan nito.
Ang nobelang Nena at Neneng ay nagpapahayag
ng huwarang pagkakaibigan. Na ang isang
kaibigan ay nasusukat hindi lamang sa
kaginhawaan maging sa panahon ng kagipitan.
Ito rin ay nagpapahayag ng mga kaugaliang
Pilipino sa larangan ng kultura at paniniwala.
Ilan sa mga ito ay ang paniniwala sa mga hula at
kahulugan ng panaginip at ang paghingi ng
permiso sa mga magulang ng babaeng
nililigawan. Nagpapakita rin ito ng mga ilang
kagandahang-asal ng mga pangunahing tauhan
sa kuwento tulad ng pagdadamayan ng
magkaibigan at maayos na pakikitungo at
pagtanggap sa isang bisita.

You might also like