You are on page 1of 84

BANGHAY-ARALIN

SA
IKALAWANG BAITANG
2020-2021
INIHANDA NINA:

SHERRY DIMAYA
MARY GRACE MAGAS
MARY GRACE GOMEZ
WELSIE BONAOBRA
SHERALDINE DOMETITA
CHRISTINE BINAYUG
ELJAY ESTRIMOS
JAYLORD MACALAYA
MARICEL QUINTANA
Ang Banghay Aralin na ito ay gabay ng mga Katekista
sa pagsasagawa ng katekesis sa pampublikong paaralan.
Malayang baguhin ang ilang bahagi ng Banghay Aralin,
maliban sa Pagpapahalaga, Salita ng Diyos at Turo
ng Simbahan.
Isulat sa Banghay Aralin ang anumang pagbabago na
inyong gagawin.

Pagpalain tayo ng Poong Maykapal!


Catechist’s Prayer

O Jesus, Great and Beloved Teacher.


Thank you for inviting us to share Your teaching mission as catechist.
Thank you for calling to proclaim God’s presence and to announce the Good
News of the Gospel to those we teach.
Guided by Your Holy Spirit and Teaching of the Church, may we always be
faithful and courageous catechists.
May our love and concern for those we teach always be our guiding
motivation.
May our hearts be on fire within us as we prepare our lessons and class
activities.
May we see our opportunity to share God’s incredible love.
Thank you for calling.
Thank you for Your love.
Amen.

St. Michael the Archangel, defend us in the day of battle.


Be our defense against the wickedness and snares of the devil.
May God rebuke him, we humbly pray and do thou,
O Prince of the Heavenly Host, by the Power of God cast into hell Satan
and all the evil spirits who wander around the world seeking the ruins of
souls.
Amen.
MGA NILALAMAN

Paksa 1: ANG DIYOS AMA AY MAKAPANGYARIHAN


Pakas 2: NILIKHA NG DIYOS ANG TAO NA KALARAWAN NIYA
Paksa 3: HESUS: DIYOS NA NAGING TAO
Paksa 4: SI HESUS AY MAPAGMAHAL NA KAIBIGAN
Paksa 5: SI HESUS AY MABUTING GURO
Paksa 6: SI HESUS AY MAKAPANGYARIHAN
Paksa 7: ESPIRITU SANTO, GABAY KO SA PAGIGING KRISTIYANO
Paksa 8: SA BIBLIYA, NAKIKILALA NATIN SI HESUS
Paksa 9: SA BINYAG, TAYO AY NAGING KAPATID NI HESUS
Paksa 10: KABILANG AKO SA SIMBAHAN, ANG PAMILYA NG DIYOS
Paksa 11: UTOS NI HESUS, SUSUNDIN KO
Paksa 12: KASAMA NI HESUS, HALINA AT SAMA-SAMA TAYONG
MAGPASALAMAT SA DIYOS AMA.
Paksa 13: NAIS NI HESUS NA TAYO AY HUMINGI NG TAWAD AT
MAGPATAWAD
Paksa 14: MARIA, INA NI HESUS AT INA KO RIN
Paksa 15: ANYAYA NI HESUS, “HALINA SA PILING NG AMA”

PAKSA 1: ANG DIYOS AMA AY MAKAPANGYARIHAN


Ikalawang Baitang
ORAS: 40 minuto
PAHAYAG NG PINAGKUKUNAN/ LAYUNIN
PANANAMPALATAYA PAMAMARAAN

Katotohanan: Ang ating Pagkatapos maituro ang


Diyos Ama ay SALITA NG DIYOS paksang ito ang mga bata ay
Makapangyarihan sa lahat. inaasahang:
(KIK 268-270, KPK 283, Gen. Genesis 1:-31
17:1) Salmo 147:7-9 *Makilala ang Diyos na
Salmo 115:1-3 lumikha at malaman na ang
Pagsasabuhay: Tungkulin ng Diyos ay makapangyarihan sa
bawat isa ang mahalin, ingatan, Katuruan ng Simbahan lahat.
at alagaan ang mga nilikha ng *Makagawa ng mga
Diyos. (KPK 340-341, KIK KIK 268-270,1496 mabubuting gagawin sa mga
1496 ) KPK 340,341,283 nilikha ng Diyos.
*Makapagpasalamat sa Diyos
Pagsamba: Sa panalangin sa kanyang mga nilikha.
tuwing Linggo sa misa ay
pinupuri at pinasasalamatan
natin ang Diyos Ama na
makapangyarihan. (Salmo
145:1-3, KPK 1496 )
SITWASYON NG BUHAY
KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO
*St. Kateri Tekakwitha
*Pag-iingat at pagmamalasakit * Sino ang makapangyarihan Pagpapahalaga:
sa kalikasan na lumikha sa lahat ng bagay Cfam: Pangangalaga sa lahat
*Ang Diyos ay dito sa mundo? ng nilikha ng Diyos.
makapangyarihan DEPED Values:
*Ano nararapat nating gawin Pagmamalasakit sa kapaligiran
sa mga nilikha ng Diyos? at pangangalaga sa sarili.

BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS


*Alam nila na may Diyos na *Makilala ang Diyos na *Malalaman na ang Diyos
lumikha lumikha sa lahat ng bagay Ama ay makapangyarihan sa
*Nakikita nila ang pagkasira ng dito sa mundo lahat at Siyang lumikha sa
kalikasan at hindi magandang *Makakapagtala ng mga lahat ng bagay
gawain ng mga tao mabubuting gagawin sa mga *Mapangalagaan nila ang
nilikha ng Diyos. nilikha ng Diyos
*Makapagpasalamat sa Diyos
sa kanyang mga nilikha

PAKSA 1: ANG DIYOS AMA AY MAKAPANGYARIHAN


PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat kami po ay nagpupuri at nagpapasalamat sa mga
biyayang Iyong ipinagkaloob sa amin. Salamat po sa magandang kapaligiran at biyaya ng buhay.
Nawa’y tulungan Mo po kaming mahalin, ingatan, at alagaan ang lahat ng bagay na Iyong nilikha.
Hinihiling namin ito sa matamis na pangalan ni Hesus kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.
Ama Namin…
PAGBABALIK-ARAL:
Sa nakalipas na paksa ay nalaman natin ang kahalagahan ng palagiang pananalangin. Natutuhan
natin na ang panalangin ng mga bata ay dinidinig ng Diyos. Bata hindi lamang sa edad kundi bata sa
pag-uugali. Sila yaong mga may mababa ang kalooban. Kaya sikapin natin na laging magpakumbaba
at lumapit sa Panginoon.
Sa araw na ito kilalanin natin ang ating Diyos Amang Makapangyarihan.
MAHALAGANG TANONG:
 Sino ang makapangyarihan na lumikha sa lahat ng bagay dito sa mundo?
 Ano ang nararapat nating gawin sa mga nilikha ng Diyos?

I. PAHAYAG KRISTIYANO
1.1 SALITA NG DIYOS: GENESIS 1:1-31 (Isalaysay gamit ang mga larawan)
“Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim
ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig. Sinabi ng Diyos:
“Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga….Pinagmasdan ng Diyos ang lahat Niyang ginawa at
lubos siyang nasiyahan..”
1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS
 Bago likhain ng Diyos ang mundo, ano ang kalagayan o hitsura nito? Walang hugis at anyo,
madilim
 Paano ito inayos ng Diyos? Sa pamamagitan ng paglikha
 Anu-ano ang mga nilikha ng Diyos? – liwanag, kalawakan, lupa at dagat, halaman at puno,
araw at buwan, isda at ibon, mga hayop, tao
 Paano nilikha ng Diyos ang lahat nang mga ito? - sa pamamagitan ng kanyang salita at
kapangyarihan
 Kanino ibinigay ng Diyos ang kakayahang alagaan ang mga nilikha? sa Tao po
 Ano ang naramdaman ng Diyos ng pagmasdan niya ang kanyang mga nilikha? -lubos siyang
nasiyahan

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS


 Ang mundo ay walang ayos, madilim ang bumabalot sa kalaliman at ang kanyang espiritu ang
kumikilos sa ibabaw ng tubig. Gamit lamang ang kanyang Salita nilikha ng Diyos ang liwanag,
kalawakan, lupa at dagat, halaman at puno, araw at buwan, isda at ibon, mga hayop at ang tao.
Binigyan niya ang Tao ng kakayahang pangalagaan ang lahat ng kanyang mga nilikha.
Ang lahat ng ito ay nalikha dahil sa kapangyarihan ng Diyos. Kaya’t atin Siyang parangalan.
Sa Salmo ating mababasa umawit kayo sa Panginoon. Tumugtog kayo ng Alpa para sa ating
Diyos. Pinupuno niya ng mga ulap ang kalawakan, at pinaulanan Niya ang mundo, at
pinatutubo ang mga damo sa kabundukan. Binibigyan niya ng pagkain ang mga hayop at ang
mga inakay na uwak kapag dumadaing ang mga ito. Salmo 147: 7-9
Ano ang gagawin natin sa mga nilikha ng Diyos? Pangangalagaan po ang kanyang mga
nilikha
Paano natin pangalagaan ang mga nilikha ng Diyos?
II. SITWASYON NG BUHAY
2.1 GAWAIN: Larawan ng pagpapakita ng pangangalaga ng nilikha
Alin sa sumusunod ang maaring Recycle, Reuse , Reduce
 Aluminum cans
 Cardboard
 Glass (particularly bottles and jars)
 Magazines
 Metal
 Newspaper
 Paper
 Plastic Bags
 Plastic Bottles
 Steel Cans
 Writing/Copy Paper
 Yard Waste (leave
2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA
Dahil malaki ang naitutulong sa atin ng kapaligiran, ano ang dapat nating gawin sa mga ito?
[Pagmalasakitan po.] Sa ating sarili? Ano ang gagawin natin? [Aalagaan po.]
A VALUE DEFINITION
 Ano ang ibig sabihin ng pangangalaga sa lahat ng mga nilikha ng Diyos? [Iingatan, aalagaan,
mamahalin po.]
 Paano natin pangangalagaan ang Kanyang mga nilikha? [Hindi po sisirain, huwag ikalat ang
basura sa halip ilalagay po ito sa basurahan.]

B VALUE CLARIFICATION

 Mahalaga bang pangalagaan natin ang mga nilikha ng Diyos? Bakit? [Kasi ito po ang nais ng
Diyos.]
 Ibigay nga ninyo ang magandang maidudulot kung ating pangangalagaan ang mga nilikha ng
Diyos. [Lalo po itong dadami, mapapanatili itong maayos]

C VALUE PURIFICATION
 Ano naman ang masamang maidudulot kung hindi natin ito pangangalagaan?
 Ano ngayon ang inyong pipiliin pangangalagaan ba ninyo ang mga nilikha ng Diyos o hindi?
[Pangangalagaan po.]

Ang pangalagaan natin ang lahat ng mga nilikha ng Diyos ay mabuting gawain upang mapapanatili
natin ito at lalo pang dumami ang mga ito ngunit kapag hindi natin ito pangangalagaan maaaring
mawawala ang mga ito at magugutom tayo. Kaya…

C ACTION PLAN
 Magbigay ng 5 gawain na nagpapakita ng pangangalaga sa nilikha ng Diyos. Isulat ang mga ito
sa Katekesis Notebook.

2.3 PAGTATAGPO
Ang pangangalaga sa lahat ng mga nilikha ng Diyos ay ang pagpapakita natin na tayo ay handang
gumawa ng kahit na maliit na bagay upang mapanatili ang kaayusan o kagandahan ng ating
kalikasan. Ang pag-aalaga naman sa ating sarili ay ang hindi natin paggawa ng mga bagay na
ikasasama ng ating kalusugan. Mahalaga rin na tayo ay may pagmamalasakit sa ating kapaligiran
dahil ito ay nakakatulong sa atin, kailangan natin ang mga ito dahil sa oras na mawala ang mga
iyan maaari tayong magutom, mawalan ng ikabubuhay na mahahantong sa ating pagkamatay.
Gayundin sa ating sarili, pwede tayong magkasakit kung hindi natin aalagaan ang ating sarili.
Ano ang ibig sabihin ng pangangalaga sa lahat ng mga nilikha ng Diyos?
Binigyan ng Diyos ang tao ng kapangyarihan at kakayahan na pangalagaan ang kanyang mga
nilikha.
2.4. LINKAGE:
 Sino ang makapangyarihan sa lahat? [Diyos Ama po.]

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA


3.1 KATOTOHANAN: ANG ATING DIYOS AMA AY MAKAPANGYARIHAN SA
LAHAT.
Nang sabihin ng Diyos Ama “Ako ay makapangyarihang Diyos sumunod ka sa akin at ingatan
mong walang dungis ang iyong sarili habang nabubuhay.” Ipinahayag nang Diyos na siya ay
makapangyarihan at dakila sa pamamagitan ng kanyang mga nilikha.
 Ano ang tungkulin natin sa mga nilikha ng Diyos?

3.2 PAGSASABUHAY: TUNGKULIN NG BAWAT ISA NA MAHALIN, INGATAN AT


ALAGAAN ANG MGA NILIKHA NG DIYOS.
Bilang pagkilala natin sa Diyos na makapangyarihan sa lahat na lumikha sa lahat ay tungkulin
ng bawat isa na mahalin, ingatan at alagaan ang Kanyang mga nilikha. Paano ba natin gagawin ang
mga nararapat para sa Kanyang mga nilikha?
1. Pagtatanim ng halaman.
2. Pagdidilig ng halaman.
3. Pagtatapon ng basura sa tamang basurahan.
4. Tamang pag-gamit ng tubig.
5. Paglilinis ng kapaligiran.
Tulad ni Santa Kateri Tekakwitha ang Patron ng kapaligiran. Bilang isang katutubo, taglay
niya ang pagmamahal sa kalikasan kaya naman tinagurian din siyang anak ng kalikasan sa lugar
ng kanyang kapanganakan. Iniingatan at pinangangalagaan niya ang kapaligiran sapagkat doon
niya nahanap ang kaluwalhatian ng Diyos. Doon sa kakahuyan ay nag-ukit ng krus sa puno at
nakikipag-usap sa Diyos, nagpupuri sa kapangyarihan ng Diyos at nagpapasalamat sa biyaya ng
kalikasan na ipinagkaloob sa sanlibutan.
 Sa papaanong paraan natin pinupuri at pinasasalamatan ang Diyos Ama na makapangyarihan?

3.3 PAGSAMBA: SA PANALANGIN TUWING LINGGO SA MISA AY PINUPURI AT


PINASASALAMATAN NATIN ANG DIYOS AMA NA MAKAPANGYARIHAN.
Sa panalangin tuwing Linggo sa Misa ay pinupuri at pinasasalamatan natin ang Diyos na
makapangyarihan. Misa ang pinaka mataas na uri ng panalangin at tayo ay inaanyayahan na
sabay-sabay na magpuri at magpasalamat sa Diyos sa Misa tuwing Linggo kasam ang ating
mga mahal sa buhay. Nawa ay lagi nating alalahanin na anuman ang mayroon tayo, ang lahat
ng ito ay galing sa ating Diyos Ama at nararapat na lagi natin Siyang pasalamatan sa bawat oras
hindi lamang tuwing Linggo. (maaring sambitin muli ang kwento ng Banal na si Sta. Kateri
Tekakwita)
3.4 BUOD
Ang Diyos Ama ay makapangyarihan sa lahat, nilikha Niya ang lahat ng mga bagay dito sa
mundo at bilang pinakamataas na nilalang na kanyang nilikha tungkulin natin ang mahalin,
ingatan, at alagaan ang mga ito. Sama-sama rin tayong manalangin, magpasalamat at magpuri
sa Diyos Ama tuwing Linggo. Nawa ay lagi nating alalahanin na anuman ang mayroon tayo,
ang lahat ng ito ay galing sa ating Diyos Ama na Makapangyarihan at nararapat na lagi natin
Siyang pasalamatan sa bawat oras hindi lamang tuwing Linggo.
PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG
 Sino ang makapangyarihan na lumikha sa lahat ng bagay dito sa mundo?
 Ano ang nararapat nating gawin sa mga nilikha ng Diyos?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA


4.1 PANININDIGAN: Ang Diyos Ama ang lumikha sa lahat ng bagay dito sa mundo.
4.2 PAGTATALAGA : Sabihin ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapakita ng
pagmamahal, pag-aalaga at pag-iingat sa kapaligiran, isulat naman kung MALI kong ito ay nakakasira
sa mga nilikha.
1. Pagdidilig ng halaman.
2. Pagtatapon ng basura sa ilog.
3. Pagpitas ng magagandang bulaklak sa daan.
4. Pagsesepilyo ng ngipin.
5. Pagkain ng sobrang dami.

4.3 PAGDIRIWANG: Dasalin: Panginoong Diyos Hari ng langit, Amang makapangyarihan sa


lahat sinasamba ka namin, pinasasalamatan ka namin, pinupuri ka namin sa Dakila mong angkin
kapurihan. Aba Ginoong Maria…Luwalhati…
V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAKSA 2: NILIKHA NG DIYOS ANG TAO NA KALARAWAN NIYA
Ikalawang Baitang
Oras: 40 minuto
PAHAYAG NG PINAGKUKUNAN LAYUNIN
PANANAMPALATAYA /PAMAMARAAN

Katotohanan: Nilalang ng SALITA NG DIYOS Pagkatapos maituro ang


Diyos ang tao na kalarawan paksang ito ang mga bata
Niya. (KPK 344, KIK 356-358) Genesis 1:6-28 ay inaasahang:
Isaias 4:8
Pagsasabuhay: Nais ng Diyos *Mababatid na ang tao ay
na maging mapagmahal din KATURUAN NG nilikhang kalarawan ng
tayo katulad Niya. (KIK 356- SIMBAHAN Diyos.
358) *Mahahamong maipakita
KPK 344, 356-358 ang kakayahang magmahal
Pagsamba: Sa panalangin, KIK 356-358 sa paaralan, pamayanan, at
pinupuri at pinasasalamatan sa tahanan.
natin ang Diyos sa mga talino *Makapagpasalamat sa
at kakayahang ibinigay Niya sa Diyos sa mga talino at
atin. (Salmo 9:1-2) kakayahang ibinigay sa
kanila.

KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO

*Ang tao ang pinaka espesyal *Ano ang ibig sabhin ng *San Martin de Porres
na nilikha ng Diyos. kalarawan? Pagpapahalaga
*Nilikha ng Diyos ang tao na *Ano ang pagkakaiba natin sa Cfam : Kakayahang
Kanyang kalarawan hayop, halaman, at ibang magmahal at mag-isip
nilikha ng Diyos? DEPED Values:
Pagmamahal at kabutihan.

SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS

*Ang Diyos ang lumikha sa *Masasabi ng mag-aaral na *Mababatid na ang tao ay


tao, ngunit hindi mailarawan ang Diyos ay mapagmahal, nilikhang kalarawan ng
mabuti ang kahalagahan at nilikha Niya ang tao na Diyos.
kabutihan sa paglikha ng kanyang kalarawan. *Mahahamong maipakita
Diyos. *Mapahalagahan nila ang ang kakayahang magmahal
*Sanay ang mga bata na pagiging kalarawan ng Diyos sa paaralan, pamayanan, at
magsabi na Siya ay mabuti. sa paggawa ng mabuti. sa tahanan.
*Makakapagpasalamat sa
Diyos sa mga talino at
kakayahang ibinigay sa
kanila.
PAKSA 2: NILIKHA NG DIYOS ANG TAO NA KALARAWAN NIYA
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Panginoon, naririto na naman kami sa iyong harapan, humihingi ng tulong, biyaya at pagpapala
sa araw na ito, sana kami’y Iyong gabayan sa pag-aaral ng iyong Salita. Hinihiling namin ito sa
pangalan ni Jesus na aming Tagapagligtas. Amen. Ama Namin…

PAGBABALIK ARAL:
Napag -aralan noong nakaraang Katekesis natin na ang Diyos Ama ay makapangyarihan sa
lahat, nilikha Niya ang lahat ng mga bagay dito sa mundo at bilang pinakamataas na nilalang na
kanyang nilikha tungkulin natin ang mahalin, ingatan, at alagaan ang mga ito. Sama-sama rin tayong
manalangin, magpasalamat at magpuri sa Diyos Ama tuwing Linggo. Nawa ay lagi nating alalahanin
na anuman ang mayroon tayo, ang lahat ng ito ay galing sa ating Diyos Ama na Makapangyarihan at
nararapat na lagi natin Siyang pasalamatan sa bawat oras hindi lamang tuwing Linggo.
 Ano ang pinaka huling nilikha ng Diyos? [Tao po.]

Sa tuwing pagmamasdan ng Diyos ang kanyang nilikha, Siya ay nasisiyahan. Ngunit ng


matapos niyang likhain ang tao, at pagmasdan ito, hindi lamang Siya nasiyahan, kundi siya ay lubos na
nasiyahan.

 Kanino ibinigay ng Diyos ang tungkulin na alagaan ang kalikasan o kapaligiran? [Sa tao
po.]
 Bakit sa tao Niya ibinigay ang tungkuling ito? [Dahil ang tao lamang po ang may
kakayahan na gumawa nito.]

MAHALAGANG TANONG:
1. Ano ang ibig sabihin ng kalarawan?
2. Ano ang pagkakaiba natin sa hayop, halaman at iba pang nilikha ng Diyos?

Ang pagkalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang mga tao ay may mga katangian
kagaya ng katangian ng Diyos, ang katangian na magmahal sa bawat isa.
 Masaya ka ba na ikaw ay kalarawan ng Diyos na lumikha?
Tama! Magalak tayo sapagkat pinagkalooban tayo ng Diyos ng buhay at tayong lahat na kanyang
nilalalang ay kalarawan Niya…
Atin ngayon pakikinggan ang Bibliya kung paano Niya nilikha ang tao. Tumahimik at umupo ng maayos.

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:


1.1 SALITA NG DIYOS: GENESIS 1:26 -28
1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS
 Ano ang sabi ng Diyos ng likhain Niya ang tao? [Likhain na ayon sa ating wangis.]
 Sino ang mamamahala sa nilikha ng Diyos sa halaman, isda, ibon, sa himpapawid at sa lahat ng mga
hayop? [Ang tao po.]
 Sino-sino ang kanyang nilalang upang mamahala sa kanyang nilikha at inutusan na maparami at
punuin ng tao ang daigdig? [Lalaki at babae po.]
 Ano ang pakiramdam ng Diyos ng makita niya ang lahat ng kanyang nilikha? [Lubos po siyang
nasiyahan.]
 Bilang kawangis ng Diyos dapat bang tularan natin Siya sa kanyang mabubuting gawa? Bakit? [Opo,
dahil ito ang nararapat.]
 Papaano mo maipapakita sa kapwa mo na ikaw ay nilikha ng Diyos at kalarawan natin Siya? [Sa
pamamagitan ng pagtulong ko sa kanila kapag sila’y nangangailangan. Hal. Bibigyan ko po ng
pagkain ang aking kamag-aral pag wala po siyang baon at tulungan ko po siya kapag nahihirapan siya
sa Matematika o sa anumang aralin na alam ko po.]
1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Tama! Ang pinakamahalagang nilikha ng Diyos dito sa mundo ay ang tao, binigyan niya ito ng buhay,
pinagpala niya at binigyan niya ng kapangyarihan para mamahala sa lahat ng kanyang nilikha. Nilalang niya
ang tao ayon sa kanyang larawan at wangis, ibig sabihin nito hindi sa ating anyo o itsura kundi sa magandang
kalooban ng Diyos. Nilikha Niya ang tao at binigyan ng kakayahang magmahal at mag- isip. Sinasabi rin ni
Propeta Isaias. Tingnan sa kasalukuyang buhay natin, papaano tayo magiging kawangis at kalarawan ng
Diyos, tayo ba ay karapat dapat na nilalang niya? Makakaya natin ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng
ating pagmamahal sa iba.

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 GAWAIN: Pagpapakita ng mga kakayahang magmahal at mag-isip. (Role Playing)


Pupunta sa harapan ang mga piling mag-aaral at ipapakita nila ang mga sumusunod:
1. Pagbibigay ng pagkain sa mga pulubi.
2. Pagtulong sa kamag-aral na nahihirapan sa Matematika o anumang aralin na alam mong ibahagi.
3. Pagbahagi ng baon sa kaklase na walang baon.
Ano ang dahilan kong bakit nila nagagawa ang mga ganitong mabubuting bagay sa kapwa?
(Dahil sila po ay may kakayahang magmahal at mag-isip)
Tayo, may kakayahan din ba tayo magawa ang ganitong magagandang bagay sa ating mga magulang,
kapatid, kaibigan o mga kaklase? Bakit? Opo, dahil tayo po ay may kakayahang magmahal at mag-isip)

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA


A VALUE DEFINITION
 Ano ang ibig sabihin ng salitang pagmamahal at kakayahang mag-isip? [Pagtulong, paggalang,
pagsunod, pagmamahal sa nakakatanda.]

B VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba ang pagmamahal at kakayahang mag-isip? Bakit? [Mahalaga po kasi ito ay
ipanagkaloob sa atin.]
 Sinu-sino ang mga taong nagmamahal at minamahal mo rin? [Nanay ko po, pamilya, kapatid,
kaibigan.]
 Paano ninyo ipinapakita ang inyong pagmamahal at pag-iisip ng mabuti sa kanila? [Sinusunod ko
po ang kanilang utos, tinutulungan ko po sila sa mga gawaing bahay.]
 Sa palagay mo minamahal ka ba nila? Paano? [Opo.] [Inaalagaan po nila ako.]
 Ano ang magandang maidudulot kapag tayo ay nagmamahalan at nag-iisip ng mabuti sa kapwa?
[Magiging masaya po tayo, magiging maayos at maganda ang ating buhay.]
C VALUE PURIFICATION
 Ano naman ang magiging epekto kapag hindi tayo nagmamahalan at nag-iisip ng mabuti sa kapwa?
[Magiging malungkot po tayo, magiging magulo po ang ating buhay.]
 Ano ngayon ang iyong pipiliin ang magmamahal at nag-iisip ng mabuti sa kapwa o hindi?
[ Magmamahal at nag-iisip po ng mabuti sa kapwa.]
Tama! Magiging masaya at maayos ang ating buhay kapag tayo ay nagmamahalan at nag-iisip ng
mabuti sa kapwa subalit magiging malungkot at magulo ang ang ating buhay kapag hindi tayo
nagmamahalan at nag-iisip ng mabuti sa kapwa. Kaya ngayon…
D ACTION PLAN
 Isulat sa Katekesis Notebook kung paano mo ipapakita ang iyong kakayahang magmahal at
mag-isip para sa ikabubuti ng ating mga kasama sa bahay, sa paaralan at sa ating komunidad.
2.3 PAGTATAGPO:
Tama! Ang lahat ng kabutihang ginawa natin di lamang sa Kanyang nilikha kundi sa paggawa ng
mabubuti sa kapwa tulad ng ipinakita kanina ng inyong kaklase sa harapan ay ang pagpapakita na tayo ay
nilalang na kawangis Niya. Ibig sabihin ang kabutihan at pagmamahal na meron ang Diyos ay siyang
nagsisilbing kalarawan at kawangis natin sa Kanya.

2.4 LINKAGE: Saan natin nailalarawan ang tao ng siya’y likhain?


III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
3.1 KATOTOHANAN: NILALANG NG DIYOS ANG TAO NA KALARAWAN NIYA. (KPK 344,
KIK 356-358)
Ang Diyos Ama sa langit ang lumikha sa atin ayon sa kanyang wangis. Mayroon Siyang mga mata
para makita Niya tayo at ang ating mga ikinikilos, merong Siyang tainga para marinig ang ating mga
dalangin, meron din Siyang bibig upang makapangusap sa atin at tulad natin mayroon rin Siyang puso upang
makadama ng habag at pagmamahal. Siya ay tunay, siya ay buhay, tayo’y kanyang mga anak na nilikha sa
kanyang larawan, kamukha niya tayo at kamukha natin siya. Kaya may kakayanan tayo na gawin ang lahat
ng kabutihan na galing sa Kanya.
 Ano ang nais ng Diyos para sa atin?
3.2 PAGSASABUHAY: NAIS NG DIYOS NA MAGING MAPAGMAHAL DIN TAYO NA
KATULAD NIYA. (KIK 356-358)
Ito ang dahilan bakit tayo nilikha ng Diyos na makilala Siya bilang ating Tagapaglikha at
walang ibang makapangyarihang Diyos kundi Siya lamang. Lalapit tayo sa kanya at mahalin natin
Siya katulad ng kanyang pagmamahal sa atin, paglingkuran natin Siya sa pamamagitan ng paglilingkod
sa Simbahan at sa ating kapwa na nangangailangan, at bilang kanyang Tagapaglikha, tayo ay babalik sa
Kanya upang makasama Siya sa Kanyang kaharian.

Katulad ni San Martin de Porres, na sa kabila ng hirap at sakit na pinagdaanan sa buhay mula
pagkabata ay nagpakita pa rin ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kanyang kapwa at sa Diyos. Kung
kaya’t nagpatayo siya ng orphanage at childrens hospital para sa mahihirap. Sa pagmamahal at mga
biyaya na natatanggap natin mula sa Diyos, ano ang nararapat na ibigay natin sa Panginoon?
[Pasasalamat po.]

 Paano natin Siya mapapasalamatan?

3.3 PAGSAMBA: SA PANALANGIN, PINUPURI AT PINASASALAMATAN NATIN ANG


DIYOS SA MGA TALINO AT KAKAYAHANG IBINIGAY NIYA SA ATIN. (SALMO 9:1-2)

Pagmulat pa lamang ng ating mata sa umaga, unahin na natin agad sabihin “Good Morning
Lord! Thank you po sa panibangong araw!” Sa bawat panalangin na ihahandog natin sa Kanya, palagi
natin Siyang pasalamatan lalo na sa mga talento na ibinigay Niya sa bawat isa sa atin.

3.4 BUOD
Purihin at pasalamatan natin ang Diyos sapagkat nilikha Niya tayong kalarawan Niya. Binigyan
ng puso, damdamin at kaluluwa, mga talino at kakayahan kaya naman tulad Niya ay ipakita natin ang
pagmamahal sa Kanya at sa iba pa Niyang nilikha.

3.5 SAGUTIN ANG MAHALAGANG TANONG


 Anong ibig sabihin ng kalarawan?
 Ano ang pagkakaiba natin sa hayop, halaman at ibang nilikha ng Diyos?
IV.TUGON NG PANANAMPALATAYA:
4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na ako ay nilikha ng Diyos na kawangis Niya.

4.2 PAGTATALAGA: Bilang kawangis ng Diyos, papaano mo ipapakita ang pagmamalasakit sa


kanyang mga nilikha?

4.3 PAGDIRIWANG: Awitin: PAPURI AT PASASALAMAT

Koro:
O Panginoon ko/Buong puso kitang Pasasalamatan/Ang kahanga-hangang / Ginawa Mo, Yahweh /
Aking isasaysay
Dahilan sa‘Yo ako’y awit / Nang may kagalakan/Pupurihin Kita sa aking awit / Panginoong kataas-
taasan
Pupurihin Kita / Aawitang may galak/Puspos Ka ng katarungan / Dakila Ka sa lahat

Aba Ginoong Maria…Luwalhati..


V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
PAKSA 3: HESUS: DIYOS NA NAGING TAO
Ikalawang Baytang
Oras: 40 minuto
Pahayag ng Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
Panananmpalataya
Katotohanan: Si Jesus ay tunay SALITA NG DIYOS Pagkatapos na maituro ang
na Diyos at Tunay Na Tao. paksang ito ang mga bata
Pagsasabuhay: Nakakatiyak Galacia 4:4 inaasahang”
tayong nakikilala natin si Jesus Lucas 1:26-38 *Makakapagsabi na si Jesus
kung sinusunod natin ang ay tunay na Diyos at tunay na
kanyang aral at utos. KATURUAN NG tao
Pagsamba: Sa Banal na Misa SIMBAHAN *Makakapagtala ng mga
tuwing araw ng Linggo gawain sa loob isang linggo
ipinapahayag natin ang KIK 464 bilang pagpapakita ng pag-
pananampalataya kay Jesus na KPK 500,528,527 sunod sa mga aral at utos ni
bugtong na Anak ng Diyos na Jesus.
ating Panginoon. *Maipapahayag sa panalangin
ang kanyang paniniwala na si
Jesus ay tunay na Diyos at
tunay na tao.
KAALAMAN MAHALAGANG TANONG: Huwaran:

*Si Jesus ay Diyos na naging *Sino ang Diyos na naging *St. Mother Theresa of
tao Ttao? Calcutta
*Pasalamatan ang Ama sa *Sino ang ina ni Jesus?
pagkakaloob Niya sa atin na Pagpapahalaga:
kanyang anak na si Jesus. Pagsunod sa mga aral at turo
*Tularan si Hesus ni Jesus
DEPED Values:
Pananampalataya

SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Hindi pa alam ang katotohanan *Maliliwanagan ng bahagya *Makakapagsabi na si Jesus
na ang Diyos ay naging tao. ang pagkilala kay Jesus bilang ay tunay na Diyos at tunay na
*Hindi maiiwasan na anak ng Diyos. tao
maguluhan ang bata sa pagkilala *Unti-unting malalaman na *Makakapagtala ng mga
kay Jesus. kailangang tuluran si Jesus sa gawain sa loob isang linggo
pagsunod at pagsampalataya bilang pagpapakita ng pag-
sunod sa mga aral at utos ni
Jesus.
*Sa panalangin masabi na si
Jesus ay tunay na Diyos at
tunay na tao.
PAKSA 3: HESUS: DIYOS NA NAGING TAO

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Panginoong Hesus lubos ka naming pinupuri sa iyong kadakilaan salamat at tinipon mo kami upang
makapakinig ng iyong salita, nawa’y gabayan mo kami sa aming pag-aaral. Aba Ginoong Maria…

PAGBABALIK-ARAL:

Mga bata, bago tayo magsimula sa panibagong talakayan nais ko munang tanungin kung ano ang
natutunan ninyo sa ating paksang tinalakay noong nakaraang linggo.

 Ano ang paksang ating tinalakay?


 Magbigay ng isang salita na iyong natutunan?

Purihin at pasalamatan natin ang Diyos sapagkat nilikha Niya tayong kalarawan Niya. Binigyan
ng puso, damdamin at kaluluwa, mga talino at kakayahan kaya naman tulad Niya ay ipakita natin ang
pagmamahal sa Kanya at sa iba pa Niyang nilikha.

MAHALAGANG TANONG:

1. Sino ang Diyos na naging tao?


2. Sino ang ina ni Hesus?

Mga bata ako ay nagagalak dahil muli tayong tinipon ng ating Panginoon upang mag-aral ng
salita ng Diyos. Mayroon akong maikling kwento na nais kong ibahagi sa inyo upang mas lubos na
makatulong at mas maunawaan natin ang ating pag-aaralan ngayon. Nais ninyo bang marinig ang
kwento? [Opo.] Ang kwentong ito ay nagmula sa banal na kasulatan kaya mga mga bata bilang
pagpapakita ng paggalang tayo ay tumahimik at maupo ng maayos.

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 SALITA NG DIYOS: GALACIA 4:4


Ngunit nang sumapit ang tamang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang anak na isinilang ng
isang babae at namuhay sa ilalim ng kautusan.

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS


 Sino ang isinugo ng Diyos? [Ang Kanyang Anak po.]
 Sino ang magsisilang sa anak ng Diyos? [Ang babae po.]
 Ano ang nais ng Diyos para sa Kanyang Anak? [Mamuhay po sa kautusan ng Diyos.]

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Ang pagbasang ating napakinggan ay pagbibigay ng liwanag sa pangako ng Diyos Ama sa mga
tao at ito ay nagkatotoo, ibinigay ng Diyos Ama ang kanyang kaisa-isang anak na si Hesus at siya ay
isinilang ng isang babae na kinikilala natin ngayong Maria. Sinasabi rin sa Lukas 1:26-38, si Maria nga
ay nanganak sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Si Hesus ang anak ng Diyos ay
nagkatawang tao sapagkat isinugo Siya ng kanyang Ama.
 Bakit isinugo Siya ng kanyang Ama? [Para tayo’y iligtas.]

Ibinigay ng Ama si Hesus para tayo ay maligtas at ang kaligtasang ito’y matatamo lamang natin
kung tayo ay makikinig at susunod sa kanyang mga aral at utos. Kaya anong gagawin natin sa mga
aral at utos ni Hesus? [Susundin po natin.] Tama! Si Hesus ay sumunod sa kanyang Ama at siya’y
huwaran natin sa pagsunod.

 Marunong din ba kayong sumunod? [Opo.]

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 GAWAIN : Palaro sa mga bata!

Panuto: Magpapakita ng Placards na nagsasabi ng gagawin ng mga bata. Halimbawa: sinabi ng


katekista at nakalagay sa placards na; upo mauupo ang mga bata at kapag sinabi lang ng
katekista at walang placards hindi nila ito gagawin.

UPO, TAYO, SAYAW, ITAAS AT KAMAY, PUMALAKPAK ETC.

 Anong naramdaman ninyo sa ating laro? [Masaya po!]


 Sino ang nagpagawa ng gawain? [Si Teacher po.]
 Ano ang ginawa ninyo sa mga iniutos ng guro? [Sinunod po.]
 Ano ang magandang asal na naipapakita natin? [Pagsunod po.]

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION
 Ano ba ang ibig sabihin ng pagsunod? [Ginagawa po ang inuutos sa atin.]

B VALUE CLARIFICATION

 Para sa inyo mga bata bakit mahalaga ang pagsunod? [Para hindi po tayo
mapapahamak, upang hindi tayo mapapagalitan, para po laging may kaayusan.]
 Sinu-sino ang ating sinusunod? [Magulang po, guro, sa mga nakakatanda po sa atin, etc.
 Sa ating mga karanasan paano mo ipinapakita ang pagsunod? [Hindi po nagrereklamo,
taos sa puso, hindi naghihintay ng kapalit.]
 Ano kaya ang magandang mangyayari kapag tayo ay marunong sumunod? [Mapapabuti
po tayo, hindi tayo mapapagalitan, mapapalo at mapapahamak.]

C VALUE PURIFICATION
 Ano naman kaya ang mangyayari sa atin kung hindi tayo marunong sumunod sa ating mga
magulang? [Mapapagalitan po, mapapalo, mapapahamak po.]
 Ano ang mas pipiliin mo ang sumunod sa magulang? O hindi sumunod? [Sumunod po.]

Masaya kung tayo ay sumusunod sa ating mga magulang dahil dito mas napapabuti tayo
hanggang sa ating paglaki.
C ACTION PLAN

 Magbigay ng mga gawain sa bahay na nais ng ating mga magulang na gawin?


[Tumulong po sa gawaing bahay, maghugas po ng plato, maglinis, magwalis, etc.]

2.3 PAGTATAGPO
Mga bata napakahalaga ang ating pagsunod sa ating mga magulang ganun din sa iba pang mas
nakakatanda sa atin kagaya na lamang ng ating mga narinig sa kwento at sa ginawa natin sa gawain
kani-kanina lamang. Gaya na lamang ng ginawa ni Maria at ni Hesus sila ay sumunod sa kautusan ng
Diyos. Kaya naman tayo rin ay inaaanyayahang sumunod sa mga aral at utos ng Diyos upang tayo ay
hindi mapahamak, ang pagsunod sa mga utos lalo na sa kalooban ng Diyos ay siyang magdadala sa
ating kaligtasan.

2.4 LINKAGE: Sino nga ba si Hesus?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: SI HESUS AY TUNAY NA DIYOS AT TUNAY NA TAO.

Siya ay Diyos na nagkatawang tao ipinaglihi Siya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu


Santo at ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Ito ang sinabi sa atin sa Kredo o binabanggit sa dasal na
Sumasampalataya. Dalawa ang kalikasan ni Hesus. Siya ay tunay na Diyos at tunay na Tao dahil Siya
ay nagkatawang tao pinatunayan niya ang kanyang pagiging Tao sa pamamagitan ng kanyang
pagkamatay at ang kanyang pagiging Diyos ay sa pamamagitan ng kanyang muling pagkabuhay.

 Paano natin makikilala si Hesus? [Kung susunod po sa mga aral at utos Niya.]

3.2 PAGSASABUHAY: NAKAKATIYAK TAYONG NAKIKILALA NATIN SI HESUS


KUNG SINUSUNOD NATIN ANG KANYANG ARAL AT UTOS.

Ang tamang pagkilala kay Hesus ay kapag sinusunod natin ang aral at turo ng taong ating
kinikilala. Gayundin masasabi lamang natin nakilala natin si Hesus kapag pinapakinggan, at sinusunod
ang turo niya lalo na ang pagmamahal sa atin ng Diyos at sa kapwa. Ito ang dalawang pinakadakilang
utos ng Diyos, at huwaran natin sa pagsunod sa kalooban ng Diyos ay si Maria. Sinunod niya ang nais
ng Diyos na maging ina at isilang si Hesus.
Gayon na lamang din ang pagsunod ni Sta. Theresa ng Calcuta na makapaglingkod sa
kanyang kapwa at sumunod sa kautusan ng Panginoon. Ang pagsasagawa ng pagkakawanggawa sa
kapwa ay turo ni Hesus na naisabuhay rin niya tulad ng pangangalaga sa mga maysakit na ketong at
tuberkolosis at ang ipaglaban ang buhay. (no to abortion) at marami pang iba. Sa ngayon ay isa na rin
siyang ganap na Santo.

 Paano natin ipapahayag ang paniniwala at pagsunod kay Hesus? [Sa


pagsisimba/pagdalo sa Banal na Misa.

3.3 PAGSASABUHAY: SA BANAL NA MISA TUWING LINGGO, IPINAPAHAYAG


NATIN ANG PANANAMPALATAY KAY HESUS NA BUGTONG NA ANAK NG DIYOS NA
ATING PANGINOON. TUWING LINGGO, INAALALA NATIN ANG KANYANG MULING
PAGKABUHAY.
Sa dasal na Sumasampalataya ito ang dinadasal natin, “Sumasampalataya ako kay Hesuskristo
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Pagpapakita ng paniniwala na siya ay nagkatawang tao.

3.4 . BUOD:

Si Hesus ay tunay na Diyos at tunay na Tao. Nakakatiyak tayong nakikilala natin si Hesus kung
sinusunod natin ang kanyang aral at utos. Sa banal na misa tuwing Linggo, ipinapahayag natin ang
pananampalatay kay Hesus na bugtong na Anak ng Diyos na ating Panginoon. Tuwing Linggo, inaalala
natin ang kanyang muling pagkabuhay.

3.5 SAGUTIN ANG MAHAHALAGANG TANONG

1. Sino ang Diyos na naging Tao?


2. Sino ang Ina ni Hesus?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na si Hesus ay totoong Diyos at totoong Tao.

4.2 PAGTATALAGA: Isulat ang dalawang gawain sa loob ng isang linggo upang maipakita na
sinusunod mo ang ang aral at utos ni Hesus.

4.3 PADIRIWANG: (Dasalin ang Panalanging ito, isunod ang Aba Ginoong Maria at Luwalhati )

HESUS TUNAY NA DIYOS AT TUNAY NA TAO, SINASAMBA KITA.

HESUS TUNAY NA DIYOS AT TUNAY NA TAO, MINAMAHAL KITA.


HESUS TUNAY NA DIYOS AT TUNAY NA TAO, SUSUNDIN KITA.

V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAKSA 4: SI HESUS AY MAPAGMAHAL NA KAIBIGAN
Ikalawang Baitang
Oras: 40 minuto
Pahayag ng Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
Panananmpalataya (Sources & Means) (Transfer Goal)
(Enduring Understanding)

Katotohanan: Si Jesus ay ating SALITA NG DIYOS Pagkatapos maituro ang


kaibigan ( Juan 5:15 ) paksang ito ang mga bata ay
Pagsasauhay: Ang Lucas 24:13-33 inaasahang:
pakikipagkaibigan ni Jesus ang Juan 15:11-13 *Makikilala na si Jesus ay
siyang huwaran natin sa mapagmahal na kaibigan.
pakikipagkaibigan sa iba (Juan KATURUAN NG *Makakapagpasalamat ng
15:11-13 ) SIMBAHAN mga gagawin bilang pagtulad
Pagsamba: Sa panalangin, tayo kay Jesus na ating
ay nakikipag-usap kay Jesus na KPK 1475,1557 mapagmahal na kaibigan
ating kaibigan *Makakapaglaan ng ilang
sandaling pakikipag-usap kay
Jesus sa panalangin

KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: Huwaran:


(Essential Questions)

*Si Jesus ay mapagmahal na 1. Sino ang mapagmahal Don Bosco


kaibigan na Kaibigan? Pagpapahalaga
*Hindi pa lubos na malapit ang 2. Ano ang gagawin natin Pakikipagkaibigan
loob ng mga bata kay Jesus. upang mapalapit tayo
kay Hesus na ating DEPED VALUES: Pagiging
Kaibigan? kaibigan, pagmamahal

SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS

*Hindi nila alam ang mas *Matutong mapahalagahan ang *Makikilala na si Jesus ay
malalim na kahulugan ng pakikipagkaibigan. mapagmahal na kaibigan.
pakikipagkaibigan *Makakapagpasalamat ng
*Mapalalim pa nila ang mga gagawin bilang pagtulad
*Mas gusto nila ang maraming pakikitungo sa kanilang kay Jesus na ating
kaibigan kaibigan mapagmahal na kaibigan
*Makakapaglaan ng ilang
*Hindi sila bukas sa ibang tao *Nautuwa sila sa tuwing may sandaling pakikipag-usap kay
at takot din sa iba. bagong kaibigan sila. Jesus sa panalangin.

Paksa 4: SI HESUS AY MAPAGMAHAL NA KAIBIGAN


PAMBUNGAD NA PANALANGIN: Ama Namin…
PAGBABALIK-ARAL
Magandang umaga/hapon mga bata!
Mga bata, natatandaan ninyo pa ba ang pinag-aralan natin noong nakaraang linggo? Kung
nakinig talaga kayo mayroon, akong ilang katanungan para sa inyo.
(Maaaring gumamit ang Katekista ng Big Mouth upang ilagay ang mga tanong.)
1. Sino ang Diyos na naging tao?
2. Sino ang Ina ni Hesus?

Noong nakaraang linggo pinag-aralan at kinilala natin si Hesus na tunay na Diyos at tunay na
Tao. Nakakatiyak tayong nakikilala natin si Hesus kung sinusunod natin ang kanyang aral at utos. Sa
banal na misa tuwing Linggo, ipinapahayag natin ang pananampalatay kay Hesus na bugtong na Anak
ng Diyos na ating Panginoon. Tuwing Linggo, inaalala natin ang kanyang muling pagkabuhay.

Ngayon naman mga bata kikilalanin natin si Hesus bilang isang mapagmahal na kaibigan.

MAHALAGANG TANONG
1. Sino ang mapagmahal na Kaibigan?
2. Ano ang gagawin natin upang mapalapit tayo kay Hesus na ating Kaibigan?

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


1.1 SALITA NG DIYOS
LUCAS 24: 13-33 Ang Paglalakad Tungo sa Emaus
…Nabuksan ang kanilang paningin at nakilala nila si Hesus, subalit Siya’y biglang nawala. At
nawika nila, “Kaya pala gayon ang pakiramdam natin habang tayo’y kinakausap sa daan at
ipinapaliwanag sa atin ang mga Kasulatan!”
1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS
 Sinu-sino ang mga tauhan sa ating kuwento? [Si Hesus po at ang dalawang alagad.]
 Ano ang ginagawa ng dalawang alagad? [Naglalakad po.]
 Saan patungo ang dalawang alagad? [Emmaus po.]
 Sino ang nakasabay nila sa kanilang paglalakad? [Si Hesus po.]
 Ano ang turing ng dalawang alagad kay Hesus? [Kaibigan po.]
1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS
Si Hesus ay kaibigan ng dalawang alagad sa napakinggan natin sa kwento. Makikita natin na
hindi iniwan ni Hesus ang kanyang mga kaibigan, palagi siyang nasa kanilang tabi upang samahan. Sa
kwentong ito nakilala natin si Hesus bilang mapagmahal na kaibigan. Kaibigang hindi nang-iiwanan.
Isa Siyang tunay at mapagmahal na kaibigan. Tayo rin ay inaasahan ni Hesus na magmahalan bilang
magkakaibigan. Sinasabi rin sa Ebanghelyo ni San Juan 15:12 – 14
“Ito ang kautusan ko: magmahalan kayo kung paano ko kayo minahal. Wala ng pagmamahal na hihigit
pa sa pag-aalay ng sarili niyang buhay alang-alang sa mga kaibigan. Mga kaibigan ko kayo kung
ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo.”

Kayo rin ba ay mapagmahal na kaibigan?

II. SITWASYON NG BUHAY


2.1 GAWAIN: Picture Analysis
Pagpapakita ng larawan ni Spongebob at Patrick

 Pagtatanong
 Sinu-sino ang nasa larawan? [Si Spongebob at Patrick po.]
 Magkaano-ano silang dalawa? [Magkaibigan po.]
 Mayroon ba kayong mga kaibigan? [Opo.]
2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA
A VALUE DEFINITION
 Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkaibigan? [Pagiging mabait, matulungin, mapagbigay
po.]

B VALUE CLARIFICATION

 Mahalaga ba ang pakikipagkaibigan? Bakit? [Mahalaga po dahil ito ang mabuting


gawain]
 Ano ang mangyayari kapag tayo ay palakaibigan? [Marami tayong magiging kaibigan,
kasama at kalaro, magiging masaya tayo.]
C VALUE PURIFICATION
 Ano ang mangyayari kung hindi ka palakaibigan? [Malungkot, walang kasama, walang
kalaro.]
 Ano ang mas gugustuhin mo may kaibigan o wala? [May kaibigan po.]
 Paano ka magiging isang mabuting kaibigan? [Tutulungan ko po sila.]
Kapag tayo ay palakaibigan maraming tayong magiging kaibigan, kasama, kalaro at
magiging masaya tayo ngunit kapag hindi tayo palakaibigan magiging malungkot tayo, walang
kasama at kalaro.
D ACTION PLAN
 Ilalagay ng bawat mag-aaral ang kanilang kanang kamay sa kanilang katabi at sasabihin
“Dahil kaibigan kita, mahal kita magiging mabuti akong kaibigan sa iyo mula ngayon”
(matapos ang kanang kamay ay ang kaliwang kamay naman ang ilalapat sa balikat ng
katabi)
2.3 PAGTATAGPO
Sa ating Ebanghelyo narinig natin ang kwento ni Hesus at ng dalawa Niyang alagad. Si Hesus
bilang kaibigan ay parating nariyan sa kanilang tabi at hinding hindi sila iniwan. Nawa katulad ni
Hesus tayo rin ay manatiling mabuti at mapagmahal na kaibigan sa loob ng ating paaralan at sa ating
mga tahanan.
2.4 LINKAGE:
Hindi lamang siya nagsilbing kaibigan sa kanyang mga alagad kundi pati na rin sa ating lahat.
Sino si Hesus para sa atin?
III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
3.1 KATOTOHANAN: SI HESUS AY ATING KAIBIGAN. (Juan 5:15)
“Umalis ang mga tao at sinabi sa mga Judio na si Hesus ang nag-paigi sa kanya.” (Jn.5:15) Si
Hesus ay ating kaibigan, sa kanya tayo lumalapit sa oras ng ating pangangailangan. Sa kanya tayo
humihingi ng kagalingan sa lahat ng ating karamdaman. Sa tuwing lumalapit tayo sa kanya dinidinig
Niya ang lahat ang ating mga pangangailangan, parati Siyang nasa tabi natin ano man ang mangyari
hindi Niya tayo iniiwan at pinababayaan.
 Sino ang huwaran natin sa pagiging mapag-mahal na kaibigan?
3.2 PAGSASABUHAY: ANG PAKIKIPAGKAIBIGAN NI HESUS ANG SIYANG
HUWARAN NATIN SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBA. (Juan 15:11-13)
Ito ang kautusan ko:” magmahalan kayo kung paano ko kayo minahal. Wala nang pagmamahal na
hihigit pa sa pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa kanyang kaibigan.” Jn. 15:11-13
Ipinakita ni Hesus ang kanyang dakilang pagmamahal sa atin ng ialay Niya ang sarili Niyang
buhay sa krus alang-alang sa ating kaligtasan. Tayo rin ay inaanyayahan na tularan ang kanyang
dakilang gawa hindi man sa pagpapapako sa krus kundi sa maliliit na bagay na maaari nating gawin
para sa ating kapwa. Sa malilit na bagay na ito maari tayong maging katulad ni Hesus na mapagmahal
na kaibigan katulad na lamang ng ginawa ni Don Bosco na nagpakita ng pagmamahal at pag-aaruga sa
mga mahihirap na kabataan, sa pagtulong sa kanila upang hubugin at magkaroon ng tama at wastong
edukasyon. Nag develelop siya ng mga vocational training programs para sa mga kabataan upang
matulungan sila at magkaroon ng magandang kinabukasan. Si Don Bosco ay tunay na naging kaibigan
ng mga kabataan, tinulungan at inakay niya sila sa paglapit sa isang tunay na Kaibigan si Hesus.
 Paano natin nakakausap si Hesus bilang kaibigan?
3.3 PAGSAMBA: SA PANALANGIN, TAYO AY NAKIKIPAG-USAP KAY HESUS NA
ATING KAIBIGAN.
Hindi man natin nakikita si Hesus sa personal na buhay maari natin Siyang makausap sa
pamamagitan ng panalangin. Sa tuwing tayo ay nagdarasal nakakausap natin Siya puso sa puso. Handa
Siyang making sa lahat ng gusto nating sabihin sa kanya tulad ng isang kaibigan. Hinihintay Niya lang
tayo na lumapit at magsabi sa kanya. Palagi nawa nating tatandaan na hinding hindi Niya tayo iiwan at
pababayaan sapagkat mahal Niya tayong lahat kahit na minsan ay pasaway tayo sa loob ng paaralan at
tahanan. Sa pamamagitan ng pananalangin mas lalo tayong napapalapit sa Kanya.
3.4 BUOD:
Si Hesus ay ating kaibigan. Palagi Siyang nasa tabi natin at hinding Niya tayo pababayaan.
Nawa tulad ni Hesus matularan natin ang kanyang mga katangian bilang isang mabuting kaibigan.
Nawa ay maging mabuti tayong kaibigan sa loob ng ating paaralan at sa loob at labas ng ating mga
tahanan. Humingi tayo ng tulong kay Hesus upang maging mabuti tayong kaibigan sa ating kapwa sa
lahat ng pagkakataon. Lumapit tayo sa Kanya sa panalangin, kausapin natin si Hesus na ating
mapagmahal na kaibigan ng sa gayon ay mas lalo tayong mapalapit Kanya.
PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG:
1. Sino ang mapagmahal na Kaibigan?
2. Ano ang gagawin natin upang mapalapit tayo kay Hesus na ating Kaibigan?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA


4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na Hesus ay mapagmahal na kaibigan, hindi Niya ako
pababayaan at palagi Siyang nariyan upang ako ay tulungan.
4.2 PAGTATALAGA: Paano mo pa mapapaunlad ang iyong ugnayan sa iyong kaibigan. Magtala
ng mga gagawin.

4.3 PAGDIRIWANG: Awit “Kaibigan/ Kaibigan Kapanalig”

Koro: Sino pa ang tutulong sayo


Kundi ang katulad ko
Kaibigan mo ako
Kaibigan kita, Kaibigan twina
Aba Ginoong Maria…Luwalhati….

V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAKSA 5: SI HESUS AY MABUTING GURO
IkalawangBaitang
Oras: 40 minuto
PAHAYAG NG PINAGKUKUNA/ LAYUNIN
PANANAMPATALAYA PAMAMARAAN

Katotohanan: Si Jesus ay SALITA NG DIYOS Pakatapos na maituro ang


Mabuting Guro. paksang ito ang mga bata
Mateo 4;23 ay inaasahang:
Pagsasabuhay: Ang mga Lucas 18:18
sumusunod sa mga aral at turo 14;15 *Malalaman na si Jesus ay
ni Jesus ay tunay na mga Juan 8:31 mabuting guro.
alagad Niya. ( Juan 8:31) Mateo 6:9-13 *Makakapangako na
makikinig at susunod sa mga
Pagsamba; Sa pagdarasal ng KATURUAN NG aral at turo ni Jesus ang
“Ama Namin” na itinuro ni SIMBAHAN Mabuting Guro.
Jesus ay sinasamba natin ang *Mabibigkas ng buong puso
Diyos Ama. ( Mateo 6:9-13) KIK 561,KPK 497 ang panalanging itinuro ni
Jesus, ang “Ama Namin“.

KAALAMAN MAHALAGANG SANTO


TANONG
*Hindi malinaw sa mga bata 1. Sino ang Mabuting San Antonio de Padua
ang pagiging guro ni Jesus. Guro?
*Alam nila na si Jesus ay 2. Paano tayo makakalapit Pagpapaalaga:
Diyos, kailangan lang kay Hesus ang Mabuting Pagsunod sa
ipaunawa ang mga ginawa Guro? mga aral at turo ni Jesus
Niya. 3. Ano ang panalangin
itinuro ni Hesus ang ating Deped Values: :
Mabuting Guro? Pagmamahal,pagkamatapat,
mapanagutan.
SITWASYON NG
BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS

*Si Jesus ay tinuturing guro. *Mailalarawan na si Jesus ay *Malalaman na si Jesus ay


*Alam nilang nagkukuwento si pinaka Mabuting Guro. Mabuting Guro.
Jesus sa mga aral ng Bibliya *Makasunod sa aral at turo *Makakapangako na
ni Jesus. makikinig at susunod sa mga
*Makapanalangin at aral at turo ni Jesus.
maisaulo ang dasal na Ama *Mabibigkas ng buong puso
Namin. ang panalanging itinuro ni
Jesus, ang “Ama Namin “.
PAKSA 5: SI HESUS AY MABUTING GURO

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

+ Diyos na ating Ama na may gawa ng langit at lupa pinasasalamatan po naming Kayo sa
panibagong buhay na Inyong ipinakaloob. Salamat din po sa panibagong araw na kami ay naririto
upang makapakinig ng Iyong mga Salita ng sa gayon kami ay matuto patungkol sa mabuting itinuturo
ni Jesus. Hinihiling po namin ito sa matamis na pangalan ni Jesus kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.
Ama Namin…

PAGBABALIK-ARAL

 Anu-ano ang natutuhan mo sa nakaraang paksang napag-aralan?

Noong nakaraang linggo kinilala natin si Hesus bilang isang mabuting kaibigan. Palagi Siyang
nasa tabi natin at hinding Niya tayo pababayaan. Tulad ni Hesus, matularan natin ang Kanyang mga
katangian bilang isang mabuting kaibigan. Gayundin, nawa ay maging mabuti tayong kaibigan sa loob
ng ating paaralan at sa loob at labas ng ating mga tahanan. Humingi tayo ng tulong kay Hesus upang
maging mabuti tayong kaibigan sa ating kapwa sa lahat ng pagkakataon. Lumapit tayo sa Kanya sa
panalangin, kausapin natin si Hesus na ating mapagmahal na kaibigan ng sa gayon ay mas lalo tayong
mapalapit Kanya.

Ngayon naman ay kikilalanin natin si Hesus bilang isang Mabuting Guro.

MAHALAGANG TANONG:

1. Sino ang Mabuting Guro?


2. Paano tayo makakalapit kay Hesus ang Mabuting Guro?
3. Ano ang panalangin itinuro ni Hesus ang ating Mabuting Guro?

Alamin natin kung paanong si Hesus ay naging Mabuting Guro para sa Kanyang mga alagad
kaya pakinggan natin ang Salita ng Diyos ng tahimik at making ng buong puso….

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 SALITA NG DIYOS: Mateo 4:23

Nilibot ni Jesus ang buong Galilea. Nagturo sa mga sinagoga at ipinangaral ang
Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos.

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS

 Sino ang nagturo sa mga sinagoga? [Si Hesus po.]


 Ano ang itinuro Niya ng mapunta siya sa sinagoga? [Ang paghahari po ng Diyos.]

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS


Si Hesus ay Mabuting Guro na nagturo sa mga sinagoga. Hindi lamang siya basta nagturo
kundi ipinangaral din niya ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Nais ipaalam sa atin na
tayo ay matutong sumunod sa mga itinuturo sa atin ni Hesus kaya naman...
Sinasabi sa Ebanghelyo ni San Juan 8:31 "Sinabi nga ni Hesus sa mga Judiong yaon na
nagsisisampalataya sa kanya, kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkakagayo'y
tunay nga kayong mga alagad ko."

Tayong lahat ay sumunod sa mga aral at turo ni Hesus sa atin, dahil ang kanyang mga itinuturo
ay para sa ating ikabubuti. Ssa pamamagitan ng mga turo ni Hesus ay nalalaman natin ang
katotohanan.

Kung ikaw ay isa sa mga tinuturuan ni Hesus, ano ang gagawin mo? [Makikinig po at susunod.]
Kaya naman mayroon akong ipapakitang mga larawan …

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 GAWAIN: Pagpapakita ng larawan ng guro na nagtuturo.

Pagtatanong tungkol sa gawain

 Ano ang nakikita ninyo sa pisara? [Guro po na nagtuturo.]


 Magbigay nga ng mabuting katangian ng mga guro? [Mabait po, mapagmahal po,
maunawain po.]
 Paano mo pinapahalagahan ang mga itinuturo sa iyo ng inyong guro? [Nakikinig at
sumusunod po.]

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION
 Ano para sa iyo ang ibig sabihin ng pagsunod? [Nakikinig po sa inuutos, ginagawa po ang
inuutos.]

B VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba ang pagsunod? Bakit? [Opo, upang hindi tayo mapapahamak.]
 Ano ang mabuting naidudulot kapag tayo ay sumusunod sa mga aral at turo ng
ating guro? [Natututo po tayo nagiging mabait po tayo, hindi po tayo nakakagawa ng
masama.]

C VALUE PURIFICATION
 Ano naman ang epekto kapag hindi tayo sumusunod?
[Mapapasama po tayo, di po tayo matututo.]
 Kaya ano ang pipiliin mo susunod o hindi susunod?
[Susunod po.]

Natututo tayo kapag tayo ay sumusunod sa mga aral at turo ng ating guro ngunit hindi naman
tayo matututo kapag hindi tayo marunong sumunod.

D ACTION PLAN
 Magbahagi ng karanasan ng iyong pagsunod.
2.3 PAGTATAGPO

Hindi lamang ang mga guro sa ating paaralan ang natatawag nating guro kundi lalot higit ay si
Jesus, sapagkat ang lahat ng kanyang turo ay may katotohanan at magdadadala sa atin tungo sa
kabutihan. Tunay nga na si Hesus ay maituturing nating Mabuting Guro hindi lamang niya itinuro ang
mga mabubuting bagay sa atin kundi ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos. Patuloy na
nangyayari ang pagsunod sa mga aral at turo ni Hesus kapag tayo rin ay gumagawa ng mabuti sa ating
kapwa. Si Hesus ang guro ng katotohanan. Sabi ninyo nga kanina na kong tayo ay mayroong pagsunod
sa kanyang mga aral at turo tayo ay mapapabuti, subalit kapag hindi ay mapapasama ang ating
mapupuntahan. Kung tayo ay matututong makinig at sumunod sa kanya tayo ay kanyang ring mga
tunay na alagad.

2.4 LINKAGE: Mahalaga na tayo ay sumunod sa mga itinuturo sa atin ng ating guro lalong lalo na
kay Hesus sapagkat ito ay makatutulong sa paglago ng ating pagkatao, tinuturuan tayong gumawa ng
mabuti sa lahat ng bagay ng walang kapalit.

 Sino ang matatawag nating Mabuting Guro?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: SI JESUS AY MABUTING GURO (KIK 561)

Ang buong buhay ni Jesus ay isang tuluyang pagtuturo, sa pamamagitan ng kanyang


pamumuhay at mga himala. Tinuruan din niya tayong manalangin patungkol sa Ama. Hindi lamang
pagtuturo sa pamamagitan ng Kanyang mga aral kundi binigyan din Niya tayo ng mga halimbawa ng
tanging pagtingin sa mga maliliit at mga maralita. Gayun din, mga halimbawa ng pagtanggap ng
lubusang sakripisyo sa krus sa ikaliligtas ng sanlibutan; ang kanyang muling pagkabuhay ay
pagsasagawa ng kanyang salita at katuparan ng rebelasyon. Hindi lamang Siya nagtuturo, ginagawa rin
Niya kong ano ang Kanyang itinuturo sa pamamagitan ng Kanyang mga halimbawa, ito ang katangian
ng isang Mabuting Guro hindi lamang sa salita kundi pati sa gawa ipinapakit ang Kanyang mga aral at
turo.

Kaya naman si Jesus ay ang Mabuting Guro sa kanyang mga pangaral na patuloy nating
naririnig kapag tayo ay nagsisimba, nababasa kapag tayo ang nagbabasa ng bibliya.

 Ano ang mangyayari kapag tayo ay sumusunod sa Kanya?

3.2 PAGSASABUHAY: ANG MGA SUMUSUNOD SA MGA ARAL AT TURO NI JESUS


AY TUNAY NA MGA ALAGAD NIYA ( Juan 8:31)

Tayo ay inuutusan ni Jesus na sumunod sa kanyang mabuting mga itinuturo sa atin. Paano? Sa
pamamagitan ng pagmamalasakit sa kapwa, paggawa ng mabuti ng walang hinihinging kapalit, huwag
makipag-away bagkos ipadama mo na mahal mo sila.

Tularan natin si SAN ANTONIO DE PADUA sa kanyang pagsunod sa kalooban ng Diyos sa


kanyang pamumuhay dito sa mundo, sa kabanalan at sa pagtuturo niya ng mga aral at turo ni Jesus sa
mga kabataan. Bukod sa kanyang pangaral nahirang din siyang maging lector sa kanyang mga
kasamang prayle. Taglay niya ang pagiging eksperto sa pagpapahayag ng Mabuting Balita at walang
katapusang pagmamahal sa mga mahihirap at mga may sakit. Tunay na isinasabuhay niya ang kanyang
mga itinuturo.

 Ano ang unang panalangin na itinuro sa atin ni Jesus?

3.3 PAGSAMBA: SA PAGDARASAL NG “AMA NAMIN’’ NA ITINURO NI JESUS AY


SINASAMBA NATIN ANG DIYOS AMA. (Mateo 6:9-13)

Ang panalangin ng Ama Namin ay dasal na binibigyang halaga ni Jesus ang pagtawag sa Diyos Ama
na makapangyarihan sa lahat. Itinuro sa atin ni Jesus na tayo ay manalangin sa Ama, sa pamamagitan
nito ay mas lalo pa tayong napapalapit sa kanya. Ang katuruang ito ni Jesus ay palagiang panalangin
upang tayo ay magkaroon ng ugnayan sa Diyos Ama.

3.4 BUOD: Si Jesus ay Mabuting Guro itinuturo niya sa atin ang Mabuting Balita at ang
katotohanan. Ang mga sumusunod sa mga aral at turo ni Jesus ay tunay na mga alagad Niya. Sa
pagdarasal ng “Ama Namin’’ na itinuro ni Jesus ay sinasamba natin ang Diyos Ama.

PAGSAGOT SA MAHAHALAGANG TANONG

1. Sino ang Mabuting Guro?


2. Paano tayo makakalapit kay Hesus ang Mabuting Guro?
3. Ano ang panalangin itinuro ni Hesus ang ating Mabuting Guro?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na si Jesus ay Mabuting Guro

4.2 PAGTATALAGA: Gumawa ng pangako na ikaw ay makikinig at susunod sa mga


turo ni Jesus.

4.3 PAGDIRIWANG: Dasalin ang Aba Ginoong Maria…. Luwalhati…

V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAKSA 6: SI HESUS AY MAKAPANGYARIHAN
IkalawangBaItang
Oras: 40 minuto
PAHAYAG NG PINAGKUKUNAN LAYUNIN
PANANAMPALATAYA /PAMAMARAAN

Katotohanan: Si Jesus ay SALITA NG DIYOS Pagkatapos na maituro ang


tunay na makapangyarihan, paksang ito ang mga bata ay
Siya ay Anak ng Diyos. Lucas 18:35-43 inaasahang:
(KIK 547, KPK 484-485, Mateo 11:4-5
Mateo 11:4-5). *Malalaman na si Jesus ay
Pagsasabuhay: Nais ni Jesus tunay na makapangyarihan.
na sumampalataya tayo sa KATURUAN *Makakapagtala ng mga
Kanya at maging alagad Niya. NG SIMBAHAN gagawin bilang tanda na tunay
(KPK 537, KIK 520) silang naniniwala kay Jesus.
Pagsamba: Sa dasal na KIK 547,KPK 484-485 *Maipapahayag sa panalangin
“Sumasampalataya” KPK537,KIK520,423.507 ang kanilang
ipinahahayag natin ang pananampalataya kay Jesus.
pananampalataya kay Jesus na
Anak ng Diyos. (KPK 423,
KIK 507)
KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO

*Malaman na si Jesus ay *Sino ang tunay na *San Lorenzo Ruiz


makapangyarihan. makapangyarihan?
*Maipakita ang pagtitiwala sa *Paano mo ipapakita ang iyong Pagpapahalaga: Pagtitiwala
paraan ng pagtawag sa kanya pagtitiwala sa Diyos? at pananalig
sa panalangin. *Ano ang ibubulong mo kay Jesus
*Makapagpapuri sa mga pag- sa Panalangin? Deped: pananampalataya sa
papagaling na ibinigay ng Diyos
Diyos.
SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Malalaman na si Jesus ay
*Alam na mga bata alam na *Malalaman ng mga bata na ang tunay na makapangyarihan.
ang Diyos ay makapangyarihan Diyos ay makapangyarihan, *Makakapagtala ng mga
pero hindi nila alam kung nagpapagaling, nagmamahal at gagawin bilangtanda na tunay
paano maisasabuhay ang tumutulong. silang naniniwala kay Jesus.
tahasang pagtitiwala o *Maipapahayag sa panalangin
pananampalataya. ang kanilang
pananampalataya
PAKSA 6: SI HESUS AY MAKAPANGYARIHAN
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Diyos naming Ama, salamat sa araw-araw na pagbibigay ng biyaya sa bawat isa sa amin.
Salamat din po sa pagbibigay kay Hesukristo ang Iyong Anak, na Makapangyarihan at Tagapagligtas
ng sanlibutan. Tulungan Mo po kaming patuloy na lumapit sa Kanya. Ito ang aming samo at dalangin
sa ngalan ni Jesus kasama ng Espiritu Santo, magpasawalng hanggan. Amen.
Ama Namin...
PAGBABALIK-ARAL:
Magandang araw mga bata ngayon ako’y nagagalak at muli ko kayong nakasama sa araw na
ito. Bago tayo magsimula sa panibagong paksa natin ngayon mga bata may katanungan muna ako, sa
nakaraang aralin, sino po ang Mabuting Guro na palagi nagtuturo ng kabutihan sa atin? (Hesus po). Si
Hesus ay Mabuting Guro itinuturo Niya sa atin ang Mabuting Balita at ang katotohanan. Ang mga
sumusunod sa mga aral at turo ni Jesus ay tunay na mga alagad Niya. Sa pagdarasal ng “Ama Namin’’
na itinuro ni Hesus ay sinasamba natin ang Diyos Ama.
Ngayon naman sa ating bagong Paksa ay ating Siyang kikilalanin bilang Makapangyarihan.
MAHALAGANG TANONG:
 Sino ang tunay na makapangyarihan?
 Paano mo ipapakita ang iyong pagtitiwala sa Diyos?
 Ano ang ibubulong mo kay Hesus sa Panalangin?

I . PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:


1.1 SALITA NG DIYOS: Lucas 18:35-43
“At sinabi ni Hesus. Mangyari ang ibig mo! Pinagaling ka ng iyong pananalig, Noon din nakakita siya
at sumunod kay Hesus at nagpasalamat sa Diyos. “
1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS

 Sino ang tauhan sa kwento? [Si Hesus po, lalaking bulag, mga tao.]
 Sa kwento, sino ang sumigaw? [Lalaking bulag po.]
 Ano ang kaniyang sinabi o isinigaw? [Hesus, Anak ni David mahabag po kayo sa amin]
 Bakit kaya siya sumigaw? [Para mapansin po siya.]
 Ano ang nais nang bulag na gawin sa kaniya ni Hesus? [Pagalingin po siya]
 Ano ang sinabi ni Hesus sa bulag? [Ano ang ibig mong gawin ko?]
 Ano ang ginawa ng bulag noong siya’y nakakita? [Sumunod kay Hesus, nagpuri at
nagpasalamat po.]
 Kung ikaw ang may karamdaman tulad ng bulag, lalapit ka rin ba kay Hesus? [Opo.]
 Sa pagpapagaling ni Hesus sa lalaking bulag, ano ang ipinakita Niya? [Siya po ay
makapangyarihan.]

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS


Sa kuwentong inyong narinig, ipinapakita dito na si Hesus ay makapangyarihan. Naawa siya sa
mga taong may sakit at nararamdaman Niya ang paghihirap ng bawat taong may karamdaman sapagkat
Siya’y naging tao rin na katulad natin. Kaya alam niya ang ating damdamin. Kaya tayo ay lumalapit sa
kaniya at humihingi ng tulong katulad ng lalaking bulag napagaling siya dahil sa kanyang pananalig,
tayo rin ay lumapit kay Hesus ng may pananalig upang mapagaling Niya tayo sa anumang uri ng
karamdaman na ating pinagdadaanan dahil Siya ay Makapangyarihan.
Katulad sa Ebanghelyo ni San Mateo 11:4-5 “Sumagot si Hesus sa kanila, bumalik kayo kay
Juan ang sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita: nakakita ang mga bulag, nakalalakad ang mga
pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakaririnig ang mga bingi, at ipinangangaral sa mga dukha ang
Mabuting Balita..
Ang Ebanghelyo na ito ang patunay na si Hesus ay isang makapangyarihan sapagkat
nakakapagpagaling Siya. Ipinamalas niya ang Kaniyang sarili bilang isang totoong Diyos. Ang
pagpapagaling na ito ni Hesus ay hindi kailangan ng kahit na anuman, tanging
paniniwala/pananampalataya sa Kanya.
 Kayo rin ba ay katulad ng bulag na nagtiwala at naniwala kay Hesus? [Opo].

II. SITWASYON NG BUHAY


2.1 GAWAIN: Pagpapakita ng mga larawan ng iba’t-ibang sakit.
 Mga bata naranasan ninyo na bang magkasakit? [Opo.]
 Anong sakit ang naranasan niyo? [Ubo, sipon, lagnat po.]
 Sino ang tumutulong sa inyo kung kayo ay nagkakasakit? [ Mama po, pamilya po]
 Maliban sa inyong pamilya, kanino pa kayo lumalapit para kayo ay mapagaling? Bakit? [Sa
doktor po, kasi naniniwala po ako na ako’y mapapagaling.]
 Sa pagpunta niyo sa doktor ano ang katangiang pinakita niyo? [Pagtitiwala/paniniwala po.]
Bukod sa mga doctor, kanino tayo lalapit? Sa ating pagbasa kanina kanino lumapit ang mga maysakit?
(Kay Hesus po.)
Ano ang nagdala sa kanila para lumapit kay Hesus? Pagtitiwala / paniniwala po. Kung tayo ay
nagtitiwala sa mga doctor gayun din higit na magtiwala tayo kay Hesus sapagkat Siya ay tunay na
makapangyarihan, kailangalan lamang tayo ay magtiwa sa Kanya.
2.2: PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA:
A VALUE DEFINITION
 Ano ang ibig sabihin ng pagtitiwala at pananalig sa Diyos? [Ito ay isang pag-uugali na
ipinapakita natin ang ating paniniwala sa Diyos.]

B VALUE CLARIFICATION
 Sa palagay ba ninyo mahalaga ba ang pagtitiwala at pananalig? Bakit? [Mahalaga po
upang hindi tayo mawawalan ng pag-asa.]
 Ano ang magandang maidudulot kung tayo ay may pagtitiwala at pananalig? [Tayo po
ay mapapabuti, may makakapitan.]
C VALUE PURIFICATION
 Ano naman ang maidudulot kung hindi tayo marunong magtiwala at manalig?
[Mawawalan po ng pag-asa, walang makakapitan.]
 Ano ang pipiliin mo? [Magkaroon po ng pagtitiwala at pananalig sa lahat ng oras.]
D ACTION PLAN
 Magtala sa iyong papel ng 2 bunga o epekto kung ikaw ay magpapakita ng
pagtitiwala.
2.3 PAGTATAGPO
Tayong lahat ay nakakaranas ng sakit o karamdaman kung kaya sa mga ganitong sitwasyon
tayo ay nararapat na pumupunta o magpatingin sa doktor dahil naniniwala tayo na matutulungan nila
tayo na mapabuti ang ating pakiramdam. Subalit may mas higit pa tayong nararapat pagtiwalaan at
lapitan. Katulad ng ginawa ng bulag sa ating pagbasa. Siya ay tumawag at lumapit kay Jesus dahil
naniniwala siya na mapapagaling siya ni Hesus. Ipinapakita lamang nito na kung tayo at tatawag at
mananalig kay Hesus tayo ay kanyang mapapagaling dahil siya ay tunay na makapangyarihan.
2.4 LINKAGE: Sino nga ba si Hesus?
III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
3.1 KATOTOHANAN: SI HESUS AY TUNAY NA MAKAPANGYARIHAN, SIYA AY
ANAK NG DIYOS. (KIK 547, KPK484-485,Mateo 11:4-5)
Si Hesus ay tunay na makapangyarihan, n ang binigyan Niya ng paningin ang bulag na si Bartimeo
at nang binuhay Niya muli ang anak na babae ni Jairo, nang pagalingin Niya sa Capernaum ang aliping
lalaki sa Kapitang Romano, pinagaling Niya ang sampung ketongin.at nagpalayas sa mga sinapian ng
masamang Espiritu. Ang lahat ng ito ay nagpapakita na si Hesus ay tunay na makapangyarihan
sapagkat ang lahat ng tumawag at naniwala sa Kaniya ay Kaniyang kinahabagan. Samantala ang lahat
ng kumilala sa Kaniya bilang Anak ng Diyos ay Kanya namang naging alagad na handang sumunod sa
Kanya.
 Ano naman ang nais ni Hesus sa atin?
3.2 PAGSASABUHAY: NAIS NI JESUS NA SUMAMPALATAYA TAYO SA KANYA
AT MAGING ALAGAD NIYA. (KPK 537, KIK 520)
Sa ating pananampalataya kay Hesus kalakip nito ang ating pagsunod at pagmamahal natin sa
Kanya bilang kanyang alagad. Kung kaya nararapat lamang na sumampalataya tayo sa Kanya bilang
alagad Niya at tuparin natin ang mga mabubuting turo at katangian na patuloy na ipinapakita at
ipinararamdam Niya sa atin.
Kagaya na lamang ng ginawa ni San Lorenzo Ruiz, ang ating unang Pilipinong Santo. Siya ay
isinilang sa Binondo, Maynila. Siya ay naglingkod bilang isang sacristan at sekretaryo ng parokya..
Para sa kanya ang pananampalataya at buhay ay magkasing halaga kung kaya noong siya ay ikinulong
at pinahirapan hindi niya sinuko ang kaniyang pananampalataya kahit kapalit man nito ang kaniyang
buhay. Wika niya: Magkaroon man ako ng isang libong buhay hindi ko ipagpapalit ang aking
pananampalataya. Isalaysay ang talambuhay ni Lorenzo Ruiz.
 Sa anong panalangin natin ipinapahayag ang ating pananampalataya kay Hesus?
3.3 PAGSAMBA: SA DASAL NA SUMASAMPALATAYA, IPINAPAHAYAG NATIN
ANG ATING PANANAMPALATAYA KAY HESUS NA ANAK NG DIYOS. (KPK423,
KIK507)
Kung kaya’t sa tuwing sinasambit natin ang “Sumasampalataya” nararapat na ipahayag natin
ito ng buong puso at pagtitiwala, dahil ipinahahayag natin rito ang ating pananampalataya kay Hesus,
ang ikalawang persona, ang Diyos na totoo at Taong totoo, iisang Anak ng Diyos ang Panginoon
nating lahat.
3.4 BUOD
Si Hesus ay tunay na makapangyarihan, siya ay Anak ng Diyos. Nais ni Jesus na
sumampalataya tayo sa Kanya at maging alagad niya. Sa dasal na sumasampalataya, ipinapahayag
natin ang ating pananampalataya kay Hesus na Anak ng Diyos.
MAHALAGANG TANONG / EBALWASYON.
 Sino ang tunay na makapangyarihan?
 Paano mo ipapakita ang iyong pagtitiwala sa Diyos?
 Ano ang ibubulong mo kay Hesus sa Panalangin?
IV . TUGON NG PANANAMPALATAYA:
4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na si Hesus ay tunay na makapangyarihan. Siya ay Anak
ng Diyos.
4.2 PAGTATALAGA: Paano mo maipapakita sa iyong pananalita at gawa na naniniwala ka kay
Hesus? Magtala ng limang gawain.
4.3 PAGDIRIWANG: Dasalin ang “Sumasampalataya ako kay Hesukristo, Iisang Anak ng
Diyos Panginoon nating lahat”.
Aba Ginoong Maria…Luwalhati…

V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAKSA 7: ESPIRITU SANTO, GABAY KO SA PAGIGING KRISTIYANO
Ikalawang Baitang
Oras:40 Minuto
PAHAYAG NG PINAGKUNAN/ LAYUNIN
PANANAMPALATAYA PAMAMARAAN

Katotohanan: Ang Espiritu SALITA NG DIYOS Pagkatapos na maituro ang


Santo ang siyang sigla at lakas paksang ito ang mga bata ay
natin upang maging tunay na Galacia 5:25-26 inaasahang:
Kristiyano. (KIK 741, KPK Juan 14:16
1315.)  Malalaman na ang Espiritu
KATURUAN NG Santo ang sigla at lakas natin
Pagsasabuhay: Ang maging SIMBAHAN sa pagiging tunay na Krisiyano.
tunay na Kristiyano ay ang  Makakagawa ng pangako kung
sundin ang mga aral ni Jesus. KIK 741,KPK 1315 paano susundin ang aral ni
(KPK 1343 ) KPK 343 Jesus.
 Makapanalangin sa Espiritu
Pagsamba: Sa mga oras na Santo
nahihirapan tayong sundin ang
aral ni Jesus tinutulungan tayo
ng Espiritu na magdasal.

KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO

 Ang Espiritu Santo ay  Sino ang Espiritu Santo?  San Esteban


Diyos  Sino ang nagpadala sa atin
 Ang Espiritu ay ng Espiritu Santo? PAGPAPAHALAGA:
tumutulong  Ano ang misyon ng Paggawa ng mabuti
Espiritu Santo sa buhay
natin bilang kristiyano? DEPED VALUES: kabutihan,
pagkamasunurin
SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS

 Kilala ang Espiritu Santo  Maliliwanagan ang mga  Malalaman na ang Espiritu
bilang Diyos pero hindi bata sa pagkilala sa Santo ang sigla at lakas natin
nila lubos alam ang Espiritu Santo bilang sa pagiging tunay na Krisiyano.
ginagampanan nito sa tulong at gabay sa  Makakagawa ng pangako kung
buhay nila. paggawa ng mabuti. paano susundin ang aral ni
Jesus.
 Makapanalangin sa Espiritu
Santo
PAKSA 7: ESPIRITU SANTO, GABAY KO SA PAGIGING KRISTIYANO
PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
Maraming salamat Ama sa araw na ito, kami’y samahan sa gawain namin. Tulungan mo po
kaming mga bata na makinig ng Iyong Salita at matuto upang maibahagi namin ito sa aming kaibigan
at pamilya. Nagpapasalamat din po kami sa patuloy na paggabay ng Espiritu Santo upang kami’y ay
maging mabuting Kristiyano. Amen. Ama Namin…
Mahalagang Tanong:
 Sino ang Espiritu Santo?
 Sino ang nagpadala sa atin sa Espiritu Santo?
 Ano ang misyon ng Espiritu Santo sa buhay natin bilang Kristiyano?
PAGBABALIK-ARAL:
Magandang umaga sa inyo mga bata! Ating balikan ang ating tinalakay noong nakaraang
linggo. Tinalakay at nakilala natin si Hesus bilang makapangyarihan sa lahat. Ipinakita niya ito sa
pamamagitan ng pagpapagaling. Sinu-sino ang kanyang pinagaling? (Isa na ang may mga
karamdaman, ang isang taong bulag) Magaling! Si Hesus ay tunay na makapangyarihan, siya ay Anak
ng Diyos. Nais ni Jesus na sumampalataya tayo sa Kanya at maging alagad niya. Sa dasal na
sumasampalataya, ipinapahayag natin ang ating pananampalataya kay Hesus na Anak ng Diyos.
Ngayon naman tatalakayin natin ang tungkol sa Espiritu Santo. Sino nga ba siya? Halina’t
kilalanin natin siya.
I . PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:
1.1 SALITA NG DIYOS: GALACIA 5:25-26

“Ang Espiritu ang nagbibigay buhay sa atin kaya ito rin ang dapat maghari sa ating buhay.
Huwag tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa’t-isa at huwag na rin tayong
mag-inggitan.. “

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS


 Ayon sa ating binasa, sino ang dapat maghari sa ating buhay? [Espiritu Santo.]
 Ano ang ibinibigay sa atin ng Espiritu Santo? [Nagbibigay Buhay.]
 Kung ang Espiritu Santo ang maghahari sa ating buhay, ano ang ating maiiwasan? [Galit,
inggit at katamaran]
 Kilala ba ninyo ang Espiritu Santo? [Opo.]
 Sino siya para sa iyo? [Siya po ay Diyos.]

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Ang Espiritu Santo ang Ikatlong Persona sa Banal na Santatlo. Siya ang ipinadala sa atin ng
Diyos Ama at ni Hesus upang tayo ay magabayan. Siya ang nagbibigay sigla at lakas sa ating mga
Kristiyano. Sa ating pagbasa, narinig natin na ang Espiritu Santo ang nagbibigay-buhay sa atin,
kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay bilang Anak ng Diyos. Sapagkat kung siya ang
hahayaan nating maghari sa ating buhay, maiiwasan natin ang paggawa ng masama maiiwasan
natin ang maging magagalitin, pala-away at mainggitin at sa halip mamumuhay tayo sa paggawa ng
mabuti tanda ng pagiging isang Mabuting Kristiyano. Kung kaya sinasabi sa Ebanghelyo ni San
Juan (14:16) na tayo ay pinadalhan na gagabay sa atin upang tayo ay palaging gumawa ng
kabutihan. “Dadalangin ako sa Ama at kayo’y bibigyan Niya ng isa pang patnubay na magiging
kasama ninyo magpakailanman”.

II. SITWASYON NG BUHAY:


2.1 GAWAIN: PICTURE ANALYSIS
MAGPAKITA NG MGA LARAWAN NG KAWANGGAWANG PANGKATAWAN
(CORPORAL WORKS OF MERCY)
 Anu-ano ang mga napapansin ninyo sa larawan? [Nagpapainom po sa nauuhaw, dumadalaw po
sa may sakit.]
 Naranasan niyo na rin bang gawin ang ilan sa mga ito? [Opo.]
 Anong magandang katangian ang ipinapakita natin? [Paggawa ng mabuti.]
2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA:
A VALUE DEFINITION
 Ano ang ibig sabihin ng paggawa ng mabuti? [Tumutulong sa kapwa, nagbibigay ng pagkain,
tumutulong sa gawaing bahay]
B VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba ang paggawa ng mabuti? [Opo]
 Naranasan ba ninyo ang gumawa ng kabutihan? [Opo]
 Anu-ano ang mga nagawa ninyong mabuti sa kapwa? [Nagbigay ng baon sa kaklase,
pinapahiram ko ng lapis]
 Ano ang magandang naidudulot ng paggawa ng mabuti? [Dumarami ang kaibigan, napapalapit
kay Hesus]
C VALUE PURIFICATION
 Ano naman ang mangyayari kapag hindi ka gumagawa ng mabuti? [Walang mga kaibigan,
nagiging masama po.]
 Ano ang mas gugustuhin mo, ang paggawa ng mabuti o hindi? [Paggawa po ng mabuti]
D ACTION PLAN
* Magsulat sa Katekesis Notebook kung paano mo maipapakita ang paggawa ng mabuti.
2.3 PAGTATAGPO
Ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa ay isang magandang katangian ng isang tunay na
Kristiyano. At hindi madali ang makagawa ng kabutihan sa lahat ng oras, marami ang nagiging
hadlang o sagabal. Kaya mayroong ipinadala ang Diyos Ama at si Hesus para sa atin, para tayo ay
tulungan makagawa ng kabutihan at ito ay walang iba kundi ang Espiritu Santo.
2.4 LINKAGE: Sino nga ba ang Espiritu Santo?
III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
3.1 KATOTOHANAN: ANG ESPIRITU SANTO ANG SIYANG SIGLA AT LAKAS NATIN
UPANG MAGING TUNAY NA KRISTIYANO (KIK, 741, KPK 1315)
Pinasisigla tayo ng Espiritu Santo upang maisabuhay ang isang tunay na Kristiyanong pamumuhay,
pinalalakas ng Espiritu Santo ang ating pagpupunyagi laban sa kapangyarihan ng kasamaan.
Tinutulungan tayo ng Espiritu Santo sa ating kahinaan lalo na sa mga oras na di natin alam kung ano
ang ating gagawin. Ang bawat isa ay pinananahanan ng Espiritu Santo sapagkat tulad ng nabanggit ko
kanina, natanggap natin ito noong tayo ay bininyagan. Kaya nga tayo ay tinawag ng Kristiyano.
 Paano maging isang Kristiyano?
3.2 PAGSASABUHAY: ANG MAGING TUNAY NA KRISTIYANO AY ANG SUNDIN
ANG MGA ARAL NI HESUS (KPK 1343)
Ang Kristiyano ay mga naniniwala at tagasunod ni Kristo. Ang pagiging tunay na Kristiyano ay sa
pamamagitan ng ating pagsunod at pagtupad sa kanyang mga itinuturo. Katulad ng pagmamahal natin
sa Diyos at sa ating kapwa. Katulad ni San Esteban, ang kauna-unahang martir na naitala sa
Simbahang Katolika. Siya ay naging tapat na alagad ni Hesus. Sa kaniyang pagiging alagad hindi siya
napagod na gumawa ng mabuti sa kaniyang kapwa. Masaya siyang nagtuturo tungkol kay Hesus at
nangalaga sa mga mahihirap, kaya ang buhay niya bilang Kristiyano ay masayang tunay kahit sa
pagharap niya sa kamatayan.
 Kanino tayo humihingi ng tulong sa oras na tayo ay nahihirapan na sundin ang mga aral ni
Hesus?
3.3 PAGSAMBA:SA MGA ORAS NA NAHIHIRAPAN TAYONG SUNDIN ANG ARAL NI
HESUS, TINUTULUNGAN TAYO NG ESPIRITU SANTO NA MAGDASAL.
Ang Espiritu Santo, Taga-gabay at Guro natin sa paggawa ng kabutihan. Sa mga panahon ng
tukso at pinagdadaanan natin sa buhay. Tayo ay palaging humingi ng tulong sa Espiritu Santo na
siyang nagpapaalala sa atin na palaging gumawa ng mabuti at sundin ang Aral ni Hesus.
3.4 BUOD:
Ang Espiritu Santo ang Ikatlong Persona sa Banal na Santatlo na ating gabay at nagbibigay
lakas upang maging mabuting Kristiyano na laging gumagawa ng mabuti. Tayo ay palaging tumawag
sa kanya upang tayo ay kanyang matulungan at masunod natin ang mga aral ni Hesus.
PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG:
 Sino ang Espiritu Santo?
 Sino ang nagpadala sa atin sa Espiritu Santo?
 Ano ang misyon ng Espiritu Santo sa buhay natin bilang Kristiyano?
IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA
4.1 PANININDIGAN: Sumasamapalataya ako sa Diyos Espiritu Santo, Sigla at Lakas ko sa
paggawa ng mabuti.
. 4.2 PAGTATALAGA: Magsulat ng iyong pangako kung paano mo susundin ang mga aral ni
Hesus.
4.3 PAGDIRIWANG: Kantahin ang : Come Holy Spirit with Action
“Come Holy Spirit I need you..
Come Holy Spirit I pray..
Come with your strength and Your power.
Come in your own special way.”
Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAKSA 8: SA BIBLIA MAKIKILALA NATIN SI HESUS
Ikalawang Baitang
Oras: 40 minuto
PAHAYAG NG PINAGKUKUNAN/ LAYUNIN
PANANMPALATAYA PAMAMARAAN

Katotohanan: Ang Banal na SALITA NG DIYOS Pagkatapos na maituro ang


Kasulatan ay isang aklat, sa aklat paksang ito ang mga bata ay
na ito ay makikilala natin si JUAN 21:20-25 inaasahang:
Jesus. (KIK 134, 124, KPK 70) Salmo 40:5
Gawa 10:38  Malalaman na ang Banal
Pagsasabuhay: Sa palagiang Mateo 11:5 na Kasulatan ay aklat
pagbabasa ng Banal na upang makilala pa si
Kasulatan ay higit nating KATURUAN Jesus.
makikilala si Jesus. (KIK 133, NG SIMBAHAN  Makakapaglaan ng oras
KPK 470) sa pagbabasa ng biblia.
KIK 134,124,133 KPK 70,  Mapaparangalan ang
Pagsamba: Sa Banal na Misa sa 470,1678,28,82 Banal Na Kasulatan.
bahagi ng pagbabasa ng Banal
na Ebanghelyo patuloy nating
nakikilala si Jesus.

KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO

 Ang Bibliya ay isang aklat  Sa anong bahagi ng Misa patuloy  San Ignacio ng Loyola
na naghahayag ng buhay ni nating nakikilala si Jesus?
Jesus.  Ano ang Bibliya? PAGPAPAHALAGA
 Sa palagiang pagbabasa ng  Sino ang makikilala natin sa Banal na
Banal na kasulatan ay higit Kasulatan? Higit na pagkilala kay Jesus
nating nakikilala si Jesus.
 Sa Banal na Misa sa bahagi DEPED VALUES:
ng pagbabasa ng Banal na Pananampalataya sa Diyos
Ebanghelyo patuloy nating Pagkabukas ng isipan.
makikilala si Jesus.
SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
 May mga bata na alam ang  Mauunawaan na maraming matutunan  Malalaman na ang Banal
aklat ng Bibliya sa Bibliya lalo ang mga katangin at na kasulatan ay aklat
 Hindi nila lubos na mga kabutihang gingawa, upang lubusang makilala
maunawaan ang laman ng pagpapagaling ni Jesus sa mga tao. si Jesus.
Bibliya  Makakapagbasa ng kuwento mula sa  Makakapaglaan ng oras
Bibliya sa pagbabasa ng Biblia.
 Makapagpasalamat sa Diyos sa paraan  Mapaparangalan ang
ng pagdalo sa Misa Banal na Kasulatan.
PAKSA 8: SA BIBLIA MAKIKILALA NATIN SI JESUS
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Diyos na aming Ama, salamat po sa araw na ito. Nawa ay mas lalo naming Kayong makilala sa
pamamagitan ng Iyong mga Salita sa Banal na Kasulatan, ang Bibliya. Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ng matamis na pangalan ni Hesus kasama ang Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen. Ama Namin…
PAGBABALIK-ARAL:
Ang ating pinag-aralan noong nakaraang linggo ay tungkol sa Espiritu Santo na siyang
gumagabay sa atin upang maging isang tunay at mabuting Kristiyano. Ang Espiritu Santo ang Ikatlong
Persona sa Banal na Santatlo na ating gabay at nagbibigay lakas upang maging mabuting Kristiyano na
laging gumagawa ng mabuti. Tayo ay palaging tumawag sa kanya upang tayo ay kanyang matulungan
at masunod natin ang mga aral ni Hesus.
Ngayon naman mga bata aalamin natin kung saan at paano natin lubos na makikilala si Hesus.
MAHALAGANG TANONG:
1. Sa anong bahagi ng Misa patuloy nating nakikilala si Hesus?
2. Ano ang Bibliya?
3. Sino ang makikilala natin sa Banal na Kasulatan?

Sa pagiging Kristiyano ay mayroon tayong sinusundan para maging kaaya-aya ang ating
gawain. May nagbigay sa atin ng halimbawa at mga katuruan na ating tutularan upang tayo ay
maging mabuting Kristiyano at ito ay walang iba kundi si Hesus? Paano kaya natin siya mas
makikilala? Upang ating malaman ang kasagutan, halina’t pakinggan natin ang Banal na Kasulatan.
I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
I.1 SALITA NG DIYOS : JUAN 21:20-25

“…at marami pang ginawa si Hesus na kung susulatin lahat, inaakala kong hindi
magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat.

I.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS


 Ano ang sinasabi tungkol kay Hesus? [Marami po siyang ginawa na hindi naisulat]
 Bakit hindi naisulat lahat sa Bibliya ang mga nagawa ni Hesus? [Hindi po kasi
magkakasiya dahil sa dami.]
 Ano ang ipinapahiwatig nito sa atin? [Na mas kilalanin pa po si Hesus.]
 Sa palagay ninyo, paano pa natin mas makikila si Hesus? [Sa pagbabasa po ng Bibliya,
sa pagdarasal]

1.3 BUOD NG SALITA NG DIYOS

Sa pagbasa na narinig natin, napakaraming ginawa ni Hesus. Katulad na lamang sa Ebanghelyo


ni San Mateo (Mateo 11:5) na kung saan nabalitaan ni San `Juan Bautista ang mga ginagawa ni Hesus;
nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling ang mga ketongin, nakakarinig ang
mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay at ipinapangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Ilan
lamang iyan sa mga mabubuting ginawa ni Hesus. Kung kaya’t nasabi ni San Juan na kung isusulat ang
lahat ng ginawa ni Hesus ay hindi magkakasya sa iisang aklat lamang. Ngunit ang ilan ay naitala at
mababasa natin sa Bibliya. Kaya’t ang Bibliya ay napakahalaga sa atin dahil dito natin nakikilala si
Hesus. Ano ba ang pagkakakilala ninyo sa Kanya?
II. SITWASYON NG BUHAY

II.1 GAWAIN : Pagtatanong:

*Mga katangian ni Jesus na alam ng mga batang nasa ikalawang baitang. (Halimbawa:
Mabait, matapat, masunurin, mababang loob, magalang ,maawain, mapagmahal, matulungin,
etc....)

PAGTATANONG TUNGKOL SA GAWAIN


 Anu-ano ang mga alam ninyong katangian ni Hesus? [Mabait, mapagmahal, mawain]
 Bakit ninyo nasasabi na ito ang kanyang mga katangian? [Naririnig po namin sa bahay at sa
simbahan po kapag nagsisimba, nagbabasa po ng Bibliya.]
 Ano ang nararapat na gawin natin upang mas lalo pa nating siyang makilala

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION

 Ano ang ibig sabihin ng higit na pagkilala kay Hesus? [Makikilala po siya ng lubusan, ang
kanyang mga katuruan, ang kanyang mga gawa at ang kanyang kalooban.]

B VALUE CLARIFICATION

 Bakit mahalagang makilala si Jesus? [Kasi siya po ang ating kuya, guro, huwaran sa pagsunod
sa kaloban ng Diyos Ama.]
 Ano ang maidudulot nito sa ating buhay kapag higit na kilala si Hesus? [Natutularan po siya at
nagiging mabuting tao, maililigtas po.]

C VALUE PURIFICATION

 Ano naman ang mangyayari kung di natin kilala si Hesus? [Maaring mapasama.]

D ACTION PLAN

Isulat ang pinakagusto mong katangian ni Hesus at gawin ito sa inyong klasmeyt o sa bahay.

2.3 PAGTATAGPO:
Ayon kay San Juan sa ating pagbasa na hindi lahat ng nagawa ni Hesus ay naitala, sapagkat
kung ito ay naisulat ay hindi ito magkakasya sa iisang aklat lamang. Ngunit ang ilan ay naisulat sa
tulong at gabay ng Espiritu Santo at ito ay mababasa natin sa Bibliya. Mahalaga ang pagbabasa ng
Bibliya sapagkat mas makikilala pa natin si Jesus, matutuklasan natin ang mga katangian niya at mga
ginawa niyang kabutihan . Nang sa gayon matularan din natin ang mga ginawa niya.

2.4 LINKAGE: Saan pa natin mas makikilala si Hesus?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: ANG BANAL NA KASULATAN AY ISANG AKLAT, SA


AKLAT NA ITO AY MAKIKILALA NATIN SI JESUS. ANG AKLAT NA ITO AY SI
KRISTO MISMO. (KIK 134, 124, KPK 70)

Ang pangunahing layunin ng Bagong Tipan ay si Kristo, ang Anak ng Diyos na nagkatawang-
tao, ang kanyang mga gawain, mga aral, paghihirap at kaluwalhatian. Mababasa natin ang buhay at
ang lahat na ginawa ni Hesus sa Banal na Kasulatan. Mula nang siya ay nagkatawang-tao, mga gawain,
mga aral, paghihirap at kamatayan at kaluwalhatian
Sa Ebanghelyo ni San Mateo 11:5, ganito ang pagpapakilala niya kay Jesus “Nakakakita ang
mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang
mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Mabuting Balita.
Mapalad ang mga taong hindi nag-aalinlangan sa akin.” At sinabi pa sa Gawa 10:38 – Kilala ninyo si
Jesus na taga-Nazaret at alam din ninyo kung paanong pinili siya ng Diyos at kung papaanong
pinuspos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan. Alam din ninyo na saan man siya magpunta,
gumagawa siya ng kabutihan sa mga tao at nagpapagaling sa lahat na pinapahirapan ng diyablo,
sapagkat kasama niya ang Diyos.

 Ano ang magandang maidudulot nito sa atin kapag palagi tayong nagbabasa ng Bibliya?

3.2 PAGSASABUHAY: SA PALAGIANG PAGBABASA NG BANAL NA KASULATAN AY


HIGIT NATING MAKIKILALA SI JESUS.
( KIK 133,KPK 470)

Ang makilala si Hesus ang magdudulot ng pagkakaiba sa ating buhay. Kasabay nito ang
pagmamahal at paglilingkod sa kapwa nating nangangailangan. Ipinapayo ng Simbahan na lahat ng
nabinyagan ay laging magbasa ng Banal na Kasulatan upang makilala pa ng higit si Kristo. Ang hindi
nakakakilala sa Banal na Kasulatan hindi rin nakakilala kay Kristo.
Nawa maging isang huwaran natin si San Ignacio ng Loyola. Siya ay ipinanganak noong ika-24
ng Disyembre taong 1491. At ang kanyang Kapistahan ay ating ipinagdiriwang tuwing ika-31 ng
Hulyo. Si San Ignacio ng Loyola ay isang sundalo na lumaban sa sigalot sa Pamplona noong 1521.
Ngunit nasira ang kanyang pangarap noong siya ay tamaan ng bala sa kanyang binti. Habang siya ay
nagpapagaling, nagbasa siya ng aklat na pangrelihiyon., ang Ebanghelyo at mga Talambuhay ng mga
Santo. Namulat siya sa sa bagong pagnanais ng kanyang buhay tungo sa kabanalan na kanyang
inumpisan sa pagbabalik loob. Noong siya ay gumaling, nagtungo siya sa Dambana ng Mahal na
Birhen ng Montserrat at noon nagsimula ang pagmamahal niya sa pananampalatayang katoliko.Katulad
ni San Ignacio sikapin din natin na makilala pa si Jesus kung nais din natin na magkaroon ng
pagbabago sa ating buhay.

 Saan natin napapakinggan ang kwento tungkol sa buhay ni Jesus?


3.3 PAGSAMBA: SA BANAL NA MISA SA BAHAGI NG PAGBABASA NG BANAL NA
EBANGHELYO PATULOY NATING NAKIKILALA SI JESUS.

Ang pagdalo ng Banal na Misa at pagbabasa ng Bibliya ay lubos natin nakikilala si Kristo
bilang Panginoon at Tagapagligtas. Siya ang salitang nagkatawang tao. Kaya kapag binabasa ang
Ebanghelyo sa Misa, makinig tayo ng mabuti upang marinig natin ang mga kuwento tungkol kay Jesus
upang mas lalo pa natin siyang makikilala.

3.4 BUOD:
Ang Bibliya ay Banal na Aklat na naglalaman ng mga Salita ng Diyos at mga kuwento tungkol
kay Hesus, upang mas makikilala natin ng lubusan si Hesus basahin natin ang Bibliya at dumalo at
makinig sa Ebanghelyo sa Banal na Misa.

PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG/EBALWASYON:


1. Sa anong bahagi ng Misa patuloy nating nakikilala si Hesus?
2. Ano ang Bibliya?
3. Sino ang makikilala natin sa Banal na Kasulatan?

III. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1: PANININDIGAN: Naniniwala ako na sa pamamagitan ng Bibliya makikilala natin si


Hesus.
4.2 PAGTATALAGA: Magsulat sa Katekesis Notebook ng tatlong (3) katangian ni Hesus na
nais mong tularan.
4.3 PAGDIRIWANG: Tapusin ang klase sa pamamagitan ng taimtim na panalangin.
Aba Ginoong Maria…Luwalhati…

V. PAGNINILAY NG KATEKISTA
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Paksa 9: SA BINYAG TAYO AY NAGING KAPATID NI HESUS
Ikalawang Baitang
ORS: 40 minuto

PAHAYAG NG PINAGKUKUNAN/ LAYUNIN


PANANANMPALATAYA PAMAMARAAN

Katotohanan: Tayo ay ampong SALITA NG DIYOS Pagkatapos na maituro ang paksang


anak ng Diyos at kasamang ito ang mga bata ay inaasahang
tagapagmana ni Hesus. *Roma 8:17, 28-32
( Roma8:17 KPK 1615 ) *Lukas 2:52 * Malalaman na sa binyag tayo ay
nagiging kapatid ni Hesus.
Pagsasabuhay: Nais ni Hesus KATURUAN NG SIMBAHAN
na ating kapatid na tularan natin *Makakapagplano ng mga gawaing
siya, mapagmahal na anak ng *KIK 1265 nagpapakita ng pagmamahal sa mga
Diyos Ama. *KPK1615,715 darating na araw.
( Lukas 2:52, KPK 715 )
* Makakapagpasalamat sa Diyos sa
Pagsamba: Sa pagtanggap sa biyaya ng sakramento ng binyag.
Sakramento ng Binyag tayo ay
nagiging kapatid ni Hesus. KIK
1265)

KAALAMAN MAHALAGANG TANONG: SANTO

*Sa pagtanggap ng sakramento 1.Paano natin magiging kapatid si *St. Josephine Bakhita
ng Binyag tayo ay nagiging Hesus?
kapatid ni Hesus. PAGPAPAHALAGA:
*Tayo ay ampong anak ng Diyos 2.Ano ang biyayang natatanggap Cfam Syllabus Values:
Ama at kasamang tagapagmana natin sa Sakramento ng Binyag? Pagtulong at pagmamahal sa kapatid.
ni Hesus.
*Nais ni Hesus na ating kapatid 3.Ano ang nais ni Hesus na gawin DEPED Values:
na tularan natin siya, natin bilang kanyang kapatid? Pagmamahal
mapagmahal na anak ng Diyos.
SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Hindi pa nila kilala na si Hesus *Mauunawaan nila na si Hesus ay *Malalaman na sa Binyag tayo ay
ay kanilang kapatid…at kuya ang kuya at hindi “papa” naging kapatid ni Hesus.
tamang tawag sa kanya hindi *Malalaman nila na ang mga *Makapagpaplano ng mga gagawing
“papa.” magkakapatid ay nagtutulungan at nagpapakita ng pagmamahal sa mga
*Hindi alam ng mga bata ang nais nagmamahalan ayon sa nais ni darating na araw.
ni Hesus na gagawin nila bilang Hesus. *Makapagpapasalamat sa Diyos sa
kanyang kapatid. *Mapapahalagahan nila ang biyaya ng sakramento ng Binyag.
*Hindi pa nila alam paano kanilang pagiging Anak ng Diyos
mapahalagahan ang kanilang at kapatid ni Hesus.
pagiging anak ng Diyos.
PAKSA 9: SA BINYAG TAYO AY NAGING KAPATID NI HESUS

PAMBUNGAD NA PANALANGIN: Ama Namin…


PAGBABALIK-ARAL:
Sa nakaraang aralin, nalaman natin na sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan ay makikilala
natin si Hesus. Patuloy tayong magbasa ng Bibliya upang mas makilala pa natin siya. Ngayon araw na
ito ating talakayin ang Sakramento ng Binyag at ano ang biyayang pinagkakaloob nito sa atin.
MAHALAGANG TANONG
1. Paano natin magiging kapatid si Hesus?
2. Ano ang biyayang natatanggap natin sa Sakramento ng Binyag?
3. Ano ang nais ni Hesus na gawin natin bilang kanyang kapatid?

I.PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


1.1 SALITA NG DIYOS: ROMA 8:17, 28-32

“…Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga
ito'y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayon, naging panganay
natin siya…Ang kanyang tinawag ay kanyang pinawalang-sala, at ang kanyang mga
pinawalang sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.”

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS


 Ayon sa binasa, sino ang panganay na Anak ng Diyos? [Si Hesus po.]
 Sino ang tinutukoy na pinawalang-sala? [Tao po.]
 Ano ang nangyayari sa kanyang pinawawalang sala? [Binigyan po ng karangalan.]
 Ano ang karangalan na ito? [Maging anak po ng Diyos.]
 Paano natin maipapakita sa bawat isa ang pagiging anak ng Diyos? [Sa pamamagitan
po ng pagmamahalan at pagtutulungan.]

1.3 BUOD NG SALITA NG DIYOS:

Sinabi sa ating pagbasa na si Jesus ang panganay na Anak ng Diyos Ama. Ipinadala niya ito
sa lupa upangtayong mga tao ay mailigtas sa ating pagkakasala. At noong tayo'y pinawalang Sala
niya, Tayo at kanya namang binigyan ng karangalan; ang maging anak niya. Kaya tulad ni Hesus
na ating kapatid na nakipamuhay sa atin ayon sa Ebanghelyo ni San Lukas, nararapat lang na tulad
Niya umunlad ang ating karunungan para tayo ay kalugdan ng Diyos at ng mga tao sa pamamagitan
ng pagtulong at pagmamahal sa kapwa gaya ng mga halimbawang ginawa ni Hesus.

II. SITWASYON NG BUHAY:

2.1 GAWAIN: Pagpapakita ng larawan ng Pagbibinyag


PAGTATANONG TUNGKOL SA GAWAIN
 Ano ang nakikita ninyo sa larawan? [Pagbibinyag po.]
 Sino-sino ang nasa larawan? [Padre, baby, ninang at ninong, mga magulang po.]
 Sino sa inyo ang nakatanggap na ng Sakramento ng Binyag? [Ako po.]
 Ano ang iyong pakiramdam na ikaw ay nabinyagan na? Bakit? [Masaya po, kasi ako ay naging
anak ng Diyos.]
 Kung ikaw ay anak ng Diyos, kaano-ano ninyo si Kristo? [Kapatid po.]
 Tama, sino-sino dito ang mga may kapatid? Paano ninyo pinapakitunguhan ang bawat isa?
[Tinutulungan ko po siya, minamahal.]
 Ano ang katangian dapat taglayin ng mga magkakapatid? [Nagmamahalan at nagtutulungan po,
may pagmamalasakit sa bawat isa.]

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION
 Ano ang pagkakaintindi ninyo ng pagtulong at pagmamahal sa kapatid? [Hindi inaaway, may
pagmamalasakit, inintindi ang kanyang kapakanan.]

B VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba na nagmamahalan at nagtutulungan ang magkakapatid? Bakit? [Opo, naipapakita
po ang pagpapalaki ng maayos, nagkakasundo.]
 Ano ang mangyayari kapag nagmamahalan at nagtutulungan ang magkakapatid? [Magiging
maganda ang pagsasama, masaya po ang bawat isa, hindi magulo.]

C VALUE PURIFICATION
 Ano ang mangyayari kung hindi nagmamahalan at nagtutulungan ang magkakapatid? [Lagi
pong nag-aaway, magulo.]

D ACTION PLAN
Magtala ng 2 gagawin mong pagpapakita ng pagmamahal sa iyong kapatid at gawin ito sa
inyong bahay.
2.3 PAGTATAGPO
Sa Sakramento ng Binyag binigyan tayo ng Diyos ng karangalan at ito ay maging anak Niya at
kapatid ni Hesus. Kaya’t maipapakita natin ang ating pagiging mabuting kapatid kay Hesus kung
minamahal natin ang ating mga sariling kapatid at kapwa. Bilang ampon na anak ng Diyos, tayo ay
inaatasan Niyang tularan ang halimbawa ni Hesus ang upang tayo ay maging kalugod-lugod sa Kanya.
2.4 LINKAGE: Ano ang naging bunga ng pagtanggap natin ng Sakramento ng Binyag?
III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:

3.1 PAGSAMBA: SA PAGTANGGAP SA SAKRAMENTO NG BINYAG TAYO AY


NAGIGING KAPATID NI HESUS ( KIK 1265 ).
Sa Binyag tayo rin ay naging Anak ng Diyos. Kaya bilang kanyang Anak, si Jesus ay naging
kapatid natin. Ang binyag ay sakramento ng muling pagsilang kay Kristo at maging anak ng Diyos,
ang ating pagkalinis sa kasalanang mana at mga pansariling kasalanan, at pagiging kaanib o miyembro
ng sambayabang Kristiyano.

Sa binyag ang bata ay binubuhusan ng tubig na may pananalitang:


P _______binibinyagan kita sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Sapagkat inampon
tayo ng Diyos Ama bilang tunay na Anak, gayun din nagiging kapatid natin ang kanyang bugtong na
anak na si Jesus. Kaya ang ating tawag sa kanya ay Kuya Jesus.
Nawa matularan natin ang Santa na si STA. JOSEPHINA BAKHITA. Siya ay ipinanganak sa
bansang Sudan noong 1870. Noong bata pa si Sta. Josefina ay dinukot o ninakaw siya ng mula sa
kanyang pamilya ng mga taong nagbebenta ng mga batang Africano para maging alipin. Sa sobrang
hirap ng kanyang pinagdaanan sa kamay ng mga kidnappers na nakalimutan niya mismo ang kanyang
pangalan. Tinawag na lamang siyang “Bakhita” na nangangahulugang mapalad. Paulit-ulit na
ipinagbili si Bakhita sa iba’t ibang pamilya hanggang sa napunta siya sa isang pamilya kung saan siya
sa isang pamilya at pinaalagaan siya sa mga madreng Canossians Daughters of Charity sa Venice. At
dito lumalim ang pag-ibig ni Bakhita sa Diyos at lumawak ang kanyang pagkilala sa Diyos.
Nabinyagan siya at tinanggap ang bagong pangalan na Josefina, at dito nabuo ang pagnanasang
makapaglingkod sa Diyos. Hanggang sa naging kasapi siya ng mga madre ng Canossians.
Limampong (50) taon siyang naglingkod ng may kababaang loob hanggang sa siya ay tumanda
at nakaranas ng mahaba at malubhang karamdaman, sa kanyang pagkakasakit ang mahal na Birheng
Maria ang kanyang naging inspirasyon at lakas. Pumanaw siya ng may kagalakan noong Pebrero 8,
1947 at naging santa noong Oktubre 1, 2000. Siya ang santa na tagapagturo sa atin ng tunay na
kahulugan ng kagalakan. Tulad ni Santa Josefina nBahkita, ipakita natin ang ating pagiging kapatid
kay Kristo sa papamagitan ng paglingkod sa Diyos at sa kapwa.

 Ano ang biyayang tinanggap natin sa binyag?

3.2 KATOTOHANAN: TAYO AY AMPONG ANAK NG DIYOS AT KASAMANG


TAGAPAGMANA NI JESUS (ROMA 8:17 CFC 1615).

Sa Binyag tayo ay naging anak na tayo ng Diyos, at kapatid ni Jesus, kasama ni Jesus na
maging tagapagmana ng kaharian ng Diyos. Ito ang sinabi ni San Pablo sa mga taga Roma “Yamang
mga Anak tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Kristo. Sapagkat kung
tayo’y nakikipagtiis sa Kanya, tayo’y dadakilain din kasama niya.”

 Ano naman ang nais ni Hesus na gagawin natin bilang kanyang kapatid?

3.3 PAGSASABUHAY: NAIS NI HESUS NA ATING KAPATID NA TULARAN NATIN


SIYA, MAPAGMAHAL NA ANAK NG DIYOS AMA (LUKAS 2:52, KPK 715).
Ang moral na pamumuhay ni Kristo ay hamon sa atin sa pagsunod sa kanya, sa ating pagkilos,
mga pinapahalagahan at pinapakitang pag-uugali araw-araw. Nais ni Kristo na tularan natin ang
Kanyang mga ginagawa, lalo na ang pagmamahal sa ating kapwa pag-tulong sa mga nangangailangan
at iba pa. Si Hesus ay naging masunurin sa kanyang mga magulang hanggang sa paglaki. Kaya ba
nating siyang tularan? Ikaw ba ay naging mabuting anak at kapatid? Paano?

3.4 BUOD:
Sa Binyag tayo ay naging ampong anak ng Diyos, kapatid ni Hesus, sa pagtanggap natin ng
biyaya sa Binyag nakiisa tayo sa sambayanan na tinatawag na malaking pamilya ng Diyos ang
Simbahan. Kaya bilang kabahagi ng Simbahan, tularan natin ang halimbawa ni Hesus.

PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG/EBALWASYON

1. Paano natin magiging kapatid si Hesus?


2. Ano ang biyayang natatanggap natin sa Sakramento ng Binyag?
3. Ano ang nais ni Hesus na gawin natin bilang kanyang kapatid?

IV.TUGON NG PANANAMPALATAYA
4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na sa Binyag ako ay nagiging kapatid ni Hesus.
4.2 PAGTATALAGA: Bilang kapatid ni Hesus, ano ang mga gawain mong pagpapakita ng
pagmahahal sa iyong kapatid / kapwa sa darating na mga araw.
4.3PAGDIRIWANG: Dasalin ang Aba Ginoong Maria at Luwalhati.

V. PAGNINILAY SA KATEKISTA:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
PAKSA: 10 KABILANG AKO SA SIMBAHAN, ANG PAMILYA NG DIYOS
Ikalawang Baytang
ORAS: 40 minuto

PAHAYAG NG PINAGKUKUNAN LAYUNIN


PANANANMPALATAYA /PAMAMARAAN

Katotohanan: Ang Simbahan ay SALITA NG DIYOS Pagkatapos na maituro ang paksang


ang pamilyang Kristiyano ( KPK ito ang mga bata ay inaasahang:
1905, Vatican II GS 1 ) *Efeso 2: 19- 22
“Samakatwid hindi na kayo dayuhan o * Maunawaan na ang Simbahan ay
Pagsasabuhay: Ang bawat isa taga-ibang bansa, kundi kababayan ng ang pamilyang Kristiyano.
na kabilang sa Simbahan ay mga hinirang ng Diyos at kabilang sa *Mahahamon na gumawa kung
kanyang sambayanan…” paano maipapakita ang
tinatawagang kumilos ng may
*Mateo 28:16-20 pagmamahal sa Simbahan.
pagmamahal. ( KPK 1905
“Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng *Makakapagpasalamat sa Diyos
Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo,
)Pagsamba: Sa Banal na bilang pag-aalay ng panalangin para
at turuang sumunod sa lahat ng pinag-
Eukaristiya, sama-samang sa pagkakaisa at pagmamahalan ng
uutos ko…
sumasamba ang pamilyang Katuruan ng Simbahan: bawat isa na kabilang sa Simbahan.
Kristiyano. ( KPK 1905 ) *KPK 1905
*KIK 1324
*Vatican II GS 1

KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO


*Kahulugan ng Simbahan 1. Paano inilahad ng Banal na *San Pedro Calungsod
*Sakramento ng Binyag Kasulatan ang kahulugan ng
napapabilang tayo sa pamilya Simbahan o Iglesia? PAGPAPAHALAGA
ng 2. Paano mo maipapakita na ikaw ay Cfam syllabus:
Diyos ang Simbahan. tunay na kabilang sa Simbahan? Pagmamahal sa Simbahan.
*Banal na Eukaristiya sama-
samang sumasamba ang DEPED Values
pamilyang Kristiyano.. Pagmamahal
SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Hindi pa alam ng bata ang *Unti-unting maunawaan ang *Malalaman na ang Simbahan ay
malalim na kahulugan ng kahulugan ng Simbahan. malaking Pamilya ng Diyos,
Simbahan. *Maramdaman na sila’y kabilang sa pamilyang Kristiyano.
*Wala pa sa kaisipan ng mga pamilya ng Diyos kahit sa mumunti *Makakapamili ng mga gawain
bata na ang paggawa ng nilang nagawang pagmamahal sa na nagpapakita ng pagmamahal sa
maliliit na kabutihan ay isang kapwa. mga darating na araw.
pagpapakita ng pagiging *Mapagninilayan na sila ay *Makakapag-alay ng panalangin
kristiyano. kailangan makiisa sa Simbahan. para sa pagkakaisa at
*Hindi pa lubos na pagmamahalan ng bawat isa na
nauunawaan ng mga bata kung kabilang sa Simbahan.
bakit sila nagsisimba at
nananalangin.
PAKSA 10: KABILANG AKO SA SIMBAHAN, ANG PAMILYA NG DIYOS

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
Salmo 33:20
Naghihintay kami’t umaasa sa Panginoon, Siya ang aming saklolo at aming kalasag. Sa Kanya
nasisisyahan an gaming puso, sa banal niyang pangalan kami nagtitiwala. Ama Namin…

PAGBABALIK-ARAL:

Magandang Araw mga bata! Pinagpala tayo ngayon ng Poong Maykapal, sapagkat
pinagkalooban niya tayo ng panibagong buhay at kaalaman tungkol sa kanyang Salita. Ang ating
napagaralan noong nakaraang linggo ay tungkol sa Sakramento ng Binyag. Sa Binyag tayo ay naging
ampong anak ng Diyos, kapatid ni Hesus, sa pagtanggap natin ng biyaya sa Binyag nakiisa tayo sa
sambayanan na tinatawag na malaking pamilya ng Diyos ang Simbahan. Kaya bilang kabahagi ng
Simbahan, tularan natin ang halimbawa ni Hesus.

Ngayon naman ang ating Paksa ay Kabilang Ako Sa Simbahan, Ang Pamilya Ng Diyos.

Mahalagang Tanong:
1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang kahulugan ng Simbahan?
2. Paano mo maipapakita na ikaw ay tunay na kabilang sa Simbahan?

Upang lubos nating maunawaan kung paano tayo naging kabahagi ng Simbahan ating
pakinggan ang Salita ng Diyos.

1. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:

1.1 SALITA NG DIYOS: EFESO 2:19-22


“Samakatuwid hindi na kayo dayuhan o taga-ibang bansa, kundi kababayan ng mga hinirang ng
Diyos at kabilang sa Kanyang sambahayan...”

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS


 Ano ang sinabi sa ating Pagbasa? [Tayo po ay hindi na dayuhan at hindi na taga ibang bansa.]
 Kung hindi tayo dayuhan, Ano ang kaugnayan natin sa Diyos? [Hinirang at naging kabilang sa
kanyang sambayanan.]
 Paano tayo naging kabilang sa pamilya ng Diyos? [Noong tayo po ay bininyagan po.]
 Ano ang nais ng Diyos na gawin natin bilang isang simbahan? [Magtulungan, magmahalan,
magkaisa po.]

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Sa ating pagbasa ay ipinahayag ng Diyos na tayo ay kabilang sa Kanyang sambayanan at ito ay


naganap noong tayo ay bininyagan. Kaya tayo bilang kabahagi ng Simbahan nararapat na tayo ay
magpakita ng pagkakaisa at pagmamahalan sa ibang kabahagi ng Simbahan. Katulad ng ginawa ng
mga Apostoles sinunod nila ang habilin ni Hesus na Bautismuhan ninyo ang lahat ng bansa binyagan
sila sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo (Mateo 28:16-30).

II. SITAWASYON NG BUHAY


2.1 GAWAIN: Magpakita ng larawan ng Pamilya na Nagsisimba, Nagdarasal, Nagtutulungan.

 Ano ang nakikita ninyo sa larawan? [Pamilyang nagsisimba, nagdarsal po.]


 Ano sa mga larawan ang madalas niyong gawin bilang isang pamilya? [Nagsisimba po at
nagdarasal po.]
 Bakit ninyo ito ginagawa? [Dahil nagpapakita po ito ng pagmamahal, pagkakaisa,
pagtutulungan.]
 Bukod sa ating Pamilya, Kanino o Saan pa natin maaaring ipakita ang pagmamahal? [Sa Diyos
po, sa Simbahan po.]

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION
 Para sa inyo ano ang kahulugan ng pagmamahal sa Simbahan? [Pagsunod sa kautusan,
pakikibahagi sa gawain.]

B VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba ang pagmamahal sa Simbahan? Bakit? [Opo, upang manatiling buhay
ito.]
 Ano ang magandang maidudulot kung tayo ay magpapakita ng pagmamahal sa
Simbahan? [Marami pong magiging kaibigan, makakasunod po sa mga kautusan.]

C VALUE PURIFICATION

 Ano naman ang mangyayari kung tayo ay hindi nagpapakita ng pagmamahal sa


Simbahan? [Hindi po makakasunod sa mga utos.]
 Ano ang nais ninyong gawin sa dalawa? [Magpakita po ng pagmamahal sa
Simbahan.]

D ACTION PLAN
 Sa inyong Katekesis Notebook gumuhit ng hugis puso at isulat sa loob ng puso ang
mga taong minamahal mo.

2.3 PAGTATAGPO
Tayo ay kabilang sa isang pamilya at ang bawat miyembro nito ay nararapat lamang na
magpakita ng pagkakaisa, pagmamahalan at pagtutulungan sa bawat isa. Subalit hindi lamang ito ang
pamilyang ating kinabibilangan dahil may isang malaking pamilya ang Diyos kung saan tayo rin ay
kabilang. Ito ang SIMBAHAN na kung saan nagsasama-sama ang lahat ng binyagan upang
manampalataya at magpuri sa Diyos.

2.4 LINKAGE: Sino ang tinutukoy na Simbahan?


III: PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:

3.1 KATOTOHANAN: ANG SIMBAHAN AY ANG PAMILYANG KRISTIYANO.


(KPK 1905, VATICAN II GS1)
… (Mateo 28:16-20)…”Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at
turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko…”

Noong tayo ay bininyagan tayo ay naging bahagi ng Simbahan at naging isang malaking
Pamilyang Kristiyano. Sa pagiging kabahagi nito tayo rin ay nararapat na magpakita ng pagmamahal,
pagkakaisa at pagtutulungan sa bawat kabahagi ng Simbahan. Naipapakita rin natin ito sa pamamagitan
ng pagdalo natin sa Banal na Eukaristiya tuwing araw ng Linggo.

 Ano ang panawagan sa atin bilang kabilang sa pamilya ng Diyos?

3.2 PAGSASABUHAY: ANG BAWAT ISA NA KABILANG SA SIMBAHANN AY


TINATAWAGANG KUMILOS NG MAY PAGMAMAHAL. (KPK 1905)

Bilang pamilya ng Diyos malugod tayong tinatawagan na kumilos ng marangal at may


pagmamahal sa kapwa. Sabi nga sa Pondo ng Pinoy, “Anumang magaling kahit maliit basta`t malimit
ay patungong langit”

Ang pagsasama-sama ng unang mga Kristiyano ay pagtugon nila sa utos ni Hesus bago siya
bumalik sa kanyang Ama… (Mateo 28:16-20)…”Bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng
Anak at ng Espiritu Santo, at turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ko…” Hindi sukatan sa Diyos
kung gaano kabigat at kadami ang nagawa mo para sa kapwa, ang importante isinasabuhay mo ang
pagiging kristiyano sa iyong sarili at sa kapwa ng taos sa puso. Ang pagalang mo sa iyong mga
magulang at pagtulong sa gawaing bahay at paggawa ng mga asignatura mo at pagsasagot ng mga
aralin at eksamin mo na hindi nandaraya ay isang pagpapakita ng pagiging isang buhay na kristiyano.

Kaya kung nakita mo sa iyong sarili na ikaw ay isang kabilang sa pamilya ng


Diyos, turuan mo din yung mga kaibigan mo na gumawa ng mabuti sa kapwa.
Katulad nga ni San Pedro Calungsod, bagama`t siyay binatilyo pa lamang ngunit matingkad
ang pananampalataya nya sa Diyos at pagmamahal sa misyon kaya kahit ikinamatay niya ang
tumulong sa mga pari sa pagbibinyag sa mga katutubo ay niyakap nya ito. At nganyon siya ay naging
santo ng ating simbahan dahil sa kanyang nagawa.

 Saan nakikitang nagsasama-sama ang buong pamilya ng Diyos?

3.3 PAGSAMBA: SA BANAL NA EUKARISTIYA, SAMA-SAMANG SUMASAMBA ANG


PAMILYANG KRISTIYANO (KPK 1905, KIK 1324)
Ang Banal na Eukaristiya ang pinaka rurok ng buhay kristiyano. Kaya sa Eukaristiya
nagkakaisa ang bayan ng Diyos sa pagsamba at pagpupuri sa banal na Santatlo ng Diyos. Ang
Eukaristiya ito ang pinakamataas na uri ng panalangin at obligasyon natin bilang anak ng Diyos ang
sumamba tuwing araw ng Linggo at pinagkakaisa tayo ni kristo sa Diyos.

3.4 BUOD:

Ang Simbahan ay ang pamilyang Kristiyano, kaya ang bawat isa na kabilang sa Simbahann ay
tinatawagang kumilos ng may pagmamahal at sa Banal na Eukaristiya tayo ay sama-samang
sumasamba at nagdadasal.

PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG/EBALWASYON:

 Ano ang pamilyang kabibilangan natin kung tayo ay nabinyagan?


 Paano tayo naging kasapi ng simbahan?
 Ano ang magagawa mo bilang kasapi sa pamilya ng Diyos?

1V: TUGON NG PANANAMPALATAYA:

4.1 PANININDIGAN: Ipagmamalaki ko na kabilang ako sa Pamilyang kristiyano.


4.2 PAGTATALAGA: Lagyan ng (/) ang mga ipapangako mong gagawin sa mga darating na
araw na nagpapakita ng iyong pagmamahal sa Simbahan.
______ magdasal
______ mag-aabuloy sa pulubi
______ magbabahagi ng baon sa kaklasenng walang baon
______ hindi makikipag-away

4.3 PAGDIRIWANG: Dasalin ang Aba Ginoong Maria at Luwalhati.

V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Paksa 11: UTOS NG DIYOS SUSUNDIN KO
Ikalawang Baitang
Oras : 40 minuto
PAHAYAG NG PINAGKUKUNAN/ LAYUNIN
PANANANMPALATAYA PAMAMARAAN

Pagsasabuhay: Nais ni Jesus Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang


na ibigin natin ang Diyos at ang Mateo 22: 34-40 paksang ito ang mga bata ay
ating kapwa. “Sinagot siya ni Jesus, “Ibigin inaasahang
(Mateo 22:37-40, KIK 2083, mo ang Panginoong iyong
KPK 812-813) Diyos nangg buo mong puso, *Malalaman na ang Diyos ay
nang buo mong kaluluwa, at pag-ibig. Siya ang unang
Katotohanan: Ang Diyos ay nang buo mong isip. Ito ang nagmahal sa atin.
pag-ibig. Siya ang unang pinakadakila at pangunahing *Makakapagtala ng mga
nagmahal sa atin. utos. Ang ikalawa ay katulad kabutihang gagawin bilang
(KIK 2083,KPK 742) nito; Iibigin mo ang iyong pagsunod sa utos ni Jesus.
kapwa na gaya ng inyong *Mabibigkas ng buong puso
Pagsamba: Sa panalangin, sarili.” ang panalangin ng pag-ibig
naipapahayag natin ang Dt.5:1-22
pagmamahal sa Diyos na unang Katuruan ng Simbahan:
nagmahal sa atin. ( KPK 1485- KPK 742/812-813/ 1485-
1487, KIK 2559) 1487
KIK 2083/225
KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO
*Ano ang dalawang dakilang *Bakit nais ni Jesus na ibigin *Mother Theresa of Calcutta-
utos ni Jesus. natin ang Diyos at kapwa? *Saint Joseph
*Ang Diyos ay mapagmahal *Paano natin malalaman na
ang Diyos ay pag-ibig? Pagpapahalaga:
*Maipakita ang pagmamahal sa *Paano maipapahayag ang Cfam:Pagsunod sa utos
Diyos at sa kapwa. pagmamahal natin sa Diyos?
DEP-ED :
Pagkamasunurin
SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*May kautusan naririnig ito ang *Malalaman ng mga bata na *Malalaman na ang Diyos ay
sampung utos ng Diyos. ito ang unang 10 utos ng pag-ibig. Siya ang unang
*Ang mga magulang lamang Diyos sa mga tao. nagmahal sa atin.
ang unang nagmahal sa kanila *Malalaman ng mga bata na *Makakapagtala ng mga
*Hindi alam kung paano ang Diyos ang unang kabutihang gagawin bilang
sisimulan ang pagsusunod sa nagmahal sa kanila. pagsunod sa utos ni Jesus.
utos ng Diyos *Na sa pagdarasal *Mabibigkas ng buong puso
naipapahayag ang ang panalangin ng pag-ibig
pagmamahal sa Diyos na
nagmahal sa atin.
PAKSA 11: UTOS NI HESUS SUSUNDIN KO

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Ama naming makapangyarihan tunay ngang napakadakila ng pag-ibig Mo sa amin. Maraming


salamat sa lahat ng biyaya na patuloy Mong binibigay sa amin. Sa araw na ito pagkalooban Ninyo po
kami ng karunungan upang lubos naming maunawaan ang Iyong mga Salita at maisabuhay naming ang
aming mga matutunan. Hinihiling naming sa Banal Mong pangalan kaisang Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen. Ama Namin…

PAGBABALIK-ARAL:

Noong nakaraang lingo pinag-aralan natin na tayo ay bahagi ng Simbahan, ang pamilya ng
Diyos. Ang Simbahan ay ang pamilyang Kristiyano, kaya ang bawat isa na kabilang sa Simbahann ay
tinatawagang kumilos ng may pagmamahal at sa Banal na Eukaristiya tayo ay sama-samang
sumasamba at nagdadasal.
Ngayon naman ay tatalakayin natin ang mga utos na kailangan nating sundin upang mas lalong
mapanatili ang magandang uganayan natin sa ating kapawa bilang isang pamilya. Handa na ba kayo
makinig mga bata?

Mahalagang Tanong:

1. Bakit nais ni hesus na ibigin natin ang Diyos at kapawa?


2. Paano natn malalaman na ang Diyos ay pag-ibig?
3. Paano maipapahayag ang pagmamahal natin sa Diyos?

 Anu-ano nga ba ang mg autos ang kailangan natin sundin? Halina’t tuklasin natin ito sa
pamamagitan ng pakikinig sa Banal na Kasulatan.
1. PAHAYAG NG KRISTIYANO:
1.1 SALITA NG DIYOS:
“Mateo 22: 34-40”
“Sinagot siya ni Jesus, “Ibigin mo ang Panginoong iyong Diyos ng buo mong puso, ng buo
mong kaluluwa, at ng buo mong isip. Ito ang pinakadakila at pangunahing utos. Ang ikalawa ay
katulad nito; Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng inyong sarili.”
1.2 Pagtatanong tungkol sa Salita ng Diyos
 Paano iibigin ang Diyos? [Buong puso po, isip, at kaluluwa.]
 Paano iibigin ang kapwa? [Tulad ng pag-ibig sa sarili.]
 Sino ang nag-utos ng pag iibigan sa atin? [Si Hesus po.]
 Ano ang gagawin sa mg autos na ito? [Susundin po.]

Sa Lumang Tipan ng Aklat ng Bibliya, ibinigay ng Diyos kay Moises ang 10 utos upang
maging hakbang sa mga israelita sa paggawa ng tama pagkatapos silang alipinin ng mga Egipsyo. “Dt.
5: 1-11”, “Bayang Israel dinggin ninyo ang kautusan at ang mga tuntuning ibibigay ko sa inyo
ngayon…
Nung dumating si Jesus, ang 10 utos na ito ay ginawa niyang 2 dakilang utos at sinabi “Ibigin
mo ang Panginoon iyong Diyos ng buo mong puso, ng buong mong kaluluwa, at ng buo mong
isip.” na kung nasasaad dito ang unang pangatlong utos sa 10 Utos ng Diyos na kung saan ito ay
patungkol sa ating responsibilidad at pagmamahal sa Diyos na naglikha sa atin. Ang pangalawang
dakilang utos naman ay nagsasad ng; Iibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng inyong sarili.” Na kung
saan iminulat sa atin ni Jesus na kung paano natin pahalagahan ang ating mga sarili ay ganoon din sa
ating kapwa.
II: SITWASYON NG BUHAY:
2.1 GAWAIN: (Picture viewing ng batas na dapat sundin)
Hal. Batas trapiko: bawal tumawid, no loading and unloading, bawal magtapon ng basura bawal
pumitas ng bulaklak, panatilining malinis ang lugar, magsuot ng I.D. sumunod health protocol against
covid 19

PAGTATANONG SA GAWAIN:

 Ano ang masasabi niyo sa larawan? [Maganda po.]


 Tungkol saan ba ang nakikita sa larawan? [Mga utos po, batas.]
 Anu-ano ba ang mga utos o batas na nakikita sa larawan? [No I.D no entry, bawal tumawid, etc.]
 Sinu-sino ba ang mga nagbibigay s atin ng utos? [Magulang, guro, lolo at lola, etc.]
 Mahalaga ba ang pagsunod sa mga utos? [Opo.]
 Ano ang gagawin natin sa mga utos? [Susundin po.]

Kailangan natin sundin ang mga utos na sinasabi sa inyo ng magulang, kapatid, kuya, kaibigan
at guro kapag kayo ay sumusunod ipinapakita ninyo ang pagkamasunurin sa kanila at tatawagin
kayong mabuting bata.

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA:

A VALUE DEFINITION:
 Ano ang ibig sabihin ng salitang pagsunod? [Marunong pong makinig, paggawa ng
utos, tutupdin ang ipinagagawa.]

B VALUE CLARIFICATION

 Mahalaga ba ang pagsunod? Bakit? [Upang mapapanatiling pong maayos at


mapayapa ang buhay.]
 Ano ang magandang nangyayari kapag tayo ay sumusunod? [Naging maayos ang
buhay, ligtas po lagi, nagiging mabait po, Masaya po.]

C VALUE PURIFICATION
 Ano naman ang hind maganda nangyayari kapag tayo ay hindi sumusund?
[Mapapahamak po, napapagalitan, nagiging matigas ang ulo.]
 Ano ang mas pipiliin ninyo marunong sumunod o hindi marunong sumunod?
[Marunong sumunod po].

C ACTION PLAN:
 Mga inhale exhale ipikit natin ang mga mata, ilagay natin sa ating mga puso ang 2
kamay natin, habang nakapikit sabihin natin, “Hesus Mahal kita susundin ko po kayo!

2.3 PAGTATAGPO:

Ang dalawang utos ng pag-ibig ng Diyos at ang kapwa ay napakadakila. Kung susundin natin
ang mga utos na ito magkakaroon tayo ng magandang ugnayan sa bawat isa. Napakahalaga ng
pagsunod upang maging maayos at mapabuti ang ating pamumuhay. Kung ang lahat ay marunong
sumunod tiyak na may katiwasayan at kaayusan ang buhay natin dito sa mundo.

2.4 LINKAGE:

 Ano ang nais ni Hesus na gawin natin sa ating kapwa?

III.PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:
3.1 PAGSASABUHAY: NAIS NI JESUS NA IBIGIN NATIN ANG DIYOS AT ANG ATING
KAPWA. (MATEO 22:37-40, KIK 2083, KPK 812-813)
Bilang nilikha ng Diyos at ginawang kabilang sa kanyang pamayanan, nais ng Diyos na
magkaroon tayo ng mahigpit na pagkilala sa kanya sa pamamagitan ng pag galang sa kanyang
kapangyarihan, sa pag -alala sa kanyang ginawa sa atin at higit sa lahat sambahin siya bilang
pakikipagkaisa natin sa kanya. At sa ating kapwa sa simpleng paggawa ng kabutihan na nanggaling sa
puso ay sapat na pagpapakita at pagpaparamdam ng pagsunod natin sa utos ni Jesus, sabi nga ni
Mother Teresa of Calcutta “Do not think that love, in order to be genuine, has to be extraordinary.
What we need is to love without getting tired.”
Si Mother Teresa of Calcuta, isang mabuting madre na walang ibang ginawa kundi ang
maglingkod sa mga mahihirap, sa mga taong maysakit sapagkat sa bawat pagtulong na kanyang
ginagawa ay nakikita Niya si Hesus na nangangailangan ng kanyang tulong at iyon ang pagpapakita
niya ng pagmamahal sa pagsunod sa utos ng Diyos sa kanya.

 Bakit nais ng Diyos na tayo ay magmahal?

3.2 KATOTOHANAN: ANG DIYOS AY PAG-IBIG. SIYA ANG UNANG NAGMAHAL SA


ATIN. (KIK 2083, KPK 742)
Sapagkat ang Diyos ay pag-ibig, hindi pa man tayo isinilang ay naroon na ang pagmamahal ng
Diyos sa sanlibutan, nagkasala ang sinaunang tao at nasira na nag relasyon ng Diyos at tao, ngunit ang
pag-ibig ng Diyos ay nanatili kaya kahit ang bugtong niyang anak ay ibinigay niya sa mundo dahil sa
kanyang pag-ibig sa ating mga tao. “Jn3:16”

 Kaya paano natin maipapahayag ang pagmamahal natin sa Diyos?

3.3 PAGSAMBA: SA PANALANGIN, NAIPAPAHAYAG NATIN ANG PAGMAMAHAL SA


DIYOS NA UNANG NAGMAHAL SA ATIN. (KPK 1485-1487, KIK 2559)
Sa Banal na Eukaristiya, maipapahayag natin ang ating ating paggalang at pagmamahal sa Diyos.
Ang Banal na Misa ang pinakamataas na uri ng panalangin, lagi nating pakakatandaan na sa panalangin
naipapadama natin ang ating pagmamahal at pasasalamat sa Diyos. Sa tuwing nagdadasal tayo at
nagpapasalamat sa kanya, inaalala at napapasalamatan natin ang Kanyang walang hanggan biyaya sa
atin.
3.4 BUOD:
Lahat tayo ay inaanyayahan na mahalin ang Diyos at ang ating kapwa. Sundin natin ang utos na ito ni
Hesus upang magkaroon tayo ng magandang relasyon sa Diyos at sa ating kapwa.
Pagsagot sa Mahalagang Tanong/Ebalwasyon:
1. Ano ang 2 dakilang utos ni Jesus?
[Ibigin po ang Diyos at ang ating kapwa.]
2. Sino ang unang nagmahal sa atin?
[Ang Diyos po.]
3. Paano natin naipapahayag ang pagmamahal sa Diyos?
[Magsimba po at magdasal.]

IV: TUGON NG PANANAMPALATAYA:


4.1 PANININDIGAN: Ipapahayag ko, ANG DIYOS AY PAG-IBIG
4.2 PAGTATALAGA: Isulat ang mga gagawing kabutihan na nagpapakita ng pagmamahal sa
Diyos at sa kapwa?
4.3 PAGDIRIWANG: Panalangin ng pag-ibig (prayer booklet pahina10)
Aba Ginoong Maria… Luwalhati…

V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Paksa 12: KASAMA NI HESUS , HALINA AT SAMA-SAMA TAYONG
MAGPASALAMAT SA DIYOS AMA
Ikalawang Baitang
Oras 40 minuto
Pagpapahalaga: Pagsisimba sa arawa ng Linggo
PAHAYAG NG Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
PANANAMPALATAYA

Pagsamba: Ang Banal na SALITA NG DIYOS : Pagkatapos na maituro ang


Eukaristiya ay sama-samang *Lukas 2:41-53 paksang ito ang mga bata ay
pag-aalay ng pasasalamat sa *“taun-taon, tuwing Pista ng inaasahang:
Diyos Ama. ( KIK 1360- Paskuwa,ang mga magulang ni
1361,KPK 1680,913 ) Jesus ay pumupunta sa Jesuralem.”
Katotohanan: Malalaman
Katotohanan: Ang Diyos ay *Exodo 20:8 Italaga ninyo sa akin
na ang Banal na Eukaristiya
mabuti,mapagbigay,mapagmahal ang araw ng Panginoon. ay pasasalamat.
at tapat sa lahat ng tao.(KIK Pagsasabuhay:
1359) Katuruan ng Simbahan: makakagawa ng “Liham “
Pagsasabuhay: Inuutos ng  KIK 1359/1360- sa Diyos bilang pagtupad ng
Simbahan sa bawat binyagan na 1361/1389 ikatlong utos.
sama-sama tayong makiisa sa Pagsamba:
Banal na Eukaristiya kung araw Makapagpapasalamat sa
ng Linggo at pistang pangilin. Diyos sa pamamagitan ng
(KIK 1389,KPK 903 ) pag-awit.

KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO


*Ang Banal na Eukaristiya ay *Paano mapahalaghan ang Banal *St. Dominic Savio
mataas na antas ng pagsamba. na Eukaristiya?
*Ang Diyos ay mapagmahal. *Paano ipinadadama ng Diyos ang Pagpapahalaga:
*Ang mga kautusan ng kanyang pagmamahal sa atin? Cfam: Pagsisimba sa araw
Simbahan. *Paano masusunod ang mga utos ng Linggo
ng Simbahan?
DEP-ED: Pagsunod

SITWASYON NG BUHAY
BAGO KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Nararamdaman ng mga bata na *Ang Banal na Misa ay
*Ang Banal na misa ay isang ang Banal na Misa ay isang mataas na antas ng
gawain lamang ng mga tao ng pagtipon-tipun ng mga panalangin ng mga
pagdarasal. mananampalataya. mananampalataya kaya
*Hindi pa lubos ang kaunawaan *Unit-unting mauunawaan ng mga palagi ng magsisimba.
ng pagkilos o pagmamahal ng bata ang pag-ibig ng Diyos mula * Sila ay unang minahal ng
Diyos sa kanila. sa simula hanggang sa kanilang Diyos.
*Wala pa sa kamalayan ang nararanasan sa kanilang pamilya. *Magsimba kasama ang
pagsunod sa utos ng Diyos. *Sila ay kasapi ng Simbahan. pamilya. .
Paksa 12: KASAMA NI HESUS, HALINA SAMA-SAMA TAYONG MAGPASALAMAT SA
DIYOS AMA
PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat kami po ay nagtitipon ngayon upang mag-aral ng Iyong
salita. Bilang kaisa ng Simbahan kami ay nagpasalamat at magpuri sa Iyo sa pamamagitan ng Banal na
Eukaristiya. Ama Namin…

PAGBATI AT PAGBABALIK ARAL:


Magandang umaga mga bata, Kamusta kayo? Ngayong araw na ito nararapat tayong magpasalamat sa
Diyos sapagkat ipinagkalooban Niya tayo ng bagong buhay. Noong nakaraang linggo ang ating pinag-aralan ay
ang “UTOS NG DIYOS, SUSUNDIN KO” Nais ni Hesus na ibigin natin ang Diyos at ating kapwa. Ngayon
araw na ito ang ating paksang pag-aaralan ay KASAMA NI HESUS, HALINA SAMA-SAMA TAYONG
MAGPASALAMAT SA DIYOS AMA. Ngayon ay sabay=sabay nating alamin kung paano natin
mapapasalamatan ang Diyos Ama.

MAHALAGANG TANONG:
1. Paano mapahalagahan ang Banal na Eukaristiya?
2. Paano ipinadadama ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin?
3. Paano masusunod anh mga utos ng Simbahan?

1PAHAYAG NG KRISTIYANO
1.1 SALITA NG DIYOS: LUKAS 2:41-53

“Taun-taon tuwing Pista ng Paskuwa ang mga magulang ni Hesus ay pumupunta sa


Jerusalem….”
1.2 PAGTATANONG:

 Sino ang tauhan sa kwento? Si Hesus, Maria at Jose po


 Saan sila pumunta? Sa Jerusalem po.
 Ano ang ginawa ni sa Jerusalem? Nakipista po sila.
 Sa inyong palagay, ano ang ginawa tuwing may pista? Nagpaparada at may mga pakain po.
Nagsisimba at nagdarasal din po.

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Ipinahayag sa pagbasa na ang pamilya ni Hesus ay taun taon nakikipista sa Jerusalem isa itong
pagdiriwang na mahalaga na ang bawat isa ay nagdarasal at nagsisimba. Tulad ni Hesus siya ay nasa
loob ng templo o Simbahan na nakikinig sa mga guro. Ayon sa Banal na Kasulatan Ex. 20:18 “
Ikatlong utos ng Diyos ay italaga ninyo sa akin ang araw ng pamamahinga.” Sa pamamagitan ng
pakikiisa at pagdadalo sa Banal na Eukaristiya tayo ay nagpapasalamat sa Diyos Ama.

Saan tayo nagtitipon para magpasalamat sa Diyos? Simbahan po.


II. SITWASYON NG BUHAY: *Pagpapakita ng larawan ng Simbahan:
Hal. St. Peter, Nazareno sa Quiapo, Manila Cathedral atbp
Pagtatanong sa Gawain:
 Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Mga Simbahan po.
 May alam ba kayong Simbahan? Opo. Saan? Sa ___________________.
 Tuwing kailan tayo inaanyayahan na pumunta sa Simbahan? Tuwing Linggo po.
 Mahalaga ba ang Araw ng Linggo? Opo.] Bakit? [Kasi po ito yung araw para sa Diyos, para
magpasalamat sa Diyos, para humingi ng tawad atbp.

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA


A VALUE DEFINITION
 Para sa inyo mga bata, ano ang kahulugan ng Araw ng Linggo? Pinupuri po ang
Panginoon at pinasasalamatan.
B VALUE CLARIFICATION

 Mahalaga ba ang araw ng Linggo? Bakit? Opo, dahil sa araw na ito tayo ay
nagsisimba.

 Ano ang positibong mangyayari kapag tayo ay nagsisimba tuwing Linggo?


Mapapalapit sa Diyos, mabibiyaan at mas makikilala ang Diyos.

C VALUE PURIFICATION

 Ano naman ang negatibong mangyayari kapag hindi tayo nagsisimba? Mapapalayo sa
Diyos, magiging makulit atbp

D ACTION PLAN
 Magdrawing o gumuhit kayo ng Simbahan, ilagay sa loob ng Simbahan ang pangalan
ng mga kasama ninyo sa bahay.

2.3 PAGTATAGPO
Mahalaga na tayo ay laging nakikiisa at dumadalo sa Banal na Eukaristiya lalo na kapag Araw
ng Linggo dahil isa ito sa paraan natin para magpuri at magpsalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang
binibigay Niya satin. Tulad ng sinabi ninyo kanina kapag tayo ay hindi nagsisimba tayo ay
mapapalayo sa Diyos pero kapag tayo ay laging nagsisimba ay mas makikilala natin ang Diyos at
mapapalapit tayo sa Kanya. Kapag tayo ay nagsisimba ay kasama natin si Hesus na nagpapasalamat
sa Diyos Ama, tulad ng ipinahayag na pagbasa kanina si Hesus ay natagpuan sa loob ng Templo o
Simbahan na nakikinig sa mga guro.

2.4 LINKAGE: Kanino tayo nagpapasalamat? Sa Diyos Ama po.


III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 PAGSAMBA: ANG BANAL NA EUKARISTIYA AY SAMA-SAMANG


PASASALAMAT SA DIYOS AMA (KIK 1360-1361, KPK 1680, 913)

Ang Banal na Eukaristiya ay ang pinakamataas na antas ng panalangin na kung saan tayo ay
nagkakatipon bilang pamilya ng Diyos.
Tulad ni San Dominic Savio siya ay isinilang noong Abril 2, 1842 sa Piedmont, Italy. Noong
limang taon pa lamang si Dominic ay naging Sakristan na siya. Pitong taong gulang naman ay nag
First Communion siya. Matalino mabait at relihiyoso si Dominic. Tulad lamang siya ng mga
pangkaraniwang mga bata, gumagawa ng mabuti sa pamamagitan ng pagtulong niya sa kanyang
klasmeyt. Siya ay laging nagsisimba bago pumasok sa paaralan at bago umuwi ng bahay ganun
niya lubos na pinapahalagahan at pinapasalamatan ang Diyos Ama kasama ni Hesus. Kaya naman
ito ay naging daan upang mapalapit siya sa Diyos kaya ngayon ay tinatawag siyang Santo.

 Magbigay ng katangian ng Diyos Ama? [Mabait, mabuti, mapagmahal]

3.2 KATOTOHANAN: ANG DIYOS AY MABUTI, MAGBIGAY, MAPAGMAHAL AT


TAPAT SA LAHAT NG TAO (KIK 1359)
Araw- araw ay pinaparamdam sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal, siya ay mabuti at
mapagbigay sa lahat ng ating pangangailangan. Kahit ang kanyang kaisa-isang anak ay binigay niya sa
atin para sa ating kaligtasan, Ayon sa Ebanghelyo ni San Juan 3:16 “Gayun na lamang ang pag-ibig ng
Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak upang ang sumasampalataya sa
kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Kaya tuwing araw ng
Linggo tayo ay magsimba para pasalamatan ang Diyos Ama para sa lahat ng kabutihan at pagmamahal
Niya sa atin.

 Ano ang iniutos sa atin ng Simbahan? [Magsimba po tuwing Linggo.]

3.3 PAGSASABUHAY: INIUTOS NG SIMBAHAN SA BAWAT BINYAGAN NA SAMA-


SAMA TAYONG MAKIISA SA BANAL NA EUKARISTIYA KUNG ARAW NG LINGGO AT
PISTANG PANGILIN. (KIK1389, IKATLONG UTOS NG DIYOS, KPK 903)

Bilang binyagan tungkulin natin na sumunod sa ikatlong utos dahil ito din ang nais ng Diyos na
tayo ay sama-samang maki-isa sa Banal na Eukaristiya na kasama si Hesus na nagpapasalamat sa
Diyos Ama. Tulad ni San Dominic Savio kahit siya ay bata pa naglinkod na sya sa Diyos at hindi niya
kinakalimutan ang pagsisimba at pinapahalagan niya ang Banal na Eukaristiya.

3.4 BUOD:
Ang Banal na Eukaristiya ay sama-sama nating pasasalamat sa Diyos Ama na unang nagmahal sa
atin. Kaya iniutos sa atin ng Simbahan na palagi tayong maki-isa sa araw ng Linggo at pistang
pangilin.

PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG/EBALWASYON.

1. Paano mapahalagahan ang Banal na Eukaristiya?


2. Paano ipinadadama ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin?
3. Paano masusunod anh mga utos ng Simbahan?

IV. TUGON SA PANANAMPALATAYA

4.1 PANININDIGAN: Ipinapahayag ko ang Diyos Ama ay mabuti, mapagbigay at mapagmahal


at tapat sa lahat ng tao kaya nararapat na Siya ay pasalamatan.

4.2 PAGTATALAGA: Gumawa ng liham na pangako sa Diyos, kung paano tutuparin ang
ikatlong utos ng Diyos

4.3 PAGDIRIWANG: (Aawitin) Tune of roll over the ocean\

Ako magsisimba tuwing lingo


Ako ako magsisimba tuwing lingo (3x)
Magsisimba tuwing lingo lalalal….
Yayain si Nanay
Yayain si Tatay
Yayain si Ate at kuya
Ang saya ng lingo (2x)
Pupunta kami sa Simbahan.

 Ikaw
 Tayo

Dasalin ang Aba Ginoong Maria at Luwalhati.

V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Paksa 13: NAIS NI HESUS NA TAYO AY HUMINGI NG TAWAD AT MAGPATAWAD.
Audience: Ikalawang Baitang
Oras: 40 minuto
Pagpapahalaga: Pagsisisi at paghingi ng tawad
Pahayag ng Pananampalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)

Pagsamba: Sa panalangin, SALITA NG DIYOS : Pagkatapos na maituro ang


lumalapit tayo sa Diyos upang paksang ito ang mga bata ay
humingi ng patawad sa ating *Lukas 6: 36, 18:9-14 inaasahang:
nagawang kasalanan. “ … O Diyos mahabag po kayo
( KIK 2631,KPK 2179) sa akin na isang makasalanan!” Katotohanan: Maipapahayag
Katotohanan: Ang Diyos Ama ay na ang Diyos Ama ay
maawain at mapagpatawad. *Jeremias 3:12 maawain at mapagpatawad.
(KIK 2840, KPK 1773, Jeremias Pagsasabuhay: Maitatala
3:12) ang mga nagawang kamalian
Pagsasabuhay: Nais ni Hesus na Katuruan ng Simbahan: sa Diyos at kapwa at
maging maawain tayo tulad ng  KIK 2631, 2840, 2842 makakapangako na hihingi ng
Diyos Ama.  KPK 2179, 2182 tawad.
(Lukas 6:36, KIK 2842, KPK 2182) Pagsamba: Makakapagdasal
ng Panalangin ng Pagsisisi.

KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO

*Kahalagahan ng sakramento ng *Sino ang maawain at  San Maria Vianney


kumpisal. mapagpatawad?
Pagpapahalaga:
*Panalangin ng Pagsisisi. *Ano-ano ang mga pamamaraan CFAM: Pagsisisi at
o hakbang ng pangungumpisal? paghingi ng tawad
*Paraan ng Pangungumpisal.
*Paano ang tamang DEP-ED: Pagpapatawad
pangungumpisal?
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
*Hindi gaanong hawak ng bata na *Maunawaan at maramdaman ng *Maipapahayag na ang Diyos
ang Ama ay maawain at mg bata na ang Diyos Ama Ama ay maawain at
mapagpatawad. maawain at mapagpatawad. mapagpatawad.
*Ang mga bata ay mulat na sa *Sila rin ay makapagdarasal, *Maitatala ang mga
paghingi ng tawad kung kaya’t ang mga bata ay nagawang kamalian sa Diyos
magiging handa sa paghingi ng at kapwa at makakapangako
*Marunong magdasal subalit hindi tawad at pagpapatawad. na hihingi ng tawad.
ang panalangin ng pagsisisi. *Makakapagdasal ng
Panalangin ng Pagsisisi.
PAKSA 13: NAIS NI HESUS NA TAYO AY MAGING MAAWAIN AT
MAPAGPATAWAD
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Ama naming makapangayarihan, pinupuri’t pinasasalamatan ka namin dahil sa ikaw ang
pinagmulan ng lahat ng kabanalan at biyayang natatanggap naming sa araw-araw, O Diyos, ikaw ay
tunay na maawain at mahabagin sa amin na Iyong mga Anak. Tulungan ninyo po kami nang sa
pamamagitan ng Mabuting Balita sa araw na ito ay masunod namin Iyong kalooban. Nawa ay matuto
kaming maging maawain at mapagpatawad tulad Ninyo. Itinataas namin ang lahat ng ito sa matamis
na pangalan ng iyong anak na si Hesus, at sa tulong ng Espiritu Santo. Amen. Ama Namin…
PAGBABALIK- ARAL
Magandang araw mga bata! Noong nakaraan nating talakayan ay nalaman natin na sa
pamamagitan ng pagsimba o pagdalo sa Banal na Misa, tayo ay nakakasama ni Hesus bilang isang
malaking pamilya upang magpasalamat, magbigay puri sa Diyos.
Ngayon naman ay ating alamin sa ating paksa kung ano ang magagawa natin upang tayo ay
maging tu;ad Niya na maawain at mapagpatawad.
MAHALAGANG TANONG

1. Sino ang maawain at magpatawad?


2. Paano tayo makakahingi ng tawad sa mga kasalanang ating nagagawa?
3. Ano ang nais ni Hesus na gawin natin?

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


1.1 SALITA NG DIYOS: Lukas 6:36 Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama.
Lukas 18:9-14, “O Diyos mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!”

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS

 Sino ang tauhan sa ating pagbasa? [Ang pariseo at ang publikano.]


 Paano naman nagdasal ang publikano? [Tahimik na nakatayo sa Templo, nakayuko habang
pinapalo ang kaniyang dibdib.]
 Sa inyong paningin, sino kaya ang nagpakita ng pagsisisi sa talinghaga? [Ang publikano po]
 Ano ang pipiliin mo, himingi ng tawad o hindi? [Humingi po ng tawad.]
 Ano ang sinabi ni Hesus bilang patunay na mas nagpakita ng pagsisisi ang publikano? [Ang
publikano ay umuwi nang mas banal sapagkat hindi siya nagmataas, bagkus siya ay buong
pusong nagpakababa sa paghingi ng kapatawaran.]

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS:


Sa talinghaga ibinahagi ni Hesus at ipinakita niya kung paano ba tayo buong pusong hihingi ng
tawad sa Diyos. Ipinakita ng publikano ang tunay na pagsisisi sapagkat hindi niya kailanman isinumbat
ang mabubuti niyang ginawa bagkus, tiningnan lamang niya ang kaniyang sarili bilang isang
makasalanang nilalang na kailangang humingi ng tawad sa Ama. Buong puso niyang tinanggap ang
kapangyarihan ng Diyos na magpatawad. Kaya naman, siya ay tunay na kinalugdan ng Diyos sa
kaniyang ginawa. Sabi nga sa Aklat ni Propeta Jeremias 3:12 “Hindi ko pababagsakin sa iyo ang poot
dahil sa kagandahang-loob at di ako mapopoot sa habang panahon. “
 Naranasan ninyo na bang humingi ng tawad? [Opo.] Ngayong araw na ito, ating kilalanin ang
dalawang magkaibigan na nagpakita ng pagpapatawad.
II. SITWASYON NG BUHAY
2.1 GAWAIN: Puppetry (Dalawang magkaibigan na nag-aaway at nagkabati)
Materials: Dalawang stick puppets na batang babae
Picture ng isang manika.
“Isang araw may dalawang magkaibigan na naglalaro ng manika. Ang pangalan nila ay si Lara
at Ria. Ngunit sila’y nag aaway dahil hindi pinahiram ni Lara si Ria ng kaniyang manika. At umuwi
nalang si Ria at sa bahay nalang nila nilaro. Ngunit makalipas ang ilang oras nalungkot si Lara dahil
hindi niya na kasama si Ria kaya’t pinuntahan niya ito sa kanilang bahay at siya ay humingi ng tawad
at ipinahiram sa kanya ang manika. At siya naman ay pinatawad ni Ria.
MGA TANONG

 Sino ang tauhan sa ating kwento? [Si Lara at Ria po.]


 Ano ang kanilang pinag awayan? [Ang manika po na kanilang pinaglalaruan.]
 Paano sila nagkabati? [Malipas po ang tatlong araw ay nagkpatawaran sila.]
 Naranasan niyo na rin ba na makaaway ang inyong kaibigan? [Opo.]
 Ano ang inyong naramdaman? [Malungkot po.]
 Ano ang inyong ginawa upang magkabati kayo ng inyong kaibigan? [Nagpatawad po.]
 Anong katangian ang ipinakita ng magkaibigan sa kwento? [Pagsisisi, Pagiging mapagpatawad,
at paghingi ng tawad po.]

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA


A VALUE DEFINITION

 Ano ba para sa inyo ang ibig sabihin ng paghingi ng tawad? [Pakikipagkasundo po,
pakikipagbati po.]

B VALUE CLARIFICATION

 Ano ba ng naidudulot ng paghingi ng tawad? [Nagiging mas mabuti po ang pagsasama at


pakikipagkaibigan, wala pong nag aaway, nagbabati po ang magkaaway.]

C VALUE PURIFICATION
 Ano naman ang mangyayari kapag hindi nagkakapatawaran ang mga tao? [Matagal po ang
away, magulo po ang pamilya, ang mundo.]
 Ano ang pipiliin mo hihingi ng tawad o hindi? [Hihingi po ng tawad.]

C ACTION PLAN
 Mga bata kayo ba ay mayroong nakagalitan sa mga kakalse ninyo ngayon? Inaanyayahan ko
kayong lahat na tumayo at lapitan ang inyong mga kamag-aral at maglagay ng krus sa kanilang
noo bilang simbolo ng pagtanggap at buong pusong kapatawaran sa bawat isa. (Maaring
sabayang ng tugtugin sa pamumuno ng guro- Hal.Kaibigan)
2.3 PAGTATAGPO
Ang Diyos ay tunay na maawain at mapagpatawad. Bilang kaniyang mga Anak tayo ay
inaasahan na tanggapan ang kanyang walang hanggang awa sa pamamagitan ng pagsisisi at paghingi
ng tawad sa nagawa nating mga kasalanan. Sa talinghagang ating narinig kanina ay ipinakita sa atin ni
Hesus kung paano ba tayo buong pusong hihingi ng tawad sa Diyos at kung paano niya tayo
kalulugdan. Ang publikano sa pagbasa ay nagpakita ng totoong pagsisisi kapag siya ay nagpakababa
bilang makasalanan. Tayo rin nawa ay maging tulad niya na hindi kalianman isinumbat ang mabubuti
nating gawa bagkus ating ipakita ang buong pusong pagsisisi sa pamamagitan ng mataimtim na
panalangin, pagpapakababa at paggawa ng mabuti.
2.4 LINKAGE

 Paano tayo lalapit sa Diyos upang humingi ng tawad?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 PAGSAMBA: SA PANALANGIN LUMALAPIT TAYO SA DIYOS UPANG HUMINGI


NG PATAWAD SA ATING NAGAWANG KASALANAN. (KIK 2631, KPK2179)
Upang kilalanin natin ang Diyos bilang ating Ama, mahalaga na tayo ay manalangin. Sa
pamamagitan ng panalangin ay mas nagkakaroon tayo ng mas malalim na ugnayan sa Diyos na siya
ngang ating Ama. Dahil rin dito ay naipapakita natin ang pagtanggap sa iginawad niyang kapatawaran
dahil mas naitutulak tayo ng panalangin patungo sa pagsisisi at paghingi ng kapatawaran. Sa
pamamagitan ng panalangin ay naitutulak rin tayo na maging katulad ng Diyos sa kaniyang pagiging
mapagpatawad. Kaya nga sa panalanging itinuro ni Hesus sa atin na “Ama Namin”, ay isinasambit
natin ito” Patawarin mo kami sa aming mga sala at tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala
sa amin.”
3.2 KATOTOHANAN: ANG DIYOS AMA AY MAAWAIN AT MAPAGPATAWAD. (KIK
2940, KIK 1773, JEREMIAS 3:12)
Alalahanin natin palagi na ang Diyos na syang ating Ama ay maawai’t mapagpatawad. Siya ay
palagiang handa at naghihintay na tayo ay lumapit sa Diyos upang humingi ng tawad. Lubos ang
kanyang pagmamahal sa ating kanyang mga anak kaya’t bilang ating Ama, ang Diyos ay naghihintay
sa atin upang tanggapin ang awa’t pagpapatawad na handog nya.
3.3 PAGSASABUHAY: NAIS NI HESUS NA MAGING MAAWAIN TAYO TULAD NG
DIYOS AMA. (LUKAS 6:36, KIK 2842, KPK2182)
Maaaring sa araw-araw nating buhay, may mga pagkakataon na nakagagawa tayo ng mga
bagay na pinagmulan ng sama ng loob ng ating kapwa sa atin. Maaari rin namang tayo ay
nakapagtanim ng sama ng loob sa kapwa. Ngunit, nararapat na alalahanin natin na ang tunay na
pagpapatawad ay nag-aanyaya sa atin na iwasan ang anumang uri ng gawain na magdudulot ng
paglayo ng ating kalooban sa ating kapwa. Tanggalin natin sa ating isipan ang anumang pagnanais na
maghiganti, bagkus tayo ay maglayon na ayusin ang mga ito sa pamamagitan ng buong pusong
pagpapatawad.
Isa sa mga taong nagpakita ng pagpapahalaga sa pagpapatawad ay si San Juan Pablo II.
Noong ika-13 ng Mayo, ang santo papa ay binaril ni Mehmet Ali Agca, habang papasok sa St. Peter
Square at tinamaan sa tiyan na sumira sa kanyang bituka. Noong gumaling ang Papa siya ay nagtungo
sa kulungan at kinausap ang salarin at ito ay kanyang pinatawad sa nagawang kasalanan. .
3.4 BUOD:
Ang Diyos Ama ay tunay na maawain at mapagpatawad. Lubos ang pagmamahal Niya sa atin
kaya naman lagi siyang naghihintay upang tayo’y tanggapin at gawaran ng pagpapatawad. Inaasahan
rin na tayo ay maging mapagpatawad tulad ng Diyos. Ang ating pagsisihan at talikdan ang kasalanan at
laging naisin ang mas matinding ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pangungumpisal
ng buong puso.
MAHALAGANG TANONG/EBALWASYON.

 Sino ang maawain at mapagpatawad? [Ang Diyos po.]


 Ano ang nais ni Hesus na gawin natin? [Humingi po tayo ng tawad at maging mapagpatawad
din po tayo tulad nya.]
 Paano tayo makakahingi ng tawad sa mga kasalanang ating nagagawa? [Sa pamamagitan po ng
pananalangin.]

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA


4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na ang Diyos ay tunay na mapagpatawad
4.2 PAGTATALAGA: Ako ay hihingi ng tawad at magiging mapagpapatawad.
4.3 PAGDIRIWANG: Dasalin ang panalangin ng Pagsisisi.
Panginoon kong Hesukristo, ako’y nagkasala sa iyong kabutihang walang hanggan. Ako’y
nagsisisi ng buong puso at nagtitika na hindi na muling magkakasala sa tulong ng iyong mahal na
grasya. Amen.
Aba Ginoong Maria… Luwalhati…
V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
Paksa: 14 MARIA, INA NI HESUS AT INA KO RIN
Ikalawang Baitang
Oras: 40 minuto

PAHAYAG NG PINAGKUKUNAN/ LAYUNIN


PANANANMPALATAYA PAMAMARAAN

Katotohanan: Ang Mahal na Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang


Birheng Maria ay ina ni Hesus paksang ito ang mga bata ay
at ina rin nating lahat. (KIK Juan 19:25-27 inaasahang
963, KPK 519-20,547 )
Pagsasabuhay: Nais ni Hesus Katuruan ng Simbahan: * Malalaman na ang Mahal na
na igalang natin ang kanyang Birheng Maria ay ina ni Hesus
ina at ina rin nating lahat. (KIK *KIK 963, 971, 1172 at Ina rin nating lahat.
971,1172 ) *KPK519-20, 547, * Makapipili ng mga katangian
Pagsamba: Ang mgakapistahan 1433,1539-1540 ni Inang Maria na maaaring
sa mahal na Birhen ay *Marialis Cultus 58 tularan.
maituturing na mahalagang * Makakapag-alay ng
bahagi ng ating pagsamba sa panalangin kay Birheng Maria.
Diyos. ( Marialis Cultus 58,
CFC 1539-1540 )
KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO

*Maria Ina ni Hesus at Ina 1. Sino si Maria sa buhay ng *Sta. Monica


nating lahat. mga sumasampalataya?
*Mga kapistahan ni Maria Pagpapahalaga:
-August 15 Assumption 2. Ano ang katangian ni Pagmamahal sa Ina at sa Mahal
-Dec.8 Immaculate Maria ang nais mong na Birhen
Conception tularan?
-Jan. 1 Mother of God DEPED Values:
-March 25 Annunciation Paggalang
SITWASYON NG BUHAY
Bago KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Ang mga bata ay alam na *Dahan-dahan na mapapalalim *Malalaman na ang Mahal na
ang Mahal na Birheng Maria ang pagkilala ng mga bata sa Birheng Maria ay Ina ni Hesus
ay ina ni Hesu ngunit hindi mahal na Birheng Maria. at Ina rin nating lahat.
nila alam na Ina din natin ito.
*Malalaman at matutularan *Makakapili ng mga katangian
*Wala pang malinaw na ang magagandang katangian ni Inang Maria na maaaring
katangian si Birheng Maria ang mahal na Birheng Maria. tularan.
ang maaaring matularan.
*Malalaman nila ang mga *Makakapag-alay ng
mahahalagang kapistahan at panalangin kay Birheng Maria
*Nagdarasal sa Birheng makakabahagi sa mga lalong-lalo na sa kapistahan
Maria. kapistahan nito. nito.
PAKSA 14: MARIA, INA NI HESUS AT INA KO RIN

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:

Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking Espiritu’y nagagalak sa Diyos na aking
Tagapagligtas, sapagkat nilingap Niya akong abang alipin! Mula ngayon ang mga tao ay tatawagin
akong pinagpala…” Ama Namin…

PAGBABALIK ARAL:

Magandang araw, narito muli tayo upang magkasama-sama, matututo at makinig sa Salita ng
Diyos ngunit bago natin simulant, ating balik tanaw ang ating mga natutunan sa huling paksang ating
tinalakay, ating natutunan ang pagpapatawad, sa panalangin tayo ay lumalapit upang humingi ng tawad
sa Diyos sapagkat ang Diyos ay mahabagin at higit sa lahat ay mapagbigay dahil hindi Niya lamang
tayo basta binigyan ng isang nanay sa mundo (Earthly Mother) Binigyan Niya rin tayo ng isang
mapagmahal na Ina na siyang Ina rin ni Hesus. Kilala nyo ba siya? Tama! “Si Maria ay Ina ni Hesus
at Ina rin nating lahat” matutunan natin sa paksang ito ang mga sumusunod:

MAHALAGANG TANONG:

1. Sino si Maria sa buhay ng mga sumasampalataya?


2. Ano ang katangian ni Maria ang nais mong tularan?

I: PAHAYAG NG KRISTIYANO

1.1 SALITA NG DIYOS : JUAN 19:25-27

“....Ginang narito ang iyong anak! At sinabi sa alagad, Narito ang iyong ina!

1.2 PAGTATANONG:

 Sinu-sino ang tauhan sa kwento? [Maria, Hesus at ang kanyang mga alagad.]
 Ano ang ginawa ni Hesus sa kanyang Ina at alagad bago siya ipinako sa krus? [Sinabi ni Hesus
na sa kanyang alagad na si Maria ang kanilang nanay.]
 Bakit niya inihabilin ang kanyang ina sa alagad at ang alagad sa ina? [Dahil po mahal sila ni
Hesus.]

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Sa paanan ng Krus naroon si Maria at ang alagad sa araw na rin na iyon bago mamatay si Hesus
ipinagkatiwala ni Hesus sa kanyang ina ang pagsubaybay, pagaaruga, paggabay sa mga alagad. Mahal
tayo ni Hesus kaya’t nais niyang ihabilin tayo sa kanyang Ina na tunay na naging isang mabuting ina sa
kanya mula ng kanyang pagsilang sa mundo hanggan sa kanyang kamatayan ay naroon si Birheng
Maria. Nararapat nating mahalin si Maria sapagkat siya ay Ina ni Hesus at Ina rin natin (Lukas 1:43)
Si Maria ay pinili ng Diyos upang maging Ina ni Hesus at dahil sa kanyang pagsunod nagkaroon ng
katuparan ang ipinangako ng Diyos Ama na tayo ay mailigtas (Lukas 1:46-55).
Paano maipapakita ang pagmamahal ninyo sa inyong ina? [Sumusunod sa utos, mag-aral ng mabuti,
atbp.]

II. SITWASYON NG BUHAY:

1.1 Gawain: Pagpapakita ng mga larawan na ginagawa ng isang Ina Hal. Paglilinis, pag-aalaga,
pagluluto at marami pang iba.

Pagtatanong sa Gawain:

 Ano ang ipinapakita sa larawan? [Yung nanay po nagluluto, naglilinis nagaalaga sa kanilang
anak]
 Sa inyong tahanan ano ang ginagawa ng nanay ninyo? [Nag-aasikaso po sa akin, nagtatrabaho,
inaalagaan po ako]
 Sa inyong palagay, bakit nila kayo inaalagan? [Kasi po mahal nila kami, mahalaga kami sa
kanila.]

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA:

A VALUE DEFINITION

 Ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa inyong mga ina? [Ginagalang po sila, sumusunod sa
utos.]

B VALUE CLARIFICATION

 Mahalaga ba na mahalin natin ang ating mga ina? Bakit? [Opo, kasi sila ang nagluwal sa
atin.]

 Ano ang magandang mangyayari kung minamahal natin ang ating ina gayundin si Inang
Maria? [Matutuwa po ang Diyos, mamahalin din tayo ng nanay natin]

C VALUE PURIFICATION
 Ano ang negatibong mangyayari kung hindi natin mamahalin ang ating mga ina? [Hindi po
kami aalagaan ng nanay namin, malulungkot ang nanay naming gayon din po ang Diyos kasi po
hindi naming minahal ang nanay namin.]

D ACTION PLAN

 Pumikit at panandaliang alalahanin ang iyong ina. Sumambit ng maikling dasal para sa inyong
mga mahal na nanay.

2.3 PAGTATAGPO
Nararapat nating mahalin ang ating ina dahil sila ang nagaalaga at nagmamahal satin. Tulad ng
inyong ibinahagi kanina ang inyong ina ang naglalaba ng mga damit nyo, nagluluto at naglilinis
ginagawa nila yun dahil mahal nila tayo, at tayo rin mahal natin sila maipapakita natin ito sa iba’t ibang
pamamaraan tulad ng pagsunod sa kanilang utos, paggalang at pag-aaral ng mabuti. Kapag minamahal
natin ang ina ay minamahal din natin si Inang Maria sapagkat si Maria ay huwaran ng mga ina. Si
Maria ay katulad din ng ating mga ina maliban sa kasalanan, inaaruga at inalagaan niya si Hesus
hanggang sa pagkamatay ni Hesus sa krus ay naroroon pa rin siya para sa kanyang Anak.

2.4 Linkage: Sino ang Ina ni Hesus na Ina rin natin? [Si Mama Mary, Birheng Maria]

III: PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:

3.1 KATOTOHANAN: ANG MAHAL NA BIRHENG MARIA AY INA NI HESUS AT


INA RIN NATING LAHAT. (KIK 936, KPK 519-20,547)

Si Maria ay ina ni Hesus na ating Tagapagligtas. Si Maria ay may malaking tungkulin sa ating
kaligtasan sapagkat siya ang pinili ng Diyos Ama na maging Ina ni Hesus. Si Maria ang unanag alagad
ni Kristo sapagkat ang siya ay tahimik na sumasang ayon at sumusunod sa plano ng Diyos kaya nga
natupad ang misyon ni Jesus hindi lamang basta ipinanganak ni Maria si Hesus minahal niya ito at
inalagaan tulad ng pag aalaga sa atin ng ating mga ina.
Kinilala at pinaparangalan ang Birheng Maria bilang tunay na ina ng Diyos na ating
Tagapagligtas. Pinagkaloob si Birheng Maria na mataas na katungkulan at karangalan bilang ina ng
Anak ng Diyos, sa makatuwid siya rin ay mahal na anak na babae ng ama at templo ng Espiritu Santo.
“Ngunit ng dumating ang takdang panahon, sinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng
babae … sa gayo’y tayo nabibilang sa anak ng Diyos “ Gal. 4:4-5

 Ano ang nais ni Hesus na gawin natin sa kanyang ina na atingina rin? [Igalang mahalin at
ingatan.]

3.2 PAGSASABUHAY: NAIS NI HESUS NA IGALANG NATIN ANG KANYANG INA


AT INA NATING LAHAT. (KIK 971,1172)
Ating balik-balikan ang pagbasa ng nagbibigay sa atin ng pag aalaala kung paano tayo
inihinabilin ni Hesus kay Inang Maria at hinabilin din si Inang Maria sa atin bilang ating Ina. Mahalin
natin si Maria sapagkat sya ay Ina ng Diyos na ating Tagapagligtas na si Hesus. Siya’y pinili ng Diyos
upang gampanan ang isang mahalagang misyon. Sa ating pagbabahaginan narinig natin ang iba’t ibang
pamamaraan ng ating mga Ina kung paano tayo nila minamahal gayundin si Maria kay Hesus at ang
tanging maisusukli natin sa ating mga Ina at kay Maria na Ina ng lahat ay pagpaparamdam kung gaano
natin sila kamahal sa pamamagitan ng paggalang sa kanila at marami pang bagay na magpaparamdam
sa kanila na sila na ating mahal.

Tunghayan din natin ang kwento ni Santa Monica na naging huwaran; huwaran ng may
asawa, mga ina at mga balo, Si Santa Monica ay isinilang sa Tagaste (ngayon, Soul-ahras), Africa
noong 332. Upang makarating sa rurok ng kabanalan, tatlong krus ang tiniis ng Santa-ang isang
biyenang mabagsik, isang asawang malupit, at isang anak na makasalanan, Napangasawa niya si
Patricio, isang pagano na dahil sa matimyas na pag-ibig at walang tigil na panalangin ni Santa Monica
ay nahikayat niyang magpabinyag bago ito mamatay noong 371. Para magbalik loob ang kanyang
asawa, biyenan at kanyang anak na si San Agustin, dalawa ang kanyang ginamit na paraan panalangin
at pagpapakasakit. Bago mamatay si Monica sa Ostia, noong 387, ito ang huling habilin sa kanyang
anak:”walang kwenta sa akin kahit na saan mo ko ilibing; wag mo lang ako kalilimutan kung nasa altar
kana!”

 Ano ang pagdiriwang natin para kay Maria bilang pagpaparangal na bahagi rin ng ating
pagsamba?

3.3 PAGSAMBA: ANG MGA KAPISTAHAN SA MAHAL NA BIRHEN AY


MAITUTURING NA MAHALAGANG BAHAGI NG ATING PAGSAMBA SA DIYOS.
[Marialis Cultus 58, CFC 1539=1540]

Ang mga kapistahan ni Maria ay maituturing natin mahalagang bahagi na ating pagsamba sa
Diyos, maipapakita rin natin ang ating pagmamahal kay Inang Maria sa tuwing tayo ay nagdidiwang
ng kanyang kapistahan, gayundin sa ating mga ina kung tayo ay bumabati sa kanila sa kanilang
espesyal na araw tulad ng kaarawan nila ay nararamdaman nilang mahal natin sila sapagkat naalala
natin ang isang importanteng araw sa kanilang buhay.
Mahalaga na tandaan natin ang mga ito:

Mga kapistahan ni Maria:

*August 15 (Assumption)
Sa araw na ito’y pinararangalan natin ang maluwalhating pagkamatay ng Mahal na Birhen at ang
pag-aakyat sa kanya sa kalangitan. Ito ang tawag na dogma ng Asunsiyon ng Mahal na Ina ng Diyos.
Tulad ni Hesus na nagtaglay ng tatlong pagtatagumpay sa kasalanan, sa kalinis linisang paglilihi sa
kanya; sa kalupaan, sa kanyang pananatiling birhen, sa kamatayan, sa kanyang pagtulog at pag-aakyat
sa langit.

*December 8 (Immaculate concepcion)


Ipinaggugunita sa atin ng pistang ito ng kalinis-linisang paglilikhi kay Maria na katotohanan ang
kaluluwa ni Maria buhay pa nang lalangin ng Maykapal at isama sa kanyang katawan, sa tiyan pa
lamang ng kanyang inang si Santa Ana, ay di nabahiran ng salang mana (orihinal) na minamana ng
lahat ng tao.

*January 1 (Mother of God)


Ayon sa bagong kalendaryo ng Concilio Vaticano II, ipinagdiriwang sa araw na ito ang
kapistahan ng Mahal na Birhen bilang ina ng Diyos. Ang sanggol na isinilang ni Maria ay nagtataglay
ng dalawang kalikasan at kalooban ng tao at ng Diyos, ngunit iisa lamang ang Person na walang iba
kundi ang Diyos Anak na nagkatawang-tao. Kaya tinawag siyang Ina ng Diyos.
Dahil sa katangi-tanging karangalang ito, tumutulong si Maria sa gawang pagtubos ng kanyang
Anak. Kaya siya ay naging Ina ng lahat ng tao, at tagapamagitan ng mga biyaya ng Diyos.

*March 25 (Annunciation)
Sa kapistahan ng Anunsyasyon o pagbabalita ng anghel kay Maria ay dalawng dakilang
katotohanan an gating pinararangalan – ang pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos at ang pagiging ina
ng Diyos ni Santa Maria. Ang kapistahang ito na ipinagdiriwang simula pa noong ikapitong siglo, ay
may kaugnayan sa Disyembre 25, sa dahilang nagdalang tao si Maria, ng ibang babae sa loobng siyam
na buwan.

3.4 BUOD:
Ang mahal na Birheng Maria ay ina ni Hesus at ina rin nating lahat : Nais ni Hesus na igalang natin
ang kanyang ina at ina nating lahat. Ang mga kapistahan sa mahal na Birhen ay maituturing na
mahalaga na bahagi ng ating pagsamba sa Diyos.

Pagsagot sa Mahalagang Tanong/Ebalwasyon.

1. Sino si Maria sa buhay ng mga sumasampalataya?


2. Ano ang katangian ni Maria ang nais mong tularan?

IV. TUGON SA PANANAMPALATAYA

4.1 PANININDIGAN: Si Maria ay Ina ni Hesus at Ina rin nating lahat.

4.2 PAGTATALAGA: Kabisaduhin ang Aba Ginoong Maria

4.3 PAGDIRIWANG: Aba Ginoong Maria at Luwalhati.

PAGNINILAY NG KATEKISTA:

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Paksa: 15 ANYAYA NI HESUS HALINA SA PILING NG DIYOS AMA


Ikalawang Baitang
Oras: 40 minuto
PAHAYAG NG PINAGKUKUNAN LAYUNIN
PANANANMPALATAYA /PAMAMARAAN

Katotohanan: Lahat tayo ay SALITA NG DIYOS Pagkatapos na maituro ang


inaanyayahan ni Hesus sa paksang ito ang mga bata ay
buhay na kapiling ang Diyos. *Juan 3:16, 6-40 inaasahang:
(KIK 1020,1024-1025, KPK
2057,2068) KATURUAN NG SIMBAHAN * Malalaman na lahat tayo ay
Pagsasabuhay: Ang anumang inaanyayahan ni Hesus sa buhay
mabuting gawain ay hakbang *KIK 1020, 1024-1025- na kapiling ang Diyos.
patungo sa buhay na walang 21,956-957,960 * Makakapagbigay ng mga
hanggan. ( KPK 2041-2042 ) *KPK 2041-2042, gawain gagawing kabutihan sa
Pagsamba: Sa tulong ng 2057,2068 kapwa upang makatugon sa
panalangin ng mga Santo at paanyaya ni Hesus na
Santa at ng ating panalangin ay makarating sa piling ng Ama.
makakapiling natin ang Diyos * Makikiisa ng buong puso sa
Ama. 9KIK 956-957, 960) pagdarasal ng panalangin ng
Pag-asa.
KAALAMAN MAHALAGANG TANONG SANTO

*Buhay na walang hanggan 1. Paano inilahad ng Banal *St. Aloysuis Gonzaga


na Kasulatan ang pagkamit
*Mabuting gawa ng buhay na walang Pagpapahalaga:Mabuting gawa
*(Kawanggawang hanggan?
pangkatawan). 2. Anu-ano ang mga kawang- DEPED Values:
gawang pangkatawan? Kabutihan

SITWASYON NG BUHAY
Bago KASALUKUYAN PAGKATAPOS
*Ang mga bata ay hindi pa *Dahan-dahang maiintindihan *Malalaman na lahat tayo ay
lubos na nauunawaan ang ang buhay na walang hanggan ay inaanyayahan ni Hesus sa buhay
buhay sa piling ng Diyos Ama: sa piling ng Diyos Ama. na kapiling ang Diyos.
ang buhay na walang hanggan. *Unti-unting mamumulat ang *Makakapagbigay ng mga
*Hindi pa alam ng mga bata kamalayan ng mga bata sa kabutihan sa kapwa upang
ang paggawa ng mabuti ay paggawa ng mabuti. makatugon sa paanyaya ni
hakbang patungo sa Diyos *Mapapahalagahan ng bata ang Hesus na makarating sa piling
Ama. pagdarasal at isasapuso ito. ng Ama.
*Ang pagdarasal ay paghingi ng *Makikiisa ng buong puso sa
biyaya at pagpapasalamat sa pagdarasal ng Panalangin ng
Diyos. pag-asa.

PAKSA 15: ANYAYA NI HESUS HALINA SA PILING NG DIYOS AMA

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
 Kantahin ang Ama Namin na may aksyon

BALIK-ARAL/PAGBATI PATUNGO SA MABUTING BALITA


Noong nakaraang linggo, tinalakay natin ang paksang: “Maria, Ina ni Hesus at Ina ko rin”. Sa
paksang iyon, nalaman natin na si Inang Maria ay hindi lang ina ni Hesus kundi ina rin nating lahat
kaya nararapat lang na atin siyang igalang at makiisa sa pagdiriwang ng kanyang kapistahan.
Ngayong araw naman ang ating paksa ay “Anyaya ni Hesus “Halina sa piling ng Diyos Ama”.
At upang mas maunawaan natin ang paksa ngayong araw, narito ang mahalagang tanong na magiging
gabay natin.
MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang pagkamit ng buhay na walang hanggan?


2. Anu-ano ang mga kawang-gawang pangkatawan?

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:

1.1 SALITA NG DIYOS : Juan 3:16


Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong
na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapapahamak, kundi magkakaroon ng buhay na
walang hanggan.

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS


 Sino ang ibinigay ng Diyos para sa sanlibutan? [Ang Kanyang bugtong Anak.]
 Sino ang bugtong na Anak ng Diyos Ama? [Si Hesus po.]
 Bakit ipinadala ng Diyos Ama si Hesus sa sanlibutan? [Dahil sa Kanyang pagmamahal.]
 Ano ang ipinangako sa atin ng Diyos Ama kapag tayo ay manampalataya sa Kanyang
bugtong na Anak na si Hesus? [Hindi mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na
walang hanggan.]
 Sa paanong paraan natin maipapakita ang pananampalataya kay Hesus? [Pagsunod sa
Kanyang mga utos, paggawa ng mabuti.]

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS


Dahil sa lubos na pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan ay ibinigay Niya ang Kanyang
kaisa-isang bugtong na Anak na si Hesus kaya nararapat lamang na tayo ay ay sumampalataya kay
Hesus upang hindi tayo mapahamak at makamtan natin ang buhay na walang hanggan. Na
pinatotohanan sa Ebanghelyo ni San Juan (Juan 6:40) na “…ang lahat ng makakakita at manalig
sa anak ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. At sila’y muli kong bubuhayin sa huling
araw.”
II: SITWASYON NG BUHAY
2.1 GAWAIN : Pagpapakita ng larawan na nagpapakita ng paggawa ng kabutihan.
Pagtatanong tungkol sa gawain
 Anu-ano ang mga nakikita ninyo sa larawan? [Pagtulong sa matanda, pagtatapon ng basura sa
tamang basurahan, etc.]
 Ano ang ipinapakita sa mga larawan na magandang kaugalian? [Paggawa ng mabuti.]
 Kayo ba ay nakagawa na ng mabuti sa inyong kapwa? [Opo.]

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION

 Ano ang ibig sabihin ng paggawa ng mabuti? [Pagtulong sa kapwa, paggawa ng tama.]

B VALUE CLARIFICATION

 Mahalaga ba na gumawa tayo ng mabuti sa ating kapwa? Bakit? [Opo dahil ito ang tamang
gawin natin.]
 Ano ang magandang maidudulot kung tayo ay gumagawa ng mabuti? [Marami pong
kaibigan, masaya po.]

C VALUE PURIFICATION

 Ano naman ang mangyari kapag hindi tayo gumagawa ng mabuti sa kapwa? [Wala tayong
kaibigan, malungkot po tayo.]
 Ano ang mas pipiliin mo gumawa ng mabuti o hindi? [Gumawa po ng mabuti.]

D ACTION PLAN
 Mag-isip ng mga gawain na kung saan maipapakita ang paggawa ng mabuti sa bahay,
paaralan, simbahan.

2.3 PAGTATAGPO
Si Hesus ang anak ng Diyos na nagkatawang tao sa pamamagitan ni Maria. Siya ang
Bugtong na Anak ng Diyos na ipinadala dito sa lupa upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan.
Sa kanyang pamumuhay dito sa mundo, nagbigay siya ng mga utos at aral na kinakailangan
nating sundin upang tayo ay amging karapat-dapat makapiling Niya sa buhay na walang
hanggan.

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA


3.1 KATOTOHANAN: LAHAT TAYO AY INAANYAYAHAN NI HESUS SA BUHAY
NA KAPILING NG DIYOS (KIK 1020, KPK 2057)
Tayo ay inaanyayahan ni Hesus sa buhay na kapiling ng Diyos na kung saan ay wala na tayong
nararamdamang gutom, takot, problema at sakit. Sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan sa ating
kapwa pagbibigay ng pagkain sa nagugutom, dalawin ang mga may sakit, painumin ang mga nauuhaw,
dalawin ang mga nasa kulungan, bigyan ng damit ang walang maisuot at iba pa. Marami tayong
magagawang pagtulong sa kapwa maliit man o malaki ang mahalaga tayo ay hindi humihingi ng
kapalit at bukal sa ating puso ang pagtulong. Dahil sa paggawa ng kabutihan, tayo ay tumutugon sa
paanyaya ni Hesus na makarating sa piling ng Ama. Kaya nararapat lang na tayo ay sumampalataya
kay Hesus dahil siya ang ilaw at daan tungo sa buhay na walang hanggan.

 Ano ang nararapat nating gawing upang makapilig ang Diyos?

3.2 PAGSASABUHAY: ANG ANO MANG MABUTING GAWAIN AY HAKBANG


PATUNGO SA BUHAY NA WALANG HANGGAN (KPK 2041-2042).
Ang paggawa ng kabutihan sa ating kapwa ay hakbang patungo sa buhay na walang hanggan.
Tulad ni St. Aloysius Gonzaga, isang taong gumawa ng kabutihan sa kanyang kapwa. Galing siya sa
isang mayamang pamilya at gusto ng kanyang ama na siya ay maging isang sundalo. Subalit nais
niyang maging pari kaya pumasok siya sa Kongregasyon ng mga Heswita. Sa panahong iyon
nagkaroon ng pandemic at maraming tao ang nagkasakit. Si Aloysius sa kanyang kabutihan at awa sa
mga tao ay ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para matulungan ang mga maysakit.
Maraming tao ang kanyang natulungan, ngunit sa kahuli hulian namatay din siya dahil sa pagkakahawa
niya sa sakit. Ang kanyang kabutihan ay naging pag-asa ng ibang tao kung kaya si si Aloysius ay
naging isang Santo. Nawa’y maging halimbawa sa atin ang mga ginawa ni St. Aloysius na gumawa ng
kabutihan sa ating kapwa lalong lalo na ang mga nangangailangan. Sinabi din ni Cardinal Rosales na
“ano mang magaling kahit maliit, basta’t malimit ay patungong langit.”

 Kanino tayo makahihingi ng tulong sa pagkamit ng buhay na walang hanggan?

3.3 PAGSAMBA : SA TULONG NG MGA PANALANGIN NG MGA SANTO AT SANTA


AT NG ATING PANALANGIN AY MAKAKAPILING NATIN ANG DIYOS.
Ang mga Santo at Santa ay nasa piling na ng Diyos. Napagtagumpayan na nila ang buhay dito
sa lupa. Sila ay gumawa ng kabutihan sa kanilang kapwa at tumugon sa pag-anyaya ni Hesus kaya
ngayon ay kapiling na nila ang Diyos. Nawa’y maging halimbawa sa atin ang mga Santo at santa
upang di mapagod tumulong sa bawat isa at gumawa ng kabutihan. Kapag tayo ay mananalangin
humingi tayo ng tulong sa mga Santo at Santa at laging sumampalataya kay Hesus dahil kapag tayo
sumampalataya sa Kanya, kahit kailan hindi tayo mapapahamak kundi magkakaroon ng buhay na
walang hanggan.
3.4 BUOD:
Lahat tayo ay inaanyayahan ni Hesus sa buhay na kapiling ang Diyos. Ang anumang mabuting
gawain ay hakbang patungo sa buhay na walang hanggan.Sa tulong ng panalingin ng mga Santo at
Santa at ating panalangin ay makakapiling natin ang Diyos.
MAHALAGANG TANONG:

1. Paano inilahad ng Banal na Kasulatan ang pagkamit ng buhay na walang hanggan?


2. Anu-ano ang mga kawanggawang pang-katawan?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na tayong lahat ay inaanyayahan ni Hesus sa buhay na


kapiling ang Diyos.
4.2 PAGTATALAGA: Isulat sa Katekesis notebook kung ano ang mga gagawin upang
makatulong sa kapwa.
4.3 PAGDIRIWANG: Dasalin ang Aba Ginoong Maria at Luwalhati.
V. PAGNINILAY NG KATEKISTA:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

You might also like