You are on page 1of 4

ARALIN SA

PAMUMUHAY NG TAGUMPAY


















Kung ihahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid
na magpapatawad at maglilinis sa atin sa lahat ng ating kalikuan. Kung
sinasabi nating hindi tayo nagkasala, ginagawa natin siyang sinungaling at
ang salita niya ay wala sa atin.
I Juan 1:9-10.
PAALALA:

Mapapansin mo na sa bawat aralin ay may mga talatang sasauluhin. Sa araw na pasimula mong sagutin ang mga
tanong pasimula mo na rin ang pagsasaulo ng mga ito. Kung maari sabihin mo mula sa isip nang maraming beses
araw-araw ang mga ito. Pagbutihin mo ang pagsaulo ng bawat talata hanggang masabi ang mga ito nang walang
kamali-mali. Upang huwag makalimutan ang pinagsanggunian sabihin mo yaon ng dalawang ulit bago mo sabihin ang
talata at pagkatapos mo sabihin.

2

Paunawa: Maliban na kung binabanggit sa talata ang bersyon pinagkunan nito, ang mga
sumusunod na kasulatan ay mula sa saling Tagalog ng Bibles International.
Genesis 3:6: At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin,
at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas
siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at
ito'y kumain. (Ang Biblia)
Awit 32:5: Aking kinilala ang aking kasalanan sa iyo, At ang aking kasamaan ay hindi ko
ikinubli: Aking sinabi, Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon; At iyong
ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan. (Ang Biblia)
Awit 34:18: Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, At inililigtas ang
mga may pagsisising diwa. (Ang Biblia)
Awit 51:12: Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: At alalayan ako ng
kusang espiritu. (Ang Biblia)
Awit 66:18: Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, Hindi ako didinggin
ng Panginoon. (Ang Biblia)
Awit 119:9-11:
9
Sa paano lilinisin ng isang binata ang kaniyang daan? Sa pagdinig doon
ayon sa iyong salita.
10
Hinanap kita ng aking buong puso: Oh huwag nawa akong malihis sa
iyong mga utos.
11
Ang salita moy aking iningatan sa aking puso: Upang huwag akong
magkasala laban sa iyo. (Ang Biblia)
Awit 139:23-24:
23
Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso; Subukin mo
ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
24
At tingnan mo kung may anomang lakad ng
kasamaan sa akin, At patnubayan mo ako sa daang walang hanggan. (Ang Biblia)
Kawikaan 28:13: Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa:
Nguni't ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan. (AB)
Jeremiah 17:9: Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong
masama: sinong makaaalam? (Ang Biblia)
Mateo 4:4-10:
4
Sumagot si Jesus sa kaniya, na sinasabi: Nasusulat: Hindi lamang sa
tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos.
5
Nang
magkagayon, dinala siya ng diyablo sa banal na lungsod. Pinatayo siya sa taluktok ng
templo.
6
Sinabi ng diyablo sa kaniya: Yamang ikaw ang Anak ng Diyos, tumalon ka
sapagkat nasusulat: Uutusan niya ang kaniyang mga anghel patungkol sa iyo. Bubuhatin ka
at dadalhin ka ng kanilang mga kamay upang hindi tumama ang iyong paa sa bato.
7
Sinabi
sa kaniya ni Jesus: Nasusulat din naman: Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.
8
Muli siyang dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang
lahat ng paghahari sa sanlibutan at ang kaluwalhatian nito.
9
Sinabi ng diyablo sa kaniya:
Lahat ng mga bagay na iyon ay ibibigay ko sa iyo kung magpatirapa ka at sambahin ako.
10
Nang magkagayon, sinabi ni Jesus sa kaniya: Lumayo ka, Satanas, sapagkat nasusulat:
Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lamang ang iyong paglingkuran.
Mateo 5:23-24, 28:
23
Kaya nga, kapag ikaw ay magdala ng iyong kaloob sa dambana at
doon ay maala-ala mo na ang iyong kapatid ay may laban sa iyo, iwanan mo roon sa harap
ng dambana ang iyong kaloob.
24
Lumakad ka at makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid.
Pagkatapos ay bumalik ka at maghandog ng iyong kaloob. . .
28
Ngunit sinasabi ko sa inyo:
Ang sinumang tumingin sa isang babae na may masamang pagnanasa sa kaniya ay
nagkakasala na ng pangangalunya sa kaniyang puso.
Mateo 18:15: Gayunman, kapag ang iyong kapatid na lalaki ay magkasala sa iyo, puntahan
mo siya, sabihin mo sa kaniya ang kaniyang kasalanan na kayong dalawa lang. Kung
pakinggan ka niya, napanumbalik mo ang iyong kapatid.
Mateo 26:41: Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong mapasok sa tukso. Ang
espiritu nga ay nagnanais ngunit ang katawan ay mahina.
Marcos 7:21-23:
21
Ito ay sapagkat mula sa loob, sa puso ng tao nagmumula ang masamang
kaisipan, mga pangangalunya, mga pakikiapid, mga pagpatay.
22
Mga pagnanakaw, mga
pag-iimbot, mga kasamaan, pandaraya, kalibugan, pagkainggit, matang masama,
pamumusong, kayabangan at kahangalan.
23
Ang lahat ng kasamaang ito ay nagmumula sa
loob at siyang nagpaparumi sa tao.
Marcos 11:25: Kapag kayo ay nakatayo at nananalangin, kung mayroon kayong anumang
laban sa kaninuman, patawarin ninyo siya. Ito ay upang patawarin din naman kayo sa
inyong mga pagsalansang ng inyong Amang nasa langit.
Lucas 19:8: Si Zaqueo ay nakatayo at sinabi niya sa Panginoon: Narito, Panginoon, ang
kalahati ng aking tinatangkilik ay ibibigay ko sa mga dukha. Anuman ang aking nakuha sa
pamamagitan ng maling paraan sa sinuman ay ibabalik ko nang makaapat na ulit.
Juan 5:14: Pagkatapos nito, natagpuan siya ni Jesus sa templo. Sinabi sa kaniya: Narito,
ikaw ay magaling na. Huwag ka nang magkasala upang hindi mangyari sa iyo ang
malubhang bagay.
Juan 8:11: Sinabi niya: Wala, Ginoo.
B
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Kahit ako man ay hindi
hahatol sa iyo. Humayo ka at huwag nang magkasalang muli.
Roma 8:7, 34:
7
Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't
hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari:. . .
34
Sino ang hahatol? Si
Cristo Jesus na namatay, oo, yaong nabuhay na maguli sa mga patay na siyang nasa kanan
ng Dios, na siya namang namamagitan dahil sa atin. (Ang Biblia)
I Corinto 3:17: Ang sinumang wawasak sa banal na dako ng Diyos ay wawasakin din ng
Diyos sapagkat ang dakong banal ng Diyos ay banal at kayo ang dakong iyon.
I Corinto 10:13: Walang pagsubok na dumating sa iyo maliban sa karaniwang pagsubok sa
tao. Ang Diyos ay matapat, na hindi ka pababayaang masubok nang higit sa makakaya mo.
Kasabay ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para makaligtas ka nang sa gayon,
makayanan mo ang pagsubok.
II Corinto 10:4: Ito ay sapagkat ang aming mga sandata sa labanang ito ay hindi pantao.
Subalit ito ay makapangyarihan sa pamamagitan ng Diyos na makakapagpabagsak ng
matitibay na kuta.
Efeso 4: 32:
32
Maging mabait kayo sa isat isa, mahabagin, nagpapatawaran sa isat
isa, kung papaanong pinatawad kayo ng Diyos kay Cristo.
Efeso 6:12, 16-17:
12
Ito ay sapagkat nakikipagtunggali tayo, hindi laban sa laman at
dugo, subalit laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapamahalaan, laban sa mga
makapangyayari sa kadiliman sa kapanahunang ito at laban sa espirituwal na
kasamaan sa mga dako ng kalangitan. . .
16
Higit sa lahat, kunin ninyo ang kalasag ng
pananampalataya. Sa pamamagitan nito ay maaapula ninyo ang mga nag-aapoy na
palaso ng masama.
17
Tanggapin din ninyo ang helmet ng kaligtasan at ang tabak ng
Espiritu na siyang salita ng Diyos.
Filipos 4:11-13:
11
Hindi sa ako ay nagsalita dahil sa aking pangangailangan, dahil
natutuhan ko nang masiyahan anuman ang aking kalagayan.
12
Alam ko ang mabuhay
sa paghihikahos at ang mabuhay sa kasaganaan, kung paano ang ibababa at alam ko
kung paano ang sumagana. Sa lahat ng dako at sa lahat ng bagay ay tinuruan akong
mabusog at magutom, maging sa kasaganaan at maging sa kasalatan.
13
Ako ay may
sapat na lakas na gawin ang lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Cristo na
nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.
II Timoteo 2:19: Gayunman, ang matatag na saligan ng Diyos ay nakatindig nang
matibay. Ito ang nakatatak dito: Kilala ng Panginoon ang kabilang sa kaniya.
Lumayo sa kalikuan ang bawat isang sumasambit sa pangalan ni Cristo.
Hebreo 3:12-13:
12
Magsipagingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa
kanino man sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na
naghihiwalay sa inyo sa Dios na buhay:
13
Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't
isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa
inyo ng daya ng kasalanan. (Ang Biblia)
Hebreo 11:6: Ngunit kung walang pananampalataya, walang sinumang tunay na
makakapagbigay-lugod sa kaniya. Sapagkat ang lumalapit sa Diyos ay dapat
sumampalatayang may Diyos at dapat siyang sumampalatayang siya ang nagbibigay
gantimpala sa mga masikap na humahanap sa kaniya.
Santiago 1:2-4, 13-14:
2
Mga kapatid ko, ituring ninyong buong kagalakan kapag
dumaranas kayo ng ibat ibang uri ng pagsubok.
3
Nalalaman ninyo na ang pagsubok
sa inyong pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis.
4
Ngunit hayaan ninyong ang
pagtitiis ay magkaroon ng kaniyang ganap na gawa upang kayo ay maging ganap at
buo. Sa gayon, kayo ay maging ganap at lubos na walang anumang kakulangan. . .
13
Huwag sabihin ng sinumang tinutukso: Ako ay tinutukso ng Diyos. Ito ay sapagkat
ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang
sinuman.
14
Ang bawat tao ay natutukso kapag siya ay nahihila ng kaniyang
masidhing pita at siya ay nasisilo nito.
Santiago 3:8-9, 14:
8
Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang
masamang hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay.
9
Siyang ating
ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong
ginawang ayon sa larawan ng Dios. . .
14
Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na
paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at
huwag magsinungaling laban sa katotohanan. (Ang Biblia)
Santiago 4:4, 7, 17:
4
Hindi ba ninyo nalalaman, kayong mga mangangalunyang
lalaki at babae na ang nagnanais maging kaibigan ng sanlibutan ay pakikipag-away
sa Diyos? Kaya ang sinumang makikipagkaibigan sa sanlibutan ay kaaway ng Diyos.
. .
7
Ipasakop nga ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo
at siya ay lalayo sa inyo. . .
17
Kaya nga, ang sinumang nakakaalam sa paggawa ng
mabuti at hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kaniya.
Santiago 5:16: Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at
ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng
maningas na panalangin ng taong matuwid.
I Pedro 2:11: Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga
nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo'y magsipagpigil sa mga masamang
pita ng laman, na nakikipaglaban sa kaluluwa. (Ang Biblia)
I Pedro 5:8: Magkaroon kayo ng maayos na pag-iisip at magbantay kayo sapagkat
ang diyablo na kaaway ninyo ay parang leon na umaatungal at umaali-aligid na
naghahanap kung sino ang malalamon niya.
I Juan 1:8-10:
8
Kung sinasabi nating wala tayong kasalanan, dinadaya natin ang
ating sarili at ang katotohanan ay wala sa atin.
9
Kung ihahayag natin ang ating mga
kasalanan, siya ay matapat at matuwid na magpapatawad at maglilinis sa atin sa
lahat ng ating kalikuan.
10
Kung sinasabi nating hindi tayo nagkasala, ginagawa natin
siyang sinungaling at ang salita niya ay wala sa atin.
I Juan 2:1-2, 15-16:
1
Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko
sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay
may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:
2
At siya ang
pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan ,
kundi ng sa buong sanglibutan din naman. . .
15
Huwag ninyong ibigin ang
sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa
sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama.
16
Sapagka't ang lahat na
nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga
mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan. (AB)
I Juan 4:4: Munting mga anak, kayo ay mula sa Diyos at sila ay napagtagumpayan
ninyo sapagkat higit siyang dakila na nasa inyo kaysa sa kaniya na nasa sanlibutan.
I Juan 5:5: Sino ang nagtatagumpay sa sanlibutan? Hindi ba ang sumasampalataya
na si Jesus ang Anak ng Diyos?

3
PAMUMUHAY NG TAGUMPAY

Bagamat tayoy naligtas nat binigyan ng buhay na walang hanggan, patuloy pa rin nating kakaharapin ang mga tukso at pagsubok na
mapagtatagumpayan lamang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Mababasa natin sa Mateo 4:1 na maging ang bugtong na Anak ng Diyos
ay tinukso rin ng Diablo ano pa kaya ang mga naging anak ng Diyos sa pagsampalataya sa bugtong na anak Niya? Sa araling ito matutunan
natin ang mahahalagang turo ng Biblia na mapapakinabangan natin laban sa ating mga kaaway. Simulang sauluhin ang 1 Juan 1:9-10.

KABANATA 1: ANG MGA KAAWAY AT ANG MGA SANDATA NG MGA MANANAMPALATAYA

1. Anu-ano ang mga kaaway na dapat nating pagtagumpayan ayon sa mga sumusunod na talata?

1 Pedro 5:8 _____________________________________________ 1 Juan 2:15-16 ___________________________________________

Efeso 6:12 ______________________________________________ Roma 8:7 ______________________________________________

Ang Diablo, sa pamamagitan ng sanlibutan na siyang diyos nito (1 Corinto 4:4), sa pamamagitan ng ating mga sarili na dating alipin ng
kasalanan (Roma 6:16-22), sa tulong ng kanyang mga alagad na espiritu (Efeso 2:2) ay may layuning tayo ay mai-gupo, manakawan ng
masaganang buhay (Juan 10:10) at ma-isakdal para sa kapahamakan (Pahayag 12:10).

2. Ayon sa 1 Juan 2:16, ano ang tatlong pangunahing kaparaanan na tayoy maaaring tuksuhin? _________________________
______________________________________________________________________________________________________

Kung ating gugunitain, sa pamamagitan ng tatlong kaparaanang ito natukso ang ating mga unang ninuno, ito ay ayon sa Genesis 3:6.

3. Basahin sa Marcos 7:21-23 ang pahayag ni Jesus tungkol sa puso ng mga tao. Ayon sa kanya, anong mga bagay ang
nagmumula sa puso ng tao? _______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

Ano ang ipinahayag sa Jeremias 17:9 tungkol sa kalagayan ng puso ng tao? _______________________________________

Basahin ang Santiago 3:14. Ano ang pinagmumulan ng alitan at paglalaban-laban? _________________________________

Ano ang ginagawa ng pita ng laman sa kaluluwa? (1 Pedro 2:11) ____________________________________________________

4. Sa Santiago 4:4. Ano ang kahulugan ng pagiging kaibigan ng san-libutan? ________________________________________

Sa pagkakataong ito, napakahalagang malaman mo na wala kang tagumpay na maasahan sa pagtitiwala sa sarili mong kakayahan
sapagkat maging ang ating mga puso, ang pita ng ating laman, ang pita ng ating mga mata, at ang kapalaluan sa buhay ay hindi rin
natin maituturing na kapanalig. Ganun pa man basahin ang 1 Corinto 10:13.

5. Sa 1 Corinto 10:13, anong uri ng pagsubok ang dumating sa iyo? _______________________________________________

Pababayaan ba ng Diyos na ikaw ay masubok nang higit sa makakaya mo? _______________________________________

Ano ang gagawin niya kasabay ng pagsubok? ______________________________________________________________

6. Ayon sa Santiago 1:13-14, nagmumula ba ang tukso sa Diyos (talata 13)? ________________________________________

Kung tayo ay nadadaig ng tukso, paano ito maipapaliwanag (talata 14)? _________________________________________

7. Anong pakinabang ang mapapasaatin bilang bunga ng mga pagsubok? (Santiago 1:2-4) _____________________________

8. Sino ang nagbibigay sa atin ng lakas upang harapin ang mga tukso? (Filipos 4:13) _________________________________

Bakit maari niya tayong papagtagumpayin? (1 Juan 4:4) ______________________________________________________

9. Sabi sa Santiago 4:7 may dalawang magagawa tayo upang malabanan ang tukso: __________________________________
______________________________________________________________________________________________________

10. Anong sandata ang magagamit natin sa pakikiharap sa kaaway? (Efeso 6:17) _____________________________________

11. Ano ang ginamit ni Jesu-Cristo upang harapin ang pagsalakay ni Satanas? (Mateo 4:4, 7, 10) ________________________

Natutunan natin kung paanong si Jesus ay sinalakay sa pamamagitan ng mga sumusunod: pita ng laman (talata 2-3), kapalaluan ng
buhay (talata 6), at pita ng mata (talata 8-9) ngunit sa pamamagitan ng Salita ng Diyos nagtagumpay siya laban sa tukso.
Natutunan din natin kung paanong nagkakaisa ang Ama, ang Anak at ang Espiritu sa pagbigay sa atin ng tagumpay. Ang Ama ang
gumagawa ng paraan, ang Anak ang nagbibigay sa atin ng lakas, at binigyan tayo ng tabak ng Epiritu Santo na siyang Salita ng Diyos.

12. Ano ang maari nating gawin upang ang Salita ng Diyos ay maging laging handa upang ipanagupay sa kasalanan?
(Awit 119:9-11) ____________________________________________________________________________________

Ano ang maaring maging bisa ng Salita ng Diyos sa ating buhay? Talata 9 _______________________________________

13. Ano pa ang ilang mga paraan na makapagdudulot ng palagiang tagumpay sa ating mga buhay?

4

Efeso 6:16 ______________________________________________ Mateo 26:41 ___________________________________________

Hebreo 3:12-13 _________________________________________2 Corinto 10:4 ___________________________________________

KABANATA 2: ANG KASALANAN AT ANG ATING TAGAPAGTANGGOL

1. Bagamat pinatawad na ang lahat ng nakaraan nating kasalanan, ang pagiging Cristiano bay nangangahulugang tayoy hindi
na magkakasala? (1 Juan 1:8-10) ___________________________________________________________________________

2. Ayon sa itinuturo sa Santiago 4:17, papaano pa nagkakasala ang isang tao? _______________________________________

3. Ano ang pahayag sa 1 Juan 1:8 tungkol sa taong nagsasabing siyay walang kasalanan? _____________________________

4. Basahin ang mga sumusunod na talata at isulat ang mga kasalanang tinutukoy dito:

Mateo 5:28 ____________________________________________ Santiago 3:8-9_____________________________________________

1 Corinto 3:17 __________________________________________ Hebreo 11:6 _____________________________________________

5. Anong nais ng Diyos na ating gawin sa kasalanan? (2 Timoteo 2:19) ____________________________________________

6. Kung tayo ay magkakasala, ano ang dapat nating tandaan ayon sa 1 Juan 2:1-2? ___________________________________

Ayon sa Roma 8:34, ano ang ginagawa ni Jesu-Cristo para sa atin? _____________________________________________

7. Sa 1 Juan 1:9 ano ang dapat nating gawin upang ang ating mga kasalanan ay mapatawad? ___________________________

Bukod sa pagpapatawad, ano pa ang ginagawa ng Diyos para sa atin? ___________________________________________

8. Ayon sa Awit 66:18 at Kawikaan 28:13 anu-ano ang mga bagay na ibubunga ng kasalanang hindi inaamin? _____________
______________________________________________________________________________________________________

9. Paano ipinaliwanag ng Mang-aawit ang pag-amin sa kasalanan? Awit 32:5 _______________________________________

Kanino dapat aminin ang kasalanan? _____________________________________________________________________

Kanino naman ayon sa Santiago 5:16 ? ____________________________________________________________________

Masasabing may dalawang direksyon ang pagkakasala natin: paitaas (kasalan sa Diyos) at pahalang (kasalanan natin sa ating sarili at
sa ating kapwa) na parehong dapat nating ihingi ng tawad sa bawat kunauukulan nito.

10. Ano ang kalagayan ng isang tao na may tunay na pag-amin sa kasalanan? Awit 34:18? _____________________________
______________________________________________________________________________________________________

11. Sa halip na makadama ng panunumbat ng budhi, ano ang bungang inaasahan ni David pagkatapos niyang aminin ang
kanyang pagkakasala? Awit 51:12 __________________________________________________________________________

12. Basahin ang Juan 5:14 at Juan 8:11b, anu-ano ang sinabi ni Jesus sa kanyang pinagaling at pinatawad? ________________
______________________________________________________________________________________________________

13. Yamang naranasan natin ang pagpapatawad ng Diyos paano naman natin pakikitunguhan ang ating mga kapwa?

Efeso 4:32 _________________________________________________________________________________________

14. Basahin mo ang Mateo 5:23-24. Kung alam mong mayroong kapatid na may sama ng loob sa iyo, sino sa inyo ang dapat
unang makipagsundo? ____________________________________________________________________________________

15. Basahin mo ang Mateo 18:15. Kung nagkasala sa iyo ang kapatid mo, sino ang dapat gumawa ng hakbang upang muli
kayong magkasundo _____________________________________________________________________________________

16. Ang Lucas 19:1-10 ay ulat tungkol sa isang maniningil ng buwis na nagngangalang Zequeo na nagbago matapos na
makilala si Jesus. Paano niya ipinakita ang kanyang pagbabago at pagsisisi sa kanyang mga nagawang kasalanan (talata 8)?
______________________________________________________________________________________________________

17. Ano ang isang magandang panalangin ng isang taong nagnanais makapamuhay na matagumpay? (Awit 139:23-24) ______
______________________________________________________________________________________________________

18. Ano ang natutunan ni Pablo tungkol sa pagtatagumpay sa lahat ng mga pangyayari? (Filipos 4:11-12) _________________
______________________________________________________________________________________________________

19. Isulat ang mga bagay na nararapat mong simulang gawin upang patuloy mong mapagtagumpayan ang mga kasalanan at
mga tuksong yong dinaranas araw-araw. _____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

You might also like