You are on page 1of 1

BUKAS ANG PALAD

2 Corinto 9:6-11 MB6Tandaan ninyo ito: ang naghahasik ng kakaunti ay mag-aani ng kakaunti, at ang
naghahasik naman ng marami ay mag-aani ng marami. 7Ang bawat isa'y dapat magbigay ayon sa sariling
pasiya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang, sapagkat ang ibig ng Diyos ay kusang pagkakaloob.
8Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay higit pa sa inyong pangangailangan upang may
magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9Gaya nga ng sinasabi ng Kasulatan: "Siya'y namudmod sa mga dukha;
Walang hanggan ang kanyang kabutihan." 10Ang Diyos na nagbibigay ng binhing ihahasik at tinapay na
makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi at magpapalago nito upang mamunga nang sagana ang
inyong kabutihang-loob. 11Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay para lalo kayong makatulong sa marami.
Sa gayo'y dadami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin ko sa kanila.

Introduction: Gusto ng Diyos na maging generous tayo tulad Niya. At may pangako Siya pag namumuhay tayo
ng generously. Ayon sa 2 Cor. 9:8 pag tayo’y namumuhay generously, hindi covetously, kaya ng Diyos na
pasaganain tayo upang magkaroon ng lahat ng ating mga pangangailangan at higit pa upang patuloy tayo sa
generous living. Sabi ni Jesus, “Higit na mapalad ang nagbibigay kaysa tumatanggap.” (Gawa 20:35).

Ang mga pagpapala pag namumuhay ng bukas palad


1. Matutuwa sa akin ang iba.
 Dalawang uri lamang ng tao ang nasa mundo – giver o taker? Alin sa mga ito ang gusto mong
reputasyon?
 Ang Giver ay yung bukas ang palad sa pagbibigay sa lahat.
 Ang Taker naman ay yung walang inisip kundi ang sarili at hindi kayang magbukas sa pagbibigay para sa
iba.
 Kapag tayo ay nagging bukas palad,matutuwa ang ibang tao sa atin.Una ang Diyos.Pangalawa ang mga
nakapaligid sa atin.
 E examine ang iyong sarili,ikaw ba ang Giver?o taker?Sa Aspeto ng pagbibigay,ano pa ang mga bagay
na dapat baguhin sa iyo?

2. Ipinapakita ko kung ano ang higit na mahalaga sa aking buhay.


 Pag tayo’y nagiging bukas palad sa ating time, talent, treasure, natatalo natin ang pagiging selfish o
makasarili.
 Lucas 12:15 MB15At sinabi niya sa kanilang lahat: "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman;
sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa laki ng kayamanan."
 Makapag-iimpok tayo sa langit sa pamamagitan ng pagiging bukas palad natin sa ating time, talent,
treasure. Alin sa mga ito ang mas bukas palad ka at alin sa mga ito ang maramot ka?
 Ipinapakita n gating pagiging bukas palad na higit mahalaga ang mga bagay na makalangit hindi ang
mga bagay na pan lupa lang.
3. Nakakatulad ko ang Diyos.

 Ang Diyos ay isang bukas palad na Diyos, kaya pag tayo’y nagiging bukas palad ay nakakatulad natin Siya.
 2 Corinto 8:9 MB9Alam ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig ng ating Panginoong Jesu-Cristo na bagamat
mayaman ay nagpakadukha upang yumaman kayo sa pamamagitan ng kanyang karukhaan.
 Ang Diyos natin ay Diyos na mapagbigay kaya dapat tayo rin ay mapagbigay.
 Tayo ay patungo sa pagiging kawangis ni Kristo kayat dapat lang na mapagbigay tayo.

You might also like