You are on page 1of 27

7:00 PM I MONDAY I AUGUST 15, 2022

Daily Prayer Chain


ANG PINAKA MAGANDANG DESISYON AY
DESISYON NA SUMUNOD

PTR. BERT BUENAVENTURA


Nangyayari na kapag pinipili natin ang
mali o tama, nahihikayat di ang iba na
gumawa rin ng katulad nito. Ito ay
dahil totoo na anomang ating
desisyon, may epekto ito sa atin at sa
ating kapwa.
Sa perpekstibo ng Bibliya, tinitiyak
nitong hangad ng Dios na tayo ay
maging masunurin at matamasa ang
bunga ng pagsunod sa Kanya.
ISAIAS 1:19

Kung kayo'y magkusa at


mangagmasunurin, kayo'y
magsisikain ng buti ng lupain:
Ngunit may babala ang Bibliya sa mga
mambabasa nito patungkol sa pag-
iingat sa pagpili ng daang tatahakin
lalo na at tayong mga tao ay
makasalanan:
Sa panahon ni Noe | Genesis 6:5

At nakita ng Panginoon na mabigat


ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang
buong haka ng mga pagiisip ng
kaniyang puso ay pawang masama
lamang na parati.
Sa Awit ni Haring David |
Mga Awit 51:5

Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan;


at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng
aking ina,
Sa pag-aaral ni Haring Solomon |
Mga kawikaan 16:25

May daan na tila matuwid sa tao,


nguni't ang dulo niyaon ay mga daan
ng kamatayan.
Sa sulat ni Propeta Jeremias |
Jeremias 17:9

Ang puso ay magdaraya ng higit kay


sa lahat na bagay, at totoong
masama: sinong makaaalam?
Ibig sabihin, ang isang natural na tao
na tulad natin na ipinanganak sa laman
ay walang pagnanais at kakayahang
sumunod sa Dios.
Juan 3:6

Ang ipinanganak ng laman ay laman


nga; at ang ipinanganak ng Espiritu
ay espiritu nga.
1 Corinto 2:14
Nguni't ang taong ayon sa laman ay
hindi tumatanggap ng mga bagay ng
Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito
ay kamangmangan sa kaniya; at hindi
niya nauunawa, sapagka't ang mga
yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu.
Dahil ito ang kalalagayan nating
LAHAT, paano tayo makasusunod sa
Dios?
Ang sagot ay ang pagkapanganak na
muli upang manahan ang Banal na
Espiritu.
Gawa 5:32

At kami'y mga saksi ng mga bagay


na ito; at gayon din ang Banal na
Espiritu, na siyang ibinigay ng Dios
sa nagsisitalima sa kaniya.
1 Corinto 12:3
Kaya't ipinatatalastas ko sa inyo, na wala
sinomang nagsasalita sa pamamagitan
ng Espiritu ng Dios ay nagsasabi, Si
Jesus ay itinakwil; at wala sinoman ay
makapagsasabi, Si Jesus ay Panginoon
kundi sa pamamagitan ng Banal na
Espiritu.
Juan 16:13
Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng
katotohanan ay dumating, ay papatnubayan
niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't
hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang
sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang
marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain:
at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga
bagay na magsisidating.
Samakatuwid, imposible na ang tao sa
natural nitong kalalagayan na
makasunod kung hindi sya tunay na
ipinanganak na muli sa Salita at
Espiritu.
Anomang pilit at aral na natin kung
hindi sya pinananahanan ng Banal na
Espiritu, sa una o sa kalaunan ay
bibitaw rin sya sa paghahangad na
sumunod.
Para naman sa mga totoong nakaranas
ng kapanganakang muli, ito ang
garantiya ng Dios ng Bibliya:
Mga Awit 32:8

Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa


iyo ang daan na iyong lalakaran:
papayuhan kita na ang aking mga
mata, ay nakatitig sa iyo.
Mga Kawikaan 3:5-7

5 Tumiwala ka sa Panginoon ng
buong puso mo, at huwag kang
manalig sa iyong sariling kaunawaan:
Mga Kawikaan 3:5-7

6 Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong


mga lakad, at kaniyang ituturo ang
iyong mga landas.
Mga Kawikaan 3:5-7

7 Huwag kang magpakapantas sa


iyong sariling mga mata; matakot ka
sa Panginoon, at humiwalay ka sa
kasamaan:
Tiyak na darating ang mga sandaling
hindi magiging klaro sa atin ang bawat
detalye sa daan ng Panginoon. Na
lilituhin tayo ng ating damdamin, ng
diablo, at ng sanlibutan.
Ngunit, ang mga karakter sa Bibliya tulad ni
Noe, Abraham, Jacob, David, Solomon,
mga propeta, mga apostol, lalo na ang
buhay at ministeryo ng Panginoong Jesu-
Cristo ay mga walang hanggang patotoo
na ang pinaka magandang desisyon ay ang
desisyon na sumunod sa Dios.
TO GOD BE ALL THE GLORY!

You might also like