You are on page 1of 4

KATEKESIS PARA SA UNANG BAITANG

PAKSA 1: O, DIYOS AMA, ANG GALING MO!

LAYUNIN:

Nasasabi na ang DiyosAma ay makapangyarihan, Siya ang lumikha


nglahat.

Nakapipili ng mga gagawin bilang pag-aalaga at pag-iingat sa mga


nilikha ng Diyos.

Nakakaawit ng awiting papuri at paghanga sa Diyos.

PAGPAPAHALAGA –Paghanga at pangangalaga sa lahat ng nilikha ng Diyos

SITWASYON NG BUHAY

Karanasan ng paghanga at pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos

Gawain:
Pagpapakita ng larawan ng mga magagandang bagay na nilikha ng
Diyos.

Gabay na Tanong:

 Anu-ano ang mga nakikita ninyo sa larawan? (Bundok, dagat, puno,


hayop, bulaklak, halaman, mga ibon, isda, atbp.)
 Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang ito? (maganda, wow, ang
galing!, atbp.)
 Sino ang lumikha ng mga ito?
 Ano ang maaari nating gawin sa magagandang nilikha ng Diyos para sa
atin?

Pag-uugnay:
Ang Diyos na ating Ama ang lumikha ng lahat ng mga magagandang
bagay na nakikita natin sa larawan at sa ating kapaligiran.
Tunay na napakaganda ng mundo na ginawa ng Diyos Ama. Ang lahat ng
Kanyang nilikha ay para sa ating kapakinabangan.

1
Tanda ng ating paghanga sa mga nilikha ng Diyos, ingatan at
pangalagaan natin ang mga ito.

Paano nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay na nasa ating kapaligiran?


Alamin natin sa pamamagitan ng kwento sa Banal na Aklat.

a. SALITA NG DIYOS - GEN 1:1-31

Kasaysayan ng paglikha (ikuwento nang may larawan)

- Magbigay ng mga nilikha ng Diyos Ama na nabanggit sa kuwento?


- Ano ang naramdaman ng Diyos Ama matapos na makita Niya ang
Kanyang mga nilikha? Bakit?

Nasiyahan ang Diyos sa lahat ng Kanyang mga nilikha dahil ang lahat ng
ito ay maganda at mabuti. Kailangan natin ang lahat ng ito upang tayo ay
mabuhay. Ang galing ng Diyos Ama at tunay na kahanga-hanga. Nilikha
Niya ang lahat para sa atin. Nais Niya na tayo ay mabuhay ng masaya
kaya bilang paghanga, sabihin natin sa Kanya,
O Diyos Ama, ang galing Mo.(maaaring lagyan ng kilos at pagkatapos
ay maglaan ng sandaling katahimikan)

PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

PAGSAMBA :PURIHIN AT PASALAMATAN ANG DIYOS


AMA SA KANYANG MGA NILIKHA.
(Salmo 95:1-2,6-7)

Sa pagsasabi natin ng O Diyos Ama, ang galing Mo, ipinapahayag natin


ang paghanga natin sa Kanya. Bukod dito, maaari natin Siyang papurihan
at pasalamatan sa pagdiriwang ng Banal na Misa tuwing Linggo.Sa ating
mga panalangin at pakikibahagi sa pagdiriwang ng Banal na Misa,
naipapahayag natin ang paghanga at pasasalamat sa Diyos na ating Ama.
Sa ating pagdarasal bago at pagkatapos kumain naipapahayag din natin
ang pasasalamat sa Diyos na ating Ama.

Sa pamamagitan ng Kanyang salita nalikha ang mga bagay na nasa ating


paligid, sa inyong palagay, ano ang mayroon angDiyosAma at nalikha niya
ang lahat ng ito?

2
KATOTOHANAN:ANG DIYOS AMA AY MAKAPANGYARIHAN, SIYA ANG
LUMIKHA NG LAHAT.
(KIK 268, KPK 341)

Ang Diyos Ama lamang ang natatanging may kapangyarihan na magawa


ang lahat ng bagay na ating nakikita at di nakikita. Sabi nga sa Bibliya:
“NILIKHA NG DIYOS ANG LAHAT NG NARIRITO SA DAIGDIG,
NAGAWA NIYA ITO SAPAGKAT SIYA AY
MAKAPANGYARIHAN.”(SALMO 104:24). Hindi Niya nagawa ang mundo
dahil sa magic kundi sa pamamagitan ng Kanyang makapangyarihang
salita lumitaw ang lahat. Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay para sa atin. Sa
Kanyang mga nilikha nanggagaling ang ating mga pangangailangan upang
tayo ay mabuhay. Tunay na maganda at mabuti ang mga nilikha ng Diyos
kaya paano mo ito pahahalagahan?

PAGSASABUHAY:BILANG PAGHANGA SA LAHAT NG


NILIKHA NG DIYOS, ALAGAAN AT INGATAN ANG MGA ITO.
(KIK 307, KPK 341)

Bilang mga bata, paano ninyo pinapangalagaan at iniingatan ang mga


nilikha ng Diyos?
- Pakainin ang alaganghayop
- Diligan at magtanim ng halaman
- Itapon sa basurahan ang mga basura
- Maglinis, atbp.

Lahat ba gumagawanito? Hindi lahat, dahil sa halip na pangalagaan


sinisira at pinapabayaan. Magbigay ng mga pagpapabaya at pagsira na
ginagawa sa mga nilikha ng Diyos.

- Pagtataponngbasura kung saan-saan


- Nagkakalat
- Pagpatay sa mga hayop
- Pagputol sa mga puno, atbp.

Kapag nasira ang mga nilikha ng Diyos walang ganitong kay gagandang
tanawin (balikan ang mga larawan na ipinakita sa sitwasyon ngbuhay)
Kapag tuluyang nawala ang mga nilikha ng Diyos tayo rin ang kawawa
dahil wala na tayong pagkukunan ng ating kakainin. Kaya ano ang pipiliin

3
niyo, alagaan o pabayaan?

Tandaan mga bata tayo ang binigyan ng Diyos ng tungkulin na


pamahalaan ang lahat ng Kanyang nilikha. SabingangDiyos sa tao: “IKAW
ANG MAMAMAHALA SA MGA ISDA, MGA IBON AT LAHAT NG MGA
HAYOP... (GEN 1:26)
Dahil mahal natin ang Diyos Ama at tanda ng ating paghanga tayo’y
nagpapasalamat sa Kanyang mga nilikha, alagaan at ingatan ang mga ito.

PAGBUBUOD

Tayo ay magpuri at magpasalamat sa Diyos Ama sa Kanyang kapangyarihan na


nilikha Niya ang lahat para sa atin. Alagaan at ingatan natin ang mga ito upang
manatili at maging masaya tayo sa ating buhay.

TUGON NG PANANAMPALATAYA

PANININDIGAN: Ang Diyos Ama ay makapangyarihan. Siya ang lumikha


ng lahat.
PAGTATALAGA:Pumili sa mga sumusunod ng gagawin pagdatingsa
bahay. Lagyan ng check angpatlang.

_______ Pagdidilig
_______ Pagtatanim
_______ Pakainin ang aso
_______ Pakainin ang pusa
_______ Iligpit ang mga kalat
_______ Itapon angbasura sa basurahan

PAGDIRIWANG : AWIT

Angmgaibonnalumilipad ay mahalngDiyos di kumukupas (2x)


Huwag ka nang malungkot, O praise the Lord!

You might also like