You are on page 1of 3

BRYAN FRANCIS D.

PADILLA, CSJB

DECEMBER 12, 2012

Sample Lesson Plan for Grade six


Aralin: KORONA NG ADBIYENTO: SIMBULO NG ATING PAGHIHINTAY KAY
HESUS
I. Sitwasyon ng Buhay
Mga ihahanda ng katekista:

Magdala ng yari ng Advent Wreath upang maipakita sa mga bata ang tunay na anyo at
hugis nito.

Magdalang mga materyales sa paggawa ng Advent wreath. Itoy kailangang banggitin


sa mga bata bago dumating ang araw nang pagtuturo..

II. Pagpapahalaga: Matiyagang paghihintay, Pagiging handa, Pag asa


III. Pag uugnay
Ang nakikita ninyong mga palamuti ay nagpapahiwatig sa nalalapit na ang Kapaskuhan.
Ngunit bago pa dumating ang araw na iyon ay mayroon pa tayong mga paghahanda sa
paghihintay sa pagdating ni Hesus. Bago pa ang mga parol na iyan o Christmas Tree mayroon
tayong simbulo ng Adbiyento at ito ay ang tinatawag na Advent Wreath sa panahon ng
Adbiyento, mapapansin natin sa mga simbahan at mga kapilya ang koronang bilog na yari sa
mga sanga na kulay evergreen o berde. May apat na kandila na nag papahiwatig sa apat na
lingo ng Adbiyento: ang paghihintay sa darating na Mesiyas. Di ba ang mga manlalaro ay
naghahanda bago pa dumating ang labanan upang makamit ang inaasahanng premyo? Gayundin
sa ating pagbasa ay matutunghayan natin sa sulat ni San Pablo ang pagsasaad ng ganito:
IV. Salita ng Diyos: 1 Cor 9:25
25

Lahat ng manlalarong nagsasanay ay nagpipigil sa sarili sa lahat ng bagay upang


magkamit ng isang putong na panandalian lamang, ngunit ang putong na hinahangad natin ay
panghabang panahon.

Sino ang tinutukoy sa pagbasa?

Paano ba nakakamit ng isang atleta ang korona?

Ikaw ba ay naghahanda na rin ng sarili sa panahong ito? Paano?

Pagpapahayag ng pananampalataya
Katotohanan
Ang korona ay simbulo ng walang hanggan. Ito ay bilog na may apat (4) na kandila
nasumasagisag sa apat na linggong paghahanda. Ang ilaw ng bawat kandila ay sumisimbulo na
si Hesus ang liwanag ng mundo.Ito rin ay nagpapaalaala sa atin ng panahon ng paghihintay at
pagdating ni Hesus na ating manunubos
Pagsasabuhay
Naghahangad na makapiling si Hesus sa kanyang pagdating sa pamamagitan ng paggawa ng
Korona ng Adbiyento na ilalagay sa altar ng kanilang mga bahay.
Pagsamba
Ito ay panahon ng paghahanda di lamang sa pamamagitan ng mga dekorasyon at palamuti kundi
higit sa lahat ay paghahanda n gating kalooban sa pamamagitan ng padiriwang ng bawat linggo
ng Adbiyento kasama ng pamilya
V. Tugon ng Pananampalataya
Ang buong sambayanang Kristiyano ay naghahanda para sa pagdating n gating Mesiyas, si
Hesus. Kaya naman makikita natin sa mga simbahan ang korona ng Adbiyento na nagpapaalaala
sa atin ng panahon ng paghihintay at pagdating. Hatid sa atin ang pag-asa ng buhay na walang
hangga. Sa bawat pagdiriwang ng panalangin at seremonya ng Korona ng Adbiyento ay
makapiling natin si Hesus lalot higit kung kasama ang buong pamilya sa pagdiriwang nito.
VI. Pagdiriwang
Gumawa ng sarili ninyong Advent Wreath sa inyong tahanan at alagay ito malapit sa inyong
altar. Ipaliwanag sa inyong mga magulang at kapatid ang kahulugan ng bawat simbolo.
Awitin: Balang Araw
Balang araw ang liwanag, matatanaw ng bulag
Ang kagandahan ng umaga, pagmamasdan sa tuwina
Balang araw mamumutawi, sa bibig ng mga pipi
Pasasalamat at papuri, awit ng luwalhati

KORO:
Aleluya, aleluya
Narito na ang manunubos, luwalhatiin ang Diyos.

You might also like