You are on page 1of 99

BANGHAY ARALIN

para sa
UNANG BAITANG

PASASALAMAT SA MGA KATEKISTA NG NOVALICHES DIOCESAN


CATECHETICAL FOUNDATION NA TUMULONG UPANG MABUO
ANG MGA BANGHAY-ARALIN SA UNANG BAITANG:
1. SHERRY DIMAYA
2. JENNILYN BAYONA
3. REYMOND PABAS
4. RAFFULCEL MARTIZO
5. SR. MARY JANE ELISAN
6. MAYBELINE RANAS
7. STEPHANIE FRANCISO
8. JEYSEBEL MANANGAN
9. MARICEL QUINTANA

ISINAAYOS NI: JOCELYN D. GAA

Ang Banghay Aralin na ito ay gabay ng mga


Katekista sa pagsasagawa ng katekesis sa
pampublikong paaralan.
Malayang baguhin ang ilang bahagi ng Banghay
Aralin, maliban sa Pagpapahalaga, Salita ng Diyos
at Turo ng Simbahan.
Isulat sa Banghay Aralin ang anumang pagbabago
na inyong gagawin.

Pagpalain tayo ng Poong Maykapal!

Catechist’s Prayer
O Jesus, Great and Beloved Teacher.
Thank you for inviting us to share Your teaching mission as catechist.
Thank you for calling to proclaim God’s presence and to announce the
Good News of the Gospel to those we teach.
Guided by Your Holy Spirit and Teaching of the Church, may we
always be faithful and courageous catechists.
May our love and concern for those we teach always be our guiding
motivation.
May our hearts be on fire within us as we prepare our lessons and class
activities.
May we see our opportunity to share God’s incredible love.
Thank you for calling.
Thank you for Your love.
Amen.

St. Michael the Archangel, defend us in the day of battle.


Be our defense against the wickedness and snares of the devil.
May God rebuke him, we humbly pray and do thou,
O Prince of the Heavenly Host, by the Power of God cast into hell Satan
and all the evil spirits who wander around the world seeking the ruins of
souls.
Amen.

MGA NILALAMAN
Paksa 1 O, Diyos Ang Galing Mo!
Paksa 2 Nilikha Ako Ng Diyos Na Naiiba
Paksa 3 Ang Aking Pamilya Ay Regalo Ng Diyos
Paksa 4 Ang Anghel Kong Tagatanod
Paksa 5 Ang Diyos Ay Lagi Kong Kasama
Paksa 6 Hesus Anak Ng Diyos
Paksa 7 Hesus, Ang Anak Ng Diyos, Isinilang Ni Maria
Paksa 8 Hesus, Ang Masunuring Anak
Paksa 9 Hesus Ipinakilala Ang Diyos Bilang Ama (Ama Namin)
Paksa 10 Diyos Espiritu Santo, Pinaka-Dakilang Regalo Ng Ama At Ni Hesus
Paksa 11 Bibliya, Banal Na Aklat
Paksa 12 Simbahan: Bahay Ng Diyos, Bahay Dalanginan
Paksa 13 Ang Pag-Aantanda Ng Krus
Paksa 14 Sa Banal Na Misa, Patuloy Akong Nagpupuri Sa Ama
Paksa 15 Maria, Pinagpala Sa Babaeng Lahat
Paksa 16 Nais Ng Diyos Na Makapiling Ko Siya Sa Langit,
Kasama Ng Mga Banal

Paksa 1: O DIYOS ANG GALING MO


Audience: Unang Baitang
Oras: 30/40 minutes
Pagpapahalaga: Pangangalaga At Pag-Iingat Sa Mga Nilikha Ng Diyos
Pahayag ng Pinagkukunan/ Layunin
Panananmpalataya Pamamaraan (Transfer Goal)
(Enduring Understanding) (Sources & Means)
Katotohanan:Ang Diyos Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang paksang
Ama ay makapangyarihan sa ito ang mga bata ay inaasahang:
lahat. Siya ang lumikha ng Genesis 1: 1-31
lahat. (KIK 268, KPK 321) Salmo 95:1-2, 6-7 Masasabi na ang Diyos Ama ay
Pagsasabuhay: Bilang makapangyarihan.
paghanga sa lahat ng nilikha Katuruan ng Simbahan: Makakapamili ng mga gagawin
ng Diyos, alagaan at ingatan bilang pag-aalaga at pag-iingat sa
ang mga ito. (KPK 341, KIK KIK-268,307 mga nilikha ng Diyos
307) KPK-321,341
Pagsamba:Purihin at Makakaawit ng awiting papuri at
pasalamatan natin ang Diyos paghanga sa Diyos
Ama sa kanyang mga nilikha.
(Salmo 95:1-2, 6-7)
Kaalaman: Knowledge Mahalagang Tanong Santo:
(Essential Question)
 Ang Diyos ay 1.Sino ang ating
tagapaglikha;  SAN FRANCISCO NG ASSISI
makapangyarihan
2.Paano nalikha ang
 Manlilikha ang mundo;
Diyos Pagpapahalaga:
3.Ano ang masasabi
 Maipakita na ang natin sa mga nilikha at
Manlilikha; Paghanga/Pangangalaga
lahat ng nilikha ng Pag-iingat Sa Mga Nilikha
4.Paano mo
Diyos ay mabuti pangangalagaan at
kahit ito ay unti- iingatan ang mga
unting sisira ng tao nilikha.
5.Bakit nasabi natin na
“O Diyos ang galing
mo!”
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
 Ang Diyos ay  Nasabi nila ang salitang
 Masabi ang mga nilikha makapangyarihan. “O Diyos ang galing mo”
ng Diyos. Siya ang lumikha nag  Matutong makapagpasalamat
 Makapagpasalamat sa lahat ng bagay dito sa sa Diyos sa kanyang mga
Diyos sa mga ginawa mundo.
niyang bagay. nilikha.
 Ang nilikha ng Diyos  Maipakita ang mga
 Malaman nila na habang
bata pa ang alam na nila ay mabuti, pangangalaga at pag-iinagat
ang pangangalaga ng inaasahang sa mga nilikha ng Diyos.
mga halaman, hayop, at makapagbahagi tayo
puno. sa iba.
 Magiging malinaw sa
kanila ang tungkulin
na pangalagaan ang
mga nilikha ng
Diyos.
PAKSA 1: O DIYOS ANG GALING MO.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN: AWIT 66

+Sumigaw sa galak ang mga nilalang! At purihin ang Diyos na may kagalakan: wagas na pagpuri sa
kanya’y ibigay! Ito ang sabihin sa Diyos na dakila: “Ang mga gawa mo ay kahanga-hanga.
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.+

Pagbati/ Balik Aral:


Noong nakaraang Linggo ay inaral natin kung paano magdasal (Basic prayers) at ang kahalagahan
nito. Palagi na ba kayong nagdadasal? Opo!

Ngayong araw naman ang ating paksa ay tungkol sa Paglikha. Matutuhan natin ngayon kung:

MAHALAGANG TANONG:
 Sino ang ating Tagapaglikha;
 Paano nalikha ang mundo;
 Ano ang masasabi natin sa mga nilikha at Manlilikha;
 Paano mo pangangalagaan at iingatan ang mga nilikha.
 Bakit nasabi natin na “O Diyos ang galing mo!”

Nais ninyo bang malaman ang mga sagot sa tanong ko? Umayos sa pag upo at tahimik na
makinig sa kwento ng Paglikha mula sa aklat ng Genesis.

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:

1.1 SALITA NG DIYOS: GEN. 1:1-31 (Habang nagkukwento magandang may mga larawan na
nakadikit sa blackboard upang masundan ng mga bata ang kwento)

“Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit, ang lupa ay wala pang hugis o anyo…”

1.2 PAGTATANONG:
 Nagustuhan ba ninyo ang kuwento ng paglikha ng daigdig? -Opo!
 Sino ang lumikha ng ating daigdig? -Ang Diyos Ama po!
 Ayon sa kwento anu-ano ang mga nilikha ng Diyos Ama?
-Liwanag! Araw, Buwan, mga bituin, puno, halaman, mga isda at
hayop
 Paano nilikha ng Diyos Ama ang mga ito?
-Sa pamamagitan po ng Kanyang Salita
 Ano ang naramdaman ng Diyos ng makita ang kanyang nilikha? Bakit?
-Natuwa po kasi napakabuti ng kanyang mga nilikha!
 Para kanino kaya ang Kanyang mga nilikha? -Sa ating lahat, sa tao
 Ano ang masasabi mo sa Diyos Ama dahil kaya Niyang likhain ang lahat ng mga ito?
-Ang Galing Mo po!
 Gusto nyo bang mapanatili ang ganda at kaayusan ng nilikha ng Diyos? -Opo!
 Upang mapanatili itong maganda, ano ang gagawin natin sa kanyang mga nilikha? - Aalagaan at
iingatan po

1.3 PAGBUBUOD:

Ang galing ng Diyos Ama at tunay na kahanga-hanga. Nilikha ng Diyos Ama ang
lahat ng may buhay sa mundo, ang liwanag, araw, buwan, mga bituin, mga karagatan, ibat-
ibang uri ng isda, mga halaman, puno, hayop at mga ibon sa himpapawid. Nilikha niya ang
mga ito sa pamamagitan ng kanyang Salita lamang.
Genesis 1:1-31 “Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit,
ang lupa ay wala pang hugis o anyo…” sa mga kahanga hangang nilikha ng Diyos mahalaga
na tayo ay….
Salmo 95:1-2, 6-7 “Tayo ay lumapit sa’ting Panginoon, siya ay awitan. Ating papurihan ang
batong kublihan nati’t kalikasan. Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasalamat,
Siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak… Tayo ay lumapit, sa Kanya’y sumamba
at magbigay-galang, lumuhod sa harap nitong Panginong sa ati’y lumalang. Siya ang ating
Diyos, tayo ay kalinga niyang mga hirang, mga tupa tayong inaalagaan.”
Ngayon tingnan natin ang mga larawan…

2. SITWASYON NG BUHAY:

2.1 GAWAIN: PICTURE GAME: Maaari pang magdagdag ng iba pang picture.

2.2 PAGPAPALALIM:

A. VALUE DEFINITION:
 Paano ba natin maipapakita ng pag-aalaga o pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos?
-itapon po sa tamang basurahan ang mga basura, hindi po susunugin ang basura /
tulungan po ang kapwa, etc…
B. VALUE CLARIFICATION:
Mahalaga ba ang pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos? Opo. Bakit?maganda ang mga
puno at halaman, hindi babaha, maayos, malinis, hindi masyadong iinit ang panahon.

C. VALUE PURIFICATION:
 Ano ang gagawin ninyo pag may nakita kayo na isang bata na nagtatapon ng basura sa
ilog, halimbawa?
-Sasabihan po naming ng maayos, na kailangan ay sa basurahan itapon ang
basura.
 Ano ang mangyayari kung hindi natin inalagaan at iningatan ang mga nilikha ng Diyos?
-masisira po, babaha, wala na po tayong makain,
 Ano naman ang mangyayari kung inaalagaan natin at iniingatan ang nilikha?
-masaya po, maganda at malinis po ang paligid!
 Anong gusto ninyo mangyari? Madumi at magulong paligid o maayos at masayang
paligid?

Tama! Mahalaga na alagaan natin ang mga kahanga hangang nilikha ng Diyos.Iwasan
ang pag sira tulad ng pagtatapon ng basura ng hindi wasto.Ngayon mga bata…

D. ACTION PLAN:
 Tingnan ang ilalim ng ating upuan, pulutin ang lahat ng basura at itapon sa
basurahan.

2.3 PAGTATAGPO:
Mga bata, sa ating simpleng pagtapon ng basura sa tamang lalagyan, pag-re-recycle ng
ating mga basura, pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa ay napapangalagaan at naipapakita
natin ang pag-iingat sa mga nilikha ng Diyos Ama.

2.4 PAG-UUGNAY:

 Bakit kaya may kakayahang lumikha ang Diyos Ama gamit lamang ang Kanyang Salita?

3. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:

3.1 KATOTOHANAN: ANG DIYOS AMA AY MAKAPANGYARIHAN, SIYA ANG


LUMIKHA NG LAHAT. (KIK 268-270, KPK 321)

Ang Diyos Ama lamang ang natatanging may kapangyarihan na magawa ang lahat ng
bagay na ating nakikita at ‘di nakikita. Sabi nga sa Bibliya: “nilikha ng Diyos ang lahat ng naririto
sa daigdig, nagawa niya ito sapagkat siya ay makapangyarihan” (Salmo 104:24). Isa-isahin nga
natin ang mga nilikha ng Diyos? Araw, bituin, buwan, ulap, puno etc… Tama, lahat ng mga
nabanggit ninyo at nakikita sa larawan ay ang mga nilikha ng Diyos. Ang pag-ibig ng Diyos o ang
kanyang pagmamahal ang dahilan kung bakit patuloy siyang lumilikha ng mga puno at halaman,
mga bulaklak at mga hayop at iba pa. ang lahat ng ito’y ibinigay ng Diyos Ama sa atin upang
mabuhay tayo ng maayos, masagana at mabuti. Kaya nga kung titingnan natin ay napakaganda at
kamangha-mangha na ang Diyos lamang ang makakagawa. At ito ay dahil sa kanyang
kapangyarihan.

Bilang paghanga sa lahat ng nilikha ng Diyos, ano ang kailangan nating gawin sa mga ito?
3.2 PAGSASABUHAY: BILANG PAGHANGA SA LAHAT NG NILIKHA NG DIYOS,
NAIS NG DIYOS AMA NA ALAGAAN AT INGATAN NATIN ANG MGA ITO. (KPK
341, KIK 307)
Kahit sa inyong murang edad pa lamang, kayo na rin ay may tungkulin na alagaan at
ingatan ang mga nilikha ng Diyos. Iyong maliit na basura, maaari nating ibulsa. Huwag natin ito
itapon sa kalsada o kong saan man. Gayun din mahalin natin ang ating kapwa, ang ating mga
kaklase, kaibigan at higit sa lahat ang ating pamilya at iba pamg nilikha tulad ng mga hayop at
halaman.
Tulad na lang ng pag-aalaga at pagmamalasakit ni San Francisco ng Assisi. Siya ay mapagmahal
sa mga nilikha ng Diyos.Tinatawag niyang kapatid ang buwan, at araw. Nakikipag-usap siya sa
mga hayop at ang mga ito naman ay nakikinig sa kanya.

 Ano kaya ang nararapat nating gawin dahil sa Kanyang mga nilikha?

3.3 PAGSAMBA: PURIHIN AT PASALAMATAN NATIN ANG DIYOS AMA SA


KANYANG MGA NILIKHA. (SALMO 95: 1-2, 6-7)
Sa pagdarasal natin ng Ama Namin, sinasamba natin ang Diyos Ama at kinikilala nating
siya bilang ating Diyos at Ama. Si Hesus mismo ang nagturo sa atin ng panalanging ito. Kaya’t sa
pagdarasal at pagsisimba, pinupuri at pinasasalamatan natin ang Diyos na makapangyarihan.

3.4 BUOD:
Tunay ngang ang galing ng Diyos Ama! Siya ay makapangyarihan sa lahat sapagkat
nilikha niya ang lahat ng bagay dito sa mundo. Bilang paghanga at pagpapahalaga sa lahat ng
nilikha ng Diyos, alagaan at ingatan natin ang mga ito. Palagi nating purihin at pasalamatan
ang Diyos Ama sabay-sabay nating sambitin “O Diyos, ang galing Mo!”

PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG:


 Sino ang ating tagapaglikha;
 Paano nalikha ang mundo;
 Ano ang masasabi natin sa mga nilikha at Manlilikha;
 Paano mo pangangalagaan at iingatan ang mga nilikha.
 Bakit nasabi natin na “O Diyos ang galing mo!”

4. TUGON NG PANANAMPALATAYA:
Naniniwala ka na ba na ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat?
– Sige nga sabihin natin…

4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na ang Diyos Ama ay makapangyarihan. Siya ang
lumikha ng lahat.

4.2 PAGTATALAGA: Gumawa ng limang bagay na nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan.


Halimbawa: Pagsinop ng notebook at papel.

4.3 PAGDIRIWANG: Aawitin: Kahanga-hanga o Ang mga ibon

Ang mga ibon na lumilipad ay mahal ng Diyos ‘di kumukupas (2x)


Huwag ka nang malungkot, O praise the Lord!

Ang mga bata na anak ng Diyos ay mababait, mahal niyang tunay (2x)
Huwag kang malungkot, O praise the Lord!
Aba, Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen
PAGNINILAY:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Paksa: 2 Nilikha Ako Ng Diyos Na Naiiba
Audience: Unang Baitang
Oras: 30-40 minuto
Pagpapahalaga: Paggalang at pangangalaga sa katawan ng tao.
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/ Layunin
(Enduring Understanding) Pamamaraan (Transfer Goal)
Katotohanan: Ang tao ay nilikhang Pagkatapos na maituro ang
kalarawan ng Diyos (KIK 355, KPK Salita ng Diyos: paksang ito ang mga bata ay
334) inaasahang:
Pagsasabuhay: Bilang kalarawan, Genesis 1:26-27  Matutukoy na ang tao ang
ang tao may likas at may kakayahang Isaias 64:8 pinaka-espesyal nilikha ng
gumawa ng mabuti. (KIK 2348, Diyos
Galacia 3:27) Katuruan ng Simbahan:  Makakapagbahagi ng mga
Pagsamba: Sa panalangin, tayo ay tamang paraan ng
nagpupuri at nagpapasalamat sa KIK 355,2348- paggamit at pag-aalaga sa
Diyos sa paglikha sa atin. Salmo KPK 344 katawan
139:13-14)  Magpuri at magpasalamat
sa Diyos sa kaniyang
paglikha sa atin.
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: SANTO:
1.Sino ang pinaka espesyal na San Martin de Porres
Nilikha ng Diyos ang tao nilikha ng Diyos?
2.Ano ang pag-kakaiba ng tao sa Pagpapahalaga:
Kalarawan/ kawangis mga ibang nilikha ng Diyos? Paggalang at pangangalaga sa
3.Paano tayo magiging tunay na katawan ng tao.
Mahalin ang kapwa tao kalarawan ng Diyos sa isip, sa salita
at sa gawa?
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Maipaliwanag ang kahulugan ng Maging malinaw sa mga bata ang Masabi ng ganap na ako’y nilikha
kalarawan sa mga bata na ang tao kadakilaan ng paglikha ng Diyos sa ng Diyos na kalarawan at
ang pinakadakilang nilikha tao. kawangis Niya.
Sa kabila ng pagiging tao, makakilos Maisabuhay nila ang kongkretong Mahahamong maipakita ang
sila ayon sa gusto ng Diyos na gawin pagpapakita ng pagmamahal sa sarili kakayahang igalang at ingatan ang
natin bilang tao. at sa kapwa sariling katawan
Masasabi nila ang pasasalamat sa Mabigyan ng halaga at Purihin at pasalamatan ang Diyos
Diyos. makapagpasalamat sa mga sa mga bahagi ng katawan na
katangiang ibinigay ng Diyos sa kaloob Niya.
bawat isa.
PAKSA 2: NILIKHA AKO NG DIYOS NA NAIIBA

Pambungad na Panalangin

Salmo 139:13-14
+ Amang mapagmahal, ang anumang aking sangkap ikaw O Diyos ang lumikha. Sa tiyan ng aking
ina’y hinugis mo akong bata. Pinupuri kita. Amen.
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.+

Balik-Aral:
Noong nakaraang linggo nalaman natin na ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat.
Nilikha niya ang langit at lupa at ang lahat ng nabubuhay dito sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
Kaya nga nasabi natin na: “O Diyos Ama ang galing Mo! Paano natin pasalamatan ang Diyos sa
Kanyang paglikha? Pagpuri po! Magsimba! At ano naman ang nais ng Diyos na gagawin natin sa
mga nilikha niya? Alagaan po at ingatan.

Ngayon araw naman na ito, pag-aralan naman natin ang Paksa tungkol sa Nilikha Ako Ng Diyos Na
Naiiba

Tunghayan natin ang mga sumusunod na tanong na sasagutan natin mamaya:

MAHALAGANG TANONG
1. Sino ang pinaka espesyal sa mga nilikha ng Diyos?
2. Ano ang pag-kakaiba ng tao sa mga ibang nilikha ng Diyos?
3. Paano tayo magiging tunay na kalarawan ng Diyos sa isip, sa salita at sa gawa?

Pag-uugnay:
Bakit nga ba sa lahat ng nilikha tayo ang naiiba? Alamin natin sa ipinapahayag ng Salita ng
Diyos. Ihanda natin ang ating sarili, umayos sa pag upo, manahimik at makinig sa kwento mula sa
Aklat ng Genesis.

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 SALITA NG DIYOS:


Gen. 1:26-27 “Paglikha ng Tao”
“Ngayon lalangin natin ang tao. Atin siyang gawing kawangis at kalarawan”

1.2 PAGTATANONG:
 Sino ang nagsalita sa kwento? -Ang Diyos Ama po.
 Paano niya nilikha ang tao? (nilikha niya itong kalarawan niya)
 Ano ba ang ibig sabihin ng kalarawan? -katulad, kapareho, kahawig
 Ano kaya ang mga pagkakatulad natin sa Diyos? -May kakayahan tayong mag-isip,
magmahal, gumawa ng mabuti gaya ng pangangalaga natin sa ating katawan at ng
kapwa at iba pa.
 Kung kalarawan tayo ng Diyos ano ang gagawin natin sa ating sarili at katawang binigay
ng Diyos? -Igalang po, ingatan, alagaan

1.3 PAGBUBUOD:
Tama! Magandang balik-balikan natin ang sinasabi ng Diyos sa…
Gen. 1:26-27 “Ang Paglikha ng Tao”
“Ngayon lalangin natin ang tao. Atin siyang gawing kawangis at kalarawan”
Isaias 64:8
“Gayunman, O Diyos aming nalalamang ikaw ay aming Ama; Kami’y parang putik at ikaw
ang magpapalayok. Ikaw ang lumikha sa amin at wala ng iba.”

Pag-uugnay:

 Nilikha tayo ng Diyos Ama na kalarawan Niya na mayroon tayong katawan na may ibat-
ibang bahagi, paano kaya natin ito gagamitin?

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 Gawain: Tama at Maling paggamit ng katawan (pipili ng larawan at ididikit ito sa chart)

Tamang Asal sa Katawan Maling Asal sa Katawan

 Anu-ano ang mga larawan na nagpapakita ng tamang paggamit sa ating katawan?


(naliligo, matulog ng maaga,etc.)
 Ano ang tawag sa mga gawaing ito? Pangangalaga sa katawan, pag-iingat, paggalang

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A. VALUE DEFINITION:

 Ano ang ibig sabihin ng paggalang at pangangalaga sa katawan?


-Hindi inaabuso po. Ini-ingatan upang di magkasakit.

B. VALUE CLARIFICATION:
 Mahalaga ba ang paggalang at pangangalaga sa katawan? Bakit?
 Ano ang magandang mangyayari kung iginagalang at inaalagaan natin ang ating
katawan?

C.VALUE PURIFICATION:
 Ano naman ang hindi magandang mangyayari kung hindi natin pangangalagaan ang
ating katawan? (magkakasakit,mamamatay po)
 Ano ang pipiliin ninyo?

Tama! Mga bata nararapat ang paggalang at pag aalaga natin sa ating katawan…. Sige nga
mga bata…

D. ACTION PLAN : (Inspection ng mga kuko)


Ilabas nga po ang mga kamay, titingnan ko kung malinis ang mga ito. Kung madumi,
pag-uwi sa bahay gupitan ang mga kuko. Linisin ang mga tenga at ngipin.

2.3 PAGTATAGPO:

Tayong mga tao ang pinaka espesyal sa lahat ng nilikha ng Diyos. Binigyan pa Niya tayo ng mga
bahagi ng ating katawan na nakakatulong at napakikinabangan natin sa araw-araw ng ating buhay,
gaya ng mata, ilong, kamay, paa atbp na maganda ang pagkakaayos, mahalaga na gamitin natin ang
bahagi ng katawan natin sa mabuti at maayos. Kaya alagaan at ingatan natin ang ating katawan.

2.4 LINKAGE: Bakit ang tao ang pinaka espesyal sa mga nilikha ng Diyos?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: ANG TAO AY NILIKHANG KALARAWAN NG DIYOS [KIK 345]


Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mahalaga ngunit ang pinakamahalaga at naiiba sa lahat ay ang tao,
pinaka-espesyal sa lahat dahil bukod tanging tao lamang ang nilikhang kalarawan ng Diyos.
Ang ibig sabihin ng kalarawan ay hindi lamang patungkol sa hitsura natin sa labas na kaanyuaan. Higit
itong tumutukoy sa panloob na kakayahan ng tao. Ang mag-isip ng mabuti at magmahal ng wagas tulad
ng Diyos (mag-bigay ng halimbawa). Kaya nating gawin ito sapagkat tayo ay kalarawan ng Diyos. Ang
panlabas nating kaanyuan at mga bahagi ng ating katawan ay naglalarawan din sa Diyos kung kaya
dapat natin itong gamitin sa mabuti.

Ito ang dahilan kung bakit tayo ay espesyal sa iba pang likha ng Diyos tulad ng mga hayop at halaman.
At bilang pinaka-espesyal na nilikha ng Diyos.

 Paano natin gagamitin ang mga bahagi ng ating katawan?

3.2 PAGSASABUHAY: BILANG KALARAWAN NG DIYOS, ANG TAO AY LIKAS NA MAY


KAKAYAHANG GUMAWA NG MABUTI
Ibig sabihin nito, nilikha tayong katulad ng Diyos. May kakayahang mag-isip at gumawa ng mabuti.
May kaluluwa at marunong magmahal. Ito ang pagkakaiba natin sa mga ibang nilikha. At dahil
kalarawan tayo ng Diyos nais Niya gumawa tayo ng mabuti, alagaan at igalang natin ang ating buhay
at ang buhay ng iba, lalong lalo na alagaan at ingatan natin ang ating katawan sa pamamagitan ng
pagkain ng masustansiyang pagkain gaya ng gulay, isda, prutas, gatas, pagtulog ng maaga, paglilinis
ng katawan atbp. Iwasan natin ang pakikipag away sapagkat hindi ito naglalarawan sa kabutihan ng
Diyos.

 Halimbawang may isang stranger na humihingi ng iyong tulong, ano ang iyong gagawin? -
Tutulungan ko po. Tama. Bakit kaya ang mga tao ay tumutulong kahit hindi nila kilala?
Kaya tayo nakakagawa ng mabuti kahit sa mga taong hindi natin kilala dahil ang pagtulong ay likas
sa tao bilang kalarawan ng Diyos.

San Martin de Porres. Si San Martin ay kilala bilang unang itim na Santo ng Amerika. Patron siya
ng mga nars at ibang mga katulong sa pangangalaga ng kalusugan. Kahit siya ay ipinanganak na
maitim ipinagkakapuri pa rin niya ito bilang nilikha ng Diyos, kaya kahit anuman ang hitsura natin
ito’y ipagpasalamat natin dahil kahit papaano nakakatulong pa rin tayo sa iba. Katulad ni San Martin
de Porres, inalagaan niya ang mga taong maysakit sa lugar ng Lima sa pamamagitan ng pagpapakain,
paglilinis at pagpapaligo sa kanilang katawan at pagpalit ng damit; tumutulong siya sa kumbento sa
iba’t ibang paraan, ginamit niya ang mga talentong ipinagkaloob sa kanya ng Diyos sa pagluluto,
paglilinis at pagmamalasakit sa mga maysakit sa kabila ng kanyang itsura at kulay hindi naging
hadlang para gumawa ng mabuti.
Ito ang dahilan kung bakit tayo nilikha ng Diyos na naiiba, may mga kakayahan tayong gumawa ng
mabuti dahil may isip tayo, puso at mga talento na magagamit natin para ingatan at igalang ang ating
sarili katulad ng halimbawang ipinakita sa atin ni San Martin de Porres

 Paano natin masusuklian ang kabutihan ng Diyos Ama sa atin?

3.3 PAGSAMBA: SA PANALANGIN MARAPAT NA PURIHIN AT PASALAMATAN NATIN


ANG DIYOS AMA SA PAGLIKHA SA ATIN. [ Salmo 95:1-2,6-7]

Sa panalangin, lalo na sa ating pagsisimba tuwing Linggo pinasasamatan natin ang Diyos Ama
sa kanyang mga kahanga-hangang gawa Pahayag 4:11. Ang tao ay isa sa mga kahanga-hangang gawa
ng Diyos, naiiba sa lahat at may mga bahagi ng katawang kapaki-pakinabang. Araw-araw tayong
magpuri sa Diyos at magpasalamat sa Kanyang paglikha sa atin.

3.4 BUOD:
Ang tao ay nilikhang kalarawan ng Diyos. Bilang kalarawan ng Diyos, ang tao ay likas na may
kakayahang gumawa ng mabuti. Sa panalangin marapat na purihin at pasalamatan natin ang Diyos Ama
sa paglikha sa atin.

MAHALAGANG TANONG:
1.Sino ang pinaka espesyal na nilikha ng Diyos?
2.Ano ang pag-kakaiba ng tao sa mga ibang nilikha ng Diyos?
3.Paano tayo magiging tunay na kalarawan ng Diyos sa isip, sa salita at sa gawa?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Ako ang pinaka-espesyal na nilikha ng Diyos

4.2 Pagtatalaga: Paano ko ipapakita na ako’y kalarawan ng Diyos sa bahay,


sa paaralan at sa pamayanan? Ipasulat.

4.3 Pagdiriwang: Awitin: Salamat sa Buhay

O, salamat sa buhay na sa akin ibinigay


Ng Amang mapagmahal,O kay ganda ng buhay
Ang mata ko ay buhay
Ang ilong ko ay buhay
Ang bibig ko ay buhay Ang kamay ko ay buhay
Ang paa ko ay buhay
La, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la…

Aba, Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen

PAGNINILAY:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Paksa 3: ANG AKING PAMILYA AY REGALO NG DIYOS
Audience: Unang Baitang
Oras: 30- 40 minutes
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa pamilya at pagmamahal sa mga magulang
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)
Katotohanan: Binigyan tayo ng Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang
Diyos ng pamilya na makasama at  Genesis 2: 18 paksang ito ang mga bata ay
mangangalaga sa atin. (KIK 2203,  Ephesians 6:1 inaasahang:
KPK 1014  Proverbs 6:20
 Proverbs 15:20  Magkaroon ng kaalaman na ang
Pagsasabuhay: Nais ng Diyos na  1 Samuel Chapter 1&2 pamilya ay regalo ng Diyos.
igalang at sundin ang ating ama at
ina na ibinigay Niya sa atin.(ika- Katuruan ng Simbahan:  Makakapaglahad ng mga gawain
apat na utos). (KIK 2197, KPK na nagpapakita ng pagmamahal
1002)  KIK-2203, 1014 sa pamilya.
 KPK-1014
Pagsamba: Ang panalangin ay  Makakapag-alay ng panalanging
nakakapagpasigla sa Pamilyang pasasalamat sa Diyos ng
Kristiyano. (Familiaris Consortio nagbigay sa kanila ng pamilya.
62, ikalawang talata: Ang
pamilyang nananalangin sama-sama
ay nananatili sa isa’t-isa”. Fr.
Patrick Peyton)
Kaalaman: Knowledge Mahalagang Tanong Santo:
(Essential Question)

 Mahal ng Diyos ang Pamilya 1. Maliban kay Jesus, ano  Holy Family of Nazareth
pa ang iniregalo ng
 Ang pamilya ay kaloob ng Diyos sa atin?  Pagpapahalaga:
Diyos 2. Paano mo maipakita Pagmamahal sa pamilya
ang iyong pagmamahal
sa iyong pamilya?
3. Ano ang makakapag
pasigla sa pamilyang
Kristiyano?

Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos

 Makita na mga bata ang  Makapagbigay ng mga  Matutong makapagpasalamat


kahalagahan ng bawat isa. gagawin bilang sa Diyos sa biyaya ng pamilya
 Mabigyan ng tamang pagpapahalaga sa pamilya.  Maipakita ang pagmamahal sa
kahalagahan ang pamilya.  Malinawan na ang bawat bawat isa.
 Magpasalamat sa biyaya ng isa ay may tungkuling  Makapagsasabi ng ang pamilya
pamilya. pangalagaan ang pamilya. ay regalo ng Diyos sa akin
kaya dapat pahalagahan.
PAKSA 3: ANG AKING PAMILYA AY REGALO NG DIYOS

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
+Ama naming mapagmahal, maraming salamat po sa lahat ng biyayang ipinagkaloob mo sa
bawat isa sa amin. Higit sa lahat sa buhay na ipinagkakaloob mo sa amin at sa pamilyang laging na
nagmamahal at nag-aalaga sa amin. Nawa ay patuloy ninyo po kaming bigyan ng mga biyaya na
kailangan natin. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesus at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.+
Pagbabalik-Aral
Noong nakaraang linggo nalaman natin na sa lahat ng nilikha ng Diyos Ama tayong mga tao
ang naiiba. Ang tao ay nilikhang kalarawan ng Diyos. Bilang kalarawan ng Diyos, ang tao ay likas
na may kakayahang gumawa ng mabuti. Sa panalangin marapat na purihin at pasalamatan natin ang
Diyos Ama sa paglikha sa atin.

Linkage: Alam ninyo ba mga bata, napakabuti ng Diyos sa atin sapagkat hindi niya tayo hinayaan
na mag-isa sa buhay. Binigyan Niya tayo ng makakasama at walang iba kundi ang ating Pamilya.
Ngayong araw alamin natin kung:

MAHALAGANG TANONG:
1. Maliban kay Jesus, ano pa ang iniregalo ng Diyos sa atin?
2. Paano mo maipakita ang iyong pagmamahal sa iyong pamilya?
3. Ano ang makakapagpasigla sa pamilyang Kristiyano?

Maupo ng maayos at ihanda na ang sarili upang makinig sa ating pagbasa mula sa Aklat ng Genesis.

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 SALITA NG DIYOS Genesis 2:18 (Maaaring ikwento ang 1 Samuel Chapter 1&2)

“Hindi mainam na mag-isa ang tao, bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong, kaya’t
pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing kinuha niya ang isang tadyang nito at
pinaghilum ang tadyang na iyon, ang tadyang na iyon ay ginawa niyang babae, at binigay sa lalaki,
sinabi niya sa lalaki, sa wakas narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking buto
babae ang itatawag sapagkat sa lalaki siya’y kinuha ”

1.2 PAGTATANONG:
 Sino ang unang nilikha ng Diyos? ( ang lalaki po )
 Ano ang nararamdaman ng lalaki nang mapansin niyang wala siyang kasama?
-malungkot po
 Ano ang ginawa ng Diyos upang maging masaya ang tao?
-Binigyan niya po ng kasama
 Sino ang mga kasama natin ngayon sa buhay? – ang ating pamilya po!
 Ano kaya ang nais ng Diyos na ipapakita natin sa ating pamilya lalo na sa ating
Ama at Ina? - -Pagmamahal po! Pag galang.

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS:

Nang makita ng Diyos na malungkot ang taong kanyang nilikha, binigyan siya ng Diyos ng kasama
upang siya hindi siya mag-isa at upang siya’y maging masaya.

Kaya muli balikan natin…


Genesis 2:18 “Hindi mainam na mag-isa ang tao, bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong,
kaya’t pinatulog ng Panginoon ang tao. Samantalang nahihimbing kinuha niya ang isang tadyang
nito at pinaghilum ang tadyang na iyon, ang tadyang na iyon ay ginawa niyang babae, at binigay sa
lalaki, sinabi niya sa lalaki, sa wakas narito ang isang tulad ko, laman ng aking laman, buto ng aking
buto babae ang itatawag sapagkat sa lalaki siya’y kinuha ”

Sa panahon natin ngayon ang ibinigay ng Diyos na ating kasama ay ang ating mga mahal sa buhay
ang ating pamilya.

Kaya pinapaalalahanan tayo ni San Pablo sa mga taga Efeso 6:1 Mga anak, sundin ninyo ang inyong
mga magulang, [alang-alang sa Panginoon,] sapagkat ito ang nararapat. Gayun din pinaalalahanan
din ang ating mga magulang na:”palakihin ninyo ang inyong mga anak ayon sa disiplina at aral ng
Panginoon.

Linkage: Sino ang bumubuo ng pamilya? Paano natin masasabi na nagmamahalan ang
pamilya?

SITWASYON NG BUHAY:

2.1 Gawain: Pagpapakita ng larawan tungkol sa Pamilya

 Sino-sino ang ang mga nakikita nniyo sa larawan - tatay, nanay, ate, kuya, at bunso po)
 Anong tawag natin sa kanila? (Pamilya po)
 Ano ang ipinapakita ng bawat membro ng pamilya? Pagpapadama po ng pagmamahal
2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A. VALUE DEFINITION

 Ano ba ang kahulugan ng pagmamahalan sa loob ng pamilya?


 Paano nila ipinakita ang pagmamahal sa isa’t-isa? – nagtutulungan po sa gawain, sama-sama at
masayang kumain, inaalagaan po ang bawat isa, nagmamano..
 Ginagawa nyo rin ba ito? Opo
 Ikaw paano mo ipinapakita ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang?
Sinusunod ko po at iginagalang…

B. VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba ang pagmamahal sa bawat isa? Bakit?
 Mahalaga ba na mahalin natin ang ating mga magulang? Bakit?
 -Opo kasi bigay po sila sa atin ng Diyos Ama.
 Ano ang magyayari kung ang bawat kasapi ng pamilya ay nagmamahalan?
-Magiging masaya po, buo lagi po ang pamilya, hindi naghihiwalay

C.VALUE PURIFICATION
 Paano naman kong wala tayong pagpapahalaga at pagmamahal sa bawat membro ng ating
pamilya?
-magulo po, magkakawatak-watak po

D. ACTION PLAN
Mamayang pagdating ninyo sa bahay, sabihin kay mama/papa o kung sino man ang nag-alaga sa
inyo na mahal ko po kayo, mama, papa” Salamat po sa pagmamahal ninyo.

2.3 PAGTATAGPO
Nang makita ng Diyos na malungkot ang taong kanyang nilikha, binigyan siya ng Diyos ng kasama
upang siya hindi siya mag-isa at upang siya’y maging masaya. Sa ngayon tayo rin ay binigyan Niya ng
makakasama at ito ay ang ating mga mahal sa buhay, na walang iba kundi ang ating mga magulang,
kapatid at iba pa, sila ang ating pamilya. Nais ng Diyos na mahalin at igalang natin ang ating pamilya.
Sa pamamagitan ng ating pagtulong sa ating mga magulang naipapakita natin ang ating pagmamahahal
sa kanila. Sa ating pagmano, pagsabi ng po at opo, pagsunod sa kanila ay naipapakita naman natin ang
ating paggalang sa kanila. Sila ay regalo ng Diyos Ama sa atin. Ibinigay sila ng Diyos upang tayo ay
maging masaya hindi tayo hinayaan ng Diyos na mag-isa.

 Ano ang ibinigay niya sa atin? At bakit?

3. TURO NG SIMBAHAN
3.1 KATOTOHANAN: BINIGYAN TAYO NG DIYOS NG PAMILYA NA
MAKASAMA AT MANGALAGA SA ATIN. (KIK 2203, KPK 1014)

Tunay ngang kay buti ng Diyos sa atin sapagkat hindi lang buhay o magandang kapaligiran ang
binigay niya sa atin, bagkus binigyan pa Niya tayo ng pamilya, nandiyan sila mama, papa, ate, kuya,
at si bunso, lolo/lola atbp upang sila’y ating makasama at magmamahal sa atin. Sa pamamagitan nila
nararamdaman ng bawat isa sa atin ang pagmamahal sa atin ng ating Diyos Ama.

Kaya mga bata, ano ang nais ng Diyos na ipakita natin sa ating mga
magulang?
3.2 PAGSASABUHAY:NAIS NG DIYOS NA IGALANG AT SUNDIN ANG ATING
AMA’T INA IBINIGAY NIYA SA ATIN. ( IKA-APAT NA UTOS)
Mga bata ang paggalang sa Amat at Ina ay ang Ika-apat na Utos ng Diyos sa atin. Efeso 6:3 “Ito ang
unang utos na may kalakip na pangako: “Magiging maganda at mahaba ang iyong buhay sa lupa.”

Ang ating mga magulang ang ipinadala sa atin ng Diyos upang maramdaman at maipakita sa atin
kung gaano tayo kamahal ng ating Diyos Ama. Magpasalamat tayo sa Diyos dahil binigyan niya tayo
ng mga magulang na siyang nagsilang sa atin. Kung wala sila, wala rin tayo dito sa mundo.

Sa pamamagitan ng ating pagsunod sa kanilang mga sinasabi at iniutos, naipapakita natin ang ating
magmamahal at paggalang sa kanila. Nang sa gayon, ang ating pamilya ay magiging isa huwarang
pamilya.

Isang magandang halimbawa ng huwarang pamilya ay ang Banal na Mag-anak nina Hesus, Maria at
Jose. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, sila’y nananatiling magkasama at nagmamahalan. Hindi
sila nagkahiwalay sa panahon ng pagsubok. Kahit kailan, hindi nagkasira ang kanilang pagsasama.
Nananatili silang magkasama at nagmamahalan. Sumusunod rin sila sa mga utos, plano at kalooban
ng Diyos. Isinasabuhay din nila ang mga tinuro ng Diyos sa Banal na Kasulatan. Kaya sila ang ating
tutularan lalo na ang kanilang buhay panalangin.

 Ano ang magagawa ng panalangin sa ating pamilya?

3.3 PAGSAMBA: ANG PANALANGIN AY NAKAKAPAGPASIGLA SA PAMILYANG


KRISTIYANO. (Familiaris Consortio 6)
Ibig sabihin iisa lamang ang maaring makapagpasaya sa ating pamilya, ito ay walang iba kundi ang
ating Panginoong Diyos. Siya lamang ang ating tatawagin at lalapitan kung tayo ay malungkot,
maysakit o may malaking problema. Kaya sabihin ninyo kay mama o kay papa, palaging
magdadasal, lalong lalo na ang Santo Rosaryo. Sabi nga ni Fr. Patrick Peyton, “Ang pamilyang
nananalangin ng sama-sama ay nananatili sa isa’t-isa.”

3.4 BUOD
Ang ating pamilya ay regalo ng Diyos Ama sa atin. Sila ay ating makakasama at mangangalaga
sa atin. Nais ng Diyos na igalang at sundin ang ating ama’t na na ibinigay Niya sa atin ito ang ika-
apat na utos ng Diyos. Sa oras ng kalungkutan at mga pagsubok, ang panalangin ang
makakapagpasigla sa ating Pamilyang Kristiyano lalo na kapag sama-sama. Ito ay sinabi sa atin ni
Fr. Patrick Peyton “Ang pamilyang nananalangin sama-sama ay nananatili sa isa’t-isa”.

MAHALAGANG TANONG:
1. Maliban kay Jesus, ano pa ang iniregalo ng Diyos sa atin?
2. Paano mo maipakita ang iyong pagmamahal sa iyong pamilya?
3. Ano ang makapag pasigla sa pamilyang Kristiyano?

1. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Isulat sa notebook ang pangalan ng miyembro ng iyong pamilya at sabihin “Sila
ang miyembro ng aking pamilya na regalo ng Diyos sa akin”
4.2 Pagtatalaga: Pag-uwi ng bahay aking pasasalamatan ang aking pamilya, sila mama, papa, ate,
kuya, at si bunso..
4.3 Pagdiriwang: Aawitin (Paru-parong Bukid)
Mahal ko si Tatay, Mahal ko si Nanay,
Mahal ko si Kuya, Mahal ko si Ate,
Mahal ko si Bunso,Si Lolo at Lola,
Mahal kong silang lahat. Sila’y bigay ng Diyos Ama.
Panalanging pasasalamat sa Diyos ng nagbigay ng pamilya sa bawat isa
Aba, Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen
PAGNINILAY:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Alongside his role as a lawyer and politician, Thomas More was father to five children.
Even when he was away, he would write many letters to them in an effort to be present in
their lives. He ensured that his daughters received the same schooling has is son. More also
worked to defend the family unit, standing up to King Henry VIII when the king decided to
pull away from the Catholic Church after being unable to obtain a divorce. St. Thomas
More modeled to his children what it means to stand by one’s faith even in trial.
Paksa 4: ANG ANGHEL KONG TAGATANOD

Audience: Unang Baitang


Oras: 30/40 minuto
Pagpapahalaga: Paniniwala at pagtitiwala sa ibang tao
Pahayag ng Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
Panananmpalataya (Sources & Means) (Transfer Goal)
(Enduring Understanding)

Katotohanan:Ang mga anghel Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang


ay mga espiritwal na nilalang paksang ito ang mga bata ay
na sinugo ng Diyos upang Daniel 6:10-23 inaasahang:
mangalaga at tumulong sa atin. Salmo 91:11
(KIK 336, KPK 337) Exodo 23:20-21 Masasabi na ang mga anghel
ay espirituwal na nilalang ng
Pagsasabuhay: Huwaran natin Diyos upang mangalaga at
ang mga anghel sa pagsunod sa tumulong sa atin.
Diyos Ama. (KIK 329, KPK Katuruan ng Simbahan:
335 ) Makakapangako na araw-araw
KIK 336, 329, ay magdarasal sa” Anghel na
Pagsamba: Sa panalangin KPK 337,335) Tagatanod” at maging
natin sa Anghel na Tagatanod masunurin.
ay ipinapahayag natin ang
ating pagtitiwala sa Makakapagdarsal ng buong
pangangalaga at patnubay nila puso sa “Anghel na
sa atin lalo na sa sandali ng Tagatanod”
pangangailangan. (KPK 337)

KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: SANTO:


(Essential Questions)
Sino ang ating mga anghel na Angels- Gabriel, Michael at
tagatanod 1. Sino ang ibinigay sa atin ng Rafael or St. Thomas
Diyos upang magbantay at Aquinas (see attached doc.)
Malaman kung sino ang lumikha mangalaga sa atin?
sa kanila 2. Sino ang mga anghel at ang PAGPAPAHALAGA:
kanilang mga gawain? Paniniwala at pagtitiwala sa
Isaulo ang dasal na Angel of God 3. Sinu-sino ang tatlong anghel
Arkanghel?
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos

Magkaroon ng kaalaman na ang Unti-unti maunawaan ang Mapahalagahan ng mga bata


mga anghel ay tagatanod ay kahulugan ng anghel na ang mga anghel na
sinugo ng Diyos sa atin upang tagatanod. tumutulong at nangangalaga
magbantay. sa kanila.
Maramdaman nila ang
Makapagdasal sa ating nga paniniwala at pagtitiwala sa Maiparamdam ang
anghel na tagatanod ibang tao. pagmamahal at paggalang sa
Makapagpasalamat sa mga ibang tao para hindi tayo
Pahalagahan ang mga taong taong tutulong at nag-aalaga mapahamak
nangangalaga sa atin. sa kanila. Ipanalangin ang bawat isa.

i
PAKSA 4: ANG ANGHEL KONG TAGATANOD
PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
+Angel of God my guardian dear, to whom his love commits me here. Ever this day, be at my side, to
light and guide, to rule and guard. Amen.
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.+

Balik aral: Noong nakarang linggo ay pinag-usapan natin ang tungkol sa regalo ng Diyos sa atin.

 Naalala ninyo pa ba kung ano ang iniregalo sa atin ng Diyos matapos na tayo ay likhain? – Opo,
ang atin pong Pamilya ang regalo ng Diyos sa atin!
Tama mga bata! Kaya nga lagi tayong magpasalamat sa Diyos Ama dahil binigyan Niya tayo ng
pamilya na nagmamahal at nag-aalaga sa atin. Sa pamamagitan ng pamilya natin ay nararamdaman natin
ang tunay na pagmamahal ng Diyos sa atin dahil gusto Niya ay maging mabuti at nasa maayos na kalagayan
tayo.
Alam ba ninyo na bukod sa pamilya ay may binigay pa sa atin ang Diyos para bantayan tayo at
ilayo sa anumang kapahamakan? Sa pamamagitan nila ay nararamdaman natin ang presensiya ng Diyos.
Sila ay ang ating anghel dela guardiya.
Sa paksa nating ngayon matutunan natin kung:
MAHALAGANG TANONG:
1. Sino ang ibinigay sa atin ng Diyos upang magbantay at mangalaga sa atin?
2. Sino ang mga anghel at ang mga gawain nito?
3. Sinu-sino ang tatlong Arkanghel?
Gusto nyo ba matutuhan mga bata ang mga mahalagang tanong na ito? Umayos sa pag -upo at ihanda
ang sarili sa pahayag ng Salita ng Diyos mula sa aklat ng Exodo.
I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS
1.1 SALITA NG DIYOS: Exodo23: 20-21 (Daniel 6:10-23 alamin din po ang kuwento nang
pagliligtas nga Anghel kay Daniel)
“Magpapadala ako ng Anghel na gagabay sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong
paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupain…”

1.2 PAGTATANONG:
 Ano ang ipinadala ng Diyos sa atin ayon sa binasa natin ngayon sa Bibliya? - Ang mga anghel po!
 Bakit ipinadala ng Diyos ang anghel sa atin? - Para tayo po ay pangalagaan at patnubayan!
 Nakikita po ba natin ang mga anghel? - hindi po!
 Ano ang gusto ng Diyos na ipakita natin sa ibinigay niyang mga anghel kahit hindi natin sila
nakikita? - pagtitiwala, paniniwala
I.3 PAGBUBUOD:
“Magpapadala ako ng Anghel na gagabay sa inyo. Pangangalagaan niya kayo sa inyong
paglalakbay at papatnubayan hanggang sa lupain…” (Exodo 23:20-21) Ang mga anghel ay ipinadala ng
Diyos sa atin upang tayo ang pangalagaan at gabayan sa lahat ng ating ginagawa. Lalo na kung tayo ay
nasa kapahamakan. Katulad na lamang ng pagligtas ng anghel kay Pedro: (Gawa 12:6-11) “N ang gabi
bago iharap ni Herodes si Pedro sa bayan, natutulog ito sa pagitan ng dalawang kawal. Nakagapos ng
dalawang tanikala at may mga bantay pa sa harap ng pinto ng bilangguan. Walang ka ano-ano’y lumitaw
ang isang anghel ng Panginoon at nagliwanag sa silid-piitan. Tinapik nito si Pedro at ginising…(….)Daniel
6:10-23 Si Daniel ay iniligtas at iningatan din ng Angel….
Bagama’t hindi sila nakikita ng ating mga mata nais ng Diyos na magtiwala at maniwala tayo sa
kanila. Sila ay handang tumulong sa atin.

 Tingnan natin ang larawan kung paano natin ipakita ang ating pagtitiwala sa ating mga
anghel.

2. SITWASYON NG BUHAY:

2.1 GAWAIN: PICTURE VIEWING

 Sinu-sino ang mga anghel na nasa larawan?


 Ano ang ginagawa nila sa atin? Inililigtas po tayo sa mga demonyo, binabantayan po,
nagdadala ng mensahe.

Ang mga anghel ay siyang nagliligtas sa atin mula sa kapahamakan, hindi nila
tayo pababayaan sa oras ng kapahamakan basta maniwala at magtiwala lang tayo sa
kanilang kakayahan.

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION
 Alam nyo ba kung ano ibig sabihin ng pagtitiwala at paniniwala sa mga anghel? - yong
tinatawag mo, nilalapitan mo, kinakausap mo, pinapakingan

B VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba ang may paniniwala at pagtitiwa sa mga anghel? Opo. Bakit? Naniniwala ako na
may nakikinig at nagbabantay
 Paano natin sila makakausap? - mag dasal po, halimbawa Angel of God
 Mahalaga ba na magtiwala tayo maniwala tayo sa mga anghel? - opo
 Ano gagawin nila kung magtiwala at maniwala tayo sa kanila?- Lagi nila tayong tutulungan
Hindi tayo mapapahamak - tutulungan nila lagi tayo
C VALUE PURIFICATION

 Ano ang mangyari kung hindi tayo magtitiwala sa kanila? – mapalapit tayo sa kapahamakan

Mga bata tama ang mga sinagot ninyo, sa buhay natin napakahalaga na may pinagtitiwalaan
tayo at pinaniniwalan na laging nakabantay sa araw at gabi… sige nga…

D ACTION PLAN
 Tawagin natin ngayon ang ating mga anghel sa pamamagitan, ng pagdadasal ng
“ Angel of God”
+Angel of God my guardian dear, to whom his love commits me here.
Ever this day, be at my side, to light and guide, to rule and guard. Amen.

2.3 PAGTATAGPO:

 Mahalagang ipakita natin ang ating pagtitiwala at paniniwala sa anghel na ating tagatanod.
Bibigyan natin sila ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagtawag natin sa kanila sa lahat ng
oras. Sila ang ipinadala ng Diyos upang tayo ay gabayan at pangalagaan. Kaya tatawagin natin
sila upang tayo ay kanilang bantayan, lalo na kung tayo ay pupunta sa school, kung tayo ay
matutulog at kahit sa ating paglalaro.
2.4 PAG-UUGNAY:

 Anong uring nilalang ang mga anghel, at bakit sila isinugo ng Diyos sa atin?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

III.1 KATOTOHANAN: ANG MGA ANGHEL AY MGA ESPIRITUWAL NA NILALANG


NA SINUGO NG DIYOS UPANG MANGALAGA AT TUMULONG SA ATIN. (KIK
336, KPK 337)
Ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod sa Diyos at mga isinugo sa atin upang
tumulong upang magkamit ng kaligtasan. (Hebreo 1:14) Ang ganap na pag-ibig ng Diyos sa
bawat isa sa atin ay ipinahayag niya sa pamamagitan ng pagtatalaga niya sa bawat isa ng anghel
na tagapangalaga at tagapagturo. Ang tao simula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang
kamatayan ay napapalibutan siya ng anghel na tagatanod na handang mamagitan para sa kanya
at sa Diyos. Ngunit para makagawa sila ng mabuti para sa atin kailangan natin silang tawagin at
hingian ng tulong sa pamamagitan ng ating mga panalangin.

 Bakit mahalaga ang ating panalangin?


3.2 PAGSAMBA:SA PANALANGIN NATIN SA ANGHEL NA TAGATANOD AY
IPINAPAHAYAG NATIN ANG ATING PAGTITIWALA SA PANGANGALAGA AT
PATNUBAY NILA SA ATIN LALO NA SA SANDALI NG PANGANGAILANGAN. (KPK 337)
Sa ating pagdarasal ay nakakausap natin ang ating anghel, dahil kung patuloy natin silang
kinakausap ibig sabihin ay handa rin tayo na makinig sa kanila, sa kanilang paggabay.

Dinasal natin kanina ang Angel of God, ito ang dasal na kung saan tayo ay humihingi ng tulong sa
ating mga anghel na tayo ay kanilang gabayan sa bawat araw ng ating buhay, lagi silang nasa tabi natin
para lagi tayong iligtas sa kapahamakan at tulungan sa mga gawain. Kapag tayo ay tumatawag sa mga
anghel natin ipinapahayag natin sa kanila ang ating pagtitiwala at naniniwala tayo na nariyan sila
upang tayo ay gabayang gaya ng kagustuhan ng Diyos na tayo ay gabayan. Buong puso nila tayong
paglilingkuran tanda ng pagsunod nila sa Diyos Ama na siyang nagsugo sa kanila upang tayo ay
gabayan.
 Kaya naman gawin natin silang huwaran sa pagsunod.
3.3 PAGSASABUHAY: HUWARAN NATIN ANG MGA ANGHEL SA PAGSUNOD SA DIYOS
AMA. (KIK 329, KPK 335)
Ang mga anghel ay may mahalagang tungkulin. Sila ay isinugo ng Diyos at upang Siya ay
paglingkuran. Tayo rin sana ay maging katulad nila na sumusunod din sa nais ng ng Diyos. Lalo
na sa paggawa ng kabutihan sa ating kapwa, lalo na sa ating mga kaklase, sa mga kaibigan,
kapitbahay at sa ating mga magulang. (Ipakilala sina Archangel Gabriel, Archangel Michael at
Archangel Rafael).

3.4 BUOD:
Ang mga anghel ay mga espirituwal na nilalang na sinugo ng Diyos upang mangalaga at
tumulong sa atin. Sa panalangin natin sa anghel na tagatanod ay ipinapahayag natin ang ating
pagtitiwala sa pangangalaga at patnubay nila sa atin lalo na sa sandali ng pangangailangan.
Huwaran natin ang mga anghel sa pagsunod sa Diyos Ama.

MAHALAGANG TANONG:
1. Sino ang ibinigay sa atin ng Diyos upang magbantay at mangalaga sa atin?
2. Sino ang mga anghel at ang mga gawain nito?
3. Sino-sino ang tatlong Arkanghel?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA


4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako sa aking Anghel na tagabantay. Tutularan ko rin siya sa pagsunod
sa Diyos.

4.2 PAGTATALAGA: Kilalanin at lagyan ng pangalan ang mga larawan ng ng mga anghel na tagatanod.

4.3 PAGDIRIWANG: MEMORIZE:


+Angel of God my guardian dear, to whom his love commits me here.
Ever this day, be at my side, to light and guide, to rule and guard. Amen.
Aba, Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen+
PAGNINILAY:
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
ST. THOMAS AQUINAS

The fact that Saint Thomas is called the Angelic Doctor is not due to his cherubic physique alone. Rather,
he spent a considerable amount of space in the Summa Theologiae, among other places, discussing the
nature, activities and moral state of angels. Often, he would use the nature of the angels to illuminate the
nature of human cognition by referring to angels as the extreme of what is possible for an intellectual nature
to be. He also discusses them for their own sakes, but all the time keeping his remarks bound by the limits
of the definitive teaching of Sacred Scripture, and by the rigors of consistent thinking.

The title "Angelic Doctor" ("Doctor angelicus") was attributed to St. Thomas only afterward by St.
Antoninus in the mid 1400s. I think there are at least two reasons why he is called "angelic."
One reason is that what impressed many confreres of St. Thomas and what was reported about him during
the canonization process was Thomas's chastity. Thomas had purity of heart that sees God. The most
popular story about him is that he was under house arrest as a young teenager by his parents for wanting to
join the Dominicans (an upstart begging community) and that Thomas's older brothers tried to twist his
resolve by introducing a prostitute into his room. St. Thomas promptly chased her out with a torch.
Another reason he might have been called the angelic doctor was that he wrote voluminously and
magnificently about angels. Two entire works were about them, "On Spiritual Creatures" and "On Separate
Substances." In "On the Power of God" and the "Summa of Theology," he articulated the hierarchies,
ministry, and speech of angels. He also wrote extensively on fallen angels in his other work, "On Evil."
These two reasons are related: It is only through purity of heart, through an uncluttered spirit, that one can
write so lucidly and comprehensively about God and creation.
Paksa 5: ANG DIYOS AY LAGI KONG KASAMA
Audience: Unang Baitang
Oras: 30/40 minutes
Pagpapahalaga: Pagtitiwala
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)
Katotohanan:Ang Diyos ay lagi
kong kasama. (KIK 268-270, KPK 321) Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang paksang
ito ang mga bata ay inaasahang:
Pagsasabuhay: Nais ng Diyos na Levitico 26:12
magtiwala tayo sa Kanya sa lahat Salmo 139:7 Masasabi na ang Diyos ay lagi nating
ng oras. kasama.
Katuruan ng Simbahan:
Pagsamba: Sa pagdarasal buong Magkapagpapakita ng paraan ng
puso natin pinapahayag ang ating KIK-207,227 133 pagtitiwala sa Diyos.
pagtitiwala sa Diyos.
Makapagbibigay ng papuri sa
panalangin.
Kaalaman: Knowledge Mahalagang Tanong Santo:
(Essential Question)

Ang Diyos ay lagi nating kasama 1. Sino ang ating kasama sa St. Therese of the Child Jesus
sa lahat ng oras. lahat ng oras?
Kahalagahan ng bawat isa 2. Ano ang nais ng Diyos na PAGPAPAHALAGA: Pagtitiwala
ipapakita natin sa kanya sa
lahat ng oras?
3. Paano natin ipakita ang
ating pagtitiwala sa Diyos?
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos

Takot silang mag-isa dahil Unti-unti nilang nalalaman Masasabi na ng mga bata na ang
pakiramdam nila wala silang na lagi nilang kasama ang Diyos ay lagi nating kasama.
kasama. Diyos
Makakapagpakita ng mga pagtitiwala
Hindi pa ganap ang pagtitiwala Nagkakaroon na sila ng sa Diyos sa iba’t-ibang paran.
sa Diyos. pang-unawa na ang Diyos ay
narito. Makapagdasal ng papuri sa Diyos sa
Nagdadasal sila kung panalangin ng may buong tiwala
kinakailangan lamang. Nakikipag-usap na sila sa
Diyos ng dahan-dahan.
PAKSA 5: ANG DIYOS AY LAGI KONG KASAMA.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
SALMO: 139:5
+Ika’y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, Ang likas mong kalakasan ang sa aki’y nag-iingat.

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.+

Magandang araw sa inyo mga bata.

Pagbabalik-aral:
Natutuhan natin noong nakaraang linggo na tayong lahat ay may Anghel na Tagatanod. Ang mga
anghel ay mga espirituwal na nilalang na sinugo ng Diyos upang mangalaga at tumulong sa atin. Sa
panalangin natin sa anghel na tagatanod ay ipinapahayag natin ang ating pagtitiwala sa pangangalaga at
patnubay nila sa atin lalo na sa sandali ng pangangailangan. Ganyan tayo ka mahal ng Diyos. Ang mga
anghel ay huwaran natin sa pagsunod sa Diyos Ama.

Sa araw na ito malalaman natin kung Sino ang ating kasama sa lahat ng oras?

MAHALAGANG TANONG:
1. Sino ang ating kasama sa lahat ng oras?
2. Ano ang nais ng Diyos naipapakita natin sa Kanya sa lahat ng oras.?
3. Paano natin ipapakita ang ating pagtitiwala sa Diyos?

Nais kong umupo kayo ng maayos at tahimik na makinig sa mabuting balita na aking babasahin mula sa
aklat ng Leviticus.

I. PAHAYAG NG SALITANG DIYOS

1.1 SALITA NG DIYOS: LEVITICOS 26:12

“Ako’y inyong kasama saan man kayo magpunta, Ako ang magiging Diyos, ninyo at kayo
naman ang magiging bayan ko.”

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS.

 Sino ang nagsalita sa pagbasa – Ang Diyos


 Ano ang pangako ng Diyos sa tao? - “ Ako’y inyong kasama saan man kayo magpunta; Ako ang
magiging Diyos ninyo at kayo naman ang magiging bayan ko.”
 Ano ang inyong naramdaman ng sinabi ng Diyos na lagi natin Siyang kasama? - natuwa po!
masaya.
 Bakit ka masaya - kasi po hind na po ako matatakot kung ako po ay mag-isa.
 Ano kaya ang gusto ng Diyos na maramdaman natin para sa Kanya? - pagtitiwala po

Mga bata ang lagi nating tatandaan ang sinasabi sa atin ng Diyos na…
1.3 PAGBUBUOD

“Ako’y inyong kasama saan man kayo magpunta, Ako ang magiging Diyos, ninyo at kayo
naman ang magiging bayan ko.”Sinabi ng Diyos sa Kanyang bayang hinirang na Siya ay magiging
kasama nila, saan man sila magpunta. At nangako pa Siya na sila ay magiging Diyos nila, at sila naman
ang magiging bayan ng Diyos. Nais ng Diyos na magtiwala lamang lagi tayo sa Diyos sapagkat nakikita
niya ang lahat ng ating ginagawa.
Sinasabi sa Salmo 139:2-6“Ang lahat na gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid
mo ang aking isip. Ako’y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko’y pawang
iyong nalalaman. Di pa ako umiimik yaong aking sasabihi’y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di
malilihim.Ika’y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang aki’y nag-
iingat.’’ Ngayon tingnan natin …kelan natin masasabing may kasama tayo….

II. SITWASYON NG BUHAY:

2.1 GAWAIN: Pagbabahaginan ng karanasan noong unang araw ng klase

PAGTATANONG TUNGKOL SA GAWAIN


 Noong unang araw ng klase ano ang inyong naramdaman? - takot po, umiyak po ako, masaya po.
 Bakit ka umiyak? O natakot o masaya? – natakot po ako kasi iniwan po ako ni mama kaya umiyak
po ako / - masaya po ako kasi marami po akong bagong kaibigan
 Alam nyo ba maraming mga bata ang umiiyak sa takot sa unang araw ng pasukan kasi wala silang
tiwala sa mga taong nakikita nila. Pakiramdam nila mag-isa na lang sila at di na babalikan ng
nanay. Upang hindi tayo matakot sa paaralan kapag iniwan tayo ni Nanay, ano ang nararapat
nating maging damdamin. Matiwala po na babalik si Nanay upang ako ay sunduin

2.2 . PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A VALUE DEFINITION)
● Ano ang ibig sabihin salitang pagtitiwala? - pagsunod sa sinabi ng iba, walang takot

B VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba ang pagtitiwala? Bakit? – opo para hindi na po matatakot

C VALUE PURIFICATION
● Anong pipilin mo marunong magtiwala o di magtitiwala? (ang magtiwala po!)

D ACTION PLAN (ilagay ang kanang kamay sa dibdib)

 Pangako hindi na ako matatakot dahil may kasama ako. Sino ang ating kasama na hindi
mang-iiwan sa atin?

PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS AT SITWASYON NG BUHAY


Ang Diyos ay nagbabantay sa atin, Siya ay lagi nating kasama. Ang lahat ng ating ginagawa ay
Kanyang nakikita. Ito ay nagpapaalala sa atin magtiwala tayo sa Diyos, Siya ang ating Ama at tayo ang kanyang
mga anak. “Ako’y inyong kasama saan man kayo magpunta, Ako ang magiging Diyos ninyo at kayo naman ang
magiging bayan ko.” Sinabi ng Diyos sa Kanyang bayang hinirang na Siya ay magiging kasama nila, saan man
sila magpunta. At nangako pa Siya na sila ay magiging Diyos nila, at sila naman ang magiging bayan ng Diyos.
Nais ng Diyos na magtiwala lamang lagi tayo sa Diyos sapagkat nakikita niya ang lahat ng ating ginagawa.
Sa pagdarasal sa araw-araw nararamdaman natin kasama natin ang Diyos. Ang ating pamilya ang ibinigay sa
atin ng Diyos upang lagi nating makasama nawa, unti-unti tayong matuto na magtiwala sa mga taong
nakakasama natin, tulad sa paaralan narito ang mga guro at ating mga kamag-aral, sila ang pamilya natin sa
paaralan.
● Bukod sa ating pamilya, sino ang lagi nating kasama?

III.PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:

3.1 KATOTOHANAN: ANG DIYOS AY LAGI KONG KASAMA. (KIK 268-270, KPK 321)
Nang ipahayag ng Diyos, ang kanyang pangalan, sinabi rin ang kanyang katapatan
magpakailanman gaya ng sa una.”Ako ang Diyos ng inyo ng mga magulang.” EX: 3:6 “Ako ang
laging kapiling mo.’’ Ex:3:16 isang Diyos, na nagpapahayag ng kanyang pangalan ng gaya ng ako
ay laging naghahangad bilang Diyos, laging malapit sa kanyang bayan upang iligtas ito.

● Ano ang nais ng Diyos, na gawin natin sa lahat ng oras.?

3.2 PAGSASABUHAY: NAIS NG DIYOS NA ANG NANINIWALA SA KANYA AY


MAGTITIWALA RIN SA LAHAT NG ORAS. (KIK 227)
Sa araw–araw na nangyayari sa atin buhay ang Diyos ay lagi natin kasama kung kaya lagi
tayong magtitiwala sa Kanya.
Katulad ni St. Therese of the Child Jesus siya ay nagtiwala sa Diyos. Sa kanyang pananalangin,
lagi niya idinudulog sa Diyos ang kanyang mga hinaing o mga kahilingan, lubos ang kanyang
pagtitiwala na diringin ng Diyos ang kanyang mga panalangin. (ikwento ang buhay ni St. Therese)

●Paano natin ipinapahayag ang pagtitiwala natin sa Diyos.?

3.3 PAGSAMBA: SA PANALANGIN BUONG PUSO NATING IPINAPAHAYAG ANG


ATING PAGTITIWALA SA DIYOS. (KPK 133).
Sa tuwing tayo ay nagdarasal lagi nating ipinapahayag ang ating pagtitiwala sa Diyos, kong
kaya’t lagi tayong dumulog sa Kanya sapagkat ang Diyos ay laging handang tumugon sa ating mga
panalangin.

3.4 BUOD:
Ang Diyos ay lagi nating kasama. Nais ng Diyos, na magtiwala tayo sa Kanya sa lahat ng oras.
Sa panalangin buong puso nating ipinapahayag ang ating pagtitiwala sa Diyos.

MAHALAGANG TANONG:

1.Sino ang ating kasama sa lahat ng oras?


2.Ano ang nais ng Diyos naipapakita natin sa kanya sa lahat ng oras.?
3.Paano natin ipakita ang ating pagtitiwala sa Diyos?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA.

4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na ang Diyos, ay lagi kong kasama.

4.2 PAGTATALAGA: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita na


ang Diyos ay lagi kong kasama, hindi niya ako iiwan.
● Araw –araw pagkagising at bago matulog kausapin ang Diyos,sa pamamagitan ng pagdarasal?

4.3 PAGDRIWANG: Spontaneous Prayer c/o Catechist / Awit in the tune of ABC

+Amang Makapangyarihan sa lahat ng may gawa ng langit at lupa, salamat sa araw-araw na


lagi kong kasama at sa pamamagitan ng inyong anak na si Hesus na aming Panginoon, na sa araw-
araw maisabuhay naming ang pagtitiwala sa aming mga nakakasama sa buhay, aming pamilya, guro
at kamag-aral at sa tulong ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen
Awit: Awit in the tune of ABC
Ang Diyos ay kasama ko
Kahit na nag-iisa
Hindi dapat matakot
Magtiwala sa Diyos

Aba, Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen+

PAGNINILAY:
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Paksa 6: HESUS ANAK NG DIYOS
Audience: Unang Baitang
Oras: 30-40 minuto
Pagpapahalaga: Pagmamahal ng Diyos sa tao
Pahayag ng Pananampalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)

Katotohanan: Tanda ng Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang paksang


pagmamahal ng Diyos Ama sa atin JUAN 3:16 ito ang mga bata ay inaasahang:
ibinigay Niya ang kanyang anak na Mateo 3:16-17
si Hesus. (KIK458)  Makilala na si Hesus ay Anak ng
Katuruan ng Simbahan: Diyos.
Pagsasabuhay : Kilalanin, mahalin,
at sundan natin ang halimbawa ni  KIK 458  Makakapagtala ng mga gawain na
Hesus ang anak ng Diyos.  KPK 470, 1494 nagpapakita ng pagmamahal at
(KPK1470) pagtanggap kay Hesus.

Pagsamba: Sa panalangin tinatawag  Makakapanalangin kay Hesus na


ng Diyos ang bawat isa sa malalim Anak ng Diyos at makakapagbigay
na pakikipagkaibigan sa kanyang papuri sa Diyos sa pamamagitan ng
Anak. (KPK 1914) panalagin.
KAALAMAN (Knowledge) MAHALAGANG TANONG SANTO
(Essential Questions)
 Malaman na si Hesus ay ating 1. Sino si Hesus?
Tagapagligtas. 2. Ano ang nais ng Diyos Santo : Elizabeth ng Thuringia
Ama na gagawin natin sa mga
 Matularan si Hesus sa kanyang halimbawa na ipinapakita sa Pagpapahalaga:
mga ugali. atin ni Hesus. Pagmamahal ng Diyos sa tao
3. Paano tayo magkaroon ng
 Makapagpasalamat sa Ama sa malalim na pakikipagkaibigan
pagbibigay niya sa kanyang anak kay Hesus?
na si Hesus.
SITWASYON NG BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
 Nais nilang makilala si Hesus.  Unti-unting makilala si  Naintindihan ng mabuti na si Hesus
 Makapagmamahal sila ayon sa Hesus bilang Anak ng ay anak ng Diyos.
turo ng kanilang magulang. Diyos.  Naisulat ang isang Gawain na
 Matatawag nila si Hesus na Diyos  Maintindihan na ang ating nagpapakita ng pagmamahal.
sa kanilang pagdadasal. pakikiisa Gawain ng mga  Nakapanalangin kay Hesus na anak
pari ay tugon sa pag-aalay ng Diyos at makakapagbigay papuri
din ng ating sarili sa Diyos. sa Diyos.
 Matanto tayong lahat ay
mahalaga at kailangan sa
misyon ni Hesus.
PAKSA 6: HESUS, ANAK NG DIYOS
PAMBUNGAD NA PANALANGIN

+O Diyos na makapangyarihan sa lahat ikaw ay pinupuri at pinasasalamatan namin sa


araw na ito. Lubos po kaming natutuwa sa lahat ng mga bagay na ibinigay ninyo sa amin.
Salamat po sa biyaya ng buhay, sa mga taong nagmamahal sa amin, sa lahat ng ibinigay Ninyo sa
amin na maraming biyaya. Nawa ay mapahalagahan namin ang lahat ng ito. Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesus kasama ang Espiritu Santo magpasawang hanggan. Amen.
Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.+

Pagbati

Magandang araw sa inyo! Ngayon ay muli na naman tayong nagkita. Kamusta ang araw ninyo
ngayon?

Balik-aral:
Noong nakaraang pagkikita natin ay natutunan natin na kahit saan tayo magpunta, ang Diyos ay lagi
nating kasama. Nais ng Diyos, na magtiwala tayo sa Kanya sa lahat ng oras. Sa pagdarasal ng buong puso natin
pinapahayag ang ating pagtitiwala sa Kanya.

Ngayong araw naman ay makikilala pa natin ng lubos ang anak ng Diyos na walang iba kundi si
Hesus. At sisikapin nating masagot ang mga sumusunod na katanungan pagkatapos ng ating talakayan:

MAHALAGANG TANONG:

1. Sino si Hesus?
2. Ano ang nais ng Diyos Ama na gagawin natin sa mga halimbawa na ipinapakita sa atin ni Hesus.
3. Paano tayo magkaroon ng malalim na pakikipagkaibigan kay Hesus?

Linkage: Upang makilala natin si Hesus bilang anak ng Diyos, pakinggan natin ang
ipinapahayag ng Ebanghelyo ayon kay San Juan.

I. PAHAYAG KRISTIYANO:
I.1 Salita ng Diyos: Juan 3:16
“Sapagkat gayon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay
niya ang kanyang bugtong na anak, upang ang sinumang sa Kaniya’y sumampalataya ay
hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

I.2 Tanong mula sa Salita ng Diyos


 Sino ang may pagsinta o nagmamahal sa atin ng higit? [ang Diyos Ama po]
 Sino ang bugtong na anak ng Diyos? - Si Hesus po
 Ano ang ginawa ng Diyos Ama para sa Sanlibutan? - Ipinadala niya ang
Kanyang bugtong na Anak na si Hesus?

Bakit ipinadala ng Diyos Ama ang Kanyang bugtong na Anak sa Sanlibutan?


-Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.

I.3 Buod ng Salita ng Diyos


“Sapagkat gayon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay niya
ang kanyang bugtong na anak, upang ang sinumang sa Kaniya’y sumampalataya ay
huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16
Si Hesus ay bugtong na Anak ng Diyos Ama. Siya rin ang tanda ng pag-ibig ng Diyos sa
sanlibutan. Ipinadala Niya ang Kanyang bugtong Anak na si Hesus upang ang lahat ng
manampalataya ay hindi mapapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sa Mateo 3:16-17 nang bautismuhan si Hesus, ipinakilala Siya ng Diyos Ama sa atin
nang sinabi Niya “Ito ang minamahal kong Anak na aking kinalulugdan”.
Ibig sabihin kahit mahal ng Diyos ang Kanyang bugtong na anak hindi Siya nag
dalawang isip na ipadala Siya sa atin dahil Siya ang tanda ng kanyang pagmamahal sa
atin bilang kanyang mga anak.

Linkage: Paano ipinakita ng Diyos ang pagmamahal niya sa Sanlibutan?


II. SITWASYON NG BUHAY:

II.1 Gawain: Picture Show(Magpapakita ng larawan ni Hesus)

 Pagtatanong tungkol sa ginawa


 Ano ang mga nakita ninyo sa larawan? si baby Jesus po! Si Hesus sa Krus po!
 Kilala ba ninyo si Hesus? opo!
 Sino si Hesus sa inyong pagkakakilala? Diyos po
 Paano ipinadadama sa atin ng Diyos ang kanyang pagmamahal

Linkage: Very good! Si Hesus ang Anak ng Diyos, ngunit alam ba ninyo kung bakit Siya
ipinadala ng Diyos dito sa lupa? [hindi po, upang iligtas tayo, dahil mahal po tayo ni Lord]

2. 2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA:
A. VALUE DEFINITION
Ano ba sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng pagmamahal? - Yung niyayakap ka po
ng mama mo, pinagluluto at inaalagaan, yung di ka po inaaway ng kaklase mo
B. VALUE CLARIFICATION:

 Mga bata mahalaga ba sa inyo ang pagmamahal? Bakit? masaya po alam kong
may nagmamahal sa akin.
 Naranasan nyo na bang mahalin? opo! sino ang mga nagmamahal sa inyo? mga
magulang po. Very good! Ano ang dapat nating gawin sa pagmamahal na
ibinigay o ipinaramdam sa atin? mag thank you po o pasalamatan, suklian po
yung pagmamahal

C. VALUE PURIFICATION:

Paano natin mamahalin ang mga taong hindi nagmamahal sa atin? Mamahalin pa
rin po. Sisikapin pa rin pong mahalin. Gagawan pa rin po ng kabutihan.
Ipagdarasal po sila
D. ACTION PLAN: Isulat sa inyong notebook ang isang paraan upang maipadama
ninyo ang inyong pasasalamat sa pagmamahal sa ating kapwa, tulad ng atin mga
magulang, guro, kalaro, kaibigan at mga kamag-aaral. Hal. [Susunod sa utos ni mama at
papa, di na aawayin ang mga kaklase etc]

2.3 PAGTATAGPO:

Ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay walang hanggan na kahit ang kaisa-isa Niyang Anak ay
niloob niyang ipadala sa lupa upang mas maramdaman nating mga tao ang konkretong
pagmamahal ng Niya sa atin. Kong kaya’t tayo ay tinatawagan na magmahal din sa kahit kanino
na nagmamahal sa atin o kahit hindi man nagmamahal sa atin. Sisikapin pa rin nating mahalin at
gawan pa rin sila ng kabutihan.
Linkage: Sino ang ibinigay ng Diyos upang maging tanda ng kanyang pagmamahal?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA:

3.1 KATOTOHANAN: “ANG TANDA NG PAGMAMAHAL NG DIYOS SA ATIN,


IBINIGAY NIYA ANG KANYANG ANAK NA SI HESUS SA ATIN. Si Hesus ang
pinakakonreto o nakikita o pisikal na tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin. Ibinigay Niya si
Hesus upang mas makilala at mas mahalin pa natin ang Diyos. Kung wala si Hesus, wala tayong
magiging konkretong imahe o anyo ng Diyos.
Linkage: At dahil ibinigay sa atin ng Diyos si Hesus, ano ang nais Niyang gawin natin?
3.2 PAGSASABUHAY: KILALANIN, MAHALIN AT SUNDAN NATIN ANG
HALIMBAWA NI HESUS ANG ANAK NG DIYOS. Marapat lamang na kilalanin natin si
Hesus, mahalin at sundin sapagkat walang hanggan ang kanyang pagmamahal sa atin at kung
hindi dahil sa Kanya, hindi natin mararamdaman kung paano magmahal ang Diyos. Maaari nating
masuklian ang pagmamahal ng Diyos sa maraming paraan. Katulad ng nabanggit kanina,
minamahal tayo ng Diyos sa iba’t ibang makukulay na paraan. Maaring gumamit Siya ng mga
instrumento katulad ng ating mga magulang, mga guro at kapwa. Kung kaya’t maaari din natin sa
kanila iparamdam ang ating pasasalamat at pagmamahal sa pamamagitan ng pagsunod sa ating
mga magulang, sa mga guro at alituntunin ng paaralan, pagmamalasakit sa kapwa at iba pa.
Katulad na lamang ng isang santa na si Santa Elizabeth ng Thuringia na namuhay sa kabanalan
at inilaan ang kanyang buhay sa pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa mga
mahihirap, mga may kapansanan at marami pang iba. (ikwento ang buhay ni St. Elizabeth ng
Thuringia)
Linkage: Paano natin mas mapapalalim ang ating pakikipag kaibigan sa Diyos?

3.3 PAGSAMBA: SA PANALANGIN TINATAWAG NG DIYOS ANG BAWAT ISA SA


MALALIM NA PAKIKIPAG KAIBIGAN SA KANYANG ANAK NA SI HESUS. Sa
pagdarasal natin bago matulog, bago kumain at higit sa lahat sa pagisimba ay mas napapalalim
ang ating pakikipag kaibigan kay Hesus. Si Hesus, kahit hindi natin Siya nakikita pisikal, Siya ay
mistulang kaibigan na handang makinig sa tuwing tayo ay nagdadasal at tandaan ninyo, ang
batang madasalin ay kaaya-aya sa paningin ng Diyos, kung kaya’t tayo ay tinatawagan na laging
manalangin.
3.4 BUOD:
Si Hesus ang tanda ng pagmamahal ng Diyos na ibinigay Niya sa atin, kung kaya’t
marapat lamang na Siya ay ating kilalalin, mahalin at sundin ang Kanyang mga halimbawa. Sa
pamamagitan ng panalangin, mas napapalalim natin ang ating pakikipag-kaibigan sa Diyos.
Tingnan nga natin kung talagang naintindihan ang ating talakayan sa araw na ito. Muli nating
balikan ang mga mahahalagang tanong kanina at suriin natin kung masasagot ba ang lahat ng ito.
MAHALAGANG TANONG
1. Sino si Hesus?
2. Ano ang nais ng Diyos Ama na gagawin natin sa mga halimbawa na ipinapakita sa atin ni
Hesus?
3. Paano tayo magkaroon ng malalim na pakikipagkaibigan kay Hesus?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na si Hesus ay Anak ng Diyos.


4.2 Pagtatalaga: Gagawan ko ng kabutihan ang aking kapwa araw araw, ano-ano ito,magbigay
ng mga halimbawa.
4.3 Pagdiriwang:+ Sa katahimikan, manalangin tayo at humingi ng tulong kay St. Elizbeth
upang maging inspirasyon sa paggawa ng mabuti at makatulong sa kapwa, lalo na
sa mga nangangailangan. Santa Elizabeth ipanalangin mo po kami…Sabay sabay
tayo
Aba, tayo ngGinoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen+
PAGNINILAY:
________________________________________________________________________________

Paksa 7 : HESUS, ANG ANAK NG DIYOS, ISINILANG NI MARIA


Audience: Unang baitang
Oras: 30/40 minuto
Pagpapahalaga: Mapagbigay/Mapagkaloob
Pahayag ng Pananampalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)

Katotohanan: Si Hesus ang anak Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang


ng Diyos na nagkatawang tao ay Lukas 2: 1-7 paksang ito ang mga bata ay
isinilang ni Maria (KPK 519, 2 Corinto 9:7 inaasahang:
KIK 456) Gal. 4:4
Masasabi na si Hesus ay
Pagsamba: Buong galak nating “ Katuruan ng Simbahan: isinilang ni Maria
ipinagdiriwang ang kapistahan
ng kapanganakan ni Hesus KPK 519 Makakapaglahad ng mga
tuwing ika-25 ng Dec. (Batay sa KIK 456 gawain nagbibigay saya sa
kalendaryo liturhikal ng iba.
simbahan)
Makakapagpuri sa Diyos sa
Pagsasabuhay: Mahal ng Diyos pamamagitan ng awit.
ang taong mapagbigay. (2 Cor.
9:7), Sabi ng isang awit “at
magbuhat ng ngayon kahit hindi
pasko ay magbigayan.)
KAALAMAN(Knowledge) MAHALAGANG TANONG SANTO
(Essential Questions)

Si Hesus ay anak ng Diyos. 1. Sino ang Diyos na Santo : San Nicolas


Hesus ay isinilang ni Maria. nagkatawang tao?
Maging mapagbigay. 2. Paano natin ipinagdirirwang
ang kapanganakan ni Jesus? Pagpapahalaga:
3. Ano ang inaasahan ng Mapagbigay/ Mapagkaloob
Diyos sa atin?
SITWASYON NG BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Alam ng mga bata kung kalian ang Malalaman na si Hesus ay Nalaman na si Maria ay Ina
araw ng pasko? isinilang ni Maria. ng Diyos at anak niya si
Hindi nalalaman ng mga bata kung Makakagawa ng gawaing Hesus.
paano ang tunay na pagdiriwang nagpapakita ng
ng Pasko? pagbibigayan. Nakapagbigay sa mga kapwa
Nasasabi nila na si Hesus ay anak Makadalo at makiisa sa banal bata.
ni Maria. na Eukaristiya.
Nakapagpasalamat kay Hesus
sa simpleng panalangin.
PAKSA 7: HESUS, ANG ANAK NG DIYOS, ISINILANG NI MARIA

PAMBUNGAD NA PANALANGIN: (SALMO 51: 10 – 11)


+ Pinupuri at pinasasalamatan ka namin sa buhay na iyong kaloob sa bawat isa samin.
Salamat sa mga biyaya na walang sawa mong ipinagkakaloob sa lahat. Gayundin sa pagbibigay
ng Iyong Anak na patuloy na nagpapadama sa amin ng wagas mong pag-ibig sa sanlibutan.
Hinihiling naming ito sa ngalan ng iyong Anak na si Hesus kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

Aba, Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen+

Balik aral:
Noong nakaraang linggo, nalaman natin na si Hesus ay Anak ng Diyos na ibinigay sa
atin upang matupad ang pangako ng Diyos Ama sa sanlibutan. Ibinigay Niya si Hesus dahil sa
kanyang wagas na pag-ibig sa mga tao. Si Hesus ang tanda ng pagmamahal ng Diyos na ibinigay
Niya sa atin, kung kaya’t marapat lamang na Siya ay ating kilalalin, mahalin at sundin ang Kanyang
halimbawa. Sa pamamagitan ng pananalangin, mas napapalalim natin ang ating pakikipag kaibigan sa
Diyos.

Sa atin namang pag–aaralan ngayon ay “Si Hesus, Anak ng Diyos ay isinilang ni Maria.

MAHALAGANG TANONG:
1.Sino ang Diyos na nagkatawang tao?
2. Paano natin ipinagdirirwang ang kapanganakan ni Jesus?
3. Ano ang inaasahan ng Diyos sa atin?

Linkage: Upang malaman natin kung paano isinilang ni Maria si Hesus, pakinggan natin ang
pagpapahayag mula sa Bibliya. Handa na ba kayong makinig?

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:

1.1 SALITA NG DIYOS: LUKAS 1.26 – 38; 2: 1 – 7


Kaya’t sinabi sa kanya ng Anghel Gabriel; “Huwag kang matakot Maria, sapagkat
kinalulugdan ka ng Diyos, Ika’y ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki at siya’y
tatawagin mong Hesus. Dumating ang oras ng panganganak ni Maria, binalot ng lampin ang
sanggol at inihiga sa sabsaban.

1.2. PAGTATANONG SA SALITA NG DIYOS


1. Sino ang tauhan sa kwento? - Maria at Anghel Gabriel
2. Ano ang sinabi ng anghel kay Maria? -Siya’y maglilihi at manganganak ng isang lalaki at
tatawagin niyang Hesus
3. Ano ang naramdaman ni Maria sa sinabi ng anghel? -natakot po at naguluhan.
4. Ano ang ginawa ni Maria matapos ipaliwanag sa kanya ng anghel ang plano ng Diyos? -Siya
po ay buong pusong nag-oo sa anghel.
5. Anong katangian ang ipinakita ni Maria sa kwento? -masunurin, mapagbigay ng sarili

1.3. PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS

Si Maria ay nagpakita ng pagsunod sa Diyos sa kanyang pagtugon sa plano na maging


ina ni Hesus. Sa kabila ng takot na naramdaman, hindi siya nagdalawang isip at tumugon sa
kalooban ng Diyos. Lukas 1.26 – 38; 2: 1 – 7 Kaya’t sinabi sa kanya ng Anghel Gabriel;
“Huwag kang matakot Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos, Ika’y ay maglilihi at
manganganak ng isang lalaki at siya’y tatawagin mong Hesus. Dumating ang oras ng
panganganak ni Maria, binalot ng lampin ang sanggol at inihiga sa sabsaban.
Ibinigay niya ang kaniyang sarili upang matupad ang plano ng Diyos na pagliligtas. Katulad ng
sinasabi sa Galacia 4:4 “Ngunit ng sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang
kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae, at namuhay sa ilalim ng kautusan, nang sa gayo’y
matanggap natin ang karapatang maging mga anak ng Diyos.” Katulad ni Maria, mahalaga na
magbigay tayo ng ating sarili upang makatulong sa ating kapwa.

Linkage: Paano ba natin maipapakita ang pagbibigay ng ating sarili sa pamamagitan ng


pagtulong sa ating kapwa?

II. SITWASYON NG BUHAY:

2.1. GAWAIN: Picture analysis

Lagyan ng kung nagpapakita ng pagbibigayan at naman kung hindi.

Pagtatanong:
 Ano-ano ang mga ipinapakita sa mga nasa larawan? -may nagbibigayan, nanghihingi, may
madamot
 Anu-ano ang mga larawan na nagpapakita ng pagbibigayan at ano naman ang hindi
pagbibigayan? (pagsasamahin ng katekista ang larawan ng pagbibigayan at hindi pagbibigayan)
 Sa mga larawan, ano ang mas nais ninyong sundin o gayahin? -pagbibigayan po

2.2. PALALIMIN ANG PAGPAPAHALAGA:

A. VALUE DEFINITION
 Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng pagbibigayan? -Pagbabahagi, pagtulong na
walang hinihinging kapalit

B. VALUE CLARIFICATION:
 Mahalaga ba na tayo ay may pagbibigayan sa bawat isa? Opo, kasi
nakakatulong tayo
 Ano ang mangyayari kung tayo ay may pagbibigayan? -may pagkakaisa

C. VALUE PURIFICATION:
 Ano ang maaaring mangyari kung wala tayong pagbibigayan sa bawat isa? -
magkakaroon ng pag-aaway

D. ACTION PLAN:
Isulat sa iyong kwaderno kung paano kayo makakapagbigay sa inyong kapwa.
Sa oras ng recess, bigyan ninyo ang inyong kaklase na walang pagkain at mamaya
pag-uwi ninyo, magpakita ng gawaing pagbibigayan sa pamilya.

2.3 PAGTATAGPO:

Tunay na ang Diyos Ama ay mapagbigay. Ibinigay niya sa atin ang Kanyang bugtong
na Anak na si Hesus sa pamamagitan ni Maria upang maisakatuparan ang kanyang plano na
pagliligtas. Ibinigay din naman ni Maria ang kanyang sarili upang maging Ina ng Diyos at
maging ina nating lahat. Katulad ni Maria ibinigay din ni Hesus ang kanyang sarili sa atin sa
pamamagitan ng paggawa niya ng mabuti sa lahat ng kanyang makakasalamuha. Kaya tayo rin,
mahalaga na magbigay ng ating sarili para sa ating kapwa katulad ng mga halimbawa na nakita
natin sa mga larawan. Ipinapakita sa ating mga halimbawa ang ilang paraan ng paggawa ng
mabuti upang makatulong sa ating kapwa lalo na sa nangangailangan. Kaya mahalaga na
tularan natin sila Hesus at Maria upang maging bukas sa ating kalooban ang pagbibigay hindi
lamang sa materyal na bagay kundi maging pag-aalay ng ating oras para sa kanila.

2.4. LINKAGE: Sino nga ba si Hesus?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: SI HESUS AY ANAK NG DIYOS NA NAGKATAWANG TAO


NA ISINILANG NI MARIA (PK 519, KIK 456)

Si Hesus bagama’t Anak ng Diyos ay naging totoong tao sa pamamagitan ng kanyang


Ina na si Maria na isang tunay na tao. Si Maria na isang simple at pangkaraniwang dalaga na
anak nina Ana at Joaquin ay naging daan upang maging tao ang Anak ng Diyos na si Hesus.
Siya ay pinili at inihanda na maging ina ni Hesus upang magawa ang plano ng Diyos na
pagliligtas. Ibinigay Niya ang kanyang kaisa-isang anak upang ipamalas sa atin ang kanyang
wagas na pagmamahal sa sanlibutan. Ang pagbibigay ng Diyos Ama sa Kanyang bugtong na
Anak na si Hesus ay nagdulot ng kagalakan kina Maria at Jose at ito rin ay naging kagalakan ng
mundo sapagkat natupad na ang pangako ng Diyos sa mga propeta. Gayun na lamang ang
pagmamahal sa atin ng Diyos na ang lahat ay inihanda Niya upang ang lahat ng sumampalataya
sa Kanyang Anak ay magkaakroon ng buhay na walang hanggan.

 Kailan nga ba natin ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Hesus?

3.2 PAGSAMBA: BUONG GALAK NATING IPINADIRIWANG ANG KAPISTAHAN


NG KAPANGANAKAN NI HESUS TUWING IKA–25 NG DISYEMBRE (Batay Sa
Kalendaryo Liturhikal Ng Simbahan)

Si Hesus ang tunay na dahilan kung bakit may pasko. Ang kanyang kapanganakan ang
ating ipinagdiriwang tuwing Disyembre 25 na pinaghahandaan natin sa pamamagitan ng
Simbang Gabi o Misa de Gallo. Gumigising tayo sa madaling araw upang dumalo sa misa at
magpasalamat sa pagbibigay sa atin ng kanyang Anak na si Hesus. Sa ating pagdalo sa misa
naipapakita natin ang ating pagkakaisa sa paghihintay sa pagsapit ng kapanganakan ni Hesus na
siyang nagbigay sa atin ng pag-asa upang tayo ay mapalapit sa Ama sa pamamagitan niya. Siya
ang tunay na nag-uugnay sa atin sa Ama at magpapalalim ng ating pananampalataya sa Diyos.
Kaya nga tayo din ay patuloy na tinatawagan sa paggawa ng kabutihan upang makasunod sa
nais ng Diyos bilang paghahanda sa pagdating ni Hesus.

 Ano nga ba ang nararamdaman ng Diyos sa mga taong gumagawa ng mabuti lalo na sa mga
mapagbigay?

3.3 PAGSASABUHAY: MAHAL NG DIYOS ANG TAONG MAPAGBIGAY


(2 CORINTO 9.7)

Mahal ng Diyos ang taong mapagbigay sapagkat naipapakita nito kung paano
magmahal ang Diyos sa sanlibutan kaya nga kinalulugdan nya ang mga taong nagpapatuloy ng
Kanyang pagmamahal. Ang pagbibigayan sa bawat isa ay hindi lamang sa panahon na nanaisin
natin bagkus sa lahat ng oras. Katulad na lamang halimbawa ni San Nicolas ng Myra na mas
kilala natin bilang si Santa Claus. Siya ay pinanganak sa taong 208 sa Patara, Lycia bahagi ng
bansang Turkey. Siya ay mula sa isang mayamang pamilya ngunit maaga siyang naulila. Sa
kabila ng kanyang naranasang lungkot sa pagkawala ng kanyang mga magulang ay patuloy
siyang nanalig sa Diyos. Siya ay naging isang Obispo ng Myra sa Asia Minor at ang lahat ng
kanyang minana ay ginamit niya sa kabutihan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga regalo sa
nangangailangan na hindi niya pinapaalam na galing ito sa kanya. Ibinigay niya ito ng buong
puso sa kanila upang ibahagi ang pagmamahal ng Diyos. Katulad niya, tayo din ay
inaanyayahang magbigayan sa bawat isa tulad ng pagbibigay sa atin ng Diyos. Sa ating
simpleng paggawa ng kabutihan sa ating kapwa ay naipapadama natin ang wagas na pag-ibig
ng Diyos sa sanlibutan.

3.4. BUOD:
Si Hesus ay totoong Diyos at totoong Tao na isinilang ni Maria bilang pagtugon sa plano
ng Diyos. Ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng kapanganakan ni Hesus ng buong galak
tuwing ika–25 Disyembre bilang katuparan ng pangako sa atin ng Diyos Ama. Tunay na ang
Diyos ay mapagmahal at mapagbigay sa atin, ipinakita Niya ito sa pagbibigay Niya sa atin ng
kanyang bugtong na Anak na si Hesus. Kaya tayo rin ay inaasahang maging tulad Niya
sapagkat ang taong mapagbigay ay higit na kinalulugdan ng Diyos.
PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG:
1. Sino ang Diyos na nagkatawang tao?
2. Paano natin ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus?
3. Ano ang inaasahan ng Diyos sa atin?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA:

4.1. PANININDIGAN: Naniniwala ako na si Hesus ang Anak ng Diyos ay nagkatawang tao,
isinilang ni Maria.

4.2. PAGTATALAGA: Ano ang maaari mong ibigay sa iba (sa bahay, sa paaralan, sa
simbahan) na makakapagdulot ng saya sa kanila?

4.3. PAGDIRIWANG: Awitin: “ Salamat sa Diyos 2X


Sa bugtong Mong anak, Salamat po

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo. mo
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.
PAGNINILAY:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Paksa 8: HESUS MASUNURING ANAK
Audience: Unang Baitang
Oras: 30-40 minuto
Pagpapahalaga: Pagiging masunurin
Pahayag ng Pinagkukunan/ Layunin
Panananmpalataya Pamamaraan (Transfer Goal)
(Enduring Understanding) (Sources & Means)
Katotohanan: Si Hesus ang SalitangDiyos: Pagkatapos na maituro ang
Anak ng Diyos Ama ay Lukas 2:42-51 paksang ito ang mga bata
lumaking masunuring bata. Sirac 3:5 ay inaasahang:
Juan 2:1-8
Pagsasabuhay: Nais ng Masabi na si Hesus ay
Diyos Ama na igalang at Katuruan ngSimbahan: masunuring anak ng
sundin natin ang ating mga KIK 532 Diyos.
magulang tulad ni Hesus. KIK 2217
Makapagtala ng gagawin
Pagsamba: Ang panalangin bilang masunuring anak.
ng isang masunuring anak
ay agad pinapakinggan ng Makapag-alay ng
Diyos. panalangin kay Hesus.
KAALAMAN (Knowledge) MAHALAGANG SANTO
TANONG
(Essential Questions)
Si Hesus ang Anak ng Diyos 1. Ano ang itinuturo ni Santo: Pedro Calungsod
ay lumaking masunuring Jesus na magandang ugali
anak. bilang anak? Pagpapahalaga:
2. Ano ang nais ng Diyos
Nais ng Diyos na sundin at Ama na ipakita natin sa ating Pagiging masunurin
igalang ang mga magulang. mga magulang.
3. Ano ang ginagawa ng
Manalangin sa Diyos Ama
Diyos kung nanalangin ang
bilang mga Anak ng Diyos.
masunuring anak?
SITWASYON NG
BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Di pa gaanong kilala si Unti-unting na lalaman na Nakasabi na si Hesus ay
Hesus bilang isang si Hesus ay isang masunuring Anak ng
masunuring anak. masunuring anak. Diyos.

Sumusunod ang mga bata sa Nauunawaan na nila na ang Nakapagtala ng gagawin


mga magulang kung ito ay sumusunod sa magulang bilang masunuring anak.
may kapalit. ay pagtulad kay Hesus na
masunurin Nakapanalangin kay Hesus
Nananalangin sila kay ng pasasalamat sa
Hesus; hindi pa sila Nahihimok silang pagiging mabuting
marunong tumawag sa manalangin sa Ama, masunuring anak ng
Ama. bilang isang masunuring Diyos.
anak ng Diyos.
PAKSA 8: HESUS MASUNURING ANAK

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
Panginoon, pinupuri at pinasasalamatan ka namin sa araw na ito na ipinag kaloob mo sa
bawat isa, patawarin mo po nawa kami sa aming mga kasalanan at pag kukulang, nawa po
gabayan mo kami sa araw na ito at tulungan mo kami na sumunod sa iyo. Ang lahat ng ito ay
hinihiling namin sa pangalan ni Hesus kasama ang Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Balik Aral:
Mga bata nang nakaraang linggo ating nalaman na si Hesus ay Isinilang ni Maria Bilang
Kanyang Anak. Si Hesus ay totoong Diyos at totoong Tao na isinilang ni Maria bilang
pagtugon sa plano ng Diyos. Ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng kapanganakan ni Hesus
ng buong galak tuwing ika–25 Disyembre bilang katuparan ng pangako sa atin ng Diyos Ama.
Tunay na ang Diyos ay mapagmahal at mapagbigay sa atin, ipinakita Niya ito sa atin sa
pagbibigay Niya ng kanyang bugtong na Anak na si Hesus. Kaya tayo rin ay inaasahang
maging tulad Niya sapagkat ang taong mapagbigay ay higit na kinalulugdan ng Diyos.

Ngayong araw na ito mga bata kilalanin natin si Hesus Bilang Isang Masunuring Anak. Narito
ang mahahalagang tanong na sasagutin natin mamaya pagkatapos ng talakayan.

MAHALAGANG TANONG:
1. Ano ang itinuturo ni Jesus na magandang ugali bilang anak?
2. Ano ang nais ng Diyos Ama na ipakita natin sa ating mga magulang.
3. Ano ang ginagawa ng Diyos kung nanalangin ang masunuring anak?

Linkage: Mga bata nais ninyo ba malaman kung paano naging masunurin si Hesus? (opo) tayo
ngayon ay makikinig sa Salita ng Diyos

I. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 SALITA NG DIYOS: (Lukas 2:42-51)

“Nang siya’y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa kanilang kaugalian.
Sila’y umuwi na pagkatapos ng pista. Si Hesus ay nagpaiwan sa Jerusalem ngunit hindi ito
napansin ng Kanyang mga magulang. …, Siya’y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at Siya’y
naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng ito ay iningatan ng kanyang ina sa kanyang puso.”

1.2 PAGTATANONG:
1. Sinu-sino ang mga nabanggit na tauhan sa ating kwento? -Si Hesus po, Maria, Jose at mga
guro
2. Saan nagpupunta ang mag-anak ni Hesus taun-taon? -sila po ay pumunta sa pista sa
Jerusalem
3.Pagkatapos ng pista, ano ang nangyari kay Hesus? (Nag paiwan po Siya sa Jerusalem ngunit
hindi po ito napansin ng Kanyang magulang)
4. Ano ang ginawa ng Kanyang magulang matapos nilang mapansin na wala si Hesus?
(bumalik po sila sa Jerusalem para hanapin si Hesus)
5. Saan nila natagpuan si Hesus nang balikan nila ito sa Jerusalem? (sa templo po, siya ay
nakikipagusap sa mga guro
6. Ano ang ginawa ni Hesus matapos Siyang balikan ng Kanyang mga magulang? (sumama po
sa kanila pauwi)
7. Ano kaya ang naramdaman ng kanyang mga magulang noong nakita nilang wala si Hesus? -
Natakot po at nag-alala
8. Ayon sa kwentong ito, anong uri ng bata lumaki si Hesus ? (pagiging masunurin po)

Sige nga muli nating balikan ….

1.3 PAGBUBUOD

Lukas 2:42-51“Nang siya’y labindalawang taon na, dumalo sila sa pista, ayon sa
kanilang kaugalian. Sila’y umuwi na pagkatapos ng pista. Si Hesus ay nagpaiwan sa Jerusalem
ngunit hindi ito napansin ng Kanyang mga magulang. …, Siya’y sumama sa kanila pauwi sa
Nazaret, at Siya’y naging masunurin sa kanila. Ang lahat ng ito ay iningatan ng kanyang ina sa
kanyang puso.” Si Hesus at ang Kanyang mga magulang ay nagpupunta sa Templo sa
Jerusalem ayon sa kaugalian. Nang matapos ang pista si Hesus ay nag paiwan ngunit hindi ito
napansin nina Maria at Jose. Habang sa daan, napansin nilang wala si Hesus agad nila ito
hinanap at binalikan sa Jerusalem. Nang sila ay makabalik nakita nila si Hesus sa templo na
nagtuturo. Tinanong Siya ng Kanyang ina kung bakit Niya ito nagawa at sinabi ni Hesus na
Siya ay dapat mamalagi sa tahanan ng Kanyang Ama. Sumama siya pauwi sa kanyang mga
magulang. Hindi lamang siya dito naging masunurin bagkus maging sa kanilang pang-araw-
araw na buhay. Atin ding mababasa sa ebanghelyo ni Juan 2:1-8 Ang unang himala ni
Hesus- Ang Tubig ay ginawa Niyang alak sa kasalan sa Cana muling ipinakita ni Hesus ang
kanyang pagiging masunurin sa kanyang Inang si Maria nang sinunod niya ang kahilingan ng
kanyang Ina na tulungan ang ikinasal nang maubusan sila ng Alak.

Linkage: Maraming paraan ang maari nating gawin upang magpakita ng pagsunod hindi
lamang sa ating mga magulang kundi sa lahat ng nakakatanda sa atin. Para malaman natin kung
lahat nga ay makakasunod ay may gagawin tayo. Handa na ba lahat? (Opo)

II. SITWASYON NG BUHAY:

2.1 GAWAIN: Sabi ni Nanay/Simon Says (magbibigay ang katekista sa mga bata ng mga
gawain na kanilang susundin)

 Naging masaya ba kayo sa ating laro?-opo


 Bakit ka naging masaya?- kasi po nasusunod ko po yung utos ninyo
 Anong katangian ang inyong ipinakita sa ating gawain? -pagiging masunurin po.
2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A. VALUE DEFINITION
 Ano ang ibig sabihin ng pagiging masunurin? -sumusunod po sa utos ng
hindi nagdadabog

B. VALUE CLARIFICATION
 Mahalaga ba ang maging masunurin sa magulang? Bakit? -opo, kasi hindi
magagalit sila mama. Hindi po mapapahamak o masasaktan. Hindi
mapapagalitan.
 Ano ang mangyayari kung marunong tayo sumunod sa paggawa ng tama? -
hindi po mapapagalitan. Matutuwa po sila sa amin.

C. VALUE PURIFICATION:
 Paano kung hindi naman tama ang ipinapagawa sa iyo, susundin mo ba? -
Hindi po. Kaya dapat alamin natin kong ano ang tama at mali na hindi dapat
gawain
 Ano naman ang mangyayari kung hindi tayo marunong sumunod? -
mapapagalitan po, mapapalo po, hindi po magiging mabait na bata.

Tama mga bata nakakatuwa kapag ang bawat isa ay masunurin at tulad ni ni Hesus na
masunurin.

D. ACTION PLAN
 Pumikit tayo at ulitin ang aking sasabihin, “simula ngayon ako ay magiging masunurin sa
paggawa ng mabuti” ulitin ito sa isip ng tatlong beses.

2.3 PAGTATAGPO:

Si Hesus ay naging masunurin sa kanyang ina na si Maria mula sa kanyang pagkabata


maging sa mga panahon na siya ay maglilingkod na sa kanyang kapwa. Ipinakita sa atin ni Hesus
ang halimbawa ng pagiging isang mabuting anak na sumusunod sa nais ng ating magulang.
Katulad din sa ating ginawa kanina. Ang ilan sa inyo ay nakasunod sapagkat sila ay nakinig
mabuti samantala ang iba na man ay hindi. Sa tuwing tayo ay nakikinig sa mga panuto o utos,
tayo ay nakakasunod sa mga ipinapagawa sa atin. May mga bata na masunurin at mayroon ding
hindi. Halimbawa na lang sa bahay minsan kapag tayo ay inuutusan, tayo ay nagdadabog,
umiiyak, at nagmamaktol. Ngunit alam ninyo ba na kapag tayo ay sumusunod ng masaya sa
ating mga magulang naipapakita natin ang ating paggalang at pagmamahal sa kanila. Ngunit
susunod lamang tayo kung mabuti at tama ang ipinapagawa sa atin. Kaya dapat alamin natin
kong ano ang tama gawin at mali na hindi dapat Gawain. Tayo ay inaanyayahan ni Hesus na
maging masunurin at ito ay maaari natin gawin kahit sa simpleng pamamaraan lamang sa
pagsunod sa ating mga magulang.

2.4 LINKAGE
 Ano ang ipinakitang mabuting katangian ni Hesus bilang Anak?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA


3.1 KATOTOHANAN: SI HESUS ANG ANAK NG DIYOS AY LUMAKING
MASUNURING BATA (KIK 532)
Si Hesus na Anak ng Diyos ay lumaking masunuring bata ito ay napakinggan natin sa
Salita ng Diyos “Siya’y sumama sa kanila pauwi sa Nazaret, at siya’y naging masunurin sa
kanila”. Ito ay pagpapatunay na si Hesus ay talagang lumaking masunurin sa kanyang mga
magulang kaya nararapat na atin Siyang tularan. Siya ang unang nagpakita sa atin na ang
pagsunod ay hindi mahirap kung atin itong nanaisin. Tayo rin ay maaring maging katulad ni
Hesus kung ito ay ating sisimulan sa ating pang araw-araw na buhay sa ating tahanan, paaralan,
komunidad o saan man. Matutularan natin si Hesus kung makakasunod tayo na walang
pagdadabog o sama ng loob na sumunod sa ating mga magulang o maging sa mas nakakatanda
sa atin. Ipinakita ni Hesus ang kanyang pagiging masunurin hindi lamang sa kanyang ina na si
Maria bagkus maging sa Diyos. Sinunod niya ang plano ng Diyos na iligtas ang mga tao sa
pamamagitan ng paggawa niya ng himala at sa pagtulong sa kanila. Nagturo din siya ng Salita ng
Diyos upang ang sinumang maniwala ay makakasunod sa Kanya at magkakaroon ng biyaya ng
buhay na walang hanggan.

 Ano ang nais ng Diyos na gawin natin sa ating mga magulang?

3.2 PAGSASABUHAY: NAIS NG DIYOS NA IGALANG AT SUNDIN NATIN ANG


ATING MGA MAGULANG TULAD NI HESUS.

Ang ikaapat na Utos ng Diyos ay igalang mo ang iyong Ama at Ina (Exodo 20:12). Ito
lamang ang tanging utos na may kalakip na pangako ang Diyos. Ang sumusunod sa kanyang
magulang ay pagpapalain ng Diyos. Sa Sirac 3:5 sinasabi, “Ang gumagalang sa kanyang ama’y
paliligayahin naman ng kanyang mga anak, at ang panalangin niya’y agad diringgin ng
Panginoon.” Matutuwa ang ating Diyos Ama kung sa ating paglaki ay ating tinutularan si
Hesus sa pagiging masunuring Anak. Katulad ni San Pedro Calungsod na naging masunurin.
Siya ay isinilang noong taong 1654 mula sa Bisayas. Siya ay isang kabataang Pilipinong Santo
na naging migrante, sakristan at misyonerong katekista kasama si Beato Diego Luis de San
Vitores. Pumunta sila sa Guam upang magturo at magbinyag sa mga tao. May isang tao naman
ang naninira sa kanila, siya ay si Choco ipinagkakalat niya na ang tubig na gamit nila
pangbinyag ay may lason at marami naman ang naniwala isa na rito ay si Matapang. Isang araw
habang wala si Matapang sa kanilang tahanan ay bininyagan nina San Pedro at Padre Victores
ang kanyang anak sa pahintulot ng kanyang asawa. Nang malaman ito ni Matapang ay galit na
galit nitong pinuntahan ang nagbinyag sa kanyang anak upang patayin. Dahil bata pa si Pedro
ay maliksi ito at mabilis tumakbo, kaya mabilis siyang nakakaiwas ngunit hindi niya hinayaang
maiwan mag-isa ang pari bagkus sinamahan niya ito hanggang sa siya napatay. Sila ay itinapon
sa dagat habang tinalian naman ang kanilang mga paa ng bato. Siya ay kinilalang santo dahil sa
kanyang walang takot na pag-aalay ng buhay para sa Diyos. Sumunod siya sa halimbawa ni
Hesus sa pagtuturo at paggawa ng mabuti. Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing
Abril 2.

 Ano ang ginagawa ng Diyos sa panalangin ng mga masunuring anak?

3.3 PAGSAMBA: ANG PANALANGIN NG ISANG MASUNURING ANAK AY AGAD


PINAPAKINGGAN NG DIYOS.
Sa tuwing tayo ay nananalangin, lalo na sa panalangin ni Hesus na “Ama Namin” ay
tinatawag natin ang Diyos na ating Ama, at lumalapit tayo sa Kanya bilang isang masunuring
anak. Higit din tayong napapalapit sa ating Diyos Ama, kung taimtim at palagian tayong
lumalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pananalangin.

3.4 BUOD
Si Hesus na Anak ng Diyos ay lumaking masunuring anak hindi lamang sa Diyos kundi
maging kay Maria at Jose na nagpalaki sa Kanya. Tunay na naging halimbawa si Hesus sa
pagiging masunuring Anak ng Diyos. Nawa ang bawat isa sa atin ay matularan Siya sa
pagiging mabuti at masunuring anak, nawa sa ating pananalangin ay lubos tayong mapalapit sa
Diyos at makagawa ng mabuti para sa ating kapwa.

PAGSAGOT SA MAHALAGANG TANONG:


1. Ano ang itinuturo ni Jesus na magandang ugali bilang anak?
2. Ano ang nais ng Diyos Ama na ipakita natin sa ating mga magulang.
3. Ano ang ginagawa ng Diyos kung nanalangin ang masunuring anak?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na si Hesus na Anak ng Diyos ay lumaking masunuring bata.

4.2 Pagtatalaga: Magbigay ng gawain na ipinag uutos ng inyong magulang na inyong gagawin
ng walang hinihintay na kapalit.

4.3 Pagdiriwang:
Ngayon mga bata tayo ay pumikit at manalangin sa Diyos na atin siyang matularan sa
kanyang pagiging masunuring anak.
Anyayahan ang mga bata na dumalo sa Banal na Misa kasama ang kanilang pamilya.

Dasalin: Hesus aking Kuya, Ikaw ay aking tutularan sa pagiging masunurin. Amen

Aba, Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen

PAGNINILAY:
PAKSA 9: HESUS, IPINAKILALA ANG DIYOS BILANG AMA (AMA NAMIN)
Audience: Unang Baitang
Oras: 30-40 minuto
Pagpapahalaga: Pagiging masunurin
Pahayag ng Pinagkukunan/Pamamaran Layunin
Panananmpalataya (Sources & Means) (Transfer Goal)
(Enduring Understanding)
Katotohanan: Ipinakilala ni SalitangDiyos: Pagkatapos na maituro ang
Hesus na ang Diyos ay ating Mateo 6:7-14 paksang ito ang mga bata
Ama. Mt. 23:9 ay inaasahang:

Pagsasabuhay: Ang makilala * Matukoy na si Hesus ang


at ibigin ang Diyos, at KaturuanngSimbahan: nagpakilala sa Diyos
magalak na tanggapin ang KPK 1322, 1265 bilang ating Ama.
kanyang pagiging KPK 1337, 1315
Panginoon ang saligan ng *Naipapahayag ang
Kristianong pamumuhay. pagkilala at pagtitiwala
(KPK 880) sa Diyos Ama sa
pamamagitan ng
Pagsamba: Sa pagdarasal sa panalangin
Ama ay naipapahayag natin
ang ating pagtitiwala sa *Nauunawaan na ang
Kanya bilang mga anak. Diyos ay atin ding Ama.
MAHALAGANG
KAALAMAN (Knowledge) TANONG SANTO

Makilala ang Diyos bilang 1. Sino ang nagpakilala sa


Ama. atin sa Diyos bilang Santa Monica
Ama?
Ang makilala at ibigin ang 2. Ano ang magyayari PAGPAPAHALAGA:
Diyos, at magalak na kung palagi nating
tanggapin ang kanyang tatawagin ang Ama? Pagdarasal
pagiging Panginoon. 3. Paano natin
maipapahayag ang ating
Makapagpasalamat ang mga pagtitiwala at
bata sa Diyos Ama. pasasalamat sa Diyos
Ama?

SITWASYON NG
BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
Kilala na ang Diyos Ama. Sa pamamagitan ni Hesus Nakilala ang Diyos Ama
unti-unting makilala ang sa pamamgitan ni Hesus.
Nagdadasal ng Ama Namin Diyos Ama. Naipapakita ang
pagpapahalaga sa
Nakakapagpasalamat ang mga Mapahalaghan ang dasal panalanging Ama Namin
bata sa Diyos Ama. na Ama Namin. sa pamamagitan ng
pagdarasal nito ng buong
Makakasabay ang lahat ng puso.
Ama Namin.
Makilala at ibigin ang
Diyos at maagalak na
tanggapin ang Kanyang
pagiging Panginoon ang
saligan ng Kristianong
pamumuhay.
PAKSA 9: HESUS, IPINAKILALA ANG DIYOS BILANG AMA (AMA NAMIN)

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
Panginoon, pinupuri at pinasasalamatan ka namin sa panibagong araw na ibinigay mo.
Ikaw ang aming Ama na siyang nagbibigay sa amin ng aming mga pangangailangan. Gabayan
mo kami sa lahat ng oras upang ang aming gagawin ay naayon sa iyong kalooban. Hinihiling
namin ito sa pangalan ni Hesus kasama ang Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Balik Aral: Magandang araw mga bata. Sa araw na ito muli tayong nagkasama-sama upang
matuto at makinig sa Salita ng Diyos ngunit bago natin simulan ang panibagong aralin, magbalik
aral muna tayo sa ating natutunan sa huling paksang ating tinalakay. Natutunan natin ang
pagiging masunurin sa ating huling aralin. Sino ang ating dapat tularan sa pagiging masunuring
anak? -Hesus po. Tama! Kaya nararapat nating tularan si Hesus na isang masunuring anak hindi
lamang sa ating magulang kundi maging sa Diyos.
Si Hesus na Anak ng Diyos ay lumaking masunuring anak hindi lamang sa Diyos kundi
maging kay Maria at Jose na nagpalaki sa Kanya. Tunay na naging halimbawa si Hesus sa
pagiging masunuring Anak ng Diyos. Nawa ang bawat isa sa atin ay matularan Siya sa pagiging
mabuti at masunuring anak, nawa sa ating pananalangin ay lubos tayong mapalapit sa Diyos at
makagawa ng mabuti sa ating kapwa.

Ngayong araw alamin naman natin kung sino ang ipinakilala ni Hesus.

MAHALAGANG TANONG:
1. Sino ang nagpakilala sa atin sa Diyos bilang Ama?
2. Ano ang mangyayari kung palagi nating tatawagin ang Ama?
3. Paano natin maipapahayag ang ating pagtitiwala at pasasalamat sa Diyos Ama?

LINKAGE: Handa na ba kayong malaman kung paano ni Hesus ipinakilala ang Kanyang Ama?
-Opo. Tayo ay umupo ng maayos at makinig sa pagpapahayag ng Ebanghelyo.

I. SALITA NG DIYOS

1.1 Pagpapahayag ng Salita ng Diyos: Mateo 6:7-14


Kwento ng panalangin ni Hesus sa Ama “Ganito kayo manalangin, Ama naming nasa
langit, sambahin nawa ang Iyong Ngalan....”

1.2 Pagtatanong tungkol sa Salita ng Diyos

 Sino ang nagsasalita sa ating ipinahayag? Si Hesus


 Ano ang gusto ni Hesus na itawag natin sa Kanyang Ama? Ama rin po
 Ano ang itinuturo sa atin ni Hesus sa pagpapahayag? Ang manalangin po sa Ama
 Ayon kay Hesus, paano ba tayo manalangin sa ating Amang nasa langit? Huwag gagamit
ng maraming salita.
 Paano tayo makikipag-usap sa ating Amang nasa langit? Palaging magdasal.

1.3 BUOD NG SALITA NG DIYOS


Narinig natin sa kwento, na hiniling ng mga alagad na turuan sila ni Hesus manalangin.
Ang turo ni Hesus, kapag nagdarasal, hindi natin kinakailangan na gumamit ng napakaraming
salita. Ang kailangan ay taimtim at buong pusong paglapit at pakikipag-usap sa Diyos. Sinabi
rin ni Hesus na kapag ay nagdarasal ay tawagin ang Diyos na Ama. Bakit nais ni Hesus na
tawagin ang Diyos na Ama? Sapagkat “iisa lamang ang ating Ama, ang Amang nasa langit”
(Mt. 23:9). Si Hesus mismo sa pamamagitan ng dasal na Ama Namin ay nagturo sa Kanyang
mga alagad at sa atin na ang Diyos ay ang ating Ama na nasa langit.

Kaya tayo bilang mga anak ng Diyos ay huwag tayong matakot na lumapit sa ating Ama
na nasa langit sa pamamagitan ng panalangin.

Kayo din ba ay nagdarasal? Paano kayo nagdarasal?

II. SITWASYON NG BUHAY:

2.1 Gawain: Karanasan ng mga bata tungkol sa pagdadasal (Magpapakita ng iba’t ibang larawan
nang mga taong nagdarasal. Hal. Sa hapag kainan bago kumain, sa pagpasok sa paaralan,
pagkagising sa umaga at bago matulog, etc.)

 Anu-ano ang nakikita ninyo sa larawan? -may bata pong nagdadasal paggising,
nagdadasal po siya bago kumain, nagdadasal po bago magsimula ng klase.
 Naranasan ninyo na din bang magdasal? Kailan? -opo, araw-araw po, bago kami
matulog.
 Sino ang nagturo sa ating magdasal? Si mama at papa po
 Sino ang ating kinakausap sa tuwing tayo ay nagdadasal? Si Hesus po. Diyos po.
 Mahalaga ba ang pagdarasal? Bakit? Opo, kasi hindi magagalit si mama at hindi tayo
mapapahamak.
 Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang bata upang maging isang mabuting bata at
malayo sa kapahamakan? -maging madasalin po.

2.2 Pagpapalalim ng Pagpapahalaga

A. VALUE DEFINITION:
 Ano ang ibig sabihin ng pagdarasal? Laging nakikipag-usap po sa Diyos, laging
nagdarasal, makikipag usap sa Diyos po

B. VALUE CLARIFICATION

 Mahalaga ba ang magdasal? Bakit? -Opo, kasi makakausap ang Diyos. Hindi po
mapapahamak. Bibigyan po ng pagkain at pera.
 Ano ang magagandang magyayari kung tayo ay palaging nagdarasal? Binibigay po ang
ating hinihingi, magiging mabait na bata, magiging kaibigan si Hesus.
C. VALUE PURIFICATION:
 Ano naman ang mangyayari kung tayo ay hindi nagdadarasal? Mang-aaway po palagi ng
kaklase. Magiging salbahe. Mapapahamak po.

D. Action Plan
 Ipikit ang ating mata at magdasal tayo sa Diyos. Sabihin natin “Salamat po. Patawad po.
Mahal ko kayo aking Diyos Ama.”

2.3 PAGTATAGPO:

Tinuruan ni Hesus ang mga alagad na manalangin sa Ama sa pamamagitan ng


pagdadasal ng Ama Namin. Itinuro niya ito upang ay makahingi sa ating Ama ng gabay sa
pang-araw-araw at makapagpasalamat sa biyayang ibinigay Niya. Sinabi din Niya na hindi
kailangang magsalita ng magsalita sapagkat hindi pa man nakakahingi ay alam na ng Diyos ang
lahat ng mga pangangailangan ngunit bilang pasasalamat sa kanya marapat na magdasal sa
lahat oras. Tayong lahat ay tinuturuan at hinihikayat ni Hesus na manalangin tuwina sa Ama.
Kaya nga tulad na lamang sa mga larawan na inyong nakikita, tayo ay nararapat manalangin
bago kumain, bago matulog o maging sa ating paggising sa umaga. Sa ating pagdadasal ay
malaya tayong nakikipag-usap sa Diyos at nakakahingi ng tulong sa ating Diyos Ama.

2.4 Linkage
 Paano ipinakilala sa atin ni Hesus ang Diyos Ama?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: IPINAKILALA NI HESUS NA ANG DIYOS AY ATING AMA.


Maliban sa ating ama na nakilala natin dito sa lupa ay may isa pa tayong Ama sa langit,
siya ay ang Diyos Ama na ipinakilala sa atin ni Hesus sa pamamagitan ng panalangin na Ama
Namin. Ipinakilala ni Hesus sa atin sa Kanyang pagtuturo na ang Diyos ay Ama ng lahat, at
tinuruan Niya ang Kanyang mga alagad na manalangin sa Diyos bilang “Ating Ama” (Mt. 6:9).
Ipinakilala ni Hesus na ang Diyos ay mapagmahal, Siya ay mabuti, makapangyarihan,
mapagpatawad at mapagmahal.

 Paano natin naipapahayag ang ating pagtitiwala sa Diyos Ama bilang Kanyang mga
anak?

3.2 PAGSAMBA: SA PAGDARASAL SA AMA AY NAIPAPAHAYAG NATIN ANG


ATING PAGTITIWALA SA KANYA BILANG MGA ANAK.

Tuwing dinarasal natin ang Ama Namin na itinuro ni Hesus ay pinupuri natin at
pinasasalamatan ang Diyos sa lahat ng bagay na ipinagkaloob Niya sa atin. Nakakapagsabi tayo
ng ating mga pangangailangan at maging ating mga sekreto ay ating masasabi sa Kanya. Sa ating
palagiang pagdadasal ay nabubuo ang ating pagtitiwala sa kanya na tayo ay kanyang iingatan sa
lahat ng oras. Tulad na lamang sa ating bahay sa tuwing nais natin ng makakausap nariyan ang
ating mga magulang sa kanila ay nakakapagsabi tayo dahil naniniwala tayo na hindi nila tayo
pababayaan ganun din ang Diyos Ama. Kaya lagi tayong magdasal sa Kanya sapagkat sa tuwing
tayo ay nagdarasal naipapakita natin na nagtitiwala tayo sa Kanyang pagmamahal. Kung ang
pananalangin ay gagawin nating bahagi ng ating buhay nagiging matatag ang relasyon natin sa
Diyos at nakakaiwas tayo sa paggawa ng masama. Nagiging mapagmahal na bata tayo katulad
ng Diyos kung tayo ay palaging nagdadasal sa lahat ng oras, higit sa lahat kung tayo ay
nagsisimba. Sa pagdalo natin ng Banal na Misa nakakaisa natin si Hesus na ating Kapatid at
nakakahingi tayo sa Kanya ng tulong na mapalapit sa ating Ama. Sa ating pananalangin hindi
lamang para sa ating sarili kundi para sa lahat, tayo ay nagiging kaisa ng Diyos sa pagmamahal
sa ating kapwa.

Katulad ng isang ipapakilala ko sa inyo. Siya ay laging nagdasal sa Diyos at hindi nawalan ng
pag-asa na darating ang panahon na diringgin ng Diyos ang kanyang kahilingan na magbago ang
mga taong ipinagdarasal niya. Siya ay si Sta. Monica. Siya ay huwaran ng mga Ina, at mga balo.
Isinilang siya sa Tagaste (ngayon Soukahras), Africa noong 332. upang makarating sa rorok ng
kabanalan, tatlong krus ang tiniis niya- ang isang biyenang mabagsik, isang asawang malupit at
isang anak na makasalanan. Napangasawa nya si Patricio, isang pagano na dahil sa lubos na
pagmamahal at walang tigil na panalangin ni Sta Monica ay nahikayat niyang magpabinyag bago
siya mamatay noong 371. Ang kanyang anak na si Agustin, ay nagbagong buhay at naging pari.
Para magbalik loob ang kanyang asawa, biyenan at anak na si Agustin, dalawa ang kanyang
ginamit na paraan, panalangin at pagpapakasakit. Bago mamatay si Sta Monica sa Ostia noong
387, ito ang huling habilin sa kanyang anak “walang kwenta sa akin kahit saan mo ako ilibing
huwag mo lamang akong kalilimutan kung nasa altar ka na!”Ang kanyang buhay ay isang
inspirasyon sa atin na nagiging posible ang mga imposible sa tuwing tayo ay nagdarasal ng
buong puso at nagtitiwala sa Diyos.

 Ano ang magandang maidudulot sa atin kung tayo ay palaging magdadasal?

3.3 PAGSASABUHAY: ANG MAKILALA AT IBIGIN ANG DIYOS, AT MAGALAK NA


TANGGAPIN ANG KANYANG PAGIGING PANGINOON ANG SALIGAN NG
KRISTIANONG PAMUMUHAY. (KPK 880)
Bilang mga kapatid ni Hesus, tayo rin ay dapat na magsumikap na makilala, ibigin
at sambahin ang Diyos na ating Ama. Ito ang layunin ng ating pagsunod kay Hesus at buhay
Kristiano, ang makapiling ang Diyos Ama sa takdang panahon. Ito rin ang nais ng Diyos
Ama na magmahalan tayo bilang Kanyang mga anak na tagapagmana ng Kanyang Kaharian.

3.4 BUOD
Ipinakilala ni Hesus ang Diyos bilang Ama nating lahat. Siya ang ating Ama sa langit na
labis na nagmamahal sa atin. Sa takdang panahon ay nais Niya na makapiling tayo sa Kanyang
Kaharian, ngunit patuloy lamang nating madarama ang Kanyang pag-ibig at nakaka-usap natin
Siya tuwing tayo ay nananalangin. Sa pagdarasal ng Ama Namin ay naipapahayag natin ang
ating pagtitiwala sa Kanya bilang mga anak Niya kaya palagi tayong magdasal sa Ama para
tayo maging katulad Niya na mapagmahal.

MAHALAGANG TANONG

1. Sino ang nagpakilala sa atin sa Diyos bilang Ama?


2. Ano ang magyayari kung palagi nating tatawagin ang Ama?
3. Paano natin maipapahayag ang ating pagtitiwala at pasasalamat sa Diyos Ama?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na ang Diyos ay aking Ama.


4.2 Pagtatalaga: Paano mo maipapakita ang iyong pagiging anak ng Diyos sa pananalangin at
sa iyong mga gawain? (Kabisaduhin ang Ama Namin)

4.3 Pagdiriwang: Awitin kalakip ang action: AMA NAMIN

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

PAGNINILAY:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
PAKSA 10 : DIYOS ESPIRITU SANTO, PINAKA-DAKILANG REGALO NG AMA AT NI HESUS
Audience: Unang Baitang
Oras: 30/ 40 minuto
Pagpapahalaga: Paggawa ng Mabuti
PahayagngPananampalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)

Katotohanan: Ang Diyos Espiritu Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang


Santo ay “Tagapagbigay ng Buhay” paksang ito ang mga bata ay
pinakadakilang regalo ng Ama at ni Juan 14:16-17, inaasahang:
Hesus. (KPK1322,1265) Roma 5:5
Hari 3:16-28 Masasabi na ang Espiritu
Pagsasabuhay: Makakagawa tayo ng Katuruan ng Simbahan: Santo ay Diyos mula sa
mabuti araw-araw sa tulong ng Ama at sa Anak.
Espiritu Santo na nagbibigay sa atin KPK 1322, 1265, 1337, 1315,
ng buhay at lakas. (KPK 1337, 1315) 1555 Makakagawa ng mga
KIK 741, 2652 mabubuting gawain sa loob
Pagsamba: Nakakapagdasal tayo ng ng isang linggo.
maayos at mabuti sa tulong ng
Espiritu Santo. (KIK 741, 2652, KPK Makakapanalangin sa Diyos
1555) Espiritu Santo.

KAALAMAN(Knowledge) MAHALAGANG TANONG SANTO


(Essential Questions)

Ang Espiritu Santo ay ang Diyos. 1. Sino ang Diyos Espiritu SANTO: St. Philip Neri
Ano ang nagagawang tulong sa atin Santo?
nito? 2. Ano ang pinakadakilang PAGPAPAHALAGA:
Makapanalangin sa Diyos Espiritu regalo ng Diyos Ama at ni Paggawa ng mabuti
Santo. Hesus sa atin?
3. Sino ang tutulong sa atin
upang makapagdasal tayo ng
mabuti?

SITWASYON NG BUHAY
Bago Kasalukuyan Pagkatapos

Malinaw na maipakilala ang Diyos Masasabi nila na ang Diyos Nakakasabi na ang Diyos
Espiritu Santo Espiritu Santo ay Espiritu Santo ay galing sa
“Tagapagbigay ng Buhay” Ama at kay Hesus.
Makatawag at makahingi ng tulong sa Magkapagbigay tulong sa
Diyos Espiritu sa paraang paggawa ng Makakagawa ng mga mga nangangailangan.
mabuti. mabubuting kilos para sa Magpapasalamat at aawitin
kapwa. ang awit para sa Espiritu
Makapagpasalamat sa tulong na Santo.
ibibigay ng Diyos Espiritu Santo. Makakapagdasal ng maikling
panalangin para sa Espiritu
Santo.
PAKSA 10: DIYOS ESPIRITU SANTO: PINAKADAKILANG REGALO NG AMA AT NI
HESUS

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat kami po ay nagpupuri at nagpapasalamat sa inyo sa araw
na ito na muli mo kaming pinagtipon. Nawa'y suguin Ninyo po sa amin ang Espiritu Santo upang
maunawaan at maisabuhay namin ang inyong Salita. Hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

BALIK ARAL:
Magandang araw sa inyo, kumusta kayong lahat? Noong nakaraang linggo ipinakilala sa atin ni
Hesus ang Diyos ay ating Ama. Ipinakilala ni Hesus ang Diyos bilang Ama nating lahat. Siya ang
ating Ama sa langit na labis na nagmamahal sa atin. Sa takdang panahon ay nais Niya na
makapiling tayo sa Kanyang Kaharian, ngunit patuloy lamang nating madarama ang Kanyang
pag-ibig at nakaka-usap natin Siya tuwing tayo ay nananalangin. Sa pagdarasal ng Ama Namin
ay naipapahayag natin ang ating pagtitiwala sa Kanya bilang mga anak Niya kaya palagi tayong
magdasal sa Ama para tayo maging katulad Niya na mapagmahal.

Natutunan din natin sa mga nakaraang paksa na ang ating pamilya ay regalo ng Diyos sa atin.
Sa araw na ito ang ating paksa ay tungkol sa pinaka dakilang regalo ng Diyos Ama at ni Hesus. Para
lubos natin maunawaan ang ating paksa ay may mga mahalagang katanungan tayong sasagutin
pagkatapos ng ating pagtalakayan.

MAHALAGANG TANONG
1. Sino ang Diyos Espiritu Santo?
2. Ano ang pinakadakilang regalo ng Diyos Ama at ni Jesus sa atin?
3. Sino ang tutulong sa atin upang makapagdasal tayo ng mabuti?

LINKAGE: Upang malaman natin kung sino ang pinakadakilang regalo sa atin ng Ama at ni Hesus,
pakinggan natin ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ayon kay San Juan.

I. PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


1.1 SALITA NG DIYOS JUAN 14:16-17
“Dadalangin ako sa Ama, at kayo'y bibigyan Niya ng isa pang patnubay na magiging kasama
ninyo magpakailanman. Ito ay ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat
hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan.”

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS:

 Ano ang hiniling ni Hesus sa kanyang Ama? -bigyan po ng patnubay ang mga alagad.
 Sino ang ibinigay sa atin ni Hesus? -Espiritu Santo
 Sino ang Espiritu Santo? Ang Espiritu ng katotohanan
 Bakit nais ni Hesus na mapasaatin ang Espiritu Santo? Para may makakasama tayo magpakailanman.
 Ano ang gawain ng Espiritu Santo sa atin? Gagabayan tayo
Tama! Kaya ano ang sinasabi sa….

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS:


Juan 14:16-17 “Dadalangin ako sa Ama, at kayo'y bibigyan Niya ng isa pang patnubay na
magiging kasama ninyo magpakailanman. Ito ay ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng
sanlibutan sapagkat hindi siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan.” Ipinakita ni Hesus ang kanyang
pagmamahal sa pamamagitan ng kanyang paghiling sa kanyang Ama na nasa langit, na ang mga
alagad ay bigyan ng isa pang makakasama na gagabay sa kanila. Siya ang Espiritu Santo na hindi
matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi Siya nakikita ngunit nakikilala Siya sapagkat siya ay
nanananahan sa bawat isa. Siya ang nagtuturo na gumawa ng mabuti at iwasan ang paggawa ng mali.
Tulad ng sinabi ni San Pablo sa mga taga Roma 5:5 "Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat
ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na
ipinagkaloob sa atin." Siya ang gagabay upang ang sinuman ay patuloy na mailapit sa Ama at sa
Anak na si Hesus. Ang Espitritu Santo ang ibinigay sa mga alagad at Siya ay ibinigay din sa atin.
Siya ang regalo sa atin ng Ama at ni Hesus.

LINKAGE: Mga bata, naranasan ninyo na bang makatanggap ng regalo? – Opo. Alamin natin kung
kailan tayo nakakatanggap ng regalo sa ating mga magulang o maging sa ating kamag-anak.

II. SITWASTON NG BUHAY:

2.1 GAWAIN : Magbabahagi ang mga bata base sa kanilang karanasan sa pagbibigay at pagtanggap ng
regalo. (Magpapakita ng kahon na pang-regalo na may nakasulat sa loob na Espiritu Santo)

Pagtatanong:
 Ano itong hawak ko? -kahon po, regalo po.
 Naranasan niyo na bang makatanggap ng regalo? –opo
 Sino ang nagbibigay sa inyo ng regalo? -si mama, ate, papa, lola, etc.
 Tuwing kalian kayo nakakatanggap ng regalo? -kapag kaarawan, kapag naging mabait po ako,
kapag mataas ang grade.
 Ano ang nararamdaman ninyo sa tuwing kayo ay nakakatanggap ng regalo? Bakit?
-masaya po kasi may gamit na naman ako.
 Ano ang katangian ng taong nagbibigay ng regalo? -mabait po, mapagbigay, mabuti.

2.2 PALALIMIN ANG PAGPAPAHALAGANG TINALAKAY

A. VALUE DEFINITION
• Ano ang ibig sabihin ng paggawa ng mabuti? Pagtulong, pagbibigay, paggawa ng tama

B. VALUE CLARIFICATION:
 Mahalaga ba ang paggawa ng mabuti? Bakit? -opo kasi nakakatulong sa iba, may mapapasaya po tayo,
mararamdaman po niyang may kaibigan siya.
 Ano ang mangyayari sa atin kapag tayo ay patuloy na gumagawa ng mabuti? -matutuwa po sa atin ang
magulang natin. Bibiyayaan po ng Diyos.

C. VALUE PURIFICATION:
 Ano naman ang mangyayari kapag hindi tayo gumagawa ng mabuti? -nagkakaroon po ng kaaway,
nagiging makasarili at madamot sa kapwa kasi hindi tayo tumutulong sa kanila.
Nawa patuloy tayong gumawa ng kabutihan sa ating kapwa at iwasan ang pagiging makasarili,
sapagkat ang hinahangad sa atin ay ang maging mabuti sa ating kapwa sapagkat sa paraaang itoy
maipadama natin ang pagmamahal ng Diyos sa bawat isa.

D. ACTION PLAN
 Isulat sa kuwaderno, kung ano ang gagawin ninyong mabuti sa inyong kaklase, magulang o
kaibigan.

Sino ang tumutulong sa atin upang patuloy tayong gumawa ng mabuti sa kapwa?

2.3 PAGTATAGPO:
Mahalaga na tayo ay gumawa ng mabuti sa ating kapwa, dahil ito ay nagpapakita ng
pagmamahal natin sa kanila. Nakakagawa tayo ng kabutihan sa bawat isa dahil sa tulong ng Espiritu
Santo na ibinigay sa atin ng Ama sa pamamagitan ni Hesus. Ito ang tanda ng pagmamahal ng Ama at ni
Hesus, kaya nga mga bata sa ating pagtulong, pagsunod sa ating mga magulang o sa nakakatanda at sa
pagiging mapagbigay sa mga taong nangangailangan ay maipapakita natin sa Diyos ang ating
pagmamahal at pagtitiwala sa kanya. Sa tulong at gabay ng Espiritu Santo tayo ay nagiging mabuting
tao. (Ipakita ang laman ng regalong hawak) Ito ang regalong ibinigay sa atin ng Ama at ni Hesus. Tulad
nga ng ilan sa ating mga kaklase nakakatanggap sila ng regalo mula sa kanilang magulang o mga
kamag-anak na nagbibigay sa kanila ng kasiyahan. Tulad ng ating regalo, sa ating pagtitiwala sa
Espiritu Santo at paggawa ng mabuti nagiging masaya sa atin ang Diyos at natutularan siya sa paggawa
ng mabuti sa ating kapwa at nagiging katulad natin Siya na maging mapagmahal.

2.4 LINKAGE: Ano ang pinakadakilang regalo ang natanggap natin mula sa Ama at ni Hesus?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

3.1 KATOTOHANAN: ANG DIYOS ESPIRITU SANTO AY "TAGAPAGBIGAY NG BUHAY"


PINAKADAKILANG REGALO NG AMA AT NI HESUS.

Ang Espiritu Santo ang ikatlong persona, katulad ng Diyos Ama at Diyos Anak na si Hesus.
Siya ang pinakadakilang regalo ng Diyos Ama at ng Anak na si Hesus. Siya ang isinugo sa upang
makilalala natin ang Diyos Ama sa pamamagitan ni Hesus.

Ang Espiritu Santo ay ang Tagabigay ng Buhay, noong tayo ay nilikha ng Diyos mula sa alabok
ay hiningahan Niya tayo at tayo ay nagkaroon ng buhay.
Dahil sa pagmamahal ng Ama at ni Hesus tayo ay pinagkalooban Tagapatnubay, Siya ang
Espiritu Santo. Siya ang ating gabay na tumutulong sa atin na magpasya at gawin ang mabuti.
Ang Espiritu Santo ay naglalapit sa atin kay Hesus sapagkat patuloy Niyang ipinaaala sa atin
ang mga turo ni Hesus upang tayo ay lalong mapalapit sa Kanya.
Bagamat hindi natin nakikita and Espiritu Santo, Siya ay lagi nating kasama at nagbibigay lakas
sa atin na gumagawa ng mabuti sa ating kapwa. Ang Espiritu Santo ay handang tumulong upang tayo ay
palakasin lalo na sa oras ng pangangailangan at pag-iisa.

Ano ang nais ng Diyos Ama at ni Hesus na gawin natin?

3.2 PAGSASABUHAY: MAKAKAGAWA TAYO NG MABUTI ARAW-ARAW SA TULONG NG


ESPIRITU SANTO NA NAGBIBIGAY SA ATIN NG BUHAY AT LAKAS.
Ang Espiritu Santo ay nagbibigay sa atin ng saya, buhay at lakas kaya tayo ay nakakagawa ng
mabuti araw-araw. Ang Espiritu Santo din ang ating gabay na tumutulong sa atin na magpasya at gawin
ang mabuti. Siya ay lagi nating kasama at nagbibigay lakas sa atin na gumagawa ng mabuti sa ating
kapwa.
Noong gabi bago ang pagdiriwang ng Pentekostes, nakakita si San Philip Neri ng parang isang
globo ng apoy. Sinasabi na ang apoy ay pumasok sa kanyang bibig, na nagdulot kay Felipe ng sobrang
saya sa kanyang puso at pakiramdam niya na ang kanyang puso ay lumaki. Si Philip ay napuno ng banal
na pag-ibig na naging dahilan upang siya ay sumigaw, "Tama na, sapat na Panginoon, hindi ko
makayanan." Pagkatapos ay natuklasan ni Philip ang pamamaga sa kanyang puso, bagamat hindi ito
nagdulot ng sakit. Sino po ba si San Felipe Neri? siya ay isinilang sa Florence, Italy noong 1515. Sa
murang edad nagtungo siya sa Roma mula Florence upang italaga ang kanyang buhay sa Panginoon.
Paglipas ng tatlong taon ng pag-aaral ng pilosopiya at teolohiya, hindi na siya umasa pang
maoordenahan. Ang sumunod na labintatlong taon ay ginugol niya sa isang bokasyong hindi karaniwan.
Siya ay naging laykong aktibo sa mga gawaing pananalangin at apostolado. Nang panahong
nagkakaroon ng pagbabago sa mga doktrina ng Simbahan dahil sa konsilyo ng Trento, itinatag ni Philip
ang isang institusyong relihiyoso na kilala sa tawag na Oratoryo. Sila ay nananalangin at naglilingkod sa
mahihirap na naninirahan sa Roma.

 Sino ang tumutulong sa atin upang makapagdasal ng maayos at mabuti?

3.3 PAGSAMBA: NAKAKAPAGDASAL TAYO NG MAAYOS AT MABUTI SA TULONG NG


ESPIRITU SANTO.

Tayong mga tao ay mayroong kahinaan hindi man sa pangkatawan kundi maging sa ating espiritwal
kaya sa pamamagitan ng Espiritu Santo tayo ay maayos at mabuting nakakapagdasal. Tulad ng sulat ni
San Pablo sa mga Taga Roma "Gayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu Santo sa ating
kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto. Kaya't ang Espiritu Santo ang lumuluhog para
sa atin sa paraang di magagawa ng pananalita." (ROMA 5:5) Ang kailangan natin ay huwag tayong
mahiyang magdasal dahil ang Espiritu Santo ay laging nakaagapay sa atin kahit tayo ay may kahinaan,
Siya ang nagbibigay ng buhay at lakas sa atin. Sa ating pananalangin ay mas higit tayong nailalapit ng
Espiritu sa Ama at sa Anak. Natutulungan din tayo ng Espiritu Santo na mamuhay na puno ng
pagmamahal at nagiging mabuting tao tayo sa tulong ng mga pananalangin.

3.4 BUOD:
Ang Diyos Espiritu Santo ay "Tagapagbigay ng Buhay", Siya ang pinakadakilang regalo ng
Ama at ni Hesus sa atin. Makakagawa tayo ng mabuti araw-araw sa tulong ng Espiritu Santo na
nagbibigay sa atin ng buhay at lakas. Nakakapagdasal tayo ng maayos at mabuti sa tulong ng Espiritu
Santo.

MAHALAGANG TANONG:
1. Sino ang Diyos Espiritu Santo?
2. Sino ang pinakadakilang regalo ng Diyos Ama at ni Jesus sa atin?
3. Sino ang tutulong sa atin upang makapagdasal tayo ng mabuti?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 PANININDIGAN: Naniniwala ako na ang Diyos Espiritu Santo ang pinakadakilang regalo ng Ama
at ni Hesus.

4.2 PAGTATALAGA: Ilista ang mga kabutihang gagawin sa kapwa at ipangako mo ito’y gagawin.

4.3 PAGDIRIWANG: Halina Espiritu Santo, Kinakailangan kita


sigla at lakas ng mahina/ Pagasa ka naming lahat
Halina na tulad ng batis sa aming kaluluwa/ Taglay ang kapangyarihan
Sala ay kalusugan.

Dasalin: Lualhati ….

Aba, Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen

PAGNINILAY:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Paksa 11: BIBLIYA : BANAL NA AKLAT
Audience: Unang Baitang
Oras: 30/ 40 minuto
Pagpapahalaga: Paggalang sa Bibliya
Pahayag ng Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
Panananmpalataya (Sources & Means) (Transfer Goal)
(Enduring Understanding)
Katotohanan: Ang Bibliya ay Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang paksang ito
Banal na Aklat. Ang Bibliya ay ang mga bata ay inaasahang:
Salita ng Diyos [KIK 109, 134; 2 Timoteo 3:15-16
KPK 112, 113] Maunawaan na ang Bibliya ay Banal
Supporting Text: na Aklat.
Pagsasabuhay: Sa tuwina, Lucas 8:19-21
iginagalang ng Simbahan ang Isaias 55:11 Makakapagtala ng mga pamaraan na
Bibliya. [KIK 141] makakapagpakita ng paggalang sa
Katuruan ng Simbahan: Bibliya.
Pagsamba: Sa mga pagtitipon sa
Simbahan ipinagdiriwang natin KIK-109, 134; 141, 1154 Makakapag-alay ng parangal sa Banal
ang Salita ng Diyos. [KIK 1154] KPK-112,113 na Aklat.
Kaalaman: Knowledge Mahalagang Tanong Santo:
(Essential Question)

Kahulugan ng Bibliya 1.Ano ang Bibliya para sa iyo? Santo: San Jerome

Paano ipapakita ang paggalang 2.Nasusukat ba ang paggalang sa Pagpapahalaga:


sa Bibliya Bibliya? Bakit?
Paggalang sa Bibliya
Makinig ng Salita ng Diyos sa 3. Paano pinahahalagahan ng
Banal na Misa Simbahan ang Bibliya?

Sitwasyon ng Buhay

Bago Kasalukuyan Pagkatapos

Ang Bibliya para sa mga bata ay Unti-unting nauunawaan ang Napahahalagahan na ng mga bata na
isang ordinaryong aklat lamang. tunay na kahulugan at ang Bibliya ay Banal na Aklat na
kahalagahan ng Bibiliya. naglalaman ng Salita ng Diyos.
Hindi napapahalagahan ang Makapagbibigay na sila ng parangal
Bibliya sa kanilang buhay. Nabubuksan na kanilang isipan kung paano gagamitin at ilalagay ang
tungkol sa kahalagahan ng Bibliya sa tamang lugar.
Nakikinig sila sa mga pagbasa Bibliya.
ng Salita ng Diyos ngunit hindi Magiging bahagi na ng kanilang buhay
nila nauunawaan Nakikinig na ng Salita ng Diyos ang pakikinig ng Salita ng Diyos ng
na may paggalang may paggalang tuwing linggo.
PAKSA 11: BIBLIYA, BANAL NA AKLAT
Pambungad na Panalangin:
O, Diyos Ama sa langit, pinupuri at pinasasalamatan ka namin sa biyayang ipinagkaloob mo sa
amin. Nawa’y maisabuhay naming ang nilalaman ng Iyong Banal na Aklat. Salamat po sa inyong
kabutihan. Patawarin mo kami Panginoon sa aming mga kasalanan. Hinihiling namin ito sa pangalan ni
Hesus kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Noong nakaraan nalaman natin ang tungkol sa Diyos Espiritu Santo. Ang Diyos Espiritu Santo ay
"Tagapagbigay ng Buhay". Siya ang pinakadakilang regalo ng Ama at ni Hesus sa atin. Makakagawa tayo
ng mabuti araw-araw sa tulong ng Espiritu Santo na nagbibigay sa atin ng buhay at lakas.
Nakakapagdasal tayo ng maayos at mabuti sa tulong ng Espiritu Santo.
Ngayon naman, ang aaralin natin ay tungkol sa Bibliya: Banal na Aklat.
Mahalagang Tanong:
1. Ano ang Bibliya para sa iyo?
2. Nasusukat ba ang paggalang sa Bibliya? Bakit?
3. Paano pinahahalagahan ng Simbahan ang Bibliya?

At ngayon, mga bata, pakinggan natin ang Salita ng Diyos at alamin natin ang sinasabi tungkol sa
Bibliya: Banal na Aklat.
I. PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS:
1.1 SALITA NG DIYOS
Timoteo 3: 15-16
Mula sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa
pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos
at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa pag tutuwid sa
likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay.

1.2 PAGTATANONG TUNGKOL SA SALITA NG DIYOS


 Ano ang ituturo ng Banal na Kasulatan? Daan ng Kaligtasan
 Saan natin magagamit ang Banal na Kasulatan? Sa pag tuturo ng katotohanan, sa pag tatama ng
maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na
pamumuhay.
Kaya habang mga bata pa may sinasabi at paalaala sa lahat mula sa Mabuting Balita.

1.3 PAGBUBUOD
Timoteo 3: 15-16 Mula sa pagkabata ay alam mong ang Banal na Kasulatan ay nag tuturo ng
daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus Cristo. Ang lahat ng kasulatan ay
kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama sa maling katuruan, sa
pag tutuwid sa likong gawain at sa pag sasanay para sa matuwid na pamumuhay.

Ang Bibliya ay Banal na Aklat. Ito ay patuloy na tumutulong upang palalimin ang ating
pananampalataya sa Diyos. Ayon kay propeta Isaias 55: 11, Gayun naman ang aking salita, na
lumalabas sa aking bibig hindi iyon babalik sa akin ng walang magagawa, kundi gagawin nito ang
aking nais at tutuparin kung bakit ko ito isinugo.
Ano ang nararapat nating gawing pagpapahalaga sa Bibliya? Igalang po, basahin, pakinggan at sundin po
ang nilalaman ng Banal na Kasulatan.
II. SITWASYON NG BUHAY:
2.1 GAWAIN

(Ipakita ng Katekista ang dala niyang Bibliya)


2.2 Palalimin ang Pag papahalagang Tinatalakay

Sinu-sino ang may Bibliya sa bahay? Itaas ang kamay.


Saan ito nakalagay? Sa Altar po
Binabasa ba ang Bibliya? Hindi po
Gusto ba ninyong malaman kung ano ang nakasulat sa Bibliya? Opo
Ano ang nararapat nating gawin sa Biblia? Babasahin at igagalang
2.3 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA
A. VALUE DEFINITION:

 Ano ang ibig sabihin ng paggalang sa Bibliya? Bibigyan po ng halaga.


 Paano natin bibigyan ng halaga ang Bibliya?
-Babalutan po at ilalagay sa altar
-Babasahin ang mga nakasulat at pakikinggan ang mga pagbasa muna sa Banal na
Kasulatan sa Simbahan.

B. VALUE CLARIFICATION:

Mahalaga ba ang paggalang ng Bibliya? Opo Bakit? Ito po ay Salita ng Diyos


Paano natin igagalang ang Bibliya o Banal na Kasulatan?

C. VALUE PURIFICATION:

 Nararapat ba nating igalang ang Bibliya o Hindi?


-Nararapat pong igalang ang Bibliya
-Ito ang Banal na Aklat kaya Dapat igalang.
Tama, at tunay na nararapat igalang ang Bibliya dahil nilalaman nito ang Salita ng Diyos.
D. ACTION PLAN: Kanina, narinig natin na maganda ang mangyayari kung babasahin natin ang
Bibliya. Matututunan natin ang daan ng kaligtasan, matututo tayo ng tamang gawain at tayo ay masasanay
sa matutuwid na pamumuhay.
2.4 PAGTATAGPO
Ang Bibliya ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus
Cristo. Ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa
pagtatama sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na
pamumuhay. Ang Bibliya ay magbibigay ng impormasyon sa atin, magbibigay ng pag-asa, buhay, lakas
at patuloy tayong pinalalakas sa pananampalataya kaya mga bata. Kaya nararapat na basahin, pakinggan
at igalang natin ang Bibliya, nawa laging buklatin at basahin natin ito upang mapalapit tayo sa Diyos.

Ano ba ang nilalaman ng Bibliya?


III PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
3.1 KATOTOHANAN: ANG BIBLIYA AY BANAL NA AKLAT. ANG BIBLIYA AY SALITA NG
DIYOS.
Patuloy na nagsasalita sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng Bibliya. Nakakatulong ito na maunawaan
natin ang mga bagay na nangyayari sa ating buhay araw-arawsa liwanag ng Salita ng Diyos.
Saan natin napapakinggan ang Salita ng Diyos?
3.2 PAGSASABUHAY: SA TUWINA, IGINAGALANG NG SIMBAHAN ANG BIBLIYA.
Ang Bibliya ay Banal na Aklat. Ito ay iniingatan, pinahahalagahan at minamahal natin sapagkat
ito ang “Salita ang Diyos” sa atin. Sa pamamagitan ng patuloy na pagbabasa at pag-aaral sa aklat na ito ay
tiyak na mapapalapit tayo sa Diyos at magagabayan tayo sa ating pang araw-araw na buhay. Ito ay
patuloy na ipinapahayag sa loob ng Simbahan lalo na sa mga banal na pagdiriwang kung kaya dapat natin
itong pakinggan at unawain, kaya ayon kay Saint Jerome “Ignorance of Scripture is ignorance of Christ”.
Ang kawalan ng kaalaman sa Salita ng Diyos ay kawalang kamalayan kay Kristo. Siya ay dalubhasa sa
pagsasalin ng Bibliya at ang buong buhay niya ay inilaan niya sa pag-aaral ng Salita ng Diyos.
Nais ba ninyong mapalapit sa Diyos?
3.3 PAGSAMBA: SA BAWAT PAGDIRIWANG NATIN NG BANAL NA EUKARISTISYA, ANG
SALITA NG DIYOS AY IPINAPAHAYAG MULA SA BIBLIYA ANG BANAL NA AKLAT.
Ang Bibliya ay umaakay sa atin sa isang gawain na pagdarasal para mapalapit tayo kay
Kristo, ang ating daan katotohanan at ating buhay at mapalapit din sa simbahan. Sa pagdiriwang ng mga
sakramento hindi nawawala ang Salita ng Diyos. Ang madalas at lagi nating dinadaluhan ay ang Banal na
Misa kung saan sa bahagi ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos, tayong lahat ay nakikinig at kapag sinabi
ng nagbasa “Ito ang Salita ng Diyos.” sumasagot tayo ng “Salamat sa Diyos”. Kapag naman babasahin na
ang Ebanghelyo tumatayo tayo upang magbigay papuri. Pagkatapos ng Banal na Misa, tungkulin natin na
ipahayag ang Salita ng Diyos na ating narinig sa lahat ng pagkakataon sa ating pamilya at sa ating
komunidad.
3.4 BUOD:
Ang Bibliya ay Banal na Aklat, nakapaloob dito ang Salita ng Diyos. Sa Bibliya, matututo tayong
magdasal at mas mapapalapit tayo kay Kristo. Sa Banal na Eukaristiya, ating naririnig ang Salita ng
Diyos na ipinapahayag upang bigyan tayo ng gabay at tinatawag tayo sa tamang pamumuhay.
MAHALAGANG TANONG
1. Ano ang Bibliya para sa iyo?
2. Nasusukat ba ang paggalang sa Bibliya? Bakit?
3. Paano pinahahalagahan ng Simbahan ang Bibliya?

IV TUGON NG PANANAMPALATAYA:
4.1 Paninindigan: Ang Bibliya ang Banal na Aklat na may turo ni Jesus, tungkol kay Jesus at tungkol sa
kaligtasan ng tao.
4.2 Pagtatalaga: Mag memorize ng maikling verse mula sa Awit 90
Hanapin ang Bibliya sa bahay ninyo, kung wala himukin ang inyong magulang na
magkaroon nito.

4.3 Pagdiriwang: Awit: Pagpaparangal sa Bibliya


(Ipuprusisyon ang Bibliya habang umaawit)
Wika Mo’y amig diringgin
Wika Mo’y aming susundin
Wika Mo’y aming tutupdin
Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara ng unang-una, ngayon
at magpasawalang hanggan. Amen.

PAGNINILAY:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
PAKSA: 12 SIMBAHAN: BAHAY NG DIYOS, BAHAY DALANGINAN
Audience: Unang Baitang
Oras: 30-40 minuto
Pagpapahalaga: Tamang pagkilos sa loob ng Simbahan
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)

Katotohanan : Ang Simbahan ay Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang paksang


bahay ng Diyos, bahay dalanginan. ito ang mga bata ay inaasahang:
(KPK 1352; KIK 756) Lukas 19:45-47
John 8:58 Maipapaliwanag na ang simbahan ay
Pagsasabuhay : Nais ng Diyos bahay ng Diyos, bahay dalanginan.
na mahalin at igalang ang Katuruan ng Simbahan:
Kanyang tahanan, ang Simbahan. Matutukoy ang tamang pagkilos sa
(Lukas 19: 45-47) KIK 756 loob ng Simbahan bilang
KPK1351- 1352 pagmamahal at paggalang sa bahay
Pagsamba : Sa Simbahan, sama- ng Diyos
samang nananalangin ang mga
naniniwala kay Hesus. (KPK Maaanyayahan na maipagdasal ang
1351) mga taong hindi nagmamalasakit at
gumagalang sa simbahan.
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: SANTO:
(Essential Questions)

Ang simbahan ay bahay ng Diyos, 1. Ano ang simbahan? SANTO :St. Therese of the Child
bahay dalanginan. 2. Ano ang nais ni Hesus na Jesus
ipakita nating pag-uugali sa
Magawa ang tamang pagkilos sa PAGPAPAHALAGA: Tamang
loob ng Simbahan bilang loob ng simbahan? pagkilos sa loob ng Simbahan
pagmamahal at paggalang sa 3. Ano ba ang ginagawa natin
bahay ng Diyos sa loob ng simbahan?

Anyayahan na magdasal ang mga


taong hindi nagmamalasakit at
gumagalang sa simbahan.

Sitwasyon ng Buhay

Bago Kasalukuyan Pagkatapos

 Ang simbahan ay bahay ng Ang simbahan ay bahay ng


Diyos. Diyos. Ang simbahan ay bahay ng Diyos,
 Ang simbahan ay tagpuan ng bahay dalanginan.
mga tao. Ang simbahan ay bahay
 Sa simbahan idinaraos ang dalanginan. Magawa ang tamang pagkilos sa
misa. loob ng Simbahan bilang
Kumilos ng may paggalang sa pagmamahal at paggalang sa bahay
loob ng Simbahan. ng Diyos

Magdasal at kumilos ng tama at


gumagalang sa loob ng simbahan.
PAKSA 12: SIMBAHAN: BAHAY NG DIYOS, BAHAY DALANGINAN
Pambungad na Panalangin

O, Diyos na makapangyarihan sa lahat, salamat po sa araw na ito na ibinigay mo sa amin. Kami po


ay nagpupuri at himihingi ng tawad sa aming mga pagkukulang. Nawa po ay masumpungan namin kayo
sa loob ng Iyong Tahanan, ang Simbahan. Hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

Noong nakaraang linggo natutuhan natin na ang Bibliya ay Banal na Aklat. Ito ay Salita ng
Diyos, kaya tayo ay pinapaalalahanan na igalang natin ito. Basahin natin ito palagi at iluklok natin ito sa
ating Altar sa ating mga tahanan. Ang Bibliya ay Banal na Aklat, nakapaloob dito ang Salita ng Diyos. Sa
Bibliya, matututo tayong magdasal at mas mapapalapit tayo kay Kristo. Sa Banal na Eukaristiya, ating
naririnig ang Salita ng Diyos na ipinapahayag upang bigyan tayo ng gabay at tinatawag tayo sa tamang
pamumuhay.

Sa araw na ito ang ating paksa ay tungkol sa simbahan. Ano ba ang ang sinasabi sa atin ng Salita
ng Diyos ukol dito?

MAHAHALAGANG TANONG:

1. Ano ang simbahan?


2. Ano ang nais ni Hesus na ipakita nating pag-uugali sa loob ng simbahan?
3. Ano ba ang ginagawa natin sa loob ng simbahan?

Alamin natin ang mga ito sa ipapahayag ng Salita ng Diyos ayon kay San Lukas. Ihanda natin
ang ating sarili at tahimik na makinig.

I. PAGPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

1.1 Salita ng Diyos: Lukas 19: 45-47


Pumasok si Jesus sa templo at sinimulan ipagtabuyan ang mga nagtitinda roon. Sinabi Niya sa
kanila “Ang aking bahay ay tatawaging bahay dalanginan. Ngunit ginawa ninyo itong lungga ng
mga magnanakaw.”
Araw- araw si Hesus ay nagtuturo sa loob ng Templo. Pinagsikapan siyang ipapatay ng
mga punong pari, mga tagapagturo ng kautusan at mga pinuno ng bayan.

1.2 Pagtatanong tungkol sa Salita ng Diyos

 Ano ang ginawa ng mga tao sa templo? Nagtitinda po.


 Ano ang naramdaman ni Hesus sa kanyang nakita? Nagalit, nasaktan, nainis
 Bakit nagalit si Hesus sa mga tao? Ginawang palengke ang bahay ng Diyos
 Sa panahon natin ngayon ano ang tinatawag na templo? Simbahan
 Ano kaya ang inaasahan sa atin ni Hesus kapag tayoy nagpupunta sa simbahan?
Paggalang, tamang pagkilos sa loob ng simbahan.
Korek! Kaya nga noong…

1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS:

Lukas 19: 45-47 Pumasok si Jesus sa templo at sinimulan ipagtabuyan ang mga nag titinda roon.
Sinabi nya sa kanila “Ang aking bahay ay tatawaging bahay dalanginan. Ngunit ginawa niyo
itong lungga ng mga magnanakaw.” Araw- araw si Hesus ay nag tuturo sa loob ng Templo.
Pinagsikapan siyang ipapatay ng mga punong pari, mga tagapagturo ng kautusan at mga pinuno
ng bayan. Nagalit si Hesus nang makita Niyang ginawa ng mga Judio ang templo na lungga ng
mga magnanakaw sapagkat nanloloko sila sa kanilang kapwa. Ginawa rin nila itong palengke,
nagtitinda sila ng mga kalapati at tupa na ihahandog bilang sakripisyo; kaya pinagtabuyan sila ni
Hesus at itinaob niya ang kanilang mga paninda. “At sinasabi ko sa inyo, bago ipanganak si
Abraham, ‘Ako’y ako na’.” John 8:58 Sa ngayon ang templo ay tinatawag nating simbahan.
Kaya mga bata, kumilos tayo ng tama sa loob ng simbahan.

Alamin natin ngayon ang tamang pagkilos sa loob ng simbahan.

II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 GAWAIN: Magpapakita ng larawan ng tamang pagkilos sa loob ng Simbahan

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA


A. VALUE DEFINITION
Ano ba ang ibig sabihin ng tamang pagkilos sa loob ng Simbahan? - makinig lang ng
tahimik po / maayos ang suot / hindi po maglaro/di po kumakain / hindi gagamit ng celpon /
hindi po makikipag away / hindi maglalaro

B. VALUE CLARIFICATION:
Kailangan ba ang tamang pagkilos sa loob ng simbahan?
Mahalaga ba ang tamang pagkilos sa loob ng simbahan? Bakit?

C. VALUE PURIFICATION
Ano ang mangyayari kong hindi tama ang ikinikilos natin sa loob ng Simbahan?
Ang Simbahan ay bahay ng Diyos o bahay dalanginan kaya nais ng Diyos na mahalin at
igalang natin ito. Marapat na kumilos tayo ng tama sa loob ng Simbahan.

D. ACTION PLAN
Pagsimba sa Linggo, gawin ang lahat ng ating natutuhan tungkol sa tamang kilos sa
simbahan.

2.3 PAGTATAGPO

Palagi tayong kumilos ng tama sa loob ng simbahan dahil ito ang nais ni Hesus sa gawin
natin. Kaya nga noong pumasok si Hesus sa templo, ipinagtabuyan nya ang mga nag titinda
roon. At sinabi ni Jesus, na ito ay bahay dalanginan kaya mahalin at igalang natin ito.

2.4 Linkage: Ano ba ang simbahan?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA


3.1 KATOTOHANAN: ANG SIMBAHAN AY BAHAY NG DIYOS, BAHAY DALANGINAN.
Ang simbahan ay isang sagradong lugar, ito ay banal. Kung tayo ay may mga tahanan,
ang Diyos ay mayroon din, ito ay ang simbahan. Ayon kay Jesus, ito ay bahay dalanginan,
igalang natin at mahalin ang ating simbahan sapagkat dito natin natatamo ang pag-unlad ng ating
pananampalataya. Dito natin ipinagdiriwang ang mahahalagang selebrasyong ukol sa ating
pananampalataya. Kaya nararapat lamang na..

3.2 PAG SASABUHAY: ANG ATING BAHAY DALANGINAN, ANG SIMBAHAN AY


ATING IGALANG.

Pahalagahan natin ang ating simbahan dahil ito ay Bahay ng Diyos. Palagi tayong
kumilos ng tama sa loob ng simbahan dahil ito ang nais ni Hesus sa gawin natin. Kaya nga noong
pumasok si Hesus sa templo, ipinagtabuyan nya ang mga nag titinda roon. At sinabi ni Jesus, na
ito ay bahay dalanginan kaya mahalin at igalang natin ito.
Sino si Dominic Savio? Paano siya naging santo sa murang edad? Paano niya ipinakita
na mahalaga ang Simbahan sa kanya?
Sa murang gulang ni Dominic Savio ay ipinakita niya na mahalaga ang pananalangin at
pagsisimba. Malapit ang loob niya sa Simbahan at madalas siyang dumadaan dito upang
manalangin at sumamba. Ang Simbahan and naglapit kay Dominic Savio sa Diyos.
Tayo rin ay hinihintay ni Hesus tuwing Linggo na makasama Siya sa loob ng Simbahan
sa pagdiriwang ng Banal na Misa at kumilos ng tama sa loob ng Simbahan, dahil doon…

3.3 PAGSAMBA: SA SIMBAHAN, SAMA-SAMANG NANANALANGIN ANG MGA


NANINIWALA KAY HESUS. (KPK 1351)
Nagpupunta tayo sa Simbahan upang manalangin sa Diyos. Dito mas makakapanalangin
tayo ng taimtim sa loob ng simbahan lalo na kung maayos at tahimik ang paligid nito. Dito tayo
nagpupuri at nagpapasalamat sa kabutihan Niya sa atin at dahil ang Diyos ay naririto,
iginagalang natin ito sa pamamagitan ng tamang pagkilos sa Bahay ng Diyos, ang Simbahan.

3.5 BUOD:
Ang Simbahan ay Bahay ng Diyos, Bahay Dalanginan. Ang ating Bahay Dalanginan, ay
ating igalang, nararapat na tayo ay kumilos ng tama at naaayon sa banal na lugar na ito. Sa
Simbahan, sama-samang nananalangin ang mga naniniwala kay Hesus.

MAHALAGANG TANONG

1. Ano ang simbahan?

2. Ano ang nais ni Hesus na ipakita nating pag-uugali sa loob ng simbahan?

3. Ano ba ang ginagawa natin sa loob ng simbahan?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na ang Simbahan ay Bahay ng Diyos at Bahay Dalanginan.

4.2. Pagtatalaga:
Sumulat ng gagawin bilang pagsunod sa tamang pagkilos sa loob ng Simbahan.
Hikayating magsimba ang buong pamilya sa araw ng Linggo.

4.3 Pagdiriwang Awitin:

Refrain ng Christ be our light


Christ be our light, Shine in our hearts
Shine through the darkness, Christ be our light
Shine in your church gathered today

Aba, Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen

PAGNINILAY:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
PAKSA 13: ANG PAG-AANTANDA NG KRUS
Audience: Unang Baitang
Oras: 30-40 minuto
Pagpapahalaga: Tama at maayos na pag-aatanda
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)

Pagsamba : Sa pag-antanda ng krus Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang


tayo ay nagbibigay papuri sa Diyos Mateo 28:19 paksang ito ang mga bata ay
Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Mateo 27:11-26 inaasahang:
Santo na nagmamahal sa atin.( KPK
1475) Makilala ang Diyos bilang Ama,
Anak, at Espiritu Santo.
Katotohanan : Iisa lamang ang
Diyos na ating sinasamba: ang Magagawa ng tama at maayos
Ama, ang Anak at ang Espiritu Katuruan ng Simbahan: ang pag-aantanda ng krus bilang
Santo( KPK 1326-1327) pananampalataya sa Diyos.
KPK 232, 1326-1327, 1475
Pagsasabuhay: Sa tama at Makakapagbigay ng papuri sa
maaayos na pag-antanda ng Krus ay Diyos Ama, Anak at Espiritu
naipapakita natin ang Santo
pananamplataya sa Diyos sa Banal
na Santatlo. (KPK 232)
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: SANTO:
(Essential Questions)
Malaman kung bakit tayo nag- 1. Bakit ginagawa natin ang SANTO:
aantanda ng krus. pag-antanda ng krus? San Jose Luis Sanchez Del Rio
Maipakita ang tamang pag-antanda 2. Sino ang sinasambit natin sa
ng krus. pag-antanda ng krus.
Makapagpasalamat sa Diyos gamit 3. Paano isasagawa ang tama at PAGPAPAHALAGA: Tama at
ang pag-antanda ng krus maayos na pag-antanda ng maayos na pag-antanda ng krus
krus?
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos

Masasabi ng bata na mahalaga para Malalaman nila ang tatlong Makapanalangin ng may pag-ibig
sa katoliko ang pag-antanda ng Persona sa iisang Diyos. sa Banal na Santatlo
krus. Maipapakita nila ang tama at Magagawa na nila ang mag-
Di pa nila nagagawa ng tama at maayos na pag-antanda ng krus. antanda ng krus ng buong
maayos na pag-antanda ng krus. Makakapagpuri sila sa Diyos na paggalang.
Ang pagkilala sa Banal na Santatlo sasambitin at gagawin ng Pasalamatan ang Banal na
ay di pa gaanong lubos na maayos ang pag-antanda ng Santatlo purihin Sila, ang Ama,
nauunawaan krus. Anak at Espiritu Santo
PAKSA 13: ANG PAG-AANTANDA NG KRUS
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Ama naming mapagmahal tulungan Ninyo po kaming mahalin kayo sa pamamagitan ng
pagpapalalim namin sa aming pananampalaya sa Inyo. Nawa ang bawat gawain at tungkulin namin ay
papurihan Ka. Hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.

Dasalin: Lualhati …

Noong nakarang linggo ay pinag-usapan natin ang tungkol sa Simbahan. Ang Simbahan ay
Bahay ng Diyos, ito ay Bahay Dalanginan. Ang ating Bahay Dalanginan, ang Simbahan ay ating igalang,
nararapat na tayo ay kumilos ng tama at naaayon sa banal na lugar na ito. Sa Simbahan, sama-samang
nananalangin ang lahat ng mga naniniwala kay Hesus.

Kaya ngayon pag uusapan naman natin ang tamang Pag - Aantanda Ng Krus.

MAHAHALAGANGTANONG
1. Bakit ginagawa natin ang pag-antanda ng krus?
2. Sino ang sinasambit natin sa pag-antanda ng krus.
3. Paano isasagawa ang tama at maayos na pag-antanda ng krus?

Handa na ba kayo makinig?

I. PAHAYAG KRISTIYANO
1.1 SALITA NG DIYOS (Mateo28:19)
“Kaya humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Binyagan sila sa ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo”
1.2 MGA TANONG
 Sino ang nagsalita mula sa binasa? Si Hesus
 Ano ang sabi ni Hesus sa kanila? Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga
bansa…
 Ano ang sinasabi natin pag nag-aantanda ng Krus? Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng
Espiritu Santo
Tama…

1.3 BUOD
Bilang binyagang katoliko tayo ay mga alagad ni Hesus. Ang pag-aantanda ng Krus ay
napakahalaga sa ating mga katoliko sapagkat ipinapahayag natin ang pakiki-isa natin sa Diyos. “Humayo
kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Binyagan sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng
Espiritu Santo” Mateo 28:19, ibig sabihin nito kailangan natin gawing tama ang pag-aantanda ng Krus
para tayo ang maging halimbawa sa ating kapwa.
Ang Krus ay Tanda ng Pag-ibig at Pagliligtas ni Hesus. Si Hesus ay namatay para sa ating
kaligtasan at sa pag-aantanda ng Krus naipapahayag natin ng buong puso sa paggawa nito ng may
pagmamahal dahil si Hesus mismo ang gumawa nito para mailigtas tayong lahat, sa Mateo 27:11-27
noon, tinanong ni Pilato ang mga tao “Ano ang kanyang kasalanan?” ngunit lalo lang nilang nilakasan
ang sigaw: “Ipako iyan sa Krus” kaya lahat tayo ay nag aantanda ng Krus, alaala sa ginawa ni Hesus para
sa atin at pagpapahayag ng pananampalataya sa iisang Diyos.
Paano natin gagawin ang tamang pag aantanda ng Krus?
II. SITWASYON NG BUHAY

2.1 Gawain
Paulit-ulit na ituro ng katekista ang tamang pag-antanda ng krus. Sa pamamagitan ng isang kanta mula
sa(Bernie Bear Song)

SA NGALAN NG AMA, AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO, AMEN Aking kanang kamay sa


aking noo at tungo sa aking tiyan at pagkatapos din sa aking balikat mula kaliwa papuntang kanan.

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A. VALUE DEFINITION

Anong ang ginawa natin? -Kinanta po yung pag aantanda ng Krus at ang tamang pag
aantanda ng Krus
Ano ang ibig sabihin ng pag-aantanda ng krus? Pagdarasal po, pagkilala sa Diyos Ama,
Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo

B. VALUE CLARIFICATION:
Mahalaga ba ang tamang pag aantanda ng Krus? Opo Bakit? Para matuwa ang Diyos

C. VALUE PURIFICATION:
Ano ang mangyayari kong hindi maaayos ang pag-aantanda ng krus? Walang pag-galang sa
Banal na Santatlo.

Sa tamang pag-aantanda ng krus ay naipapahayag natin ang pananampalataya sa iisang Diyos,


Ama, Anak at Espiritu Santo. Ginagawa natin ito ng may paggalang habang sinasambit ang pangalan ng
Banal na Santatlo ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.

D. Action Plan
Kantahin ulit ang kanta ng pag aantanda ng Krus. Tumayo ang lahat at ihanda ang kanang kamay. +
Ginawa mo ba ito ng tama? Opo.
2.3 Pagtatagpo ng Salita ng Diyos at Sitwasyon ng Buhay
Heto ang panawagan ni Hesus ng isugo Niya ang Kanyang mga alagad, “Humayo kayo at gawing
mga alagad ang lahat ng mga bansa. Binyagan sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo”
Mateo 28:19, kaya tayong mga binyagang Katoliko Kristiyano, ang mga tagasunod, ang ating tatak ay
ang tanda ng krus. Sa tamang pag-aantanda ng krus ay naipapahayag natin ang pananampalataya sa iisang
Diyos, Ama, Anak at Espiritu Santo. Sa pag aantanda natin ng krus ng tama at maayos ay ipinapakita
natin ang paggalang, ipinapahayag natin na tayo ay naniniwala at nagpupuri sa Diyos.
III. TURO NG SIMBAHAN
Sino ba ang sinasamba natin kapag dinarasal natin ang ang tanda ng krus?
3.1 KATOTOHANAN: IISA LAMANG ANG DIYOS NA ATING SINASAMBA: ANG AMA, ANG
ANAK AT ANG ESPIRITU SANTO. KPK 1326-1327)
Tayo ay may Diyos na iisa lamang. Bilang binyagang Kristiyano tayo ay naniniwala sa Banal na
Santatlo, Diyos Ama na Siya ang Tagapaglikha, Diyos Anak ang Tagapagligtas at ang Diyos Espiritu
Santo ay Tagapagpabanal at Gabay. Ang Banal na Santatlo ay sabay na kumikilos para sa atin. Ang pag-
aantanda ng krus ay simbolo ng ating pananampalataya na tayo ay naniniwala at sumasamba sa iisang
Diyos, ang Ama, ang Anak at ang Espiritu Santo.
Paano natin maipapakita ang ating pananampalataya sa Banal na Santatlo?
3.2 PAGSASABUHAY: SA TAMA AT MAAAYOS NA PAG-ANTANDA NG KRUS AY
NAIPAPAKITA NATIN ANG PANANAMPALATAYA SA BANAL NA SANTATLO.
Ang pananampalataya ng mga Kristyano ay nakaugat nasa Santisima Trinidad. Sa pamamagitan ng
pag-antanda ng krus naipakikita natin ang lubos napagmamahal sa Diyos, sa Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Espiritu. Sa Ikalawang Utos isinasaad doon ang pag-galang sa pangalan ng Diyos, kaya babanggitin
natin ang dasal na ito ng maayos, gawin natin ito ng tama at may pagmamahal. Sa pagbanggit natin nito ay
ipinapahayag natin natin ang ating pananampalataya. Tinuruan tayong simulan ang mga panalangin sa ngalan
ng Diyos sa pamamagitan ng krus na nagpapahayag ng mga pangalan ng Banal na Santatlo at nagpapaalala sa
kanila ng kapangyarihang mapantubos na kamatayan ni Hesus. Ang pag-aantanda ng krus ay maari nating
gawin sa tuwing tayo ay natatakot, nagpapasalamat, at nais makapiling ang Diyos.
Kagaya ng ipakikilala ko sa inyong isang bata na martir, pinaglaban niya ang pagmamahal sa Diyos
Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Si San José Luis Sánchez del Río (28 Marso 1913 - 10 Pebrero
1928) ay isang batang Kristero na pinatay ng pamahalaanng Mehikanong pinamumunuan ng ateista at anti-
Kristiyanong pangulong si Elías Calles sa dahilang pagtatakwil ng kaniyang pananampalataya. Bago
mamatay si Sánchez, gumuhit siya ng krus sa buhangin at hinalikan ito…. Ipinakita ni Jose Luis ang kanyang
taos pusong pananalig sa ating Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.
Paano tayo nakakapagbigay puri sa Diyos?
 Paano natin bigyang papuri ang Diyos?

3.3 PAGSAMBA: SA PAG-ANTANDA NG KRUS TAYO AY NAGBIBIGAY PAPURI SA DIYOS


AMA, DIYOS ANAK, AT DIYOS ESPIRITU SANTO NA NAGMAMAHAL SA ATIN. (KPK
1475)
Ang tanda ng Krus ay una nating tinanggap nang tayo ay bininyagan. Ito ay simbolismo na tayo
ay isang tagasunod ni Kristo at bahagi ng Kanyang Simbahan. Ang simple at tamang pag-aantanda nang
Krus ay isang nang panalangin at kilos-pagsamba sapagkat tinatawagan natin ang Diyos Ama, ang Diyos
Anak at ang Diyos Espiritu Santo. Sa pag-antanda ng krus tayo ay nagbibigay papuri sa Diyos Ama,
Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo na nagmamahal sa atin.
3.4 BUOD:
Sa pag-aantanda ng krus nagbibigay puri tayo sa Diyos at mahalaga na gawin natin ito ng maayos at
may paggalang. Ang paniniwala sa Diyos ay nagpapahayag ng pananampalataya kaya sa pag antanda ng krus
nababangit natin ang Diyos Ama at ang Anak at ang Espiritu Santo. Nawa ay maniwala at sumamba tayo,
sapagkat ito ang pagpapakita ng ating malaking pagmamahal at pananampalataya sa ating Banal na Santlo,
ang Diyos Ama, ang Diyos Anak at ang Diyos Espiritu Santo.
MAHALAGANG TANONG

1. Bakit ginagawa natin ang pag-antanda ng krus?


2. Paano isasagawa ang tama at maayos ang pag-antanda ng krus?
3. Sino-sino ang sinasambit natin sa pag-antanda ng krus.

IV. TUGON NG PANANAMPALAYA


4.1 Panindigan: Naniniwala ako na iisa lamang ang Diyos na ating sinasamba: Ang Diyos Ama, Diyos
Anak at Diyos Espiritu Santo.
4.2 Pagtatalaga: Handa ka bang gawin ng tama at maayos ang pag-aantanda ng krus bilang
pagpapahayag ng iyong pananampalataya sa Diyos? Paano mo ito gagawin?
4.3 Pagdiriwang:Aawitin
Dasalin: Lualhati…
SA NGALAN NG AMA, AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.
AKO ay para sa Diyos. (3X) IKAW, LAHAT

Aba, Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen

PAGNINILAY:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Paksa 14: SA BANAL NA MISA, PATULOY AKONG NAGPUPURI SA AMA
Audience: UNANG BAITANG
Oras 30- 40 minuto
Pagpapahalaga: Pagsisimba sa araw ng Linggo
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)
Pagsamba: Ang misa ay Pagkatapos na maituro ang paksang
gawaing pagsamba, Salita ng Diyos: ito ang mga bata ay inaasahang:
pasasalamat at pagpupuri sa  Gawa 2:46-47
Diyos Ama.(KPK 1680, 1683)  Salmo 118:24 Malalaman na ang Linggo ay araw ng
Panginoon
Katotohanan: Ang araw ng Katuruan ng Simbahan:
Linggo ay araw ng Panginoon.  KPK 1680,83  Makapagbibigay ng mga gagawing
(Salmo 118:24, KIK 2171)  KIK 2171, 2180 nagpapakita ng kahalagahan ng
araw ng Panginoon at maitala ang
Pagsasabuhay: Nais ng Diyos mga paghahandang gagawin bago
na igalang ang araw ng Linggo. magsimba
Ito ang ikatlong utos ng Diyos.
(KPK 903,  Maanyayahan na laging sumabay
KIK 2180) sa mga awit ng pagpupuri sa Diyos
Kaalaman: Knowledge Mahalagang Tanong: Santo:
(Essential Question)
 Mapahalagahan ang araw ng 1. Ano ang Banal na Misa?  St. Catherine of Siena (see
Linggo 2. Kanino natin inilalaan ang araw ng attached doc.)
 Makapagpupuri sa Diyos sa Linggo?
3. Paano mapahalagahan ang araw ng
pagdalo ng Misa Pagpapahalaga: Pagsisimba sa
Linggo?
 Ang pagsisimba sa araw ng 4. Ano ang ika-tatlong utos ng
araw ng Linggo
Linggo ay makapagbabahagi Diyos?
ng kabanalan para sa iba
Sitwasyon ng Buhay
Bago Kasalukuyan Pagkatapos
 Maging malinaw sa kanila  Makakapagpakita sila ng  Malalaman na ang Linggo ay araw
ang kahalagahan ng araw ng mabubuting gawa at kilos sa ng Panginoon
Linggo araw ng lingo at ibang araw  Makapagbibigay ng mga gagawing
 Makakilos sila sa loob ng  Malalaman nila ang kahulugan nagpapakita ng kahalagahan ng
simbahan ng maayos ng araw ng lingo araw ng Panginoon at maitala ang
 Makasimba sila sa araw ng  Patuloy silang manabik sa mga paghahandang gagawin bago
linggo itinakdang araw ng pagsamba sa magsimba
Diyos para makapagpuri  Maanyayahan na laging sumabay
sa mga awit sa pagpupuri sa Diyos
PAKSA 14: SA BANAL NA MISA, PATULOY AKONG NAGPUPURI SA AMA
Unang Baitang
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Diyos Amang makapangyarihan, maraming salamat sa pagbibigay Ninyo ng mga biyaya sa
amin sa araw-araw. Nawa ay lagi ka naming mapapurihan at patuloy ka naming sambahin. Gayundin po
ay himihingi kay ng tawad sa aming mga nagagawang pagkukulang. Hinihiling namin ito sa ngalan ni
Hesus kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.

PAGBABALIK-ARAL:
Magandang araw sa inyong lahat. Kamusta kayo? Noong nakaraang linggo ay pinag-aralan
natin ang tamang pag-aantanda ng krus at ang malalim na kahulugan nito. Sa pag-aantanda ng krus
nagbibigay puri tayo sa Diyos at mahalaga na gawin natin ito ng maayos at may paggalang. Ang
paniniwala sa Diyos ay nagpapahayag ng pananampalataya kaya sa pag-aantanda ng krus na binabanggit
natin ang Diyos Ama at ang Anak at ang Espiritu Santo. Nawa ay maniwala at sumamba tayo, sapagkat
ito ang pagpapakita ng ating malaking pagmamahal at pananampalataya sa ating Banal na Santlo, ang
Diyos Ama, ang Diyos Anak at ang Diyos Espiritu Santo.
Ngayon naman ay pag-uusapan natin ang Banal na Misa.

MAHALAGANG TANONG:

1. Ano ang Banal na Misa?


2. Kanino natin inilalaan ang araw ng Linggo?
3. Paano mapahalagahan ang araw ng Linggo?
4. Ano ang ika-tatlong utos ng Diyos?

Handa na po ba tayong makinig sa kwento ni Hesus?


I.PAHAYAG KRISTIYANO
1.1 SALITA NG DIYOS (Gawa 2:46-47)
“Araw-araw silang nagsasama-sama nang matagal sa Templo, at sa kanilang mga tahanan din sa
paghahati-hati ng tinapay; buong galak at katapatan ng puso silang kumakain. Pinupuri nila ang
Diyos at iginagalang sila ng lahat, at araw-araw ay may idinadagdag ang Panginoon sa bilang ng mga
naliligtas.”
1. 2 Mga Tanong
 Saan nagsama-sama ang unang Kristiyano? Sa Templo po
 Ano ang kanilang ginagawa doon? Pinupuri nila ang Diyos at kumakain ng Tinapay
 Ano ang masasabi mo sa kanilang samahan? Bakit?
 Sa panahon natin ngayon, saan natin makikita na ang mga tao ay sama-samang nagdarasal at
umaawit? sa loob ng simbahan kapag po may misa

1.3 BUOD

“Araw-araw silang nagsasama-sama nang matagal saTemplo, at sa kanilang mga tahanan din sa
paghahati ng tinapay; buong galak at katapatan ng puso silang kumakain. Pinupuri nila ang Diyos at
iginagalang sila ng lahat, at araw-araw ay may idinadagdag ang Panginoon sa bilang ng mga naliligtas.”
Gawa 2:46-47

Ang mga tao noon ay pumupunta sa Templo upang magdasal at bigyan papuri ang Diyos.
Tinanggap nila ang tinapay ng may kagalakan at katapatan ng puso. Ang Templo noon ay tawag ngayon
ay Simbahan kung saan nagpupunta ang mga tao para magdasal at kausapin ang Panginoon. Sa Salmo
118:24 ang sabi dito “Ito ang araw na nilikha ng Panginoon, kaya ipagsaya nati’t ikagalak.”

II. SITWASYON NG BUHAY


1.1GAWAIN (Pagpapakita ng larawan ng Simbahan na may nagsisimba)

Ano ang nakikita ninyo sa larawan? Mga tao sa Simbahan


Ano ang ginagawa ng tao sa larawan? Nagdadasal po
Tuwing kailan kaya maraming tao sa Simbahan para magdasal? Pasko po. Linggo po
Ginagawa mo rin ba ang pagsisismba tuwing Linggo? Opo, hindi po

2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA

A. VALUE DEFINITION
Ano ba ibig sabihin ng pagsisismba tuwing Linggo? Pagsamba sa Diyos po

B. VALUE CLARIFICATION:
Paano natin mapapahalagahan ang pagsisimba sa araw ng Linggo? –lagi pong magsisismba sa
Banal na Misa
Bakit kailangan natin magsimba? para po magpasalamat sa Diyos, magdasal, mag sori, humingi
ng tulong.

C. VALUE PURIFICATION:
Ano ang dahilan kong bakit hindi nakakapagsimba kong araw ng Linggo?

Mahalaga na tayo ay nagpupunta sa Simbahan upang sumamba sa Diyos kapag araw ng Linggo
sapagkat ito ang panawagan sa atin, magsimba kong araw ng Linggo. Ito ang oras upang tayo ay maglaan
ng panahon para sa ating Diyos, magpuri at magpasalamat. Kong kaya’t sikapin natin na buong pamilya
ay maglaan ng oras at sumimba.
D. ACTION PLAN
Tumayo ang lahat at sundan ninyo ang ituturo ko po na action Ako ay nagpupuri sa Diyos.

2.3 PAGTATAGPO NG SALITA NG DIYOS


Ang mga alagad noon ni Hesus ay “araw-araw na nagsasama-sama nang matagal sa Templo, at sa
kanilang mga tahanan din sa paghahati-hati ng tinapay; buong galak at katapatan ng puso silang
kumakain. Pinupuri nila ang Diyos at iginagalang sila ng lahat, at araw-araw ay may idinadagdag ang
Panginoon sa bilang ng mga naliligtas.” Gawa 2:46-47. Kaya sa panahon natin ngayon patuloy
tayong tinatawagan na maglaan ng panahon at magtungo sa Simbahan upang tayo ay manalangin at
magpuri sa ating Panginoon na nagbibigay ng lahat ng biyaya sa atin. Kaya sa loob ng Simbahan
maki-isa tayo sa pananalangin ng sambayanan, umaawit at sumasagot sa mga tugon sa Banal na
Misa.

2.4 Linkage: Ano ang araw ng Panginoon?


III. TURO NG SIMBAHAN
3.1KATOTOHANAN: ANG ARAW NG LINGGO AY ARAW NG PANGINOON. (SALMO
118:24, KIK 2171)
Ang araw ng Linggo ay araw ng Panginoon. Dito inaalaala natin ang Kanyang pagkamatay at
muling pagkabuhay sa unang araw ng sanlinggo. Maipapahayag natin ang ating pagsamba, papuri at
pasasalamat sa Kanya sa pamamagitan ng pakikibahagi sa pagdiriwang ng Banal na Misa lalo na sa araw
ng Linggo, ang araw ng Panginoon.
At isinugo ni Hesus ang labindalawang alagad at ito ang habilin sa kanila, “Pagkatapos Niyang
magpasalamat, pinagputul-putol niya ito, at sinabi: Kunin ninyo, kainin ninyo, ito ang aking katawan na
pinagputul-putol para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. Sa gayunding paraan kinuha niya
ang saro pagkatapos maghapunan. Sinabi niya: Ang sarong ito ay ang bagong tipan sa aking dugo. Sa
tuwing kayo ay iinom nito, gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin. Ito ay sapagkat sa tuwing kakain kayo
ng tinapay na ito at iinom sa sarong ito, inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa siya
ay dumating (1 Corinto 11:24-26).

Pang ilang utos ang igalang ang araw ng Linggo?


3. 2 PAGSASABUHAY: NAIS NG DIYOS NA IGALANG ANG ARAW NG LINGGO. ITO ANG
IKATLONG UTOS NG DIYOS. (KPK 903, KIK 2180)

Ito ang ikatlong Utos ng Diyos sa atin, magsimba kong araw ng Linggo at pistang pangilin.
Inaanyayahan tayo na mag-laan ng araw para sa pamamahinga at pagsamba.
Tayo rin mga bata ay may araw ng pamamahinga, maaaring maglaro o tumulong sa gawaing
bahay ngunit tandaan natin nararapat na maglaan ng oras sa araw ng Linggo para sa Panginoon. Ang araw
ay itinalaga para sa Diyos kaya lahat na binyagang Katoliko ay nararapat magsimba at magpuri sa Diyos.
Ito ang araw ng ating kaligtasan kaya’t magsimba at pagkatapos inaasahan na ang bawat isa na gagawa ng
kabutihan para sa kanayang kapwa.
Si Saint Catherine of Siena na naging kilala sa kanyang pagmamahal kay Jesus sa
pamamagitan ng araw-araw na pagtanggap ng Sakramento ng Eukaristiya. Si St Catherine ay isinilang
noong Marso 25, 1347 sa Siena, Italy. Nang siya ay labindalawang-taong gulang, itinilaga ni
Catherine ang kanyang buhay para sa Diyos. Siya ay naging kabilang ng Third Order ni St Dominic at
nangalaga sa mga maysakit. Siya ay nakilala din sa kanyang pagtuturo at pangangaral tungkol sa
pananampalatayang Katoliko at sa kanyang pagmamahal sa Sakramento ng Eukaristiya. Madalas
siyang nag-aayuno at ang tanging pagkain niya ay ang Banal na Eukaristiya. Sa kanyang pagtuturo at
pangangaral sa mga tao ay binigyang diin niya ang pagsisisi at pagbabagong-buhay alang-alang sa
pagmamahal sa Diyos. Namatay si St Catherine noong Abril 29, 1380 sa edad na tatlumpu't-tatlo.
Idineklara siyang santo ng Simbahan noong Hunyo 29, 1461 at binigyang parangal bilang "Doctor of
the Church" noong Oktubre 4, 1970.
Ano ang Banal na Misa?
3.3 PAGSAMBA: ANG MISA AY GAWAING PAGSAMBA, PASASALAMAT AT PAGPUPURI
SA DIYOS AMA. KPK 1680, 1683)
Ang Banal na Misa ay panalangin ng pasasalamat sa Diyos dahil sa buhay at kaligtasang dulot ni
Hesus sa ating lahat. Dito ay inaalala din natin ang Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay sa unang
araw ng sanlingo. Maihahayag natin ang ating pagsamba, papuri at pasasalamat sa Kanya sa
pamamagitan ng pakikibahagi sa pagdiriwang ng Banal na Misa lalo na sa araw ng Linggo ang araw ng
Panginoon.

3.4 BUOD:
Ang araw ng Linggo ay araw ng Panginoon. Nais ng Panginoon na igalang natin ang araw ng Linggo.
Ito ang Ikatlong Utos ng Panginoon, magsimba kong araw ng Linggo at pistang pangilin. Ang misa ay
gawaing pagsamba, pasasalamat at pagpupuri sa Diyos Ama. Sama sama nawa natin Siyang papurihan at
pasalamatan bilang pagsunod sa kautusan ng Diyos at pagpapadama ng pagmamahal natin sa Kanya.
MAHALAGANG TANONG:
1. Ano ang Banal na Misa?
2. Kanino natin inilalaan ang araw ng Linggo?
3. Paano mapahalagahan ang araw ng Linggo?
4. Ano ang ika-tatlong utos ng Diyos?

IV. TUGON NG PANANAMPALATAYA


4.1 Paninindigan:
Naniniwala ako na ang araw ng Linggo ay para sa Panginoon.

4.2Pagtatalaga:

1.Piliin ang una mong gagawin kapag araw ng Linggo.

-Maglalaro
-Matutulog
-Magsisimba
-Mamamasyal
2. Anong paghahanda ang gagawin mo bago ka magsimba?

4.3.Pagdiriwang: Halina at samasama nating papurihan ang Diyos Ama na walang sawang
nagmamahalsa atin:(aawitin)
Halina’t magsilapit at tayo ay umawit sa Diyos Ama sa langit,
ang haring ng pag-ibig
Mahalin at ating sambahin,
ang Diyos Ama natin.

Aba, Ginoong Maria


Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen

PAGNINILAY:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
ST. CATHERINE OF SIENA

Tulad ni si Saint Catherine of Siena na naging kilala sa kanyang pagmamahal kay Jesus sa
pamamagitan ng araw-araw na pagtanggap ng Sakramento ng Eukaristiya. Si St Catherine ay isinilang
noong Marso 25, 1347 sa Siena, Italy. Nang siya ay labindalawang-taong gulang, itinilaga ni St
Catherine ang kanyang buhay para sa Diyos. Siya ay naging kabilang ng Third Order ni St Dominic at
nangalaga sa mga maysakit. Siya ay nakilala din sa kanyang pagtuturo at pangangaral tungkol sa
pananampalatayang Katoliko at sa kanyang pagmamahal sa Sakramento ng Eukaristiya. Madalas
siyang nag-aayuno at ang tanging pagkain niya ay ang Banal na Eukaristiya. Sa kanyang pagtuturo at
pangangaral sa mga tao ay binigyang diin niya ang pagsisisi at pagbabagong-buhay alang-alang sa
pagmamahal sa Diyos. Namatay si St Catherine noong Abril 29, 1380 sa edad na tatlumpu't-tatlo.
Idineklara siyang santo ng Simbahan noong Hunyo 29, 1461 at binigyang parangal bilang "Doctor of
the Church" noong Oktubre 4, 1970.
PAKSA 15: MARIA PINAGPALA SA BABAENG LAHAT
Audience: Unang Baitang
Oras: 30-40 minuto
Pagpapahalaga: Paggalang at pagmamahal sa Inang Birhen
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin
(Enduring Understanding) (Sources & Means) (Transfer Goal)

Katotohanan: Ang Birheng Maria Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang


ay pinagpala sa babaeng lahat paksang ito ang mga bata ay
(KIK 2676)  LUKAS 1: 26-33 inaasahang:
Isaias 7:14
Pagsamba: Dinarasal natin ang Malalaman na si Birheng Maria
Katuruan ng Simbahan:
Aba Ginoong Maria tanda ng ating ay pinagpala sa babaeng lahat at
pagmamahal at pagpaparangal sa  KIK 2676 siya ay ina natin.
Mahal na Birhen, ang ina ni Jesus.  KPK 1534 1439
(KPK 1545) Maipapahayag ang panalanging
“Aba Ginoong Maria.”
Pagsasabuhay: Ang pagiging
masunurin at mapagmahal sa Matularan si Maria sa kanyang
Diyos at kapwa tulad ng mahal na mga kabutihan at pagiging
Birheng Maria. (KPK 1439) masunuring babae.
KAALAMAN: (Knowledge) MAHALAGANG TANONG: SANTO:

 Sino si Maria para sa 1. Sino si Maria?


kanila? 2. Ano ang dasal na tanda ng Santo:St. Bernadet ng Labouri
 Paano siya naging ina ni ating pagpaparangal at
Hesus Pagpapahalaga:
pagmamahal kay Maria?
 Matularan ang kanyang
3. Sa paanong paraan natin Pagmamahal kay Inang Maria
ugali higit sa lahat ang
matutularan si Maria?
pananampalataya sa Diyos at
pagiging masunurin
Bago Kasalukuyan Pagkatapos

Matutunang mahalin si Maria Malalaman nila na si Maria ay Malalaman na si Birheng Maria


bilang kanilang ina pinagpala sa babaeng lahat ay pinagpala sa babaeng lahat at
siya ay ina natin.
Igalang at tularan si Jesus sa Maipapakita ang malaking
pagmamahal kay Maria pagmamahal at paggalang kay Maria Matularan si Maria sa kanyang
mga kabutihan at pagiging
Masambit ng maayos ang Mabibigkas ng maayos ang dasal na masunuring babae.
panalangin kay Birheng Maria “Aba Ginoong Maria”
Maipapahayag ang panalanging “
Aba Ginoong Maria”.
PAKSA 15: MARIA, PINAGPALA SA BABAENG LAHAT:
PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
*Dasalin ang Aba Ginoong Maria (ulitin ang aking dadasalin)
Aba, Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen

PAGBABALIK-ARAL:
Ano ba paksa natin noong nakaraang linggo? Ang araw ng Linggo ay araw ng Panginoon.
Nais ng Diyos na igalang natin ang araw ng Linggo. Ito ang Ikatlong Utos ng Diyos, magsimba kong
araw ng Linggo at pistang pangilin. Ang misa ay gawaing pagsamba, pasasalamat at pagpupuri sa Diyos
Ama. Sama-sama nawa natin Siyang papurihan at pasalamatan bilang pagsunod sa kautusan ng Diyos at
pagpapadama ng pagmamahal natin sa Kanya.

Ngayon araw mayroon na naman tayong bagong paksa na pag-aaralang, ito ay tungkol sa ating
Mahal na Inang Maria.
MAHALAGANG TANONG:
1. Sino si Maria?
2. Ano ang dasal na tanda ng ating pagpaparangal at pagmamahal kay Maria?
3. Sa paanong paraan natin matutularan si Maria?

*Upang maunawaan natin ang lahat ng ito at lubos nating makilala si Maria ihanda ang sarili,
makinig ng mabuti sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

I: PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIIYOS

1.1 SALITA NG DIYOS: “LUKAS 1:26-33”


ANG PAGBABALITA KAY MARIA
" ...lumapit ang Anghel sa dalaga at binati, “magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng
Diyos. Sumasainyo ang Panginoon…
1.2 PAGTATANONG
 Naibigan ba ninyo ang inyong narinig? opo!
 Sinu-sino ang tauhan sa ating kwento? Maria po, anghel, Jose
 Bakit nagpakita ang Anghel na si Gabriel kay Maria? para sabihin ang balita galing sa
Diyos.
 Ano ang ibinalita ng Anghel kay Maria? Siya po ay kinalulugdan ng Diyos,
magdadalantao, manganganak kay Hesus
 Ano naman ang tugon ni Maria? Pumayag, sumunod, sinabi niya mangyari daw ang
sinabi ng Anghel
Sa inyong palagay madali kaya ang naging pasya o desisyon ni Maria? Bakit?
1.3 PAGBUBUOD:
Noong panahong iyon, si Maria at Jose ay nakatakdang ikasal. Ngunit bago pa man sila
ikasal ibinalita ng anghel Gabriel kay Maria na siya ay magdadalantao. At tatawagin niya itong
Hesus, ang Anak ng kataas-taasang Diyos. Siya ay magiging tagapagligtas ng sanlibutan.
Natakot si Maria dahil hindi niya maunawaan kung paano mangyayari iyon sapagkat siya ay
dalaga. Ngunit ipinaliwanag ni Anghel kay Maria ang lahat, at pumayag nga si Maria at sinabi
niya, ako’y alipin ng Panginoon mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi! “...lumapit ang Anghel
sa dalaga at binati, “magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasainyo ang
Panginoon…” LUKAS 1:26-33
Si Maria ang tinutukoy sa aklat ni Propeta Isaias 7:14, Maglilihi ang isang dalaga
magsisilang ng isang saggol na lalaki at tatawagin siyang Emmanuel” na ang ibig sabihin ay
“Sumaatin ang Diyos”.
Tunay na totoo ang pahayag sa Lumang Tipan sa pagdating ng Mesiyas ay isisilang ng isang
birheng ina.
 Sino ang babae na pinagpala sa lahat?
II: SITWASYON NG BUHAY:

2.1 GAWAIN: (pagpapakita ng larawan ni Birheng Maria may hawak na Santo Rosaryo)

 Sino ang nakikita ninyo sa larawan?(Si Maria po)


 Paano ninyo sya nakikilala? (Siya ang ina ni Jesus, asawa ni Jose)
 Kayo ba ay may tinatawag rin na ina?( Opo, anu-ano ang ginagawa ng ina para sa kanilang
mga anak?( Inaalagaan, minamahal, pinagtatanggol)
 Bilang ina ni Hesus ano ang gagawin natin kay Maria?(mamahalin po, igagalang po)
2.2 PAGPAPALALIM NG PAGPAPAHALAGA:
A.VALUE DEFINITION
 Ano ba ang ibig sabihin ng pagmamahal kay Inang Maria? (Paggalang po, pagdarasal po
ng Santo Rosaryo, pagiging masunurin po at maging mabait, pagmamahal kay Hesus).

B.VALUE CLARIFICATION:
Mahalaga ba o nararapat bang mahalin si Inang Maria? Opo Bakit? Dahil Ina po ni Hesus
 Ano ba ang magandang naidudulot kung Mahal natin si Maria? maging kaibigan po natin
si Hesus / gagabayan niya tayo palagi

C. VALUE PURIFICATION:
 Ano naman ang hindi magandang maidudulot kapag hindi natin minamahal si Maria
masasaktan po si Hesus

 Anong gusto ninyo mangyari? maging masaya po si Hesus, maging kaibigan din po si
Hesus, mapalapit kay Maria at kay Hesus.
Si Maria ay tunay na pinagpala sa babaeng lahat sapagkat siya ang napiling maging ina
Hesus at ina rin natin kong kaya’t siya ay nararapat lamang na ating mahalin.
D. ACTION PLAN:
 Upang tumibay ang kanilang pinapahalagahan ituro sa mga bata ang dasal na Aba
Ginoong Maria.
Pagtatagpo:
Si Maria ang tinutukoy sa aklat ni Propeta Isaias 7:14, Maglilihi ang isang dalaga
magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin siyang Emmanuel” na ang ibig sabihin ay
“Sumasatin ang Diyos”. Si Maria bilang ina ni Jesus, at naging ina rin natin. Kung mahal natin si
Inang Maria pinapakita rin natin ang ating pagmamahal kay Hesus. Kaya naman ipakita natin
ang pagmamahal kay Mama Mary sa pamamagitan ng ating pagdedebosyon sa kanya, sa
pagdarasal ng Santo Rosaryo sabihin natin kay mama at papa na magdasal ng santo rosaryo at
magpaturo tayo sa kanila. Sa paggawa ng mabuti at pagsisimba tuwing araw ng Linggo
mapapasalamatan natin si Inang Maria sa pagiging Ina niya kay Hesus at sa ating lahat.
 Sino ang babaeng pinagpala sa lahat? Si Maria po.
III: PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
3.1 KATOTOHANAN: ANG BIRHENG MARIA AY PINAGPALA SA BABAENG
LAHAT
Ang Birheng Maria ay pinagpala sa babaeng lahat (KIK 2676) “Sapagkat naniwala siya
sa katuparan ng salita ng Panginoon. Si Maria ay puno ng grasya sapagkat ang Diyos ay sumasa-
kanya. Ang grasyang pumupuno sa kanya ang pinagmumulan ng lahat ng biyaya na umiiral sa
kanya "Magalak...O anak na babae ng Jerusalem. Kaya inaanyayahan tayo na sambitin natin na
may paggalang ang panalangin" Aba Ginoong Maria. Naglingkod siya sa mga tao kaya ganyan
din ang ginawang tungkulin ng ating inang birheng Maria tumalima sa utos ng Diyos na maging
ina ni Hesus.
3.2 PAGSAMBA: DINARASAL NATIN ANG ABA GINOONG MARIA TANDA NG
ATING PAGMAMAHAL AT PAGPAPARANGAL SA MAHAL NA BIRHEN, ANG INA
NI JESUS. (KPK 1545)
Kinikilala natin at pinararangalan si Birheng Maria bilang ating Ina sa tuwing tayo ay
nananalangin ng “Aba Ginoong Maria”. Sa palagiang pagdarasal nito, tayo ay napapalapit kay
Maria bilang ating Ina.
Sa paglapit natin sa Birheng Maria matuto tayong sumunod rin sa kanya gaya ng
pagsunod ninyo sa inyong mga magulang lalo na sa inyong ina.
Ano kaya ang ikakatuwa ng Birheng Maria para sa iyo?
3.3PAGSASABUHAY:ANG PAGIGING MASUNURIN AT MAPAGMAHAL SA DIYOS
AT KAPWA TULAD NG MAHAL NA BIRHENG MARIA (KPK 1439).
Huwaran natin si Maria sa maraming paraan lalo na sa kanyang mga aral ng paglilingkod
at pagpapakasakit. Sumunod siya sa ninais ng Diyos na maging ina ni Jesus na ating Panginoon;
ipinapakita niya ang kanyang kababaang-loob. Kaya tayo rin ay inaanyayahan na matularan natin
si Birheng Maria. Si Inang Maria ay gumagawa ng paraan upang ang makasalanan ay magbago
at matutong magmahal sa Diyos at sa kapwa. Isa sa kanyang pinakitaan ay si BERNARDITA,
narito ang kwento;
Tatlong batang babae ng Loudes ang nagtungo sa parang upang kumuha ng panggatong.
Ang isa kanila, samantalang naghahanda upang tumawid sa sapa ay nakakita ng isang
napakagandang babae sa malaking bato o grotto ng Massabielle, sa tindi ng takot ng dalagita ay
kinuha niya ang kanyang rosary at nagdasal. Ang babae ay nararamtan ng maputing damit at may
hawak na rosary, at ito ang sabi sa dalagita, “Ipinangangako ko na gagawin kitang maligaya
kung di man sa buhay na ito ay sa kabila, ipagdasal mo ang mga makasalanan sabihin mo sa mga
pari na magpatayo ng isang simbahan sa pook na ito. Ako ang Immaculada Concepcion! Ang
babaeng nakaputi ay ang Mahal na Birheng Maria at ang dalagita ay si Bernardita. Ang
pangitaing ito ng Mahal na Birhen sa Lourdes na naganap noong Pebrero 11, 1858 ay sinundan
pa ng labing anim na ulit.
3.4 BUOD:
Naniniwala tayo na pinagpala sa babaeng lahat si Birheng Maria, kaya tinatawagan ang
bawat isa na mahalin at igalang natin siya bilang Ina ng Diyos at Ina rin natin.
MAHALAGANG tANONG
1. Sino si Maria?
2. Ano ang dasal na tanda ng ating pagpaparangal at pagmamahal kay Maria?
3. Sa paanong paraan natin matutularan si Maria?
IV: TUGON NG PANANAMPALATAYA

4.1 Paninindigan: Naniniwala ako na ang Mahal na Birheng Maria ay pinagpala sa babaeng
lahat.
4.2 Pagtatalaga: Maglista ng mga gagawin kung paano matutularan ang Birheng Maria.
4.3 Pagdiriwang: Parangalan natin ang Mahal na Ina Awitin: Aba Ginoong Maria
Aba, Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay
Amen

PAGNINILAY:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
Paksa16: NAIS NG DIYOS NA MAKAPILING KO SIYA SA LANGIT, KASAMA NG MGA BANAL
Audience: Unang Baitang
Oras: 30/40 minuto
Pagpapahalaga: Paggawa ng Mabuti
Pahayag ng Panananmpalataya Pinagkukunan/Pamamaraan Layunin

Katotohanan: Ang Diyos ay Salita ng Diyos: Pagkatapos na maituro ang paksang


naghihintay sa atin sa langit kasama  Juan 14:1-3 ito ang mga bata ay inaasahang:
ng mga banal  Mateo 25:31-40  Malalaman na ang Diyos ay
Pagsasabuhay: Sundin natin ang nagnanais na makapiling tayo sa
mga aral at utos ni Jesus(KPK 528) langit kasama ng mga banal
Katuruan ng Simbahan:  Makakapagbigay ng mga gagawin
Pagsamba: Sa Banal na Misa,
na magdadala sa atin sa piling ng
tuwing Linggo, ipinapahayag natin  KIK 464 Diyos sa langit
ang paniniwala natin kay Jesus na  KPK 500,527-528  Maipapahayag ang pag-asa na
bugtong na anak ng Diyos, na ating makapiling ang Diyos sa
Panginoon( KPK527) pamamagitan ng palagiang
panalangin.

KAALAMAN: MAHALAGANG TANONG: SANTO/MODELO:

 Kahulugan ng langit 1. Sino ang makakapiling


 Paano makarating sa langit natin sa langit?  Santa Teresita ng Avila
 Manalangin makarating sa langit 2. Paano tayo makakarating
at humingi ng tulong sa mga sa langit?  Pagpapahalaga:
naunang namatay 3. Kailan at saan natin Paggawa ng kabutihan
naipapahayag ang ating
paniniwala sa Panginoon?
Sitwasyon ng Buhay

Bago Kasalukuyan Pagkatapos


Unti-unti ng nalalaman ng mga


 Di pa alam ng mga bata ang bata ang kahulugan ng langit Malalaman na ang Diyos ay
kahulugan ng langit nagnanais na makapiling tayo sa
Nabuksan ang kanilang kaisipan langit kasama ng mga banal
 Di pa alam ng mga bata na ang paggawa ng mabuti sa
kung paano makarating sa langit kapwa ay magdadala sa atin sa Makakapagbigay ng mga gagawin na
 Makapanalangin sa Diyos Diyos magdadala sa atin sa piling ng Diyos
Nagpapasalamat sa Diyos sa sa langit
na makarating sa kanyang kaharian
kaalamang binigay na ang bawat Maipapahayag ang pag asa na
isa ay may pag-asang makapiling makapiling ang Diyos sa
ang Diyos. pamamagitan ng palagiang
panalangin
PAKSA 16: NAIS NG DIYOS NA MAKAPILING KO SIYA SA LANGIT, KASAMA NG
MGA BANAL

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Ama naming mapagmahal marami pong salamat sa lahat na biyayang ipinagkakaloob mo sa
aming lahat lalo na sa araw na ito. Muli po kaming nagkakatipon para kayo ay aming papurihan at
pasasalamatan. Nawa ay makarating kami sa Iyong piling sa langit kasama ng mga banal. Hinihiling
namin ito sa ngalan ni Hesus kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Ama namin sumasalangit ka,


Sambahin ang pangalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasalaan sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen.
PAGBABALIK-ARAL
Noong nakaraang linggo nalaman natin na si Birheng Maria ang babaeng pinagpala sa babaeng
lahat, kaya tinatawagan ang bawat isa na mahalin at igalang natin siya bilang ina ni Hesus at ina rin natin,
nais rin ni Maria na maging masunurin tayo at mapagmahal sa kapwa gaya ng kanyang ginawa.

Sa araw na ito ang ating tatalakayin ay ang paksa tungkol sa Nais Ng Diyos Na Makapiling Ko Siya Sa
Langit, Kasama Ng Mga Banal.

MAHALAGANG TANONG:
1. Sino ang makakapiling natin sa langit?
2. Paano tayo makakarating sa langit?
3. Kailan at saan natin naipapahayag ang ating paniniwala sa Panginoon?
Upang lubos nating maunawaan nang mabuti ang mga ito atin ngayon pakikinggan ang Banal na
Kasulatan. Maupo tayo nang maayos at buong pusong makinig sa Salita ng Diyos.

I.PAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


1.1 Salita ng Diyos JUAN 14: 1-3
Huwag kayong mabalisa; manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid;
kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan.
Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa
kinaroroonan ko.
1.2 PAGTATANONG:
 Sino ang nagsasalita sa ating pagbasa? [Ang Diyos po.]
 Ano ang inihahanda ng Diyos para sa atin? [Ang matitirhan po.]
 Saan tayo pinaghahandaan ng Diyos ng ating matitirhan? [Sa piling o bahay ng Ama]
 Paano tayo makakasama sa bahay o piling ng Ama? [Magpapakabait, magiging masunurin, at
magiging mabuti po.]
1.3 PAGBUBUOD NG SALITA NG DIYOS
Juan 14: 1-3 Huwag kayong mabalisa; manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming
silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng
matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa
kinaroroonan ko.Tama! Lahat tayo ay naghahangad na marating ang langit na pinapangarap ng bawat isa
dahil ang Diyos ay naghahanda ng ating matitirhan sa langit kasama niya at ng mga banal. Atin ring
mababasa sa Mateo 25: 31- 40 “Halikayo mga pinagpala ng aking Ama pumasok na kayo at manirahan sa
kahariang inihanda para sa inyo…! Ibig sabihin ang maaari lang makapunta sa langit ay ang taong
pinagpala na makasunod sa kalooban ng Diyos o naging tapat sa kanya sa buhay dito sa lupa.

LINKAGE: Anu-ano ang mga mahahalagang gagawin upang makarating sa langit?

II. SITWASYON NG BUHAY

I.1 GAWAIN:

Pagpapakita ng mga larawan ng mabuting gawa at masama.


Isa-isahin ng katekista na ipapakita ang mga larawan sa mga bata.
Itataas ng mga bata ang hawak nilang smiley flag kung ang larawan ay
nagpapakita ng mabuting gawa.

 Nagustuhan ninyo ba ang ating ginawa? Opo.


 Sa mga larawan na inyong nakita alin ang inyong pipiliin? Ang paggawa po ng mabuti.
 Ipaliwang ng mag-aaral kong ang mga ito ay ginagawa niya at bakit?
 Ano ang natutunan mo sa ating ginawa? Na mahalaga po ang paggawa ng mabuti

2.2 PALALIMIN ANG PAGPAPAHALAGANG TINATALAKAY

A. VALUE DEFINITION
 Ano ba ang ibig sabihin ng paggawa ng mabuti? [Pagtulong po sa kapwa, pagtulong po sa
gawaing bahay, pagtulong po na walang hinihintay na kapalit.]

B. VALUE CLARIFICATION:
 Bakit kaya mahalaga ang paggawa ng mabuti?
[Dahil ito po ang nais ng Diyos na gagawin natin at para po tayo ay magiging mabuting tao.]
C. VALUE PURIFICATION:
 Ano ang mangyayari kung hindi tayo gumagawa ng mabuti? [Magiging masamang tao po tayo at
hindi tayo makakasama sa Diyos.]

Dahil ang nais ng Diyos lahat tayo ay magkamit ng buhay na walang hanggan kasama si Kuya
Hesus kaya hinihikayat tayo na gumawa ng mabuti.

D. ACTION PLAN
 Hihikayatin ng katekista ang mga bata na gumawa ng mabuti sa kanilang tahanan, paaralan at
komunidad na kanilang kinabibilangan.
[Hal. Ngayon ano kayang gawing mabuti…pagpulot ng basura at patatapon sa tamang basurahan

2.3 PAGTATAGPO
Narinig natin sa Ebanghelyo na ang Diyos ay naghahanda ng ating silid sa kapiling ng
Ama. Mahalaga na tayo ay gumawa ng mabuti tulad ng mga mabuting gawa na nakita natin sa
larawan upang makakasama natin ang Diyos. Lahat tayo ay naghahangad na makapiling ang
Ama, kaya dito pa lamang sa lupa ay sisikapin nating magpakabait, gumawa ng mabuti,
tumutulong sa mga nangangailangan, magiging masunurin at sundin natin ang kalooban ng
Diyos. Mahalaga rin na tayo ay palaging nagdadasal at nagsisimba tuwing Linggo kasama ang
mga mahal sa buhay. Kapag ginagawa natin ang lahat ng mga ito sigurado matutuwa ang Diyos
sa atin.
2.4 LINKAGE Saan ba natin makakapilin ang Ama?

III. PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA


3.1KATOTOHANAN: ANG DIYOS AY NAGHIHINTAY SA ATIN SA LANGIT KASAMA NG MGA
BANAL. [KPK 2068, 2101, KIK 1024]
Ang tinutukoy na langit ay ang kalagayan ng “pagiging kapiling ng Panginoon. Ito ang buhay na
walang hanggan na makakasama natin ang Diyos at mga taong pinagpala kasama ang mga banal o
santo. Bagamat nabubuhay pa tayo sa lupa ay ipinalalasap at pinaparanas na sa atin ng Diyos ang
pangako niya na buhay na walang hanggan pero hindi pa lubusan.
 Nais ba ninyong makasama ang sa Diyos habang buhay? Bakit?
[Kasi masaya at maganda ang buhay kapag kapiling Siya.]
 Ano ang gagawin natin para makasama ang Diyos at ang mga Banal sa langit?
3.2 PAGSASABUHAY: SUNDIN NATIN ANG MGA ARAL AT UTOS NI HESUS [KPK 528]
Upang makasama ang Diyos sa langit, lahat ng mga aral at turo ni Hesus ay susundin natin. Lalo
na ang turo niya tungkol sa pagmamahal.
Mayroong Santo na magtuturo sa atin sa pagsunod sa aral ni Hesus. Si Teresa ng Avila noong
siya ay pitong taon gulang pa lang hinangad niya na, na makarating sa langit. Kaya kasama ng kanyang
kapatid pumunta sila sa mga Moro upang magpapugot ng ulo upang maging martir. Mabuti na lamang at
nakita sila ng kanilang tiyuhin at ibinalik sila sa kanilang tahanan. Ipinasok si Teresa ng kanyang Ama sa
kumbento at doon natuto siya sa mga aral at turo ni Hesus lalong lalo na sa panalangin at sakripisyo.
Nagsulat siya ng aklat tungkol sa pakikipag-ugnayan sa Panginoon at nagtayo siya ng mga kumbento ng
mga Madre. Ngayon, siya ay nasa piling ng ating Ama na nasa langit at tinatawag natin siyang Santa
Teresa ng Avila.
Tayo rin kung sundin din natin ang mga aral at turo ni Hesus lalo na ang paggawa ng mabuti sa kapwa,
siguradong dadalhin din tayo ng Diyos sa langit.

Maliban sa pagsunod sa utos at aral ni Hesus mahalaga rin na ipahayag natin ang ating pagtitiwala sa
Kanya bilang bugtong na Anak ng Diyos.
 Paano natin ipapahayag ang ating paniniwala kay Hesus?

3.3 PAGSAMBA: SA BANAL NA MISA, TUWING LINGGO IPINAPAHAYAG NATIN ANG


PANINIWALA NATIN KAY HESUS NA BUGTONG NA ANAK NG DIYOS NA ATING PANGINOON.
[KPK 527]
Winika nga ni Santa Teresa: “ Ang panalangin at pagdalo ng Banal na Misa ay isang sulyap sa
langit na kung saan nakakasama natin si Hesus. Nagkakaroon tayo ng kapayapaan sa ating mga puso at
nakakausap natin ang Diyos. Maliban pa diyan kapag tayo ay nagsisimba at nakatuon talaga ang ating isip
at puso kay Hesus na nasa Altar at sa daloy ng Misa masasabing tunay na nasa langit tayo habang
pinapakinggan natin ang mga tinig ng mga umaawit na parang naririnig na rin natin ang mga tinig ng mga
anghel.

3.4 BUOD:
Ang Diyos na mapagmahal ay naghihintay sa atin sa Langit kasama ang mga Banal. Sa Banal na
Misa, tuwing Linggo ipinapahayag natin ang paniniwala natin kay Hesus na bugtong na anak ng Diyos na
ating Panginoon. Sundin natin ang mga aral at utos ni Hesus.

MAHALAGANG TANONG:
1. Sino ang makakapiling natin sa langit?
2. Paano tayo makakarating sa langit?
3. Kailan at saan natin naipapahayag ang ating paniniwala sa Panginoon?
IV. Tugon ng Pananampalataya

4.1 Paninindigan: Ipapamalita ko na ang Diyos ay naghihintay sa atin sa Langit kasama ang
mga Banal.
4.2Pagtatalaga: Ano ang iyong gagawin upang makarating sa langit at makapiling ang Diyos at mga
banal?

4.3Pagdiriwang: Buong puso nating dasalin

Hesus mahal kita, kasama ng mga banal nais kong makapiling ka sa langit balang araw. Amen.

Dasalin: Lualhati…

PAGNINILAY:

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

You might also like