You are on page 1of 1

JF-Bangkal, Makati/ San Dionisio, Paranaque

2019 Preaching

ANG SAKRIPISYO NI JESUS


Hebreo 7:22-28

Panimula:
Kung paaano naging matagumpay o napapalawig ang proyekto, hanapbuhay ay sa dahilang may naunang pangyayari na
bumuo, kung ano ang ngayon dahil sa kahapon. Sa lahat ng aspekto ng buhay may higit na marapat nating
ipagpasalamatsa Diyos habang tayo ay nabubuhay sa mundong ito. ANg ginawa ng Panginoong Jesus na hindi lamang para
sa mmundong ito kundi sa walang hanggang buhay. Halina ating pag-aralan ang kasaysayang pagsasakripisyo ni Jesus sa
ating kaligtasan. Tinghayan natin sa Heb. 7:22-28
Kasaysayan:
ANg Hebreo ay isang sulat ng may akda sa mga Hudyong Kristiyano na sa panahong ito ay nakakaranas ng pag-uusig,
kawalan ng sosyal at panlipunang karapatan o prebilihiyo. May panganib na talikuran at bunaling muli sa relihiyong
tinalikuran upang maenjoy ang buhay na tanggap ng lipunan, kasiyahan at buhay na nakasandig sa kautusan at ritual. Kay,
buong tiyaga na pinaliwanag ang kaugnayan ni Kristo sa lahat ng mga paniniwalang sa kanila ay nag-uugat.

CQ: Bakit gayon na lamang ang sakripisyo ni Jesus para sa atin?


 DAHIL NAIS NIYANG MATIYAK ANG ATING KALIGTASAN SA PAGLAPIT SA DIYOS tal. 22-25
Ano ang pagtitiyak ni Jesus sa ating kaligtasan?
a) Na maisakatuparan ang Bagong Tipan ng Diyos. Tal 22
b) Na hindi “on duty” na saserdote. Tal 23
c) Siya ay saserdote na nabubuhay magpakailanman. Tal 24
d) Lubusan Niyang ililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos. Tal 25a
e) Siya’y mamamagitan sa atin magpakailanman. Tal 25b, Heb. 2:10
 DAHIL SA NAIS NIYANG MATIYAK NA MATUGUNAN ANG ATING PANGANGAILANGAN tal. 26
Si Jesus ang Dakilang Saserdote na siya lamang makatutugon sa ating pangangailangan, higit pa sa aspetong pangangailangan
material, kundi sa direktang pamamagitan sa Ama para sa ating pangangailangan.
Ano ang mga pagsasakripisyo ni Jesus upang matugunan ang ating pangangailangan?
a) Namuhay at nakahalubilo sa mga makasalanan ngunit nagpasyang huwag magkasala.
b) Pinanatiling mamuhay na dalisay at walang kapintasan.
c) Binuhay na muli at inihiwalay sa mga makasalanan.
d) Naroon sa kalangitan upang mabuhay na mamamgitan magpakailanman.
e) Basahin ang Hebreo 2:14-18
 DAHIL NAIS NIYANG MATIYAK ANG MINSAN LANG NA PAGHAHANDOG tal 27-28
Paniniyak ni Jesus na minsanan lang na paghahandog:
a) Hindi Siya saserdoteng maghahain ng handog sa araw-araw. Tal 27a
b) Mismo ang sarili Niya ang ihahandog na handog magpakailanman. Tal 27b
c) Ang paghahandog ng Kanyang sarili ay ayon sa panunumpa ng Diyos. Tal 28
PAGLALAGOM:
Bakit gayon na lamang ang sakripisyo ni Jesus para sa atin?

 DAHIL NAIS NIYANG MATIYAK ANG ATING KALIGTASAN SA PAGLAPIT SA DIYOS


 DAHIL SA NAIS NIYANG MATIYAK NA MATUGUNAN ANG ATING PANGANGAILANGAN
 DAHIL NAIS NIYANG MATIYAK ANG MINSAN LANG NA PAGHAHANDOG

I never made a sacrifice. We ought not to talk of sacrifice when we remember the great sacrifice that he made who left his
Father’s throne on high to give himself for us. David Livingstone
KONGLUSYON:
Sa kaligtasan nating natamo dahil sa sakripisyo ni Jesus para sa atin. Ating pahalagahan ang pagkahirangng Diyos sa atin
na mamuhay ng may pagsunod at may paglilingkod bilang saserdote na rin ng Diyos. Isang hamon na dapat gawin huwag
lang natin pakinggan.

GGO/Jesus’ Sacrifice/ April 28, 2019

You might also like