You are on page 1of 7

Fellowship of Christian Community January 14, 2024

Title: Bagong Taon, Bagong Buhay, Bagong Takbuhin


na Kasama si Cristo Jesus
Text: Hebreo 12:1-2
Introduction

12 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi,


tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa
atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating
harapan. 2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya
nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang
katapusan. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya
inalintana ang kahihiyan ng pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y
nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.

1
I). Ang Inaasahan ng mga Saksi sa ating Pagtakbo. V1a

12 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi,

39
At dahil sa kanilang pananampalataya, nag-iwan sila ng isang kasaysayang
hindi makakalimutan kailanman. Ang lahat ng mga ito, bagama't may mabuting
patotoo dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi tumanggap ng
ipinangako, 40 sapagkat may mas magandang plano ang Diyos para sa atin, upang
sila'y hindi maging ganap malibang kasama tayo.
Hebreo 11:39-40

. 24 Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit


iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo
upang kamtan ninyo ang gantimpala.
1 Corinto 9:24

12
Ipaglaban mo nang mabuti ang pananampalataya. Panghawakan mo ang
buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa
harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo.
1Timoteo 6:12

2
II). Bitawan ang mga bagay na Nagpapabigat sa ating Pag
Takbo. V1b

tanggalin natin ang anumang balakid at ang kasalanang kumakapit sa


atin.

14
Ang sabi ni Yahweh:
“Ang mga hinirang ay inyong bayaang magbalik sa akin,
ang bawat hadlang sa daan ay inyong alisin; ang landas ay gawin at inyong
ayusin.”
Isaiah 57:14

2
Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos.
Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita,
at hindi niya kayo marinig.
Isaiah 59:2

22
Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong
23
dating pagkatao na nasisira dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo
24
ng diwa at pag-iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na
nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay
ayon sa katotohanan.
Efeso 4:22-24

3
III). Tumakbo na may Pagtitiis sa Hinaharap. V1c

Buong tiyaga tayong tumakbo sa takbuhing nasa ating harapan.

7
Tiisin ninyo ang lahat ng hirap tulad sa pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y
nagpapakilalang kayo'y tinatanggap ng Diyos bilang tunay niyang mga anak.
Sinong anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama?
Hebreo 12:7

35
Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat
dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36 Kinakailangang kayo'y
magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang
kanyang ipinangako.
Hebreo 10:35-36

7
Kaya nga, mga kapatid, magtiyaga kayo hanggang sa pagdating ng Panginoon.
Tingnan ninyo ang magsasaka. Buong tiyaga niyang hinihintay ang mahalagang
ani ng kanyang bukirin, at inaabangan ang pagdating ng tag-ulan. 8 Dapat din
kayong magtiyaga. Tibayan ninyo ang inyong loob sapagkat nalalapit na ang
pagdating ng Panginoon.
Santiago 5:7-8

4
IV). Ituon ang Paningin kay Jesus sa Pagtakbo. V2

2
Ituon natin ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang
ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan. Dahil sa
kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya inalintana ang kahihiyan ng
pagkamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng
Diyos.

3 Mga hinirang na kapatid at kasama sa pagkatawag ng Diyos, alalahanin


ninyo si Jesus, ang Sugo ng Diyos at ang Pinakapunong Pari ng ating
pananampalataya.
Hebreo 3:1

8
Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-
dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig,
at kagalang-galang. 9 Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutunan, tinanggap,
narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng
kapayapaan.
Filipos 4:8-9

3 Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon ninyo ang inyong
pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa
kanan ng Diyos.
Colosas 3:1

5
CONCLUSION
10
Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan
ang kapangyarihan ng kanyang muling pagkabuhay, makibahagi sa kanyang mga
paghihirap, at maging katulad niya sa kanyang kamatayan, 11 umaasang ako man ay
muling bubuhayin mula sa kamatayan.

14
nagpupunyagi ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng
pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa
langit.
Filipos 3:10:11,14

To God be the glory!!!!!


AMEN!!!!

6
God bless!!!

You might also like