You are on page 1of 3

\PANIMULA

PAGSISIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY KASAMA SI HESUS

BINABATI KITA !Ikaw na nakapagsimula na ng isang bagong relasyon kay HESUS. Isang kaibigan ang
nakakita ng iyong pangangailangan at kinonekta ka sa SOLUSYON-ang Diyos.

Tinanggap mo ang regalo ng buhay na walang hanngan sa pamamagitan ng pananampalataya ka Kristo.


Ang serye ng mga aralin na ito ay makatutulong na maunawaan mo lalo kung sino si HESUS, at ang mga
kayamanang espirituwal at kahanga-hangang buhay na inihanda Niya para sa iyo.

“Ngunit ipinadama ng DIyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong
tayo’y makasalanan pa. Kaya’t sa pamamagitan ng Kanyang dugo, tayo ngayon ay napawalang-sala at
tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos. Dati , tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit tinanggap na Niya
tayo bilang mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At dahil dito, tiyak na
maliligtas tayo sapagkat si Kristo ay buhay.” (Mga taga-Roma 6:8-10)

“…sapagkat ito ang aking dugo; pinapagtibay nito ang tipan ng Diyos. Ang aking dugo ay mabubuhos
para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.” (Mateo 26:28)

Ang dugo ni Hesus ay nagbibigay sa atin ng BAGONG BUHAY. Ang panibagong buhay at mga bagong
panimula ay hindi natin magagawa sa ating sarili lamang. Si Cristo lamang ang ating pag-asa para sa
bagong buhay! At Kanyang isinakripisyo ang sarili Niyang buhay upang makamta natin ito…

CONSOLIDATION TOPIC 1:

KALIGTASAN

Ang ebalheyo ay ang MABUTING BALITA, ang mensahe ng kaligtasan!

Ito ang pinakamatinding pagpapakita ng pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Ito ang gawang pagliligtas sa
biyaya ng Diyos na nagdulot ng Kalayaan sa tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng dugo ng ating
Panginoong Hesus doon sa krus.

Sinabi sa Mga Taga-Roma 6:23, “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng
kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Kristo Hesus na ating Panginoon.”
Lahat tayo ay tumanggap ng kabayaran sa kung paano tayo namumuhay dahil tatanggapin natin ang
nararapat sa atin. Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng
Diyos (Mga taga-roma 3:23); walang matuwid, wala kahit isa (Mga taga Roma 3:10). Dahil dito lahat
tayo’y nararapat sa kamatayan-hindi lamang pisikal na kamatayan ngunit pati pagkakahiwalay sa Diyos.
Subalit dahil mahal tayo ng Diyos, binigyan Niya tayo ng isang regalo. Ang regalong ito ay isang bagay na
hindi na tayo karapat-dapat ngunit ipinagkaloob sa atin dahil sa walang pasubali, lubos at ganap nap ag-
ibig ng Diyos sa atin. Hindi natin ito maaaring kitain o bilhin. Ang regalong ito ay ang buhay na walang
hanggan, na nangangahulugang maranasan ang buhay kapiling ang Diyos magpakailanman. Maaari itong
magsimula ngayon kapag tinanggap mo si Hesu- Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ng iyong
buhay.
Lahat ng tao ay nangangailangan ng Tagapagligtas, dahil ang buhay ay hindi maaayos kung wala ang
Diyos. Kailangan nating bumalik sa Tagapagligtas na Siyang tunay na nagmamahal sa atin. Sinisira ng
kasalanan ang tao; si Hesus ang solusyon (Juan 14:6) Si Hesus ang ating kaligtasan. Binayaran Niya nang
buo ang kaparusahan ng ating kasalanan doon sa krus. Ang ginawa Niya sa krus ay nagdudulot ng
pagtubos, agbabago at pagpapanumbalik sa ating mga buhay. (Mga Gawa 4:12)

Ang kaligtasan ay nagging possible sa pamamagitan ng ginawang pagtubos ng ating Panginoong Hesu-
Cristo doon sa krus. Niligtas Niya tayo mula sa walang hanggang kamatayan na dulot ng ating mga
kasalanan. Winasak Niya ang mga sumpa at mga gawa ng kadiliman sa ating mga buhay. Tinatanggap din
natin ang bagong buhay kay Kristo (2 Mga Taga- Corinto 5:17) at ang pagpapanumbalik ng ating mga
buhay sa orihinal nitong luwalhati at disenyo (Genesis 1:28). Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng dugo
ni Hesus, tayo ay napanumbalik. Sa espirituwal , ang ating relasyon sa Diyos ay nanumbalik. Sa personal,
ang mga sira nating mga relasyon sa ibang mga tao ay naisaayos, ganoon din sa pinansyal na bahagi ng
ating buhay.

Pagtuklas sa mga Katotohanan patungkol sa iyong Bagong Relasyon kay Cristo. Ang mga katotohanan sa
Bibliya ay makatutulong sa’yo upang makapagtayo ng isang matatag na pundasyon para sa iyong
relasyon kay Cristo. Ang mga katotohanang ito ay : Pinatawad ni Cristo ang iyong mga kasalanan( Mga
Taga- Colosas 1:13-14). Ginawa ka Niyang anak ng Diyos (Juan 1:12). Noong tinanggap mo si Cristo, ikaw
ay nagging anak ng Diyos. Dumating si Cristo sa iyong buhay at hindi ka kalianman iiwanan (Mga Hebreo
13:5b). Kahit anumang sitwasyon ang mayroon ka ngayon at kung anumang pagsubok ang
pinagdadaanan mo ngayon, ang Diyos ay palaging nasa iyong tabi upang tulungan ka.

Nagsimula si Cristo ng bagong buhay sa ‘yo. “Kaya’t kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, is na
siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito’y napalitan na ng bago (2 Mga
Taga -Corinto 5:17). Ang iyong lumang pagkatao ay Nawala nan ang magsimula ka Niyang hubugin
tungo sa pagkatao nan ais Niya para s aiyo. Panghuli, binigyan ka Niya ng buhay na walang hanggan. “At
ito ang patotoo: ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan, at ito’y makakamtan natin
sa pamamagitan ng kanyang Anak. Ang sinumang pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay mayroon buhay
na walang hanggan, ngunit ang hindi pinapanahanan ng Anak ng Diyos ay hindi makakaranas ng buhay
na walang hanggan. Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong sumasampalataya sa Anak
ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.”( 1 Juan 5:11-13)
Panginoon , tinatanggap ko po ang kaloob Mong kaligtasan.
Kinikilala ko pong ako’y isang makasalanan at nangangailangan
ng Tagapagligtas. Nananampalataya po ako na si Hesus lamang
ang Tanging daan at nilinis ako ng Kanyang dugo at pinalaya sa
kasalanan, sumpa at gawa ng kadiliman. Inaanim ko po ang
aking kasalanan at tinatalikuran ang aking masasamang gawa.
Humihingi po ako ng kapatawaran. Maghari po kayo sa aking
buhay mula ngayon at magpakailanman. Sa pangalan ni Hesus.
Amen

You might also like