You are on page 1of 16

BUOD NG NOBELA

Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangRafael Cuevas. Isang espesyalista sa mata.
Nakagawa siya ng isangmalagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ngkanyang mga
kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa niyang gahasain
ang babaingkahaghabaghabag ang kalagayan. Isang bulag at maralita angkanyang ninakawan ng
kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi

nakilala ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.

Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa


nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa,binigyan niya ito ng P50,
000.00 kasama ang liham na nagsasabingsakanya din magpagamot ng mata upang masingil
lamang ngkaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyangnagawang kasalan kay Ligaya
na nagkataong isinunod sa kanyangpangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang
nagawangkabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling
anak.

Sa kanilang pagsasama ni Margarita ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang kanyang
kaibigan. Nagkaroon ng lama tangkanilang samahan na humatong din sa hiwalayan. Ang napang-
asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae. TotallyAmericanized, sabi nga sa nobela.
Para kay Margarita ayos lang namagkaroon siya ng lover at gayon din si Rafael basta
magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t isa. Isang araw habang
nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang sakanya ang isang balitang napatay si
Margarita atNick sa isang otel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni Nick
na matagal ng nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at
makapatay ito.Sa huli ay nagawa rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Selaang ina ni Ligaya na
siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy sakatawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na
papakasalan niya siLigaya.

III.

PAGSUSURI.
ISTILO NG PAGLALAHAD

Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang halimbawa ng isangakdang modernista na kung saan ang
tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking pagbabago upang maging maginhawa
angpamumuhay ng bawat isa. Nilikha ni Pascual ang isang karakter nanaipit sa isang sukdulang
kasalanan at ang tanging nais ay malinisniya ang bahid ng sariling putik.Mahahalata mula sa
pagbabasa ang paulit-ulit napagbanggit ng may-akda sa mga naganap na tagpo. Sadyangginawa
at pinanatili ng awtor ang ganoong istilo upang ipakita naang kwento ay isang tuluyang nobela
na batay sa istruktura ngisang magasin.Bagaman sa kabuuan ay namayani sa nobela ang
atingsariling wika, kapansin-pansin pa rin ang ilang pagsulpot ng wikangIngles sa pagdaan ng
kwento. Dahil na rin sa hinaluan ito ng ilangwikang Ingles na madali namang intindihin, naging
payak at simpleang daloy ng pagpapalit ng linya ng mga karakter. Naging realistikoat natural ang
pag-uusap ng mga karakter.Ang nobela rin ay gumamit ng isang sentimental at
romantikonggenre ng kwento dahil ang paksa ay tungkol sa pag-iibigan ng isang lalaki at babae.

B.

TAYUTAY NA GINAMIT

Iilang tayutay lamang ang napansin at nabasa sa nobelang itodahil gumamit ang awtor ng mga
simple at direktangpangungusap.

Wala ka ng ibang ginagawa kundi magtalaksan ng girlfriend.(PATALINGHAGA O ALLEGORY)-Ang


pahayag ay tumutukoy sa hindi literal na kahulugan ngmga salita. Sa pahayag na ito mapapansin
na ang literal na kahulugan ng “magtalaksan” ay punong kahoy na panggatong na pinagpatung-
patong sa isang talaksan. Ngunitsa pahayag ay patalinghaga itong sinabi na ang
ibigipagkahulugan ay nag-iipon ng mga babae ang anak upangmapunan ang apoy ng kandungan
nito.

Madilim ang tingin niya sa paligid na para bang ang araw aynilambungan ng takipsilim.
(PERSONIFICATION O PAGBIBIGAYKATAUHAN)-Pinakikilos na tulad ng tao ang mga bagay at sa
tayutay naito ay pinapahayag sa pamamagitan ng mga pandiwa. Angnilambungan ay pagtakip sa
isang bagay gamit ang angmantel.

Kumagat na ang gabi. (PERSONIFICATION O PAGBIBIGAYKATAUHAN)-Gaya ng nauna, pinakikilos


na tulad ng tao ang mga bagayat sa tayutay na ito ay pinapahayag sa pamamagitan ng
mgapandiwa. Ang ibig sabihin ng kumagat na ang gabi ay sumapitna ang kadiliman sa paligid.

1.

PANSIN AT PUNA

TAUHAN

Ang mga lalaki sa nobela ang siyang nangingibabaw.Pinatunayan iyan ng ilang karakter. Si Rafael
bilang isangmayamang duktor, ang sentro ng lahat. Samantala ang mgababae naman ay siyang
mahihina ang kalagayan. Makikita iyan sakarakter nina Ligaya, isang babaeng bulag, mahirap at
ginahasa, siMargarita na natuksong makipag-relasyon sa ibang lalaki, at siMarina na tila aping-
api dahil sa babaerong asawa. Ang siklo ngkarahasan ay pinasiklab ng mga lalaki at nalagot
lamang sapagsapit sa kawing-kawing na katauhan ng mga babae.

RAFAEL CUEVAS-

Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklamsuklam ang kaniyang karakter. Babaero, tomador at


nagawa pang manggahasa ng isang babaeng bulag. Ngunit sakalaunan ay makikita ang parteng
liwanag ng kaniyangpagiging isang lalaki sa dilim. Makikita na kahit ganoon siya aymay
konsensiya naman pala siya. Mahalaga na napagtantoniyang ang mga masasamang gawain niya
dati aybumubulag sa kaniyang pandama upang makita ang ibapang magaganda at mahahalagang
bagay dito sa daigdig.Mahalaga ang kaniyang papel na ginagampanan dahil isasiyang patunay na
pwede bang magbago ang tao kungnanaisin lang niya. Hindi pa huli ang lahat, matuto lang
tayongtanggapin ang ating kamalian at maging handa at gustuhinang pagbabagong nais nating
gawin sa ating mgasariliupang maging maginhawa ang ating pamumuhay atpakikisalamuha sa
ibang tao. Masaya kaming nga nagbabasadahil sa dulo ay luminaw ang paningin ni Rafel dahil sa
pag-ibig. Ngunit ang maipipintas naming sa kaniya ay hinahayaanniya na lang lokohin siya ng
kaniyang asawa at gawing tangahuwag lang masira ang kaniyang pangalan at puri. Dapat
aynagpakatotoo siya sa kaniyang sarili.

NICK CUERPO-

Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya‟t hindi nakita ang kaniyang responsibilidad sa
asawa at mga anak. Isang karakter na hindi dapat tularan ng mga lalakiat maging ng mga
kababaihan. Wala ng ibang ginawa kundipasakitan ang pobreng asawa na si Marina. Kung si
Rafael ay nagawang mabago, siya ay kahit sa katapusan ng kwento ayhindi nakita ang liwanag na
dapat niyang sundin. Namataysiya kasama ang kalaguyong si Margarita. Isa siyang patunayna sa
kasalukuyan at sa totoong buhay, may mga taong bulagpa rin sa kanilang mga responsibilidad at
hindi pa rin alamkung ano ang tama at mali. Dapat lamang ang kaniyangkarakter sa kwento dahil
siya ang magsisilbing eye opener samga mambabasa na kung ikaw ay may ginagawang
hindikaaaya aya, dapat mo lang itong pagbayaran at pagsisihansa huli. Huwag hintayin ang
panahong sisingilin ka na ngpanahon.Hangga‟t maaga ay magbago na.

MARGARITA CARRASCO-

Si Margarita, bagaman galing saisang sosyal, edukado at disenteng pamilya ay nagawa paring
magtaksil sa asawa. Isang opera singer na natuksongmaglunoy sa ibang kandungan. Ginusto niya,
gawa ngkaraniwang tao, ang tunay na relasyon ng lalaki at babae.Masasabing pangit sa panangin
ang karakter ni Margarita. Isarin siyang karakter na hindi dapat gayahin. Dahil na rin
saimplwensya ng mga kanluranin, iba ang pananaw niya sakasal at pakikipagtalik. Siya ang
sumisimbolo sa liberismo.Nabulag siya sa kaniyang sariling kahinaan. Nagpatangay siyasa
pambobola ni Nick. Natural na mahihina ang mga babaengunit hindi dapat ito gawing lisensya
upang pumasok sa isangmagulo at immoral na sitwasyon. Gaya ng karakter ni Nick, siya ang
magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kungikaw ay may ginagawang hindi kaaaya aya,
dapat mo langitong pagbayaran at pagsisihan sa huli.

LIGAYA-

Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sasikat ng araw ang kaniyang pagpapahalaga sa
sarili. Nagingmatatag siya sa kaniyang pagbangon mula sa nalasap nakarahasan mula sa lalaki sa
dilim na si Rafael. Hindi nga siyanakapag-aral ngunit kahanga-hanga ang kaniyang mgaprinsipyo
sa buhay. Kapwa siya at ang kaniyang inang si

Aling Selya

ang sumisimbolo sa liwanag na dapat makita ng mgatao. Kahit mahirap lamang sila ay maalam
sila sa buhay. Silaang dapat gahayin ng mga mambabasa. Si Ligaya kahit nasinapit isang kalunos
lunos na pangyayari at nabuo ito, piniliniyang huwag ipalaglag ang bungang iyon. Maganda
angprinsipyo niyang palalakihin niya ang bata dahil bigay iyon ngDiyos. Handa siyang bumangon
at itayo muli ang kaniyangmga paa. Si Aling Selya naman ay handang gumabay saanak. Handa rin
itong magsakripisyo upang mabigyan ngkinabukasan ang mg anak sa hirap man o ginhawa.
Totoongkahanga-hanga ang pagkakabuo sa kanilang mga karakter.

MARINA CUERPO-

Isang inang mapagmahal sa kaniyanganak at handang ipaglaban ang mga ito hanggang
sakamatayan. Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping api siya dahil sa kaniyang babaerong
asawa ngunit lubos na nagtitiispara sa mga anak. Hindi naming siya masisisi kung nagawaman
niyang paslangin ang kaniyang sariling asawa. Sagad nasagad na siya. Ngunit ang mali lang doon
ay nagpatangaysiya sa nararamdaman niya. Inilagay niya sa sariling mgakamay ang batas. Siya ay
nabulag na galit at sobra-sobrangpagmamahal sa anak. Dapat lamang siyang gayahain saparaan
ng pag-aalaga at pagmamahal sa anak ngunithuwag gayahin ang kaniyang pagiging mahina.
Dapat aymaging mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal naparaan upang malutas ang
problema.

b.

GALAW NG MGA PANGYAYARI


Iniuulit ang ilang mahahalagang tagpo sa mga kabanatadahil ang nobela ay nalalayo sa
karaniwang pagkakasulat ng mga nobelang sadyang ipinaaklat (Anonuevo, 1997).”

Napansin din naming mga mambabasa ang nakasaad saitaas. Ang kwento ay isang tuluyang
nobela na batay sa istrakturamg isang magasin. Naging kapana-panabik ang mga
pangyayarinobela dahil ang awtor ay tila lumikha ng isang pelikula. Maaari ringpara kaming
nakikinig sa isang drama sa radyo dahil sa agos ngkwento.

Ang paksang „gahasa‟ ang nangibabaw at nagsilbing pundasyon ng kwento. Maigi ang transisyon
ng mga pangyayari atdumadaloy ito ng husto. Hindi nakakalito ang mga eksena atnagagawa pang
balikan ang mga mahahalagang detalye. Ito ayisang paraan upang huwag makaligtaan ang mga
importantengbahagi.Gagana ang magiging malikot ang mga imahinasyon ng mgamambabasa sa
oras na umpisahan nila ang nobela.

IV.

PAGPAPAHALAGA AYON SA NILALAMAN

a.

KALAGAYANG SOSYAL NG MGA TAUHAN

Mariing pinapakita ng nobela ang kalagayan sa lipunan ngbawat karaker. Isa itong konsepto ng
kwento kung saan ang isangmayamang lalaki ay magkakagusto sa isang mahirap lamang
nababae. Ngunit hindi ganoon kadali ang ikot ng kwento.Si Rafael ay isang edukado, mayaman at
sunod sa layaw natao. Sa kwento mariing makikita na sinoportahan ng kabuuangkatauhan ni
Rafael ng mga tauhan na sina Nick, ang kaniyangkaibigang may ari ng isang kumpanya, si
Margarita, isang operasinger na napangasawa niya at ang kaniya pang ibang barkada na may
sinasabi rin sa buhay. Sa kabilang banda naman ay pinapakitaang baligtad na katauhan ng bidang
babae sa nobela. Si Ligaya aymahirap lamang at hindi nakapag-aral.Naipakita sa akdang ito kung
paano nakakaapekto angestado ng buhay sa nagiging karakter ng isang tao. Dahil sapagiging
mayaman at laki sa layaw ni Rafael ay nagagawa niyangpaglaruan lamang ang babaeng nasa
paligid niya. Dahil na rin sapagiging sosyal, liberated at modernong babae ni Margarita
aynaipakita ritong wala siya gaanong pagpapahalaga sa kasal atayos lamang sa kaniya ang
pumatol pa sa iba kahit may asawa nasiya. Makikita rin dito na kahit mahirap ay may disiplina
atpagpapahalaga sa puri at dangal si Ligaya. At bilang isangbabaeng may babaerong asawa, si
Marina naman ay aping-api attila walang kalaban laban sa nobela.

b.

KULTURANG PILIPINO

Umiikot ang kwento sa panahon ng martial-post martial lawtime, ito ang umpisa ng pagiging
liberal ng mga Pilipino dahil na rinsa pagkamulat ng kanilang diwa at damdamin upang maibalik
angdemokrasya sa bansa. Sa panahong ito ay talamak ang karahasan.Ang nobela ay nagsasaad
ng kalituhan sa kultura ng mga karakter noong kanilang dekada. Makikita dito ang nalalapit
namodernisasyon at liberasyong impluwensiya ng mga kanluranin.Sa karakter ni Marina,
matatandaan na siya ang asawa ngbabaerong si Nick, makikita ang pag-uugali ng mga Pilipino
nakinikimkim lamang nila ang lahat ngunit kapag hindi na nilamakayanan ay ang kaisa-isang
bagay na natitira na lamang sakanila ay magigising bigla mula sa matagal na pagiging manhid
atmaghahasik ng isang rebolusyon. Maraming beses na itongnaipakita sa ating kasaysayan mula
sa Sigaw sa Pugad Lawinhanggang sa Edsa Revolution noong panahon ng Martial Law kungsaan
sama-sama ang lumaban upang makamit ang demokrasyang ating bansa.Makikita rin dito na
bagaman may impluwensiya na ng mgakanluranin ang ibang babaeng karakter sa nobela, ang
karakter niLigaya naman ay nagpapakita ng pagiging isang DalagangPilipina. Siya ay may
konserbatibo ang pananaw tungkol sa sex,relasyon at iba pang pagbabago sa lipunan. Maingat
siya sakanyang puri at mayumi sa lahat ng kanyang kilos.Makikita rin dito ang kaugalian ng mga
Pilipino na magiliwtumanggap ng mga bisita, sa kwento kahit na mahirap lamang sinaLigaya at
Aling Selya ay hindi matatawaran ang pagsistema nila kayRafael na isang panauhin.

May ilan namang kapansin-pansing tradisyon at kulturangPilipino na impluwensiya naman mula


sa mga banyaga. Isa na ritoang paggugunita at pagdiriwang ng mga okasyon na maykaugnay sa
aral ng Relihiyong Katoliko, gaya ng pagkakaroon ngbinyag.Mapapansin sa nobela ang
nakaugaliang seremonya nabinyag. Sa prosesong ito nagiging inaanak ng mga ninong atninang
ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at magkaka-kumadre ang mga
magulang at ang nag-anak na ninong at ninang. Kultura na rito sa Pilipinas angpagbibigay din ang
mga ninong at ninang ng regalong pakimkim,na maaaring salapi o bagay. Pagkatapos ng binyag
ay isangmalaking handaan.Makikita rin sa nobela ang isa sa impluwensiya ng Tsina naFixed
Marriage, kung saan ang mga magulang ang pumipili ngtaong ipakakasal nila sa kanilang anak.
Nangyari ito kina Rafael atMargarita.

c.

PILOSOPIYANG PILIPINO

May iilang pilisopiyang Pilipino ang mariing mapapansin sanobela. Maliwanag ang mga katauhan
ng mga kalalakihan sanobela at mistulang sila ang palaging tama at palaging nasusunod.

Naging matibay ang pagkakatatag ng prinsipyo ngmachismo sa nobela dahil ang mga lalake sa
istorya ay sadyangnakakaimpluwensya. Makikita ito sa pagsasama nina Rafael atMargarita kung
saan ang desisyon ni Rafael dapat ang masusunodkung hihiwalayan niya ang asawa o hindi. Una
ring hinihingan ngpayo ni Rafael ang kaniyang biyenang lalaki at ama.Isang pilosopiya pang
lumitaw dito ay ang konsepto ngpagkakaroon ng „Utang Na Loob‟.Ito ang pagkilala ng isang tao
sakabutihang nagawa ng kanyang kapwa. Sa nobela, tumanaw ngisang malaking utang na loob
sina Aling Sela at Ligaya sa kabutihanni Rafael dahil sa paggamot nito sa mga mata ni Ligaya.
Dahil sautang na loob na iyon ay ginawa ng mag-anak na ninong si Rafael,at hinango rin nila ang
pangalan ng bata sa lalaki.

Isa na rin dito ang Konsepto ng „Bahala Na‟. Ito ay isangidyomatikong pariralang ginagamit ng
mga Pilipino nanangangahulugang “Ang Diyos na ang maglalaan” o “Ang Diyos na ang
magtatadhana”.Pinakakahulugan din ng maiklingpananalitang nito ang “Tingnan natin kung ano
ang mangyari,””Tingnan natin kung ano ang magaganap ‘pag dating ng takdangpanahon,” o
“Mangyari na ang dapat maganap. Ganito angpilosopiyang umiral kay Rafael matapos niyang
magahasa si Ligaya.Bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod pagkataposniyang ibigay ang
sulat at pera dahil inuusig siya ng kaniyangkonsensiya.

d.

SIMBOLISMONG PILIPINO
Sinisimbolo ni Rafael ang isang indibidwal na naiipit satransisyon ng modern at tradisyunal na
tao. Sa nobela, makikita angpagiging modern niya dahil sa mga bisyo at pagiging laki sa
layawniya. Siya ay nakapag-aral at nagkaroon ng propesyon. Sa kabilangbanda naman makikita
ang kaniyang pagiging tradisyunal kungsaan naghangad siya ng isang mabuting pagsasama
ngmagasawa at pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.Samantala, si Margarita naman
ang sumisimbolo sa saliberismong umiiral sa bansa. Marahil naimpluwensyahan siya ngpagiging
opera singer at namulat siya sa mga maka-kanluraningbagay-bagay. Inilarawan rin siya ni Rafael
bilang extreme modernwoman dahil okay lang sa babaeng ito na magkaroon ng babae siRafael
habang siya naman ay mayroon ring lover. Makikita rin angkaniyang pagiging liberated nang
magkomento siya sa kwento ngpaggahasa kay Ligaya. Sinabi niya na kung siya ang papipiliin,
ayoslang naman daw na maggahasa dahil binigyan naman raw siLigaya ng limampung libong
piso.

Si Ligaya ang sumisimbolo sa pagiging isang Dalagang Pilipina.Hindi maipagkakaila na maliwanag


ang kanyang pagiisip hinggil sapagbangon mula sa pagkakasadlak sa kahirapan. Isa
siyangtradisyonal na babae dahil sa kanyang pagiingat sa kanyang puri atang pagiging mayumi sa
lahat ng kanyang kilos.Si Marina naman ang sumisimbolo sa pagiging isangrebulusyonaryo ng
mga Pilipino. Nasa karurukan ng kapangyarihanni Marcos at kasukdulan ang mga karahasan ng
Martial Law noonkaya maaring siya ang ginamit na instrumento upang ipakita angmga kagaya
niyang handang magrebolusyon alang alang sa atingbansa upang makamit ang kasarinlan.

V.

PAMPANITIKANG PAGTATALAKAY

PANLIPUNAN

Ang nobelang “Ang Lalaki sa Dilim” ay isang akdangsumasalamin ng iba‟t

-ibang uri ng tao sa lipunan at kung paano silagumalaw sa loob nito. Ang mga tauhan ay kumilos
ayon sa kanilangkatayuang sosyal. Umiikot ang kwento sa ilang bagay natumatalakay sa ilang
panlipunang isyu ngayon. Unang bagay,nakita sa nobela kung paano gamitin ng mga may
kapangyarihanang pera upang mapatakbo ang mundo, kung paano itinabingang pera sa
pagkakasala, at kung paano itinuwid ng pera ang kabaluktutan. Sunod, lantad din sa akda kung
paaano nagbungaang kamunduhan at tawag ng laman kung paanong may namatayna buhay at
namatay na pangarap dahil sa pagnanasa. Ipinakitarin dito ang sitwasyon ng relasyong walang
komunikasyon sa loobng pamilya. Isa pang bagay na nakita dito ay ang pangangalagasa tinatawag
na propesyon at imahe. Ang mga nakatataas aylaging gumagawa ng paraan, mabuti man o
masama, maburalang ang mantsa sa pangalan nilang sila mismo ang gumawa.

PANG-MORAL

Sa nobelang ito, naipakita ng may-akda ang naging epektokay Rafael ng imoral na bagay na
kanyang nagawa, angpanggagahasa. Dito inilahad kung paano nahirapan si Rafael naharapin ang
kanyang pang-araw-araw na buhay matapos niyangangkinin sa dilim ang bulag na si Ligaya.
Marahil, nais iparating ngmay-akda sa mga mambabasa ang maaring maging epekto ngisang
maling gawi. Patuloy kang uusigin ng iyong konsensya atpaniguradong darating ang araw na
pagbabayaran mo ito. Sakwento, gumawa si Rafael ng paraan para matulong si Ligaya.Naibsan
nito ang mabigat na pakiramdam na kanyang nadaramasa tuwing pumapasok sa kanyang isipan
ang masama niyangnagawa sa bulag na si Ligaya. Ngunit sa reyalidad, hindi sapat nakabayaran ng
iyong kasalanan ang pagbibigay ng tulong o pera.

Iwasan masangkot sa ganitong gulo. Kontrolin ang sarili at matakotsa Diyos.Ang lihim na relasyon
ni Margarita at Nick ay masasabi ringimoral na gawi. Nagawa nilang pagtaksilan si rafal na
kapwamalapit sa kanilang dalawa. Tahasang ipinagbabawal angpakikiapid ayon sa ating Saligang
Batas at maging sa batas ngDiyos. Sa kaso ni Margarita at Rafael, humantong ang
kanilangpagsasama sa paghihiwalay dahil sa kasalanang nagawa niMargarita at Nick. Sa totoong
buhay, ang isang pagsasama nasusubukin ng ganitong problema ay maari ring humantong
sahiwalayan kun hindi mapag-uusapan nang maigi ang problema.Ngunit upang hindi na
humantong dito, huwag ng subukan pa o nisumagi lamang sa iyong isip ang pagtataksil sa iyong
kapareha sabuhay. Kapag ito ay iyong nagawa, may sapat na kabayaran angnaghihintay sa iyo.
Maaari ka ng makulong, maaari pang mawalasa iyo ang iyong pamilya.

PANG-ARKETIPO

Sa akdang Lalaki sa Dilim, mapapansing hindi literal ang

pagkakahulugan sa salitang “dilim” bagkus ito ay ginamit upang


ilarawan ang buhay ng isang lalaking sa kabila ng karangyaan sabuhay ay hindi pa rin ganap ang
kanyang kaligayahang natatamasa. Dahilan nga ito upang maghanap siya ng
ibangpagkakaabalahan na nagdulot sa kanyang ng pagkalulong saisang hindi magandang gawi, at
iyon ay ang pagkikipagtalik. Dahildin dito ay hindi niya sinasadyang makagawa ng masama sa
isangbabaeng bulag na walang nagawa kundi tanggapin na lamangang kalunos-lunos na
pangyayari sa kanyang buhay.Samanala, sa akda ng ating pambansang bayani na si Dr. JoseRizal
na El Filibusterismo, ay isinalaysay ang buhay ni Simoun, isangmayamang mag-aalahas at
tagapayo ng Kapitan-Heneral, nanagbalik upang maghiganti sa mga taong naging dahilan
ngpaghihirap niya noong siya ay kilala pa bilang Crisostomo Ibarra.Mapapansin na tulad ni Rafael
sa akdang Lalaki sa Dilim, ay hindi rinmasaya si Simoun sa kanyang buhay sa kabila ng
karangyaangtinatamasa. Siya ay tila nababalot ng poot at ng pagnanasangmaghiganti. Ito rin ang
dahilan upang makagawa siya ng masamasa kapwa at madamay kahit ang mga taong walang
kinalaman sakanyang paghihiganti.Kung ating susuriin, nagkakahawig ang kwento ng
dalawangtauhan sa aspetong pareho silang nababalot sa kadiliman ngbuhay na nag-udyok sa
kanila upang makagawa ng kamalian sakapwa na sa bandang huli naman ay pinilit nilang
maitama.

PANG-SIKOLOHIKAL AT SOSYOLOHIKALSosyolohikal

Ang isa sa suliraning mababasa sa akda ay ang madamingbabaeng mababa ang lipad. Sa
istoryang ito ay nagiging naturalna gawain ng bida ang uminom ng minom at mambabae.
Ditonag-umpisang masira ang pundasyon ng isang matibay na pamilya.Nasolusyunan ito ni
Rafael ng kanyang iniwasan ang pagsama samga kaibigan ang gabi-gabing pagtambay sa klab at
gumawa ngkasalanan. Mas pinili niyang manatili sa asawa at gawin angkanyang responsibilidad
bilang haligi ng tahanan.Ang paglaganap ng krimen lalung

lalo na ang paglobo ngbilang ng mga babaing nagagahasa. Ito ay naging isa sa suliraninna
kinaharap ng bida. Dahil sa kanyang kalasingan at kawalan ngkatinuan sa sarili ang bagay na hindi
naman niya dapat magagawaay kanyang nagawa at gahasain ang babae na may kapansanan.Ito
ang nagtulak kay Rafael na maging matino sapagkat sa bawataraw na kanyang maiisip at bawat
oras na siya ay binabagabag ngkanyang konsensya ay kanyang napagtanto na muli ang
kanyangginawa at maling tao pa ang ginawan niya ng bagay na ito.Kanyang nasolusyunan ang
problema sa pamamagitan ngpagtuong sa babaeng bulag, mula sa kapansanan nito hanggang sa
pinansiyal ng pamilyang hikahos. Ipinagtapat din niya sa huli angbuong katotohanan humanap
lamang siya ng tamang oras paramasabi ang lahat.

Sikolohikal

Sa istorya ng lalaki sa dilim, ang bidang lalaki na si Rafael angnaging sentro ng lahat. Si Rafael ay
isang lalaki na ang tanging hiligay lumabas kasama ang mga kaibigan na sina Nick at Lucas.
Angpagpunta sa klab, pag-inom at pakikipaglaro sa mga babangnagtatrabaho sa lugar. Subalit ng
si Rafael ay ipinakakasal kayMargarita na botong boto ang niya ay kailangan niyang baguhinlahat
ng kanyang nakagawian. Pero hindi pa rin niya mabago angsarili at gawing maging mabuting
asawa na lumagay na lamang satahimik. Dahil sa pangyayaring naganap sa buhay ng bida,
kungsaan sa di sinasdya ay nakapanghalay siya ng isang bulag nababae. Ito ang nagtulak sa kanya
na ayusing ang buhay niyangmagulo. Ang klinik niyang matagal ng nakasara ay kaniyangbinuksan
sa unang pagkakataon upang matulungan ang babaingnaging biktima niya nang siya ay nasa
panahon ng kadiliman.Naging abala siya sa kaniyang klinika upang asikasuhin ang bulag na
babae. Maging responsable at naging tapat na rin itong asawakay Margarita.Nang malaman
niyang siya ay niloloko ng kanyang kabiyak atng kanyang kaibigan ay nagsimula na siyang
magbago ng tuluyan.Lalo siyang nagpursige na tulungan ang babaing kanyangkinaaawaan at
kany na ring nagustuhan sa paglipas ng mga araw.

VI.

TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Klasismo/Klasisismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaringpayak, ukol sa pagkakaiba ng estado


sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili
sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang maykaayusan.Sa nobela makikitang payak
ang mga pangyayari at lubos nabinigyang diin ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing
tauhanna kapwa magkaiba ang estado sa buhay. Si Rafael ay nabibilangsa alta syodad,
samantalang si Ligaya ay mahirap at bulag. Kahitang nobela ay nag-umpisa sa isang masalimuot
na pangyayari, sabandang huli ay makikita ang pangkaraniwang wakas. Ang bawat karakter ay
nagkaayos, ang mga kontrabida ay napaparusahan, atang pangunahing tauhan na nagkakaibigan
ay nagkatuluyan.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ngpagpapakita ng mga salig (factor) sa


pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isangtauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao aynagbabago o nagkakaroon ng panibagong
behavior dahil maynag-udyok na mabago o mabuo ito.Sa nobela maariing pinakita ang
pagbabago ng pag-uugali,paniniwala, pananaw, at pagkatao ni Rafael matapos niyangmaggahasa
si Ligaya at matapos siyang ikasal kay Margarita.Noong una ay laki siya sa layaw, tomador at
walang ibang ginawakundi manloko at gumamit ng babae. Ngunit matapos niyangmagawan ng
kasalanan si Ligaya, unti-unti siyang inusig ngkonsensya niya at kasabay noon ang mga naging
pababagongniyakap niya sa buhay niya. Nang ikasal sila ni Margarita ay tuluyanna niyang iniwan
ang masamang imahe niya sa nakaraan. Nagingresponsableng asawa siya at doktor sa mga
pasyente. Masasabingsiya ay naghangad ng isang mabuting pagsasama ng magasawaat
pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.

Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang mahusay na halimbawa ngisang akdang modernista na
kung saan ang tanging gusto aymagkaroon ng isang malaking pagbabago upang
magingmaginhawa ang pamumuhay ng bawat isa. Higit pa riyan,nakalikha si Pascual ng isang
karakter na naipit sa isang sukdulangkasalanan at ang tanging nais ay malinis niya ang bahid ng
sarilingputik.

Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba‟t ibang paraan

ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sakapwa, bansa at mundong


kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda nagagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalamlamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.Malinaw na ang nobela ay
may teoryang romantisismo, ito aykwneto ng pag-ibig ng isang mayamang lalaki na nagahasa
angisang mahirap na babae. Inusig siya ng kaniyang konsensya kayabinigyan niya ng pera ang
babae ngunit hindi siya nagpakilala.Bilang isang duktor sa mata ay siya ang gumamot dito.
Nagingmalapit sila ng babae. Hindi inaasahang may nabuong bata palanoong gabing nagahasa
niya ito kaya nabuntis si Ligaya. Sa huli aynabigyan rin ng hustisya si Ligaya at sa bandang huli
dahil natanggap nito ang pagkatao ng lalaking lumapastangan sakanyang puri at naghari ang
pagibig, hindi ang galit at mapapaitna emosyon.

Teoryang Moralistiko

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba‟t ibang

pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao

angpamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mgapilosopiya o proposisyong


nagsasaad sa pagkatama o kamalian ngisang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng
lipunan. Samadaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rinsa kaantasan
nito.Lubos dito tinalakay ang mga paksang maaring hindi angkopsa mga bata, gaya ng sex,
prostitusyon, gahasa at pagtataksil saasawa. Ang mga nabanggit ay mga immoral na gawain sa
atinglipunan. Ngunit dahil sa impluwensya ng banyaga, nakita dito naang mga karakter ay pilit na
ginagawa ito na hindi naman akma sakulturang Pilipino. Sa bandang huli ay nanaig ang
mensahengpahalagahan natin ang ating kapurihan hanggang sa makapag-asawa na tayo.At kahit
nasa modernong panahon na ay maganda

pa rin kung ang mga babae‟y aakto gay

a ng mga DalagangPilipina.

VII.

IMPLIKASYONA.
KALAGAYANG PANLIPUNAN O PAMBANSA

Ang akda ay patungkol hindi lamang sa isang krimen bagamatang paghahambing at paglalahad
ng buhay at paniniwala ng ngdalawang antas ng buhay: mahirap at mayaman. Masasabi
mangparehas Pilipino ang mga bida, nagiging malaki pa rin angpartisipasyon at impluwensiya ng
lipunan sa paghulog ng ngkaisipan at damdamin ng isang indibidwal. Dahil tumira atnakamulatan
din ang kaisipang kanluranin ng ilang krakter sa akda,may ibang gawain na ipinilit nilang gawin na
hindi naman akma sakulturang Pilipino. Gaya ng pakikiapid, sa ibang bansa ay normal ito,ngunit
sa Pilipinas ay hindi.Masasabi rin na ang batas sa Pilipinas ng walang ngipin.Walang ngipin para
sa mga taong walang boses. Kawawa anghindi naaninag ang kamunduhan ngunit mas
kahabaghabag angmga sumamong hindi naririnig. Ang lipunan ng mahihirap ay mundo ng mga
matiisin at naaapi at sa mayayaman ay ang mundo ngmga mapagkubli at ayaw marungisan ang
panagalang iniingatan.Samakatuwid ang akda ay umiikot sa isang mahirap ngpinagsamantalhan,
mga mayamang pinasok ng kaisipangkanluranin at isang krimeng hindi napagbayaran sa
batas.Ang akdang ito ay isang patunay na ang buhay ay maaringmagkaroon ng magandang
katapusan ngunit may malubak nasimulain.

B.

KALAGAYANG PANSALIRI

Malaki ang naging implikasyon ng akda sa amin bilang isangmambabasa nito. Pagtutuunan ko ng
pansin ang kalinisang puri ngkababaihan at ang kasagraduhan ng kasal maging angpagtaguyod sa
sarili.Naging maganda ang pag-atake ng may-akda sa kalinisan ngisang babae. Nagawa ng may-
akda na ikumpara ang dalawangbabae rito. Si Ligaya at si Margarita. Si Ligaya na walang bahid
ngkarumihan ang puri at may paninindihan kung mag-isipsamantalang si Margarita ay
masasabing hindi napangalagaan angkapurihan hanggang sa makapag- asawa. Si Ligaya na
dapattularan ng mga Pilipina na buo ang isip at damdamin kungmagdesisyon at siyang
maypagpapahalaga sa buhay. Sa kabilang banda, si Margarita na inaatupag lamang ang mga
bagay namakakapagpasaya sa kanya.Ang kasagraduhan din ng kasal ay napakahalaga ngunit
sakabilang banda ay dinala tayo ng may-akda sa isang sitwasyonkung saan ang kasal ay isang
kasunduan lamang at ginawa upangtugunanan ang tawag ng laman.Napagtanto rin naming na
hindi dapat sinusukuan nangbuhay. Lahat ng bagay ay ginawa ng may dahilan dapat
lamangnating hanapin ang positibong aspeto ng mga pangyayari. Hinditayo dapat ng nagtutuon
sa mga negatibong pangyayari dahil itoay magdudulot lamang pagkalinlang n gating isipan.
Magagawaang lahat kung ipauubaya sa Diyos samahan pa ng paggawa.

You might also like