You are on page 1of 50

DAAN NG KRUS

(Arkidiyosesis ng Maynila)
2 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

DAAN NG KRUS
(ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA)

PAMBUNGAD NA AWIT

N. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo


B. Amen.

N. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumainyo rin.
Namumuno:

M ga minamahal na kapatid,
ang via crucis, ang daan ng
krus ay daan ng pananampalataya.
Samahan natin si Hesus, hinatulan ng kamatayan,
siya na Hukom ng sangkatuhan.
Samahan natin si Hesus sa pagpasan niya ng
krus, siya na Tapagligtas ng mundo;
si Hesus na nakabayubay sa krus
siya na Panginoon ng kasaysayan, ang Anak ng Diyos.

Kasama natin si Maria.


Ang via crucis ni Hesus ay via dolorosa ni Maria.
Ang daan ng krus ay daan ng hapis.
Tumindig si Maria sa paanan ng krus ni
Hesus. Niyayakap niya ngayon ang kanyang
mga anak na humaharap sa panganib at
pagkapagal upang damayan sila sa kanilang
pagdurusa, pakinggan ang kanilang mga
panaghoy,
at magdulot ng kapayapaan at pag-asa.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 3

Sa pagtahak natin sa Daan ng Krus,


hayaan nating akayin tayo ni Maria.
Hilingin nating bahaginan niya tayo
ng kanyang kababang loob at pagbubukas palad
upang ang pag-ibig ni Kristo sa krus
ay makapanahan sa ating mga puso
at papanibaguhin at hubugin tayo ng pag-ibig ng Diyos.

Samahan natin si Hesus


sa paggunita sa mga huling sandali
ng kanyang buhay sa lupa.
Tuntunin natin ang tinahak na daan
ng krus ni Hesus.
Iugnay natin sa krus ni Hesus
ang lahat ng ating mga takot, pighati, luha,
karamdaman at pangungulila
ngayong panahon ng pandemya.

Ito ay paglalakbay tungo sa paghihirap, pangungulila at kalupitan


ng mga nagpahirap sa kanya
tungo sa kanyang kamatayan.
Ngunit ito’y landas din ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig
sapagkat hindi ang kamatayan at libingan
ang tutuldok sa kuwento ng kaligtasan.
Sa paglipas ng dilim,
sa pagbubukas liwayway ng Muling Pagkabuhay,
ang liwanag ng kaligayahan ay sisibol.
Sandaling katahimikan.
4 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

Namumuno:

Manalangin tayo.

P anginoong Hesus,
tinahak namin muli ang daan ng iyong krus
sapagkat batid naming ito’y daan din ng aming mga buhay.
Nakatindig kami sa paanan ng iyong krus
na may pagluluksa sa aming mga puso.
Ang mga kasalananna naming ang nagpako sa iyo sa krus.

Naparito sa ka sa daigdig upang kami’y tubusin,


hanapin at akayin sa yakap ng Ama.
Sa aming pagkamakasarili,
pumarito ka taglay ang iyong pag-ibig.
Sa aming kayabangan at kapusukan,
pumarito ka taglay ang iyong kaamuan at kapakumbabaan.

Kami ay makasalanan na nangangailangan ng iyong awa.


Kami ay mga alibughang
anak na nagnanais na
magbalik.
Panginoon, ipagkaloob mo sa amin
ang biyaya ng luha at pagtitika
upang matuklasan naming ang kalayaan at buhay,
at ang ganap na kapayapaan at kagalakan.

Sa pamamagitan ng aming pagninilay


sa mga pagdurusang binata mo
para sa aming kaligtasan,
nawa’y makibahagai
kami
sa iyong pagwawagi sa kasalanan at kasamaan
at sa iyong buhay ng pagtatalaga sa Diyos at sa kapwa.
Lahat:
Ame
n.
Unang Istasyon:
ANG HULING HAPUNAN

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
6 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PAGBASA 1 Corinto 11:23-26

Pagbasa sa Unang Sulat ni San Pablo Apostol


sa mga taga-Corinto

Ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay


dumampot ng tinapay, nagpasalamat, at pinagpira-piraso ito, at
sinabi, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo.
Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin.” Gayon din naman,
matapos maghapunan ay hinawakan niya ang kalis at sinabi, “Ang
kalis na ito ang bagong tipan na pinagtitibay ng aking dugo.
Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa
akin.”

Sapagka’t tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na


ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon,
hanggang sa muling pagparito niya.

Ang salita ng Diyos.


T. Salamat sa Diyos.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 7

PAGNINILAY

Sa Huling Hapunan, pinili ni Hesus na isang piging ang kanyang


iiwang paalala ng kaniyang pagbibigay ng sarili para sa atin.
Madalas hindi natin napapansin na tayo ay nabubuhay nang
matiwasay dahil may mga taong nagbibigay ng kanilang sarili para
sa ating kapakanan. Marami ring panahon na ipinagwawalang-
bahala natin ang kabutihan ng ibang tao sa atin, lalo na kung iniisip
nating bahagi ng kanilang trabaho ang maging mabuti sa atin.
Katulad ni Hesus, ang kanilang pagbibigay ng buhay ang siya ring
nagbibigay ng buhay sa atin. Sikapin nating makita na an gating
tinatamasa ay bunga rin ng paghihirap ng iba. Tayo’y nabubuhay
dahil sa pag-aalay ng sarili ng ibang tao. Nawa’y makita natin si
Hesus na nagbibigay ng kaniyang buhay sa mga taong
nagsasakripisyo para sa ating ikabubuti.

PANALANGIN

Panginoong Hesus, sa Iyong pag-ibig sa amin, ginawa mo rin ang


Iyong sarili na tinapay at alak, upang maging aming pagkain at
inumin. Turuan mo kami na maging tulad Mong tinapay at alak na
iniaalay bilang handog sa Diyos at sa mapagkumbabang
paglilingkod sa aming kapwa. Tulungan mo kaming alalahanin na
kami ay nabubuhay hindi lamang sa aming sariling pagsisikap.
Makita nawa namin hindi kami nabubuhay sa aming sarili manag.
Turuan Mo kaming bigyan ng halaga ang nagbibigay ng kanilang
mga sarili para sa aming kapakanan. Tulungan mo kaming makita
ka sa kanila, ikaw na unang nagbigay ng iyong sariling buhay para
sa amin hanggang sumapit ang aming pakikibahagi sa pagkain ng
buhay na walang hanggan, magpakailanman. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikalawang Istasyon:
ANG PAGDURUSA NI HESUS SA
HALAMANAN

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 9

PAGBASA Lukas 22:39-45

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Lukas

Gaya ng kanyang kinaugalian, umalis si Hesus at nagtungo sa


Bundok ng mga Olibo; at sumama ang mga alagad. Pagdating doo’y
sinabi niya sa kanila, “Manalangin kayo, nang hindi kayo madaig
ng tukso.” Lumayo siya sa kanila nang may isang pukol ng bato,
saka lumuhod at nanalangin. “Ama,” wika niya, “kung maaari’y
ilayo mo sa akin ang kalis na ito. Gayunma’y hindi ang kalooban ko
ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Tigib ng hapis, siya’y
nanalangin nang lalong taimtim; tumulo sa lupa ang kanyang pawis
na animo’y malalaking patak ng dugo. Tumindig siya
pagkapanalangin at lumapit sa kanyang mga alagad. Naratnan
niyang natutulog ang mga ito dahil sa tindi ng dalamhati.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

May mga panahong tila gusto na nating sumuko, dahil sa bigat ng


ating mga pasanin sa buhay. May mga panahong parang wala na
tayong ibang maasahan. May mga panahong ang mga taong
inaasahan nating nariyan lagi para sa atin ay naglalaho kung oras
na ng kagipitan. Sa mga panahong wala na tayong makapitan,
alalahanin natin na hinding hindi tayo iiwan ng panginoon.
Hinding hindi tayo susukuan ng paginoon. Makita nawa natin
bilang halimbawa ang pagbaling ni kristo sa Diyos sa panahon ng
paghihirap. Maari tayong lumapit at kumapit sa kaniya kailan
man.
10 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PANALANGIN

Magkadaop ang palad sa panalangin, sa pagsisikap na makaipon ng


lakas upang gawin ang kalooban ng Ama habang Ikaw ay
naghihirap sa Getsemani. Ang mga inanyayahan Mong magbantay
at manalanging kasama Mo noong gabing iyon ay tila walang
pakialam.

Kami man ay tila walang pakialam, inaalaala lamang ang aming


mga sariling problema. Kami’y tila walang pakialam sa mga
nagdurusa sa kanilang pangungulila, at kanilang mga pangamba,
kanilang mga kahinaan.

Humantong Ka sa panahong wala Kang ibang makapitan at walang


ibang malapitan kundi ang iyong Amang nasa langit. Kahit ang
iyong mga kaibigan na minamahal at inaasahan ay naglaho. Turuan
mo kaming matutong kumapit at lumapit sa Ama, na siyang tanging
makakapitan at malalapitan sa oras ng kagipitan.

Patawarin mo kami sa aming pagiging makasarili, at bigyan mo


kami ng pusong mapagmahal tulad ng puso mo, upang
magampanan namin ang kalooban ng Ama kahit na ito’y lubhang
mahirap, sapagkat sa pagtupad lamang ng kanyang kalooban
matatagpuan ang kapayapaan. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikatlong Istasyon:
SI HESUS SA HARAPAN NG SANEDRIN

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
12 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PAGBASA Marcos 14:60-64—15:1

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Marcos

Tumindig ang pinakapunong saserdote sa harap ng kapulungan,


at tinanong si Hesus: “Ikaw ba ang Mesiyas, ang Anak ng Kataas-
taasan?” “Ako nga,” sagot ni Hesus. “At makikita ninyo ang Anak
ng Tao, na nakaupo sa kanan ng Makapangyarihan sa lahat. At
makikita ninyong siya’y dumarating, nasa alapaap ng langit.”
Winasak ng pinakapunong saserdote ang sariling kasuotan, at
sinabi, “Hindi na natin kailangan ang mga saksi! Kayo na ang
nakarinig ng kanyang kalapastanganan sa Diyos! Ano ang pasya
ninyo?” Ang hatol nilang lahat ay kamatayan.

Kinaumagahan, nagpulong agad ang mga punong saserdote, ang


matatanda ng bayan, ang mga eskriba, at ang iba pang bumubuo ng
Sanedrin. Ipinagapos nila si Hesus, at dinala kay Pilato.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 13

PAGNINILAY

Namamayagpag ngayon ang kultura ng panghuhusga. Marami


ang hinuhusgahan ng lipunan dahil hindi sila sumusunod sa
kung ano ang nakasanayan na. Marami sa mga hinuhusgahan
ang wala man lang nangangatwiran para sa kanila. Higit pa rito,
tayo rin ay nanghuhusga ng iba. Nanghuhusga tayo base sa
panlabas na anyo, kulay ng balat, sa antas ng napag-aralan, sa
katayuan sa buhay, sa pananamit, sa pananalita. Nawa’y
mamulat tayo sa katotohanang kahit na may pagkakaiba man sa
ilang mga bagay, tayo’y pare-pareho sa harapan ng Diyos. Nawa’y
makita natin sa ating mga kapwa si Kristo, na hinusgahan din sa
kaniyang kapanahunan.

PANALANGIN

Tila hindi kapani-paniwala ang tanging walang salang tao sa


mundo, hinatulan ng kamatayan ng mga tao na Iyong binigyan ng
buhay. At ang kakila-kilabot na pagsasalungat na ito’y tila walang
katapusan, habang kami mismo ay muling nagbibigay sa Iyong
hatol na kamatayan,sa tuwing tatalikuran namin ang Iyong pag-
ibig.

Ang pagkabigong ito ng katarungan ng tao ay nagpapatuloy sa mga


hindi makatarungang paghatol kung saan ang mga kriminal ay
pinawawalang sala at ang mga walang kasalanan ay hinahatulan ng
sanlibong kamatayan sa isang buhay ng paghihirap at di
pagtanggap na naglalagay sa aming lahat sa kahihiyan. Panginoon
ng buhay, gawin mo kaming mapagpahalaga sa Iyong kaloob na
buhay: buhay na ganap para sa lahat. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ika-apat na Istasyon:
ANG PAGHAMPAS AT PAGPUPUTONG
NG KORONANG TINIK

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 15

PAGBASA Mateo 27:22-30

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Mateo

Sinabi sa kanila ni Pilato, “Kung gayon, ano ang gagawin ko kay


Hesus na tinatawag na Kristo?” Sumagot ang lahat, “Ipako sa
krus!” “Bakit, anong masama ang ginawa niya?” tanong ni Pilato.
Nguni’t lalo pa nilang isinigaw, “Ipako sa krus!”

At ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang ipako sa


krus. Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa
pretoryo, at nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya.
Naglikaw sila ng halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka
pinaghawak ng isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak
siyang niluhud-luhuran at binati: “Mabuhay ang Hari ng mga
Hudyo!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

Biktima si Kristo ng kultura ng paggamit ng kapangyarihan


upang makalamang sa kapwa. Kahit sa ating panahon ngayon,
maraming mga tao ang pinagmamalabisan, hindi lamang sa
paraang pisikal, kundi sa emosyonal at spiritual na paraan din.
Nagiging kultura na ang pagsasamantala upang makalamang lang
sa kapwa. Makita nawa natin ang Panginoon sa mga taong
pinagmamalabisan, mga taong biktima ng kapangyarihan ng
iba.
16 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PANALANGIN

Tila mga araro, ang mga hagupit na bumabaon sa Iyong katawang


hindi nakakilala ng kasalanan!...Pinutungan Ka nila ng koronang
tinik sa malupit na pagkutya sa taguring “hari” na karapat- dapat
sa Iyo, subalit hindi Mo kailanman inangkin para sa Iyong sarili.

Panginoong Hesus, ang mga kamay na buong lupit na naghirap sa


Iyo ay amin din, dahilkami man ay gumawa sa Iyo ng ginawa ng
mga nagpahirap sa Iyo. At patuloy namin itong ginagawa, kapag
kami’y nagiging malupit sa aming kapwa at inilalagay sila sa
kahihiyan. Bigyan Mo kami ng lakas ng loob na ipagtanggol ang
mga naaapi at mahihirap

Kaawaan mo kami, mahal naming Hesus, kaawaan mo kami. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikalimang Istasyon:
TINANGGAP NI HESUS ANG KANYANG KRUS

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
18 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PAGBASA Mateo 27:31

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Mateo

At matapos kutyain, kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan


ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

Masarap magmahal. Masarap magmahal kahit na may kaakibat na


pagpapakasakit at pagsasakripisyo ang ating pagmamahal. Dahil sa
pagmamahal, handa tayong magsakripisyo. Kahit mahirap, handa
tayong piliing patuloy na magmahal. Dahil sa pagmamahal, kusang-
loob na tinanggap ni Hesus ang kaniyang krus. Dahil sa
pagmamahal, pinili ni hesus na sundin ang kalooban ng Ama. Alam
niyang mahirap. Alam niyang masakit. Ngunit di alintana ang
hirap at sakit dahil sa kaniyang pag-ibig para sa atin.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 19

PANALANGIN

Panginoong Hesus ang barakila na kahoy na ipinabuhat sa Iyo ay


napakabigat sapagkat kasama nito ang bigat ng mga kasalanan ng
buong sangkatauhan.

Nakikita naming sa Iyo ang di mabilang na mga taong hirap na


hirap sa bigat ng mga krus ng mga kakulangan at kanilang pasanin,
ang mga krus ng mga pagkukulang at kapintasan ng ibang tao.

O Panginoon, ipagkaloob mo sa amin ang biyayang kailanma’y di


magbigay ng mga pasanin sa kapwa dahil sa aming mga
kakulangan, at pasaning lagi nang may lakas ng loob ang krus ng
aking pang- araw- araw na tungkulin bilang pakikiisa sa iyo. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ika-anim na Istasyon:
SI HESUS AY NADAPA SA BIGAT NG KRUS

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 21

PAGBASA

Mula sa Pasyong Mahal

At ikatlo ngani ito


pagkarapa ni Kristo
katawan ay nanlulumo,
nanginginig na totoo
litid sampung mga buto.

Sa lupa’y napasubasob
ang mukhang mahal ni
Hesus nahasa na at
nakuskos
sa malaking pagkapagod
gutom at madlang dayukdok.

PAGNINILAY

Mahirap ang buhay. Marami tayong naririnig sa balita ng mga


taong sumusuko na dahil sa hirap ng buhay. “Panginoon, bakit ako
pa?” Malaking katanungan kung bakit pinababayaan ng Panginoon
na makaranas tayo ng kahirapan. Mahirap isipin na hahayaan
tayong makaranas ng kahirapan ng Diyos ng pag-ibig. Sa panahon
ng kahirapan, madalas nating makalimutan ang pangakong
binitiwan ng Panginoon, na hinding hindi niya tayo iiwan, lalo na sa
oras ng kagipitan. Matutong tumayo muli mula sa pagkakalugmok,
ng may pananalig at pag-asa sa pangako ng panginoon na kaagapay
natin siya sa bigat ng krus ng buhay.
22 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PANALANGIN

Ang bigat ng krus sa iyong balikat, ang bigat ng mga pang-


aalipustang ipinukol sa iyo ng nagkakagulong mga tao ay
nagpabagsak sa Iyo sa lupa. Panginoon, kapag nangyari ito, huwag
mong hayaang tuluyan kaming malugmok sa alabok ng
pagkapahiya at pagkatalo dahil sa pagkasira ng loob at kakulangan
ng pananampalataya. At kapag nadarapa ang aming mga kapatid,
pagkalooban Mo kami ng pusong mahabagin upang ‘di na kami
makabigat pa sa kanilang pasanin. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikapitong Istasyon:
TINULUNGAN NI SIMON SI HESUS
SA PAGPASAN NG KRUS

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
24 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PAGBASA Marcos 15:21

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Marcos

Nakasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid, si Simon


na taga-Sirene, ama nina Alejandre at Rufo. Pilit nilang
ipinapasan sa kanya ang krus ni Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

Lumalaking kultura na ang kultura ng pagkakanya-kanya. Dahil sa


hirap ng buhay, natututo tayong mabuhay ng para sa ating sarili
lamang. Natututo tayong parating unahin ang sarili. Bahala na ang
iba, basta ang sarili ay matiwasay. Matuto nawa tayong makita ang
krus na pasan ng ibang tao. Matuto nawa tayong makita na sa ating
buhay, si Kristo ang ating kaibigan na kabalikat natin sa ating mga
pasaning krus sa buhay. Makita nawa natin si Kristo sa mga taong
naghihirap.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 25

PANALANGIN

Napakagandang pagmasdan na si Simon ay hindi nag-atubiling


pasanin ang iyong krus upang tuwangan ka sa bigat nito. Subalit
ang bigat ng aming mga kasalanan ay nasa mga balikat mo pa rin.
Pinasan mo ang bigat ng krus ng aming pagkakasala. Ikaw ang
pumasan sa krus na aming dapat pasanin.

Panginoon, gawin mo kaming tulad ni Simon ng Cirene. Bigyan


Mo kami ng lakas at kagandahan ng loob na kinakailangan upang
tumulong sa pagpasan ng krus ng aming kapwa, sapagkat ang
aming lipunan ay puno ng mga nagdurusang Kristo na hindi na
makayanan ang krus na kanilang pinapasan na may iba’t ibang
hugis at bigat na taglay. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikawalong Istasyon:
NASALUBONG NI HESUS
ANG MGA KABABAIHAN NG JERUSALEM

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 27

PAGBASA Lukas 23:27-31

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Lukas

Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga babaing


nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya. Nilingon sila ni Hesus
at sinabi sa kanila, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo
akong tangisan. Ang tangisan ninyo’y ang inyong sarili at ang
inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang mga araw na
sasabihin nila, ‘Mapapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang
hindi nagdalantao, at ang mga didbdib na hindi nagpasuso.’ Sa mga
araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Gumuguho
kayo sa amin!’ at sa mga burol, ‘Tabunan ninyo kami!’ Sapagka’t
kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang
gagawin sa tuyo?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

Sa harap ng iba’t-ibang mukha ng kahirapan sa mundo, minsan


wala tayong makitang paraan upang maibsan ang mga ito. minsan
pinipili nating hindi na lang tingnan ang mga ito dahil iniisip nating
wala naman tayong magagawa. Unang hakbang ng ating pagkilos
laban sa kahirapan ng mundo ang hayaang pukawin nito ang ating
damdamin. Matuto nawa tayong tumangis para sa mundo. Nawa’y
ang ating pagtangis ay magbunga ng mga hakbang upang maibsan
ang mga ito, kahit sa mga maliliit na paraan na ating makakaya.
28 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PANALANGIN

Tunay ang pagdadalamhati ng mga babaeng iyon sa pagkakita sa


Iyo na labis na naghihirap. Batid nila ang Iyong kabutihan. Batid
nila wala kang kasalanan. Subalit tinawag mo ang kanilang pansin
at mga pagluha sa kasalanan, sa lahat ng anyo nito, bilang mas
malalim na dahilan ng iyong paghihirap at sa kahindik- hindik na
kaparusahang idinudulot sa lahat ng hindi pagsisisi ng tao.

O Panginoon, pagkalooban mo kami ng bagong puso. Loobin


mong ang aming mga luha ay masamahan ng tapat na
paninindigang iwaksi ang dahilan ng pagluha: ang aming mga
pagkakasala laban sa iyong pag-ibig. Amen.

Tulad ng ang pagdadalamhati ng mga babae ng Jerusalem para sa


iyo, naway kami rin ay makakaramdam ng pagdadalamhati sa hindi
makatarungang pagpapahirap sa mundo. Pagkalooban mo kami ng
pusong tulad ng iyong mahabaging puso, Panginoon. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikasiyam na Istasyon:
SI HESUS AY IPINAKO SA KRUS

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
30 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PAGBASA Lukas 23:33-35

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Lukas

Nang dumating sila sa dakong tinatawag na Bungo, ipinako nila sa


krus si Hesus. Ipinako rin ang dalawang salarin, isa sa gawing
kanan at isa sa gawing kaliwa. Sinabi ni Hesus, “Ama, patawarin mo
sila, sapagka’t hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” At
nagsapalaran sila upang malaman kung alin sa kanyang kasuutan
ang mapupunta sa isa’t isa. Ang mga tao’y nakatayo roon at
nanonood; nililibak naman siya ng mga pinuno ng bayan. Anila,
“Iniligtas niya ang iba; iligtas naman niya ngayon ang kanyang
sarili, kung siya nga ang Mesiyas, ang hinirang ng Diyos!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

Pagkatapos, nang dumating sila si Golgotha, ipinako nila sa krus


si Hesus kasama ang dalawang nagnanakaw. Si Hesus ay
hinatulan, pinagpasakit, pinagpasan ng krus, at ipinako parang
isang kriminal. Si Hesus na gumawa ng kabutihan, nagpagaling ng
maysakit, nagturo ng pagpapatawad ay hinatulan ng kamatayan.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 31

PANALANGIN

Panginoon, ang Iyong masuyong mga kamay na nagbasbas sa mga


bata at mga maysakit ngayo’y nakapako na sa kahoy ng Krus. Ang
iyong mga paa na nagdala sa Iyo sa maraming bayan upang dalhin
ang magandang balita ng kaharian sa lahat, ngayo’y di na maaaring
makagalaw magpakailanman.

Ikaw na gumawa ng kabutihan, nagpagaling ng maysakit, nagturo


ng pagpapatawad ay pinagtaksilan ng kaibigan, iniwanan ng
kasamahan, hinusgahan, at hinatulan ng kamatayan. Hindi
malayo sa iyo ang aming mga paghihirap at pagsubok sa buhay,
Panginoon.

Hinamon ka ng Iyong mga kaaway na bumaba mula sa krus subalit


hindi mo pinansin ang kanilang panunukso. Hindi dahil sa ikaw
ay nakapako dahil sa pag- ibig mo sa aming mga makasalanan.
Kapag ang katapatan sa aming mga tungkulin, ay nagiging parang
matatalas na mga pakong bumibigkis sa akin sa krus ng aming mga
pangako, ipagkaloob mo sa amin ang biyayang magtiyaga hanggang
sa katapusan, nang dahil sa pag-ibig at nang may pag-ibig. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikasampung Istasyon:
ANG NAGTITIKANG MAGNANAKAW

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 33

PAGBASA Lukas 23:39-43

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Lukas

Tinuya siya ng isa sa mga salaring nakabitin, at ang sabi, “Hindi ba


ikaw ang Mesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na kami!”
Nguni’t pinagsabihan siya ng kanyang kasama, “Hindi ka ba
natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinarusahang tulad niya! Matuwid
lamang na tayo’y parusahan ng ganito dahil sa ating mga ginawa;
ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sinabi niya,
“Hesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si
Hesus, “Sinasabi ko sa iyo: ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

Maraming nakakagawa ng mali sa atin. Totoo, madalas mahirap


magpatawad lalo na kung malalim ang nagawang sakit ng tao sa
atin. Inaanyayahan tayo ng Panginoon na maging mapagpatawad,
na mahalin ang ating mga kaaway, na ipagdasal ang mga
humushusga sa atin, taliwas sa nakasanayang kultura ng mundo,
ang kultura ng paghihiganti. Matuto nawa tayong patawarin ang
iba, humingi ng tawad, at patawatin din ang sarili, dahil tayo ang
unang minahal at pinatawad.
34 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PANALANGIN

Panginoon, nakikita namin ang kaliwang kamay ng nagtitikang


magnanakaw na nagsisikap na abutin ka bilang kanyang huling
pag- asa. Nakikita namin ang iyong kanang kamay na nagsisikap na
abutin siya sa isang mahabaging pagyakap. Subalit ang mga pako
ay pumipigil sa inyong dalawa na mahawakan ang isa’t isa.
Gayunman, ang kanyang malungkot na tinig atang iyong mga
Salitang nagbibigay- tiwala ay umabot sa puso ng bawat isa.

Katulad ng magnanakaw, dumudulog kami sa iyo ng buong


pagsisisi sa aming mga kasalanan. Ilang ulit naming ipinangako na
magbagong buhay at iwasan ang kasalanan subalit paulit ulit
kaming nadadapa. Maraming salamat sa walang-sawang
pagpapatawad at pagmamahal. Turuan Mo din kaming humingi ng
tawad sa ibang tao na nasaktan namin at magpatawad sa mga
nagkasala sa amin.

Panginoon, kapag sumapit ang aming oras, nawa’y marinig namin


mula sa Iyo ang nagbibigay-tiwalang mga salita: “Sa araw na ito,
isasama kita sa paraiso.” Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikalabing-isang Istasyon:
SI MARIA AT JUAN SA PAANAN NG KRUS

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
36 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PAGBASA Juan 19:25-27

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Juan

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid


na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria
Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang
minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang,
narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!”
Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

Noong sikat pa si Hesus, noong tinitingala pa siyang mahusay


na guro, noong pinagpipistahan pa siya dahil sa kanyang mga
himala, maraming tao ang sumusunod sa kanya, marami ang
nagkakandarapang maging alagad niya, marami ang umaangking
kaibigan siya. Ngunit ngabago ang lahat.

Nang siya ay dakipin, nang siya ay litisin, nang siya ay hagupitin,


nang magpasan siya ng krus, nang ipako siya sa krus, iniwan siya ng
mga alagad. Unti-unting nawala ang mga itinuturing niyang
kaibigan at inaasahan niyang dadamay sa kanya. Dahil sa
matinding takot, nagmamadali silang lumisan upang ipagtanggol
ang kanilang buhay.

Sa gitna ng pagdurusa, naglaho silang lahat. Ngunit nanatiling tapat


si Maria at Juan. Naroon siya sa paanan ng krus. Hindi iniwan
ni Maria at Juan si Hesus. Hindi bumitiw si Maria at Juan.
Sapagka’t ang pag-ibig na tapat ay hindi bumibitiw lalo na sa
paghihirap at kabiguan. Hilingin natin ang biyaya na tayo rin ay
makatindig ng tapat sa paanan ng krus ng ating kapwa.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 37

PANALANGIN

Isang anak, isang ina at isang alagad: lahat sila’y pinagbinubuklod


ng maalab na pag-ibig. Ang buklod ay sadyang malalim sa pagitan
mo at ng iyong ina. Ang kanyang kapalaran ay bukod-tanging
nakabigkis sa Iyong kapalaran.

Ipinagkatiwala mo ang iyong ina sa alagad na iyong


pinakamamahal, at sa kanya ay ipinagkatiwala mo ang alagad na
kumakatawan sa aming lahat.

Salamat, mahal na Panginoon. sa kaloob mo na Iyong Ina. Kami


ngayon higit kailanma’y kasapi ng iyong mag-anak. Iyong itulot na
walang makasira sa magandang pakikipag-ugnayang ibinigkis mo
sa pagitan ng bawat isa sa amin at ng iyong ina, sa pagitan niya at
ng buong sangkatauhan.

Panginoon, walang sinuman ang umibig sa iyo nang higit pa sa


iyong ina. Hindi niya marahil maintindihan ang Iyong pagpapasakit
at kamatayan pero may malalim siyang tiwala sa pangako at
kalooban ng Diyos. Sinamahan ka ng iyong Ina at nakibahagi sa
iyong pagdurusa. Siya’y aming huwaran ng pagtitiwala at pananalig
sa Diyos. Nawa’y maging tulad kami ni Maria, ang iyong ina at
aming ring ina. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikalabindalawang Istasyon:
SI HESUS AY NAMATAY SA KRUS
Namumuno: Sinasamba ka namin, at
pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 39

PAGBASA Juan 19:28-30

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Juan

Pagkatapos nito, alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay;


at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “Nauuhaw ako!”
May isang mangkok doon na puno ng maasim na alak. Itinubog nila
rito ang isang espongha, ikinabit sa sanga ng isopo at idiniit sa
kanyang bibig. Nang masipsip ni Jesus ang alak ay kanyang sinabi,
“Naganap na!” Iniyukayok niya ang kanyang ulo at nalagot ang
kanyang hininga.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

Sa paanan ng krus ni Hesus, nakatingala ang lahat sa Diyos na


piniling maging tao katulad natin, at nakisangkot sa masalimuot
nating buhay, hanggang sa ating kamatayan.

Inako ni Hesus ang ating mga kasalanan at nagdusa para sa atin.


Inalay niya ang kanyang buhay dahil sa labis na pagmamahal niya
sa atin. Samantalang maraming pagkakataon ang pagmamahal
natin ay kulang. Hilingin nating turuan niya tayong magmahal ng
kapwa tulad ng pagmamahal niya sa atin at mag-alay ng ating
buhay para sa kapwa.
40 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PANALANGIN

Dahil sa pag-ibig, inako mo ang parusang kamatayan, Ikaw na hindi


karapat-dapat na tumanggap nito. Nang sumapit ka sa
katapusan ng Iyong pagdurusa, tanging mga salita ng pag-asa ang
namutawi sa Iyong mga labi: “Ama, sa mga kamay Mo’y
ipinagtatagubilin Ko ang Aking espiritu,”
Pinakamamahal na Hesus, pinatay ka ng mga kasalanan namin, ng
labis mong pagmamahal para sa amin. Namatay ka upang mabuhay
kami magpakailanman.

Mahal na Panginoon, tulungan mo kaming mabuhay para sa iyo, sa


katapatan at pasasalamat, upang kapag dumating na ang oras
namin, ang iyong mga huling salita ay maging akin din: “Ama, sa
mga kamay Mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu.” Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikalabintatlong Istasyon:
SI HESUS AY INILIBING

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
42 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PAGBASA Mateo 27:57-60

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Mateo

Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga-Arimatea,


na ang ngala’y Jose. Siya’y alagad din ni Hesus. Lumapit siya kay
Pilato at hiningi ang bangkay ni Hesus. Iniutos naman ni Pilato na
ibigay ito sa kanya. Kaya’t kinuha ni Jose ang bangkay at binalot ng
bagong kayong lino. Inilagay niya ito sa sariling libingan na di pa
nalalaunang ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa
pintuan nito ang isang malaking bato, saka umalis.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PAGNINILAY

Ang Panginoon ang nagbigay, ang Panginoon ang bumawi.


Purihin ang Panginoon. Masakit ang mawala sa atin ng mga taong
pinakamamahal natin. Masakit mawalay sa mga taong laging
nariyan sa ating tabi, mga taong naging bahagi na ng ating buhay at
pagkatao. Ang kanilang paglisan ay tila pag-lisan din ng bahagi ng
ating buhay, ng bahagi ng ating pagkatao. Sa ganitong mga
panahon, masakit man at di man natin maintindihan, bumaling tayo
sa Diyos. Bumaling tayo sa Diyos kahit may luha sa mata, at may
hinanakit sa puso. Bumaling tayo sa diyos na siyang nagpapahilom
ng mga puso, na nagpapatuyo ng mga luha.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 43

PANALANGIN

Panginoong Hesus, binalot ka ng malungkot na kadiliman ng


kamatayan. Sa dilim ng libingan, ang tanging liwanag ay
nagmumula sa magiliw na pag-ibig ng Iyong ina, sa katapatan ni
Juan at ni Maria Magdalena, at sa pakikipagkaibigan ni Jose ng
Arimatea at ng ilan pang iba. Ikaw ngayo’y nahihimlay tulad ng
isang butil na ipinagkatiwala sa lupa para sa darating na tag-ani.

Inihimlay ka sa libingan na hiram lamang sa pamamagitan ng


kagandahang loob ni Jose ng Arimatea. Nung ipinganak ka sa
mundo, inilagay ka sa sabsaban. Panginoon, nagpapasalamat kami
dahil sinamahan mo kami sa aming karukhaan.

Binigyan ng pag-asa ng Iyong libing ang aming libing. Salamat sa


Iyo, hindi na kami matatakot sa kamatayan, dahil alam naming
ito’y isa lamang pagkahimbing sa kandungan ng inang lupa.
Panginoon, bigyan Mo kami ng kapahingahan, Panginoon-
kapahingahan at kapayapaang kasama Ka. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


Ikalabing-apat na Istasyon:
ANG MULING PAGKABUHAY NI HESUS

Namumuno: Sinasamba ka namin, at


pinasasalamatan Panginoong Hesukristo.

Lahat: Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong Mahal na


Krus ay iniligtas mo ang sandaigdigan.
DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 45

PAGBASA Mateo 28:1-6

Mga kapatid halina’t pakinggan


ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Mateo

Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng


unang araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Hesus si Maria
Magdalena at ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang malakas.
Bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong
ang batong nakatakip sa libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang
kanyang mukha ay nakasisilaw na parang kidlat at kasimputi ng
busilak ang kanyang damit. Nanginig sa takot ang mga bantay at
nabulagtaang animo’y patay nang makita ang anghel.

Nguni’t sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam


kong hinahanap ninyo si Hesus na ipinako sa krus. Wala na siya
rito, sapagka’t siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi.
Halikayo, tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


T. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.
46 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

PAGNINILAY

Sa muling pagkabuhay ni Kristo, pinapawi ang ating takot sa


kamatayan dahil nakasisigurado tayong may buhay na walang
hanggan. Sa mga panahong lugmok tayo sa hirap ng buhay, nawa’y
maging tanglaw ng pag-asa ang muling pagkabuhay ni Kristo.
Naway mapaalalahanan tayo na ang ating buhay sa mundo ay
patungo lamang sa buhay na walang hanggan kapiling ng Diyos.

PANALANGIN

Ang iyong mga kaaway ay nagbubunyi sa iyong pagkamatay. Ang


mga alagad at mga kaibigan mo ay nagluluksa, sapagkat sa iyong
pagkamatay nakita nilang naglaho ang kanilang mga pangarap.
Ang mga ito’y kapwa minaliit ang Iyong kapangyarihan.

Ang iyong tagumpay sa kasalanan ay hindi magiging ganap kung


hindi ka bumangon mula sa kamatayan. Panginoon, nabubuhay ka
magpakailanman. Ito’y hamon para sa amin na bumangon mula sa
libingan ng kasalanan tungo sa buhay na pagpapala.
Nagpapasalamat kami Panginoon sa pag-aalay mo ng buhay para sa
amin at sa pagwawagi mo laban sa kasamaan at kamatayan para sa
amin. Amen.

Ama Namin… Aba, Ginoong Maria… Luwalhati…


DAAN NG KRUS (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) 47

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Namumuno:

Manalangin tayo.

M akapangyarihan at walang hanggang Diyos,


namatay at matagumpay na muling nabuhay
ang Iyong Bugtong na Anak
para iligtas kami sa aming mga kasalanan.

Alalahanin mo ang Iyong awa at pagmamahal


at sa Iyong paglingap gawin Mong banal
kaming lahat na siyang dahilan kaya’t dugo’y dumanak
mula sa Iyong nagpakasakit na Anak sa krus.

Sa pamamagitan ng aming pagninilay


sa mga pagdurusang binata mo para sa aming kaligtasan,
nawa’y makibahagi kami sa pagwawagi sa kasalanan ng iyong Anak,
at sa kanyang buhay ng pagtatalaga sa Diyos at sa kapwa.
Nawa’y makihati rin kami sa luwalhati
ng kanyang Muling Pagkabuhay.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo


na nabbuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat:

Amen.
48 (ARKIDIYOSESIS NG MAYNILA) DAAN NG KRUS

N. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

N. Pagpalain nawa kayo ng makapangyarihang


Diyos, Ama, Anak  at Espiritu Santo.
B. Amen.

N. Humayo kayo sa kapayapaan ni Kristo.


B. Salamat sa Diyos.

AWIT
Archdiocesan Liturgical Commission
Manila

You might also like