You are on page 1of 2

ROMA 6:23

Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos
ay buhay na walang hanggan kay Kristo Hesus na ating Panginoon.
KABAYARAN
Ano ang kahulugan ng kabayaran? Itoy katumbas ng bagay na iyong ginawa. Anung
mararamdaman mo kapag hindi binigay sa iyo ang katumbas na sweldo sa iyong
pagtratrabaho. Alam nating nararapat lang na ibigay ang isang bagay na ating
pinaghirapan. Tatanggap tayo ng kabayaran sa Diyos ayon sa ating pinamuhay.
KASALANAN
Anu ang nasa isip mo kapag binanggit ang salitang kasalanan? Anu ang dapat ipamuhay
ng tao para makapunta sa langit? Ang kasalanan ay higit na paguugali kaysa sa gawa, ito
ay maaring ugaling pagkamuhi o kaya ay pagbabalewala sa Diyos. May pagkakataon ba
sa buhay mo na ang Diyos ay parang malayo sa yo? Ang kasalanan ang naghihiwalay at
nagpapalayo sa Diyos at sa tao.
KAMATAYAN
Anu ang nasa isip mo kapag nabanggit ang salitang kamatayan? Ang kamatayan ay isang
paghihiwalay. Kapag tayo ay namatay ang kaluluwa ay nahihiwalay sa ating katawan.
Kung pipiliin ng tao na balewalain ang Diyos habang sya ay nabubuhay ang pagkawalay
na ito ay magreresulta sa walang hanggang paghihirap at pagkawalay sa Diyos sa
impyerno. Hindi lang sya mawawalay sa Diyos ngayon, pero ito ay magpapasawalang
hanggan.
NGUNIT
Ito ang pinakamahalagang salita sa talata dahil ito ay nagpapakita ng pagasa sa ating
lahat. Lahat ng ating pinagusapan ay masamang balita ngunit may mabuting balita ang
Diyos. Ang mga susunod na tatalakayin natin ay kabaligtaran ng mga napagusapan na
natin.
KALOOB
Ano ang pinagkaiba ng Kaloob sa Kabayaran? Ang kaloob ay ibinibigay bunga ng
pagmamahal at hindi dahil sa ginawa ng pinagbibigyan. Anong mararamdaman mo
kapag may nagbigay sa iyo ng mamahaling kaloob? May ilang tao para makuha ang
pabor ng Diyos ay gumagawa ng mabuti o nakikilahok sa mga relihiyosong bagay. Ngunit
imposibleng bayaran ang isang bagay na napagbayaran na.
DIYOS
Ang Diyos ang nagbigay ng kaloob. Hindi ko ito mabibigay sa iyo. Hindi ito mabibigay ng
simbahan. Walang makapagbibigay ng kaloob na ito maliban sa Diyos. Bakit sa tingin mo
na nais ng Diyos na bigyan ka ng kaloob? Bakit magbibigay ang sino man ng isang
mahalagang kaloob?
BUHAY NA WALANG HANGGAN
Ano sa tingin mo ang kahulugan ng buhay na walang hanggan? Ang buhay na walang
hanggan ay ang maranasan ang buhay na kasama ang Diyos magpakailanman. Ang
tunay na buhay ay ang pagkakaroon ng relasyon sa Diyos. Tulad ng pagkawalay sa Diyos
na magsisimula ngayon at magpapatuloy magpakailanman. Ang buhay na walang
hanggan ay magsisimula ngayon at magpapatuloy din magpakailanman
KRISTO HESUS
Si Hesus ang paraan para makuha natin ang kaloob na buhay na walang hanggan. Siya
ang nagiisa at tanging anak ng Diyos. Walang maaaring mag-alok ng kaloob na ito
maliban ang tanging nagbayad nito. Binayaran ito ni Hesus ng kanyang buhay.
PANGINOON
Ang kaloob ay ibinibigay sa sinumang tatanggapin si Hesus bilang Panginoon. Nagiging
Panginoon si Hesus sa ating buhay kung ibibigay natin sa kanya ang buong kontrol ng
ating buhay.
PAGHAYAG AT PAGSUKO
Ang PAGHAYAG ay ang pag-amin sa Diyos na tayo ay nagkamali at nais nating humingi
ng kapatawaran kay Kristo at tumalikod sa ating mga kasalanan. Ang PAGSUKO ay ang
pagbibigay kay Kristo ng kapangyarihan sa ating buhay at mamuhay ayon sa kanyang
kalooban. Hindi ibig sabihin na tayoy hindi na magkakamali, ngunit mamumuhay tayo
upang magbigay ng kaluguran sa Diyos.

Pagkatapos nito ay anyayahan mo ang iyong kausap na tanggapin si Hesus at


manalangin ng panalangin ng pagtanggap. Ikaw ang manguna sa panalangin at sabihin
sa kanya na ituring nya na kanyang sariling panalangin ito. Sabihin mo sa kausap na
sundan at bigkasin nya ang panalangin sa iyong pangunguna

Ama naming Diyos na makapangyarihan sa lahat, inaamin ko na ako ay nagkasala at


hindi nararapat na makasama ka dahil sa aking mga kasalanan. Ngunit ako ay
nananampalataya na si Hesus ang nagbayad ng aking mga kasalanan. Patawarin mo ako
sa aking mga pagkakasala at tinatanggap ko si Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas
ng aking buhay. Tulungan mo po akong mamuhay ayon sa iyong kalooban. Ito ang aking
panalangin sa pangalan ni Hesus. Amen

You might also like