You are on page 1of 4

Villarose lesson 1Deember14 2014

ANO ANG KULANG


SA ATING BUHAY

DAHILAN, IBIG SABIHIN, RASON kung bakit tayo nabubuhay – Ito lahat ang mga bagay bagay na
hinahanaphanap sa buhay ng isang tao – maraming idea at lahat tayo ay naghahanap ng paraan upang
masumpungan ang talagang ibig sabihin ng BUHAY. Ngunit ang pakiramdam ng lahat ay talunan dahil
hindi nakakamit ang kapayapaan na inaasam at masumpungan ang totoong dahilan kayat ang pakiramdam
ng lahat ay may kulang.

Dahil ang kulang ay ang ispiritual na buhay. Ang ispiritual na buhay ang siyang nawawala sa
atin, na ibig saabihin na nabubuhay ang tao na wala sa kanya ang Ispiritu ng DIOS na siyang magbibigay
ng payapa at kaluwalhatian. Para bagang may isang butas na kailangan punuan at ito ay nasa ating puso,
na parang malalim na butas na walang hanggan na ibig sabihin – ‘wala sa atin ang DIOS”. Wala ni kahit
kaunting lamat sa ating buhay.

Ang ari-arian at kapangyarihan ay hindi kayang ibsan ang puwang na ito o kahit ng karangyaan,
pati na rin sa pakikirelasyon ay hindi kayang punuan ang nawawalang ito at kahit moralidad at sariling
katalinuhan lahat ng ito ay di kayang punuan ng puwang. Higit sa lahat, kahit ang relihiyon ay di kayang
takpan ang butas na ito sa ating puso.

Mayroon lamang tanging paraan upang matakpan o punan ang butas na ito. Ito ay hindi lamang
magbibigay ng buhay na may katiwasayan at pati na rin kayamanan sa mundong ito. Ang pinakamahalaga
ay nabigyan tayo ng walang hanggang makapiling ang Panginoong Dios.

Ngunit bago nating lubos na maunawaan itong mabuting balita na ito ay kailangan muna nating
maintindihan ang masamang balita na siyang tunay na dahilan kung bakit may kulang ang ating buhay.

ANG DAHILAN AY
ANG KASALANAN

Ang BIBLIA ang tanging nakapagbibigay ng malinaw na paliwanag tungkol sa kasalanan. Ang
kasalanan ay hindi lamang sa ginawa kundi ito ay sa ating pagkatao. Hindi ibig sabihin na tayo ay
makasalanan dahil sa may ginawa tayong pagkakasala. Dili kaya’y nagkasala tayo dahil tayo ay
makasalanan. Tayo ay ipinanganak na nangagkasala dahil ang sabi ni Haring David ayon sa Lumang
Tipan. “akoy masama na buhat ng akoy iluwal, makasalanan na ng akoy isilang.” (AWIT 51:5). kung
ibabatay natin dito, maliwanag na tayo ay ipinanganak na makasalanan. Kayat ang kasalanan ay
sumasaatin lahat mula pa pagkapanganak.

Hindi tayo natural na mabuti, bagkus tayo ay natural na masama. Ito ang dahilan kung bakit ang
kasalanan ay sumasabay sa lahat ng ating ginagawa. Lahat ng problema na ating nakikita sa ating lipunan
ngayon.
Kung atin itong mag munimunihin ay dahil lahat sa pag aayaw nating mamuhay sa landasing
ibinigay ng DIOS.
Balikan natin ang naganap sa hardin ng EDEN, Sinunod ni ADAN ang kanyang sarili at mula rito
tinanaggap niya lahat ang kaparusahan at ito ang nasunod ng sangkatauhan. Pinapatunayan ng BIBLIA …
“ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao at kamatayan sa
pamamagitan ng kasalanan niya. Dahil dito lumaganap ang kamatayan sa lahat ng Tao sapagkat ang
lahat ay nangagkasala”. (Roma 5:12) . Kayat maliwanag na si ADAN ang dahilan ng kaparusahan at
nagdala ng kaparusahan sa sangkatauhan.

Pueding sinasabi ng iba na ito ay hindi patas at hindi tama. Bakit nating pinag dudusahan ang
kasalanan ng iba. Kaya nga tayo binigyan ng pagkakataon katulad ni ADAN upang dumaan sa mga
pagsubok. Katunayan walang araw na lumilipas na di tayo dumadaan sa mga pagsubok na kagaya ng
ginawa kay ADAN. Binigyan tayo ng DIOS ng kalayaan na tumahak sa dalawang landas. Sa landas na
nagbibigay buhay at landas na nagbibigay ng kamatayan. Sinabi sa BIBLIA “ngayon binibigyan kita ng
kalayaang pumili sa pagitan ng buhay at kamatayan. Sa pagitan ng biyaya at sumpa. Ngayon tinatawag ko
ang langit at lupa upang maging saksi sa napili mong landas.”

“saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan at ang
pagpapala o sumpa kaya piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay magtatagal” (Deut.
30:19)

ANG MGA UTOS

Sinasabi ng mga iba “ngunit nabubuhay ako ng payapa at napakagandang buhay at ginawa kong
maging mabuti sa iba, nabubuhay ako ayon sa sampung utos ng DIOS ang batas na tinutukoy ng BIBLIA.

Ngunit hindi binigay ang batas upang tayo ay magpakabuti kundi ibinigay ito upang Makita natin
ang ating sarili na napakasama dahil dito ang ating batayan upang masabi nating marami tayong nilabag
sa kagustuhan ng DIOS.

Ang BIBLIA sinasabi;

“sapagkat ang pagpapawalang sala ng DIOS sa mga tao ay hindi dahil sa mga gawa na ayon
sa kautusan, yamang nakikilala ng tao ang kasalanan sa pamamagitan ng kautusan” (Roma 3:20)

Maliwanag na ang hangarin ng batas ay upang makilala natin kung gaano tayo kasama. Marahil
nasasabi natin na ang batas ng DIOS ay ginawa upang titigil na tayo sa paggawa ng masama.

Makikita na natin dito na kailangang kailangan pala natin ang kanyang tulong at kapatawaran sa
mga nagawa nating mga kasalanan at kilalanin na tayo ay makasalanan.

UNAWAIN AT INTINDIHIN
KUNG GAANO KASERYOSO
ANG KASALANAN

1. TAYONG LAHAT AY NANGAGKASALA – Roma 3:23 “sapagkat ang lahat ay nangagkasala at


walang sino mang karapatdapat sa
paningin ng DIOS”

Sinasabing ang lahat ay nangagkasala. Sa lahat ng nagsasabing walang silang kasalanan at wala
silang nagawang pagkakasala ay nagkakamali sila dahil ang katotohanan ay pinatutunayan ng BIBLIA na
ang lahat ay nangagkasala at walang matuwid ni kahit isa. Roma 3:10 “ayon sa nasusulat walang
matuwid, wala ni kahit isa”

Ang ibang katawagan sa matuwid ay mabuti. Ang ibig sabihin ng matuwid ay tumutukoy sa
kasinuhan ng isang tao.

Sinasabi ng BIBLIA na walang matuwid o mabuti, ito ay tumutukoy sa pag uugali ng isang tao,
ngunit mas malalim pa rito dahil sa ito ay mula pa sa kaibutran ng kanyang puso dahil kung ano ang nasa
puso ay siyang lumalabas na karakter ng isang tao at ito ang batayan ng DIOS sa pag uugali na ibig
sabihin na makalangit na batayan na siyang hindi nakakamit ng karamihan na siyang tinutukoy sa Roma
3:23.

Ang makalangit na batayan ng DIOS ay ang pinakamataas na antas ng pagka ganap dahil sinabi
ni Jesus “kaya dapat kayong maging ganap gaya ng inyong Amang nasa langit.” Na ibig sabihin na
ang sino mang hindi ganap ay hindi katanggap tangap sa kaharian ng DIOS.

2. ANG KASALANAN AY
BULUNTARYONG GAWAIN
EFESO 2:1-3

Efeso 2:1-3

“noong una’y patay kayo dahil sa inyong pagsuway at mga kasalanan, sinunod ninyo noon ang
masamang takbo ng sanlibutang ito at napailalem kayo sa prinsepe ng kasamaan, ang espiritung
naghahari sa mga suwail”

Dahil ang kasalanan ay buluntaryong paggawa, di nating pueding idahilan ang mga kasalanan sa paligid o
ang mga nag uudyok ng kasalanan sa lipunan at pisikal na kaanyuan dahil ang lahat ay may karapatan na
pumili sa kanyang ginagawa masama ba o sa mabuti? “kung di tayo sang-ayon dito ay dinadaya natin
ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan” (1John 1:8)

3. ANG KABAYARAN NG
KASALANAN AY KAMATAYAN
Roma 6:23

Ayon sa BIBLIA nasaktan natin ang Banal na DIOS. Hindi lamang iisang beses o dalawa ngunit
napakadaming beses na hindi na natin mabilang.
Roma 6:23

“ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan”

Ang kabayaran ay tumtukoy sa kabayaran ng isang ginawa. Na ibig sabihin na makakamit mo ang
iyong bayad sa iyong ginawa. Kayat kung lahat tayo ay paulit ulit na nakagawa ng kasalanan, makakamit
din natin ang katapat na bayad sa ating nagawang kasalanan, KAMATAYAN, kung saan ang walang
hanggang paghihirap at parusa sa apoy na walang hanggan.

Kahit ganito ang kahinatnan ng bunga ng mga nagawang pagkakasala. Ang DIOS ay nagbigay ng
paraan upang makaiwas sa kabayaran na kamatayan dahil sa kasalanan. Ginawa pa rin niyang tayo ay
makabalik sa kanya at tamasain ang habang buhay na biyaya na walang hanggan.

Pagpalain nawa tayo ng panginoon

ANG PARAAN LAMANG AY SI JESUS

PANALANGIN

You might also like