You are on page 1of 5

UNANG PAGBASA Gal 3, 7-14

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-


Galacia
Mga kapatid, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang
tunay na lahi ni Abraham. Hindi pa ma’y ipinakita na ng Kasulatan
na pawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng
kanilang pananalig sa kanya. At ipinahayag na kay Abraham noon pa
ang Mabuting Balita: “Sa pamamagitan mo’y pagpapalain ng Diyos
ang lahat ng bansa.” Nanalig sa Diyos si Abraham at siya’y pinagpala
kaya’t pagpapalain ding tulad niya ang lahat ng nananalig sa Diyos.
Ang lahat ng nananangan sa pagsunod sa Kautusan ay nasa ilalim ng
isang sumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, “Sumpain ang hindi
tumutupad sa lahat ng nasusulat sa aklat ng Kautusan.” Maliwanag,
kung gayun, na walang taong ibibilang na matuwid sa paningin ng
Diyos sa pamamagitan ng Kautusan sapakat “Ang pinawalang-sala sa
pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.” Ngunit ang
Kautusan ay hindi nasasalalay sa pananalig sa Diyos, sapagkat
sinasabi ng Kasulatan, “Ang tumutupad sa hinihingi ng Kautusan ay
mabubuhay sa pamamagitan nito.”
Tinubos tayo ni Kristo sa sumpa ng Kautusan nang siya’y magdusa
na parang isang sinumpa. Sapagkat nasasaad sa Kasulatan, “Sinumpa
ang bawat ibinitin sa punongkahoy.” Tinubos niya tayo upang ang
mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay kamtan ng
mga Hentil sa pamamagitan ni Kristo Hesus, at sa pamamagitan ng
pananalig sa kanya ay sumaatin ang Espiritung ipinangako ng Diyos.
-Ang salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN Slm 110, 1-2. 3-4. 5-6
T./ Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain.
Buong puso siyang pasasalamatan,
aking pupurihin sa gitna ng bayan
kasama ng mga lingkod na hinirang.
Napakadakila ang gawa ng Diyos,
pinananabikan ng lahat ng lingkod.
T./ Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain.
Lahat niyang gawa’y dakila at wagas,
bukod sa matuwid hindi magwawakas.
Hindi inaalis sa ating gunita,
na siya’y mabuti’t mahabaging lubha.
T./ Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain.
Sa may pagkatakot pagkai’y sagana;
pangako ng Poon ay hindi nasisira.
Ipinadama n’ya sa mga hinirang,
ang kapangyarihan niyang tinataglay,
nang ibigay niya lupa ng dayuhan.
T./ Pangako ng Poon nati’y lagi nating gunitain.

ALELUYA Juan 12, 31b-32


Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay itinampok,
sa kanya tayo’y dumulog,
kasamaan ay natapos.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA Lucas 11:15-26
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.
Noong panahong iyon, matapos palayasin ni Hesus ang isang
demonyo, nanggilalas ang mga tao. Ngunit may ilan sa kanila ang
nagsabi, “Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa
kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” May iba
namang nais siyang subukin, kaya’t nagsabi, “Magpakita ka ng
kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.” Ngunit
batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa kanila, “Babagsak
ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at
mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas
laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian?
Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat
binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako’y
nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino
naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na
makagawa ng gayun? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali
kayo. Ngayon, kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang
dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos.
“Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa
kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit
kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas,
sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at
ipamamahagi ang ari-ariang inagaw.
“Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi
tumutulong sa aking mag-ipon.
“Kapag lumabas na mula sa tao ang isang masamang espiritu, ito’y
gumagala sa mga tigang na lugar at naghahanap ng
mapagpapahingahan. Kung walang matagpuan ay sasabihin nito sa
sarili, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ Pagbabalik ay
matatagpuan niyang malinis na ang bahay at maayos. Kaya, lalabas
siyang muli at magsasama ng pito pang espiritung masasama kaysa
kanya, at papasok sila at maninirahan doon. Kaya’t sumasama kaysa
dati ang kalagayan ng taong iyon.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PANALANGIN NG BAYAN
Manalangin tayo sa ating Ama sa tulong ng makapangyarihang
pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria, Reyna ng Banal na Rosaryo.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, pagpalain mo kami sa pamamagitan ng mga panalangin
ng Birheng Maria.
Tulad ni Maria nawa’y pagnilayan ng Simbahan ang misteryo ng buhay at
pag-ibig ng Diyos na nahayag kay Kristo at sa mga pangyayari ng ating
panahon, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa halip na tustusan ng mga bansa ang kanilang mga sandatang pandigma at
pangwasak nawa’y higit nilang paglaanan ang mga kagamitan para sa
pagtataguyod ng kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Kaisa ni Maria tayo nawa’y magpatuloy sa pananalangin at pagsisikap na
matupad ang plano ng Diyos para sa ating kaligtasan, manalangin tayo sa
Panginoon.
Sa pamamagitan ng maka-inang pangangalaga ni Maria, ang mga maysakit
at nagdadalamhati nawa’y makatagpo ng paghilom at paglubag ng
kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumaong tapat sa Panginoon nawa’y magtamasa ng buhay na
walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin para sa rosaryo at sa
mensahe ng kapayapaan na hatid ni Maria sa aming mundo. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

You might also like