You are on page 1of 3

Villarose lesson 5

ANO ANG NAGAWA NG DIOS SA BUHAY MO

Ano ba talaga an gang nangyari sayo noong si Jesus ay pumasok sa iyong buhay? Una, ikaw ay kanyang
iniligtas mula sa iyong mga kasalanan para sa nakahandang kaparusahan – walang hanggang pagdurusa
sa apoy na walang hanggan. Ito ay tinawag na kaligtasan, o pagbabago, ito ang bunga ng pagkakaroon mo
ng Jesus sa iyong puso. Binigyan ka ng Dios ng bagong buhay.

Pangalawa, ikaw ay kanyang pinatuwid. Ito ang nabago at pagbabago sa harapan ng Dios kasama
na rin ang buong kapatawaran ng iyong mga kasalanan.

Ito ay iyong pagmuni-munihan! Noong tinanggap mo si Christo sa iyong buhay ay ikaw ay


napatawad sa lahat ng iyong kasalanan. Katunayan ang sabi ng Dios, “dapat ninyong malaman mga
kapatid, na ipinangaral sa inyo na ang kapatawaran ng kasalanan ay sa pamamagitan ni Jesus at ang
lahat na nananalig sa kanya ay pinatawad sa lahat ng pagkakasalang hindi maipatawad sa inyo sa
pamamagitan sa pagtupad ng kautusan ni Moses.” (GAWA 13:38-39). Ang sabi ng Dios tungkol sa mga
kasalanan, “hindi ko na alalahanin pa ang kanilang mga kasalanan at mga kasamaan ” (Hebrews 10:17)
kahanga hangang pangako ng Dios.

Ang pagka matuwid ay hindi lamang basta pagpapatawad ng kasalanan at pagtanggal sa


kaparusahan na bunga ng kasalanan. Dahil habang tinatanggal ng Dios ang ating mga kasalanan at
kanyang tayong pinapatawad ay ibinibigay na rin niya ang katuwiran ni Christo sa buhay natin kaya ibig
sabihin na hindi mo ito ginawa o pinagpaguran bagkos ibinigay sa atin ito ng Dios bilang handog dahil sa
kanyang pagmamahal sa atin.

Upang maintindihan natin ng mas malalim pa tungkol sa pagtutuwid may mababasa tayo
patungkol dito.

1. ANG KAPATAWARAN AY
IPINANGAKO SA ATIN NG DIOS

“kung ipapahayag natin ang ating mga kasalanan, maasahang ipapatawad sa atin ng
Dios ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating mga kasamaan sapagkat siya’y
matuwid” 1John 1;9)

Ang salitang pagpapahayag ay tumutukoy sa salitang pag aamin na ibig sabihin na inaamin natin
sa harapan ng Dios na tayo ay makasalanan. At pagpapakumbaba sa nagawang kasalanan. Alam natin na
kinamumuhian ng Dios ang kasalanan. Kayat gagawin natin ang pagpapahayag ng ating mga ksalanan na
makatotohanan at ating mararamdaman upang ang Dios ay kanya ring maramdaman na ang ating pag
hihingi ng kapatawaran ay makatotohanan. Ihayag din natin na huwag na nating balikan pa ang mga
kasalanan na iyan. Yan ang totoong paghingi ng kapatawaran na tintukoy ng BIBLIA. Ang rason kung
bakit hindi nararamdaman ng iba ang totoong kapatawaran ay sa kadahilanang hindi makatotohanan ang
paghingi nila ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Kung alam na nating ang batayan ng Dios
tungkol sa pagpapatawad sa ating mga kasalanan at hindi pa natin ito ginawa ibig sabihin na hindi natin
mararamdaman ang ligaya at pagnanais na bunga ng kapatawaran mula sa kanya.

2. IBABALANSE NG DIOS ANG


ATING ISPIRITUAL NA BUHAY
AT MORALIDAD

“Yamang napawalang sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong Jesus


Christo, sa pamamagitan niya’y mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Dios”
( Roma 5:1-2)

Noong ang Dios ay ginawa tayong matuwid sa kanyang paningin, inilagay niya lahat ng
katuwiran ni Christo sa atin. Ito ang kanyang ginawa upang mabalanse natin ang moralidad at spiritual,
marami tayong kaaalaman tungkol sa pamumuhay na matuwid.

Sa puntong ito sa Dios ang kaligtasan, samantalang sa ating naman ang kapanatilihan nito na
dapat nating isagawa ang mga mabubuting bagay bagay na mtuwid sa harapan niya upang mapanatili
natin ang ating kaligtasan dahil ibinigay niya ito sa atin na dapat ating gawin ngunit kung ito ay hindi
natin nagawa ibig sabihin na nabigo tayo na gampanan at panatilihin ang katuwiran na ipinagkatiwala sa
atin na katuwiran ni Jesus Christo.

3. TINAWAG TAYONG
ANAK NG DIOS

( LUKE 15:11-32) basahin sa BIBLIA

Masusumpungan natin sa kuwentong ito tungkol sa suwail na Anak at kung paano siya nagkasala
sa Dios at kung papaano siya pinatawad ulit.

Una makikita natin dito na hindi ibinigay ng Ama ang kaparusahang nararapat sa kanyang Anak.
Ganito rin tayo, hindi ibinigay sa atin ng Dios ang kaparusahang nararapat sa atin sa nagawang kasalanan.

Pangalawa, ang ibinigay sa binatang suwail na ito ay hindi yaong nararapat para sa kanyang
nagawang kasalanan kundi ang hindi inaasahan na pagtanggap sa kanya bilang isang pinakamamahal na
Anak.

Siya rin ang nangyari sa atin, tinanggap pa rin tayo ng Amang nasa langit kahit na tayo ay naging
suwail sa kanya at punom-puno ng kasalanan, ibinigay pa rin sa atin ang karapatang maging Anak na
kahit hindi tayo karapat dapat. Tinawag tayong Anak at siya ang ating Ama. Sa kabuoan, hindi niya
ibinigay sa atin ang dapat na parusa para sa atin bagkos, ibinigay niya sa atin ang hindi sana para atin, ang
kapatawaran sa kasalanan at pagtutuwid sa atin.

PANALANGIN:

You might also like