Professional Documents
Culture Documents
Ang Tamang Pagtugon sa mga Tiisin sa Buhay Pananampalataya ay Nagpapatunay na ang Kayamanan
Natin ay si Cristo.
Paano Tayo Dapat Tumugon sa mga Tiisin sa Buhay Pananampalataya?
Layunin po ng mensaheng ito, na bigyang kayo ng tamang pananaw at kalakasan ng kalooban sa
pagharap sa mga tiisin sa buhay bunga ng pagsunod kay Cristo. Tayong lahat ay pinagpala sa ating mga
tiisin, yamang ito ang kalooban ng Diyos sa atin:
para hindi manlupaypay ang sinuman sa inyo dahil sa mga pag-uusig. Alam naman ninyong ang mga
pag-uusig ay bahagi ng kalooban ng Diyos,(1 Thes. 3:3)
Introduction
v7Sa halip ay kusa niyang binitawan ang karapatan niyang ito, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak
siyang tulad ng isang karaniwang tao,
v8siya'y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo, hanggang kamatayan sa krus. (Fil.
2: 5-8)
Subalit hindi Niya ito iniwasan, bagkus ay inasahan, hinarap, pinasan, at niyakap hanggang kamatayan.
At ang Kanyang tamang pagtugon sa tiisin ay nagpatunay na Siya ay mula sa Diyos na naging dahilan ng
ating kaligtasan.
At, likas din sa atin ang tumugon ng negatibo kapag ang mga naisin nating ito ay nasasaling.
Sa gabing ito, nais pong sabihin ng Diyos sa atin, na Ang Tamang Pagtugon sa mga Tiisin sa Buhay
Pananampalataya ay Nagpapatunay na ang Kayamanan Natin ay Si Cristo.
1 Pedro 4: 12-19
Layunin ng pagsulat: Upang bigyang pag-asa ang mga mananampalatayang inuusig doon.
Occasion:
- Death of Paul on 64 CE. Peter is concerned about the Churches Paul founded.
Ang Tamang Pagtugon sa mga Tiisin sa Buhay Pananampalataya ay Nagpapatunay na ang Kayamanan
Natin ay Si Cristo.
I. Ang mga Tiisin ay Hindi Dapat Pinagtatakhan, Kundi Inaasahan (tl. 12).
v12Mga minamahal, huwag ninyong pagtakhan at ituring na di pangkaraniwan ang mabibigat na
pagsubok na inyong dinaranas. ‘fiery trials’, ‘painful trials’
Tayong mga mananampalataya ngayon:
- The more we try to come near to God & to do His will, more problems come.
- The more we try to please God, the more the world hates us.
Sa panahon na dumarating ang mga tiisin, kailangang ipaalala natin sa ating sarili na ito’y normal
lamang sa buhay mananampalataya. Ang mga ito’y pangkaraniwan lamang:
v20Alalahanin ninyo ang sinabi ko sa inyo: walang aliping higit kaysa kanyang panginoon. Kung ako'y
inusig nila, uusigin din nila kayo; (Juan 15: 20a)
v12At lahat ng may nais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo ay daranas ng pag-uusig. (2
Tim. 3: 12)
v29Ipinagkaloob niya sa inyo ang karapatang makapaglingkod kay Cristo, hindi lamang ang manalig sa
kanya kundi ang magtiis din naman dahil sa kanya. (Fil. 1: 29)
v23At sinabi niya sa lahat, "Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang
sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. (Lucas 9: 23)
Aplikasyon/Paglalapat:
1. Katulad ni Pablo, huwag ikagulat ang pagdating ng mga tiisin (1 Tes. 3:3), bagkus ay agad na
manalangin. Nagsisimula ang mga problema kapag hindi agad nanalangin.
2. Matutong making sa mga tiisin ng ibang mananampalataya. Ang malamang ang iba ay may mga
dalahin na higit sa dalahin mo ay nakapagbibigay-hamon, na umaalis sa ating panlulumo.
II. Ang mga Tiisin ay Dapat na Nagbibigay ng Kasiyahan sa Ating mga Puso (tl. 13-14).
v13Sa halip, magalak kayo sa inyong pakikihati sa mga hirap ni Cristo, at magiging lubos ang inyong
kagalakan kapag nahayag ang kanyang kadakilaan. v14Mapalad kayo kapag kayo'y inalipusta dahil kay
Cristo, sapagkat sumasainyo ang dakilang Espiritu, ang Espiritu ng Diyos.
Paanong ang present sufferings ay maaring magdulot ng kasiyahan sa puso? Paano mangyayaring sa
kabila ng ating mga pagdurusa ay mayroon din namang tunay na kagalakan sa ating buhay?
a. Sa pamamagitan ng pagtingin sa kadakilaan ng hinaharap (tl. 13b).
at magiging lubos ang inyong kagalakan kapag nahayag ang kanyang kadakilaan. V13
Tayo ay hindi taga-rito (Efeso 1: 13, 14). Higit ang karangalang nakalaan para sa atin sa hinaharap.
Kung mananatili lamang ang ating paningin sa pangkasalukuyan, sa mga bagay na nakikita,
talagang puro sakit lamang ang ating mararanasan.
Pangatlo,
III. Ang mga Tiisin ay Dapat na Nagbubunsod sa Atin sa Higit na Kabanalan (tl. 15-18, 19b).
v15Huwag nawang mangyaring maparusahan ang sinuman sa inyo bilang mamamatay-tao,
magnanakaw, salarin o mapanghimasok sa di niya dapat panghimasukan. v16Ngunit huwag
ikahiya ninuman kung siya'y maparusahan dahil sa pagiging Cristiano. Bagkus magpasalamat
siya sa Diyos sapagkat taglay niya ang taguring ito. v17Dumating na ang panahon ng
Paghuhukom, at ito'y magsisimula sa mga hinirang ng Diyos. At kung sa atin ito magsisimula,
ano ang magiging wakas nito sa mga hindi sumusunod sa Mabuting Balita ng Diyos? v18Tulad
ng nasasaad sa Kasulatan: "Kung ang matuwid ay halos hindi maligtas, Ano kaya ang
kahihinatnan ng mga makasalanan at di kumikilala sa Diyos?" v19bItinalaga nila sa kanya ang
kanilang sarili sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti.
Bukod sa tema ng Pagtitiis/Christian Suffering, isa pang tema ang hayag na hayag sa
buong aklat: ang Kabanalan:
Ayon sa komentaryo ni Matthew Henry, karamihan sa mga mananampalatayang inuusig noon ay mga
bago pa lamang na nakakikilala sa Panginoon. At bilang mga bagong mananampalataya, ang
maging biktima ng
- Mapoot sa Diyos at sumbatan Siya, atbp. Napakadali ang magkasala sa panahon ng mga tiisin na hindi
makatarungan (tl. 15).
Subalit ang hinihiling ng Diyos sa panahon na ito ay huwag ikompromiso ang banal na pamumuhay:
· Faith requires openness to the will of God. Sinabi nina Sadrac, Mesac at Abednego, "Mahal na hari,
wala po kaming itututol sa inyo tungkol sa bagay na ito. Gawin ninyo kung iyan ang gusto ninyo. Ang
Diyos na aming pinaglilingkuran ang magliligtas sa amin sa pugong iyon at sa inyong kapangyarihan. At
kung hindi man niya gawin ito, hindi pa rin kami sasamba sa rebultong ipinagawa ninyo. (Den. 3: 16-18)
1. Ang mga tiisin ay hindi dapat pinagtatakhan, sapagkat ito’y pangkaraniwan lamang
2. Ang mga tiisin ay hindi lamang nagdudulot ng sakit, kundi kagalakan din sa ating puso.
3. Ang mga tiisin ay nakatutulong sa atin sa higit na kabanalan at,
4. Ang mga tiisin ay nakapagpapalalim ng ating pananampalataya.
Bilang pagtatapos ay nais kong sabihin sa lahat, na ang tamang pagtugon sa tiisin sa buhay ay hindci
lamang nagpapatunay na ang kayamanan natin ay si Cristo, kundi, magbibigay din ito ng pagkakataon
upang ang mga tao sa ating paligid ay maligtas.