Professional Documents
Culture Documents
Panimula
Ang Kasunod......................................................................61
ANG TANGING
KATOTOHANAN
Ang Ebanghelyo
7
Ang Mabuting Balita:
Nais ng Diyos na magkaroon ng personal na relasyon sa iyo.
8 won by one
UNANG SESYON
9
Basahin: Santiago 2:10
7. May kaibahan ba ang hindi pagsunod sa isang kautusan sa hindi
pagsunod sa lahat ng kautusan?
10 won by one
UNANG SESYON
11
ANG SAKRIPISYO NG KANYANG ANAK
12. Ano ang dapat nating gawin upang maranasan ang sinasabing
pagliligtas na ipinagkakaloob ni Hesus?
12 won by one
UNANG SESYON
13
Lahat tayo ay pwedeng pumili kung tatanggapin ba natin o tatanggihan
ang alok na handog ni Hesus sa atin. Nakapagpasya ka na ba na
tanggapin ang alay Niyang kapatawaran para sa iyong mga kasalanan?
Panalangin:
14 won by one
UNANG SESYON
APLIKASYON:
LAGDA:____________________________________
PETSA:____________________________________
15
16 won by one
IKALAWANG SESYON
ANG TANGING
DAAN
Ang Tagapagligtas
17
Mga Hadlang Sa Kaligtasan
Sa mga pananaw na ito, ang batayan ng isang tao upang maligtas ay ang
pagiging mabuti nila kumpara sa ibang taong kakilala at nakikita nila.
Iniisip natin na kung higit na mabuti tayo kumpara sa iba, mas malamang
na mapupunta tayo sa langit. Subalit hindi ito ang tinuturo ng Biblia.
Wala naman marahil tututol na may mga taong higit na mas mabuti
kaysa sa iba. Subalit ang panuntunan ng Diyos sa paghatol ay iba sa
panuntunan ng tao.
18 won by one
IKALAWANG SESYON
II. “Ililigtas ako ng Diyos, kasi hindi naman ako ganoon kasama.”
19
Paano natamo ni Pablo ang kapatawaran ng Diyos?
20 won by one
IKALAWANG SESYON
21
Malinaw na ayon sa Biblia, ang kaligtasan ay hindi makakamit
o matatamo dahil sa mabuting gawa. Hindi kailanman
makasasapat ang ating kabutihan sa harapan ng Diyos
dahil ang Diyos ay matuwid at banal, samantalang tayo ay
makasalanan. Kapag naunawaan natin ang katotohanang
ito, masasabi natin sa ating sarili, “Imposible akong maligtas
dahil napakasama ko.”
Marahil ito ngayon ang iyong naiisip at nararamdaman. Ang kaisipang ito
ay batay sa pananaw na “ililigtas lamang ng Diyos ang taong mabubuti”.
Subalit ayon sa talatang ating nabasa, may katotohanan ba ang pananaw
na ito?
22 won by one
IKALAWANG SESYON
23
APLIKASYON:
24 won by one
IKATLONG SESYON
ANG TANGING
PATUNAY
Ang Bagong Buhay
Kay Kristo
25
Para sa maraming tao, ito’y di kapani-paniwala. Talagang di tayo karapat-
dapat maligtas! Subalit, talagang ang pananampalataya lamang kay
Hesus ang tanging kailangan at dapat gawin upang tayo ay mapatawad
ng Diyos sa ating mga kasalanan at magkaroon ng tiyak na kaligtasan.
Ang isang katunayan na tayo ay may totoong relasyon kay Kristo ay ang
pakakaroon ng pagbabago sa ating buhay. Ayon sa Biblia, maraming
kapamaraanan kung papaano mo mapapatunayan na ang Diyos ay
sumasaiyo at may pagkilos sa iyong buhay.
26 won by one
IKATLONG SESYON
27
Basahin: Tito 2:11-12
6. Paano tayo tinutulungan ng grasya ng Diyos sa ating pamumuhay?
28 won by one
IKATLONG SESYON
29
Ilista ang mga pagbabagong nakita mo sa iyong sarili:
30 won by one
IKATLONG SESYON
APLIKASYON:
31
32 won by one
IKAAPAT NA SESYON
ANG ISANG
PANGAKO
Ang Katiyakan ng
Kaligtasan
33
Ipinangako Niya na kalianman ay hindi Niya tayo iiwan
12
Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa Kanya
ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng
Diyos.
13
Sila nga ay naging anak ng Diyos, hindi dahil sa
isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman
o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay
buhat sa Diyos.
34 won by one
IKAAPAT NA SESYON
35
Ikaw at ang Alibughang Anak
36 won by one
IKAAPAT NA SESYON
37
Ngunit ang ibig sabihin ba ay pwede na tayong magkasala ano mang
oras na ibigin natin, dahil ganito lang pala kadaling magpatawad ang
Diyos?
38 won by one
IKAAPAT NA SESYON
Minsan kahit alam na natin ang mga pangako ng Diyos na hindi Niya
tayo iiwan at kinakailangan na humingi tayo ng tawad sa ating mga
kasalanan upang manumbalik ang ating magandang relasyon sa Kanya,
hindi pa rin payapa ang ating damdamin. Pakiramdam natin ay mayroon
pa tayong dapat gawin upang mapatawad tayo ng Diyos. Tayo ay
nalilinlang ng kaaway (Satanas) na hindi tayo mapapatawad ng Diyos
dahil sa laki at bigat ng kasalanang ating nagawa.
39
KATOTOHANAN PANANAMPALATAYA DAMDAMIN
40 won by one
IKAAPAT NA SESYON
APLIKASYON:
41
42 won by one
IKALIMANG SESYON
ANG TANGING
PINAGMUMULAN
Ang Banal na Espiritu
43
Paano magtatagumpay
Ang Sanlibutan
44 won by one
IKALIMANG SESYON
Ang Diyablo
45
Basahin: Lukas 11:1-4
5. Sa iyong palagay, bakit isinama ni Hesus ang mga salitang ito sa
pagtatapos ng panalangin na Kanyang itinuro sa atin?
46 won by one
IKALIMANG SESYON
47
Basahin: Roma 8:5-6
11. Ano ang kaibahan ng taong nagpapasakop sa Banal na Espiritu
sa taong nagpapasakop pa sa kaniyang likas na makasalanang
pagkatao?
48 won by one
IKALIMANG SESYON
APLIKASYON:
49
50 won by one
IKA-ANIM NA SESYON
ANG ISANG
MITHIIN
Ang Paglago ng Ating
Relasyon Kay Kristo
51
Paglago sa yong relasyon kay Kristo
52 won by one
IKA-ANIM NA SESYON
AY NG PAG
BUH S AM
A NG BA
IS
PANALANGIN
PAGPAPATOTOO/
PAKIKIPAGTIPON HESUKRISTO PAGSAKSI
ITU
PA
GS
PIR
ANG SALITA
UN
ES
D NG DIYOS
A
O
SA N
KA AL
N
PA
NGY BA
ARIHAN NG
Gulong ng Paglago
53
Isang buhay na may pagsamba
Lahat ng ating ginagawa ay dapat nagbibigay ng karangalan at
kaluwalhatian kay Kristo. Bagama’t ang ating pagsamba ay palagian
nating naihahayag sa lingguhang pagtitipon kasama ang ibang
mananampalataya, dapat nating alalahanin na kahit na saan, sa trabaho,
sa tahanan, sa eskwelahan o sa palaruan man, ang lahat ng ating
ginagawa ay dapat nagbibigay ng karangalan kay Kristo.
Pananalangin
Ang palagiang pakikipag-usap sa Panginoon ay mahalaga upang lalong
lumalim ang ating relasyon sa Kanya. Ginagawa natin ito sa pamamagitan
ng pananalangin.
54 won by one
IKA-ANIM NA SESYON
Pagpapatotoo / Pagsaksi
Nais ni Kristo na gamitin tayo upang ipakilala Siya sa ating pamilya,
kaibigan, at mga mahal sa buhay. Ang maging isang patotoo para kay
Kristo ay bahagi ng paglago ng isang buhay Kristiyano. Ipakilala natin si
Kristo sa mga tao sa ating paligid.
55
Basahin: Mga Gawa 2:42-46
5. Ano ang ginawa ng mga naunang Kristiyano matapos na makilala
nila si Kristo?
Sa pamamagitan ng panalangin
56 won by one
IKA-ANIM NA SESYON
57
Ang halimbawa ni Hesus
Sa pamamagitan ng pagtitipon-tipon
58 won by one
IKA-ANIM NA SESYON
APLIKASYON:
59
2. Ikaw ba ay nakaranas na ng matinding panggigipit na nagbabawal
sa iyo na magsalita sa iba tungkol kay Kristo? Ano ang naging tugon
mo? Ano ang nararapat mong maging tugon?
LAGDA:____________________________________
PETSA:____________________________________
60 won by one
Ano ang Kasunod?
61
62 won by one
MGA MUNGKAHING SAGOT
UNANG SESYON
1. Ang Diyos ay pag-ibig; Likas sa Diyos ang pagiging mapagmahal.
2. Isang lubos at makahulugang buhay; buhay na may layunin; buhay
na may pagmamahal, kagalakan, at kaligayahan.
3. Ang Diyos ay Banal; Hindi Siya nagkakasala at pinananatili Niyang
hiwalay ang Kanyang sarili sa mga bagay na marumi at masama.
4. Kinamumuhian ng Diyos ang kasalanan; Ang mga makasalanan ay di
makatatayo sa Kanyang harapan.
5. Tayo ay makasalanan; Hindi natin mabibigyan kasiyahan ang Diyos
sa sarili nating pagsisikap at kapamaraanan dahil sa ating mga
kasalanan.
6. Tayo ay tulad ng mga tupang naligaw ng landas.
7. Kung tayo ay lumabag sa isa sa mga kautusan, tayo ay lumabag
na rin sa buong kautusan; Kahit na ang palagay natin sa ating sarili
ay mabuti, dapat nating maunawaan na di sasapat ang mga mabuti
nating gawa upang matakpan ang ating mga masasamang ginawa.
8. Kamatayan – ang walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos; Walang
sinumang maliligtas, sapagkat lahat tayo ay nagkasala.
9. Namatay Siya para sa atin, kahit na noong tayo ay makasalanan pa
at nasa paghihimagsik sa Kanya.
10. Ang Kanyang sakripisyo ang nagbigay daan upang tayo ay malinis at
mapatawad sa ating mga kasalanan.
11. Sinakripisyo ng Diyos ang Kanyang Anak upang tayo ay magkaroon
ng buhay na walang hanggan.
12. Kailangang maniwala tayo na si Hesus ay namatay sa krus para
bayarin ang ating mga kasalanan.
63
IKALAWANG SESYON
1. Walang sinumang tunay na naghahanap sa Diyos, at walang
sinumang tunay na mabuti.
2. Nakita niya ang kanyang pagiging makasalanan; Siya ay isang
propeta na sa tingin ng tao ay hindi ganoon kasama tulad ng
karamihan; ngunit sa harapan ng Diyos, nakita niya kung gaano siya
kasama.
3. Tayo ay lumabag pa din sa lahat ng kautusan.
4. Siya ay reliyoso, hindi siya makasalanang tao; ngunit kanyang
naunawaan na ang pagiging relihiyoso ay hindi sapat upang siya ay
maligtas.
5. Walang sinuman, kahit na gaano siya ka relihiyoso; siya ay
napawalang sala dahil sa kanyang pananampalataya kay Hesus,
hindi dahil sa kanyang pagiging relihiyoso.
6. Tayo ay naligtas dahil sa biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng
pananampalata; Ang mabubuting gawa ay bunga ng ating
pagkakaligtas.
7. Ang biyaya ay bagay na ating tinanggap, kahit na di tayo karapat-
dapat. Mapapasa-atin ang regalo kung ito ay ating tatanggapin mula
sa nagbigay.
8. Ipinakikita sa atin na ang ating mabubuting gawa ay hindi
makapagliligtas sa atin. Ang kaligtasan ay kaloob ng pag-ibig, awa,
at biyaya ng Diyos.
9. Ang pananaw na ito ay hindi totoo. Sapagkat ang talatang ito ay
nagsasabi na tayo ay naligtas dahil lamang sa biyaya at hindi sa
pamamagitan ng mga mabubuting ating nagawa.
64 won by one
MGA MUNGKAHING SAGOT
IKATLONG SESYON
1. Pinagkalooban ng Diyos ng buhay na walang hanggan ang lahat
ng sumampalataya sa Kanyang Anak. Oo, posibleng malaman
natin ayon sa nakita natin sa mga talata, dahil ito ay isinulat upang
malaman natin na tayo ay may buhay na walang hanggan. Ang isang
tao ay maaaring makatiyak na siya ay may buhay na walang hanggan
batay sa nakasulat sa mga talata.
2. Tayo ay isang bagong nilalang. Inaasahan ko na ang buhay ko ay
magiging iba na kaysa sa datin kong buhay.
3. Ang mabubuting gawa ay sadyang inihanda ng Diyos para sa mga
taong nilikha Niya sa pamamagitan ni Hesukristo. Ang mabubuting
gawa ay hindi makapagliligtas sa atin. Gumagawa tayo ng mabuti
sapagkat ito ang nais ng Diyos, at bilang pagpapahayag ng ating
bagong buhay kay Kristo.
4. Maari nating masabi na tunay nating kilala ang Diyos kung tayo ay
sumusunod sa Kanyang mga utos. Ang isang tao na ang pamumuhay
ay katulad ng kung papaano namuhay si Kristo ay nagpapakita ng
katibayan ng kanyang pananampalataya kay Kristo.
5. Dapat nating mahalin ang isa’t isa. Sinasabi ng talata na ang ating
pagmamahal sa mga kapatid sa pananampalataya ay katunayan na
tayo ay nasa liwanag. Dahil mahal tayo ng Diyos, ang pagmamahalan
natin sa isa’t isa ay nagpapakita kung paano Niya tayo minamahal.
6. Ang grasya ng Diyos ay nagtuturo sa atin kung papaano tanggihan
ang mga di makadiyos na pamumuhay at mga makamundong nasain.
7. Hindi iiwanan ng mabuting pastol ang kanyang mga tupa, ibibigay
niya ang kanyang buhay para maingatan ang mga ito. Iiwanan ng
upahang taga-alaga ang mga tupa kapag may panganib.
65
8. Ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay para sa Kanyang mga tupa.
9. Lubos na kilala ni Hesus ang Kanyang mga tupa. Ipinagkaloob Niya
ang Kanyang buhay para sa Kanyang mga tupa.
10. Ipinangako ni Hesus na walang isa man sa Kanyang mga tupa ang
mawawala o maagaw sa Kanyang mga kamay. At walang sinuman
ang makakakuha sa kanila sa kamay ng Kanyang Ama, na higit na
makapangyarihan sa lahat.
IKAAPAT NA SESYON
Hebreo 13:5-6
1. Ipinapangako ng Diyos na kailanman ay hindi Niya tayo iiwan o
pababayaan.
2. Dahil ipinangako ni Hesus na Siya ay lagi nating kasama, hindi natin
kailangang mag-alala na mawawala ang ating kaligtasan.
Lukas 15:11-24
3. Sila ay mag-ama; hindi, dahil ang kanilang relasyon ay permanente.
4. Ang masayang relasyon ng anak sa ama ay pansamantalang nawala;
nagbalik ang kanyang maayos na relasyon sa kanyang ama at siya
ay tinanggap ng kanyang ama ng buong kagalakan.
1 Juan 1:8-9
5. Dapat nating ipahayag o ipagtapat sa Diyos ang ating mga kasalanan;
patatawarin Niya tayo at lilinisin ang ating mga puso mula sa lahat ng
uri ng kasamaan.
66 won by one
MGA MUNGKAHING SAGOT
1 Timoteo 2:5-7
6. Si Hesus ang tanging tagapamagitan sa Diyos at sa tao. Ito ay
nagpapahiwatig na tanging sa pamamagitan ni Hesus lang tayo
maaaring lumapit sa Diyos upang mangumpisal ng ating mga
kasalanan.
Galacia 6: 7-8
8. Ang ating mga ginagawa ay may mga bunga o epeksto sa ating
buhay. Ang pagsuway sa kalooban ng Diyos ay maaaring magbunga
ng pagkasira ng relasyon sa kapwa, kahihiyan, problema sa pera
at iba pa, samantalang ang pagsunod sa kalooban ng Diyos ay
magbubunga ng kapayapaan, maayos na relasyon sa kapwa,
makabuluhang buhay at iba pang mga pagpapala mula sa Diyos.
Hebreo 12:9-11
9. Dinidisiplina ng mga ama ang kanilang mga anak. Kung tayo ay
dinidisiplina ng Diyos, ibig sabihin, tayo ay itinuturing Niyang Kanyang
mga anak. Ang layunin Niya ay turuan tayo para sa ating ikabubuti
upang tayo ay maging maka-diyos.
67
IKALIMANG SESYON
1. Kung hahayain nating maging katulad ng panuntunan ng mundo
ang ating mga pag-iisip at pagkilo; kung hahayain nating baguhin ng
Salita ng Diyos ang ating mga pag-iisip.
2. Ang ating mga pita ng laman; sa simula ay iniisip ang tungkol dito,
pagkatapos ay binabalak na gawin ito, sa huli ay ginagawa na ito;
wag palinlang sa mga mahahalay na pag-iisip.
3. Ang diablo at ang kanyang mga kampon; sa pamamagitan ng
pagsusuot ng baluti ng Diyos – bigkis ng katotohanan, baluti ng
pagkamatuwid, panyapak ng pagiging handa sa pangangaral ng
ebanghelyo ng kapayapaan, kalasag ng pananampalataya, helmet
ng kaligtasan, at tabak na kaloob ng Espiritu (Salita ng Diyos).
4. Iniingatan tayo ng Salita ng Diyos mula sa pagkakasala.
5. Sapagkat nais ng Diyos na tayo ay laging manalangin upang tayo ay
makaiwas sa pagkakasala.
6. Umiwas sa mga ito; sapagkat hindi natin kailangang lapitan ang
tukso.
7. Ang mga masasamang tao ay makaka-impluwensya sa atin na
huwag sumunod kay Kristo.
8. Salansangin o labanan ang diablo; siya ay lalayo sa atin.
9. Hindi tayo bibigyan ng pagsubok o tukso na hindi natin kayang
mapagtagumpayan; Bibigyan Niya tayo ng paraan upang ito ay ating
matakasan.
10. Hindi natin isasagawa ang pagnanasa ng ating laman.
11. Ang taong nagpapasakop sa pita ng laman ay hindi nakakaranas ng
espirituwal na buhay, ang taong nagpapasakop sa Banal na Espiritu
ay nakakaranas ng kasiyahan at kapayapaan sa buhay.
12. Inuutusan Niya tayo na mapuspos ng Banal na Espiritu; oo,
sapagkat alam nating ito ang nais Niya, na mapuspos tayo ng Banal
na Espiritu.
68 won by one
MGA MUNGKAHING SAGOT
IKAANIM NA SESYON
1. Ang binhing nalaglag sa matigas at siksik na lupa sa tabing daan ay
imposibleng tumubo at mabuhay. Ang Salita ng Diyos ay naitanim
sa matigas na puso (tulad ng matigas na lupa sa daan). Pagkatapos,
ang diablo (tulad ng ibon) ay aagawin ang natanim na salita sa
kanyang puso.
2. Ang mabatong lugar ay mayroong kaunting lupa, ngunit di sapat
para tumubo ng malalim ang binhing nalaglag dito. Dahil sa ang
lupa ay puno ng iba’t-ibang sukat ng bato, sa kalaunan, ang binhi
ay namatay dahil hindi nag-ugat ito. Ito ang mga taong masayang
tinanggap ang ebanghelyo dahil sa mga pangakong ibinibigay nito.
Sa simula, sila’y lumago ngunit dahil sa walang ugat o kulang sa
lalim ang pananampalataya, ng dumating ang pagsubok o problema,
sila’y tumalikod sa kanilang pananampalataya.
3. Kinukuha ng mga matitinik na damo ang nutrisyon, tubig, liwanag
at lugar na dapat sana ay para sa mga binhi. Kaya ng lumaki ang
mga matitinik na damo, natakpan ang mga tumutubong binhi at hindi
nito nakuhang lumaki. Ang tao ay nakapakinig ng Salita ng Diyos
subalit hindi ito nagbunga at nadaig ng kanyang mga alalahanin at
problema sa buhay at ng paghahangad na yumaman. Ang mga
kaabalahan at hidwaan ay maaaring umagaw ng oras ng isang
bagong mananampalataya upang pag-aralan at pagbulay-bulayan
ang Salita ng Diyos. Ang paghahangad sa mga materyal na bagay ay
nakaka-abala sa mga mamamanpalataya upang ang Salita ng Diyos
ay hindi magbunga sa kanilang mga buhay.
4. Ang binhi ay nalaglag sa nabungkal at nakahandang lupa. Ang
binhing ito ay may sapat na lalim ng lupa, lugar at kahalumigmigan
upang ito ay lumago at mamunga. Dapat, ang mga mananampalataya
ay katulad ng mabuting lupa. Narinig nila ang Salita ng Diyos at
tinanggap ito. Ito ang mga tunay na alagad, sila na tumanggap kay
Kristo, mga naniwala sa Kanyang Salita, at hinayaang ang Salita ng
Diyos ay baguhin ang kanilang buhay.
69
5. Sila’y nagtagpo upang manalangin, upang mag-aral ng Salita ng
Diyos, magsama-sama at magpatotoo. Ito’y upang sila ay maging
matatag at ganap na alagad ni Hesuskristo.
6. Nakikinig ang Diyos sa ating mga panalangin. Ang panalanging
naaayon sa kalooban ng Diyos ay ang susi upang makamit ng mga
mananampalataya ang kanilang hinihingi.
7. Kailangan nating magbulay-bulay sa Salita ng Diyos araw-araw. Ang
Salita ng Diyos ang nagtuturo at gumagabay sa ating lakarin bilang
Kristyano. Ito ang tanging panuntunan ng ating pananampalataya at
pag-uugali. Ang Salita ng Diyos ang tutulong sa atin upang tayo ay
maging matagumpay sa pamantayan ng Diyos, upang maging ganap
ang ating pananampalataya, at maging katulad ni Kristo.
8. Ang buhay at ministeryo ni Hesus ay ipinakilala ng Kanyang
pananalangin at pakikipag-ugnayan sa Diyos Ama. Maraming tao
ang lumapit sa Kanya upang makinig sa Kanyang pagtuturo at
magpagamot ng kanilang mga karamdaman, subalit tinitiyak pa rin ni
Hesus na mayroon Siyang panahon sa pakikipagtagpo sa Ama at sa
Kanyang palagiang pananalangin.
9. Kailangan na lagi tayong magsama-sama sa pagbibigay papuri sa
Diyos, magbahaginan ng ating pananampalataya, at magpalakasan
sa isa’t-isa sa ating lakarin bilang Kristiyano. Kailangang tayo ay
may kasiglahan sa pagpapalakasan ng loob ng isa’t-isa, lalo na sa
panahon ng mga pagsukbok at kahirapan.
10. Ang mga alagad ay tatanggap ng kapangyarihan mula sa Banal na
Espiritu upang maging saksi ni Kristo. Ang pagiging isang saksi kay
Kristo ay ang pagbabahagi mo sa iyong kaibigan, pamilya, kamag-
anak, at mga kasama kung ano ang ginawa ni Kristo sa iyong buhay.
11. Sila’y pinagbawalang magsalita at magturo sa pangalan ni Hesus.
PInagpatuloy ni Pedro at ni Juan ang pangangaral ng Ebanghelyo at
sila ay naging mabisang saksi ni Kristo.
12. Kaagad na ibinahagi ng babaeng Samaritana ang kanyang karanasan
sa kanyang mga kababayan. Sa pamamagitan ng kanyang patotoo
at pagbabagong buhay.
70 won by one