You are on page 1of 32

Radikal Magmahal.

+
dakilang pag-ibig
Ang Bagong daan ng krus bilang
daan ng Radikal na Pagmamahal

11 abril 2022
BARANGAY NANGKA, MARIKINA CITY
+
PAMBUNGAD NA
PANALANGIN
PAMBUNGAD NA AWIT
DAKILANG PAG-IBIG
C. Pangilinan - E.P. Hontiveros SJ
Dakilang pagibig, saan man manahan
D'yos ay naroon, walang alinlangan.
Purihi't ibigin ang ating D'yos
na s'yang unang nagmamamahal
Kaya't buong pagibig rin nating mahalin,
ang bawat kapatid at kapwa
Dakilang pagibig, saan man manahan
D'yos ay naroon, walang alinlangan.

PAANYAYA SA PANALANGIN
Mga kapatid, ngayong papalapit na ang ang ating
pagdiriwang ng Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling
Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo,ang Pista ng
ating Kalayaan mula sa kadiliman ng kasalanan, ating
balikan kung paanong nagmahal ang ating Panginoon
nang labis at radikal.
Sa araw na ito, sumunod tayo sa kaniyang mga yapak
patungo Kalbaryo.
Ituladn nawa natin ang ating mga hakbang sa
Panginoong nagpahayag lamang ng katotohanan,
nanindigan sa katarungan, nagtanggol sa api at dukha
at nagsalita laban sa katiwalian hanggang sa kaniyang
huling hininga.
Tahakin nawa natin ang landas na inilatag ng
Panginoon nang may pag-asa, na katulad niya,
babangon rin tayo sa ating pagkahimlay.
PANGWAKAS NA AWIT
A.R.A.L ( mula sa Ebanghelyo ni San Juan na iniangkop
sa Pasyon nina G. Nazzarea at R. Intengan SJ)
Tunay na ang dinaanan
Ng Poon nating si Hesus
Ay daan ng karukhaan
At lipos ng kahirapa’t
Mga kapakumbabaan
At kung ating hahantungan
Pagpanig sa katarungan
Ay labis na kahirapan
Magdiwang, pasalamatan
Bunga nito’y kaligtasan
Nailibing man si Hesus
Ibig sabihi’y di tapos
Ang malamig niyang bangkay
Binhi ng kal’walhatian
Ng bagong anyo ng buhay
Bagong buhay at pag-asa
Mapapasaatin t’wina
Pag sinunod na talaga
Ang halimbawa ni Kristo
Na Radikal ang magmahal

PANANAGUTAN
E.P. Hontiveros SJ
Walang sinuman ang nabubuhay,para sa
sarili lamang.
Walang sinuman and namamatay, para sa
sarili lamang.
Tayong lahat ay may pananagutan sa isat
isa.
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na
kapiling N'ya.
+
PANGWAKAS NA
PANALANGIN
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Panginoong Hesus, ngayong nilakbay namin ang
kalbaryong iyong tinahak, samahan mo sana kami sa
aming sariling kalbaryo nang mapasan namin ang aming
mga krus katulad mo, nang may radikal na pagmamahal.
Turuan mo kaming ibigay ang aming sarili ng lubos,
ganap na sumunod sa tawag ng iyong Ama na maging
tao para sa tao at manindigan para sa katotohanan sa
harap ng maraming Poncio Pilatong nagmamalinis sa
aming bayan at hindi na alam kung ano ang mabuti at
totoo.
Makita ka nawa namin sa kapwa naming naghihirap,
inaapi at nagdurusa na kagaya mo ay may sari-sariling
koronang tinik na pilit na pinapasuot sa kanila.
Sa aming araw-araw na kalbaryo,bumangon nawa kami
ng bumangon sa bawat pagkadapa, tulungan ang aming
kapuwang nabibigatan at magbigay-aliw sa kapuwa
naming nagdadalamhati rin.
At sa aming mga pagpapakapako sa samu't saring mga
problema, turuan mo kaming maging maawain at
mapagkalinga pa rin sa mga nangangailangan.
Nawa'y mamatay kami sa aming sarili, ilibing ang
mapangsariling mga hangarin nang aming matamo ang
isang makabagong buhay para sa aming bansa. Amen
UNANG ISTASYON:

Ang huling hapunan


ng Panginoon
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA 1 Cor 11: 23-26


Pagbasa mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-
Corinto
Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay
dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at
sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.”
Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ang
kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ang bagong tipan na
pinagtitibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin
ninyo bilang pag-aalaala sa akin.
Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis
na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon,
hanggang sa muling pagparito niya.

PAGNINILAY
Alalahanin at ipagdasal natin ang mga walang matirhan at
nagugutom lalong-lalo na ngayong pandemya, ang mga
nagdurusa upang may maihain na pagkain.
Sa huling hapunan, pinili ni Hesus na isang piging ang kanyang
iiwang paalaala ng Kanyang pagbibigay ng sarili para sa atin -
ang kanyang katawan at dugo. Sa Eukaristiya, ating maririnig na
sasambitin ng pari: Tanggapin ninyong lahat ito at kanin at
inumin. Ito ang aking katawan at dugo na inihahandog para sa
iyo. Pagkatapos, bilang sambayanan, tayo ay yuyuko. Ito ay
pagtanggap sa turo ni Hesus pang-ispiritwal, pampabusog sa
atin ng Kanyang pagmamahal upang tayo ay maging kasangkapan
sa pagtulong sa ating kapwa na nagugutom at nawalan ng
tirahan dahil sa epekto ng pandemya. Manalangin tayo nawa’y
mas dumami pa sa atin ang maging bukas-palad sa pagtulong sa
kanila upang kahit sa kawalan ng pagkain at tirahan ay
maradaman pa rin nila ang presensya at pagmamahal ng ating
Panginoon.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Ang sino mang makakain
Makapangyarihang banal! ng katawan kong habilin
Walang Kamatayang banal! at ang dugo ko’y inumin
Panginoon naming mahal! siya nga ay nasa akin
Kami’y iyong kaawaan! at ako’y nasa kanya rin.
Ang lahat ng tao ay may pagkakataong magbago kapag nailahad
sa kanila ang balita ng pag-asa at pagmamahal. Ngunit, realidad
pa rin ng ating buhay na hindi ito basta-basta nangyayari. Sa
gayon, dapat lang na mas manaig ang pagpapasensya at
pagbubukas ng sarili kaysa sa bangayan at bardagulan–na
malaman kung saan nagmumula ang bawat tao. Sa pamamagitan
nito, onti-onti nating maitataob ang kulturang pilit tayong
nilalayo sa isa’t isa, nang makalikha tayo ng pagbabagong laan
para sa lahat.
Unang gumalaw si Kristo dahil sa pagmamahal, at tinapos Niya
ang laban gamit ng pag-ibig. Magawa rin nawa natin sa ating
kampanya, nang tayo’y maging kabahagi sa Kanyang Tagumpay
ng Pag-ibig.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Kaya ngayon ang wika ko
Makapangyarihang banal! Wala na’t nalis na rito
Walang Kamatayang banal! At nabuhay ngang totoo
Panginoon naming mahal! Yaong hinahahanap ninyo
Kami’y iyong kaawaan! Na si Jesus Nazareno
IKALABING-APAT NA ISTASYON:

ANG PAGKABUHAY NI HESUS


MULA SA KAMATAYAN
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Mc 19: 9-11


Mula sa Pagkabuhay ng ating Panginoon ayon kay San Marko
Maagang-maaga ng unang araw ng linggo, matapos na siya'y
muling mabuhay, si Jesus ay unang nagpakita kay Maria
Magdalena. Pitong demonyo ang pinalayas ni Jesus mula sa
kanya. Nagpunta si Maria Magdalena sa mga tagasunod ni Jesus
upang ibalita sa mga ito ang kanyang nakita. Sila noon ay
kasalukuyang nagluluksa at umiiyak. Ngunit ayaw nilang
maniwala nang sabihin ni Maria na si Jesus ay buháy at nakita
niya.

PAGNINILAY
Malawak at malakas na ang bunga ng namamayagpag na kultura
ng galit, poot, at pagkakawatak-watak. Sa ating bayan,
nakakalungkot makita na naging karaniwan na ang mandusta ng
kapwa, ang yumurak ng dignidad ng iba, at ipawalang-bahala ang
buhay ng tao. Ngayong panahon ng halalan, mas umigting pa ito
—hindi maikukubli na maraming eksena ng pambabastos at
pagkamuhi ang mapapansin, ‘di lang sa kabila, kundi na rin sa
sarili nating kampo.
Pinapaalalahanan tayo ngayon ng pagtatagpong ito—bilang
tagasunod ni Kristong muling nabuhay sa kanyang daan ng
radikal ng pagmamahal—na may ibang paraan upang maibahagi
ang katotohanan at ang liwanag na dulot nito. Alalahanin natin
na noong unang tinawag si Maria Magdalena, may pitong
demonyo na naninirahan sa kanya, ngunit yinakap, pinagaling, at
itinuring pa rin ni Hesus bilang Kanya at hindi naiiba sa Kanya.
Sino pa ang mag-aakala na ang dating kinamumuhian ng lipunan
ang siyang unang magbabahagi ng balita ng Pagkabuhay sa iba?
IKALAWANG ISTASYON:

Ang PAGDADALAMHATI SA
HALAMANAN NG HETSEMANI
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Lu 22: 39-45


Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Lucas
Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa
Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating
doo’ys sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo, nang hindi kayo
madaig ng tukso.” Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol
ng bato, saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung
maaari’y ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma’y hindi ang
kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng
hapis, siya’y nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang
kanyang pawis na animo’y malalaking patak ng dugo. Tumindig
siya pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad.
Naratnan niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng
dalamhati.

PAGNINILAY
Ipagdasal natin ang ating mga kapatid na nahihirapan sa buhay
dahil sa kanilang mental health. At kung may pagkakataon,
bigyan natin sila ng suporta at ng ating pagmamahal.
Si Hesus mismo ay nakaranas ng matinding pagdurusa noong
Siya ay nasa hardin ng Gethsemane. Ako, bilang isang taong
may Depression, ay nadama ko ang pagmamahal ng ating
Panginoon dahil naging tao siya at sinamahan niya ako sa aking
pagdurusa. Dahil sa pagmamahal na ito ng aking Panginoon,
nabubuhayan ako na magmahal din ng iba, lalo na iyong mga
nakararanas ng matinding kalungkutan.
Panginoong Hesus, kayo mismo ay nakaranas ng matinding
kalungkutan, hinagpis, at pagdurusa. Nawa ay samahan Ninyo
kami sa aming sariling pagdurusa sa aming kalusugang
pangkaisipan. Palakasin Niyo po ang kalooban namin tulad ng
pagpapalakas ng anghel ng Iyong kalooban. Iniaalay namin ang
lahat ng aming sakit sa Iyo.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Ama ko, kung kalooban,
Makapangyarihang banal! mangyaring iyong iliban
Walang Kamatayang banal! at huwag kong mainuman,
Panginoon naming mahal! ang kalis ng kapaitan
Kami’y iyong kaawaan! na darating sa katawan
pagdating sa akses at kalidad ng edukasyon. At dahil na rin dito
ay natatabunan na ang matatagal ngunit magkasimhalaga na
problema sa sektor na ito tulad ng kalagayan ng edukasyong
natatamo ng mga katutubong tulad ng mga lumad.
Sa ating pagbigkis at pagtalunton sa lawa ng sanlaksang unos,
nawa'y huwag natin silang kalimutan at sa pamamagitan ng
paghimok na ipagpatuloy ang pagkuwestyon sa buktot at bulok
na sistema, kasamang pagtindig sa pangangalampag na pansinin
ang matagal ng mga sakit ng edukasyon sa Pilipinas gayundin ay
ang agarang at ligtas na balik eskuwela ay maipamalas natin ang
esensya ng labang ito, ang pagmamahal ng radikal.
Isang katibayan ang pakikibaka at kamatayan ni Chad na noon
pa man ay mayroon ng mga pumili na tahakin ang landas ng
radikal na pagmamahal at sa kanilang paglalakbay ay naging
kapalit nito ang kanilang buhay. Kung kaya't huwag natin sanang
kalimutan ang mga tulad niyang nagsilbing pundasyon upang ang
kulay na rosas na bukas ay ating makamtan. Hindi man muling
mabubuhay si Chad tulad ng nangyari kay Kristo, tayo'y
hinahamon at may pagkakataong paigtingin ang kanyang mithiin,
isang kabataang malayang magpahayag, isang edukasyong de
kalidad at naabot ang lahat at isang makatarungan at makataong
lipunang Pilipino.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Binuhat at sinahukay,
Makapangyarihang banal! at saka nila tinakpan
Walang Kamatayang banal! nang takip na nakalaan
Panginoon naming mahal! batong marmol ang pangalan
Kami’y iyong kaawaan! sadyang kalinis-linisan.

IKA-LABINTATLONG ISTASYON:

ANG PAGLILIBING KAY


HESUS
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Jn 19: 40-42


Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Juan.
Kinuha nila ang bangkay ni Jesus at nilagyan ng pabango at
binalot sa telang lino, ayon sa kaugalian ng mga Judio. Malapit
sa pinagpakuan kay Jesus ay may isang halamanan, at dito'y may
isang bagong libingang hindi pa napaglilibingan. Dahil noon ay
bisperas ng Araw ng Pamamahinga, at dahil malapit ang
libingang ito, doon nila inilibing si Jesus.

PAGNINILAY
Tulad ng nangyari kay Hesus sa pagtatagpong ito, noong ika-9
ng Marso ay inilagak na sa huling hantungan ang pinaslang na
katawan ni Chad Book, isang miyembro ng kabataan, isang
aktibista at isang guro ng mga kapatid nating lumad. Pinatay
siya sa edad na bente sais mas maaga ng pitong taon sa
pagkamatay ni Kristo ngunit masasabi nating naging magkasing
mapagparaya ang buhay niya na iginugol sa pakikibaka para sa
kabataan at estado ng edukasyon.
Ang nakalipas na dalawang taon ay lubos na napakahirap para sa
kabataan at sa sektor ng edukasyon bunsod hindi lamang ng
panahon o ng kasalukuyang sirkumstansya kundi pati na rin ng
rehimeng namamahala. Maraming kabataan na ang tanging layon
ay bigyang boses ang mga nasa laylayan, kondenahin ang
katiwalian at humingi ng katarungan ang nalalagay sa peligro
dahil sa walang habas at walang basehang red-tagging o pag-
aakusa na sila'y komunista. Dala rin ng pangangailangang
umangkop ng pagtuturo sa krisis ay mas lalong lumawak at
lumalim ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap
IKATLONG ISTASYON:

Ang PAGHAHATOL NG
KAMATAYAN KAY HESUS
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Mt 27: 17-24


Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Mateo
Nang magkatipon ang mga tao ay tinanong sila ni Pilato, “Sino
ang ibig ninyong palayain ko, si Jesus Barabbas, o si Jesus na
tinatawag na ‘Cristo’?” Ang mga tao nama'y hinikayat ng mga
punong pari at ng mga pinuno ng bayan na hilingin kay Pilato na
si Barabbas ang palayain at si Jesus ay ipapatay. Muli silang
tinanong ng gobernador, “Sino sa dalawa ang nais ninyong
palayain ko?” “Si Barabbas!” sigaw ng mga tao. Sinabi sa kanila
ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay Jesus, na
tinatawag na Cristo?” At sumagot ang lahat, “Ipako siya sa
krus!” Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at
malamang pa'y magkagulo, nagpakuha siya ng tubig at naghugas
ng kamay sa harap ng mga tao. “Wala akong pananagutan sa
dugo ng taong ito. Ito'y pananagutan ninyo!” sabi niya.
PAGNINILAY
Alalahanin at ipagdasal natin ang mga pinaparuahan kahit
inosente. Mga biktima ng samu’t saring trahedya na hindi pa
nabibigyan ng hustisya at ang kanilang mga mahal sa buhay.
Namamayagpag ngayon ang kultura ng panghuhusga. Marami ang
hinuhusgahan ng lipunan dahil hindi sila sumusunod sa kung ano
ang nakasanayan na. Marami sa mga hinuhusgahan ang wala man
lang nangangatwiran para sa kanila. Higit pa rito, tayo rin ay
nanghuhusga ng iba. Nanghuhusga tayo base sa panlabas na
anyo, kulay ng balat, sa antas ng napag-aralan, sa katayuan sa
buhay, sa pananamit, sa pananalita. Nawa’y mamulat tayo sa
katotohanang kahit na may pagkakaiba man sa ilang mga bagay,
tayo’y pare-pareho sa harapan ng Diyos. Nawa’y makita natin
sa ating mga kapwa si Kristo, na hinusgahan din sa kaniyang
kapanahunan.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Siya nga ang Haring tunay
Makapangyarihang banal! Diyos na walang kapantay
Walang Kamatayang banal! Hukom sa sandaigdigan,
Panginoon naming mahal! pumayag at di sumuway
Kami’y iyong kaawaan! sa pita ng mga hunghang.

pakikipag-kapuwa, magbigay-aliw sa nagdadalamhati at magbigay


hustisya sa nangangailangan. Mamuhay nawa tayong masagana
katulad ni Kristo, nang atin ring masambit sa huling segundo ng
ating buhay "Naganap na!" Naganap ng tunay ang kalooban ng
Ama para sa ating maikling pananahan sa mundong ibabaw. Sa
dapit-hapon ng buhay, tayo'y huhusgahin sa pag-ibig at pag-ibig
lamang.
Inaalala natin sa istasyong ito ang lahat ng namatay sa panahon
ng pandemya.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Ay ano’y nang ma-ilagda
Makapangyarihang banal! Ni Jesus ang gayong wika
Walang Kamatayang banal! Naghingalo alipala
Panginoon naming mahal! Itinungo na ang mukha
Kami’y iyong kaawaan! Pagkamatay na mistula
IKA-LABINDALAWANG ISTASYON:

ANG PAGKAMATAY NI
HESUS
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Jn 19: 28-29


Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Juan.
Alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay. Kaya't upang
matupad ang kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!”
May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Inilubog
nila rito ang isang espongha, ikinabit iyon sa isang tangkay ng
hisopo at inilapit sa kanyang bibig. Pagkatanggap ni Jesus ng
alak, sinabi niya, “Naganap na!” Iniyuko niya ang kanyang ulo at
nalagot ang kanyang hininga.

Manahimik tayo ng ilang segundo para pagmunihan


kung papaano tayo minahal ni Kristo hanggang sa
kaniyang huling hininga

PAGNINILAY
Walang may gusto ng masakit na pagkamatay. Marahil marami
sa atin, kung susunduin man ng kamatayan, ay nanalangin na
kunin nalang tayo habang natutulog, mapayapa at tahimik.
Ngunit, lalong-lalo na noong nagka-pandemya nakita natin kung
papaano marami sa ating kapatid ay namamatay ng isang
kamatayang hindi nararapat sa kanila. Marami ang namatay nang
mag-isa, sa COVID wards, sa ospital, hindi man lang nasilayan
ang kanilang pamilya sa kanilang huling hininga, walang
pamamaalam at kusa. Hindi natin alam kung mamamatay tayo
ng mapayapa, ngunit ang kaya nating paghandaan ay kung
mamumuhay tayong mapagmahal. Ano nga ba ang silbi ng
mapayapang paghihimlay kung ang ala-ala nating iiwanan ay
puno ng poot at sama? Si Kristo nga mismo, Diyos na totoo, ay
namatay sa pinakamasakit na pamamaraan. Nawa'y mamuhay
tayo sa pag-ibig, buhusin ang bawat segundo sa
IKAAPAT NA ISTASYON:

Ang PAGPUPUTONG NG
KORONANG TINIK
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Mt 27: 27-31


Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Mateo
Si Jesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo nito,
at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Siya'y
hinubaran nila at sinuotan ng isang balabal na matingkad na
pula. Kumuha sila ng matitinik na baging, ginawa itong korona
at ipinutong sa kanya. Pagkatapos, pinahawak sa kanyang
kanang kamay ang isang tangkay ng tambo. Siya'y niluhud-
luhuran nila at kinutya ng ganito, “Mabuhay ang Hari ng mga
Judio!” Siya'y pinagduduraan pa nila. Kinuha nila ang tambo at
ito'y inihampas sa kanyang ulo. Matapos kutyain, hinubad nila
ang balabal at muling sinuotan ng sarili niyang damit.
Pagkatapos, inilabas siya upang ipako sa krus.

PAGNINILAY
Nagimbal at nayugyog ang mga namumuno noon dahil naging
daan ng malaking pagbabago si Hesus, sa pamamagitan ng
Kanyang “Bagong Balita” - ang mahalin ang kapwa, tulad ng
pagmamahal sa sarili.
Isang mensaheng radikal dahil ito’y taliwas sa lumaganap na
pinahahalagahan noong panahong iyon - ang kapangyarihan,
kayamanan at kasikatan.
Binasag ni Hesus ang ganitong paniniwala sa pamamagitan ng
pagbibigay-diin sa pagmamahal sa kapwa bilang daan ng
pagbabago sa lipunan.
Bagama’t alam Niyang nangangahulugan ito ng pag-aalay ng
Kanyang buhay, tinupag Niya ang tungkuling iniaatas sa Kanya
ng Ama.
Ang pagpapahirap, pangungutya, at kabuuang pagwasak sa
Kanyang dignidad ay hindi naging hadlang, dahil ang kapalit ay
pagmumulat, pagpapalaya at paghilom ng mga mamamayan.
Panginoon, buksan mo ang aming puso at isipan na matanggap
ang malaking hamon ng Dakilang Pag-ibig - ang lumampas sa
aming sarili at magmahal ng aming kapwa, upang kami’y maging
daan din ng paghilom at pag-aangat ng aming mga kababayan.
Ipinapanalangin namin ang mga nakaluklok sa pamahalaan at
naatasang maglingkod, nawa’y lubos na mangibabaw sa kanila
ang malasakit at pagbibigay- halaga sa katarungan, at huwag
matukso sa kinang ng kayamanan at kapangyarihan.
Ipinapanalangin namin ang aming mga pinuno at ang mga
nagpapahiwatig ng kanilang hangaring mamuno, nawa’y kumilos
sila ayon sa dakila at radikal na pagmamahal na ito at ialay ang
kanilang mga sarili sa kapakanan at ikauunlad ng aming bayan.
HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! At kanilang pinatangnan
Makapangyarihang banal! ng isang tuyong kawayan
Walang Kamatayang banal! ang ulo ay pinutungan
Panginoon naming mahal! nang tinik na likaw-likaw
Kami’y iyong kaawaan! kunwa ay hari-harian.
HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Lumingon at nagwika na
Makapangyarihang banal! Kay San Juan Evangelista
Walang Kamatayang banal! Wika’y Ecce Mater Tua
Panginoon naming mahal! Iyan ang siya mong Ina
Kami’y iyong kaawaan! Huwag ipagpalamara
IKALABING-ISANG ISTASYON:

HINABILIN NI HESUS ANG


KANIYANG INA KAY SAN JUAN
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Jn 19: 25-27


Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Juan.
Nakatayo sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang ina at ang
kapatid nitong babae, si Maria na asawa ni Cleopas, at si Maria
Magdalena. Nang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang
minamahal niyang alagad na nasa tabi nito, sinabi niya, “Ginang,
narito ang iyong anak!”
At sinabi niya sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon,
pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay ang ina ni Jesus.

PAGNINILAY
Alalahanin at ipagdasal natin ang bawat pamilyang Pilipino, buo
man o hiwalay, iba o karaniwan, lalong- lalo na ang mga
nahihiwalay sa kasalukuyan.
Ang ating mga magulang ay larawan ng pagmamahal ng Diyos
para sa atin. Sila ang unang nagpapadama sa atin ng pagmamahal
at pagaaruga ng Diyos. Sa kanila tayo unang ipinagkatiwala ng
Diyos. Sa ating buhay, ipinagkakatiwala din ng Diyos sa atin ang
ibang tao ating nakakasalamuha. Nawa’y maipadama din natin sa
kanila ang pagmamahal ng Ama, na siyang unang nagmahal sa
ating lahat.
Panginoon, tulad din ng aming mga ina, walang sinuman ang
umibig sa Iyo nang higit pa sa iyong Ina. Hindi niya marahil
maintindihan ang Iyong pagpapasakit at kamatayan pero may
malalim siyang tiwala sa pangako at kalooban ng Diyos.
Sinamahan Ka ng Iyong Ina at nakibahagi sa iyong pagdurusa.Isa
siyang huwaran ng pagtitiwala at pananalig sa Diyos. Naway
maging tulad kami ni Maria, Ina Mo at Ina na rin naming lahat.
IKALIMANG ISTASYON:

Ang PAGTANGGAP AT
PAGPASAN SA KRUS
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Jn 19 : 16-17
Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Juan.
Kinuha nga nila si Jesus. Inilabas siyang pasan ang kanyang krus
papunta sa lugar na kung tawagi'y “Dako ng Bungo,” Golgotha
sa wikang Hebreo.

PAGNINILAY
Alalahanin at ipagdasal natin ang mga nahihirapang maghanap ng
trabaho sa kasulukuyang ekonomiya, ang mga nanatili sa
mahihirap na kondisyong pantrabaho.
Masarap magmahal. Masarap magmahal kahit na may kaakibat na
pagpapakasakit at pagsasakripisyo ang ating pagmamahal. Dahil
sa pagmamahal, handa tayong magsakripisyo. Kahit mahirap,
handa tayong piliing patuloy na magmahal. Dahil sa
pagmamahal, kusang-loob na tinanggap ni Hesus ang kaniyang
krus. Dahil sa pagmamahal, pinili ni hesus na sundin ang
kalooban ng Ama. Alam niyang mahirap. Alam niyang masakit.
Ngunit di alintana ang hirap at sakit dahil sa kaniyang pag-ibig
para sa atin.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Dali-daling pinalakad
Makapangyarihang banal! niyong mga mararahas
Walang Kamatayang banal! bago’y lubhang naghihirap,
Panginoon naming mahal! nangangalay ang balikat
Kami’y iyong kaawaan! ipinagtulakang agad.
IKAANIM NA ISTASYON:

ANG PAGKADAPA NI HESUS


DAHIL SA MABIGAT NA KRUS
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Isaias 53:3-5


Mula sa Awit ng Nagdurusang Lingkod mula sa Aklat ni Propeta
Isaias
Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng hapdi at
hirap. Wala man lang pumansin sa kanya.Binaliwala natin siya,
na parang walang kabuluhan. “Tunay ngang inalis niya ang ating
mga kahinaan, pinagaling niya ang ating mga karamdaman.Subalit
inakala nating iyo'y parusa ng Diyos sa kanya.Ngunit dahil sa
ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil
sa ating kasamaan. Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas
niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.

PAGNINILAY
Noong mga unang buwan ng 2020 nang kumalat ang COVID-19
sa ating bansa, nagkukumahog ang mga ospital sa paggamot at
pag-alaga ng mga nagkakasakit. Dahil sa biglaang pagdami ng
mga nahahawa ng COVID, umabot na sa puntong natutulog na
lang sa mga parking lot ng ospital ang mga maysakit dahil sa
tagal ng kanilang paghihintay para matingnan ng mga doktor.
Hindi mabigyan ng agaran at sapat na atensiyong medikal ang
lahat ng nangangailangan, na siyang dagdag pasakit sa bawat
pamilyang Pilipino.
Nagkaroon din ng mga pagkakataon na ang mga nagpopositibo
sa COVID 19 ay pinandidirihan at nilalayuan. Naiintindihan
naman nating ayaw ng mga taong mahawa sa sakit, ngunit
nakalulungkot ang pakiramdam na mag-isa at malayo sa mga
mahal sa buhay habang nilalabanan ang COVID-19. Sa mga
panahong naghahanap sila ng sasandigan, wala silang makapitan
kung hindi ang mga panalangin lamang sa Diyos.
nagkamali tayo at nagkasala tayo. Sa pag-aamin nating ito,
binibigyan-daan natin sa ating puso ang pagmamahal ni Hesus,
nang mabigyan tayo ng lakas na iwasto ang mali.
Mga kapatid, lalo na ang mga makasalanan, lalo na ang mga nasa
bilangguan: huwag lamang natin ipagdasal na mahalin tayo ni
Hesus. Laging nariyan na ang kanyang pagmamahal sa paligid
natin. Ipagdasal din natin na tulad ng kriminal na pinatawad ni
Hesus sa krus, magkaroon tayo ng lakas ng loob na sa gitna ng
sakit at unos ng buhay, kaya nating amining makasalanan tayo,
at mayroon tayong nagawang mali.

Sa pag-aamin nating ito, binibigyan-daan natin ang pagmamahal


ni Hesus sa ating puso, nang mabigyan tayo ng lakas na imali
ang tama.
Sa pag-aamin natin ito nabibigyang-pagkakataong maghari sa
ating puso ang radikal na pagmamahal ng isang Hesukristong
inuuna ang buhay ng iba.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Ako pong makasalanan
Makapangyarihang banal! ay h’wag mong kalilimutan
Walang Kamatayang banal! alalahanin mong tunay
Panginoon naming mahal! kung mauwi ka sa bayan
Kami’y iyong kaawaan! na mahal mong kaharian.
IKASAMPUNG ISTASYON:

ANG PAGPAPATAWAD SA
NAGTITIKANG MAGNANAKAW
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Lu 23: 39-43


Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Lukas.
Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya,
“Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na
rin kami.”
Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka
na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya!
Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating
mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.”
At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka
na.”
Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa
Paraiso.”
PAGNINILAY
Ilagay natin ang ating sarili sa posisyon ni Hesus: nakagulantang
ka sa krus, pagod ka sa ilang oras ng pagbubuhat ng kahoy,
dama mo ang bawat sugat ng latigo at ng hampas, uhaw ka para
sa tubig at para sa aruga ng iba, ngunit nakuha mo pang
magpatawad ng iba. Iyan ang radikal na pagmamahal ng ating
Panginoon: ang pagmamahal sa iba hanggang sa dulo, kahit
masakat, kahit hindi kailangan.
Ngunit mga kapatid, paano nga ba natin mararamdaman sa
bawat araw ng ating buhay ang radikal na pagmamahal na ito?
Saan nagsisimula ang pagmamahal na ito?
Ipagdasal natin sa istasyong ito na bigyan tayo ng Panginoon ng
lakas na kilalanin at aminin ang mga kasalanan natin. Walang
nagbabago sa pagmamahal ni Hesus, ngunit nadarama lamang
natin ito kung inaamin natin sa kaloob-looban ng puso natin na
Sa sitwasyong ito, maipapakita natin ang radikal na pagmamahal
sa mga nagkakasakit (at sa mga may iniindang karamdaman)
ngayong pandemya sa simpleng paraan – ang maipakitang nasa
tabi nila tayo. Sa simpleng pangungumusta, pagtawag, o
pagbisita sa kanila, naipahihiwatig natin sa kanila na karamay
nila tayo sa pinagdadaanan nilang pagsubok sa buhay.
Magkaroon nawa tayo ng lakas ng loob, pasensya, at enerhiya
para tumulong na mapagaan ang krus na pinapasan nila ngayon.
Sa huli, nawa ay magsilbi tayo bilang tulay upang mapagtibay pa
nila ang kanilang pananampalataya at pakikipag-ugnayan sa
Diyos.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Naghihirap na totoo
Makapangyarihang banal! ang Poong Divino Verbo
Walang Kamatayang banal! pagod na di mamagkano
Panginoon naming mahal! at malayo pa nga rito
Kami’y iyong kaawaan! yaong bundok ng Kalbario.
IKAPITONG ISTASYON:

TINULUNGAN NI
SIMON CIRENEO SI HESUS
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Mc 15:21
Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Marko.
May isang dumadaan na pinilit nilang magbuhat ng krus ni Jesus.
Ito ay si Simon na taga-Cerene na dumating galing sa kaniyang
bukid. Siya ang ama ni Alejandro at ni Rufo.

PAGNINILAY
Masasabi ba natin na nasa tamang lugar at pagkakataon si Simon
ng Cirene nung sinabihan siyang tulungan si Hesus na pasanin
ang kanyang Krus? Siguro nakita ng mga sundalo na hirap na
hirap na si Hesus at baka hindi makarating sa lugar ng kanyang
pagpapakuan, kaya naghanap sila ng taong pwedeng magbuhat
ng krus para lang makapagpahinga si Hesus ng kahit saglit para
ipagpatuloy ang kanyang paglalakbay tungo sa kalbaryo.
Ngayong pandemya at giyera sa Ukraine, ang daming tao ang
naghihirap at nahihirapan dahil sa kawalan ng trabaho, bawas
ang kita at ang mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa Covid
19. Subalit, may mga taong tumugon sa tawag ng panahon, ang
ating mga frontliners, mga doktor at nurses na nagsilbi sa mga
ospital sa mga natamaan ng Covid 19. Andiyan ang mga delivery
personnel na tumutugon sa mga pangangailangan natin sa bahay.
Ang mga social workers at mga nagboboluntaryo na gumawa ng
mga food pantries sa kani-kanilang mga lugar para lamang
makatulong na mabigyan ng kahit konti para lang may makain
ang ating mga kababayan.
Bakit nga ba sila tumugon sa tawag na tumulong at makiisa sa
taumbayan sa panahon ng pandemya at giyera sa Ukraine? Ito
marahil ay dahil sa radikal na pagmamahal na ipinakita sa atin ni
Maliban sa mga taong mahirap unawain at mahalin, marami pang
itinuturing na “iba” sa ating lipunan na dapat din nating abutin
tulad ng mga katutubo at mga taong iba ang pananampalataya sa
atin.
Ngayong panahon ng eleksyon, maisasabuhay rin ito sa
pamamagitan ng pag-abot sa mga kamay ng mga taong may
ibang paniniwala sa iyo at pagiging mabuting kapatid sa kanila sa
kabila ng pagkakaiba ng inyong mga paniniwala.
Alalahanin at ipagdasal natin ang mga taong mahirap mahalin at
unawain, gayundin ang mga taong “iba” sa paningin ng ilan sa
atin tulad ng mga katutubo at mga taong iba ang
pananampalataya at may ibang paniniwala.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Bangkay na manding tibobos
Makapangyarihang banal! itong ating poong Diyos
Walang Kamatayang banal! na nabibitin sa krus,
Panginoon naming mahal! kamay, paa sampung tuhod
Kami’y iyong kaawaan! di na niya maikilos.

IKA-SIYAM NA ISTASYON:

ANG PAGHUHUBAD AT
PAGPAKO KAY HESUS
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Lu 23: 33-34


Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Lukas.
Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo,
ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal,
isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. Sinabi ni Jesus, “Ama,
patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang
ginagawa.”

PAGNINILAY
Hinubaran ng kanyang kasuotan at pagkatapos ay ipinako sa
krus si Hesus. Nasa gitna siya ng dalawang kriminal na
nakapako rin. Tinuya Siya ng mga ito. “Ikaw ba ang
Tagapagligtas? Kung ikaw nga, iligtas mo kami at ang iyong
sarili.”
Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila
nalalaman ang kanilang ginagawa.”
Naghihirap man ang sariling kalooban at pisikal na katawan ni
Hesus nang mga sandaling iyon, hindi pa rin Niya nakaligtaang
pakitaan ng habag at pag-unawa ang dalawang nasa tabi Niya
kahit hindi naging mabuti ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.
Para kay Hesus, karapat-dapat pa rin silang makatanggap ng
radikal na pagmamahal.
Ito ang hamon sa atin lagi bilang mga Kristiyano: ang maging
tulad ni Hesus sa mga taong mahirap unawain at mahalin. Ang
magpakita ng habag at pag-unawa sa lahat ng oras, sa lahat ng
uri ng taong ating makasasalamuha.
Hesus. Ito marahil ang dahilan na si Simon ng Cirene ay hindi
napilitang tumulong kay Hesus, kundi binuhat niya ang krus
nang buong pagmamahal para sa taong walang kasalanan, siya na
puro pagmamahal at pagpapatawad ang tinuro at isinabuhay.
Nawa ang ating mga frontliners, doctors, nurses, custodians,
delivery persons, social workers, at ang mga nagboboluntaryo
sa pandemyang ito ay patuloy na magbigay pa ng radikal ng
pagmamahal kagaya ni Simon ng Cirene.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Ang kay Simong pagdadala
Makapangyarihang banal! kahit hindi nalaon siya
Walang Kamatayang banal! munti ring igininhawa,
Panginoon naming mahal! ni Hesus na poong Ama
Kami’y iyong kaawaan! sa malaking hirap niya.

IKAWALONG ISTASYON:

ANG PAGPAPATAHAN NI HESUS


SA KABABAIHAN NG HERUSALEM
Lider: Sinasamba ka namin at pinasasalamatan,
Panginoong Hesukristo.
Lahat: Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Mahal na
Krus ay sinakop mo ang mundo

PAGBASA Lu 23: 27-31


Mula sa Paghihirap ng ating Panginoon ayon kay San Lukas.
Sinusundan si Jesus ng maraming tao, kabilang ang ilang
babaing nag-iiyakan at tumatangis dahil sa kanya. Nilingon sila
ni Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo
akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang
inyong mga anak. Tandaan ninyo, darating ang mga araw na
sasabihin nila, ‘Pinagpala ang mga baog, ang mga sinapupunang
hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ Sa
mga araw na iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga bundok,
‘Gumuho kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’
Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano
naman kaya ang mangyayari sa kahoy na tuyo?”

PAGNINILAY
Karaniwang larawan ng kahinaan ang kababaihan. Mas mababa
sa tangkad. Mas balingkinitan ang katawan. Madaling umiyak.
Madaling saktan. Madaling isantabi. Dapat ay laging tahimik.
Dapat ay laging naka kubli. Dapat ay laging mahinhin. Katulong
hindi katuwang. Tagasunod hindi pinuno.
Ngunit ang kababaihan sa kasaysayan ng kaligtasan ay
nagpatunay na hindi kailanman maituturing na mahina o
pangalawa lamang sa kalalakihan ang mga anak ni Eva. Sa
Matandang Tipan hanggang sa Bagong Tipan, tinawag ng Diyos
ang kababaihan upang maging tanda ng matatag na
pananampalataya na dapat tularan ng sangka Kristiyanuhan.
Ipinakita ng Propetanang si Debora na ang kababaihan ay
maaaring tingalain ng pamayanan bilang takbuhan sa panahon ng
pangangailangan sa karunungan at katarungan. Ipinamalas ni
Hudit na kailanman ang kababaihan ay hindi mananahimik
lamang sa paniniil sa kanyang mga kababayan at kayang ipakita
ang katapangan. Ipinaunawa ni Ester na maaaring mamuno ang
isang babae at maaaring dalhin ng babae ang kanyang bansa sa
kalayaan, kaunlaran at kasaganaan. Itinanghal ni Maria
Magdalena ang katotohanan ang isang babae, hindi ni isa man sa
mga apostol, ang pinagkatiwalaan ni Hesus na maging unang
tagapagpahayag ng Mabuting Balita. Ininabuhay ng Mahal na
Birhen ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos na siyang
dapat maging pundasyon ng ating pakikihamok para sa tunay na
pagbabago.
Naging pinuno ng sandatahang lakas si Santa Juana de Arco.
Naging tanglaw ng karunungang pang-agham si Santa Hildegarda
at karunungang pangkaluluwa si Santa Teresa. Napasunod ni
Santa Catalina ang isang Santo Papa. Napamunuan ni Santa
Jadwiga ang isang kaharian… hindi bilang asawa ng hari…
ngunit bilang Reynang pinuno nila.
Kaya nga siguro pinatatangisan ni Hesus sa mga kababaihan ang
kanilang sarili. Sapagkat hanggang sa ngayon, kahit kitang-kita
na ang kakayahan… hindi pa rin kinikilala ng karamihan…
maging ng mga kapwa nila babae… ang kagalingan ng
kababaihan.

HIMIG PANALANGIN
O Diyos na lubhang banal! Doon naman sa lansangan
Makapangyarihang banal! may nakita siyang ilan
Walang Kamatayang banal! babaing luha-luhaan,
Panginoon naming mahal! na pawang nangalulumbay
Kami’y iyong kaawaan! siya ang tinatangisan.

You might also like