Professional Documents
Culture Documents
Nilikha ng Diyos Ama sa langit ang lahat ng mga bagay ditto sa mundong ibabaw. Nilikha niya ito
nang naaayon sa kanyang kagustuhan at para sa ikabubuti ng kanyang mga nilikha. Walang hinangad ang
ating Amang Diyos kundi ang kabutihan, karangyaan, at kapayapaan para sa ating kanyang nilikha. Oo,
tayong mga tao ang isa sa kanyang nilikha upang maging tagapag-alaga, tagasunod, at taga-ayos ng lahat
ng bagay-bagay ditto sa mundong ibabaw. Marami siyang pag-aari na ipinaubaya sa atin, marami siyang
ipinagkatiwala sapagkat alam niyang tayo ay mabubuting tao na kanyang nilalang upang maghatid at
maghasik ng kabutihan, pagmamahal, pagmamalasakit, at kapayapaan. Ngunit ano ang nangyari? Lahat ba
ng ginawa ng ating Diyos Ama ay nasuklian natin ng kabutihan? Malinaw ang sagot sa tanong na ito
sapagkat kitang-kita mo na ang mga nangyayaring kaganapan ditto sa mundong ibabaw. Nakakalungkot
isipin na ang mundong ginawa niya para sa ating ikakabubuti at ikagiginhawa ay unti-unting naglalaho,
ang nangyayari ditto sa atin,,imulat mo lng ang iyong mga mata at makikita mo kaliwa’t kanan ang gulo at
takot ng mga tao sa kapwa tao. Mga nagpapatayan, nang-aabuso at iba’t ibang uri ng krimen at karahasan.
Ang mga maling Gawain na alam na nating mali pero patuloy parin nating ginagawa. Huwag nating
sayangin ang ibinigay na biyaya at tiwala sa atin ng Diyos Ama. Bagkus ay paunlarin pa natin ito at
pagyamanin sapagkat tanging iyon lamang ang maisusukli natin para sa kanyang kabutihan. Palaganapin
natin ang mga tamang gawa nang naayon sa kanyang plano at kagustuhan. Huwag nating hayaan na
tangayin tayo ng mga masasamang Gawain. Kung nagkamali at nakagawa ng kasalanan magsisi;alisin ang
“Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap
Tulad nga ng sinabing yan ni Isaias, magsisi tayo sa mga ginawang kasalanan. At kung talagang
nagsisisi na iwasan ang mga masasamang gawain at huwag na ulit gagawin. Kasunod nito ay magpakabuti