You are on page 1of 14

MODULE FOR PRE-BAPTISM SEMINAR

By: Admin Francisco de Sales

Sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.


Pambungad na Panalangin
Ama naming Makapangyarihan, basbasan mo't patnubayan
kaming nagkakatipon ngayon upang pag-aralan ang mga turo
ng iyong Simbahan. Loobin mo na maunawaan ng mga
magulang, ninong at ninang ang kahalagahan ng sakramento
ng binyag at ang kanilang mga obligasyon sa mga batang
bibinyagan upang hubugin ang iyong mumunting mga anak sa
buhay na hahantong sa piling mo sa diwa ni Jesu-Cristo na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Ang Pagbasa mula sa Salita ng Dios


Pagbasa mula sa Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San
Mateo
" Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin ang
lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya't habang
kayo'y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa
lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama,
at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang
sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako'y
laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
(Mateo 28:18-20 MMB)
Ang Mabuting Balita ng ating Kaligtasan

Pagtalakay:
I. ANG SIMBAHAN: ATING INA AT TAGAPAGTURO
(CCC. 168)
Itinatag ni Jesus ang kanyang iisang Simbahan (Mateo 16:18),
ang kanyang katawan (I Cor. 12:20; Col. 1:18) kung saan tayo
ay mga kaanib (Rom. 12:4; I Cor. 12:12; 11:27). Sa kanya at
sa kanyang patuturo ay nararamdaman natin ang presensya ng
Diyos. Binigyan sya ni Jesus ng misyon upang gumawa ng
mga alagad sa lahat ng mga bansa, magbautismo at magturo
ng lahat ng aral ni Cristo na dapat sundan ng lahat ng mga
sumasampalataya. (Mateo 28:18-20). Hhindi maaring magturo
ng mali ang Simbahan dahil nangako ang Panginoong Jesus
na kanyang pangangalagaan ang Simbahan mula sa mga
maling aral nang kanyang Sabihin: " Ang nakikinig sa inyo ay
sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa
akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa
akin. " (Lucas 10:26).

I.a) ANG SIMBAHAN BILANG SAKRAMENTO NI


CRISTO
Ang mga sakramento ay panlabas na palatandaan (Visible
sign) ng panloob na biyaya, na itinatag ni Kristo upang
magkaloob ng biyaya para makatulong sa ating
pagpapakabanal bilang mga Kristyanong naglalakbay pa dito
sa lupa. Ito ay nangangahulugan ding banal na pagkilos, tanda,
pagtatalaga, sapagkat sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga
sakramento ay itinatalaga ng isang Kristyano ang kanyang
sarili kay Cristo. Ang mga sakramento ay selyo at palatandaan
kung saan tayo ay tinatatakan ng Espiritu Santo (Ephesians
1:13-14; 4:30). Ang mga sacramento ay daan ng biyaya ng
Diyos.

T. ANU-ANO ANG MGA SAKRAMENTO?


S.ANG MGA SAKRAMENTO AY PITO SA BILANG NA
PINANGKAT SA TATLONG GRUPO:

A) Ang mga Sakramento ng Pagtanggap (Sacraments of


Initiation)
B)
1. Binyag- Ito ay mula sa salitang Griyego na Baptizo na
nanganaghulugang paglulubog o di kaya ay paghuhugas,
sapagkat sa sakramentong ito ay nalilibing kasama ni Cristo at
muling nabubuhay kasama niya sa kaluwalhatian ng Ama
upang lumakad sa isang bagong buhay (Roma 6:3-4). Ito ay
isang Sakramento kung saan tayo ay muling ipinapanganak sa
isang panibagong buhay kay Cristo sa pamamagitan ng
muling pagsilang sa tubig at Espiritu (Jn. 3:3-5). Ito ang
pintuan ng Simbahan, ng mga Sakramento at ng isang
panibagong espituwal na pamumuhay (CCC 1213). Ang
karaniwang punong tagapagdiwang ng sakramentong ito ay
ang Obispo, Pari o di kaya'y Diakono. Ipinapahintulot na
magbinyag ang isang layko sa kaso ng lubhang
pangangailangan dahil sa nasa bingit na ng kamatayan nag
buhay ng bata o sanggol na di pa nabibinyagan. Kailangan
lamang ipanalangin ang tubig na gagamitin at ibuhos ito sa ulo
ng bata habang binabanggit ang Batismal Formula: "
(Pangalan ng bata) Binibinyagan kita sa Ngalan ng Ama at ng
Anak at ng Espiritu Santo. Amen."
2. Kumpil- Ang sakramentong ito ay iginagawad sa mga
nakatanggap na ng sakramento ng Binyag. Ang Sakramentong
ito ay matatagpuan sa biblia (Gawa 8:14–17, 9:17, 19:6; Heb.
6:2) na nangangahulugang pagpapatong ng kamay (ng
Obispo) sa kukumpilan upang kanyang tanggapin ng
papatungan ng kamay ang Espiritu Santo. Pinagtitibay sa
sakramentong ito ang ating pagiging anak ng Diyos at ang
ating kaugnayan kay Cristo at sa kanyang Simbahan mula
nang tayo ay binyagan. Pinapalakas tayo sa pamamagitan ng
pagtanggap sa mga kaloob (Isa 11:1-2; CCC 1831) at bunga
(Gal 5:22-23; CCC1832) ng Espiritu Santo. Sa papamagitan
ng Sakramentong ito ay pinapatatag ng Espiritu Santo ang
kukumpilan upang maging sundalo ni Cristo na handang
ipalaganap at ipagtanggol ang kanyang pananampalatayang
katoliko sa salita at gawa (Judas 1:3; I Ped. 3:15; CCC 1285).

3. Eucharistia- Ang Eucharistia ay nangangahulugang


pasasalamat (Mat. 26:26-28; CCC 2637-2638). Sa
sakramentong ito ay inaala-ala at ipinahahayag natin ang
paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoon
hanggang sa kanyang muling pagparito (I Cor. 11:23-26; CCC
1342-1344, 1337). Ang sakramentong ito ay ang rurok ng
ating pananampalatayang Kristyano (CCC 1224). Tinatanggap
natin sa Eucharistia ang tunay na katawan at dugo ni Cristo,
hindi simbolo lamang. Tayo ay nakakatiyak dito dahil sinabi
mismo ni Cristo: " ito ang aking Katawan" at "ito ang kalis ng
aking Dugo" (Mateo 26:26-28) kaya tayo ay nakatitiyak at
lubos na sumasampalataya na sa pamamagitan ng mga tapat at
makapangyarihan ng Mesias, siya, siya mismo ay presente sa
Sakramentong ito hanggang sa kaliit-liitang muno ng hostia at
kahulihulihang patak ng alak (Dogma of Transubstantiation,
Konsilyo ng Trent), bagamat nananatili ang tinapay at alak sa
orihinal na anyo at lasa nito. Si Cristo ay nangako na sinoman
ang kakain at iinom sa kanyang katawan at dugo ay may
buhay na walang hanggan (Jn. 6:54). Hindi natin maaring
tanggapin ang Katawan at Dugo ni Cristo sa Eucharistia kung
tao ay may mabigat o mortal na kasalanan, dapat suriin muna
natin ang ating sariling budhi at mangumpisal bago natin
tanggapin si Cristo sa Eucharistia (I Cor. 11:27-32; Didache
4:14, 14:1 [A.D. 70]), kailangang siya ay handang espirituwal
bago sya tumanggap ng banal na Komunyon. Ang pagtanggap
ng pakikinabang na hindi pinaghandaan at pinagnilayan at
samantalang may kasalanang mortal ay isang mabigat na
kasalanan (Sacrilege) kaya mas mabuting mangumpisal muna
bago tumanggap ng banal na pakikinabang.

B) Ang mga Sakramento ng Pagpapagaling (Sacraments of


Healing)

4. Kumpisal- Tinatawag din itong Sakramento sa


Pakikipagkasundo (2 Corinthians 5:18). Sa sakramentong ito
ay ating inaamin sa pari na pinagkalooban ng Simbahan ng
karapatan upang magpatawad ng mga kasalanan sa bisa ng
kanilang ordinasyon (Mat 16:18-19; Jn 20:21-23; CCC 1495)
ang ating mga nagawang mabibigat na kasalanan o Mortal
sins. Ang sakramentong ito ay naayon sa turo ng mga Apostol
at ng mga unang Kristyano na nangungumpisal o
nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan (Santiago 5:16;
Didache 4:14). Ang Sakramentong ito ay nagtuturo sa atin ng
pagpapakumbaba sa pamamagitan ng pag-amin ng ating mga
kasalanan sa isang pari na katulad nating makasalanan at
nangangailangan ng awa at pagpapatawad ng Dios. Ang
sakramentong ito ay nagdudulot ng kapatawaran ng ating mga
kasalanan at napapanumbalik ang ating ugnayan sa Diyos at
muli tayong nakakapamuhay sa biyaya ng Panginoon.
Naipagkakasundo rin tayo sa Simbahan na ating sinugatan
dahil sa ating mga kasalanan. Naliligtas tayo sa walang
hanggang kaparusahan na bunga ng ating mga mortal na
kasalanan (Eternal Punishment or Damnation to hell) sa halip
ay napapalitan na lamang ng panandaliang paghihirap sa
purgatorio upang tayo ay linisin sa mga kasalanang na
ikumpisal na natin ngunit hindi lubos na napagsisihan
(Temporal Punishment). Ito ay nakakapagdulot ng
kapayapaan ng budhi at karagdagang tibay ng
pananampalataya upang ipakipaglaban ito (CCC 1496). Kapag
nakapangumpisal na ay maari nang tumanggap ng Banal na
Komunyon ang isang Katolikong Kristyano. Tinuturo sa atin
ng Simbahan na dapat tayong mangumpisal isang beses man
lang sa isang taon (kung walang mabibigat na kasalanang
nagawa).

5. Pagpapahid ng langis sa maysakit- Sa pamamagitan ng


sakramentong ito ay pinalalakas ang kaluluwa at katawan ng
may sakit sa tulong ng biyaya ng panginoong Jesus na syang
dakilang tagapagpagaling ng mga may karamdaman. Sa
Sakramentong ito ay ipinapanalangin ng sambayanan ang may
sakit sa pamumuno ng mga pari o matatanda ng simbahan
upang pagkalooban ng Diyos ng lakas ang may sakit at upang
pawiin ang lahat niyang takot (Sant. 5:14-15). Ipinapatong ng
Pari ang kanyang kamay sa may sakit at pinapahiran ito ng
langis bilang pagtulad sa halimbawa ni Jesus (Lucas 4:40;
Marcos 6:12-14) sabay ng pagdulog sa Espiritu Santo upang
pumanaog sa maysakit upang magkaloob sa may karamdaman
ng kagalingan at pagbabasbas.Tintutulungan ng sakramentong
ito ang maysakit upang paglabanan ang mga tukso at takot sa
kamatayan. Kung ang maysakit ay loobin na ng Diyos na
magpahinga sa hinaharap, inihahanda ng sakramentong ito
ang may karamdaman sa isang mabuti at mapayapang
kamatayan.

C) Ang mga Sakramento ng Bokasyon/Paglilingkod


(Sacraments of Vocation)

6. Pagpapakasal- Sa Sakramentong ito ay isang tipanan sa


pagitan ng lalaki at babae (sa kanilang pagpapalitan ng
pangako) na sila ay magsasama sa buong buhay nila. Ang
Panginoong Diyos mismo ang nagtatag at unang nagsagawa
ng sakramentong ito sa ating unang mga magulang, sina Adan
at Eva sa halamanan ng Eded (Gen. 1:27-28; 2:18,24). Ang
pangunahing layunin ng Sakramentong ito ay ang
responsableng pagsusupling at pag-iisang dibdib ng lalake at
babae sa pag-ibig. Ang sakramento ng Matrimonio ay
sumasagisag sa tapat at malinis na pag-ibig ni Cristo sa
kanyang Simbahan (Efe. 5:25). Naglalarawan ang
sakramentong ito ng habang buhay na pagsasama ng mag-
asawa (Mat. 19:4-5) na kailan man ay hindi maaaring
paghiwalayin ng tao, dahil dito ay hindi natin
pinapahintulutan ang diborsyo (Marcos 10:9).

7. Ang Pagpapari- Sa sakramentong ito ay itinatalaga ang


isang lalaki upang makabahagi sa pagpapatuloy ng misyon ni
Cristo na iniwan niya sa kanyang mga apostol na
magpapatuloy hanggang sa waka ng panahon, ito ay may
tatlong antas: Obispo, pari at diakono (CCC 1536). Ang
sakramentong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng
pagpapatong ng kamay at mga salita ng pagtatalaga (1 Tm
4:14, 5:22) ng Obispo (Ang Tatlong Obispo ay sapat na upang
makapag-ordena ng isang pang Obispo. Ang Pari ay hindi
nag-aasawa upang kanyang maibigay ang buong atensyon
(hindi hati) sa paglilingkod sa bayan ng Diyos (Mateo 19:12; I
Cor. 7:35).

I.b) ANG MGA ATAS NG SIMBAHAN


1. Ang pagdalo sa Banal na Misa tuwing araw ng linggo at
mga pistang pangilin (CCC 1388-9, 2042, 2043, 2177, 2180,
2185; 2187-8; 2192-3).

2. Ang pangungumpisal ng mga kasalanan kahit isang beses


man lang sa isang taon (CCC 1457; 2042).
3. Ang pagtanggap ng Banal na Pakikinabang kahit isang
beses lamang sa loob ng isang taon, higit na lalo sa panahon
ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon (Easter Season) (CCC
1389; 2042).

4. Magsagawa ng Pag-aayuno at pag-aabstinensya sa mga


araw na itinakda ng Simbahan (CCC 2043; 2177).

5. Ang pagkakawang gawa at pagtulong sa mga


pangangailangan ng Simbahan ayon sa iyong sariling
kakayahan (CCC 1351; 1387; 1438; 2043).

II. ANG MGA NAGAGAWA NG BINYAG


1. Napapawi ang kasalanang mana na ating minana sa ating
mga unang magulang nang sila ay lumabag sa utos ng Diyos
na huwag kakain ng bungang ipinagbawal na nasa halamanan
(Gen. 3). ito ang tinukoy ni apostol Pablo nang sabihin
niyang: " When Adam sinned, sin entered the world. Adam's
sin brought death, so death spread to everyone, for everyone
sinned. " (Rom. 5:12 NLT). Namana natin ang kasalanang
iyon na nagbunga ng ating kamatayan kaya tayo ay
ipinanganak nang may kasalanang mana (Awit 51:5) na
hinuhugasan naman at inaalis sa binyag (Tito 3:4-7) sa
pagsilang na muli sa tubig at Espiritu (Jn 3:3-7) sa
pamamagitan ng paghuhugas ng tubig na may salita (Efeso
5:25-27) na kung saan ay nalilibing tayong kasama ni Cristo
sa binyag (Col. 2:11-15) na sa atin ay nagliligtas (I Ped. 3:18-
22). ang bautismo ay para sa lahat ng tao (Mateo 28:19-20),
ito para sa mga matatanda lalo na para sa mga sanggol at bata
(Lucas 18:15-17) na sakop o kasali sa ipinangako ng Dios
(Gawa 2:39) ang kaligtasan (I Ped. 3:21).
2. Tayo ay nakakabahagi sa buhay ng Diyos. Ang Diyos ay
walang hanggan, tayo ay nilikhang may hangganan. Kaya ang
biyaya ay ibinibigay ng Diyos ng walang bayad bilang regalo
upang tao ay makabahagi sa kanyang buhay sa kaharian ng
langit (Efeso 2:8; Jn 1:12-18; 17:3; Rom 8:14-17; 2 Pet 1:3-4;
CCC 1996), at ang biyayang ito na walang bayad na
ibinibigay ng Diyos ay natamo natin nang tayo ay binyagan
(Jn 4:14; 7:38-39; 2 Cor 5:17-18; CCC 1999).

3. Tayo ay nagiging anak na ampon ng Diyos kung kaya't


nagkakaroon tayo ng karapatang tumawag sa Diyos na "Ama
namin" (Gal. 3:26-27; Rom. 8:14-1; Gal. 4:4-7).

4.Tayo ay nagiging tahanan at templo ng Espiritu Santo (I


Cor. 6:19-20), tinatatakan tayo ng Espiritu Santo (Efeso 1:13)
nang tatak na di na mabubura. Ginagabayan na tayo at
nililiwanagan ng espiritu santo, tinuturuan, binabago at
pinagkakalooban niya ng kanyang mga kaloob at bunga (Isa
11:1-2; Gal 5:22-23).

5. Tayo ay nagiging kaanib ng Simbahan na kanyang katawan


(I Cor. 12:13; Col. 1:18; CCC 1213). Kung saan naroroon si
Cristo (St. Ignatius of Antioch, Ad Smyrn. 8,2:Apostolic
Fathers,II/2,311.) kung saan tinanggap ng simbahan ang
kabuoan ng kanyang kaligtasan (UR 3; AG 6; Eph 1:22-23).

III.ANG MGA SIMBOLO AT BAGAY NA GINAGAMIT


SA PAGDIRIWANG NG SAKRAMENTO NG BINYAG

1. Ang paglalagay ng tanda ng Krus sa noo ng bibinyagan-


Itinatatak sa bibinyagan si Cristo na nagpapatunay na sya ay
sa kanya. Ito rin ay sumasagisag sa biyaya ng pagliligtas ni
Cristo na kanyang isinagawa para sa atin nang sya'y mamatay
sa Krus para sa ating katubusan (CCC. 1235).

2. Ang Tubig na pambinyag- Ito ay sumasagisag sa


paghuhugas mula sa mga kasalanan at muling pagsilang kay
Cristo (Efe. 5:25-26; Tito 3:5; Jn. 3:5-6), ito ay larawan ng
pakikipag-isa natin sa kamatayan ni Cristo sa Krus (Roma
6:3-4). Ito ay larawan ng tubig ng bautismo na sa atin ay
nagligtas (I Ped. 3:21). Sa kasaysayan ng paglikha, makikita
natin na ang tubig ay nilikha upang manglinis at magbigay
buhay: "ang Espiritu ng Dios ay kumikilos sa ibabaw ng
tubig" (Gen. 1:2). Nang dumating ang malaking pagbaha sa
panahon ni Noeh, ang tubig ay naging tanda ng pagwawakas
ng kasalanan at pagpapanimulang muli ng kabutihan sa mga
nilikha (Gen. 3; 1 Ped. 3:20). Ang mga Israelita ay tumawid sa
dagat na pula at nakalaya mula sa pagkaalipin sa Ehipto (Exo.
14). Sa ilog ng Jordan ay binautismuhan si Jesus at nahayag
bilang anak ng Diyos (Mateo 3:13-17).

3. Paschal Candle- Ito ay sumusimbolo kay Cristo na ating


liwanag (Jn 8:12) na kung saan tayo ay dapat lumakad bilang
mga tagasunod ni Cristo sa ating mga buhay (I Juan 1:7).
Nawa tulad ng ningas ng apoy mula sa kandila ng muling
pagkabuhay, magningas nawa lalo ang ating pananampalataya
sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok (I Ped. 3:7; Heb. 12:29).
Ang mga bibinyagan nawa, tulad ni Cristo na ating liwanag,
ay maging mga asin at ilaw ng sanglibutan (Mat. 5:13-14).

4. Puting damit- Bakit puti? Dahil ang Puti ay simbolo ng


kadalisayan (Awit 51:7; Mangangaral 9:8; Dan. 7:9; Apoc.
19:7-8). Ang pagsusuot ng puting damit sa bininyagan ay
nagpapakita na sya ay isa nang bagong nilikha kay Cristo
(Rom. 6:4). Ito ay nangangahulugan ding pagsusuot kay
Cristo (Roma 13:14).

5. Ang Langis ng Krisma- Ito ay sumisimbolo sa tatlong


misyon ni Cristo bilang Hari (Heb. 1:2 cf Awit 110:1; Dan
7:13-14), Pari (Heb. 1:3) at Propeta (Heb. 1:1 cf. Deut. 18:15-
22) na kung saan ang bibinyagan ay magiging kabahagi ni
Cristo sa kanyang misyon. Makikita natin ANG

IV. ANG BINYAG: PAGTANGGAP NG MISYON


Nang binyagan si Jesus sa ilog ng Jordan ay nahayag at
naganap ang kalooban ng Diyos (Mateo 3:13-15) at tinanggap
nya mula sa kanyang Ama ang misyon upang ipangaral ang
mabuting balita. Dito rin bumaba kay Cristo ang Espiritu
Santo at ipinahayag ng Dios Ama na sya ay kanyang bugtong
at sinisintang Anak (Mateo 3:16-17). Si Jesus, kung paanong
sinugo sya ng kanyang Ama, gayun din naman, sinusugo din
nya tayo (Jn. 20:21) at naging mga kabahagi ng kanyang
misyon bilang hari, pari at propeta nuong tayo ay binyagan. At
ang misyong ito na kung saan ay naging kabahagi tayo ay
tatanggapin din ng ating mga anak na tatanggap ng
sakramento ng binyag.

1. Hari- Tayo, bilang mga kabahagi ng pagkahari ni Cristo ay


inaasahang maglilingkod kaysa ang paglingkuran at ang
ibigay ang sarili para sa kapakanan at kabutihan ng
nakararami (Mateo 20:27-28; Luke 22:27; 2 Cor. 8:9; Fil. 2:7;
Tito 2:14).

2. Pari- Tayo, bilang mga kabahagi sa pagkapari ni Cristo at


bilang tagapagmatian (I Tim. 2:1-5) ay inaasahang
mananalangin din at mamamagitan para sa lahat ng mga tao,
lalong-lalo na para sa lahat ng mga mananampalataya at
maging para din sa mga namumuno sa pamahalaan. Bukod sa
pananalangin para sa ating sarili at para sa lahat, inaasahan din
tayo na tulad ng ating pari na nag-alay ng kanyang sariling
buhay bilang sakripisyo (Jn 10:18) para sa atin na tinuring
niyang mga kaibigan (Jn. 15:13) nawa'y matuto ring mag-alay
ng sakripisyo para sa iba (Awit 51:17; Roma 12:1; Heb 13:15,
16).

3. Propeta- Tayo, bilang mga kabahagi sa pagkapropeta ni


Cristo at tulad ng mga naunang propeta na nagpatotoo tungkol
sa pagdating nya (Lucas 24:27; Jn. 5:39-40; Heb. 2:3) ay
inaasahang tulad nya na nagpatotoo tungkol sa paghahari ng
Diyos (Mateo 4:17) ay magpatotoo din naman tungkol sa
mabuting balita na ating tinanggap (Gawa 4:18-21; 5:32; 1:18;
2:32; 9:5-6; 22:14-15; 23:11; 26:16) sa pamamagitan ng ating
pamumuhay bilang mabubuting Kristyano sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga halimbawa ni Cristo (I Ped. 2:21).

T. ANO ANG OBLIGASYON NG MGA MAGULANG SA


KANILANG MGA ANAK NA PABIBINYAGAN?

S. Tandaan ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay


biyayang nagmula sa Diyos (Awit 127:3). Kaya tungkulin ng
mag-asawa ang mahalin at arugain at palakihing maayos ang
kanilang anak (Tito 2:4), ang bigyan ito ng kaukulang
disiplina (Kaw. 23:13-14; 29:17;22:15) sa tamang paraan at
hindi sa pagmamalupit (Col. 3:21). Tungkulin ng ama ng
tahanan ang sustentuhan ang lahat ng pangangailangan ng
kanyang pamilya (I Tim. 5:8). Tungkulin ng mag-asawa ang
magpakita ng mabuting halimbawa sa kanilang anak at ang
asawang babae sa pagpapasakop sa bawat mabuting desisyon
ng kanyang asawa (Efe. 5:33). At higit sa lahat, ang palakihin
at gabayan ang bata sa maka-Diyos at Kristyanong Katolikong
pamumuhay (Deut. 6:1-3; Kaw. 22:6; Awit 78:5-7; Deut.
11:18-19; efe. 6:2-3).

T. AANO NAMAN ANG TUNGKULIN NG MGA NINONG


AT NINANG?
S. Ang isang pares ng ninong at ninang ay sapat na (Canon
Law no.873) hindi kailangang marami. Ang maaring kunin na
ninong at ninang ay yaong mga katoliko lamang at hindi
galing sa ibang pangkating pananampalataya, gulang 16 taon
pataas na nakatanggap na ng sakramento ng kumpil at banal
na komunyon (Canon Law 874.1).
Tungkulin ng mga ninong at ninang na tuangan ang mga
magulang sa paggabay at pagpapalaki sa bata sa isang
kristyanong katolikong pamumuhay kung sakaling wala ang
mga magulang. Hindi ang layunin ng pagkuha ng ninong at
ninang ay upang may maraming magbigay ng pamasko sa
bata kundi upang gabayan ito sa kanyang paglaki at tiyaking
lumalaki itong mananampalatayang kristyano.

V. ANG RITO NG SAKRAMENTO NG BINYAG


(Sanguniin ang Collecto Rituum)

VI. PANGKALAHATANG TAGUBILIN

Pangwakas na panalangin
Ama naming Mapagmahal, amin nang natapos ang pag-aaral
sa mga turo ng iyong Simbahan, loobin mong kaming mga
nagturo at nakinig ay makatupad sa iyong kalooban, at nawa
ang mga magulang, ninong at ninang ay magsilbing huwaran
sa mga munti mong anak sa isang tapat na Kristyanong
pamumuhay. Gabayan mo po sa kanilang paglaki at pagsibol
ang mga batang bibinyagan upang maging mga mabibisang
kaanib ng iyong sambayanan. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Jesu-Cristo kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan. Amen.
Like us on Facebook:
https://www.facebook.com/defendcatholicfaith/
Like our Sister page: https://www.facebook.com/YouthOLOF/
Subscribe to our YouTube Channel:
http://www.youtube.com/.../DefendtheCatholicFaithVanguard.
..
Follow us on Instagram:
https://www.instagram.com/defendcatholicfaith
Follow us on Twitter: https://twitter.com/DCFVanguards
Visit our website: http://defendthecatholicfaith.pcriot.com/
LIKE AND SHARE LETS MAKE THIS VIRAL!
#DCFApologetics #DCFVanguardsofTruth #SolutaEstVeritas
#DCFOnFire #Amen

You might also like