You are on page 1of 2

UNANG PAGBASA (July 23,2023)

(Tagabasa):Pagbasa mula sa Aklat ng Karunungan, ikalabing-dalawang


kabanata, nagsisimula sa ikalabing-tatlong talata.
Lahat ng bagay ay nasa ilalim ng iyong pangangalaga,
At walang ibang diyos na dapat mong pagsulitan ng iyong mga hatol.
Sa iyong lakas nagmumula ang iyong katarungan,
At maaari kang magpakita ng habag kaninuman
Sapagkat ikaw ang Panginoon ng lahat.
Ipinamamalas mo ang iyong lakas sa nag-aalinlangan sa iyong ganap na
kapangyarihan,
At pinarurusahan mo ang sinumang nakatatalastas nito ngunit
nangangahas na di ka pansinin.
Walang-hanggan ang kapangyarihan mo ngunit mahabagin ka kung
humatol.
Maaari mo kaming parusahan kailanma’t ibigin mo,
Ngunit sa halip ay pinamamahalaan mo kami nang buong hinahon at
pagtitimpi.
Sa pamamagitan ng ginawa mong iyan
Ay itinuro mo sa mga taong makatarungan
Na dapat din silang maging maunawain.
At binigyan mo naman ng pag-asa ang iyong bayan,
Sa pagkakaloob sa kanila ng pagkakataong makapagsisi.

ITO ANG SALITA NG PANGINOON.


(Bayan): SALAMAT SA DIYOS.
IKALAWANG PAGBASA:
(Tagabasa): Pagbasa mula sa Sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma,
ikawalong kabanata, nagsisimula sa ikalabing-dalawang talata.
Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman, kaya hindi
na tayo dapat mamuhay ayon sa laman. Sapagkat mamamatay kayo
kung namumuhay kayo sa laman ngunit kung pinapatay ninyo sa
pamamagitan ng Espiritu Santo ang mga gawa ng laman, mabubuhay
kayo. Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng
Diyos. Sapagkat hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang
muling matakot. Ang tinanggap ninyo ay espiritu ng pagiging anak, at
ito ang nagbibigay sa atin ng karapatang tumawag ng "Ama! Ama ko!"
Ang Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y
mga anak ng Diyos. At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng
Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y
nakikipagtiis sa kanya, tayo'y dadakilain ding kasama niya.
Sa ganang akin, ang mga pagtitiis sa kasalukuyan ay hindi
maihahambing sa ihahayag na kaluwalhatiang sasaatin. Nananabik ang
sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. Nabigo ang
sangnilikha, hindi sa kagustuhan nito, kundi dahil sa ito ang niloob ng
Diyos. Gayunman, may pag-asa pa, sapagkat ang sangnilikha ay
palalayain sa pagkaalipin nito sa kabulukan, at makakahati sa
maluwalhating kagalakan ng mga anak ng Diyos. Alam natin na
hanggang ngayon ang sangnilikha ay dumaraing sa paghihirap. Hindi
lamang sila! Tayo mang tumanggap ng Espiritu bilang unang kaloob ng
Diyos ay napapahimutok samantalang hinihintay natin ang pag-aampon
sa atin ng Diyos, ang pagpapalaya sa ating mga katawan. Ligtas na tayo
at inaasahan natin ang kaganapan nito. Ngunit ang pag-asa ay hindi
pag-asa kapag nakikita na ang inaasahan. Sapagkat sino ang aasa sa
nakikita na? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, ito'y
hinihintay natin nang buong tiyaga.
DITO NATATAPOS ANG PAGBASA.
(Bayan): SALAMAT SA DIYOS.

You might also like