You are on page 1of 18

LIMANG KALAGAYAN NG TAO

2. Sinful Man
1. Natural Man Roma 3:23, Roma 6:23
I Corinto 2:14

3. Repented Man 4. Committed/Spiritual


Roma 5:1, Gawa 13:38-39 Man
I Corinto 2:15, 1 Juan 5:12

5. Carnal Man
Roma 7:15-20/ I Juan 1:8-
9
ANG TAMANG PANANAMPALATAYA

1) Gaano ba kahalaga ang pananampalataya?

Hindi maaaring kalugdan ng Diyos ang walang


pananampalataya sa kanya, sapagkat ang sinumang
lumalapit sa Diyos ay dapat sumampalatayang may Diyos at
siya ang nagbibigay ng gantimpala sa mga humahanap sa
kanya. -Mga Hebreo 11:6

2) Paano ba natin malaman ang isang taong may


pananampalataya?
Ang pananampalataya ay katiyakan na mangyayari ang ating
mga inaasahan, at paninindigan tungkol sa mga bagay na
hindi nakikita. -Mga Hebreo 11:1

3) Ang taong may tamang pananampalataya ay


naniniwala at umasa sa mga bagay na di nakikita.

Kaya't ang pananampalataya ay bunga ng pakikinig, at ang


pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay
Cristo. -Roma 10:17
Ang taong may tamang pananampalataya ay nakapakinig ng salita ng
Diyos bunga ng pangangaral ng iba.

4. Ang pananampalataya ay nakabatay sa katotohanan at kong sino


ang iyong pinaniniwalaan.
Hebreo 11:6
ANG DALAWANG URI NG
PANANAMPALATAYA

1. Ang Pananampalatayang May Pagsunod Sa Diyos


Bible Study Lesson: Genesis 12:1-9 (Abram)/ Genesis 6:9-22 (Noah)

Mga Hebreo 11:8 Dahil sa pananampalataya, sumunod si Abraham


nang siya'y utusan ng Diyos upang pumunta sa isang lupaing
ipinangako sa kanya. Sumunod nga siya, kahit hindi niya alam kung
saan siya pupunta.

Mga Hebreo 11:17-19 17 Nang subukin ng Diyos si Abraham,


pananampalataya din ang nag-udyok sa kanya na ialay si Isaac bilang
handog sa Diyos. Buong puso niyang inihandog ang kaisa-isa niyang
anak, gayong ipinangako sa kanya ng Diyos 18 na kay Isaac
magmumula ang magiging lahi niya. 19 Naniwala siya na kaya ng Diyos
na bumuhay ng patay, kaya't sa patalinghagang pangungusap, naibalik
nga sa kanya si Isaac mula sa mga patay.

2. Ang Pananampalatayang Walang Pagsunod Sa Diyos

Lucas 6:46 Bakit ninyo ako tinatawag na ‘Panginoon, Panginoon,’


gayong hindi naman ninyo tinutupad ang sinasabi ko?

Mateo 7:21 Hindi lahat ng tumatawag sa akin, ‘Panginoon,


Panginoon,’ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga taong
sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Santiago 2:17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang


kalakip na gawa.
ANG PAGSISI AT PAGTALIKOD SA
KASALANAN

Magmula noon ay nangaral si Jesus. Itinuturo niyang, “Magsisi kayo at


talikuran ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang dumating
ang kaharian ng langit.” - Mateo 4 :17

ANG TAMANG PAGSISISI


 Pag-amin ng kasalanan
 Pagtalikod sa kasalanan
 Pagbabalik loob sa Diyos
 Pagsunod at paglingkod sa Diyos

Magbigay ng mga kasalanan na nais mong alisin at


talikuran :
1. 4.
2. 5.
3. 6.

“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal


siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa
lahat ng kalikuan.” – 1 Juan 1 :9

Dapat natin ikumpisal o ipahayag ang ating kasalanan para tayo


ay patawarin. Humingi tayo ng tawad at paglilinis. Ang Diyos ay tapat at
banal sa kanyang sinabi na kung ipipahahayag natin ang ating kasalanan
tayo ay patatawarin at lilinisin sa lahat ng ating kamalian o karumihan
na nagawang kasalanan.
Pagkatapos mong magsisi, isulat mo sa papel ang lahat mong mga
nalalamang kasalanan at ito’y iyong sunugin para ito’y mawala na.

Ayon sa Gawa 13:39 - At ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay


pinapatawad na sa lahat ng pagkakasalang hindi naipatawad sa inyo sa
pamamagitan ng pagtupad ng Kautusan ni Moises.

Dahil sa ating paniniwala at paghingi ng tawad sa ating mga kasalanan,


tayo ay pinatawad na sa lahat ng ating pagkakasala.

Bible Study Lesson: Lucas 19:1-10 (Ang Buhay Ni Zaqueo)

PAGSAMPALATAYA, PAGPAHAYAG AT
PAGTANGGAP KAY HESUS BILANG
PANGINOON AT TAGAPAGLIGTAS
1) Sumampalataya (Believed)
Sumagot naman sila, “Sumampalataya ka sa
Panginoong Hesus, at maliligtas ka, ikaw at ang
iyong sambahayan.” -Gawa 16:31

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng


Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang
kanyang aisa-isang Anak, upang ang sinumang
sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng
buhay na walang hanggan. -Juan 3:16

2) Pagpahayag (Confessed)
Kung ipahahayag ng iyong bibig na si Hesus ay Panginoon at buong
puso kang sasampalataya na Siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas
ka.
-Roma 10:9
3) Pagtanggap (Accepted)
Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa Kanya ay
binigyan Niya ng karapatang maging mga Anak ng Diyos. – Juan 1:12

Ang mga salitang sumampalataya, pagpahayag at pagtanggap ay may iba’t-


ibang gamit pero sila ay magkaugnay na salita sa kahulugan at gawa.

Ang Pagsampalataya, Pagpahayag, Pagtanggap at Pakikiisa kay


Hesus ay nangangahulugang:

Si Hesus na ang maghahari, Panginoon at masusunod sa ating


buhay at tayo ay dapat magpakumbaba at sumunod sa lahat ng
utos at plano ng Diyos.
o Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman
ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa
kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko. -Pahayag 3:20

Ang ating sariling kagustuhan sa buhay ay ayon na sa


kagustuhan at plano ng Diyos. Nagpapakita ng lubos na
pagsuko at pagpakumbaba na pagsunod kay Hesus.
o At sinabi Niya sa lahat, kung ang sinumang tao ay ibig sumunod sa
Akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa araw-araw ang
kaniyang krus, at sumunod sa Akin. -Lucas 9:23

Handa kang magbago at magpabago kay Hesus sa iyong pag


araw-araw na pamumuhay
o Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na
siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa
halip, ito'y napalitan na ng bago. -II Corinto 5:17
o Hal. Lucas 19:1-10 (Ang Buhay Ni Zaqueo)
Pagkatapos mong magsisi, tumalikod sa kasalanan,
sumampalataya at ipinahayag ito, tinanggap at nakiisa ka kay
Hesu-Kristo bilang Panginoon mo at Tagapagligtas.
PROCESS OF SALVATION
(PROSESO NG KALIGTASAN)

I. JUSTIFICATION (Pinawalang Sala)


Justified from the penalty of sin (Romans 5:1,
Romans 3:24-26)
Pinawalang sala ng Diyos dahil sa ginawa ni
Kristo sa krus
1) Ang kalagayan ng tao sa harap ng Diyos.
Roma 3:23 ”Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at
walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng
Diyos.”
Roma 6:23 ”Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng
kasalanan, ngunit ang walang bayad na kaloob ng
Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan
ni Cristo Jesus na ating Panginoon.”

2) Sa paanong paraan tayo pinatawad at


pinawalang sala ng Diyos?

Roma 8:1-2 Kaya nga, hindi na hahatulang


maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay
Cristo Jesus. Wala na ako sa kapangyarihan ng
kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng
kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa
pamamagitan ni Cristo Jesus.
Roma 5:1 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa
pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na
tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa
pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

Roma 3:24-26 Sapagkat napawalang-sala na tayo sa


pamamagitan ng ating pananampalataya, mayroon na
tayong mapayapang relasyon sa Diyos sa
pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

3. Ang lahat ng ating kasalanan ay pinatawad at


pinawalang sala na tayo ng Diyos dahil sa ating
pananalig at pakikiisa sa kanyang bugtong na
Anak na si Hesu-Cristo.

Mga Gawa 13:38-40 Dapat ninyong malaman, mga


kapatid, na sa pamamagitan ni Jesus ay
ipinangangaral sa inyo ang kapatawaran ng mga
kasalanan. At ang lahat ng sumasampalataya sa
kanya ay pinalalaya na sa lahat ng pagkakasala na
mula sa mga ito ay hindi kayo kayang palayain ng
Kautusan ni Moises.
4. Kasalanang pinatawad ng Diyos dahil kay Cristo
(Roma 8: 10)
a. Past sins (Nakaraang kasalanan)
b. Present sins (Kasalukuyang kasalanan)
c. Future sins (Sa hinaharap na kasalanan)

II. REGENERATION (PAGBABAGONG BUHAY)


Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong
nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng
bago.
-2 Corinto 5:17
Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak
na muli[a] ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.” -Juan
3:3
1) Pagkabuhay na Muli sa Espirituwal

Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan.
Sinusunod ninyo noon ang masamang takbo ng mundong ito, at napailalim
kayo sa prinsipe ng kasamaan, ang espiritung naghahari sa mga taong ayaw
pasakop sa Diyos. Ang totoo, tayong lahat ay dati ring namumuhay ayon sa
ating laman, at sumusunod sa masamang hilig ng katawan at pag-iisip. Kaya't
sa ating likas na kalagayan, kabilang tayo sa mga taong kinapopootan ng
Diyos. Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig
niya sa atin. Tayo'y binuhay niyang kasama ni Cristo noong tayo'y mga patay
pa dahil sa ating pagsuway. Naligtas nga kayo dahil sa kanyang
kagandahang-loob. Dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo Jesus, tayo'y
muling binuhay na kasama niya upang mamunong kasama niya sa kalangitan.
- Efeso 2:1-6

2. Kapanganakang EspirituwalSumagot si Jesus, “Tandaan mo ang


sinasabi kong ito: malibang ipanganak na muli ang isang tao, hindi niya
makikita ang paghahari ng Diyos. -Juan 3:3

3. Bagong Nilalang Espirituwal Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang


isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa
halip, ito'y napalitan na ng bago.
-2 Corinto 5:17
Paano magkaroon ng isang bagong buhay ang isang taong patay
espirituwal?
1.Manampalataya kay Hesus.
2 Magsisi sa kasalanan at humingi ng tawad.
3. Tanggapin o papasukin sa puso si Hesu-Cristo bilang panginoon at
tagapagligtas.
4. Mamuhay ng may kabanalan at pagsunod sa lahat ng utos ni Hesus.

III. SANCTIFICATION (Pagpapakabanal)

Freedom from the power of sin


Kalayaan mula sa kapangyarihan ng kasalanan

Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo


at huwag nang paalipin pang muli!” -Galacia 5:5

1) Pamumuhay na may Kabanalan ayon sa tulong ng


Banal na Espiritu

Sa pamamagitan ng kautusan ng Espiritung nagbibigay-buhay dahil sa


pakikiisa natin kay Cristo-Jesus, pinalaya na ako[a] mula sa kautusan ng
kasalanan at kamatayan. 3 Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng
Kautusan dahil sa kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa
anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan
na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. 4 Ginawa ito ng Diyos upang ang
itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at
hindi ayon sa hilig ng laman. -Roma 8:2-4

2) Ang Bunga ng Pamumuhay sa Banal na Espiritu

Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong


buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman. Sapagkat ang mga
nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu
ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito kaya't
hindi ninyo magawâ ang nais ninyong gawin. -Galacia 5:16-17

3) Gawain ng Laman - Galacia 5:19-21


4) Gawain ng Espiritu Santo - Galacia 5: 22-24

IV. GLORIFICATION (Pagkaluwalhati)

Freedom from the presence of sin(Ang kalayaan mula sa presensya


ng kasalanan)
1) Future Glory (Ang darating na kawalhatian sa langit) “Ang
Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga
anak ng Diyos. At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng
Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y
kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang
kaluwalhatian.” - Roma 8:16-21

2) Ang Kalayaang Lubos sa Kasalanan“Para sa akin, ang mga


pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa
kaluwalhatiang ipahahayag sa atin balang araw. Sapagkat nananabik
ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak.
Nabigo ang sangnilikha, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi dahil
itinulot iyon ng Diyos. Gayunman, nagbigay rin siya ng pag-asa na ang
lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at
upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng
Diyos.” - Roma 8:18-21

3) Ultimate Victory in Jesus (Lubos na tagumpay kay Hesus)

“Sa lahat ng mga ito, tayo'y siguradong magtatagumpay sa


pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. Sapagkat natitiyak kong
walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang
kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga
kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, ang kataasan, ang
kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa
pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo
Jesus na ating Panginoon.” - Roma 8:37-39 1 Tesalonica 4:13-
18 Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang katotohanan
tungkol sa mga namatay na upang hindi kayo magdalamhati
tulad ng mga taong walang pag-asa. 14 Dahil naniniwala tayong si
Jesus ay namatay at muling nabuhay, naniniwala din tayong
bubuhayin ng Diyos upang isama kay Jesus ang lahat ng mga
namatay na sumasampalataya sa kanya.

KATIYAKAN NG KALIGTASAN

Roma 5:8-10, Juan 10:27-28, Efeso 2:1-8, I Juan


5:11-13, Juan 3:36, Gawa 16:3, Juan 5:24,
Roma 8:33-39
Mga tanong tungkol sa katiyakan ng kaligtasan

1. Kung ako ba ay magkasalang muli ligtas pa ba ako?

Sagot: Noong tinanggap natin ang Panginoon bilang


Panginoon at Tagapaglitas at tayo ay nagsisi at humingi tayo
ng tawad sa lahat ng ating kasalanan. Ayon sa Gawa 13:38-
39, ang lahat ng ating kasalanan ay pinatawad ng Diyos dahil
sa pagkamatay ni Hesus sa atin. Ang lahat ng ating mga
kasalanan- past, present and future ay pinatawad (justified) o
pinawalang sala na ng Diyos (Colosas 2:13-14).

Kaya ang tunay na Kristiyanong nagsisi at tumalikod sa


kasalanan at tunay na tinanggap at nagpaskop kay Hesus
bilang Panginoon ay nagkasala, siya’y ligtas pa rin. Ligtas pa
rin siya sa kaparusahan ng kasalanan sa imperyerno.
llustration. Ang halaga ng pera/ Ang ulap at ang
araw
2. Ano ang dapat nating gawin kung tayo ay
magkasala ng di sinasadya?
Sagot: Basahin ang 1 Juan 1:5-10.

ANG BAUTISMONG KRISTIYANO

1) Ang bautismo ay utos ni Hesus. -Mateo 28:16-20


2) Ang bautismo ay kailangan upang maging isang alagad ni Hesus.
- Mateo 28:19

3) Ang bautismo ay pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama. -Mateo


3:13-17
4) Ang bautismo ay pagpakita ng pagsisi at pagtalikod sa kasalanan.
– Mateo 3:5-8, Gawa 2:28

5) Kailan dapat magpabautismo?


a. Ang mga unang mga mananampalataya -Gawa 2:41-42
b. Ang Eunoko -Gawa 8:36-38
c. Si Lydia at ang kanyang sangbahayan -Gawa 16:14-15
d. Ang Bantay at ang kanyang sangbahayan -Gawa 16:31-33

6) Ang Simbolo ng Bautismo -Roma 6:1-4

a. Pagkamatay sa pagnanasa sa kasalanan


b. Pagkalibing sa dating pagkatao
c. Pagkabuhay sa panibagong buhay kasama ni Kristo

ANG BANAL NA HAPUNAN

Ang Banal na Hapunan ay isang banal na gawain bilang pag-alaala sa


ginawang sakripisyo ni Hesus sa krus at pag-alay ni Hesus ng kanyang
buhay para sa kapatawaran ng ating kasalanan. Kaya mahalaga ang pag-
alaala sa mga ginawa ni Hesus sa krus.
1. Sino ang dapat manguna sa Banal na Hapunan?
Sagot: Ayon sa mga talata, si Hesus ang kanilang guro o master ang
siyang nanguna sa banal na hapunan. Sa gayon sa ating panahon, ang
head Pastor ang siyang dapat manguna katulad ni Hesus.

2. Sino ang mga taong dapat makibahagi sa gawain ng Banal na


Hapunan?

Sagot: Ang kasama ni Hesus sa Banal na Hapunan ay ang kanyang mga


alagad (Mateo 26:26-30). Ang lahat ng nabautismuhan at naging alagad
ni Hesus ang siyang makakabahagi sa banal na hapunan (Mateo 28:19,
Lucas 9:23).
3. Bakit mahalaga ang pag alaala sa Banal na Hapunan?
Sagot: Basahin ang Roma 3:23-25.
4. Ano ang sinisimbolo ng katawan at dugo ni Hesus?
a. Ang Katawan – alay bilang kordero ng Diyos (Juan 1:29)
b. Ang Dugo – panlinis sa lahat ng ating kasalanan (Roma 3:24-25)
5. Ano ang tamang pag-alaala sa Banal na Hapunan? (I Corinto
11:23-29)

a. Suriin ang sarili b. Maghintayan at huwag magkanya-kanya


c. Gawing may kabanalan
DISCIPLESHIP
FOLLOW-UP
LESSON

Name: _____________________________________

Every believer is a disciple maker.

You might also like