You are on page 1of 25

ALAKI SA DILIM NI BENJAMIN PASCUAL:

ISANG PAGSUSURI
KAHULUGAN NG PAMAGAT
Sa pamagat pa lamang ng nobela mahihinuha na maykinalaman sa isang
madilim o maling gawain ang lalaki sa nobela.

Kaya „Lalaki sa Dilim‟ ang pamagat nito ay dahil na rin sa ang lalaki

sa nobela ay nakagawa ng isang kasalanan noong sapilitan niyangginahasa


ang isang babaeng bulag. Maselang usapin ang gahasasaanman sa lipunan. Sa
nobela makikita kung gaano kabigat anggayon sa buhay ng isang babaeng
bulag at mahirap. Sapambihirang bisa ng panulat ng may-akda ay
itinatampok sanobela ang samotsaring pagtanaw sa gahasa: ang salapi,
dangal,pighati, ugnayan, pag-asa, at iba pang tunggalian o kaisahan. Dito
mababatid na ang pisikal na pagkabulag ng babae ang siyangmagbibigay
liwanag sa katauhang-dilim ng lalaki.

b.MAY-AKDA
BENJAMIN P. PASCUAL
TALAMBUHAY NG MAY-AKDA
Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag,Ilocos Norte.
Unang nakilala bilang matinik na kuwentista si Pascualbago niya sineryoso
ang pagiging isang nobelista. Nagsimula siyangsumulat noong dekada 1950,
sumubok mag-ambag sa komiks,hanggang hiranging maging staffer
ng Liwayway. Nagwagi sa DonCarlos Palanca Memorial Awards for
Literature ang kaniyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko
Masilip AngLangit” (1981). Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural
Center of the Philippines ang nobelang “Utos ng Hari” noong 1975.Unang
nailathala sa Liwayway ang „Lalaki sa Dilim‟ sapamagat na „Shhhh…Ako
ang Lalaki sa Dilim‟ (1976).
May-akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran, WalangTanungan” (1997),
isang komedya ng pag

-iibigan at lingguhangisineserye nagyon ng Liwayway. Tinatayang nakatapos


ng 13 nanobela si Pascual, na pinakarurok marahil ang Halik sa Apoy”
(1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda naumiinog sa
buhay at pakikipagsapalaran ng isang lalakingmanunulat. Naging Filipino
seksiyon editor si Pascual saPeople’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon
ay editor sa popular na Valentine Romances
.Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat niPascual, kinilala ng
Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL)noong 1994 ang natatanging
ambag niya sa pagsusulat ng maiklingkwento, dula, at nobela.Sa edad na 69
ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.
II.
BUOD NG NOBELA
Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangRafael Cuevas. Isang
espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng gabing
bigyan siya ng Stag party ngkanyang mga kaibigan bago pa man siya
makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang
babaingkahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita angkanyang
ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi

nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.

Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at paglilinis niya


ng konsensiya sa nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang
ginahasa,binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham
na nagsasabingsakanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang
ngkaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyangnagawang kasalan
kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyangpangalan bilang pagtanaw ng
babae sa kanyang nagawangkabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa
binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si


Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lama tangkanilang samahan na
humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay isang
modernong babae. TotallyAmericanized, sabi nga sa nobela. Para kay
Margarita ayos lang namagkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta
magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t
isa. Isang araw habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang
sakanya ang isang balitang napatay si Margarita atNick sa isang otel ng isang
babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni Nick na matagal ng
nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at
makapatay ito.Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling
Selaang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy
sakatawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya siLigaya.
III.
PAGSUSURI.
ISTILO NG PAGLALAHAD
Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang halimbawa ng isangakdang
modernista na kung saan ang tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking
pagbabago upang maging maginhawa angpamumuhay ng bawat isa. Nilikha
ni Pascual ang isang karakter nanaipit sa isang sukdulang kasalanan at ang
tanging nais ay malinisniya ang bahid ng sariling putik.Mahahalata mula sa
pagbabasa ang paulit-ulit napagbanggit ng may-akda sa mga naganap na
tagpo. Sadyangginawa at pinanatili ng awtor ang ganoong istilo upang ipakita
naang kwento ay isang tuluyang nobela na batay sa istruktura ngisang
magasin.Bagaman sa kabuuan ay namayani sa nobela ang atingsariling wika,
kapansin-pansin pa rin ang ilang pagsulpot ng wikangIngles sa pagdaan ng
kwento. Dahil na rin sa hinaluan ito ng ilangwikang Ingles na madali namang
intindihin, naging payak at simpleang daloy ng pagpapalit ng linya ng mga
karakter. Naging realistikoat natural ang pag-uusap ng
mga karakter.Ang nobela rin ay gumamit ng isang sentimental at
romantikonggenre ng kwento dahil ang paksa ay tungkol sa pag-iibigan ng
isang lalaki at babae.
B.
TAYUTAY NA GINAMIT
Iilang tayutay lamang ang napansin at nabasa sa nobelang itodahil gumamit
ang awtor ng mga simple at direktangpangungusap.

Wala ka ng ibang ginagawa kundi magtalaksan ng


girlfriend.(PATALINGHAGA O ALLEGORY)-Ang pahayag ay tumutukoy
sa hindi literal na kahulugan ngmga salita. Sa pahayag na ito mapapansin na
ang literal na kahulugan ng “magtalaksan” ay punong kahoy na panggatong
na pinagpatung-patong sa isang talaksan. Ngunitsa pahayag ay patalinghaga
itong sinabi na ang ibigipagkahulugan ay nag-iipon ng mga babae ang anak
upangmapunan ang apoy ng kandungan nito.

Madilim ang tingin niya sa paligid na para bang ang araw aynilambungan ng
takipsilim. (PERSONIFICATION O PAGBIBIGAYKATAUHAN)-
Pinakikilos na tulad ng tao ang mga bagay at sa tayutay naito ay pinapahayag
sa pamamagitan ng mga pandiwa. Angnilambungan ay pagtakip sa isang
bagay gamit ang angmantel.

Kumagat na ang gabi. (PERSONIFICATION O


PAGBIBIGAYKATAUHAN)-Gaya ng nauna, pinakikilos na tulad ng tao
ang mga bagayat sa tayutay na ito ay pinapahayag sa pamamagitan ng
mgapandiwa. Ang ibig sabihin ng kumagat na ang gabi ay sumapitna ang
kadiliman sa paligid.

1.
PANSIN AT PUNA
TAUHAN
Ang mga lalaki sa nobela ang siyang nangingibabaw.Pinatunayan iyan ng
ilang karakter. Si Rafael bilang isangmayamang duktor, ang sentro ng lahat.
Samantala ang mgababae naman ay siyang mahihina ang kalagayan.
Makikita iyan sakarakter nina Ligaya, isang babaeng bulag, mahirap at
ginahasa, siMargarita na natuksong makipag-relasyon sa ibang lalaki, at
siMarina na tila aping-api dahil sa babaerong asawa. Ang siklo ngkarahasan
ay pinasiklab ng mga lalaki at nalagot lamang sapagsapit sa kawing-kawing
na katauhan ng mga babae.

RAFAEL CUEVAS-
Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklamsuklam ang kaniyang karakter.
Babaero, tomador at nagawa pang manggahasa ng isang babaeng bulag.
Ngunit sakalaunan ay makikita ang parteng liwanag ng kaniyangpagiging
isang lalaki sa dilim. Makikita na kahit ganoon siya aymay konsensiya naman
pala siya. Mahalaga na napagtantoniyang ang mga masasamang gawain niya
dati aybumubulag sa kaniyang pandama upang makita ang ibapang
magaganda at mahahalagang bagay dito sa daigdig.Mahalaga ang kaniyang
papel na ginagampanan dahil isasiyang patunay na pwede bang magbago ang
tao kungnanaisin lang niya. Hindi pa huli ang lahat, matuto lang
tayongtanggapin ang ating kamalian at maging handa at gustuhinang
pagbabagong nais nating gawin sa ating
mgasariliupang maging maginhawa ang ating pamumuhay atpakikisalamuha
sa ibang tao. Masaya kaming nga nagbabasadahil sa dulo ay luminaw ang
paningin ni Rafel dahil sa pag-ibig. Ngunit ang maipipintas naming sa kaniya
ay hinahayaanniya na lang lokohin siya ng kaniyang asawa at gawing
tangahuwag lang masira ang kaniyang pangalan at puri. Dapat
aynagpakatotoo siya sa kaniyang sarili.

NICK CUERPO-
Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya‟t hindi nakita ang kaniyang
responsibilidad sa asawa at mga anak. Isang karakter na hindi dapat tularan
ng mga lalakiat maging ng mga kababaihan. Wala ng ibang ginawa
kundipasakitan ang pobreng asawa na si Marina. Kung si Rafael ay
nagawang mabago, siya ay kahit sa katapusan ng kwento ayhindi nakita ang
liwanag na dapat niyang sundin. Namataysiya kasama ang kalaguyong si
Margarita. Isa siyang patunayna sa kasalukuyan at sa totoong buhay, may
mga taong bulagpa rin sa kanilang mga responsibilidad at hindi pa rin
alamkung ano ang tama at mali. Dapat lamang ang kaniyangkarakter sa
kwento dahil siya ang magsisilbing eye opener samga mambabasa na kung
ikaw ay may ginagawang hindikaaaya aya, dapat mo lang itong pagbayaran
at pagsisihansa huli. Huwag hintayin ang panahong sisingilin ka na
ngpanahon.Hangga‟t maaga ay magbago na.
MARGARITA CARRASCO-
Si Margarita, bagaman galing saisang sosyal, edukado at disenteng pamilya
ay nagawa paring magtaksil sa asawa. Isang opera singer na
natuksongmaglunoy sa ibang kandungan. Ginusto niya, gawa ngkaraniwang
tao, ang tunay na relasyon ng lalaki at babae.Masasabing pangit sa panangin
ang karakter ni Margarita. Isarin siyang karakter na hindi dapat gayahin.
Dahil na rin saimplwensya ng mga kanluranin, iba ang pananaw niya sakasal
at pakikipagtalik. Siya ang sumisimbolo sa liberismo.Nabulag siya sa
kaniyang sariling kahinaan. Nagpatangay siyasa pambobola ni Nick. Natural
na mahihina ang mga babaengunit hindi dapat ito gawing lisensya upang
pumasok sa isangmagulo at immoral na sitwasyon. Gaya ng karakter ni Nick,
siya ang magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kungikaw ay may
ginagawang hindi kaaaya aya, dapat mo langitong pagbayaran at pagsisihan
sa huli.

LIGAYA-
Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sasikat ng araw ang kaniyang
pagpapahalaga sa sarili. Nagingmatatag siya sa kaniyang pagbangon mula sa
nalasap nakarahasan mula sa lalaki sa dilim na si Rafael. Hindi nga
siyanakapag-aral ngunit kahanga-hanga ang kaniyang mgaprinsipyo sa
buhay. Kapwa siya at ang kaniyang inang si

Aling Selya
ang sumisimbolo sa liwanag na dapat makita ng mgatao. Kahit mahirap
lamang sila ay maalam sila sa buhay. Silaang dapat gahayin ng mga
mambabasa. Si Ligaya kahit nasinapit isang kalunos lunos na pangyayari at
nabuo ito, piniliniyang huwag ipalaglag ang bungang iyon. Maganda
angprinsipyo niyang palalakihin niya ang bata dahil bigay iyon ngDiyos.
Handa siyang bumangon at itayo muli ang kaniyangmga paa. Si Aling Selya
naman ay handang gumabay saanak. Handa rin itong magsakripisyo upang
mabigyan ngkinabukasan ang mg anak sa hirap man o ginhawa.
Totoongkahanga-hanga ang pagkakabuo sa kanilang mga karakter.

MARINA CUERPO-
Isang inang mapagmahal sa kaniyanganak at handang ipaglaban ang mga ito
hanggang sakamatayan. Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping api siya
dahil sa kaniyang babaerong asawa ngunit lubos na nagtitiispara sa mga anak.
Hindi naming siya masisisi kung nagawaman niyang paslangin ang kaniyang
sariling asawa. Sagad nasagad na siya. Ngunit ang mali lang doon ay
nagpatangaysiya sa nararamdaman niya. Inilagay niya sa sariling mgakamay
ang batas. Siya ay nabulag na galit at sobra-sobrangpagmamahal sa anak.
Dapat lamang siyang gayahain saparaan ng pag-aalaga at pagmamahal sa
anak ngunithuwag gayahin ang kaniyang pagiging mahina. Dapat aymaging
mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal naparaan upang malutas ang
problema.

b.
GALAW NG MGA PANGYAYARI

Iniuulit ang ilang mahahalagang tagpo sa mga kabanatadahil ang nobela ay


nalalayo sa karaniwang pagkakasulat ng mga nobelang sadyang ipinaaklat
(Anonuevo, 1997).”

Napansin din naming mga mambabasa ang nakasaad saitaas. Ang kwento ay
isang tuluyang nobela na batay sa istrakturamg isang magasin. Naging
kapana-panabik ang mga pangyayarinobela dahil ang awtor ay tila lumikha
ng isang pelikula. Maaari ringpara kaming nakikinig sa isang drama sa radyo
dahil sa agos ngkwento.

Ang paksang „gahasa‟ ang nangibabaw at nagsilbing pundasyon ng kwento.


Maigi ang transisyon ng mga pangyayari atdumadaloy ito ng husto. Hindi
nakakalito ang mga eksena atnagagawa pang balikan ang mga mahahalagang
detalye. Ito ayisang paraan upang huwag makaligtaan ang mga
importantengbahagi.Gagana ang magiging malikot ang mga imahinasyon ng
mgamambabasa sa oras na umpisahan nila ang nobela.

IV.
PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN
a.
KALAGAYANG SOSYAL NG MGA TAUHAN
Mariing pinapakita ng nobela ang kalagayan sa lipunan ngbawat karaker. Isa
itong konsepto ng kwento kung saan ang isangmayamang lalaki ay
magkakagusto sa isang mahirap lamang nababae. Ngunit hindi ganoon kadali
ang ikot ng kwento.Si Rafael ay isang edukado, mayaman at sunod sa layaw
natao. Sa kwento mariing makikita na sinoportahan ng kabuuangkatauhan ni
Rafael ng mga tauhan na sina Nick, ang kaniyangkaibigang may ari ng isang
kumpanya, si Margarita, isang operasinger na napangasawa niya at ang
kaniya pang ibang barkada na may sinasabi rin sa buhay. Sa kabilang banda
naman ay pinapakitaang baligtad na katauhan ng bidang babae sa nobela. Si
Ligaya aymahirap lamang at hindi nakapag-aral.Naipakita sa akdang ito kung
paano nakakaapekto angestado ng buhay sa nagiging karakter ng isang tao.
Dahil sapagiging mayaman at laki sa layaw ni Rafael ay nagagawa
niyangpaglaruan lamang ang babaeng nasa paligid niya. Dahil na rin
sapagiging sosyal, liberated at modernong babae ni Margarita aynaipakita
ritong wala siya gaanong pagpapahalaga sa kasal atayos lamang sa kaniya
ang pumatol pa sa iba kahit may asawa nasiya. Makikita rin dito na kahit
mahirap ay may disiplina atpagpapahalaga sa puri at dangal si Ligaya. At
bilang isangbabaeng may babaerong asawa, si Marina naman ay aping-api
attila walang kalaban laban sa nobela.
b.
KULTURANG PILIPINO
Umiikot ang kwento sa panahon ng martial-post martial lawtime, ito ang
umpisa ng pagiging liberal ng mga Pilipino dahil na rinsa pagkamulat ng
kanilang diwa at damdamin upang maibalik angdemokrasya sa bansa. Sa
panahong ito ay talamak ang karahasan.Ang nobela ay nagsasaad ng
kalituhan sa kultura ng mga karakter noong kanilang dekada. Makikita dito
ang nalalapit namodernisasyon at liberasyong impluwensiya ng
mga kanluranin.Sa karakter ni Marina, matatandaan na siya ang asawa
ngbabaerong si Nick, makikita ang pag-uugali ng mga Pilipino nakinikimkim
lamang nila ang lahat ngunit kapag hindi na nilamakayanan ay ang kaisa-
isang bagay na natitira na lamang sakanila ay magigising bigla mula sa
matagal na pagiging manhid atmaghahasik ng isang rebolusyon. Maraming
beses na itongnaipakita sa ating kasaysayan mula sa Sigaw sa Pugad
Lawinhanggang sa Edsa Revolution noong panahon ng Martial Law
kungsaan sama-sama ang lumaban upang makamit ang demokrasyang ating
bansa.Makikita rin dito na bagaman may impluwensiya na ng mgakanluranin
ang ibang babaeng karakter sa nobela, ang karakter niLigaya naman ay
nagpapakita ng pagiging isang DalagangPilipina. Siya ay may konserbatibo
ang pananaw tungkol sa sex,relasyon at iba pang pagbabago sa lipunan.
Maingat siya sakanyang puri at mayumi sa lahat ng kanyang kilos.Makikita
rin dito ang kaugalian ng mga Pilipino na magiliwtumanggap ng mga bisita,
sa kwento kahit na mahirap lamang sinaLigaya at Aling Selya ay hindi
matatawaran ang pagsistema nila kayRafael na isang panauhin.
May ilan namang kapansin-pansing tradisyon at kulturangPilipino na
impluwensiya naman mula sa mga banyaga. Isa na ritoang paggugunita at
pagdiriwang ng mga okasyon na maykaugnay sa aral ng Relihiyong Katoliko,
gaya ng pagkakaroon ngbinyag.Mapapansin sa nobela ang nakaugaliang
seremonya nabinyag. Sa prosesong ito nagiging inaanak ng mga ninong
atninang ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at
magkaka-kumadre ang mga magulang at ang nag-anak na ninong at ninang.
Kultura na rito sa Pilipinas angpagbibigay din ang mga ninong at ninang ng
regalong pakimkim,na maaaring salapi o bagay. Pagkatapos ng binyag ay
isangmalaking handaan.Makikita rin sa nobela ang isa sa impluwensiya ng
Tsina naFixed Marriage, kung saan ang mga magulang ang pumipili ngtaong
ipakakasal nila sa kanilang anak. Nangyari ito kina Rafael atMargarita.

c.
PILOSOPIYANG PILIPINO
May iilang pilisopiyang Pilipino ang mariing mapapansin sanobela.
Maliwanag ang mga katauhan ng mga kalalakihan sanobela at mistulang sila
ang palaging tama at palaging nasusunod.

Naging matibay ang pagkakatatag ng prinsipyo ngmachismo sa nobela dahil


ang mga lalake sa istorya ay sadyangnakakaimpluwensya. Makikita ito sa
pagsasama nina Rafael atMargarita kung saan ang desisyon ni Rafael dapat
ang masusunodkung hihiwalayan niya ang asawa o hindi. Una ring
hinihingan ngpayo ni Rafael ang kaniyang biyenang lalaki
at ama.Isang pilosopiya pang lumitaw dito ay ang konsepto ngpagkakaroon
ng „Utang Na Loob‟.Ito ang pagkilala ng isang tao sakabutihang nagawa ng
kanyang kapwa. Sa nobela, tumanaw ngisang malaking utang na loob sina
Aling Sela at Ligaya sa kabutihanni Rafael dahil sa paggamot nito sa mga
mata ni Ligaya. Dahil sautang na loob na iyon ay ginawa ng mag-anak na
ninong si Rafael,at hinango rin nila ang pangalan ng bata sa lalaki.
Isa na rin dito ang Konsepto ng „Bahala Na‟. Ito ay isangidyomatikong
pariralang ginagamit ng mga Pilipino nanangangahulugang “Ang Diyos na
ang maglalaan” o “Ang Diyos na ang magtatadhana”.Pinakakahulugan din ng
maiklingpananalitang nito ang “Tingnan natin kung ano ang
mangyari,””Tingnan natin kung ano ang magaganap ‘pag dating ng
takdangpanahon,” o “Mangyari na ang dapat maganap. Ganito
angpilosopiyang umiral kay Rafael matapos niyang magahasa si
Ligaya.Bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod pagkataposniyang
ibigay ang sulat at pera dahil inuusig siya ng kaniyangkonsensiya.

d.
SIMBOLISMONG PILIPINO
Sinisimbolo ni Rafael ang isang indibidwal na naiipit satransisyon ng modern
at tradisyunal na tao. Sa nobela, makikita angpagiging modern niya dahil sa
mga bisyo at pagiging laki sa layawniya. Siya ay nakapag-aral at nagkaroon
ng propesyon. Sa kabilangbanda naman makikita ang kaniyang pagiging
tradisyunal kungsaan naghangad siya ng isang mabuting pagsasama
ngmagasawa at pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.Samantala, si
Margarita naman ang sumisimbolo sa saliberismong umiiral sa bansa.
Marahil naimpluwensyahan siya ngpagiging opera singer at namulat siya sa
mga maka-kanluraningbagay-bagay. Inilarawan rin siya ni Rafael bilang
extreme modernwoman dahil okay lang sa babaeng ito na magkaroon ng
babae siRafael habang siya naman ay mayroon ring lover. Makikita rin
angkaniyang pagiging liberated nang magkomento siya sa kwento
ngpaggahasa kay Ligaya. Sinabi niya na kung siya ang papipiliin, ayoslang
naman daw na maggahasa dahil binigyan naman raw siLigaya ng limampung
libong piso.
Si Ligaya ang sumisimbolo sa pagiging isang
Dalagang Pilipina.Hindi maipagkakaila na maliwanag ang kanyang pagiisip
hinggil sapagbangon mula sa pagkakasadlak sa kahirapan. Isa
siyangtradisyonal na babae dahil sa kanyang pagiingat sa kanyang puri atang
pagiging mayumi sa lahat ng kanyang kilos.Si Marina naman ang
sumisimbolo sa pagiging isangrebulusyonaryo ng mga Pilipino. Nasa
karurukan ng kapangyarihanni Marcos at kasukdulan ang mga karahasan ng
Martial Law noonkaya maaring siya ang ginamit na instrumento upang
ipakita angmga kagaya niyang handang magrebolusyon alang alang sa
atingbansa upang makamit ang kasarinlan.
V.
PAMPANITIKANG PAGTATALAKAY
PANLIPUNAN
Ang nobelang “Ang Lalaki sa Dilim” ay isang akdangsumasalamin ng iba‟t

-ibang uri ng tao sa lipunan at kung paano silagumalaw sa loob nito. Ang
mga tauhan ay kumilos ayon sa kanilangkatayuang sosyal. Umiikot ang
kwento sa ilang bagay natumatalakay sa ilang panlipunang isyu ngayon.
Unang bagay,nakita sa nobela kung paano gamitin ng mga may
kapangyarihanang pera upang mapatakbo ang mundo, kung paano
itinabingang pera sa pagkakasala, at kung paano itinuwid ng pera ang
kabaluktutan. Sunod, lantad din sa akda kung paaano nagbungaang
kamunduhan at tawag ng laman kung paanong may namatayna buhay at
namatay na pangarap dahil sa pagnanasa. Ipinakitarin dito ang sitwasyon ng
relasyong walang komunikasyon sa loobng pamilya. Isa pang bagay na nakita
dito ay ang pangangalagasa tinatawag na propesyon at imahe. Ang mga
nakatataas aylaging gumagawa ng paraan, mabuti man o masama,
maburalang ang mantsa sa pangalan nilang sila mismo ang gumawa.

PANG-MORAL
Sa nobelang ito, naipakita ng may-akda ang naging epektokay Rafael ng
imoral na bagay na kanyang nagawa, angpanggagahasa. Dito inilahad kung
paano nahirapan si Rafael naharapin ang kanyang pang-araw-araw na buhay
matapos niyangangkinin sa dilim ang bulag na si Ligaya. Marahil, nais
iparating ngmay-akda sa mga mambabasa ang maaring maging epekto
ngisang maling gawi. Patuloy kang uusigin ng iyong konsensya
atpaniguradong darating ang araw na pagbabayaran mo ito. Sakwento,
gumawa si Rafael ng paraan para matulong si Ligaya.Naibsan nito ang
mabigat na pakiramdam na kanyang nadaramasa tuwing pumapasok sa
kanyang isipan ang masama niyangnagawa sa bulag na si Ligaya. Ngunit sa
reyalidad, hindi sapat nakabayaran ng iyong kasalanan ang pagbibigay ng
tulong o pera.

Iwasan masangkot sa ganitong gulo. Kontrolin ang sarili at


matakotsa Diyos.Ang lihim na relasyon ni Margarita at Nick ay masasabi
ringimoral na gawi. Nagawa nilang pagtaksilan si rafal na kapwamalapit sa
kanilang dalawa. Tahasang ipinagbabawal angpakikiapid ayon sa ating
Saligang Batas at maging sa batas ngDiyos. Sa kaso ni Margarita at Rafael,
humantong ang kanilangpagsasama sa paghihiwalay dahil sa kasalanang
nagawa niMargarita at Nick. Sa totoong buhay, ang isang pagsasama
nasusubukin ng ganitong problema ay maari ring humantong sahiwalayan
kun hindi mapag-uusapan nang maigi ang problema.Ngunit upang hindi na
humantong dito, huwag ng subukan pa o nisumagi lamang sa iyong isip ang
pagtataksil sa iyong kapareha sabuhay. Kapag ito ay iyong nagawa, may
sapat na kabayaran angnaghihintay sa iyo. Maaari ka ng makulong, maaari
pang mawalasa iyo ang iyong pamilya.
PANG-ARKETIPO
Sa akdang Lalaki sa Dilim, mapapansing hindi literal ang

pagkakahulugan sa salitang “dilim” bagkus ito ay ginamit upang


ilarawan ang buhay ng isang lalaking sa kabila ng karangyaan sabuhay ay
hindi pa rin ganap ang kanyang kaligayahang natatamasa. Dahilan nga ito
upang maghanap siya ng ibangpagkakaabalahan na nagdulot sa kanyang ng
pagkalulong saisang hindi magandang gawi, at iyon ay ang pagkikipagtalik.
Dahildin dito ay hindi niya sinasadyang makagawa ng masama sa
isangbabaeng bulag na walang nagawa kundi tanggapin na lamangang
kalunos-lunos na pangyayari sa kanyang buhay.Samanala, sa akda ng ating
pambansang bayani na si Dr. JoseRizal na El Filibusterismo,
ay isinalaysay ang buhay ni Simoun, isangmayamang mag-aalahas at
tagapayo ng Kapitan-Heneral, nanagbalik upang maghiganti sa mga taong
naging dahilan ngpaghihirap niya noong siya ay kilala pa bilang Crisostomo
Ibarra.Mapapansin na tulad ni Rafael sa akdang Lalaki sa Dilim, ay hindi
rinmasaya si Simoun sa kanyang buhay sa kabila ng karangyaangtinatamasa.
Siya ay tila nababalot ng poot at ng pagnanasangmaghiganti. Ito rin ang
dahilan upang makagawa siya ng masamasa kapwa at madamay kahit ang
mga taong walang kinalaman sakanyang paghihiganti.Kung ating susuriin,
nagkakahawig ang kwento ng dalawangtauhan sa aspetong pareho silang
nababalot sa kadiliman ngbuhay na nag-udyok sa kanila upang makagawa ng
kamalian sakapwa na sa bandang huli naman ay pinilit nilang maitama.
PANG-SIKOLOHIKAL AT SOSYOLOHIKALSosyolohikal
Ang isa sa suliraning mababasa sa akda ay ang madamingbabaeng mababa
ang lipad. Sa istoryang ito ay nagiging naturalna gawain ng bida ang uminom
ng minom at mambabae. Ditonag-umpisang masira ang pundasyon ng isang
matibay na pamilya.Nasolusyunan ito ni Rafael ng kanyang iniwasan ang
pagsama samga kaibigan ang gabi-gabing pagtambay sa klab at gumawa
ngkasalanan. Mas pinili niyang manatili sa asawa at gawin angkanyang
responsibilidad bilang haligi ng tahanan.Ang paglaganap ng krimen lalung

lalo na ang paglobo ngbilang ng mga babaing nagagahasa. Ito ay naging isa
sa suliraninna kinaharap ng bida. Dahil sa kanyang kalasingan at kawalan
ngkatinuan sa sarili ang bagay na hindi naman niya dapat magagawaay
kanyang nagawa at gahasain ang babae na may kapansanan.Ito ang nagtulak
kay Rafael na maging matino sapagkat sa bawataraw na kanyang maiisip at
bawat oras na siya ay binabagabag ngkanyang konsensya ay kanyang
napagtanto na muli ang kanyangginawa at maling tao pa ang ginawan niya ng
bagay na ito.Kanyang nasolusyunan ang problema sa pamamagitan
ngpagtuong sa babaeng bulag, mula sa kapansanan nito hanggang sa
pinansiyal ng pamilyang hikahos. Ipinagtapat din niya sa huli angbuong
katotohanan humanap lamang siya ng tamang oras paramasabi ang lahat.
Sikolohikal
Sa istorya ng lalaki sa dilim, ang bidang lalaki na si Rafael angnaging sentro
ng lahat. Si Rafael ay isang lalaki na ang tanging hiligay lumabas kasama ang
mga kaibigan na sina Nick at Lucas. Angpagpunta sa klab, pag-inom at
pakikipaglaro sa mga babangnagtatrabaho sa lugar. Subalit ng si Rafael ay
ipinakakasal kayMargarita na botong boto ang niya ay kailangan niyang
baguhinlahat ng kanyang nakagawian. Pero hindi pa rin niya mabago
angsarili at gawing maging mabuting asawa na lumagay na lamang
satahimik. Dahil sa pangyayaring naganap sa buhay ng bida, kungsaan sa di
sinasdya ay nakapanghalay siya ng isang bulag nababae. Ito ang nagtulak sa
kanya na ayusing ang buhay niyangmagulo. Ang klinik niyang matagal ng
nakasara ay kaniyangbinuksan sa unang pagkakataon upang matulungan ang
babaingnaging biktima niya nang siya ay nasa panahon ng kadiliman.Naging
abala siya sa kaniyang klinika upang asikasuhin ang bulag na babae. Maging
responsable at naging tapat na rin itong asawakay Margarita.Nang malaman
niyang siya ay niloloko ng kanyang kabiyak atng kanyang kaibigan ay
nagsimula na siyang magbago ng tuluyan.Lalo siyang nagpursige na tulungan
ang babaing kanyangkinaaawaan at kany na ring nagustuhan sa paglipas ng
mga araw.
VI.
TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaringpayak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang
daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at
laging nagtatapos nang maykaayusan.Sa nobela makikitang payak ang mga
pangyayari at lubos nabinigyang diin ang pag-iibigan ng dalawang
pangunahing tauhanna kapwa magkaiba ang estado sa buhay. Si Rafael ay
nabibilangsa alta syodad, samantalang si Ligaya ay mahirap at bulag.
Kahitang nobela ay nag-umpisa sa isang masalimuot na pangyayari,
sabandang huli ay makikita ang pangkaraniwang wakas. Ang bawat karakter
ay nagkaayos, ang mga kontrabida ay napaparusahan, atang pangunahing
tauhan na nagkakaibigan ay nagkatuluyan.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ngpagpapakita ng
mga salig (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala,
pananaw, pagkatao) sa isangtauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na
ang tao aynagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil maynag-
udyok na mabago o mabuo ito.Sa nobela maariing pinakita ang pagbabago ng
pag-uugali,paniniwala, pananaw, at pagkatao ni Rafael matapos
niyangmaggahasa si Ligaya at matapos siyang ikasal
kay Margarita.Noong una ay laki siya sa layaw, tomador at walang ibang
ginawakundi manloko at gumamit ng babae. Ngunit matapos niyangmagawan
ng kasalanan si Ligaya, unti-unti siyang inusig ngkonsensya niya at kasabay
noon ang mga naging pababagongniyakap niya sa buhay niya. Nang ikasal
sila ni Margarita ay tuluyanna niyang iniwan ang masamang imahe niya sa
nakaraan. Nagingresponsableng asawa siya at doktor sa mga pasyente.
Masasabingsiya ay naghangad ng isang mabuting pagsasama ng magasawaat
pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.
Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang mahusay na halimbawa ngisang
akdang modernista na kung saan ang tanging gusto aymagkaroon ng isang
malaking pagbabago upang magingmaginhawa ang pamumuhay ng bawat
isa. Higit pa riyan,nakalikha si Pascual ng isang karakter na naipit sa isang
sukdulangkasalanan at ang tanging nais ay malinis niya ang bahid ng
sarilingputik.

Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba‟t ibang paraan

ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sakapwa,


bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda nagagawin at gagawin
ng isang nilalang ang lahat upang maipaalamlamang ang kanyang pag-ibig sa
tao o bayang napupusuan.Malinaw na ang nobela ay may teoryang
romantisismo, ito aykwneto ng pag-ibig ng isang mayamang lalaki na
nagahasa angisang mahirap na babae. Inusig siya ng kaniyang konsensya
kayabinigyan niya ng pera ang babae ngunit hindi siya nagpakilala.Bilang
isang duktor sa mata ay siya ang gumamot dito. Nagingmalapit sila ng babae.
Hindi inaasahang may nabuong bata palanoong gabing nagahasa niya ito
kaya nabuntis si Ligaya. Sa huli aynabigyan rin ng hustisya si Ligaya at sa
bandang huli dahil natanggap nito ang pagkatao ng lalaking lumapastangan
sakanyang puri at naghari ang pagibig, hindi ang galit at mapapaitna
emosyon.

Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba‟t ibang

pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao

angpamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mgapilosopiya o


proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ngisang kilos o ugali ayon
sa pamantayang itinakda ng lipunan. Samadaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rinsa kaantasan nito.Lubos dito tinalakay ang
mga paksang maaring hindi angkopsa mga bata, gaya ng sex, prostitusyon,
gahasa at pagtataksil saasawa. Ang mga nabanggit ay mga immoral na
gawain sa atinglipunan. Ngunit dahil sa impluwensya ng banyaga, nakita dito
naang mga karakter ay pilit na ginagawa ito na hindi naman akma
sakulturang Pilipino. Sa bandang huli ay nanaig ang mensahengpahalagahan
natin ang ating kapurihan hanggang sa makapag-asawa na tayo.At kahit nasa
modernong panahon na ay maganda
pa rin kung ang mga babae‟y aakto gay

a ng mga DalagangPilipina.

VII.
IMPLIKASYONA.
KALAGAYANG PANLIPUNAN O PAMBANSA
Ang akda ay patungkol hindi lamang sa isang krimen bagamatang
paghahambing at paglalahad ng buhay at paniniwala ng ngdalawang antas ng
buhay: mahirap at mayaman. Masasabi mangparehas Pilipino ang mga bida,
nagiging malaki pa rin angpartisipasyon at impluwensiya ng lipunan sa
paghulog ng ngkaisipan at damdamin ng isang indibidwal. Dahil tumira
atnakamulatan din ang kaisipang kanluranin ng ilang krakter sa akda,may
ibang gawain na ipinilit nilang gawin na hindi naman akma sakulturang
Pilipino. Gaya ng pakikiapid, sa ibang bansa ay normal ito,ngunit sa Pilipinas
ay hindi.Masasabi rin na ang batas sa Pilipinas ng walang ngipin.Walang
ngipin para sa mga taong walang boses. Kawawa anghindi naaninag ang
kamunduhan ngunit mas kahabaghabag angmga sumamong hindi naririnig.
Ang lipunan ng mahihirap ay mundo ng mga matiisin at naaapi at sa
mayayaman ay ang mundo ngmga mapagkubli at ayaw marungisan ang
panagalang iniingatan.Samakatuwid ang akda ay umiikot sa isang mahirap
ngpinagsamantalhan, mga mayamang pinasok ng kaisipangkanluranin at
isang krimeng hindi napagbayaran sa batas.Ang akdang ito ay isang patunay
na ang buhay ay maaringmagkaroon ng magandang katapusan ngunit may
malubak nasimulain.
B.
KALAGAYANG PANSALIRI
Malaki ang naging implikasyon ng akda sa amin bilang isangmambabasa
nito. Pagtutuunan ko ng pansin ang kalinisang puri ngkababaihan at ang
kasagraduhan ng kasal maging angpagtaguyod sa sarili.Naging maganda ang
pag-atake ng may-akda sa kalinisan ngisang babae. Nagawa ng may-akda na
ikumpara ang dalawangbabae rito. Si Ligaya at si Margarita. Si Ligaya
na walang bahid ngkarumihan ang puri at may paninindihan kung mag-
isipsamantalang si Margarita ay masasabing hindi napangalagaan
angkapurihan hanggang sa makapag- asawa. Si Ligaya na dapattularan ng
mga Pilipina na buo ang isip at damdamin kungmagdesisyon at siyang
maypagpapahalaga sa buhay. Sa kabilang banda, si Margarita na inaatupag
lamang ang mga bagay namakakapagpasaya sa kanya.Ang kasagraduhan din
ng kasal ay napakahalaga ngunit sakabilang banda ay dinala tayo ng may-
akda sa isang sitwasyonkung saan ang kasal ay isang kasunduan lamang at
ginawa upangtugunanan ang tawag ng laman.Napagtanto rin naming na hindi
dapat sinusukuan nangbuhay. Lahat ng bagay ay ginawa ng may dahilan
dapat lamangnating hanapin ang positibong aspeto ng mga pangyayari.
Hinditayo dapat ng nagtutuon sa mga negatibong pangyayari dahil itoay
magdudulot lamang pagkalinlang n gating isipan. Magagawaang lahat kung
ipauubaya sa Diyos samahan pa ng paggawa
Pagsusuring Pampanitikan

Sandaang Damit ni Fanny A. Garcia

I. Panimula

Ang panitikang susuriin ay maikling kwento. Ang maikling kwento ay isang maiksing
salaysay na tungkol sa isang mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan at problema lamang. Ang maikling kwento ay may
limang uri, ito ay ang trahedya, komedya, satira, romansa at realismo.

II. Pormalistiko

A. Buod

May isang batang mahirap na tahimik lang palagi sa kanyang klase. Ang kanyang damit
ay luma na at tinapay lamang ang kanyang baon palagi. At ang mga bagay na ito ang
dahilan kung bagit siya inaasar ng kanyang mga kaklase. At naiintindihan niya ang
sitwasyon ng kanilang pamilya. At isang araw biglang nagkatinig ang bata,
nagmamalaking sinabi na mayroon siyang isandaang damit. Ikinuwento niya sa kanila
ang bawat detalye ng kanyang damit. At simula noon ay naging malapit na siya sa
kanyang mga kaklase.

Ngunit nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang kanyang mga guro at
ka-eskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang bata sa kanilang tahanan. At
nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya ang kaagad nilang hinanap
kundi ang sandaang damit ng bata, at nakita nila itong nakadikit sa dinding, isandaang
damit na pawing mga drowing lamang

B. Mga Elemento

1. Paksa- tungkol ito sa pakikipagkapwa ng isang batang babae sa kanyang mga


kaklase gamit ang pagsisinungaling.

2. Tagpuan- sa eskwelahan at bahay ng batang babae

3. Tauhan

· Batang Bababe- protagonist sa kwento, nagsinungaling


· Ina ng batang babae- tauhang lapad sa kwento.

· Mga Kaklase ng batang babae- mga tauhang bilog sa kwento.

4. Banghay

a. Panimula

May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang kanyang
pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging nasa isang sulok.

b. Saglit na Kakintalan

Kapag nakaupo na’y tila ipinagkit. Laging nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot
lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas pa kung magsalita. Naging mahiyain siya
sapagkat maaga niyang natuklasang kaiba ang kanyang kalagayan sa mga kaklase.
Ipinakita at ipinabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang
kanilang damit na pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang
kanyang damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at punung-
puno ng sulsi.

Kapag oras na ng kainan at labasan na ng kani-kanilang pagkain, halos ayaw niyang


ilitaw ang kanyang baon. Itatago niya sa kandungan ang kanyang pagkain, pipiraso ng
pakonti-konti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi malaman ng mga kaklase ang
kanyang dalang pagkain. Sa sulok ng kanyang mata ay masusulyapan niya ang mga
pagkaing nakadispley sa ibabaw ng pupitre ng mga kaklase: mansanas, sandwiches,
kending may iba-ibang hugis at kulay na pambalot na palara.

c. Papataas na Aksyon

Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagwawakas sa kanyang mga damit. Tatangkain
nilang silipin kung ano ang kanyang pagkain at sila’y magtatawanan kapag nakita nilang
ang kanyang baon ay isa lamang pirasong tinapay na karaniwa’y walang palaman. Kaya
lumayo siya sa kanila. Naging walang kibo. Mapag-isa. Ang nangyayaring ito’y hindi
naman lingid sa kanyang ina. Sa bahay ay di minsan o makalawa siyang umuuwing
umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase, at siya’y magsusumbong. Mapapakagat-labi
ang kanyang ina, matagal itong hindi makakakibo, at sabay haplos nito sa kanyang buhok
at paalong sasabihin sa kanya, hayaan mo sila anak, huwag mo silang pansinin, hamo,
kapag nakakuha ng maraming pera ang iyong ama, makakapagbaon ka na rin ng
masasarap na pagkain, mabibili na rin kita ng maraming damit.
d. Kasukdulan

At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama’y hindi pa rin nakapag-uwi ng
maraming pera kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ngunit ang bata’y unti-unting
nakaunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang makibahagi sa malaking suliranin
ng kanilang pamilya. Natutuhan niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga
kaklase. Hindi na siya umuuwing umiiyak. Hindi na siya nagsusumbong sa kanyang ina.
Sa kanyang pagiging tahimik ay ipinalalagay ng kanyang mga kaklase na siya’y kanilang
talun-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pambubuska. Lumang damit. Di masarap
na pagkain. Mahirap. Isinalaksak nila sa kanyang isip. Hanggang isang araw ay natuto
siyang lumaban. Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na
batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang laging
kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong walanng magawa
ang kanyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang tinutukso.

“Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalakiing tinig, “ako’y may sandaang damit sa
bahay.”

Nagkatinginan ang kanyang mga kaklase, hindi sila makapaniwala.

“Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?”

Mabilis ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit. Ayokong
maluma agad.”

“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami maniwala!” Iisang tinig na sabi nila
sa batang mahirap.

“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin
ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o
bulaklak.”

At nagsimula na nga siyang malarawa ng kanyang mga damit. Ayon sa kanya’y may
damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang pambahay, pantulog,
pampaaralan, pansimbahan, at iba pa. Naging mahaba ang kanyang pagkukuwento.
Paano’y inilarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kanyang
sandaang damit. Tulad halimbawa ng isang damit na pandalo niya sa pagtitipon.
Makintab na rosas ang tela nito na sinabugan ng pinaggupit-gupit na mumunting bulaklak
at makikislap na rosas at puting abaloryo. Bolga ang manggas. May tig-isang malaking
laso sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya’y ang kanyang
dilaw na pantulog na may prutas sa kuwelyo, manggas, at laylayan. O ang kanyang
putting pansimba na may malapad na sinturon at malalaking bulsa.

e. Pababang Aksyon

Mula noo’y naging kaibigan niya ang mga kaklase. Ngayo’y siya ang naging
tagapagsalita at sila naman ang kanyang tagapakinig. Lahat sila’y natutuwa sa kanyang
kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kanyang pagkamahiyain. Naging
masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kanyang pamamayat kahit ngayo’y
nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang baong mansanas o sandwich, isa o dalawang
kendi.

f. Wakas

Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may
sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang
linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kanyang mga kaklase at guro.

Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang
natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang
babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na
kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa
isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala.
Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang
mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na
kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel
na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa sa kanyang sandaang damit.
Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kanyang naikuwento. Totoo’t naroon ang
sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng
kanyang pantulog, ang kanyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na
kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago’t iniingatan
niya sa bahay.

Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.

g. Tunggalian

Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa lipunan dahil sa panghuhusga ng mga kaklase
ng batang babae sa kanya.
5. Paningin- ang paningin sa kwento ay nasa third person.

III. Teoryang Pampanitikan

A. Ang teoryang pampanitikan ay ang mga teorya na ginagamit ng isang manunulat


bilang paksa o paraan upang isulat ang isang akda. Ang mga sumusunod ay mga
halimbawa ng teoryang pampanitikan.

1. Teoryang Pormalistiko- ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang


nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan.

2. Teoryang Eksistensyalismo- ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan


ang tao na pumili o magdesisyon pa ra sa kanyang sarili na siyang nakasentro sa
pananatili sa mundo.

3. Teoryang Romantisismo- ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang
paraan ng tao o sumasagisag sa tao ang pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakihan.

4. Teoryang Realismo- ang layunin ng teoryang realismo ay ipakita ang mga


karanasan, ipakita ang mga nasaksihan ng may akda sa lipunan, hango sa totoong buhay.

5. Teoryang Moralistiko- ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang


pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao, ang pamantayan ng tama at mali.

6. Teoryang Bayograpikal- naniniwala ang mga bayograpikalista na ang manunulat


ay nagsusulat ng mga bagay na personal niyang naranasan at nakikita sa kanyang paligid.

7. Teoryang Feminismo- ito’y teoryang pampanitikang nag-ugat sa malalim na


paniniwala na sa kamay ng kalalakihan hindi makatarungan ang representasyong
ibinibigay sa mga kababaihan.

8. Teoryang Queer- kung ang babae ay may feminismo at ang mga nasa lipunan na
homosexual ay may queer (gender and sexuality).

9. Teoryang Historikal- ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang


lipi ng tao sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang pagkahubog.
10. Teoryang Markismo-Feminismo- ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t
ibang paraan ng kababaihan ng pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.

B. Ang aking gagamitin na teoryang pampanitikan sa pagsusuri ay ang Teoryang


Markismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumaagisag sa tao ay
may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.

C. At gaya ng sa kwento, gumawa ng paraan ang batang babae ng paraan upang


maiwasan ang panunukso sa kanya ng kanyang mga kaklase. Siya ay nagsinungaling sa
kanyang mga kaklase upang hindi na siya tuksuhin ng mga ito. Kahit na masama ang
kanyang pamamaraan, nagtagumpay naman siyang makuha ang respeto at tiwala ng
kanyang mga ka-eskwela.

IV. Reaksyon

Kakaiba ang maikling kwentong ito dahil bata ang nagsinungaling. Di tulad sa ibang
kwento na karaniwan ay matatanda ang palaging naghihiganti at gumagawa ng mga
bagay na masama. Simple lamang ang kwento pero naisalaysay naman ito ng maayos at
mahusay, madali itong makakuha ng pansin ng mga mambabasa.

Dianne Milioga

You might also like