You are on page 1of 7

PAGBAHAGI NG EBANGHELYO

Nilalang ng DIYOS ang tao na banal. Walang


namamagitan sa pagsasamahan ng DIYOS at ng tao. Ang
tao ay hindi ginawa ng DIYOS na robot, sa halip ay
binigyan siya ng wastong pag-iisip at kalayaan sa pagpili.
Ginamit ng tao ang kanyang kalayaan, pinili ng tao
na suwayin ang DIYOS. Bunga nito, ang tao ay nahiwalay
sa DIYOS.

TAO DIYOS

(Makasalanan) (Banal)

Sinasabi sa BIBLIA:
“Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang
karapat-dapat sa paningin ng DIYOS.” -Roma 3:23
“Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan,
ngunit ang kaloob ng DIYOS ay buhay na walang hanggan
s pamamagitan ni Kristo JESUS na ating Panginoon.”
-Roma 6:23

Sinikap ng tao na makagawa ng paraan upang makabalik


sa DIYOS…ngunit pawang nangabigo…
TAO
Mabuting
DIYOS Gawa
Relihiyo
(Makasalanan) n (Banal)
Moralid
ad

May isang paraan sa paglutas sa suliraning ito ng


pagkakahiwalay.

“Dahil sa kagandahang-loob ng DIYOS ay naligtas kayo sa


pamamgitan ng inyong pananlig kay Cristo. At ang
kaligtasang ito’y kaloob ng DIYOS, hindi mula sa inyo.
Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat
ipagmalaki ang sinuman.”
-Efeso 2:8-9

Ang Paraan Ng DIYOS – Ang Krus


Si Cristo JESUS, lamang ang tanging katugunan sa
problemang ito ng pagkakahiwalay. Nang namatay Siya
sa Krus, binayaran Niya ang ating kasalanan at nagbukas
ng daan sa paglalapit ng tao at DIYOS.

TAO KRISTO DIYOS


“Sapagkat Iisa ang DIYOS at Iisa ang Tagapamagitan
sa DIYOS at sa mga tao, ang taong si Cristo JESUS.”
-1Timoteo
2:5

Sinasabi sa Biblia:
“Sumagot si JESUS, “Ako ang Daan, ang Katotohanan, at
ang Buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa
pamamagitan ko.”
-John 14:6

Naglaan ang DIYOS ng tanging paraan…kailangang piliin ng tao…

Tugon ng Tao – Tanggapin si Cristo


Magtiwala tayo kay Cristo JESUS at personal na
tanggapin Siya.
Sinasabi sa Biblia:
“Nakatayo ako sa labas ng pintuan at tumutuktok.
Kung diringgin ninuman ang Aking tinig at bubuksan ang
pinto, Ako’y papasok sa kanyang tahanan at magkasalo
kaming kakain.”
-Pahayag 3:20
Ikaw ba ay naririto…o naririto?

TAO

DIYOS
Kasalanan Kapatawaran

Pagkakahiwalay Kapayapaan sa Diyos

Kabiguan Masaganang buhay

Kawalan ng Layunin Buhay na Walang Hanggan

“Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa


Kaniya ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging
Anak ng Diyos.”
-Juan 1:12

Ang Kailangan Mong Gawin…


1. Aminin mong ikaw ay makasalanan.
2. Pagsisihan mo ang iyong mga kasalanan.
3. Paniwalaan mong si JESUS, ay napako sa Krus
para sa iyo.
4. Anyayahan mo si JESUS, na pumasok sa at
humawak sa buhay mo. (Tanggapin mo Siya
bilang Tagapagligtas at Panginoon.)

Panalangin ng Pagtanggap…
Panginoon,
Inaamin kong ako’y makasalanan at kailangan ko po
ang Inyong pagpapatawad.
Naniniwala ako na si Cristo’y nagkatawang tao at
namatay para sa akin, bilang kabayaran sa aking
kasalanan.
Nakahanda po akong tumalikod sa aking mga
kasalanan.
Inaanyayahan Kita Panginoong JESUS, na pumasok
sa aking puso at buhay, bilang sariling tagapagligtas.
Nakahanda po ako, sa tulong Ninyo, na sumunod Kay
Cristo bilang Panginoon ng aking buhay. Amen.

Mayroon Kang Buhay na Walang Hanggan…


“Ang pianananahanan ng Anak ng Diyos ay may
buhay na wlang hanggan, ngunit wala nito ang hindi
pinananahanan ng Anak ng DIYOS. Isinusulat ko ito sa
inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa Anak
ng DIYOS ay may buhay na walang hanggan.” -1John 5:12-
13

“Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng


Panginoon.” -Roma 10:13
“Dahil sa dugo ni Cristong nabuhos, tayo’y natubos
na, at napatawad na ang ating mga kasalanan.” -Colosas
1:14

“Subalit ang lahat naman ng tumanggap sa Kanya ay


binigyan Niya ng karapatang maging anak ng DIYOS. Ito
ang sumampalataya sa Kanyang Pangalan.” -John 1:12
“Ang Espiritu-Santo ang nagsasabi sa ating espiritu
na tayo’y mga anak ng DIYOS. At bilang mga anak, tayo’y
mga tagapagmana ng DIYOS. Kasama tayo ni Cristong
magmamana ng mga kayamanan ng DIYOS.” -Roma 8:16-17
“ Sapagka't gayon na lamang ang Pagsinta ng Dios
sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kaniyang
bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya'y
sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
-John 3:16

Huwag kang magtiwala sa sariling damdamin,


sapagkat ito ay nababago; sa halip ay panghawakan mo
ang Salita ng DIYOS, at paniwalaan mo ang Kanyang mga
pangako. Isaulo mo ang 1John 5:12-13 at balik-aralin mo,
kailan man na ikaw ay mag-aalinlangan. Kailangang
masabi mong ikaw ay may katiyakan na: “Tinanggap ko
na si Cristo JESUS na Panginoon, at ayon sa Kanyang
Salita, ako ay mayroong buhay na walang hanggan.”

You might also like