You are on page 1of 4

ARALIN SA

PAMUMUHAY NG TAGUMPAY
(Para sa Mangangaral)

















Kung ihahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay matapat at matuwid
na magpapatawad at maglilinis sa atin sa lahat ng ating kalikuan. Kung
sinasabi nating hindi tayo nagkasala, ginagawa natin siyang sinungaling at
ang salita niya ay wala sa atin.
I Juan 1:9-10.
PAALALA:

Mapapansin mo na sa bawat aralin ay may mga talatang sasauluhin. Sa araw na pasimula mong sagutin ang mga
tanong pasimula mo na rin ang pagsasaulo ng mga ito. Kung maari sabihin mo mula sa isip nang maraming beses
araw-araw ang mga ito. Pagbutihin mo ang pagsaulo ng bawat talata hanggang masabi ang mga ito nang walang
kamali-mali. Upang huwag makalimutan ang pinagsanggunian sabihin mo yaon ng dalawang ulit bago mo sabihin ang
talata at pagkatapos mo sabihin.

PAMUMUHAY NG TAGUMPAY

Bagamat tayoy naligtas nat binigyan ng buhay na walang hanggan, patuloy pa rin nating kakaharapin ang mga tukso at
pagsubok na mapagtatagumpayan lamang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Mababasa natin sa Mateo 4:1 na maging ang
bugtong na Anak ng Diyos ay tinukso rin ng Diablo ano pa kaya ang mga naging anak ng Diyos sa pagsampalataya sa bugtong
na anak Niya? Sa araling ito matutunan natin ang mahahalagang turo ng Biblia na mapapakinabangan natin laban sa ating mga
kaaway. Simulang sauluhin ang 1 Juan 1:9-10.

KABANATA 1: ANG MGA KAAWAY AT ANG MGA SANDATA NG MGA MANANAMPALATAYA

1. Anu-ano ang mga kaaway na dapat nating pagtagumpayan ayon sa mga sumusunod na talata?


(c) Efeso 6:12: Ang ESPIRITUWAL KASAMAAN.
(d) Roma 8:7: Ang KAISIPAN NG LAMAN.
(c) 1 Pedro 5:8: Ang DIYABLO.
(d) 1 Juan 2:15-16: Ang SANGLIBUTAN.

IPALIWANAG: Ang Diablo, sa pamamagitan ng sanlibutan na siyang diyos nito (1 Corinto 4:4), sa pamamagitan ng
ating mga sarili na dating alipin ng kasalanan (Roma 6:16-22), sa tulong ng kanyang mga alagad na espiritu (Efeso 2:2) ay
may layuning tayo ay mai-gupo, manakawan ng masaganang buhay (Juan 10:10) at ma-isakdal para sa kapahamakan
(Pahayag 12:10).

2. Ayon sa 1 Juan 2:16, ano ang tatlong pangunahing kaparaanan na tayoy maaaring tuksuhin? (1) Masasamang PITA NG
LAMAN (2) PITA NG MATA (3) KAPALALUAN SA BUHAY. [Para sa mangangaral: Ito ang mga pagnanasa na
darama natin sa ating laman na may kinalalaman sa ating nadarama, at mga pagnanasang dulot ng mga bagay na atin nakikita
na tayo ay naaakit, at mga pagnanasang nadarama natin dahil sa makasariling ambisyon o kapangyarihan.]

IPALIWANAG: Kung ating gugunitain, sa pamamagitan ng tatlong kaparaanang ito natukso ang ating mga unang ninuno,
ito ay ayon sa Genesis 3:6.

[Para sa mangangaral: Basahin ang Genesis 3:6, At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting
kanin (ito ang PITA NG LAMAN) at nakalulugod sa mga mata (ito naman ang PITA NG MATA), at kahoy na mananasa
upang magpapantas sa tao (at ito naman ang KAPALALUAN SA BUHAY), ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at
binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. Makikita na sa pamamagitan ng tatlong
kapamamaraanang ito natukso ang mga nauna nating ninuno, si Eba at ganun na rin si Adan.]

3. Basahin sa Marcos 7:21-23 ang pahayag ni Jesus tungkol sa puso ng mga tao. Ayon sa kanya, anong mga bagay ang
nagmumula sa puso ng tao? MASAMANG KAISIPAN, PANGANGALUNYA, PAKIKIAPID, mga PAGPATAY,
KALIBUGAN, PAGKAINGGIT, MATANG MASAMA, PAMUMUSONG, KAYABANGAN, at KAHANGALAN.
[Para sa mangangaral: Ipaliwanag ang bawat isa. Narito ang ilang paliwanag: Magkaiba ang pangangalunya sa pakikiapid:
ang pangangalunya ay pagsama ng mayroong asawa sa di niya asawa ang pakikiapid naman ay ang pakikisama ng isang walang
asawa sa hindi niya asawa (na siyang may asawa man ito o wala). Ang matang masama ay ang masamang makatingin o kayay
kasabihan na ang tinutukoy ay pala-gawa ng masama. Ang pamumusong naman ay ang panlalait sa Diyos.]

Ano ang ipinahayag sa Jeremias 17:9 tungkol sa kalagayan ng puso ng tao? _______________________________________

Basahin ang Santiago 3:14. Ano ang pinagmumulan ng alitan at paglalaban-laban? _________________________________

Ano ang ginagawa ng pita ng laman sa kaluluwa? (1 Pedro 2:11) ____________________________________________________

4. Sa Santiago 4:4. Ano ang kahulugan ng pagiging kaibigan ng san-libutan? ________________________________________

Sa pagkakataong ito, napakahalagang malaman mo na wala kang tagumpay na maasahan sa pagtitiwala sa sarili mong
kakayahan sapagkat maging ang ating mga puso, ang pita ng ating laman, ang pita ng ating mga mata, at ang kapalaluan sa
buhay ay hindi rin natin maituturing na kapanalig. Ganun pa man basahin ang 1 Corinto 10:13.

5. Sa 1 Corinto 10:13, anong uri ng pagsubok ang dumating sa iyo? _______________________________________________

Pababayaan ba ng Diyos na ikaw ay masubok nang higit sa makakaya mo? _______________________________________

Ano ang gagawin niya kasabay ng pagsubok? ______________________________________________________________

6. Ayon sa Santiago 1:13-14, nagmumula ba ang tukso sa Diyos (talata 13)? ________________________________________

Kung tayo ay nadadaig ng tukso, paano ito maipapaliwanag (talata 14)? _________________________________________

7. Anong pakinabang ang mapapasaatin bilang bunga ng mga pagsubok? (Santiago 1:2-4) _____________________________

8. Sino ang nagbibigay sa atin ng lakas upang harapin ang mga tukso? (Filipos 4:13) _________________________________

Bakit maari niya tayong papagtagumpayin? (1 Juan 4:4) ______________________________________________________


2

3
9. Sabi sa Santiago 4:7 may dalawang magagawa tayo upang malabanan ang tukso: __________________________________
______________________________________________________________________________________________________

10. Anong sandata ang magagamit natin sa pakikiharap sa kaaway? (Efeso 6:17) _____________________________________

11. Ano ang ginamit ni Jesu-Cristo upang harapin ang pagsalakay ni Satanas? (Mateo 4:4, 7, 10) ________________________

Natutunan natin kung paanong si Jesus ay sinalakay sa pamamagitan ng mga sumusunod: pita ng laman (talata 2-3),
kapalaluan ng buhay (talata 6), at pita ng mata (talata 8-9) ngunit sa pamamagitan ng Salita ng Diyos nagtagumpay siya
laban sa tukso. Natutunan din natin kung paanong nagkakaisa ang Ama, ang Anak at ang Espiritu sa pagbigay sa atin ng
tagumpay. Ang Ama ang gumagawa ng paraan, ang Anak ang nagbibigay sa atin ng lakas, at binigyan tayo ng tabak ng
Epiritu Santo na siyang Salita ng Diyos.

12. Ano ang maari nating gawin upang ang Salita ng Diyos ay maging laging handa upang ipanagupay sa kasalanan?
(Awit 119:9-11) ____________________________________________________________________________________

Ano ang maaring maging bisa ng Salita ng Diyos sa ating buhay? Talata 9 _______________________________________

13. Ano pa ang ilang mga paraan na makapagdudulot ng palagiang tagumpay sa ating mga buhay?

Efeso 6:16 ______________________________________________ Mateo 26:41 ___________________________________________

Hebreo 3:12-13 _________________________________________2 Corinto 10:4 ___________________________________________

KABANATA 2: ANG KASALANAN AT ANG ATING TAGAPAGTANGGOL

1. Bagamat pinatawad na ang lahat ng nakaraan nating kasalanan, ang pagiging Cristiano bay nangangahulugang tayoy hindi
na magkakasala? (1 Juan 1:8-10) ___________________________________________________________________________

2. Ayon sa itinuturo sa Santiago 4:17, papaano pa nagkakasala ang isang tao? _______________________________________

3. Ano ang pahayag sa 1 Juan 1:8 tungkol sa taong nagsasabing siyay walang kasalanan? _____________________________

4. Basahin ang mga sumusunod na talata at isulat ang mga kasalanang tinutukoy dito:

Mateo 5:28 ____________________________________________ Santiago 3:8-9_____________________________________________

1 Corinto 3:17 __________________________________________ Hebreo 11:6 _____________________________________________

5. Anong nais ng Diyos na ating gawin sa kasalanan? (2 Timoteo 2:19) ____________________________________________

6. Kung tayo ay magkakasala, ano ang dapat nating tandaan ayon sa 1 Juan 2:1-2? ___________________________________

Ayon sa Roma 8:34, ano ang ginagawa ni Jesu-Cristo para sa atin? _____________________________________________

7. Sa 1 Juan 1:9 ano ang dapat nating gawin upang ang ating mga kasalanan ay mapatawad? ___________________________

Bukod sa pagpapatawad, ano pa ang ginagawa ng Diyos para sa atin? ___________________________________________

8. Ayon sa Awit 66:18 at Kawikaan 28:13 anu-ano ang mga bagay na ibubunga ng kasalanang hindi inaamin? _____________
______________________________________________________________________________________________________

9. Paano ipinaliwanag ng Mang-aawit ang pag-amin sa kasalanan? Awit 32:5 _______________________________________

Kanino dapat aminin ang kasalanan? _____________________________________________________________________

Kanino naman ayon sa Santiago 5:16 ? ____________________________________________________________________

Masasabing may dalawang direksyon ang pagkakasala natin: paitaas (kasalan sa Diyos) at pahalang (kasalanan natin sa
ating sarili at sa ating kapwa) na parehong dapat nating ihingi ng tawad sa bawat kunauukulan nito.

10. Ano ang kalagayan ng isang tao na may tunay na pag-amin sa kasalanan? Awit 34:18? _____________________________
______________________________________________________________________________________________________

11. Sa halip na makadama ng panunumbat ng budhi, ano ang bungang inaasahan ni David pagkatapos niyang aminin ang
kanyang pagkakasala? Awit 51:12 __________________________________________________________________________

12. Basahin ang Juan 5:14 at Juan 8:11b, anu-ano ang sinabi ni Jesus sa kanyang pinagaling at pinatawad? ________________
______________________________________________________________________________________________________

13. Yamang naranasan natin ang pagpapatawad ng Diyos paano naman natin pakikitunguhan ang ating mga kapwa?

Efeso 4:32 _________________________________________________________________________________________

14. Basahin mo ang Mateo 5:23-24. Kung alam mong mayroong kapatid na may sama ng loob sa iyo, sino sa inyo ang dapat
unang makipagsundo? ____________________________________________________________________________________

4

15. Basahin mo ang Mateo 18:15. Kung nagkasala sa iyo ang kapatid mo, sino ang dapat gumawa ng hakbang upang muli
kayong magkasundo _____________________________________________________________________________________

16. Ang Lucas 19:1-10 ay ulat tungkol sa isang maniningil ng buwis na nagngangalang Zequeo na nagbago matapos na
makilala si Jesus. Paano niya ipinakita ang kanyang pagbabago at pagsisisi sa kanyang mga nagawang kasalanan (talata 8)?
______________________________________________________________________________________________________

17. Ano ang isang magandang panalangin ng isang taong nagnanais makapamuhay na matagumpay? (Awit 139:23-24) ______
______________________________________________________________________________________________________

18. Ano ang natutunan ni Pablo tungkol sa pagtatagumpay sa lahat ng mga pangyayari? (Filipos 4:11-12) _________________
______________________________________________________________________________________________________

19. Isulat ang mga bagay na nararapat mong simulang gawin upang patuloy mong mapagtagumpayan ang mga kasalanan at
mga tuksong yong dinaranas araw-araw. _____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

You might also like