Professional Documents
Culture Documents
SERMON NO. 4
"At nang siya'y alisin niya, ay ibinangon niya si David upang maging hari nila; na siya rin
namang pinatotohanan niya at sinabi, Nasumpungan ko si David na anak ni Jesse na
isang lalaking kinalulugdan ng aking puso, na gagawa ng buong kalooban ko."
Intro : ANO ANG KATOTOHANAN PATUNGKOL SA BUHAY? Paano tayo magiging kalugod-
lugod sa Dios? At ano ang pangako sa mga gumagawa ng Kanyang kalooban?
Body :
Santiago, 4:14 "Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong
buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at
pagdaka'y napapawi."
Job 14:1(MB) "Ang buhay ng tao'y maikli lamang, subalit punung-puno ng kahirapan."
Mga Awit, 90:10 "Ang mga kaarawan ng aming mga taon ay pitong pung taon, o kung
dahil sa kalakasan ay umaabot ng walong pung taon; gayon ma'y ang kanilang
kapalaluan ay hirap at kapanglawan lamang; sapagka't madaling napapawi, at kami
ay nagsisilipad."
Job 3:23 "Ano kaya ang dahilan at ang tao'y isinilang, kung inilihim naman ng Diyos
ang kanyang patutunguhan?"
Job, 1:21 "At sinabi niya, Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad
na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nagalis;
purihin ang pangalan ng Panginoon."
Kaya hindi tayo dapat magpakabuyo sa mga lakayawan o ilagak man ang ating mga
hiram na buhay sa walang kabuluhan, kundi bagkos ay sa mga bagay na nakalulugod sa
Dios.
Genesis,1:26 "At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa
ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga
ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na
nagsisiusad sa ibabaw ng lupa."
Pansinin : Tayo ay nilalang ng Dios para sa Kanya. Nilikha naman ng Dios ang
sanlibutan para sa atin at upang ipagkatiwala sa atin. Kaya ano man ang mga biyaya na
ating matanggap sa Dios itoy lagi nating ipagpasalamat sa Kanya dahil tayo ay mga
katiwala lamang ng kanyang mga biyaya.
IV. MATANGI PA DITO, PANO PA TAYO MABUBUHAY NA KALUGODLUGOD SA DIOS?
Mga Taga-Efeso,2:10 "Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus
para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating
lakaran."
Pansinin : Bilang mga katiwala ng Dios ay inihanda na rin Niya noon pang una ang mga
daan na dapat nating lakaran, at yun ay walang iba kundi ang Kanyang mga kautusan
upang maging gabay natin sa ating pamumuhay. Sa pamamagitan ng pag iingat sa mga
kautusan ng Dios ay magiging mabuti tayo sa harapang ng mga tao at higit sa lahat sa
paningin ng ating Panginoong Dios.
Pansinin : Ang tunay na Cristiano, sinisikap niya sa kanyang buhay ang laging
makapagbibigay kaluwalhatian sa Dios ano man ang kanyang ginagawa. Ito ang buhay
na kalugodlugod sa Dios.
Pansinin : Ito ang pinaka tampok na layunin at pananagutan natin sa ating buhay, ang
magbigay ng kaluwalhatian sa Kanyang banal na Pangalan. Ano man ang ating
ginagawa, nais ng Dios, ay gawin natin ito sa ikaluluwalhati Niya.
Pansinin : Napakahalaga sa Dios ang pagsamba ng taong matuwid, ngunit sa mga taong
nabubuhay sa kasalanan, imbis na tanggapin ng Dios ay kasuklamsuklam pa ito sa
Kanyang paningin.
Tandaan natin na ang paglilingkod sa Dios ay hindi license upang mabigyang daan ang
ating mga kasalan. Kung paanong pananagutan natin ang paglilingkod sa Dios ay
pananagutan din natin ang pagpapakabanal. Ang paglilingkod at pagpapakabanal ay
laging magkasama.
Lucas, 12:15 "At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa
lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga
bagay na tinatangkilik niya."
Mateo, 6:31-32 "Kaya huwag kayong mangabalisa, na mangagsabi, Ano ang aming
kakanin? o, Ano ang aming iinumin? o, Ano ang aming daramtin?"
"Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga Gentil;
yamang talastas ng inyong Ama sa kalangitan na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga
bagay na ito."
Appeal :
Sagot : Kung uunahin natin ang Kaharian at katwiran ng Dios ang ating mga
pangangailangan ay ipagkakaloob ng Dios sa atin.
Mateo, 6:33 "Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang
kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo."