Professional Documents
Culture Documents
SURI SA NOBELA
LALAKI SA DILIM ni BENJAMIN
PASCUAL
I. KAHULUGAN NG PAMAGAT
Sa pamagat pa lamang ng nobela mahihinuha na maykinalaman sa isang
madilim o maling gawain ang lalaki sa nobela. Kaya „Lalaki sa Dilim‟ ang pamagat
nito ay dahil na rin sa ang lalaki sa nobela ay nakagawa ng isang kasalanan noong
sapilitan niyangginahasa ang isang babaeng bulag. Maselang usapin ang
gahasasaanman sa lipunan. Sa nobela makikita kung gaano kabigat anggayon sa
buhay ng isang babaeng bulag at mahirap. Sapambihirang bisa ng panulat ng
may-akda ay itinatampok sanobela ang samotsaring pagtanaw sa gahasa: ang
salapi, dangal,pighati, ugnayan, pag-asa, at iba pang tunggalian o kaisahan. Dito
mababatid na ang pisikal na pagkabulag ng babae ang siyangmagbibigay liwanag
sa katauhang-dilim ng lalaki.
B. MAY-AKDA
BENJAMIN P. PASCUAL
Si Benjamin M. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag,Ilocos Norte. Unang nakilala
bilang matinik na kuwentista si Pascualbago niya sineryoso ang pagiging isang nobelista.
Nagsimula siyangsumulat noong dekada 1950, sumubok mag-ambag sa komiks,hanggang
hiranging maging staffer ng Liwayway. Nagwagi sa DonCarlos Palanca Memorial Awards for
Literature ang kaniyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip AngLangit”
(1981). Nagtamo naman ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines ang nobelang
“Utos ng Hari” noong 1975.Unang nailathala sa Liwayway ang „Lalaki sa Dilim‟ sapamagat na
„Shhhh…Ako ang Lalaki sa Dilim‟ (1976).May-akda rin siyang may pamagat na “Sapalaran,
WalangTanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan at lingguhangisineserye nagyon ng
Liwayway. Tinatayang nakatapos ng 13 nanobela si Pascual, na pinakarurok marahil ang Halik sa
Apoy” (1985). Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda naumiinog sa buhay at
pakikipagsapalaran ng isang lalakingmanunulat. Naging Filipino seksiyon editor si Pascual sa
People’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon ay editor sa popular na Valentine Romances.Makalipas
ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat niPascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas
(UMPIL)noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maiklingkwento, dula,
at nobela.Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.
II. BUOD
Nagsimula ang kwento sa isang lalaking nagngangalangRafael Cuevas. Isang espesyalista sa mata. Nakagawa
siya ng isangmalagim na krimen ng gabing bigyan siya ng Stag party ngkanyang mga kaibigan bago pa man siya
makasal kay Margarita,isang opera singer. Nagawa niyang gahasain ang babaingkahaghabaghabag ang
kalagayan. Isang bulag at maralita angkanyang ninakawan ng kabirhinan. Dahil hindi makakita ang hindinakilala
ang kanyang boses ay “ligtas” siya sa kanyang kasalanan.Walang ebidensyang makapagpapatunay.Bilang
paghuhugas at paglilinis niya ng konsensiya sa nagawaniyang kasalanan kay Ligaya, ang babaeng kanyang
ginahasa,binigyan niya ito ng P50, 000.00 kasama ang liham na nagsasabingsakanya din magpagamot ng mata
upang masingil lamang ngkaunti upang hindi makahalata. Nagbunga ang kanyangnagawang kasalan kay Ligaya na
nagkataong isinunod sa kanyangpangalan bilang pagtanaw ng babae sa kanyang nagawangkabutihan. Naging
inaanak niya rin ang bata sa binyag. Ninong siyang kanyang sariling anak.Sa kanilang pagsasama ni Margarita
ay nagkaroon ito ng lover at ito ay si Nick. Ang kanyang kaibigan. Nagkaroon ng lamat tangkanilang samahan
na humatong din sa hiwalayan. Ang napang-asawa niyang si Margarita ay isang modernong babae.
TotallyAmericanized, sabi nga sa nobela. Para kay Margarita ayos lang namagkaroon siya ng lover at gayon din
si Rafael basta magkaroonlang sila ng pagkakaintinihan ni Rafael at maging totoo sa isa‟t isa. Isang araw
habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael aygumulantang sakanya ang isang balitang napatay si Margarita
atNick sa isang Hotel ng isang babaeng nasa 29 ayos. Ito ay si Marinaang asawa ni Nick na matagal ng
nagtitiis sa mga kabulastugan ngasawa hanggang sa umabot na sa sukdulan at makapatayito.Sa huli ay nagawa
rin niyang aminin kay Ligaya at Aling Selaang ina ni Ligaya na siya ang lalaki sa dilim na noon ay bumaboy
sakatawan ni Ligaya. Malinaw kay Rafael na papakasalan niya siLigaya.
III.PAGSUSURI.
A. ISTILO NG PAGLALAHAD
Umiikot ang kwento sa panahon ng martial-post martial lawtime, ito ang umpisa ng pagiging liberal ng mga Pilipino dahil na
rin a pagkamulat ng kanilang diwa at damdamin upang maibalik ang demokrasya sa bansa. Sa panahong ito ay talamak ang
karahasan. Ang nobela ay nagsasaad ng kalituhan sa kultura ng mga karakter noong kanilang dekada. Makikita dito ang
nalalapit na modernisasyon at liberasyong impluwensiya ng mga kanluranin. Sa karakter ni Marina, matatandaan na siya ang
asawa ng babaerong si Nick, makikita ang pag-uugali ng mga Pilipino na kinikimkim lamang nila ang lahat ngunit kapag hindi na
nila makayanan ay ang kaisa-isang bagay na natitira na lamang sa kanila ay magigising bigla mula sa matagal na pagiging
manhid at maghahasik ng isang rebolusyon. Maraming beses na itong naipakita sa ating kasaysayan mula sa Sigaw sa Pugad
Lawin hanggang sa Edsa Revolution noong panahon ng Martial Law kung saan sama-sama ang lumaban upang makamit ang
demokrasyang ating bansa. Makikita rin dito na bagaman may impluwensiya na ng mga kanluranin ang ibang babaeng karakter
sa nobela, ang karakter ni Ligaya naman ay nagpapakita ng pagiging isang Dalagang Pilipina. Siya ay may konserbatibo ang
pananaw tungkol sa sex,relasyon at iba pang pagbabago sa lipunan. Maingat siya sa kanyang puri at mayumi sa lahat ng
kanyang kilos. Makikita rin dito ang kaugalian ng mga Pilipino na magiliw tumanggap ng mga bisita, sa kwento kahit na
mahirap lamang sina Ligaya at Aling Selya ay hindi matatawaran ang pagsistema nila kay Rafael na isang panauhin.
May ilan namang kapansin-pansing tradisyon at kulturang Pilipino na impluwensiya naman mula sa mga banyaga. Isa na rito
ang paggugunita at pagdiriwang ng mga okasyon na may kaugnay sa aral ng Relihiyong Katoliko, gaya ng pagkakaroon ng
binyag. Mapapansin sa nobela ang nakaugaliang seremonya na binyag. Sa prosesong ito nagiging inaanak ng mga ninong at
ninang ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at magkaka-kumadre ang mga magulang at ang nag-anak na
ninong at ninang. Kultura na rito sa Pilipinas ang pagbibigay din ang mga ninong at ninang ng regalong pakimkim,na maaaring
salapi o bagay. Pagkatapos ng binyag ay isang malaking handaan. Makikita rin sa nobela ang isa sa impluwensiya ng Tsina na
Fixed Marriage, kung saan ang mga magulang ang pumipili ng taong ipakakasal nila sa kanilang anak. Nangyari ito kina Rafael
at Margarita.
C.PILOSOPIYANG PILIPINO
May iilang pilisopiyang Pilipino ang mariing mapapansin sa nobela. Maliwanag ang mga katauhan ng
mga kalalakihan sa nobela at mistulang sila ang palaging tama at palaging nasusunod.
Naging matibay ang pagkakatatag ng prinsipyo ng machismo sa nobela dahil ang mga lalake sa
istorya ay sadyang nakakaimpluwensya. Makikita ito sa pagsasama nina Rafael at Margarita kung
saan ang desisyon ni Rafael dapat ang masusunod kung hihiwalayan niya ang asawa o hindi. Una ring
hinihingan ng payo ni Rafael ang kaniyang biyenang lalaki at ama. Isang pilosopiya pang lumitaw dito
ay ang konsepto ng pagkakaroon ng „Utang Na Loob ‟.Ito ang pagkilala ng isang tao sa kabutihang
nagawa ng kanyang kapwa. Sa nobela, tumanaw ng isang malaking utang na loob sina Aling Sela at
Ligaya sa kabutihanni Rafael dahil sa paggamot nito sa mga mata ni Ligaya. Dahil sa utang na loob na
iyon ay ginawa ng mag-anak na ninong si Rafael,at hinango rin nila ang pangalan ng bata sa lalaki.
Isa na rin dito ang Konsepto ng „Bahala Na ‟. Ito ay isang idyomatikong pariralang ginagamit ng
mga Pilipino na nangangahulugang “Ang Diyos na ang maglalaan” o “Ang Diyos na ang magtatadhana”.
Pinakakahulugan din ng maikling pananalitang nito ang “Tingnan natin kung ano ang mangyari,””Tingnan
natin kung ano ang magaganap ‘pag dating ng takdang panahon,” o “Mangyari na ang dapat maganap.
Ganito ang pilosopiyang umiral kay Rafael matapos niyang magahasa si Ligaya. Bahala na kung ano ang
mangyayari sa susunod pagkatapos niyang ibigay ang sulat at pera dahil inuusig siya ng kaniyang
konsensiya.
D.SIMBOLISMONG PILIPINO