You are on page 1of 2

MGA ANAK NG DIYOS  

1 JUAN 3:1-2
Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama!
Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang totoo. Ang
dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan
ay hindi nila kinikilala ang Diyos. Mga minamahal, mga anak na
tayo ng Diyos ngayon, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging
kalagayan natin. Ngunit alam nating sa pagdating ni Cristo, tayo'y
magiging katulad niya, sapagkat makikita natin kung sino talaga
siya.
PANIMULA
Mga kaibigan, sino ka sa iyong palagay? Tama. Madaming iba’t-ibang mga paraan sa paglalarawan
ng iyong sarili. Ikaw ay maaaring lalaki o isang anak na lalaki o anak na babae ng iyong magulang,
at isang kapatid na lalaki o babae. Ikaw ay maaaring isang kaibigan at mamamayan mng bansang
ito. Napakahalaga na malaman mo kung sino ka habang ikaw ay nabubuhay. Ang buhay ng isang
tao na kilala ang kanilang sarili. Kung gusto mong mamuhat ng karapat-dapat na buhay,
napakahalaga na malaman mo kung sino ka para sa iyong sarili. Ito din ay tumutukoy sa
espirituwal na pagkakakilanlan. Kaya dito, pagtutuunan natin kung sino tayo kay Cristo. Lahat tayo
ay maaaring maging mabuting Kristiyano kung maiintidihan natin at malaman ang tungkol sa
kung sini tayo kay Cristo. Una, sino tayo sa Diyos? Tsayo ay mga anak ng Diyos. Ngayon, isipin
natin ang tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagiging anak ng Diyos.

1. ANG MABUTING BALITA SA IBINIGAY NI JESUS SA ATIN.


Si Jesus ay mabutibg Balita sa atin. Dahil tayo ay pinatawad mula sa ating mga kasalanan at
natanggap natin ang kaligtasan sa kahit wala Siyang kasalanan. Ang ating kasalanan ay nalutas sa
pamamagitan ng Kanyang kamatayan. Kung tatanggapin natin si Jesus bilang ating Tagapagligats,
matatanggap natin ang kaligtasan. Ito ay tiyak na mabuting balita para sa atin.

2. ANG MGA PAGPAPALA NA MATATANGGAP NG MGA ANAK NG DIYOS.


Lahat tayo ay nagging Anak ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Mayroong kahanga-hangang ibig
sabihin sa ilalim ng katotohanan ng pagiging Anak ng Diyos. Nangangahulugan ito na
makatatanggap tayo ng mga pagpapala mula sa Diyos. Ngayon, ay maaari na nating tawagin ang
Diyos na ating Ama. Tayo ay kanyang espirituwal na mga anak. Ang Diyos ang nagpupuno ng
ating mga kailangan dahil tayo ay nagging Kanyang mga anak.

3. MAAARI TAYONG MAMUHAY BILANG PAGPAPALA SA IBA.


Sasabihin ko ulit ito, tayo ay nagging anak ng Diyos dahil kay Jesus. Tayo ang mga tao na
maaaring pagkalooban ng Diyos ng ating mga pangangailangan. Kung gayon, maaari tayong
mamuhay ng iba sa mga hindi pa kilala si Jesus. Sa mga hindi pa kilala ang Diyos, sila ang mga tao
na kailangan pangalagaan ang kanilang pangangailangan. Dahil sa wala silang kaugnayan sa
Diyos, sila ang mga tao na kailantgan matustusan ang sarili nilang mga pangangailangan sa
pamamagitan ng kanilang kinikita. Nakikipagkumpitensya sa iba.

KONKLUSYON
Mga kaibigan. Tayo ay nagging mga anak ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Dahil tayo ay
nagging kanyang anak, ang lath ng ating mga pangangailangan ay pupunuan na ng Diyos ng
walang anumang kondisyon. Hindi na natin kailangang maging saikim o makipagkumpitensya sa
iba upang makuha an gating mga pangangailangan. Sapagkat ang Diyos na ang nagbibigay , kaya
may kakayahan na tayo ngayon na mamuhay para sa iba. Maging mapagbigay at tumulong sa iba.
Ito ang dapat na uri ng ating buhay bilang anak ng Diyos.

You might also like