You are on page 1of 1

• PAGSUSURI.

~ ESTILO NG PAGLALAHAD
Ang nobelang nobelang ito ay halimbawa ng isang akdang modernista na kung saan ang
tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking pagbabago upang guminhawa ang
pamumuhay ng bawat isa. Nilikha ni Pascual ang isang karakter na naipit sa isang
matinding kasalanan at ang tanging nais ay malinis niya ang bahid ng sarili niyang putik.
Mahahalata rin natin mula sa pagbabasa ang paulit-ulit na pagbanggit ng may-akda sa mga
naganap na tagpo. Bagaman sa kabuuan ng nobela ay namayani ang ating sarili nating
wika, kapansin-pansin pa rin ang ilang pagsulpot ng wikang Ingles sa pagdaan ng kwento.
Dahil na rin sa hinaluan ito ng ilang wikang Ingles na madali namang intindihin, naging
simple ang daloy ng pagpapalit ng linya ng mga karakter. Naging natural ang pag-uusap ng
mga karakter. Ang nobela rin ay gumamit ng isang romantikong genre ng kwento dahil ang
paksa ay tungkol sa pag-iibigan ng isang lalaki at babae.
IV.
• BUOD NG NOBELA
Ang kwento ay nagsimula sa isang lalaking nagngangalang Rafael Cuevas. Isang
espesyalista sa mata. Nakagawa siya ng isang malagim na krimen ng gabing bigyan siya
ng "Stag party" ng kanyang mga kaibigan bago pa man siya makasal kay Margarita,isang
opera singer. Nagawa niyang gahasain ang babaing may nakakaawang kalagayan. Isang
bulag at mahirap ang kanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang at hindi
nakilala ng babae ang kanyang boses,ay ligtas ito sa kanyang kasalanan. Walang
ebidensyang makapagpapatunay. Bilang paglilinis niya ng konsensiya sa nagawa niyang
kasalanan kay Ligaya, (ang babaeng kanyang ginahasa),binigyan niya ito ng P50, 000.00
kasama ang sulat na nagsasabing sakanya din magpagamot ng mata. Nagbunga ang
kanyang nagawang kahalayan kay Ligaya na nagkataong isinunod sa kanyang pangalan
bilang pagtanaw ng babae sa kanya.

You might also like