Hanggang ngayon ay wala pa kayong hiningi sa pangalan ko. Humingi kayo at tatanggap kayo upang malubos ang inyong kagalakan. Juan 16:24. PAALALA:
Mapapansin mo na sa bawat aralin ay may mga talatang sasauluhin. Sa araw na pasimula mong sagutin ang mga tanong pasimula mo na rin ang pagsasaulo ng mga ito. Kung maari sabihin mo mula sa isip nang maraming beses araw-araw ang mga ito. Pagbutihin mo ang pagsaulo ng bawat talata hanggang masabi ang mga ito nang walang kamali-mali. Upang huwag makalimutan ang pinagsanggunian sabihin mo yaon ng dalawang ulit bago mo sabihin ang talata at pagkatapos mo sabihin.
2
Paunawa: Maliban na kung binabanggit sa talata ang bersyon pinagkunan nito, ang mga sumusunod na kasulatan ay mula sa saling Tagalog ng Bibles International.
Awit 19:14: Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos. (Ang Biblia) Awit 51:2: Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, At linisin mo ako sa aking kasalanan. (Ang Biblia) Awit 66:18: Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, Hindi ako didinggin ng Panginoon (Ang Biblia) Mateo 5:44: Ngunit sinasabi ko sa inyo: Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway. Pagpalain ninyo ang mga napopoot sa inyo. Gawan ninyo ng mabuti ang mga nagagalit sa inyo. Ipanalangin ninyo ang mga umaalipusta sa inyo at ang mga umuusig sa inyo. Mateo 6:5-8: 5 Kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong tularan ang mga mapagpaimbabaw. Ito ay sapagkat gustong-gusto nilang manalangin habang nakatayo sa mga sinagoga at sa mga panulukang-daan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. 6 Ngunit kung ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid. Kapag naisara mo na ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ang magbibigay sa iyo ng gantimpala nang hayagan. 7 Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, huwag mong gamitin ang mga walang kabuluhang paulit-ulit na mga panalangin gaya ng ginagawa ng mga Gentil. Ito ay sapagkat nananalangin sila nang paulit-ulit dahil sa kanilang palagay ay diringgin sila sa dami ng kanilang salita. 8 Huwag ninyo silang tularan sapagkat alam na ng inyong Ama ang mga bagay na inyong kinakailangan bago pa man kayo humingi sa kaniya. Mateo 6:9-13: 9 Manalangin kayo sa ganitong paraan: Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo. 10 Dumating nawa ang paghahari mo. Mangyari nawa ang kalooban mo dito sa lupa gaya ng sa langit. 11 Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. 12 Patawarin mo kami sa aming pagkakautang, gaya naman ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang sa amin. 13 Huwag mo kaming dalhin sa tukso, sa halip iligtas mo kami sa masama, sapagkat iyo ang paghahari, ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa. Mateo 9:37-38: 37 Nang magkagayon, sinabi niya sa kaniyang mga alagad: Totoong marami ang aanihin ngunit kakaunti ang manggagawa. 38 Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng anihan na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang anihan. Mateo 14:23: Nang makaalis na ang napakaraming tao, umahon siyang mag- isa sa bundok upang manalangin. Nang gumabi na, nag-iisa siya roon. Marcos 1:35: Nang madaling-araw na, habang madilim pa, si Jesus ay bumangon at lumabas. Pumunta siya sa ilang na dako at doon ay nanalangin. Lucas 22:41-42: 41 Humiwalay siya sa kanila na ang layo ay maaabot ng pukol ng bato at siya ay lumuhod at nanalangin. 42 Kaniyang sinabi: Ama, kung nanaisin mo, alisin mo ang sarong ito sa akin. Gayunman, hindi ang aking kalooban kundi ang kalooban mo ang mangyari. Mateo 18:19: Muli kong sinasabi sa inyo: Kapag ang dalawa sa inyo ay magkaisa rito sa lupa sa paghingi ng anumang bagay, ipagkakaloob ito sa kanila ng aking Ama na nasa langit. Mateo 21:22: Makakamit ninyo ang lahat ng inyong hingin sa panalangin kung kayo ay may pananampalataya. Juan 14:13: Anuman ang inyong hingin sa pangalan ko, iyon ay gagawin ko upang maluwalhati ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Juan 15:7: Kung kayo ay mananatili sa akin at ang aking mga salita ay manatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong ibigin at ito ay mangyayari sa inyo. Juan 16:23-24: 23 Sa araw na iyon ay hindi kayo hihingi sa akin ng anuman. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Anuman ang inyong hingin sa Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo. 24 Hanggang ngayon ay wala pa kayong hiningi sa pangalan ko. Humingi kayo at tatanggap kayo upang malubos ang inyong kagalakan. Gawa 1:14: Silang lahat ay matatag na nagpatuloy na nagkakaisa sa pananalangin at paghiling. Kasama nila ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus. Kasama rin nila ang mga lalaking kapatid ni Jesus. I Juan 5:14: Mayroon tayong katiyakan sa pagharap sa kaniya. Ito ang kapanatagan na sa tuwing humihingi tayo ng anumang bagay na ayon sa kaniyang kalooban, dinirinig niya ito. I Juan 1:9: Kung ihahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid na magpapatawad at maglilinis sa atin sa lahat ng ating kalikuan.
Roma 10:1: Mga kapatid, ang mabuting kaluguran ng aking puso at dalangin sa Diyos para sa Israel ay maligtas sila. Roma 8:26-27, 32: 26 Sa gayong paraan, ang Espiritu rin ay kasamang tumutulong sa ating mga kahinaan sapagkat hindi natin alam kung ano ang kinakailangan nating ipanalangin. Subalit ang Espiritu mismo ang siyang namamagitan para sa atin na may pagdaing na hindi kayang ipahayag ng salita. 27 Siya na sumusuri sa mga puso ang siyang nakakaalam ng kaisipan ng Espiritu sapagkat ang Espiritu ay namamagitan para sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos. . . 32 Hindi niya ipinagkait ang sarili niyang Anak, kundi ipinagkaloob niya siya para sa ating lahat. Papaano ngang hindi niya ipagkaloob nang walang bayad sa atin ang lahat ng mga bagay? Efeso 3:20: Siya ay makakagawa ng pinakahigit sa lahat ng ating hinihingi o iniisip ayon sa kapangyarihang gumagawa sa atin. Efeso 6:18-20: 18 Sa lahat ninyong pananalangin at pagdaing ay manalangin kayong lagi sa pamamagitan ng Espiritu. B Sa bagay na ito ay magpuyat kayo na may buong pagtitiyaga at pagdaing para sa lahat ng mga banal. Filipos 1:9: Ito ang aking panalangin na ang inyong pag-ibig ay lalung-lalo pang sumagana sa kaalaman at sa lahat ng pagkaunawa. Filipos 4:6-7: 6 Huwag kayong mabalisa patungkol sa anumang bagay. Sa halip, ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan sa Diyos na may pasasalamat sa pamamagitan ng panalangin at ng panalanging may paghiling. 7 At ang kapayapaang mula sa Diyos, na higit sa anumang pang-unawa, ang siyang mag-iingat sa inyong mga puso at pag-iisip sa pamamagitan ni Cristo Jesus.
Colosas 4:2: Magpatuloy kayong may kasigasigan sa pananalangin. Magbantay kayong may pagpapasalamat. I Timoteo 2:1-2, 5: 1 Kaya nga, una sa lahat, ipinamamanhik ko na ang lahat ng mga dalanging may paghiling, ang mga panalangin, ang mga dalangin na namamagitan at pasasalamat ay gawin para sa lahat ng mga tao. 2 Gawin din ang mga ito para sa mga hari at para sa lahat ng mga nasa pamamahala. Ito ay upang mamuhay tayo ng payapa at tahimik sa lahat ng gawaing maka-Diyos at karapat-dapat na pag-ugali 5 Ito ay sapagkat may iisang Diyos at iisang Tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Siya ay ang taong si Cristo Jesus. I Timoteo 4:3-5: 3 Ipinagbabawal nila ang pag-aasawa at may ipinagbabawal sila na pagkain, na nilikha ng Diyos upang tanggapin na may pasasalamat ng mga sumasampalataya at nakakaalam ng katotohanan. 4 Ito ay sapagkat ang lahat na nilikha ng Diyos ay mabuti, na dapat tanggaping may pasasa-lamat at hindi ito dapat itakwil. 5 Ito ay sapagkat pinaging-banal ang mga ito sa pamamagitan ng salita ng Diyos at panalangin. I Tesalonica 5:17-18: 17 Manalangin kayong walang patid. 18 Magpasalamat kayo patungkol sa lahat ng bagay sapagkat ito ang kalooban ng Diyos kay Cristo Jesus para sa inyo. II Tesalonica 3:1: Sa katapus-tapusan, mga kapatid, ipanalangin ninyo kami upang ang salita ng Panginoon ay lumaganap at luwalhatiin na tulad nang pagluwalhati ninyo. Hebreo 4:15-16: 15 Sapagkat wala tayong pinakapunong-saserdote na hindi maaaring makiramay sa ating mga kahinaan. Siya ay sinubok sa lahat ng paraan katulad natin ngunit siya ay hindi nagkasala. 16 Kaya nga, dumulog tayo sa trono ng biyaya na may malaking pagtitiwala upang tayo ay tumanggap ng habag at biyaya na makatutulong sa atin sa panahon ng panganga-ilangan. Hebreo 10:19-22, 35-36: 19 Mga kapatid, yamang tayo nga ay mayroon katiyakan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, makakapasok na tayo sa kabanal- banalang dako. 20 Siya ay nagtatag ng isang bago at buhay na daan para sa atin sa pamamagitan ng tabing na kaniyang katawan. 21 At mayroon tayong dakilang saserdote na namu-muno sa bahay ng Diyos. 22 Tayo ay lumapit na may tapat na puso at lubos na pagtitiwala ng pananampalataya dahil winisikan na Diyos ang ating mga puso upang malinis ang ating masamang budhi at gayundin hinugasan ang ating mga katawan ng dalisay na tubig 35 Kaya nga, huwag ninyong itakwil ang inyong pagtitiwala na may dakilang gantimpala. 36 Sapagkat kailangan ninyo ang pagtitiis upang pagkatapos maisagawa ang kalooban ng Diyos ay matanggap ninyo ang kaniyang pangako. Santiago 4:2-3: 2 May masidhi kayong paghahangad ngunit hindi kayo nagkaka-roon. Kayo ay pumapatay at nag-iimbot ngunit hindi kayo nag- kakamit. Kayo ay nag-aaway-away at naglalaban-laban. D Hindi kayo nagkakaroon dahil hindi kayo humihingi. 3 Humingi kayo, ngunit hindi kayo nakatanggap sapagkat ang inyong paghingi ay masama. Ang inyong hinihingi ay gagamitin ninyo sa inyong mga kalayawan. Santiago 5:15: 15 Ang panalanging may pananampalataya ay makakapagpagaling sa taong maysakit at siya ay ibabangon ng Panginoon. Kung mayroon siyang naga-wang mga pagkakasala, siya ay patatawarin.
3 MGA ALITUNTUNIN SA PANANALANGIN
Anong uri ng panalangin ang dinidinig ng Diyos? Paano ako makatitiyak kung sinasagot ng Diyos ang aking panalangin? Ano ang mga bagay na dapat kong ipanalangin?
Hindi katakataka kung tayo man ay maraming katanungan tungkol sa panalangin. Nakasulat sa Lucas 11:1 na maging ang naunang mga alagad ni Jesus ay nagwikang, Panginoon, turuan mo kaming manalangin tulad ng pagturo ni Juan sa kaniyang mga alagad. Pag-aralalan 0natin sa kabanatang ito ang ilang mga bagay na ipinagtuturo sa Biblia tungkol sa panalangin.
1. Ayon sa Filipos 4:6-7, sa araw-araw na pamumuhay bilang Cristiano, ano ang bagay na hindi natin dapat gawin? ____________________________________________________________________________________________________
Sa halip ano ang nararapat? ___________________________________________________________________________
Ano ang pangako kung susundin natin ito? _______________________________________________________________
2. Sino ang dahilan kung bakit tayo ngayon ay makadudulog sa trono ng biyaya na may malaking pagtitiwala upang maka- tanggap ng habag at tulong sa panahon ng panganga-ilangan (Hebreo 4:15-16)? ________________________________
3. Ano ang dakilang kaloob ang ibinigay ng Diyos na tumitiyak na Siyay naglalaan ukol sa lahat ng ating kakailanganin? (Roma 8:32) __________________________________________________________________________________________
4. Ayon sa Hebreo 10:19-22, tayo ay malayang makalalapit na sa Diyos dahil sa ginawa ng Panginoong Jesus. Pag-isipan ang talata 22 at markahan sa ibaba ang higit na nagsasaad kung paano tayo maaring makalapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin:
Na nangamba at nag-aalinlangan Na nag-iingat sa ating sasabihin Na may matapat na kalooban at pananalig sa Kanya Na nagmamataas at walang pagpapahalaga
Ayon sa talata 20, ano ang ginawa ni Cristo-Jesus para atin na kung hindi dahil ditoy kailanmay hindi tayo magkakaroon ng layang lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin? _________________________________________________
5. Ano ang isa sa mga layunin na nagiging dahilalan ng pagtugon sa panalangin? (Juan 14:13) ________________________ ____________________________________________________________________________________________________
Ang dalangin ay ayon sa kalooban ng Diyos kung ang magiging tugon dito ay sa ikadarakila ng Diyos. Basahin naman ang mga sumusunod na talata at isulat ang ilan pang mga kundisyong itinuturo upang masagot ang ating mga panalangin:
Mateo 21:22 _____________________________________ I Juan 5:14 ______________________________________
Juan 15:7 ________________________________________________________________________________________
Pasimulang sauluhin ang Juan 16:24, Hanggang ngayon ay wala pa kayong hiningi sa pangalan ko. Humingi kayo at tatanggap kayo upang malubos ang inyong kagalakan.
6. Ano ang isa pang dahilan ng pagbibigay sa atin ng Diyos ng karapatang humingi at tumanggap? (Juan 16:24) __________ ____________________________________________________________________________________________________
Sa kaninong pangalan tayo dapat manalangin? (Juan 14:13 o 16:23) __________________________________________
Kanino natin dapat ihandog ang ating panalangin? (Mateo 6:9)? ______________________________________________
Sino tumutulong sa atin kung ano ang ipapanalangin? (Roma 8:26) ___________________________________________
Nagkakaisa ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo sa ating makatuwirang pananalangin. Sa Ama tayo nananalangin, sa ngalan ni Cristo-Jesus at sa tulong at pag-gabay Espiritu Santo.
7. Bakit tayo sa pamamagitan ni Jesu-Cristo lumalapit sa Diyos? (1 Timoteo 2:5) __________________________________ ____________________________________________________________________________________________________
8. Bakit naman tayo kailangang magpatulong sa Banal na Espiritu? (Roma 8:26) ___________________________________ ____________________________________________________________________________________________________
9. Anu-anong mga bagay ang dapat nating idalangin sa Panginoon? (Filipos 4:6) __________________________________
10. Tukuyin ang ilang mga bagay na dapat nating ipanalangin? (1 Timoteo 2:2) ____________________________________
Mateo 5:44a ____________________________________ Santiago 5:15 _________________________________________________
I Juan 1:9 / Awit 51:2 ____________________________ Awit 19:14 ________________________ at _________________________
I Timoteo 4:3-5 _________________________________ Filipos 1:9 ____________________________________________________
4
II Tesalonica 3:1 ______________________________________ Mateo 9:37-38___________________________________________
Ang tinutukoy na mga banal ay lahat ng mga tumanggap kay Cristo at sumusunod sa Kanya, ayon na rin sa 1 Corinto 1:2, Sumusulat ako sa iglesiya ng Diyos na nasa Corinto, na mga itinalaga kay Cristo Jesus. Sa kanila na tinawag na mga banal kasama ang lahat ng nasa bawat dako, na tumatawag sa pangalan ni Jesucristo na kanilang Panginoon at ating Panginoon.
11. Sa Roma 10:1, ano ang dalangin ni Pablo 1 para sa kanyang mga kababayan? ___________________________________
Mabuting gumawa tayo ng listahan ng mga bagay na ipapanalangin natin upang madali nating matandaan ang ating mga kahilingang ito at masubaybayan din kung paano sinasagot ang mga ito ng Panginoon.
12. Sa anong dahilan bakit hindi tayo nakatatanggap ayon sa Santiago 4:2d?_______________________________________
13. Basahin ang mga sumusunod na talata at isulat ang madalas na sanhi ng mga di-tinutugong panalangin?
Santiago 4:3 __________________________________________ Awit 66:18 _____________________________________________
14. Ano ang isa sa mga katangian ng buhay ni Jesus? (Mateo 14:23 at Marcos 1:35) ________________________________
15. Basahin ang Lucas 22:41-42 at isulat ang bagay na natutunan mo sa idinalangin ni Jesus tungkol sa kalooban ng Ama: ____________________________________________________________________________________________________
16. Ang Panginoong Jesus ay nagbigay ng isang halimbawa sa pananalangin sa Mateo 6:9-13. Basahin ang nasabing mga talata at sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
(a) Paano natin maipapakita na sinasamba at pinupuri natin ang Diyos sa ating panalangin? _______________________ _________________________________________________________________________________________________
(b) Markahan ang isa sa mga sumusunod na nagsasabi kung ano ang pangunahing hinihiling sa halimbawang panalangin:
Mga pangangailangan ng ibang tao Mga pansariling pangangailangan Ang masunod ang kalooban ng Diyos dito sa lupa
(c) Anong pang-araw-araw na pangangailangan natin ang maari din nating hilingin sa Diyos?______________________
Maari nating isamo sa Diyos na ilayo niya tao sa dalawang bagay. Anu-ano ang mga ito? (d) ______________________ __________________________________ (e) ___________________________________________________________
17. Kailan at gaano kadalas tayo dapat manalangin? (I Thesalonica 5:17; Colosas 4:2) _______________________________
18. Sa Mateo 6:5-7 anu-ano ang dalawang hindi natin dapat tularan pagdating sa pananalanging indibidwal? (a) _____________________________________________ (b) ______________________________________________
(c) Sa talata 5, bakit ganoon manalangin ang mga mapagpaimbabaw? _________________________________________
(d) Sa talata 7-8, ano ang mali sa paulit-ulit na panalangin? ________________________________________________
(e) Sa talata 8, anong katangian ng Diyos ang maari nating panindigan at panghawakan tuwing tayo ay mananalangin? _________________________________________________________________________________________________
19. Ayon sa Efeso 3:20, anong pa ang isang katangian ng Diyos ang maari nating panindigan at panghawakan tuwing tayo ay nananalangin? ________________________________________________________________________________________
20. Kung ang panalangin ay waring hindi tinutugon at alam nating ang mga ito ay ayon naman sa kalooban ng Diyos, ano ang dapat nating maging damdamin? (Hebreo 10:35-36) __________________________________________________________
Kakaiba ang walang kabuluhang paulit-ulit na panalangin sa panalanging may pagtitiis. Ang una ay panalanging nagmumula lamang sa bibig ngunit wala sa puso (Mateo 15:8) ang ikalawa namay taimtim at walang sawang panananaghoy sa Diyos (Lucas 18:7), paulit-ulit man, ngunit ito ay mayroong kabuluhan.
21. Anong katangian naman mayroon ang unang Iglesia? (Gawa 1:14) ____________________________________________
22. Ano ang pangako ng Panginoon sa dalawa nagkakaisa sa panalangin? Mateo 18:19 ______________________________
23. Anong pinakamahalaang aral tungkol sa panalangin ang natutunan mo sa kabanatang ito? Ano ang balak mong gawin upang maging bahagi ito ng iyong buhay? __________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________________________
Paunawa: Ang araling itoy walang bayad na handog sa iyo at ikaw ay may lubos na pananagutan dito. Itoy pinagkaloob sa pamamagitan ng tanging pagsasaayos ng nagmamay-ari sa karapatan. Hindi ito upang kopyahin, ipagbili o ibigay kanino man. Kung mayroon kang kaibigang nais ng kopya, hayaan mong humingi sila sa taong nagbigay nito sa iyo para sa sarili nilang kopya ng walang bayad. Kung nadarama mong pinagpalaka ng babasahing ito, maari kang magbigay ng kusang loob na handog, ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng dagdag na babasahing tulad nito.