You are on page 1of 15

PATULOY NA PATIBAYIN ANG IYONG KAUGNAYAN SA DIYOS

INTRODUKSYON (2 mins.)

Mayroong dalawang grupo ng mga tao ang ipinag-eksperimentuhan


ng mga psychologist. Ang dalawang grupo na ito ay binigyan ng mga
puzzle para i-solve nila. Napakadali lang ng mga puzzle kaya lahat ng mga
tao sa dalawang grupo ay nagawang lutasin at sagutin ang mga ito.

Ang kaakit-akit sa eksperimento na ito ay: yung unang (1) grupo


sinabihan sila na kaya nila nagawang lutasin yung mga puzzle ay
matalino sila, samantalang yung pangalawang (2) grupo ay sinabihan
naman na kaya nila nalutas iyon ay dahil matiyaga sila.

Pagkalaki ng mga tao sa eksperimento na ito, natuklasan ng mga


psychologist na mas naging successful sa buhay yung grupo na sinabihang
matiyaga sila kesa dun sa sinabihan na matalino.

Bakit kaya sa tingin ninyo, mga kapatid at bisita namin?

Mamaya, balikan natin kung bakit.

Pero kunin muna natin yung punto ng pagiging matiyaga.

Bilang mga Estudyante ng Bibliya, iyan yung katangian na laging


hinihikayat mula sa atin upang magkaroon ng matibay na kaugnayan sa
Diyos.

Nagkataon din na iyan ang tema natin para sa bahaging ito.

Kaya sa pagkakataon na ito, mayroon tayong apat (4) na tanong na


tatalakayin:

 Posible bang magkaroon tayo ng mabuting kaugnayan sa Diyos


na Jehova?
 Ano ang kailangan nating sanayin upang mapalapit sa Kaniya?
 Mayroon ba tayong kailangang linangin na katangian?
 Paano natin mapapanatili ang ating kaugnayan sa Diyos?

1
KATAWAN (22 mins.)

POSIBLE MAGKAROON NG MABUTING KAUGNAYAN SA DIYOS NA


JEHOVAH
(2 MINS.)

Ngayon, talakayin natin ang unang tanong, “Posible bang


magkaroon ng mabuting kaugnayan sa Diyos?”

Mayroon tayong dalawang saligan mula sa Bibliya upang maisagot


iyan.

(1) Una. Yung nakaulat sa Gen 2:9, 15-18. Binanggit sa teksto


na inilagay ng Diyos ang tao sa isang napakagandang
kapaligiran, taglay ang pag-asang mabuhay nang walang
hanggan. Hinulma niya ang buong mundo. Ginawang Paraiso
ang lupa. At binigyan ng mga prinsipyo upang sundin ng mga
tao.

Ito ay mga bagay na tanda at pagpapakita ng pag-ibig.

Ibig sabihin nito na sa una pa lamang, mayroon ng intensyon ang


Diyos na magkaroon ng mabuting kaugnayan sa pamamagitan ng
mga tao.

Ngayon mayroon pang isang saligan na nagpapatibay sa positibong


sagot natin sa unang tanong

(2) Pangalawa. Basahin natin ang (Genesis 1:27). Nilalang ni


Jehovah ang mga tao na may kakayahang ipakita ang mga
katangian ng Diyos.

Kapag tayo, mga kapatid, kung gusto natin maging malapit sa isang
tao, ano ginagawa natin?

Diba nagbibigay tayo?

2
Anuman iyon literal o hindi.

Nagbibigay tayo ng mga regalo, shina-share natin yung mga pagkain


natin, sinusubukan natin ipanood sa kanila yung mga paborito nating
mga palabas, pinapakinig natin yung mga gusto nating mga musika,
at marami pang iba pa.

Basta bigay tayo nang bigay.

Bakit kaya? Dahil yung nararamdaman natin tungkol sa isang bagay


na iyon gusto natin na maramdaman din nila.

Sa katulad na paraan, ayon sa teksto, ang Diyos na Jehova ay


punong-puno ng pag-ibig, kagalakan, katarungan, kapakumbabaan,
at lahat ng napakagandang katangian Niya. At ibinigay din niya sa
atin ang mga pagpapalang iyon.

Gusto ng Diyos na Jehova na nararamdaman at tinataglay natin ang


mga ito.

Bakit?

Dahil, muli, gusto Niya tayong maging malapit sa kaniya. At dahil sa


mga saligan na ito, tunay nga na posibleng magkaroon ng mabuting
kaugnayan sa Diyos.

3
SANAYIN ANG IYONG BUDHI (10 MINS.)

Kaso, tulad ng ating sinabi, “posible” ito.

Hindi ito awtomatikong kaugnayan.

Dahil sa mga kasalanan ng unang mga magulang natin – kasama na


ang mga kasalanan natin sa kasalukuyan – ang sangkatauhan, sa
kabuohan ay nagkaroon ng malaking pagitan may kinalaman sa
kaugnayan sa Diyos.

Para makamit ito, may kailangan tayong gawin: Dapat tayong


gumawi kaayon ng kaniyang matuwid na mga pamantayan.

Kaya sa ikalawang tanong natin, “Ano kaya ang espesipiko na


kailangan nating sanayin upang mapalapit sa Kaniya?”

Nakakita na ba kayo ng dalawang tao na magkaibang-magkaiba ang


kanilang personalidad at mga interes sa buhay ngunit nagkakasundo?

Marahil kayo mismo ay mayroong ganung klase ng relasyon.

Sabihin natin yung isa mahiyain, habang yung isa palakaibigan. Yung
isa mahilig sa sports, habang yung isa mahilig lang magbasa. Yung isa
magaling mag-drawing, habang yung isa mahilig sumayaw at kumanta.

Magkaiba ba ang kanilang pagkatao? Oo.

Pero parehas silang naniniwalang pagkatapos kumain, kailangan


nilang iligpit yung mga pinagkainan. Parehas silang naniniwala na dapat
irespeto ang mga magulang at lahat ng mga may-edad na. Parehas silang
nag-aaral ng mabuti sa eskuwelahan dahil na e-enjoy nila ito.

4
Pag nagkakilala ba sila, sa tingin ninyo magiging mabuting
magkaibigan sila?

Oo, dahil magkaiba man ang kanilang mga gusto, parehas naman
sila ng mga pamantayan sa buhay.

Ganun din pagdating sa Diyos na Jehova.

Napakaliit natin kumpara sa Diyos. Tao tayo, habang ang Diyos ay


isang Espiritu. Ang Diyos perpekto, tayo hindi.

Pero sa kabila ng lahat, posible tayong magkaroon ng mabuting


kaugnayan sa Diyos kapag sinisikap nating abuting ang Kaniyang mga
Pamantayan.

At para maabot ang kaniyang mga pamantayan, kailangan nating


sanayin ang ating mga budhi.

Basahin natin ang Roma 2:14-15. Ayon sa teksto, mayroon tayong


tinatawag na konsensya o budhi na likas sa atin.

Ang salitang “budhi” ay nangangahulugang “kaalaman sa sarili.”

Ito ay ang kakayahan na kilalanin ang ating sarili batay sa pag-alam,


pagsuri, at pagdesisyon sa mga sitwasyon na kailangan ikonsidera ang
moralidad.

Mahalaga itong wastong sanayin dahil nagbibigay ng babala ang


ating budhi kapag ang ginagawa natin ay hindi kaayon ng mga
pamantayan ng Diyos at patiuna tayong binababalaan nito sa mga pagkilos
na makasisira sa ating kaugnayan sa Diyos.

Sa madaling salita, ang ating budhi ay inihahalintulad sa isang


compass. Itinuturo nito ang tamang direksyon patungo sa kung anong
desisyon ang mas magiging kalugod-lugod sa Diyos na Jehova.

5
Ito yung nararamdaman nating parang nagwawala sa ating puso’t
isipan kapag napapaharap tayo sa mga sitwasyon na katulad ng
pagpapasalin sa dugo, paninigarilyo o pagdodroga, at pagpaslang sa ibang
mga tao.

Ngunit tandaan na kapag lalakbay tayo sa isang lugar, bago pa natin


gamitin ang compass, ano muna ang malamang sa malamang na gagawin
natin?

Siyempre magbabasa muna tayo tungkol sa lugar na iyon. Aalamin


natin kung may kailangan ba tayong iwasan? Ano ang puwede nating
gawin doon? Kung ano-ano yung mga puwedeng kainin?

Gagawa pa nga siguro tayo ng itinerary.

Tapos, tiyak na kapag nalaman na natin ang lahat ng impormasyon


sa lugar na iyon, mas magagamit na natin ng maayos ang ating compass.

Mas makakapagpokus tayo sa direksyon ng ating pagtutunguhan


dahil mayroon na tayong impormasyon tungkol sa pupuntahan natin.

Oo, kung paanong hindi sapat na maglakbay ka sa isang lugar gamit


ang compass lang, hindi rin tayo puwedeng magdesisyon gamit ang
ating puso’t isipan lamang.

Kailangan natin ng information; kailangan natin ng data.

At dito pumapasok ang Salita ng Diyos.

Kailangan natin magbasa ng Bibliya at pag-aralan ang mga


simulain nito.

Dahil karamihan ng mga bagay na dapat pagpasiyahan sa buhay ay


batay sa mga simulain sa Bibliya;

At dahil din doon, nangangailangan ito ng higit na paggamit ng


budhi.

6
Ang mga simulain ay mga saligang katotohanan na nagsisilbing
gabay sa moralidad. Kapag lagi tayong nagbabasa ng Bibliya, mas
lalong nasasanay ang ating mga budhi.

Higit pa, bukod sa pag-gabay sa atin ng mga simulain ng Bibliya mula


sa kapamahamakan sa sanlibutan na ito, tinutulungan tayo nito na
maintindihan ang personalidad at pag-iisip ni Jehova. Babalik ito muli sa
orihinal na layunin kung bakit natin sinasanay ang ating budhi: ito ay upang
magkakaroon ng mabuting ugnayan sa Diyos.

Ngunit, tandaan natin na compass lang ang ibinigay sa atin ni


Jehova. Direksyon lang ang binibigay nito. Hindi nito kadalasan
espisipikong sinasabi kung ano o saan tayo pupunta.

Halimbawa, kanina nabanggit natin na kapag napaharap tayo sa


mga sitwasyon na may kinalaman sa pagpapasalin sa dugo, siyempre
tatanggihan kaagad natin ito base sa ating budhi. Ngunit paano kapag
napaharap tayo sa sitwasyon na hindi naman “purong dugo” ang isasalin,
kundi mga “fractions” lamang ng dugo.

Ano ang magiging desisyon natin?

Sa pagkakataon na ito mga kapatid, personal ito na pagpapasiyahan


natin.

Ngunit, tandaan, ang mahalaga, bago tayo magdesisyon tiyakin natin


na mayroon tayong malalim na pag-unawa sa mga simulain ng Diyos na
Jehova.

Ibig sabihin, lagi dapat tayong nag-aaral, nag r-research, at


nagbubulay-bulay may kinalaman sa Bibliya. Para pag napaharap tayo sa
mga sitwasyon na hindi basta nasasagot ng “oo” o “hindi”, alam pa rin natin
ang dapat nating gawin.

Nakikita ng Diyos na Jehova ang lahat ng pagsisikap natin sa


pagsasanay ng ating budhi sa pamamagitan ng pagiging handang
sumunod sa mga simulain niya.

7
At kapag consistent mo itong ginagawa, may papausbungin sayo na
katangian ang Diyos na Jehova.

SUMULONG SA ESPIRITUWAL NA PAGKAMAYGULANG (10 MIN.)

Sa ikatlong tanong natin, “May kailangan ba tayong linangin na


katangian upang magkaroon ng mabuting ugnayan sa Diyos?”

Basahin natin ang Hebreo 5:14-6:1.

Ang pagkakaroon ng isang bihasang budhi ay mahalaga, ngunit


simula pa lamang ito ng ating mabuting ugnayan kay Jehova. Ang kasunod
na hakbang, katulad ng binanggit sa teksto, ay kailangan nating sumulong
patungo sa espirituwal na pagkamaygulang.

Kung ang pagsasanay ng budhi ay nakapokus sa impormasyon; sa


pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya at mga reperensya, sa kabilang banda
naman, ang pagsulong sa espirituwal na pagkamaygulang ay
nakapokus sa paggawi.

Para sa aming mga Bible Study, mayroon na ba tayong plano kung


kailan natin iaalay ang ating sarili sa Diyos sa pamamagitan ng Bautismo?
Kung bautismado na tayo, patuloy ba tayong nagpapagabay at
nagpapailalim sa mga kaunawaaan may kinalaman sa Salita ng Diyos?

Napakahalaga kay Jehova ang isang kaibigan na tanggap lahat ng


kaniyang mga turo at, higit sa lahat, yung isinasabuhay ang mga ito.

Nasubukan niyo na ba mga kapatid magkaroon ng isang kaibigan, o


kahit kakilala lang, na lumapit sa inyo para humingi ng payo patungkol sa
isang napakahalagang desisyon na gagawin niya sa buhay. Tapos
talagang nag research ka at ikinonsidera mo yung mga emosyon niya bago
mo siya bigyan ng payo.

Pero sa huli, hindi niya iyon sinunod yung payo mokasi nagpadala
siya sa kaniyang mga damdamin nang napaharap siya sa mismong
sitwasyon na iyon.

8
Ano ang masasabi natin sa kaniya?

Nakakalungkot sabihin na kulang pa sa pagkamaygulang ang isang


tao kapag ganun.

Ang Diyos na Jehova ay hindi naiiba roon. Bilang patunay, Basahin


natin ang Efeso 4:13, 15.

Ipinapaliwanag sa teksto na maging mga “adulto” tayo sa espirituwal


at hindi pabago-bago ang ating mga damdamin pagdating sa mga simulain
Niya.

Ano ba ang mga tungkulin ng isang “adulto”?

Ang mga adulto ay responsable, may pananagutan, maaasahan


at, higit sa lahat, isinasakatuparan ang lahat ng ikinakapit nilang
simulain sa buhay.

Kung mayroon man silang mga hindi magandang ugali nung sila ay
“bata” pa, kinikilala nila ang lahat ito at patuloy na isinisikap na baguhin.
Hinihubad nila ang mga lumang personalidad katulad ng nakaulat sa
Efeso 4:22-24. Higit pa, kung paanong kahit iba-iba ang mga kakayahan at
interes ng mga adulto, lahat sila ay mayroon ng mga nabanggit natin na
mga katangian. Requirement talaga siya bilang isang adulto.

Wala rin iyan pagkakaiba sa mga naghahangad magkaroon ng


mabuting ugnayan kay Jehova.

Sinisikap ba natin abutin ang mga pribilehiyo sa kongregasyon?

Para sa mga lalaki,

Nagsisikap ba tayo na manguna sa ating mga paglabas sa larangan?

Ginagampanan ba natin ang ating mga bahagi?

Pinapahalagahan ba natin ang pribilehiyo na mag opening o closing


prayer? (Isa sa pinaka magandang tanda ng pagkamaygulang sa
espirituwal)

Nag a-assist ba tayo sa ating audio-visual system?


9
Tayo ba ay naghahangad na maging Auxiliary o Regular Pioneer,
Ministeryal na Lingkod, Elder, o maglingkod sa mas malaki ang
pangangailangan?

Para sa mga babae,

Nagpapasakop ba kayo at sinusuportahan niyo ba ang mga lalaki sa


kongregasyon?

Pinapahalagahan ba na ang ating mga bahagi mula sa ating


entablado hanggang sa paglilinis ng kingdom hall?

Inaalagaan ba natin ng mabuti ang ating mga pamilya?

Kayo ba ay naghahangad na mag Auxiliary o Regular Pioneer?

Tunay nga na kapag tayo ay nag-iisip, naghahangad, at patuloy na


nagsisikap na abutin ang mga pribilehiyo na nabanggit, tayo ay
sumusulong sa espirituwal na pagkamaygulang.

Iwasan natin na maging “isip-bata” pagdating sa ating


espirituwalidad.

Kung papipiliin ba tayo, mayroon ba rito ang gusto maging kaibigan


ang isang indibiduwal na “isip-bata”?

Tiyak na ang Diyos na Jehova ay may parehas na mga sentimento


patungkol diyan.

Kaya patuloy tayo na maging matalino pagdating sa mga desisyon na


may kinalaman sa ating espirituwalidad, at mararamdaman natin mismo sa
ating mga puso na habang tayo ay nagiging mas responsable, mas may
pananagutan, mas maaasahan at, mas isinasakatuparan ang lahat ng
mga espirituwal na mga bagay – mas napapalapit din tayo sa Diyos na
Jehova.

Karagdagan pa, kapag nananatili tayong abala sa mga bagay na ito


na higit na mas mahalaga kesa sa lahat ng iba pa – napoprotektahan din
tayo sa mga patibong ng Satanas na Diyablo.

10
Kaya’t napakagandang itatak natin sa ating mga isipan ang ating mga
pagpupulong at lahat ng espirituwal na mga payo mula rito.

Kunin natin bilang patunay ang halimbawa at karanasan ng isang


kapatid na nagngangalang Orchid mula sa Ang Bantayan issue ng 2009 na
may paksang “Sumulong sa Pagkamaygulang Dahil “ang Dakilang Araw ni
Jehova ay Malapit Na”, sinabi niya:

“Ang paalaala na regular na basahin ang Bibliya ay talagang


nagkaroon ng malaking epekto sa aking buhay. Inabot ng mga
dalawang taon bago ko natapos basahin ang buong Bibliya, pero
waring noon ko pa lang nakikilala ang aking Maylikha. Natutuhan ko
ang tungkol sa kaniyang paraan, ang mga gusto at hindi niya gusto,
ang kaniyang di-masukat na kapangyarihan, at malalim na
karunungan. Ang araw-araw na pagbabasa ng Bibliya ang
nagpalakas sa akin na harapin ang mabibigat na problema.”

Oo, katulad ni Orchid, kapag patuloy nating sinasanay ang ating


budhi at inaayon ang mga natututunan natin sa espirituwal na
pagkamaygulang, masasalamin natin ang mga katangian ni Jehova
habang higit na nagiging kaayon ng pag-iisip niya ang pag-iisip natin.

11
PATULOY PANG PATBAYIN ANG IYONG KAUGNAYAN SA DIYOS (3
MINS.)

Tungo tayo sa huling tanong ng bahaging ito, paano natin


mapapanatili ang ating kaugnayan sa Diyos?

Sa bahaging ito, natalakay natin (1) na posibleng magkaroon ng


mabuting ugnayan sa Diyos; (2) Ang kahalagahan ng pagsasanay ng budhi
at (3) Ang pagsulong sa Espirituwal na Pagkamaygulang upang
magkaroon at mapatibay ang ating ugnayan sa Diyos na Jehova.

Ngunit, sabihin man natin na taglay na na natin ang lahat ng ito –


dapat na ba tayo maging kuntento o maging kampante sa ating
espirituwalidad?

Hindi. Hindi dapat tayo maging kuntento rito.

Kunin nating halimbawa ang, walang iba, kundi ang isang masigasig
na kabataan na si Timoteo. Basahin natin ang 1 Timoteo 4:15.

Si Timoteo, bagama’t isang may-gulang na Kristyano, ay pinayuhan


parin ni apostol Pablo na sumulong. At dapat din nating tularan si Timoteo
–na patuloy na sumulong sa pagpapakita ng bunga ng espiritu.

Bakit?

Maraming dahilan kung bakit.

Mayroong tatlong (3) dahilan.

Una (1), ang Diyos na Jehova ay nagtataglay ng mga kaalaman na


hindi natin kailanman maaabot. Mayroon din siyang mga katangian na
kailanman hindi natin maaarok. Oo, ang Diyos na Jehova ay walang
hanggan o infinite.

Ibig sabihin, lagi tayong may matututuhan na bago sa Diyos na


Jehova. Kung ano man ang mga magagandang katangian na nakukuha
12
natin sa mga pamantayan niya, lagi’t lagi na puwede pa natin ito
pasulungin. Pinapatibay ito ng 1 Timoteo 4: 12-13.

Karagdagan pa, isipin din natin na kung walang hanggan ang Diyos
na Jehova, walang hanggan ang ating pagsusulong; ibig sabihin, walang
hanggan din ang kaligayahan na madadama natin habang isinusulong
natin ito.

Pangalawa (2), sa mas praktikal naman na dahilan, sa Awit 25: 4, 5 –


binanggit na habang mas lumalawak ang ating kaalaman sa Diyos na
Jehova mas nagiging ligtas tayo sa sanlibutan na ito at mas tumitibay ang
ating pananampalataya na maililigtas niya rin tayo sa hinaharap. Dahil si
Jehova ay Diyos ng Kaligtasan.

Pangatlo, at ang pinakamahalagang dahilan sa lahat, ayon sa


Roma 11:33 – wala nang ibang mas magandang pribilehiyo pa kundi
ang patuloy na pag alam sa lahat ng iniisip at katangian ng Diyos na
Jehova. Yung masasabi natin talaga na kaibigan natin ang si Jehova.

KONKLUSYON (3 MINS.)

Reviewhin natin mga kapatid yung mga punto sa bahaging ito:

 Posible bang magkaroon tayo ng mabuting kaugnayan sa Diyos


na Jehova? Oo, dahil ayon sa Genesis 1:27, nilalang tayo ni
Jehovah na may kakayahang ipakita ang mismong mga
katangian niya.
 Ano ang kailangan nating sanayin upang mapalapit sa Kaniya?
Ayon sa Roma 2:14-15, mayroon tayong tinatawag na konsensya
o budhi na likas sa atin na kailangan nating sanayin upang
matulungan tayong na gumawa ng matatalinong desisyon na
nakabase sa pamantayan ng Diyos.
 Mayroon ba tayong kailangang linangin na katangian? Oo, sa
Efeso 4:13, 15 binanggit na kailangan natin sumulong sa
espirituwal na pagkamaygulang dahil wala nang ibang gusto ang
Diyos kundi ang isang kaibigan na responsable, may

13
pananagutan, maaasahan, at isinasakatuparan ang lahat ng
ikinakapit niyang simulain mula kay Jehova.
 Paano natin mapapanatili ang ating kaugnayan sa Diyos? Sa 1
Timoteo 4:12-13 at 15, katulad ni Timoteo, kailangan natin
patuloy na magkaroon ng kaisipan na laging may isusulong pa ang
mga magagandang katangian na natututuhan natin kay Jehova.

Balikan natin mga kapatid at bisita naming yung tungkol sa research


kanina.

Sa dalawang grupo, mas naging successful sa buhay yung mga


sinabihan na matiyaga sila kesa dun sa mga matatalino.

Bakit kaya?

Unahin natin yung mga matatalino.

Napansin ng mga eksperto na, dahil ipinalaki silang naniniwala na


matalino sila, tuwing napapaharap na sa mga problema at hindi nila ito
magawang mai-resolba, mas mabilis silang sumuko at lagi nilang isinisisi
ang mga external factors o mga bagay na hindi nakokontrol.

“Hindi ko nagawa ito dahil umuulan.”

“Di ko kaya iyon kasi ayaw ko yung itsura ng lugar.”

“May nangyari kasi sa bahay kaya hindi ko ito natapos nang nasa
oras.”

And so on and so on…

Ngunit, yung sa kabilang grupo, dahil ipinalaki naman silang


matiyaga sila, tuwing napapaharap sila sa mga problema mahihirap, hindi
nila ito sinusukuan. Sa halip, mas ginugugulan pa nga nila ito ng oras. At
kung hindi man sila magtagumpay, iniisip nila na ito ay dahil sa isang
katangian na pakiramdam nila na hindi naipakita nang higit pa. Nakapokus
naman sa mga internal factors o sa mga bagay na nakokontrol.

“Hindi ko ito nagawa kasi nagkulang ako sa paninindigan.”

14
“Hindi ko ito nagawa dahil hindi ako nagising ng mas maaga.”

“Hindi ko ito nagawa dahil dapat sana pinag-aralan ko pa.”

Tapos itong grupo na ito, ini-improve nila sa susunod yung mga


katangian na iyon.

Sa katulad na paraan, ang pagkakaroon ng mabuting kaugnayan kay


Jehova ay isang mahabang proseso; isang walang-hanggan na proseso.
Dahil sa di-kasakdalan, mapapaharap tayo sa mga problema at
masusubok ang ating kaugnayan sa Diyos.

Ngunit, tandaan na lahat ng mga kailangan gawin upang


magkaroon ng mabuting ugnayan sa Diyos ay mga bagay na kayang
mong i-kontrol. Kung ikakapit natin palagi ang simulain ng 1 Timeoteo
4:15 at patuloy tayong sumusulong o magiging matiyaga sa
pagkakaroon ng mabuting kaugnayan kay Jehova, tiyak na tayo ay
magtatagumpay.

At wala nang hihigit pang pribelihiyo sa buhay, kundi ang maging


personal na kaibigan ng Diyos na Jehova.

15

You might also like