You are on page 1of 8

Ang Habang-buhay na Pagkatalaga o Commitment

(Lucas 14:25-33)

Sa ating panahon may mga tao na ang nais ay


buhay na walang mga commitment. Ayaw sa pangako o
panindigan ang pangako. Sa relasyon o mag-asawa,
kapag gusto pa, nagsasama. Kapag ayaw na, eh di
hiwalay. Kahit sa church, may mga gusto ang
“membership without commitment.”
Pero panigurado halos lahat naman tayo ang hanap
ay paninindigan sa mga binitawang salita. Ang
paghahanap ng mga pangako ng pulitiko noong
eleksyon sa panahon ngayon na tila hindi natutupad o
nabibigay sa taong-bayan. Kahit ang mga bata,
pinanghahawakan ang salita ng magulang na
magkakaroon sya ng pasalubong pagkauwi ng kanyang
mga magulang.
Ang relasyon sa Diyos ay may kaakibat na
pangako. Ang imbitasyon ng Panginoon ay
panghabangbuhay na kaugnayan. Hindi po tayo
maaring maging Kristiano kung hindi tayo papasok sa
panghabangbuhay na relasyon sa Diyos. Ito ay
panghabangbuhay na paglilingkod bilang tagasunod ng
Panginoong Jesu-Cristo.
Meron tayong apat na puntos na tatalakayin
ngayong gabi, na magsisilbing paalala sa kung anong
“commitment” ba ang meron tayo bilang isang Kristyano.

1
Ang Ating mga Pagtatalaga sa Diyos:

1. Commitment to Put God First


Ayon sa Lucas 14:26
26 “Hindi maaaring maging alagad Ko ang
sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at
mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang
buhay nang higit sa Akin.

Tinatawagan po tayo ng Panginoon na unahin Siya,


bago ang anupamang bagay. Maging ang ating pamilya
o ang sarili. Sa kahit anong relasyon na meron tayo,
unahin po natin ang Diyos.
Kung pilit po nating isinasa-walang-bahala ang ating
Panginoon, hindi po tayo magiging alagad ni Cristo.
Ayaw ng Panginoon na magkaroon siya ng karibal sa
ating buhay.
Ayaw ng Panginoon na nahuhuli siya sa ating buhay.
Italaga natin ang ating sarili sa Diyos. Ang hinihingi ng
Panginoon ay ang ating buong pagmamahal, buong
puso, buong isip, buong lakas at buong kaluluwa.
Hindi naman po ito kalugihan, dahil sabi nga sa Mateo
6:33

2
33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na
kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon
sa Kanyang kalooban, at ibibigay Niya sa inyo ang
lahat ng inyong pangangailangan.
2. A Commitment to the Cross
Sabi sa Lucas 14:27
'Ang ayaw magpasan ng sarili niyang krus at
sumunod sa Akin ay hindi maaaring maging alagad
Ko. '

Marami ang gumagamit sa krus ngayon bilang palamuti.


Krus na kwintas sa leeg. Krus na borloloy, o dekorasyon
lamang. Ngunit, ang pagpasan ng ating mga krus ang
magpapakita na tunay nga tayong alagad ng Panginoon.
Ang ating krus ay ang ating ministeryo.
May mga nagnanais sumunod sa Panginoon, ngunit
ayaw nilang magpasan ng krus. Kaya maraming
simbahan ang nagiging mahina. Kapag may
responsibilidad na sa simbahan, marami ang nagsisi-
alisan. Meron namang iba na mahilig ipasa ang
responsibilidad sa iba, “krus ko, hila mo” ika nga. Meron
din namang “krus nila, hila ko lahat” kaya nagkakaroon
ng kapaguran. Kaya mahalaga na malaman natin ang
pagkatalaga, at bilang isang kapatiran wag din nating
hayaang maipon ang responsibilidad sa iisang tao
lamang, kaya nga “Kapatiran” ang tawag sa atin.
Isa rin ito sa mga kaparaanan upang mapagtibay ang
ating relasyon sa Panginoon – ang pag-commit naten sa
mga ministeryo o kaloob na ibinigay sa atin ng Diyos.

3
3. A Commitment to Finish What We Have Started
Sabi sa Lucas 14:28
'“Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak na magtayo ng
tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at
kuwentahin kung magkano ang magagastos niya
upang matiyak kung may sapat siyang pera para
maipatapos ang kanyang ipapatayo? '

Upang maging tunay na alagad ni Cristo, kailangan po


nating italaga ang ating sarili sa pagtapos sa anumang
ating sinimulan.
Kung mapapansin natin sa buhay Kristiyano, marami
ang nagpapabautismo, pero, hindi naman nagpapatuloy
sa pananampalataya.
Tayong mga nakasimula na sa pagsisimba, alam ko
namang ang nais ng mga puso natin ay
panghabangbuhay na natin itong gagawin. Kaya
maiging patuloy natin itong paghandaan at pagplanuhan
upang hindi ito maiwang naka-tiwangwang.
Sa mga nakatapak na sa simbahan o mga
nabautismuhan na, merong biro-biro na, “wag mong
hayaang naka-kahon ka ng bumalik sa simbahan”
Naka-kahon, ibigsabihin, nung namatay na lang sya ulit
naipasok sa simbahan. Hindi itinalaga ang buhay para

4
sa paglilingkod sa Panginoon. Hindi niya siguro
napaghandaan ang mga pagsubok o nahirapang
planuhin ang buhay dahil mali ang naging direksyon.
Tapusin po natin ang ating nasimulan. Paghandaan.
Hikayatin din natin ang iba upang magpatuloy. Maging
daan tayo ng kanilang simula at pagpapatuloy. Wag
nating susukuan ang mga nasimulan. Tutulungan
naman tayo ng Panginoong Diyos. Dahil sabi nga sa
Filipos 1:6
6 'Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan
sa inyo ng Diyos ay Kanyang lulubusin hanggang
sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo.'
Pagtiwalaan ang Diyos at sumunod sa Kanyang
direksyon.

4. A Commitment to Fully Surrender to God


Sabi sa Lucas 14:31 - 33
31 O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari
ang hindi muna mauupo upang pag-aralang mabuti
kung ang sampung libong kawal niya ay
maisasagupa sa kalaban na may dalawampung
libong kawal?
32 At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban
ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang
makipagkasundo.

5
33 Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad
Ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang
lahat sa kanyang buhay.

Alam na ng haring ito na matatalo siya. Inaaral niya ang


kanyang magiging kalagayan kung patuloy siyang
lalaban sa kabilang kampo, hindi siya magwawagi. Kaya
susuko na lamang siya at makikipagkasundo sa
kinakalabang hari.
Magiging alagad lamang tayo ng Panginoong Jesus
kung isusuko natin sa Diyos ang ating buhay. Dahil kung
patuloy tayong susuway sa Panginoon, hindi tayo
magtatagumpay.
Naranasan na nating lahat ang magkasala. Naranasan
na po natin ang sumuway sa Diyos. Dati - dahil sa ating
kasalanan, tayo po ay naging kaaway ng Diyos. At ano
nga ba ang ating naging pakinabang sa ating pagsuway
sa Diyos? Wala, di po ba?
Bakit hindi na lamang natin italaga ang ating sarili at
isuko ito sa Diyos? Ang buhay na hindi isinuko sa
Panginoon ay isang sayang na buhay.
Tulad ng hari sa kwento, dapat tayong mag-isip. Ano
ang mangyayari sa iyo kung magpapatuloy ka sa
kasalanan? Yung nakikita mong talo ka na. Dahil ang
kasalanan ay maaring magbibigay sa atin ng
pansamantalang kaligayahan, ngunit hahantong ito sa
walang hanggang kaparusahan.

6
Kung isusuko mo ang iyong buhay sa Diyos, at hayaang
Siya ang manguna, ikaw ay magkakaroon ng
kapayapaan at buhay na walang hanggan.

PANGWAKAS
Ipagpatuloy ang ipinangakong uunahin mo
ang Diyos bago ang sinuman.
Ipagpatuloy ang ipinangakong papasanin mo
ang iyong krus at susunod ka sa Panginoon.
Ipagpatuloy ang ipinangakong tatapusin mo
ang iyong sinimulan para sa Panginoon.
Ipagpatuloy ang ipinangakong pagsuko at pag-alay
ng iyong buhay sa Diyos
At bilang isang alagad ni Kristo, ikaw ay
magwawagi dahil Siya ang naghahari sa atin.

Awit 146:3-6
3 Sa mga pangulo'y huwag kang manghahawak,
kahit sa kaninong di makapagligtas;
4 kung sila'y mamatay, balik sa alabok, kahit anong
plano nila'y natatapos.
5 Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos na laging
katulong ay ang Diyos ni Jacob; sa Diyos na si
Yahweh, umaasang lubos,

7
6 sa Diyos na lumikha niyong kalangitan, ng lupa at
dagat, at lahat ng bagay. Ang Kanyang pangako
ay maaasahan.

Psalms 146:3-6
3 Do not put your trust in princes, in human beings,
who cannot save.
4 When their spirit departs, they return to the
ground; on that very day their plans come to
nothing.
5 Blessed are those whose help is the God of
Jacob, whose hope is in the Lordtheir God.
6 He is the Maker of heaven and earth, the sea, and
everything in them— He remains faithful forever.

You might also like