You are on page 1of 3

ARALIN 4

ANG BAGONG BUHAY NATIN KAY CRISTO

Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Cristo, siya


ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay
lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging
bago.
II Corinto
5:17

ANG BAGONG BUHAY NATIN KAY CRISTO


Nasubukan mo na bang mangarap at manalanging magkaroon ng ikalawang
pagkakataon sa buhay? Kung oo ang sagot mo sa tanong na ito, ikaw ay magalak
sapagkat tinugon na ng Diyos ang iyong panalangin. Simulang sauluhin ang 2
Corinto 5:17 sapagkat ayon sa talatang ito sa Diyos ikaw na nakipag-isa kay Cristo
ay bago nang nilikha. Ngunit bilang isang bagong nilikha, tulad moy isang sanggol
na kailangan ding lumago. Sa araling ito matutunghayan mo na ang mga
pagbabago sa iyong buhay at ang mga dapat tandaan upang maging patuloy ang
iyong paglago kay Cristo.
Ang ating bagong buhay kay Jesus ay magsisilbing dahilan natin sa pag harap sa
ating bukas. Sa mga nakaraang pag-aaral, nakita natin ang pag ibig ni Jesus. Si
Jesus ay Diyos na nagkatawang tao siya ay nanirahan kasama natin ay namatay
upang magsilibing pang tubos sa ating mga kasalanan at upang ang galit ng Diyos
sa atin ay matakpan ng kaniyang sakripisyo sa krus. Sa ikatlong araw, siya ay
nabuhay at ngayon ay nasa langit. Siya ay nangako na muling babalik. Sa ating
pag aaral, makikita natin ang buhay na meron ang isang tunay na Cristiano
habang naghihintay sa pagbabalik ni Jesus.

Hindi na Tayo Mga Alipin ng Kasalanan.


1. Basahin ang Roma 6:11-22. Sa talata 11, paano natin ituturing ang ating mga sarili?
________________________________________________________________________________________
a) Ano ang hindi natin dapat sundin o paghariin? Talata 12
________________________________________
b) Kanino natin dapat ipaubaya ang ating mga sarili? Talata 13
___________________________________
c) Ngayong hindi na tayo napapailalim sa kautusan, saan na tayo napapailalim? Talata
14________________________
d) Gayong tayo ay napapailalim sa biyaya dapat ba tayong magpatuloy sa kasalanan?
Talata 15 ____________________
e) Bago tayo nakipag-isa kay Cristo, ano ang dating umaalipin sa atin? Talata 16-17
____________________________
f) Ano ang kaalinsabay ng ating paglaya sa kasalanan?
Talata 18? ___________________________________
Talata 22? ___________________________________
g) Noong tayo ay alipin pa ng kasalanan, saan tayo malaya? Talata 20
______________________________
h) Kanino mo mas pipiliing maging alipin? Sa kasalanan ba o sa katuwiran? Bakit?
______________________________
________________________________________________________________________________________________
________________________________
2. Basahin ang Galacia 4:4-7. Ano ang dalawang dahilan sa talata 5 kung bakit sinugo ng Diyos
ang kaniyang Anak na ipinanganak sa ilalim ng kautusan? Talata 5
_________________________________________________________________ ________________________________
Kung tutuusin mas higit na nararapat tayong ituring na mga alipin ng Diyos dahil sa ginawa Niyang pagbili sa atin,
gayun pa man mas tinuturing pa rin niya tayong mga anak dahil sa pakikipag-isa natin kay Jesu-Cristo. At bilang mga
anak ng Diyos ang lahat ng karapatan ng isang tagapagmana ay atin na.

3. Basahin ang 1 Corinto 6:20. Ano ang dapat mong gawin ngayong alam mo na ikaw ay binili na
sa halaga?
_________________________________________________________________ ________________________________
4. Sang-ayon sa Galacia 5:1, ikaw ay pinalaya na ni Cristo ano ang dapat nating gawin upang
hindi na muling masakop sa pamatok ng pagkaalipin?
_____________________________________________________________________________
5. Sang-ayon sa 1 Pedro 2:16, bilang isang malaya na, saan mo hindi dapat gamitin ang iyong
kalayaan?
_________________________________________________________________ ________________________________
6. Ayon sa mga sumusunod na talata, paano tayo dapat mamuhay bilang mga Cristiano?
Galacia 5:16
________________________________________________________________________________________________
Efeso 5:1-2
________________________________________________________________________________________________
Efeso 5:8
_______________________________________________________________________________________________
7. Anong mga bagay ang dapat nating ibigin at laging pag-isipan?
2 Corinto 4:18
________________________________________________________________________________________________
Colosas 3:1-2
________________________________________________________________________________________________

Ang Patuloy Nating Pagbabago Dahil Kay Cristo.


8. Basahin ang Filipos 2:12-13. Sino ang tumutulong sa atin upang tayo ay magbago?
_____________________________
9. Ano ang paalala sa 1 Pedro 2:2 na upang bilang bagong silang na mga sanggol ikaw ay
lumago? ___________________
__________________________________________________________________________________________________
10. Basahin ang Roma 12:2. Ano ang hindi na natin dapat sinasang-ayunan bilang mga Cristiano?
__________________________________________________________________________________________________
11. Sa Roma 12:2, ano ang dapat nating mabatid at sinasang-ayunan?
__________________________________________________________________________________________________
Mga Palatandaan ng mga nakipag-isa kay Cristo.
12. Sa pamamagitan ng sumusunod na mga talata. Anu-ano ang ilang mga panlabas na
katibayang makikita sa isang taong nakipag-isa na kay Cristo?
1 Juan 2:5 _________________________________________________________
Juan 13:35 _________________________________________________________
13. Sa pamamagitan ng mga sumusunod na talata. Anu-ano ang ilang mga panloob na katibayan
na makikita sa isang taong nakipag-isa na kay Cristo?
Efeso 3:12 _________________________________________________________
Filipos 4:7__________________________________________________________
Hindi man biglaan ang pagiging ganap nating lahat, may mga bunga kang makikita sa mga tunay na nakipag-isa na
kay Cristo, narito ang ilan pang karagdagan: (1) ang pagka-uhaw sa salita ng Diyos (2) ang pagkakaroon bagong
pamantayan sa pamumuhay (3) kinapopootan ng sanlibutan (4) ang pag-ibig sa kapwa mananampalataya (5) ang
kagalakan sa pagli-lingkod sa Diyos (6) ang pagiging matatag sa pananampalataya sa harap ng anumang pagsubok (7)
ang katiyakan sa pag-ibig ng Diyos (8) kapayapaan sa puso sa gitna ng kaguluhan (9) ang pagkamulat ng budhi sa
anumang kasalanan (10) ang panloob na patotoo ng Espiritu Santo (11) ang pagkilala sa sarili bilang anak ng Diyos
(12) at ang paghahangad na maglingkod sa kapwa.

14. Sa iyong palagay, anu-ano pa ang mga dapat baguhin sa iyo ng Panginoon?
____________________________________

__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

You might also like