You are on page 1of 11

Pambansang Mataas na Komprehensibong Paaralan ng Lopez.

Lopez, Quezon

Epekto ng pagiging miyembro ng Broken Family sa

pang-akademikong performans sa piling mag-aaral ng

Senior High School ng Pambansang Mataas na

Komprehensibong Paaralan ng Lopez.

MANANALIKSIK:

Barreno, Renz Gabriel

Arela, Princess Mae L.

Batanes, Rubie Ann C.

Besmonte, Zoya Romelle A.

Marciano, Aster Sol Klyne D.


ABSTRAK

I. PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ng mga epekto ng watak watak


na pamilya sa akademikong pag-aaral ng mga mag-aaral ng Pamantasang Mataas na
Komprehensibong Paaralan ng Lopez.

Makapagbigay kaalaman sa iba't ibang epekto ng broken family sa pag-aaral at sa


akademikong performans ng respondents

Maipabatid sa karamihan ang naidudulot ng broken family sa buhay ng


isang estudyante upang magkaroon sila ng kamalayan sa aspetong ito.

II. PAMAMARAAN

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik kung saan


ginamitan ng mga impormasyong hango sa internet. Gumamit din ang mananaliksik ng
pagkuha ng sarbey sa mga kabilang na mag-aaral sa Broken Family sa Senior High
School ng Pambansang Mataas na Komprehensibong Paaralan ng Lopez.

III. LOKASYON

Isinagawa ang pag-aaral sa Pambansang Mataas na Komprehensibong Paaralan


ng Lopez kung saan nangalap ng datos na ginamit sa isang baryabol.

IV. INSTRUMENTO

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng talatanungan sa pagsasarbey at pagsusuri


sa mga mag-aaral na kabilang sa broken family sa loob ng paaralan.

V. HAKBANG

VI. RESULTA
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Ang araling ito ay naglalayong alamin kung ano ang epekto ng pagiging myembro ng
broken family sa pang-akademikong perpformans ng piling mag-aaral ng Senior High School ng
Lopez National Comprehensive High School.

Isang essensyal na parte sa buhay ng tao ang pamilya sa loob nito nabubuo at nahuhubod
ang pangkatao at pagiging sino ng tao, dito nakararanas ng kasiyahan at nakahahanap ng lakas at
insperasyon ang bawat kasapi nito.Makahulugan ang pamilya at malakas ang impluwensyang
naidududulot nito sa buhay ng bawat myembro dahil ito ang tumutugon sa maraming
pangangailangan at atensyon lalo nasa parte ng mga nakababatang kasapi, kayat lubos na
nakaaapekto sa bawat kasapi ng pamilya ang mga desisyon at paiba-ibat pagbago-bagong
relasyon sa isat-isa.

Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at at anak na siyang pinaguugnay at pinagtitibay ng


pagmamahal isat-isa. Sa kasalasukuyan panahon ang pamilya ay maaring maging dalawa bagay,
completo at di-completo. Ang di-completong pamilya o broken family ay ang di-pagiging buo ng
isang pamilya kung saan watak-watak at di-magsama ang isa o hindi pang myembro nito,
pinaniniwalaang bunga ng di-wasto, magulo at di-maayos na pamamalagad sa buhay ang
nagdulot nitp, ito rin marahil ang isa sa mga dahilan ng pagrerebelde at di-malinaw na mga
aksyon ng mga myembro nito. Samantala, ang eskwelahan ay isang pang factor na humuhulma
sa pagkatao natin upang maging produktibo at kapaki-pakinabang sa lipunan. Ang seperasyon,
problema sa pamilya at di-pagkakaunawaan ay ang lalong malaking sanhi ng watak-watak na
pamilya.

Ang magandang samahan ng magulang sa kanilang mga anak ay nakapagpapatibay ng


relasyon nila sa isat-isa, ang matibay na relasyon sa kanilang pamilya ay nakapagpapaunlad ng
asal at pakikitungo sa ibang tao. Ang asal ng isang tao ay maaring makaapekto sa relasyon sa
pamilya. Ang isang taong nanggaling sa broken family ay may ibang pakikitungo at asal sa labas
ng kanilang tahanan pagdating sa pakikisama at pakikipag-halubilo sa ibang tao. Ang mga
magulang ay may ginagampanan espesyal na papel sa pagtataguyod ng asal at pag-uugali ng
kanilang anak sa loob at labas ng tahanan. Dito sa Pilipinas (Philippines), lubhang madami ang
bilang ng mga estudyanteng galling sa broken family na may iisa lamang na magulang. Marami
sa kanila ang nakararanas ng kalungkutan at labis na pananabik sa myembro ng pamilyang
matagal nang di-nakikita o kaya naman ay wala na. Kung minsan ay nahahanap nilang mahirap
at di madali na maipaliwanag ang sarili sa iba ang kanilang nararamdaram.
Kadalasang tumintindi ang lumbay na nararanasan ng isang myembro ng broken family
sa tuwing silay may nakikitang masayang pamilya, madalas nakararamdam sila ng pagkayamot,
pagkagambala at di-pagtanggap. Mahalagang mabago ang ganitong perspektibo at mabigyang
liwanaw sa kanila ang mga epekto na maaring maidulot nito sa kanilang sa sarili at pag-aaral.
Ang pagkakaroon ng isang broken family ay nakaiimpluwensya sa ibat-ibang aspekto ng
kanilang buhay, isa dito ang pag-aaral dahil sa problemang kanilang hinaharap sa loob ng bahay
di maaiwasang mawala ang focus nila sa bagay. Kadalasang naapektuhan ng mga problemang
pangpamilya ang pagaaral ng myembro ng isang broken family kaya madalas na hindi buo ang
atensyon at performans nila sa paaralan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag aaral na ito ay may layuning matukoy ang mga epekto ng pagiging isang
miyembro ng broken family sa pang akademikong performans ng Senior High School sa Lopez
National Comprehensive High School. Upang maging tiyak, ang pag aaral na ito ay naglalayon
na masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang profayl ng respondante

A. Pangalan B. Edad C. Strand

2. Ano ang broken family ?

3. Anu ano ang mga epekto ng pagiging miyembro ng broken family sa pang
akademikong perpformans ng piling mag aaral ng Senior High School sa Lopez National
Comprehensive High School ?

4. Anong programang maaring ibigay sa mga mag aaral na miyembro ng broken family?

TEORETIKAL FRAMEWORK

BALANGKAS NG KONSEPT

SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa epekto ng Broken Family sa piling mag-aaral sa
Senior High School ng Pambansang Mataas na Komprehensibong Paaralan ng Lopez.

Saklaw din ng pag-aaral na malaman kung ano-ano ang ibat- ibang epekto ng pagiging
miyembro ng Broken Family sa pang-akademikong performans.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik na ito layunin ng mga mananaliksik na malaman ang mga epekto ng


pagiging miyembro ng broken family sa pang-akdemikong perpformans ng piling mag-aaral ng
Senior High School ng Pambansang Mataas na Komprehensibong Paaralan ng Lopez. Ang mga
resulta at kalalabasan ng pag aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang para sa mga
sumusunod:

Mga Apektadong Mag-aaral. Ang pag aaral na ito ay naglalayong makatulong sa mga
mag-aaral kung papaano nila haharapin ang mga epekto ng pagiging miyembro ng broken family
at kung paano nila malalampasan o maiigpawan ang mga ito. Makapagbibigay ito sakanila ng
mga karagdagang impormasyon at gayon din sa kanilang mga gagawing pananaliksik ukol sa
paksang ito. Maaari rin nila itong gamitin o maging gabay sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay.

Mga Magulang. Ang mga magulang ang dapat na gumagabay at nag-aaruga sa kanilang
mga supling sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pamilyang nagmamahalan, nagkakaisa at
maligaya. May mga pagkakataong hindi maiiwasang matuks Na bunga ng paghihiwalay ng
bawat panig ng magulang. Ang mga magulang ay nararapat na maging responsable sa paggabay,
pagpapayo at pagmumulat sa kanilang mga anak sa mga ganitong sitwasyon o pangyayari. Ang
pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sakanila na maunawaan ang maaaring maging bunga o
resulta ng broken family sa kanilang mga anak at maliwanagan na huwag maging padalos-dalos
sa desisyon tulad ng paghihiwalay, dapat isaalang-alang at isipin ang kapakanan para sa
ikabubuti ng kanilang mga anak.

Mga Guro. Ang mag-aaral na miyembro na nagmula sa isang sirang tahanan ay may
mabigat na pinagdaraanan at dala-dala sa kanilang puso at isipan na nakakaapekto sa aspeto ng
kanilang pagkatao sa moral, emosyonal, pisikal, sosyal, espiritwal at sikolohikal. Sa pag-aaral na
ito, mas mauunawaan ng mga guro kung bakit nagkakaroon ng di mabuting pag-uugali o asal at
gawi ng mga mga mag-aaral na kabilang sa ganitong estraktura ng pamilya. Sa pamamagitan ng
pananalikisik na ito, magkakaroon ng kamalayan ang mga guro at maaaring maging patnubay ng
mga guro upang akayin sa mabuting landas ang kanilang mga mag aaral na naliligaw ng landas
dahil sa kanilang kinakaharap na suliranin.
Mga susunod na mananaliksik at mga mambabasa. Magsisilbi itong patnubay at
makapagbibigay ng impormasyon sa mga susunod na mananaliksik. Makapagbibigay n
inspirasyon at magkakaroon ang mga mambabasa ng kamalayan sa mga pinagdadaanan ng mga
mag aaral na nagmula sa broken family.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA


Depinisyon at Termenolihiya

Broken Family- sirang pamilya; isang pamilya kung saan ang mga magulang ay hiwalay.

SHS/ Senior High School- programang inilunsad ng departamento ng edukasyon kung saan ang
high school ay binubuk ng anim na taong pag-aaral.

Akademikong performans- lebel ng pag-aaral kung saan matagumpay na nakamit ang


kahusayan sa akademikong pag-aaral.

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Tinatalakay sa kabanatang ito ang ilang literature at pag-aaral ng ibang mananaliksik na


may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral tungkol sa mga epekto ng pagiging miyembro ng
Broken Family sa pang-akademikong perpormans ng piling mag-aaral ng Senior High School ng
Pambansang Mataas na Komprehensibong Paaralan ng Lopez.

KAUGNAY NA LITERATURA

Epekto Ng Broken Family Sa Kabataan In: Social Issues Submitted By Claude101 Words
618 Pages 3 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral ng pananaliksik na ito ay ipinokus
sa mga Epektong naidudulot ng Broken Family sa mga kabataan sa Bulacan State University
sa kursong BS Mathematics major in Computer Science na nasa unang taon lamang. Mga
Kaugnay na Literatura Mayroong isang pangkalahatang impresyon sa ibang bansa ang mga
propesyonal na ang sirang tahanan ay may isang tiyak na epekto sa tagumpayng bata sa paaralan.
Gayunpaman, kaunti lang ang pagtatangka upang makagawa ng isang pang-agham na
pagsisiyasat ng sitwasyon. Ang ulat na ito ay isang resulta ng isang pagsisikap upang pag-aralan
ang mga bagay sa istatistika na paraan. Ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang
tahanan na kung saan ang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa
isang normal na relasyon ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sakamatayan,
diborsiyo, desersyon, o anumang iba pang mga dahilan. kung ang isang abnormal na bahay ay
isang permanenteng epekto sa mga bata, ang kakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain sa
paaralan, ito ay dapat namakikita kapag ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang isang
kapaligiran kumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang normal napamilya.
(Campbell, 1932) Mayroon ding mga negatibong epekto sa mga bata ang pagkamulat sa hiwalay
na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit na marami ang mga nagiging
suliranin sa mga batang pinalaki ng single parents kaysa sa mga batang ginabayan ng parehong
magulang. Ang mga hindi mabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas mataas na tyansya ng
mga sumusunod: hindi pagtatapos ng pag-aaral, sinasadyang pagtigil sa pag-aaral, pakikipagtalo
sa magulang, pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga, pagkalulong sa droga at alak, pagsali sa
mga gang, pangangailangan ng tulong ukol sa mga problemang emosyonal, paggawa ng krimen.

Mayroong isang pangkalahatang impresyon sa ibang bansa ang mga propesyonal


na ang sirang tahanan ay may isang tiyak na epekto sa tagumpay ng bata sa paaralan.
Gayunpaman, kaunti lang ang pagtatangka upang makagawa ng isang pang-agham na
pagsisiyasat ng sitwasyon.

Ayon kay Campbell, 1932 ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na
kung saan ang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa isang normal
na relasyon ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahilan sa kamatayan, diborsiyo,
desersyon, o anumang iba pang mga dahilan. Ang isang abnormal na bahay ay isang
permanenteng epekto sa mga bata, ang kakayahan na gawin ang kanyang mga gawain sa
paaralan, ito ay dapat na makikita kapag ang tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa
isang normal na pamilya.

Gayunpaman, hindi nangangahulugang lahat ng mga batang pinalaki ng solong


magulang ay babagsak sa pare-parehong kapalaran. Maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba
ayon sa sitwasyon. Ang mga batang naninirahan kasama ng nabyudang ina ay magkakaroon ng
ibang karanasan sa mga batang naghiwalay ang mga magulang o hindi kinasal depende sa
kasunduang napagusapan ng dalawang kampo. Mayroon ding mga taong nahuhubog ng maayos,
nakatatapos ng pag aaral at lumalaking may mabuting relasyon sa kapwa sa kabila ng mga
pagsubok na dinaranas sa pagkakaron ng single-parentfamilies.
KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito inilalahad ng mga mananaliksik ang mga pamamaraang ginamit


sa pag-aaral na kapaloob sa bahaging ito ang disenyo ng pananaliksik, populasyon ng
pananaliksik at paglalapat istastikal.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang sarbey o pagpapasagot sa talaan ng


mga katanungan sa mga mag-aaral ng Senior High School ng Pambansang Mataas na
Komprehensibong Paaralan ng Lopez upang malaman ang epekto ng pagiging miyembro ng
Broken Family sa pang-akademikong performans at matukoy kung anong programa/ aksyon ang
maaaring ibigay o implementa sa mga nag-aaral na kabilang sa Broken Family.

POPULASYON NG PANANALIKSIK

Gumamit ang mga mananaliksik ng animnapung (60) piling mag-aaral na miyembro ng


Broken Family na sasagot sa sarbey form na nagmula sa Senior High School ng Pambansang
Mataas na Komprehensibong Paaralan ng Lopez, na tumulong sa mga mananaliksik upang
makakalap ng kaukulang datos kung anong mga epekto ng pagiging miyembro ng Broken
Family na kinahaharap ng mga mag-aaral na kabilang sa ganitong istrakturang pamilya.

PARAANG NG PANANALIKSIK

Una, nagsimula ang mga mananaliksik sa pagbuo ng liham para sa mga guro bilang
paghingi ng pahintulot na masagutan ang sarbey form ng mga mag-aaral na magiging bahagi ng
pag-aaral at bilang pagbibigay galang. Pangalawa, ang pagbuo ng kayarian ng talaan ng mga
epekto ng pagiging miyembro ng broken family. Pangatlo, pangangalap ng datos o pagpapasagot
sa mga mag aaral sa talatanungan sa pamamagitan ng checklist. At ang kahulihan, ay ang
konsulidasyon ng mga sagot upang mabuo ang konkretong kasagutang layon ng pag-aaral.

PAGLALAPAT NG ISTATISTIKAL
CHAPTER 4

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON

You might also like