You are on page 1of 3

 

"KKK NG PANALANGIN"

Psalms 91:11 Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan
ka sa lahat ng iyong mga lakad.

Ang ating mga bayaning si Andres Bonifacio ay may KKK sa kanyang bandila ng Katipunan. Kung
aaralin din ang Panalanging itinuro ng Panginoon, ito ay maaring hatiin sa tatlong "K".

1. Kaugnayan sa Diyos bilang Ama,

2. Katungkulan upang sumunod sa Kanyang kalooban, at

3. Kahilingan para sa ating mga pangangailangan.

Pagpalain nawa tayo ng Panginoon sa ating pakikinig ng Kanyang Salita.

1. KAUGNAYAN

- Ang ating Kaugnayan sa Diyos

Ang panalangin ay pangangalaga sa ating kaugnayan sa Diyos. Sa turo ng Panginoong Jesus,


nararapat tayong tumawag sa Diyos bilang "Ama natin".

a. Ito ay nagbibigay sa atin ng tamang pagkilala sa sarili.

Ang Diyos ay nakikipag-ugnayan sa atin bilang mga anak. Ito ay isang magandang paalala sa atin
kung sino tayo - tayo ay mga anak ng Diyos. At ito bunga ng ating pagsampalataya sa ating
Panginoong Jesus. Sabi ng Juan 1:12-13,

12 "Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang


maging mga anak ng Diyos. 13 Sila nga ay naging mga anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila
ayon sa kalikasan o sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak nila ay dahil
sa kalooban ng Diyos."

b. ito ay nagpapahayag kung paano tayo kinikilala ng Diyos.

Sa 1 Juan 3:1, ang Diyos ang mismong kumikilala sa atin bilang mga anak niya.

" Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak
ng Diyos, at iyan nga ang totoo."
Kahit sa Roma 8: 16, sinasabi na ang Espiritu Santo pa mismo ang nagpapatotoo na tayo ay mga
anak ng Diyos. "Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng
Diyos."

2. KATUNGKULAN

Ang pananalangin ay upang ipahayag natin ang ating pagpapailalim sa kapangyarihan ng Diyos,
upang alamin at sundin ang kanyang kalooban.

a. Ang panalangin ay kahandaan alamin ang kalooban ng Diyos.

Sa panalangin, hinahanap natin ang kalooban ng Diyos. Hindi po ang kalooban natin ang
susundin ng Diyos. Tignan halimbawa ang sabi ng 1Juan 3:9,

"Ang tinanggap ng Diyos bilang anak niya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat
nananatili sa kanya ang buhay na galing sa Diyos. At dahil ang Diyos ang ama niya, hindi siya
maaaring magpatuloy sa pagkakasala."

b. Ang panalangin ay kahandaan upang sumunod sa kalooban ng Diyos - "sundin ang loob Mo".
Ang kawalan ng pagsunod sa Diyos ay paglaban sa Diyos. At ito ay gawain ng Diablo! Kay ahindi
maaring tawaging anak ng Diyos ang sinumang nananatili sa kasalanan.

3. KAHILINGAN

"Bigyan mo kami ng pagkain sa araw-araw, patawarin mo kami sa aming mga sala, ilayo mo po
kami sa masama."

a. Ang Diyos ang nagpapanatili ng buhay (Sustainer of Life). Sa pamamagitan ng pagkain,


nagpapatuloy ang buhay at ang ating hininga. Siya ang nagbibigay ng ating kailangan sa araw-
araw.

b. ang Diyos ang tagapagpatawad ng ating mga kasalanan. Hindi natin maililigtas ang ating sarili
mula sa ating sariling kasalanan. Tanging ang Diyos ang may karapatang magpatawad. Ang lahat
ng pagkakasala ay paglabag sa kanyang kalooban. Siya ang ating sinusuway kapag tayo ang
nakagagawa ng pagkakasala. At siya lamang ang nakapagpapatawad sa atin.

c. Ilayo mo po kami sa Masama - ang Masamang tinutukoy dito ay ang diablo. Ang panalangin
ay hindi lamang pakikipag-usap sa Diyos - ito ay pananatili sa piling ng Diyos. At ito rin ay
paglayo sa Masama.

Humihiling tayo bilang pagtitiwala sa Diyos. Nakadepende po tayo sa Diyos. Wala tayong
magagawa kung hiwalay tayo sa Kanya.

You might also like