You are on page 1of 5

Charles Joshua S.

Carullo 10-BALTAZAR

Jimmy Reataza

LALAKI SA DILIM

TAUHAN
Ang mga lalaki sa nobela ang siyang nangingibabaw.Pinatunayan iyan ng ilang karakter. Si Rafael bilang
isangmayamang duktor, ang sentro ng lahat. Samantala ang mgababae naman ay siyang mahihina ang
kalagayan. Makikita iyan sakarakter nina Ligaya, isang babaeng bulag, mahirap at ginahasa, siMargarita
na natuksong makipag-relasyon sa ibang lalaki, at siMarina na tila aping-api dahil sa babaerong
asawa. Ang siklo ngkarahasan ay pinasiklab ng mga lalaki at nalagot lamang sapagsapit sa kawing-kawing
na katauhan ng mga babae.

RAFAEL CUEVAS-
Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklamsuklam ang kaniyang karakter. Babaero, tomador at nagawa pang
manggahasa ng isang babaeng bulag. Ngunit sakalaunan ay makikita ang parteng liwanag ng
kaniyangpagiging isang lalaki sa dilim. Makikita na kahit ganoon siya aymay konsensiya naman pala siya.
Mahalaga na napagtantoniyang ang mga masasamang gawain niya dati aybumubulag sa kaniyang
pandama upang makita ang ibapang magaganda at mahahalagang bagay dito sa daigdig.Mahalaga ang
kaniyang papel na ginagampanan dahil isasiyang patunay na pwede bang magbago ang tao kungnanaisin
lang niya. Hindi pa huli ang lahat, matuto lang tayongtanggapin ang ating kamalian at maging handa at
gustuhinang pagbabagong nais nating gawin sa ating
mgasariliupang maging maginhawa ang ating pamumuhay atpakikisalamuha sa ibang tao.
Masaya kaming nga nagbabasadahil sa dulo ay luminaw ang paningin ni Rafel dahil sa pag-ibig. Ngunit
ang maipipintas naming sa kaniya ay hinahayaanniya na lang lokohin siya ng kaniyang asawa at gawing
tangahuwag lang masira ang kaniyang pangalan at puri. Dapat aynagpakatotoo siya sa kaniyang sarili.

NICK CUERPO-
Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya‟t hindi nakita ang kaniyang responsibilidad sa asawa at
mga anak. Isang karakter na hindi dapat tularan ng mga lalakiat maging ng mga kababaihan. Wala ng
ibang ginawa kundipasakitan ang pobreng asawa na si Marina. Kung si Rafael ay nagawang mabago, siya
ay kahit sa katapusan ng kwento ayhindi nakita ang liwanag na dapat niyang sundin. Namataysiya
kasama ang kalaguyong si Margarita. Isa siyang patunayna sa kasalukuyan at sa totoong buhay, may mga
taong bulagpa rin sa kanilang mga responsibilidad at hindi pa rin alamkung ano ang tama at mali. Dapat
lamang ang kaniyangkarakter sa kwento dahil siya ang magsisilbing eye opener  samga mambabasa na
kung ikaw ay may ginagawang hindikaaaya aya, dapat mo lang itong pagbayaran at pagsisihansa huli.
Huwag hintayin ang panahong sisingilin ka na ngpanahon.Hangga‟t maaga ay magbago na.
MARGARITA CARRASCO-
Si Margarita, bagaman galing saisang sosyal, edukado at disenteng pamilya ay nagawa paring magtaksil
sa asawa. Isang opera singer na natuksongmaglunoy sa ibang kandungan. Ginusto niya, gawa
ngkaraniwang tao, ang tunay na relasyon ng lalaki at babae.Masasabing pangit sa panangin ang karakter
ni Margarita. Isarin siyang karakter na hindi dapat gayahin. Dahil na rin saimplwensya ng mga
kanluranin, iba ang pananaw niya sakasal at pakikipagtalik. Siya ang sumisimbolo sa liberismo.Nabulag
siya sa kaniyang sariling kahinaan. Nagpatangay siyasa pambobola ni Nick. Natural na mahihina ang mga
babaengunit hindi dapat ito gawing lisensya upang pumasok sa isangmagulo at immoral na sitwasyon.
Gaya ng karakter ni Nick, siya ang magsisilbing eye opener sa mga mambabasa na kungikaw ay may
ginagawang hindi kaaaya aya, dapat mo langitong pagbayaran at pagsisihan sa huli.

 
LIGAYA-
Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sasikat ng araw ang kaniyang pagpapahalaga sa sarili.
Nagingmatatag siya sa kaniyang pagbangon mula sa nalasap nakarahasan mula sa lalaki sa dilim na si
Rafael. Hindi nga siyanakapag-aral ngunit kahanga-hanga ang kaniyang mgaprinsipyo sa buhay. Kapwa
siya at ang kaniyang inang si

Aling Selya
ang sumisimbolo sa liwanag na dapat makita ng mgatao. Kahit mahirap lamang sila ay maalam sila sa
buhay. Silaang dapat gahayin ng mga mambabasa. Si Ligaya kahit nasinapit isang kalunos lunos na
pangyayari at nabuo ito, piniliniyang huwag ipalaglag ang bungang iyon. Maganda angprinsipyo niyang
palalakihin niya ang bata dahil bigay iyon ngDiyos. Handa siyang bumangon at itayo muli ang
kaniyangmga paa. Si Aling Selya naman ay handang gumabay saanak. Handa rin itong magsakripisyo
upang mabigyan ngkinabukasan ang mg anak sa hirap man o ginhawa. Totoongkahanga-hanga ang
pagkakabuo sa kanilang mga karakter.

MARINA CUERPO-
Isang inang mapagmahal sa kaniyanganak at handang ipaglaban ang mga ito hanggang sakamatayan.
Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping api siya dahil sa kaniyang babaerong asawa ngunit lubos na
nagtitiispara sa mga anak. Hindi naming siya masisisi kung nagawaman niyang paslangin ang kaniyang
sariling asawa. Sagad nasagad na siya. Ngunit ang mali lang doon ay nagpatangaysiya sa nararamdaman
niya. Inilagay niya sa sariling mgakamay ang batas. Siya ay nabulag na galit at sobra-sobrangpagmamahal
sa anak. Dapat lamang siyang gayahain saparaan ng pag-aalaga at pagmamahal sa anak ngunithuwag
gayahin ang kaniyang pagiging mahina. Dapat aymaging mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal
naparaan upang malutas ang problema.

TAGPUAN

-Bahay at klinika ni Rafael.


-Bahay nila Ligaya.
-Nayt klab kung saan nambabae sila Rafael.

PAKSA-

Ang paksa ay tungkol sa pag iibigan ng isang lalaki at babae.

BUOD-
Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang espesyalista sa mata.
Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ng kanyang mga
kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang opera singer.

Nagawa niyang gahasain ang babaing kahabag-habag ang kalagayan. Isang bulag at maralita ang
kanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindi nakilala ang kanyang boses ay
“ligtas” siya sa kanyang kasalanan.

Walang ebidensyang makapagpapatunay. Bilang paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa


nagawa niyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang ginahasa, binigyan niya ito ng P50, 000.00
kasama ang liham na nagsasabing sa kanya din magpagamot ng mata upang masingil lamang ng kaunti
upang hindi makahalata.

Nagbunga ang kanyang nagawang kasalan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyang pangalan
bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawang kabutihan. Naging inaanak niya rin ang bata sa
binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak…..

Aral sa Nobela

Ang aral sa nobelang ito ay huwag kang gagawa ng isang bagay na ikasisira ng ibang tao at higit sa lahat
ikasisira ng iyong buhay. Dahil hindi habang buhay ay maitatago mo ang kasalanang iyong nagawa. Sabi
nga nila walang kasalanan ang hindi mabubunyag.

Maging responsable sa pamilya at maging tapat sa asawa. Mag-iingat sa mga taong iyong
nakakasalamuha dahil sa panahon ngayon wala ng pinipili ang mga masasamang tao. Maging matatag
kahit anuman ang narasanang hindi maganda sa buhay kagaya na lamang ni Ligaya. Naging matatag siya
sa kabila ng kanyang kapansanan at ang panggagahasa sa kanya ni Rafael.

TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Klasismo/Klasisismo
Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaringpayak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang maykaayusan.Sa nobela makikitang payak ang mga
pangyayari at lubos nabinigyang diin ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhanna kapwa
magkaiba ang estado sa buhay. Si Rafael ay nabibilangsa alta syodad, samantalang si Ligaya ay mahirap
at bulag. Kahitang nobela ay nag-umpisa sa isang masalimuot na pangyayari, sabandang huli ay makikita
ang pangkaraniwang wakas. Ang bawat karakter ay nagkaayos, ang mga kontrabida ay napaparusahan,
atang pangunahing tauhan na nagkakaibigan ay nagkatuluyan.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ngpagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo
ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isangtauhan sa kanyang akda.
Ipinakikita sa akda na ang tao aynagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil maynag-udyok
na mabago o mabuo ito.Sa nobela maariing pinakita ang pagbabago ng pag-uugali,paniniwala, pananaw,
at pagkatao ni Rafael matapos niyangmaggahasa si Ligaya at matapos siyang ikasal kay Margarita.Noong
una ay laki siya sa layaw, tomador at walang ibang ginawakundi manloko at gumamit ng babae. Ngunit
matapos niyangmagawan ng kasalanan si Ligaya, unti-unti siyang inusig ngkonsensya niya at kasabay
noon ang mga naging pababagongniyakap niya sa buhay niya. Nang ikasal sila ni Margarita ay tuluyanna
niyang iniwan ang masamang imahe niya sa nakaraan. Nagingresponsableng asawa siya at doktor sa
mga pasyente. Masasabingsiya ay naghangad ng isang mabuting pagsasama ng magasawaat
pinahahalagahan niya ang prinsipyo ng pamilya.

Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang mahusay na halimbawa ngisang akdang modernista na kung saan
ang tanging gusto aymagkaroon ng isang malaking pagbabago upang magingmaginhawa ang
pamumuhay ng bawat isa. Higit pa riyan,nakalikha si Pascual ng isang karakter na naipit sa isang
sukdulangkasalanan at ang tanging nais ay malinis niya ang bahid ng sarilingputik.

Teoryang Romantisismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba‟t ibang paraan

ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sakapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda nagagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalamlamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.Malinaw na ang nobela ay may teoryang romantisismo,
ito aykwneto ng pag-ibig ng isang mayamang lalaki na nagahasa angisang mahirap na babae. Inusig siya
ng kaniyang konsensya kayabinigyan niya ng pera ang babae ngunit hindi siya nagpakilala.Bilang isang
duktor sa mata ay siya ang gumamot dito. Nagingmalapit sila ng babae. Hindi inaasahang may nabuong
bata palanoong gabing nagahasa niya ito kaya nabuntis si Ligaya. Sa huli aynabigyan rin ng hustisya si
Ligaya at sa bandang huli dahil natanggap nito ang pagkatao ng lalaking lumapastangan sakanyang puri
at naghari ang pagibig, hindi ang galit at mapapaitna emosyon.

Teoryang Moralistiko
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba‟t ibang

pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao

angpamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mgapilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ngisang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Samadaling sabi,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rinsa kaantasan nito.Lubos dito tinalakay ang mga paksang
maaring hindi angkopsa mga bata, gaya ng sex, prostitusyon, gahasa at pagtataksil saasawa. Ang mga
nabanggit ay mga immoral na gawain sa atinglipunan. Ngunit dahil sa impluwensya ng banyaga, nakita
dito naang mga karakter ay pilit na ginagawa ito na hindi naman akma sakulturang Pilipino. Sa bandang
huli ay nanaig ang mensahengpahalagahan natin ang ating kapurihan hanggang sa makapag-asawa na
tayo.At kahit nasa modernong panahon na ay maganda

pa rin kung ang mga babae‟y aakto gay

a ng mga DalagangPilipina.
SIMBOLISMONG PILIPINO
Sinisimbolo ni Rafael ang isang indibidwal na naiipit satransisyon ng modern at tradisyunal na tao. Sa
nobela, makikita angpagiging modern niya dahil sa mga bisyo at pagiging laki sa layawniya. Siya ay
nakapag-aral at nagkaroon ng propesyon. Sa kabilangbanda naman makikita ang kaniyang pagiging
tradisyunal kungsaan naghangad siya ng isang mabuting pagsasama ngmagasawa at pinahahalagahan
niya ang prinsipyo ng pamilya.Samantala, si Margarita naman ang sumisimbolo sa saliberismong umiiral
sa bansa. Marahil naimpluwensyahan siya ngpagiging opera singer at namulat siya sa mga maka-
kanluraningbagay-bagay. Inilarawan rin siya ni Rafael bilang extreme modernwoman dahil okay lang sa
babaeng ito na magkaroon ng babae siRafael habang siya naman ay mayroon ring lover. Makikita rin
angkaniyang pagiging liberated nang magkomento siya sa kwento ngpaggahasa kay Ligaya. Sinabi niya
na kung siya ang papipiliin, ayoslang naman daw na maggahasa dahil binigyan naman raw siLigaya ng
limampung libong piso.

Si Ligaya ang sumisimbolo sa pagiging isang Dalagang Pilipina.Hindi maipagkakaila na maliwanag ang
kanyang pagiisip hinggil sapagbangon mula sa pagkakasadlak sa kahirapan. Isa siyangtradisyonal na
babae dahil sa kanyang pagiingat sa kanyang puri atang pagiging mayumi sa lahat ng kanyang kilos.Si
Marina naman ang sumisimbolo sa pagiging isangrebulusyonaryo ng mga Pilipino. Nasa karurukan ng
kapangyarihanni Marcos at kasukdulan ang mga karahasan ng Martial Law noonkaya maaring siya ang
ginamit na instrumento upang ipakita angmga kagaya niyang handang magrebolusyon alang alang sa
atingbansa upang makamit ang kasarinlan.

You might also like