0% found this document useful (0 votes)
582 views7 pages

Module Diyos

Ang dokumento ay tungkol sa pagpapakilala sa mga dumalo sa seminar ng Simbahan ng Hesukristo Nazareno sa konsepto ng Banal na Santatlo o Holy Trinity. Ito ay binubuo ng Diyos Ama bilang tagapaglikha, Diyos Anak bilang tagapagligtas, at Diyos Espiritu Santo bilang nagbibigay buhay. Ang tatlong persona ay iisa dahil sila ay bumubuo ng isang komunidad na may pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahal.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
582 views7 pages

Module Diyos

Ang dokumento ay tungkol sa pagpapakilala sa mga dumalo sa seminar ng Simbahan ng Hesukristo Nazareno sa konsepto ng Banal na Santatlo o Holy Trinity. Ito ay binubuo ng Diyos Ama bilang tagapaglikha, Diyos Anak bilang tagapagligtas, at Diyos Espiritu Santo bilang nagbibigay buhay. Ang tatlong persona ay iisa dahil sila ay bumubuo ng isang komunidad na may pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahal.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd

SIMBAHAN NG HESUS NAZARENO

Blk C Luzviminda II, Dasmrias, Cavite


Formation Committee
Basic Orientation Seminar

(Amang Makapangyarihan, Manlilikha ng Langit at Lupa, Banal na San Tatlo)

Layunin:
1. Upang maipabatid, maunawa, at maipakilala sa mga dumalo ang Diyos bilang
Makapangyarihan, Manlilikha, at ang Tatlong Persona
2. Upang pagkatapos ng panayam ay higit na lumalim ang pananampalataya ng
bawat isa ukol sa buhay Kristiyano
3. Upang malaman ng mga participants ang responsibilidad na pag-aralang
mabuti at isabuhay ang pananampalatayang Kristiyano
Materials:

Manila paper, Pentel pen, Scotch tape, Meditative music (kung meron)
I. Panimula (Introduction)
Ang Diyos Bilang
a. Amang Makapangyarihan
(Kredo, Gen 17:1; 1Cor 8:6; Salmo 23:1; KPK)
b. Manlilikha ng Langit at Lupa
(Gen 1:1-27; Salmo19:2; Co1: 15-17; KPK)
c. Banal na San Tatlo (Diyos Ama, Diyos Anak, Diyos Espiritu Santo)
(KPK)
II. Gawain (Activity)
Noong panahon ni Kristo ay uso na ang survey, tinanong niya ang Kanyang mga alagad
kung sino Siya sa paniniwala ng mga tao, Kanya ring tinanong ang mga alagad kung sino
Siya sa kanila.

1.Gumawa ng tatlong grupo at bigyan ng manila paper, pentel, at pandikit (tape)


2. Sabihin sa kanila na isulat sa manila paper ang kanilang sagot sa tanong na
para sa inyo kapag narinig ninyo ang salitang Diyos, ano ang pumapasok sa inyong
isip?, maglaan ng 5 minuto para dito
III. Pagpo-proseso (Processing)
1. Bakit nyo sinabi na ang Diyos ay makapangyarihan.. depende sa sagot at
isinulat ng mga tao?
2. Bakit nilikha ng Diyos ang tao, langit at lupa?
3. Ilan ba talaga ang Diyos?
IV. Pagpapalalim (Deepining)

Diyos Amang Makapangyarihan

Tayong mga Pilipino ay kilala bilang mga madasalin, at maka-Diyos, dhil dito
ibat iba at marami tayong paglalarawan sa ating Panginoon, tulad ng mga sinulat ninny,
isa sa pagpaparangal at pagkilala natin bilang anak Nya ay Diyos Amang
Makapangyarihan, noong panahon ni Abraham nagpakita sa kanya ang Diyos at sinabi
Ako ang Makapangyarihang Diyos, sumunod ka sa Akin at ingatan mong walang
dungis ang iyong sarili (Gen 17:1). Si Abraham ay may asawa at walang anak dahil
pareho ng kanyang asawa na si Sarah sila ay matanda ng panahong tinawag siya ng
Diyos, subalit sa kapangyarihan ng Diyos, katulad ng dami bituin sa langit at buhangin sa
dagat ang nagging lahi ni Abraham, tayong mga nandito ngayon ay matibay na katibayan
ng pangako at kapangyarihan ng Panginoon. Nang ang bayan ng Israel ay inalipin ng
Egipto tinawag ng Diyos si Moises Nagpakita ako kina Abraham, Isaac at Jacob
bilang Makapangyarihang Diyos (Exodo 6:3) sinabi ng Panginoon ito kay Moises
upang bigyan siya ng assurance na makukumbinsi nito ang hari ng Egipto, ipinakita ng
Panginoon ang Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapadala ng sampung
salot sa Egipto, dahil dito naniwala ang Paraon na ang Diyos ni Moises ang
makapangyarihan sa lahat at hindi ang kung sinong hari ng kanilang bansa, sa bagong
tipan sa katauhan at panahon ni Kristo ang paglalarawan ng kapangyarihan ng Diyos ay
ipinakita sa napakaraming tagpo, Bumangon si Hesus at iniutos sa hangin, Tigil! at
sinabi sa alon, Tumahimik ka! Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa
(Marcos 4:39), sa lahat ng bagay sa kalikasan man o sa tao, ang kanyang salita ay isang
animoy batas na sinusunod, isa pang katotohanan ng kayang kapangyarihan ay ang
bumuhay ng patay (Juan 11:43) Pagkasbi nito ay sumigaw siya Lazaro, lumabas ka!
Ang mga tagpong ito na makikita sa banal na aklat ang ating pinanghahawakan upang
sabihin natin na tayoy mayroong Diyos na makapangyarihan.

Ang Diyos Bilang Manlilikha ng Langit at Lupa

Kapag sinasabing langit at lupa, ano ang pumapasok sa inyong isipan? Diba Ang mundo
ang lugar na ating ginagalawan?
Ang larawang agad maiisip ng Pilipino tungkol sa Diyos ay ang pagiging
Manlilikha (311 KPK). Isang paglalarawan na kung saan dahil sa pagdaloy ng bukal ng
pag-ibig Nya ang lahat sa muindoy Kanyang nilikha, Kung ating babasahin ang Bibliya
ang unang aklat nito ay ang Genisis na ang ibig sabihin ay simula, una o pinagmulan.
Sinabi ng Diyos: ngayon likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating
wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng
hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.(Gen 1:26) ipinapakita lang ang
pagkilos ng Panginoon kung gaano Siya malikhain, at kung gaano Nya kamahal ang
nakapagandang paligid na ating ngayong tinatamasa dahil din sa kanyang pag-ibig
naglagay Sya ng mamahala sa lahat ng kanyang nilikha, ang tao.
Sa aklat ng mga awit 104: 1-35 makikita natin na pinupuri ng may akda ang ating
panginoong manlilikha, ipnapakita dito ang kagandahang inilatag ng Diyos sa daigdig. o
Diyos, kayo po ay puspos ng maningning na liwanag, kalangitay parang tolda, na kamay
mo ang nagladlad (Awit/Salmo 104:2).
(maaaring magbigay ng halimbawa ang taga-pagsalita ng magaganda at kilalang
lugar na dinadayo ng mga tao bilang tanda ng malikhaing kamay ng Diyos).
Ngunit ang Manlilikha na ating ipinahahayag sa pamamagitan ng
pananampalataya sa Kredo ay hindi lamang isang unang sanhi na bunga ng katwiran.
Siya ang mapanligtas na Diyos ng tipanan. (KPK 316).
Paginoon na manliligtas at manlilikha ang tinutukoy sa ating pananampalataya,
isang Diyos na nagpapakita ng pangangalaga sa kanyang obra, si Hesus bilang tanda ng
pag-ibig ay nagkatawang tao upang malaman ang pangangailangan at kalagayan ng tao,
at upang muling likhain (recreation) ang paraiso/kaharian ng Diyos na ipinagkaloob sa
lumang tipan.

Banal na Santatlo
Sa pasimula ng pari sa pagdiriwang ng Banal na Misa nag aantada siya ng krus at
bumabati sa asembleya sa mga katagang Ang pagpapala ng ating Panginoong
Jesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipag-kaisa ng Espiritu
Santoay sumainyong lahat
Sa ating mga Katoliko, ilan ba ang Diyos natin?
-

Kung ang sagot niyoy isa tama kayo! Kung tatlo tama
pa din kayo!
Siguroy medyo naguguluhan kayo pero tama po iyon pareho
dahil tayong mga Katoliko ay may konsepto na mayroong
iisang Diyos pero may Tatlong Persona= ito ang inyong tawag
na BANAL na SANTATLO o HOLY TRINITY sa Ingles.
Mahalagang malaman natin ito bilang isang Katoliko nang
hindi tayo magaya sa halimbawa ko. Halimbawa. May isang
bata, nagtanong sa nanay at tatay niya sabi ng bata: nay
may assignment po kami sa religion. Ito po
iyon-Ilan po ba ang Diyos? Sabi naman ng nanay:
di ko alam anak e, teka tatanungin natin si
tatay mo. Tatay: ah, iyon lang pala ang dali
naman nun... hala bilangin mo iyong nasa
altar natin at iyon ang sagot sa tanong ng
anak mo

Mga Karagdagang Pagninilay


Sinu-sino ang Tatlong Persona o Banal na Santatlo
Lagi natin binabanggit ang Santatlo sa tuwing tayo ay nag-Sign of the
Cross. Sa ngalan ng AMA, ng ANAK at ng ESPIRITU SANTO
Amen(Kasama ba ang Amen sa banal na santatlo- pang-gising).

Ang misteryo ng Banal na Santatlo o Holy Trinity

Ama

Diyos

Anak

Espiritu
Santo
Katangian ng Banal na Santatlo o Holy trinity
1. Diyos Ama- tagapaglikha( the creator)
2. Diyos Anak- tagapagligtas( redeemer)
3. Diyos Espiritu Santo-hininga o Espiritung nagbibigay ng
buhay
Ang Santatlo sa Bagong Tipan

Ang Banal na Espiritu ay mula sa Ama na kasama ni Jesus. Sa


Juan 15:26 sinasabi, Subalit kapag dumating na ang
Mang-aaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa
Ama,ang Espiritu ng katotohanan, na mula sa
Ama, siya ang magpapatotoo tungkol sa akin. Ang
salitang Griyego na Pneuma (pnyoo-mah) ang ginagamit ng Bibliya
bilang pantukoy sa Banal na Espiritu , na ang ibig sabihin ay hininga
o espiritung nagbibigay-buhay. Nang likhain ng Diyos ang tao,
hiningahan Niya si Adan at binigyan Niya ito ng buhay. Hiningahan
din ni Jesus ang mga apostoles at sinabi,Tanggapin ninyo
ang Espiritu Santo(Jn 20:22). Hininga ng Ama at ng Anak ang
Banal na Espiritu , na nagmula sa kanila.
Ibinunyag mismo ni Jesus ang kaisahan at pagkakapantay ng tatlong
Persona ng Santatlo nang iutos niya ang ganito: Kayat sa
paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng
mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan
ng Ama, at ng anak at ng Espiritu Santo( Mt 28:19).
Dito ang pang-isahang pangalan ay ginamit para sa maramihang
Ama, anak at Banal na Espiritu.
Mas malinaw na ipinaliwanag ni San Pablo ang misteryong ito
nang kanyang sabihin ang ganito: May ibat ibang uri ng
mga kaloob , subalit iisang Espiritu. At may ibat
ibang uri ng paglilingkod, subalit iisang Panginoon.
May ibat ibang uri ng gawain,subalit iisang Diyos
na gumafawa ng lahat ng mga bagay sa lahat (1
Cor 12:4-7). Ang mapaglikhang gawain ng Diyos Ama sa langit, ang
mapanligtas na gawain ng Anak at ang mapagbanal na gawain ng ng
Espiritu ay iisang Gawain ng Makapangyarihan sa lahat.
Ang Santatlo ay iisa dahil sila ay matatawag na COMMUNITY o
KOMUNIDAD.
Mga katangian bilang isang KOMUNIDAD o COMMUNITY

1.
2.
3.
4.
5.

May pagkakaisa
Pagtutulungan
Pagmamahal
Respeto
Misyon: ibahagi ang katangian sa iba = Ang diyos bilang
tagapaglikha ay lumalang ng mga may buhay at walang
buhay dito sa mundo ; Ang Espiritu Santo naman ay
nagbibigay buhay at ang Anak ay upang manumbalik ang
relasyon natin sa diyos pagkatapos ng The Fall of
Mankind at upang mas lalo pang makilala ang Diyos at ang
Kagandahang Loob ng Ama.

V. Mga Hamon ( challenges )


1.
2.
3.
4.

bilang isang Kristiyano tayo ay magdasal at magpasalamat sa Diyos


magsimba bilang tanda ng pasasalamat sa ating Panginoon
sundin ang mga autos ng Diyos
pangalagaan ang handog ng Panginoon

VI. Pangwakas ( conclusion )


Tayong mga katoliko ay naniniwala na:
1. May Diyos na makapangyarihan sa lahat
2. Mayroong iisang Diyos na may tatlong persona
3. Dahil sa pag-ibig ng Panginoon tayoy nalikha

Prepared by:
Bro Seo Abaca
Bro Jack Boncalon
Bro Mario Benito
God Speed

You might also like