You are on page 1of 35

ANG DAAN NG KRUS SA MGA MATA NG

Ina ng Manunubos
ANG DAAN NG KRUS SA MGA MATA NI MARIA
Ang pagninilay ng Daan ng Krus na ito ay kaiba sa nakaugalian na
nating pagdarasal at pagninilav ng gawaing nakagisnan na ng
maraming mga Pilipino. Ito ay sapagkat ang Daan ng Krus na ito ay
naaayon sa kung papaano nasaksihan at napagnilayan ng Mahal na
Birheng Maria ang pagpapakasakit, paghihirap at pagkamatay ng
kaniyang anak, ang ating Panginoong Jesus. Siya ang unang saksi sa
lahat ng mga pinagdaanan ni Jesus, at siya rin ang unang Kristiyano
na nagsagawa ng pagninilay sa Daan ng Krus ng kanyang anak, ang
ating Panginoong Jesucristo. Sa kanvang pagsubaybay sa landas ng
kanyang anak patungong Kalbaryo, tayo rin ay inaanyayahan na
magnilay, manalangin at damahin ang naramdaman ni Maria. Siya
ang gabay natin sa Daan ng Krus sapagkat "natanim sa isip ni Maria
ang lahat ng ito at kanyang pinagbulay-bulay" (Lc 2:19).
PAMBUNGAD NA AWIT
O Diyos sa kalangitan, Iyong itulot sa amin
Hari ng sangkalupaan, Diyos Amang maawain,
Diyos na walang kapantay, mangyaring aming dalitin
mabait lubhang maalam hirap, sakit at hilahil
at puno ng karunungan. ng anak mong ginigiliw.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Ama naming mapagmahal, isinugo mo ang iyong Bugtong na Anak
mula sa kalangitan upang maging tao sa sinapupunan ng Mahal na
Birhen. Siya'y naging iyong Salita ng Kaligtasan para sa amin.
Pagindapatin mo na tulad ng Mahal na Birhen ay buong puso
kaming maka-pakikinig sa iyong salita at mapagnilayan ang landas
ng misteryo ng aming katubusan. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Jesukristong Anak mo, na nabubuhay at naghahari,
kaisa mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos, magpasawalang
hanggan. Amen.

I. HINATULAN SI JESUS UPANG MAMATAY


Siya nga ang Haring tunay
Diyos na walang kapantay
Hukom sa sandaigdigan,
pumayag at di sumuway
sa pita ng mga hunghang.
Ang buo mong kasalanan
inako ni Kristong tanan
ng kay Pilatong hatulan,
siya’y hindi nag-apelar
ng ika’y masakop lamang.
V. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Panginoong Jesucristo,
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal na Krus ay tinubos
mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Sinabi sa kanila ni Pilato, "Kung gayon, ano ang gagawin ko kay
Hesus na tinatawag na Kristo?" Sumagot ang lahat, "Ipako sa krus!"
"Bakit? Anong masama ang ginawa niya?" tanong ni Pilato. Ngunit
lalo pa nilang isinigaw, "Ipako sa krus!" At pinalaya niya si
Barrabas, ngunit ipinahagupit si Hesus at ibinigay sa kanila upang
ipako sa krus.

PAGNINILAY SA UNANG ISTAYON


(Ihahayag ng isang babae)
Araw ng Biyernes, sa pagputok ng unang liwanag ko nakita ang
aking anak. Ito ang unang pagkakataon na masulyapan kong muli
siya simula nang siya ay dinakip. Tila ba may balaraw na unti-
unting bumaon sa aking puso nang makita ko ang kanyang
nagdurugo at sugatang katawan. Ang pinakamamahal kong anak!
Napakasakit pakinggan ang sigaw ng mga taong nakapaligid sa
akin, "Ipako sa krus! Ipako sa krus!" Nais kong magmaka-awa, nais
kong makiusap sa kanila. Ngunit alam kong kailangan itong
maganap; kaya't kahit walang lakas ay tumayo ako ng mahinahon
at nanangis sa katahimikan.

PANALANGIN SA UNANG ISTAYON


Panginoong Jesus, napakasaklap isipin ang pagdadalamhati ng
iyong Ina nang ikaw ay hatulan ng kamatayan. Sa dalamhati at sakit
ni Maria, nararamdaman namin ngayon ang hapis na iyong
nararamdaman sa tuwing kami ay nagtatampo at nagagalit sa iyo.
Ang sigaw na "Ipako sa krus!" ay salat kumpara sa paglayo at
pagkamuhi na nararamdaman ng marami sa amin sa tuwing kami
ay nakakaranas ng hirap at suliranin. Patawad, O Hesus, sa aming
mga pagkukulang! Turuan mo kaming tumayo ng mahinahon sa
gitna ng kawalan ng pag-asa. Turuan mo kaming tumahak sa iyong
daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
II. TINANGGAP AT PINASAN NI JESUS ANG KRUS
Krus na yao’y mabigat
labis na nagkakaapat
lumulubog sa balikat,
at lalo pang nakaragdag
ang sala ng taong lahat.
Anopa’t yaong si Hesus
nang maatangang matapos
ay niyakap na ang krus,
at tinangisang tibobos
sa sarili niyang loob.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin, O


Panginoong Jesucristo,
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal
na Krus ay tinubos mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa pretoryo, at
nagkatipon ang buong batalyon sa paligid niya. Hinubaran nila siya
at sinuutan ng isang balabal na pulang-pula. Naglikaw sila ng
halamang matinik at ipinutong sa kanya, saka pinapaglnwak ng
isang tambo sa kanyang kanang kamay. At palibak siyang niluhud-
luhuran at binati: "Mabuhay ang Hari ng mga Judio!' Siya'y
pinaglulurhan, kinuha nila ang tambo at siya'y pinaghahampas sa
ulo. At matapos kutyain kanilang inalisan siya ng balabal, sinuutan
ng sariling damit, at inilabas upang ipako sa krus.
PAGNINILAY SA IKALAWANG ISTAYON
(Ihahayag ng isang babae)
Matapos makapag-ipon ng kaunting lakas, sumabay ako sa
paglakad ng mga tao patungo sa may labas ng pretoryo. Biglang
Lumukas ang pinto ng pretoryo at bumulagta palabas ang aking
duguang anak. Dalawang kalalakihan ang sumunod na lumabas.
Dala nila ang isang kahoy na krus na mabigat. Ito ay ipinapasan nila
sa balikat ng aking anak, at pinilit nila siyang maglikad. Hindi ko
matiis na makita na naghihirap ang aking anak. Naiskong buhatin
ang kanyang krus para sa kanya. Ngunit alam kong kailangan itong
maganap;kaya't tahimik ko siyang sinundan.

PANALANGIN SA IKALAWANG ISTAYON


Panginoong Jesus, patawarin mo kami sa maraming beses naming
pagdadagdag sa bigat ng iyong krus. Sa pagpapabaya naming
maghirap ka sa pagpasan ng iyong krus dahil sa pagbubulag-
bulagan namin sa kahirapan at kalungkutan ng aming kapwa.
Patawarin mo kami sa aming pag-iwas sa mga kapwa naming
nangangailangan sa pakikibahagi namin sa tsismis at sa mga
usaping waling kabuluhan. Turuan mo kami na matularan si Maria
na palaging naghahangad na pagaanin ang iyong pasanin. Turuan
mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
III. ANG UNANG PAGKARAPA NI JESUS

Sa kabigatan ng krus
na pinapasan ni Hesus
ay agad napasubasob,
sa lupa’t mga alabok
ang mukhang kalunos-lunos.
Kung itindig niya naman
nanginginig ang katawan
at halos di makayanan,
sa di kawasa’y napagal
tumaha’t nagtanaw-tanaw.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Panginoong Jesucristo,


R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal na Krus ay tinubos
mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Tiniis niya ang hirap na tayo ang dapat magbata, gayon din ang
kirot na tayo sana ang lumasap; akala natin ang dinanas niya'y
parusa sa kanya ng Diyos. Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya
nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay
gumaling dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas na
kanyang tinanggap. Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw;
nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit inibig ng Panginoon na sa
kanya ipataw ang parusang tayo ang dapat tumanggap.

PAGNINILAY SA IKATLONG TAGPO


(Ihahayag ng isang babae)
Sinundan ko ang bakas ng mga yapak ng aking anak patungong
Kalbaryo. Wala nang higit pang nakapagdulot sa akin ng sakit kung
hindi ang makita ko siyang nagdurusa. Nasaksihan ko ang unti-
unting pagbaon ng bigat ng krus sa kanyang mga Balikat. Ang puso
ko'y labis na tumangis nang makita ko siyang Nadapa at ang
mabigat na krus ay humampas sa kanyang likuran. Sa unang tingin,
akala ko ay namatay na ang aking anak! Ngayon, unti-unting
nangatal ang aking katawan. Sinipa ng mga bantay ang aking anak!
Dahan-dahang tumayo ang aking anak, subalit patuloy ang
paglatigo sa kanya. Nais ko siyang yakapin, kahit na ako na lang ang
latayan ng latigo. Ngunit alam kong kailangan itong maganap;
kaya't tahimik ko siyang sinundan.

PANALANGIN SA IKATLONG ISTASYON


Panginoon ilang beses na ba namin ikaw nakitang nadapa, ngunit,
hindi tulad ni Maria, hinayaan lang namin ikaw sa lupa? Ilang beses
na ba namin na nakita ang aming kapwa na nagkamali at
pinagtawanan na lamang namin? Ilang beses na ba kaming nagalit
kapag iba ang ikinilos ng iba kumpara sa inaasahal namin?
Umalalay si Maria sa iyo sa iyong daan ng krus. Turuan mo rin
kaming umalalay sa iyo sa pag-alalay at pagsuporta namin sa aming
kapwa. Turuan mo kaming tumahak sa ivong daan ng krusl Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
IV. NAGTAGPO SI JESUS AT ANG INA NIYA
Bunsong minamahal ko
maganda kong bagong tao!
Anong salang nagawa mo,
at ikaw ay ginanito?
Di ko mabatang totoo.
Iyang krus na iyong pasan
bunso ay iyong bitiwan
at kita ay hahalinhan
ako kaya’y mabubuhay
sa lagay mo ngang iyan.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Panginoong Jesucristo,


R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal na Krus ay tinubos
mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria, "Tandaan mo, ang
batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa
lsrael, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami
kaya't mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo'y
para na ring tinarakan ng isang balaraw." Ang lahat ng bagay na ito
ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.

PAGNINILAY SA IKA-APAT NA TAGPO


(Ihahayag ng isang babae)
Nagawa kong makalapit sa aking anak sa kabila ng mga
taong nangungutya sa kanya. Tinawag ko siya sa kabila ng mga
sigaw ng panlilibak. Tumigil siya sa paglakad. Nagpangita ang
aming mga mata - ang sa aki'y puno ng luha, ang sa kanya'y puno
ng hirap at pagkalito. Para akong nanghina; ngunit tila ba
nangusap ang kanyang mga mata: "Lakasan mo ang iyong loob! Ang
lahat ng ito ay may nilalayon." Kahit na ako ay natitisod sa
aking paglalakad, alam ko na tama ang sinasabi niya.Kaya't
tahimik ko siyang sinundan.

PANALANGIN SA IKA-APAT NA ISTASYON


Panginoon, patawarin mo kami sa tuwing ang ating mga mata ay
nagpapangita subalit inilalayo namin ang aming paningin sa iyo.
Patawarin mo kami sa aming pagkukulang na makalapit sa iyo.
Patawarin mo kami sa tuwing pinanghihinaan kami ng loob o sa
tuwing mahihirapan kami at hindi namin dininig ang panawagan
mong lakasan namin ang aming loob. Oo, Panginoon, ilang beses
nang nagpangita ang ating mga mata, ngunit hindi namin pinansin.
Turuan mo kaming makinig sa iyo tulad na pakikinig ni Maria sa
ivo. Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.

(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang


Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
V. ANG PAGTULONG NI SIMON KAY JESUS

Ang kay Simong pagdadala


kahit hindi nalaon siya
munti ring igininhawa,
ni Hesus na poong Ama
sa malaking hirap niya.
Ay ano nga’y bitiwan
ni Cirineo ang pasan
si Kristo’y siyang nagtagal
ang paa’y di maihakbang
katawa’y bubuwal-buwal.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Panginoong Jesucristo,


R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal na Krus ay tinubos
mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Paglabas nila ng lunsod, kanilang nakita ang isang lalaking
nagngangalang Simon, isang taga-Cirene. Sinabi ni Hesus sa
kanyang mga alagad, "Kung ibig ninumang sumunod sa akin limutin
niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at
sumunod sa akin."

PAGNINILAY SA IKALIMANG TAGPO


Nakikita ko na ngayon ang unti-unting panghihina at pagkapagod
sa mukha ng aking anak habang pilit niyang binubuhat ang bigat ng
kanyang krus. Ang kanyang bawat hakbang ay tila ba huli na niyang
hakbang. Sa puso ko, ramdam ko ang bawat sakit na kanyang
nararamdaman at nais kong matapos na ang lahat ng paghihirap
niyang ito. Biglang nagkaroon ng maliit na kaguluhan malapit sa
aking anak. Nakita ko na pilit na hinihila ng mga kawal ang isang
nagpupumiglas na lalaki mula sa mga nanonood. Pinilit nilang
ipapasan sa kanya ang dulo ng krus ng aking anak upang pagaanin
ang dalahin ni Hesus. Nagtanong ang lalaki kung bakit siya pa ang
pinili. Alam ko ang kasagutan, at tahimik ko silang sinundan.

PANALANGIN SA IKALIMANG ISTASYON


Panginoong Jesukristo, maraming beses ka naming tinanggihang
tulungan. Naging madamot at makasarili kami, at nag-alinlangan
kami sa iyong salita. Huwag mong hayaan na kami ay maging tulad
ni Simon; tulungan mo kaming maging tulad ng iyong inang si Maria
na tahimik na nakikinig at sumusunod sa iyong salita. Itinuro mo sa
amin na " ang naghahangad magligtas ng kanyang buhay ay siyang
mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-
alang sa akin ay sivang magkakamit noon" (Lucas 9:24).Turuan mo
kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
VI. PINUNASAN NI VERONICA SI JESUS
Di nabata’t di natis
naawa siya at nahapis
nang makita at masilip,
ang mukhang tigib ng sakit
ng dugo at madlang pawis.
Ipinahid kapagdaka
birang niyang dala-dala
loob ay kakaba-kaba,
bubunto-buntong hininga
hapis na walang kapara.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin,


O Panginoong Jesucristo,
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal na Krus ay tinubos mo
ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Kalooban ni Yahweh na ang kanyang lingkod ay matulad sa isang
halamang natanim sa tuyong lupa. Walang katangian o
kagandahang makatawag-pansin, wala siyang taglay na pang-akit
para lapitan siya. Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas
siya ng sakit at hirap. Wala man lang nagtapon ng sulyap sa kanya.
Hindi natin siya pinansin, pa siyang walang kabuluhan.

PAGNINILAY SA IKA-ANIM NA TAGPO


(Ihahayag ng isang babae)
Sa aking pagsunod sa yapak ng aking anak, mayroong isang babae
na nagpilit makalapit kay Hesus. Tinanggal niya ang kanyang belo
at ipinunas ito sa pawisan at duguang mukha ng aking anak. Hinila
siya palayo kay Hesus, at bakas sa kanyang mga mukha ang
katanungang "Bakit ninyo ito ginagawa sakanya?" Alam ko, kaya
tahimik at buong pananalig kongsinundan ang aking anak.

PANALANGIN SA IKA-ANIM NA ISTASYON


Panginoon, ginawa ng babae na ito ang lahat ng kanyang magagawa
para sa iyo; samantalang mas iniisip namin ang aming matatanggap
kaysa maibibigay sa iyo. Maraming pagkakataon ang dumarating
upang makatulong kami sa iyo araw-araw sa pamamagitan ng
pagtulong namin sa kapwa, ngunit hinahayaan lamang namin itong
lumampas. Turuan mo kaming huwag ipagpabukas ang pagtulong
sa aming kapwa. Ikaw na mismo ang nagsabi na hindi namin alam
ang araw ni ang oras (Mt 25:13) ng iyong pagdating. Ituro mo sa
amin na ngayon na ang panahon ng pagtulong. Turuan mo kaming
tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
VII. ANG IKALAWANG PAGKARAPA NI JESUS

Dali-daling pinalakad
niyong mga mararahas
bago’y lubhang naghihirap,
nangangalay ang balikat
ipinagtulakang agad.
Ay ano’y sa masakitan
ang mahal niyang katawan
nasubasob at nasungabang,
ang mukha’y naaagusan
ng pawis at dugong tunay.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin,


O Panginoong Jesucristo,
R. Sapagkat sa pamamagitan ng
iyong Banal na Krus ay tinubos mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Naranasan ko kung gaano kahirap ang maparusahan ng Diyos.
Itinaboy niya ako sa lugar na wala kahit bahagyang liwanag.
Susuray-suray ako sa tindi ng hirap. At kahit saan ako bumaling
ay may pader na nakahalang. Inginudngod niya sa lupa ang aking
mukha at idinikdik sa bato ang aking bibig.

PAGNINILAY SA IKAPITONG TAGPO


(Babasahin ng isang babae)
Muling nadapa ang aking anak, at labis akong nag-alala na baka
siya ay tuluyan nang malagutan ng hininga. Unti-unti- akong
lumapit sa kanya, subalit hinarang ako ng mga bantay.
Nagpumilit tumayo ang aking anak, subalit siya ay nabuwal sa
lupa. Mapait na pagdadalahati ang aking naramdaman habang
pinagmamasdan ko ang aking anak na nabubuwal, nagpipilit
tumatayo, at nagpapatuloy sa paglakad. Sapagkat batid ko na
kailangan itong maisakatuparan, tahimik ko siyang sinundan.

PANALANGIN SA IKAPITONG ISTASYON


Panginoon, maraming beses na kaming tumalikod sa iyo
sabpaggawa namin ng mga kasalanan at maraming ulit na rin
kaming naging dahilan ng pagtalikod ng aming kapwa sa iyo.
Hinihiling namin na patawarin mo kami sa aming pagmamataas,
pagiging marahas, at sa aming kawalan ng katarungan na siyang
lalong nagpapabigat sa iyong pasan na krus. Ang iyong Ina ang
pinakatapat mong alagad. Hindi siya sumusuko sa kabila ng sakit
na kanyang naramdaman. Turuan mo kaming maging tapat
mong mga alagad tulad ng iyong Ina. Turuan mo kaming
tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
VIII. NAKATAGPO NI JESUS ANG MGA
KABABAIHAN NG JERUSALEM
Doon naman sa lansangan
may nakita siyang ilan
babaing luha-luhaan,
na pawang nangalulumbay
siya ang tinatangisan.
Di nabata’t nangusap din
si Hesus na poon natin
ay aniya mga giliw
sa puso ninyo’y itanim
yaring hirap na narating.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Panginoong Jesucristo,


R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal na Krus ay tinubos
mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang mga
babaeng nananaghoy at nananambitan dahil sa kanya. Nilingon
sila ni Hesus at sinabi sa kanila, "Mga kababaihan ng Jerusalem,
huwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong
sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo: darating ang
araw na sasabihin nila, 'Mapalad ang mga baog, ang mga
sinapupunang hindi nagdalantao, at ang mga dibdib na hindi
nagpasuso.' Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na
sariwa, ano naman kaya ang gagawin sa tuyo?"
PAGNINILAY SA IKAWALONG TAGPO
(Ihahayag ng isang babae)
Sinusundan ko si Hesus sa 'di kalayuan, nang siya ay biglang
napatigil. Mayroong mga kababaihan na tumatangis at habag na
habag para sa kanya. Sinabihan niya sila na huwag tumangis
para sa kanya.Nagkaroon na sila dati ng pagkakataong
tanggapin siya bilang Mesiyas, ngunit hindi nila siya tinanggap
tulad ng ginawa ng marami. Sinabihan nila sila na lumuha para
sa kanilang sarili, mga luha na magdudulot sa kanila ng ganap
na pagbabago ng puso. Hindi nila naunawaan ang kaugnayan ng
kanyang mga sinabi sa kanyang paglakad patungong Kalbaryo.
Naunawaan ko ang kaugnayan niyon, at tahimik ko siyang
sinundan.

PANALANGIN SA IKAWALONG ISTASYON


Panginoon, maraming beses na kumilos kami katulad ng mga
babae na taga-Jerusalem: nakikita ang pagkakamali ng iba at
nanghihinayang. Ngunit napakadalang na makita namin ang
sarili naming pagkakasala at napakadalang namin na humingi ng
pagpapatawad. Ang luha ng iyong Ina na pumatak sa daan ng
krus na binahiran ng iyong dugo ng sakit at paghihirap ang
siyang nagpagaan sa bigat ng iyong krus na pasanin. Ang luhang
ito ay nagpagaan dahil sa ito ay luha ng pagmamahal Turuan mo
kaming lumuha laban sa aming mga kasalanan tulungan mo
kaming magmahal para sa aming kaligtasan. Turuan mo kaming
tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
IX. ANG IKATLONG PAGKASUBASOB NI JESUS
At ikatlo ngani ito
pagkaparapa ni Kristo
katawan ay nanglulumo,
nanginginig na totoo
litid sampung mga buto.

Naghihirap na totoo
ang Poong Divino Verbo
pagod na di mamagkano
at malayo pa nga rito
yaong bundok ng Calvario.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin,


O Panginoong Jesucristo,
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong
Banal na Krus ay tinubos mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Hindi ba't ikaw ay walang hanggan? O Yahweh, Diyos na kabanal-
banalan at walang kamatayan. Itinalaga mo ang mga taga-
Babilonia, upang kami'y parusahan. O Batong matibay, inilagay
mo sila upang kami'y pahirapan. Ikaw ay banal, ayaw mong
tumingin sa kasamaan. Hindi mo matatagalang tingnan ang
kalikuan. Bakit mo pinapayagan ang mga taksil? Bakit mo
pinababayaang apihin ang mga taong higit na matuwid kaysa
kanila? At ito ang tugon ni Yahweh: "Isulat mo ang pangitain;
isulat mong malinaw sa mga tapyas ng bato, upang madaling
mabasa at ibalita sa lahat. Sapagkat hindi pa dumarating ang
takdang panahon upang maganap ang pangitain; mabilis na
dumarating ang wakas - hindi ito maliliban. Ngunit tiyak na
magaganap, kung ito man ay nagtatagal."
PAGNINILAY SA IKASIYAM NA TAGPO
(Ihahayag ng isang babae)
Ang pagbaksak ni Hesus ay matinding paghihirap sa akin. Hindi
lamang siya nabuwal sa mabatong daan, bagkus nalalapit na siya
sa paanan ng Kalbaryo. Sinigawan siya at pinag-malabisan ng
mga kawal, halos hinihila siya sa kanyang bawat paglakad. Labis
akong kinabahan nang maisip ko ang susunod nilang gagawin sa
aking anak. Ngunit alam ko na dapat itong maisakatuparan,
kayat tahimik ko siyang sinundan.

PANALANGIN SA IKASIYAM NA ISTASYON


Panginoon, batid namin na maraming beses na rin naming
inialok ang aming tulong sa kapwa. Ngunit sa tuwing kami ay
nawawalan na ng kaluwagan at kaginhawahan agad naming
itinitigil ang aming paglingap. Tulungan mo kami, Panginoon, na
tularan ang iyong Ina, si Maria, at huwag isara ang aming mga
kamay sa pagsuporta sa mga nangangailangan nilo. Turuan mo
kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
X. SI JESUS AY HINUBARAN NG KANYANG KASUOTAN

At dito ng sa paghubad
niyong damit ng Mesiyas
ay nabaguhan ng antak,
sa di kawasang hirap
sa pagpaknit nga ng sugat.
Itong Korderong marikit
walang kibo’t walang imik
nagbabata’t nagtitiis,
ng di mamagkanong sakit
dahil sa taong bulisik.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin,


O Panginoong Jesucristo,
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong
Banal na Krus ay tinubos mo ang
sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Nang maipako na ng mga kawal si Jesus, kinuha nila ang kanyang
kasuotan at pinaghati-hatian ng apat. Kinuha rin nila ang
kanyang tunika; ito'y waiang tahi at hinabi nang buo mula sa
itaas hanggang sa ibaba. Nag-usap-usap ang mga kawal, "Huwag
nating punitin ito; magsapalaran na lamang tayo para malaman
kung kanino ito mauuwi." Nangyari ito upang matupad ang
isinasaad ng Kasulatan, "Pinaghati-hatian nila ang aking mga
kasulatan at ang aking damit ay kanilang pinagsapalaranan."
Gayon nga ang ginawa ng mga kawal.
PAGNINILAY SA IKASAMPUNG TAGPO
(Ihahayag ng isang babae)
Ngayong tapos nang pasanin ng aking anak ang kanyang krus,
akala ko ay bibigyan siya ng pagkakataong makapagpahinga'
Subalit sapilitang hinubad ng mga kawal ang damit ng aking
anak sa kanyang duguang katawan. Napakasakit tingnan na ang
mga sugat na unti-unti nang natuyo at dumikit sa kanyang mga
damit ay muling nanariwa sa pagtanggal ng kanyang mga damit.
Hindi ko kayang tingnan ang aking anak na nagdurusa. Ngunit
alam ko na dapat itong maisakatuparan, kayat nanatili ako at
nanangis sa katahimikan.

PANALANGIN SA IKASAMPUNG ISTASYON


Panginoon, sa aming sariling pamamaraan ay hinubaran ka
namin at pinunit namin ang iyong kasuotan. Maraming beses na
naming siniraan ang aming kapwa sa walang kabuluhang pag-
uusap, at maraming pagkakataon na rin naming hinubaran ng
dignidad ang aming kapwa dahil sa pamimintas namin sa kanila.
O Pinakamamahal na Jesus, nasaktan ka namin sa iba't ibang
pamamaraan dahil sa pasakit na idinulot namin sa aming kapwa.
Nawa, katulad ng iyong Ina, tumingin kami nang may awa at
pagmamahal sa aming kapwa upang matutunan namin na sa
kanila ay "idamit namin si Kristo" (cf. Gal 3:27).Turuan mo
kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
XI. SI JESUS AY IPINAKO SA KRUS

Ang dugong nananambulat


di masapa’t di maampat
baha ang siyang katulad,
sa lupa ay nagdaranak
ang lumalabas sa sugat.
Bangkay na manding tibobos
itong ating poong Diyos
na nabibitin sa krus,
kamay, paa sampung tuhod
di na niya maikilos.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin, O Panginoong Jesucristo,


R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal na Krus ay tinubos
mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Nang maipako na siya sa krus, pinaghati-hatian nila ang
kanyang mga damit matapos magsapalaran. At naupo sila upang
siya'y bantayan. Nakasulat sa kanyang ulunan ang sakdal laban
sa kanya: "Ito'y si Hesus, ang Hari ng mga Judio." Dalawang
tulisan ang kasabay niyang ipinako sa krus - isa sa kanan at isa
sa kaliwa. Nilibak siya ng mga nagdaraan, at tatangu-tango pang
sinabi, "Di ba ikaw ang gigiba ng templo at muling magtatayo nito
sa loob ng tatlong araw? Iligtas mo ngayon ang iyong sarili! Kung
ikaw nga'ang Anak ng Diyos, bumaba ka sa krus!" Kinutya rin
siya ng mga punong saserdote, ng mga eskriba at ng matatanda
ng bayan. Sabi nila, "Iniligtas ang iba ngunit ang sarili'y di
mailigtas! Di’ba siya ang Hari ng Israel? Bumaba lang siya ngayon
sa krus, maniniwala kami sa kanya!"
PAGNINILAY SA IKALABING-ISANG TAGPO
(Ihahayag ng isang babae)
Buo na nagparaya ang aking anak nang siya ay ipako sa krus. Sa
bawat pagbaon ng pako sa kanyang mga kamay at paa, ramdam
ko sa kaibuturan ng aking puso ang pagtarak ng mga balaraw.
Itinayo nila ang krus. Nandoon ang pinakamamahal kong anak,
hinahamak habang siya ay agaw buhay na lumalaban upang
manatiling buhay. Ngunit alam ko na dapat itong
maisakatuparan, kaya’t nanatili ako at nanalangin sa
katahimikan.

PANALANGIN SA IKALABING-ISANG ISTASYON


Ang mga kamay na dati ay nagbabasbas, ngayo'y nakapako na.
Ang mga paa na dati rati ay naglalakbay at nagdadala ng pag-
ibig at pag-asa, ngayo'y napako na sa krus. Panginoon, ano'ng
sakit ang binata mo para sa amin! At ano'ng sakit ang dinala ng
iyong pinakamamahal na ina sa pagkakasaksi niya sa unti-
unting pagkamatay ng kanyang mahal na anak! Subalit ikaw at
ang iyong ina ay palaging handa na kami ay patawarin sa
tuwing kami ay magkakasala. Tulungan mo kami, Panginoon na
lumayo sa pamumuhay naming makasalanan. Turuan mo
kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
XII. SI JESUS AY NAMATAY SA KRUS

Oh Diyos ko’t aking Ama


Diyos na mulang ginhawa
yaring aking kaluluwa,
ikaw po ang bahala na
magtanggol at magkalara.
Ay ano’y ng mailagda
ni Hesus ang gayong wika
naghingalo alipala,
itinungo na ang mukha
pagkamatay na mistula.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin,


O Panginoong Jesucristo,
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong Banal
na Krus ay tinubos mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Mula sa tanghaling tapat hanggang sa ikatlo ng hapon ay
nagdilim sa buong lupain. Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw
si Hesus, "Eli, Eli, lama sabachthani?" ibig sabihi'y "Diyos ko,
Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Muling sumigaw si Hesus at
nalagutan ng hininga.

PAGNINILAY SA IKALABING-DALAWANG TAGPO


(Ihahayag ng isang babae)
Ano pa ang labis na makasasakit sa isang ina kung hindi ang
makita ang kanyang anak na mamatay! Ako na nagluwal at
nagpalaki sa Tagapagligtas ng daigdig, ngayo'y nakatayo sa
harap ng krus at wala man lamang nagawa habang ang kanyang
ulo ay unti-unting yumuko at siya ay unti-unting pumapanaw!
Ang kanyang paghihirap dito sa lupa ay natapos na, ngunit ang
sa akin ay hindi pa. Alam ko na dapat itong maisakatuparan,
kayat nanatili ako at nagluksa sa katahimikan.

PANALANGIN SA IKALABING-DALAWANG ISTASYON


O Jesus, patawarin mo kami sa idinulot ng aming mga kasalanan
sa iyo at sa aming kapwa. Lubos ang aming pagpapasalamat sa
iyong dakilang pag-aalay ng pag-ibig. Ikaw na mismo ang
nagsabi, "Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag- ibig ng isang
taong nag-aalay ng kanyang buhay para kanyang mga kaibigan"
(Jn 15:13). Sa paghahabilin mo kay Maria sa iyong
pinakamamahal na alagad, ipinagkaloob mo siya sa amin hindi
lamang bilang Ina, kung hindi bilang isang tunay at matalik na
kaibigan. Palagian mo kaming ituring na mga kaibigan, at turuan
mo kaming makipagkaibigan sa iba.Turuan mo kaming
mamuhay hindi para sa sarili, bagkus para sa iba. Turuan mo
kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen. .

(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang


Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
XIII. SI JESUS AY IBINABA MULA SA KRUS
Pinagdahang inihugos
katawang kalunos-lunos
malumanay na sinambot,
at kanilang iniabot
Sa Inang Birheng tibobos.
Kinalong kapagkaraka
si Hesus nang Birheng Ina
lumbay hapis sabihin pa,
at pagbubuntong hininga
nang kaniyang kaluluwa.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin,


O Panginoong Jesucristo,
R. Sapagkat sa pamamagitan ng iyong
Banal na Krus ay tinubos mo ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Nasindak ang kapitan at ang mga kawal na nagbabantay kay
Hesus nang maramdaman nila ang lindol at masaksihan ang
lahat ng nangyari' "Tunay na ito'y Anak ng Diyos!" sabi nila.
Naroon din ang maraming babaing nakatanaw mula sa malayo.
Mula pa sa Galilea'y sumusunod na sila kay Hesus at naglilingkod
sa kanya.

PAGNINILAY SA IKALABING-TATLONG TAGPO


(Ihahayag ng isang babae)
Wala na ang mga tao; wala na rin ang ingay ng panlilibak.
Tahimik akong nakatayo sa harap ng krus ng aking anak
pinagmamasdan ang kanyang walang buhay na katawan, ang
katawan ng Tagapagligtas. May dalawang lalaki na nagbaba ng
kanyang katawan mula sa krus, at iyon ay ipinatong sa aking mga
bisig. Marahas na natapos ang buhay ng aking anak' Labis na
pangungulila ang aking naramdaman. Subalit sa kaibuturan ng
aking puso, nakaramdam ako ng pag-asa at kaligayahan'
Namatay ang aking anak, ngunit binigyan ng bagong buhay ang
sangkatauhan. alam ko na dapat itong maisakatuparan, kayat
tahimik akong nanalangin.

PANALANGIN SA IKALABING-TATLONG ISTASYON


Panginoon, nanaog ka sa kadiliman ng kamatayan, ngunit ang
iyong katawan ay inilagay sa mabuting mga kamay at ibinalot sa
bagong puting kayong lino (Mt 27:59)' Ang iyong
pagpapakasakit ay nagwakas na! Ngunit ito av nagpapatuloy sa
tuwing pinipili namin ang kasalanan kaysa sa iyo. Nakibahagi
kami sa iyong pagpapakasakit ngayon aming Tagapagligtas,
buong puso naming hinihiling ang iyong pagpapatawad.
Tulungan mo kaming mamuhay ng karapatdapat sa iyo at sa
iyong Ina. Turuan mo kaming maging matapat sa gitna ng
kaguluhan at pagkalito at ituro sa amin ang pag-ibig na
yumakap sa iyo noong oras ng iyong kahinaan; ang yakap ng
iyong Ina na naglalapit sa iyo at sa amin sa kanyang puso.
Turuan mo kaming tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
XIV. SI JESUS AY INILIBING
Nang sila nga ay dumating
dito sa mahal na libing
ay ibinaba nang tambing,
ang katawang maluningning
nitong sumakop sa atin.
Binuhat at sinahukay,
at saka nila tinakpan
nang takip na nakalaan
batong marmol ang pangalan
sadyang kalinis-linisan.

V. Sinasamba at pinupuri ka namin,


O Panginoong Jesucristo,
R. Sapagkat sa pamamagitan ng
iyong Banal na Krus ay tinubos mo
ang sanlibutan!

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS


Kinuha ni Jose ang bangkay ni Hesus at binalot ng bagong kayong
lino. Inilagay niya ito sa sariling libingan na di pa nalalaunang
ipinauka niya sa bato. Pagkatapos, iginulong niya sa pintuan nito
ang isang malaking bato, saka umalis. Naroon si Maria
Magdalena at ang isa pang Maria, na nakaupo sa tapat ng
libingan.

PAGNINILAY SA IKALABING-APAT AT HULING TAGPO


(Ihahayag ng isang babae)
Dinala namin sa libingan ang aking anak at doon ay inihimlay ang
kanyang malamig na bangkay. Bago iginulong ang pintuang bato
ng kanyang libingan, tiningnan ko at pinagmasdan sa huling
pagkakataon ang maamong mukha ng aking anak. Napaluha ako
sa labis na kalungkutan. Subalit sa pagsasara ng mga pintuang
bato, naisip ko, na dapat itong maisakatuparan... ANg lahat ng ito
ay para sa inyo! Tahimik at buong pananamapalataya akong
maghihintay sa kanyang muling pagkabuhay, ayon sa pangako
ng aking anak!

PANALANGIN SA IKALABING-APAT NA ISTASYON


Panginoon, sinabi mong tandaan namin na "malibang mahulog
sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa.
Ngunit kung mamatay, ito'y mamumunga ng marami.(Jn 12:24).
ikaw ang butil ng trigo na namatay at patuloy na namumunga ng
hitik sa bawat henerasyon ng kasaysayan. Sa iyong libingan ay
nagliliwanag ang pagpapatunay ng pangako ng butil ng trigo na
nagdudulot ng pagkaing nabibigay buhay. O Hesus, ang iyong
pagkamatav ay hindi nagdudulot ng lamig ng pag-iisa, kung hindi
ito ay nagdudulot ng init ng pag-asa. Katulad ng
pananampalataya ng iyong Ina sa pangako ng iyong pagkabuhay,
itulot mo na makabangon kami sa pagkalugmok sa kasalanan at
mamuhay na matuwid at may pag-asa. Turuan mo kaming
tumahak sa iyong daan ng krus! Amen.
(Para sa hangarin ng ating Santo Papa ay manalangin ng isang
Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Luwalhati)
PANGWAKAS NA PANALANGIN
Ama naming makapangyarihan, sa iyong ‘di malirip na
karunungan ay pinahihintulutan mo na punuin ang
pagpapakasakit ng iyong Anak ng pagpapakasakit din ng
kanyang mga tagusunod. Pinagindapat mong manatili ang Mahal
na Birhen na makiisa sa paghihirap ng iyong Anak sa paanan ng
krus. Itulot mong maisabuhay namin ang aral ng Daan ng Krus
ng iyong Bugtong na Anak upang kami din ay maging sanhi ng
pag-ibig at lakas ng loob sa mga kapatid naming nagdurusa.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Jesukristong aming
Panginoon na nabubuhay at naghahari kaisa mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos, magpasawalang hanggan. Amen.

PAGBABASBAS AT PAGHAYO

Pagpalain nawa tayo ng Makapangyarihang Diyos Ama, Anak at


Espiritu Santo.
R. Amen.

V. Pinasan ni Kristo nang may pag-ibig ang kanyang kahoy na


Krus. Humayo tayo at pasanin nang may pagmamahal ang ating
mga sariling krus.
R. Salamat sa Diyos!

PANGWAKAS NA AWIT
Tayo namang taong lahat
sa kaniya’y makitulad
magtiis ng madlang hirap,
at ng magkamit patawad
sa Diyos Haring mataas.

Kaluluwa nati’t buhay


sa Diyos natin ialay
ng tayo ay makinabang,
ng lubos na katuwaan
doon sa Langit na bayan.
Akda ng Diyosesis ng San Pablo,
Laguna, Pilipinas

You might also like