You are on page 1of 4

DE JESUS, JASMIN B.

Ikalawang Baitang

Paksa 1: ANG DIYOS AMA AY MAKAPANGYARIHAN

(Focus: Diyos na Makapangyarihan)

Layunin: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang:

 Nalalaman na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat.


 Nakakapagtala ng mga mabubuting gagawin sa mga nilikha ng Diyos.
 Nakakapagpasalamat sa Diyos sa Kanyang mga nilikha.
Kahalagahan: pangangalaga sa lahat ng nilikha ng Diyos.

Sitwasyon ng Buhay: Pag-usapan ang iba’t-ibang kakayahan ng mga bata.

Gawain: Pagpapakita ng mga larawan ng kalikasan.

Katanungan:

• Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan?

• Saan ninyo madalas na nakikita ang mga ito?

• Ano ang nararamdaman ninyo sa tuwing nakikita ninyo ang mga ito?

• Sino kaya ang lumikha ng mga ito?

• Ano ang masasabi ninyo tungkol sa Diyos na lumikha ng mga ito?

Buod

Tama! Ang Diyos Ama ang lumikha ng mga ito, at nalaman natin na ang mga
nilikha ng Diyos ay maganda at mabuti na nakakatulong sa ating mga tao, tulad ng
mga ipinakita ko sa inyo na larawan at sa mga iba pang nilikha ng Diyos na nakikita
ninyo. Kapag nakikita natin ang mga ito ay lubos tayong nasisiyahan at namamangaha
dahil sa kagandahan ng mga ito. At nagtatanong tayo kung sino ang lumikha ng mga
ito at kung paano ito nilikha o ginawa? Gusto nyo bang malaman kung paano nilikha ng
Diyos Ama ang lahat ng ito? Halina't makinig tayo sa kwento mula sa Bibliya.
Salita ng Diyos: Genesis 1: 1-31

"Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit, ang lupa ay wala pang hugis o
anyo.... Sinabi ng Diyos magkaroon ng liwanag! At nagkaroon nga.... pinagmasdan ng
Diyos ang lahat ng Kanyang ginawa at lubos Siyang nasiyahan."

Katanungan:

1. Sino ang lumikha ng langit at lupa?

2. Anu-ano pa ang mga nilikha ng Diyos Ama bukod sa langit at lupa?

3. Ilang araw nilikha ng Diyos ama ang lahat ng ito?

4. Ano ang naramdaman ng Diyos Ama sa Kanyang mga nilikha?

5. Bakit lubos na nasiyahan ang Diyos Ama.

Ayon sa kwento na ating narinig, nalaman natin na sa utos ng Diyos Ama nilikha
Niya ang lahat sa loob lamang na anim na araw at nilikha Niya ito ng may kagandahan
at kabutihan.

Pagsasanib ng Sitwasyon ng Buhay at ng Salita ng Diyos.

Ang Diyos Ama ay makapangyarihan sa lahat. Ang Kanyang kapangyarihan ay


pangkalahatan dahil Siya ang tanging lumikha ng buong sanlibutan, katulad na lamang
ng mga ibon sa himpapawid, mga isda sa karagatan, mga puno, mga halaman, at mga
hayop sa lupa na maamo , malalaki at malilit. Mahal ng Diyos ang lahat ng mga nilikha
Niya at ang lahat ng mga ito ay magaganda at mabubuti. Ang mga nilikha ng Diyos ang
ating pinagkukunan ng ating pangangailangan sa araw araw, Gaya ng pagkain, tirahan,
damit at iba pa. Kaya bilang pasasalamat sa mapagmahal na Diyos dahil sa Kanyang
mga nilikha dapat nating mahalin, alagaan , palaguin at ingatan ang mga nilikha Niya .

Pahayag ng Pananampalataya:

Katotohanan:

" Ang Diyos Ama ay makapangyarihan sa lahat." (KIK 268-270, KPK 283, Genesis 17:1)

Ang Diyos Ama ang lumikha ng lahat ng bagay sa mundo. Manlilikha ang
itinatawag natin sa Diyos na makapangyarihan sa lahat. Diyos Amang
nagpahayag o nagpakilala ng Kanyang sarili sa sangnilikha.
Ang Kanyang pagka-Ama at makapangyarihan ay magkaugnay. Dahil ipinapakita
ang Kanyang lubos na kapangyarihan at Ama sa pamamagitan ng paglingap o
pagbigay sa ating pangangailangan at pagaalaga sa atin bilang mga Anak Niya .

Lahat ng mga nilikha o ginawa ng Kanyang kamay ay nagpapahayag ng Kanyang


kapangyarihan, katalinuhan at kabutihan.

Ang Diyos Ama ang tagapaglikha at ang Kanyang kapangyarihan ay isa sa


Kanyang kalooban.

Ang pinakadakila sa lahat ng Kanyang nilikha ay ang tao, at dahil dito tayo ay
pinagkatiwalaan ng Diyos Ama na mangalaga at mahalin ang Kanyang mga
nilikha.

Ano ang nais ng Diyos Ama na gawin ng tao sa sangnilikha ?

Pagsasabuhay:

" Tungkulin ng bawat isa ang mahalin, ingatan at alagaan ang mga nilikha ng Diyos"
(KPK 340-341, KIK 307)

Hindi pinabayaan ng Diyos ang kanyang mga nilikha sapagkat hanggang ngayon
ay patuloy ang kanyang pangangalaga sa ating lahat. Ang tao bilang nilikha ng
Diyos ay tinatawagan na mangalaga sa mga ito upang makapamuhay ng
masagana at masaya.

Ang tao ay inatasang pagharian ang mundo ng may katarungan, at kabanalan


upang sa pamamagitan ng pamumuno sa lahat ng bagay ang pangalan ng Diyos
ay maging dakila sa buong daigdig.

Pagsamba:

"Sa panalangin at tuwing Linggo sa Misa ay pinupuri at pinasasalamatan natin ang


Diyos Ama na makapangyarihan." (Salmo 145:1-3, KPK1496)

Ang Banal na Misa o ang pagsisimba ay pasasalamat natin sa Diyos Ama dahil sa
Kanyang kapangyarihan ay nilikha Niya ang lahat ng bagay sa mundo.

Pinagkalooban Niya ang tao ng mga kakayahan upang mahalin at alagaan ang
Kanyang mga nilikha. At kasama din sa kakayahang ito ang magkaroon ng
paghanga, pagpupuri, pasasalamat sa Kanyang mga nilikha.

Sa ating panalangin at pagsisimba ng may pakikiisa, pakikinig at pagsagot sa


Banal na Misa ay tunay nga tayo na nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos Ama.
Tugon ng Pananampalataya:

Paninindigan:

Naniniwala ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.

Pagtatalaga:

Paano ko iingatan at aalagaan ang mga nilikha ng Diyos?

 Itatapon ko ang basura sa _____________.


 Ang mga hayop ay aking _________.
 Ang mga halaman ay aking _____________.
 Ako ay magtatanim ng __________.
Pagdiriwang: Dasalin ng taimtim.

"Panginoong Diyos hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,


sinasamba ka namin, pinupuri ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan.
At aawitin ”Ang mga Ibon.”

Date Submitted:

Date Checked:

Date Returned:

You might also like