You are on page 1of 4

Nakikilala ang Puno sa mga bunga nito.

Matthew 12:33 “Make a tree good and its fruit will be good, or make a tree bad and its fruit will
be bad, for a tree is recognized by its fruit.

Luke 6:43 - No good tree bears bad fruit, nor does a bad tree bear good fruit

Jesus compares us to good or bad trees, depending on the kind of person we are. This is an
analogy in which our behavior is equivalent to the fruit of the tree because just as the fruit
allows us to identify the tree, our actions show the type of person we are. (what we do, what
we talk, even what we think)

Ang ating behavior is equivalent to the fruit of the tree, nalalaman natin sa bunga kung ano ang
puno, ang ibig sabihin nito, ibig sabihin nito, sa behavior natin, dun tayo nadedetermine kung
anong uri tayo ng tao. Kung anong mga ginagawa natin, anong mga sinasabi natin at kung
anong mga iniisip natin.

Need to Do:

THINK GOOD

Psalm 139:1-4 1 O Lord , you have searched me and you know me.2 You know when I sit and
when I rise; you perceive my thoughts from afar. 3You discern my going out and my lying down;
you are familiar with all my ways. 4Before a word is on my tongue you know it completely, O
Lord .

Alam ng Diyos ang lahat ng bagay, alam nya kung ano ang mga iniisip natin. Hindi pa natin
ginagawa pero alam na agad yun ng Panginoon,wala tayong maitatago sa kanya sapagkat sa
lahat ng bagay ay lantad sa Diyos.

Kaya napakahalaga na matutunan natin na kontrolin ang mga bagay na iniisip natin dahil kung
anong iniisip natin ay maaaring makaapekto kung sino tayo ngayon. Maaaring ito’y positibo o
negatibo. Halimbawa, kung ika’y sumali sa paligsahan at kung positibo ka at di ka
pinanghihinaan ng loob, malaki ang tiyansa na manalo ka. Pero kung panghihinaan ka ng loob
at maging negatibo, maaaring makaapekto yun sa performance mo at di na manalo. Isang
halimbawa pa ang mga taong positibo sa buhay at di sumusuko, sila ang madalas na
nagtatagumpay, pero yung mga taong sumuko na at nagpapadala nalang sa agos ng buhay sila
ang madalas na napag-iiwanan, parang karera lang yan..kung positibo ka na mararating mo ang
finish line at di ka bumibitaw, mararating mo ang tagumpay, pero kung panay reklamo,
negatibo ka, mawawalan kana ng gana at malamang sa malamang ay titigil ka na sa karera.
Napakahalaga ng mga bagay na iniisip palang natin. Sabi nga, makapangyarihan ang isip ng tao,
mind over matter. Minsan iniisip mo ang isang bagay tapos biglang nangyayari kaya mag-ingat
tayo sa mga bagay na iniisip natin. Sa halip na mag-isip tayo ng kung ano ano, kausapin natin
ang Panginoon, humingi ng guidance at kalakasan ng sa gayon ay di ka manghina at
mapagtagumpayan mo ang mga pagsubok. Lahat ng tao ay may problema, malaki, maliit, konti
o maraming problema, pero anuman yung problema, iisa lang ang source ng help natin, ang
Panginoon. Kaya wag tayong mahiyang lumapit at manalangin sa kanya. May problema na nga
tayo, lalayo pa ba tayo sa Panginoon kung saan tayo makakakuha ng kalakasan at kasagutan sa
mga problema natin. Kaya mali din na kapag may pagsubok tayo ay lalayo tayo sa panginoon o
magagalit tayo at magtatanong, na Lord, bakit mo hinayaan na mangyari sakin to, naglilingkod
naman ako. Kapag nangyari ito, manatili tayo sa Panginoon, manalangin dahil nasa kanya ang
kasagutan sa lahat ng ating pagsubok. Always draw near and stay with God, may problema o
wala.

Lubhang mahalaga ang mga bagay na iniisip palang natin kaya tayo bilang mga anak ng Diyos,
piliin natin ang mga bagay na ipinapasok natin sa ating isip. Ang tamang pagpili ng mga
babasahin, musika, mga taong ating makakahalubilo, mga usapan at mga palabas ay may
malaking epekto sa ating isip. Maaari nitong mapollute ang isip natin. Totoo ang di natin
makokontrol ang galaw ng mundo at ang mga temtasyon na inoofer satin pero kaya natin itong
iwasan. Nasa pagpili ng ating will ang kasagutan. Kaya dapat, ang mga pinapasok natin sa ating
sistema, ang mga Godly things hindi mga ungodly at magsisimula yan sa pagpapractice na aralin
natin ang pag-iisip ng mga good and healthy thoughts.

SPEAK THE GOOD/SPEAK WITH THE PURPOSE

Proverbs 12:22 - The Lord detests lying lips, but he delights in men who are truthful. (Mga
sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may
katotohanan ay kaniyang kaluguran.)

God hates lies as much as he loves truth. In the same way, we must hate the lie and love the
truth. Many tolerate the truth only; They don’t love her. How dangerous is this. Jesus is the
Truth, His Word is the Truth, the Holy Spirit is the Truth. Not to love the Truth is to reject
Jesus, His Word and His Spirit. Many people do not receive the Holy Spirit, simply because they
do not want to give up the lie in their lives.

Halimbawa kung pano tayo nakikila bilang puno dahil sa pagsasalita natin: Ang taong
nagsinungaling ay mahirap na muling pagkatiwalaan dahil nakilala mo na sya sa knyang mga
sinasabi na kasinungalingan. Ay si ano, ayoko na makipag-usap dun, sinungaling yun. Di lang sa
pagsisinungaling yun, madalas, sa pagsasalita ng tao, dun natin nakikilala ang isang tao. Kung
mabait ba, mayabang, matalino, mahiyain, dun una tayong nakikilala bilang puno, ang ating
ugali ang ating bunga, kaya ingatan din natin ang mga salita na lumalabas sa bibig natin. Dahil
liban sa isip, makapangyarihan din ang ating salita. Ika nga, nagdidilang anghel.

DO GOOD

Galatians 5:22-23 22But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness,
faithfulness, 23gentleness and self-control. Against such things there is no law.

Ang mga bunga ng Espirito ang siyang dapat mamutawi satin, at para mangyari ito, maliban sa
pag-iisip ng tama, pagsasalita ng tama, ay ang paggawa ng tama. Dapat tayong gumawa ng
tama, hindi sapat ang salita lamang, dapat nandun ang tamang paggawa. Tulad ng isip at salita,
makapangyarihan din ang paggawa, ika nga, nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Walang
mangyayari kung halimbawa, gusto mo magtapos bilang engineer, iniisip o sinasabi mo lang
pero wala ang paggawa, di ka nag-aaral, di ka pumapasok sa school. Depende sa ating
pagsisikap at panalangin sa panginoon kung igagantimpala sa atin ito (nasa diyos ang awa), kaya
nga magpatuloy lang tayo sa paggawa. Di lang paggawa, paggawa ng tama. Nag-aral ka nga,
nagpatuloy para sa iyong pangarap pero dinaan mo naman sa di tamang paraan,maaaring di ito
ibigay sayo ng Panginoon kung gumagawa ka ng di tama. Sa paggawa ng tama, dun din
nakikilala ang puno. Kapag masama ang ginagawa mo, yun ka makikilala ng ibang tao. Sa ating
paggawa ng isang bagay, lagi nating ilagay ang Panginoon sa sitwasyon natin, na kung ang Diyos
ba ang nasa kalagayan ko, gagawin nya ba ito o hindi.

BE GOOD!

Walang tao ang napupunta sa langit ng dahil siya ay mabait, o nagpakabait. Alam nman natin na
ang Panginoon lang ang way para marating natin ang eternal life, ang pagtanggap natin sa
kanya sa ating pusot isipan bilang ating nag-iisang Diyos na buhay at tagapagligtas. Gawin natin
siyang driver ng ating buhay. Pero ganunman, binigyan tayo ng Panginoon ng command, sinabi
nya sa

(Luke 6:35-36) 35But love your enemies, do good to them, and lend to them without expecting
to get anything back. Then your reward will be great, and you will be sons of the Most High,
because he is kind to the ungrateful and wicked. 36 Be merciful, just as your Father is merciful.

Jesus also commands us to be humble and obedient to Him (John 14:15) If you love me, keep,
keep my commandments. By obeying him through his words in the bible, we show him our love,
and testify to the world that we love God.

God also asks us to have self-control. Anger is a weapon of the flesh; it is a precursor to many
painful things; it leads to bad decisions, hate, bitterness, murders and wars. Anger is a
diabolical weapon that destroys marriages, homes, churches and even nations. Nakikila ang
puno sa pagiging mabuti, ang pagkakaroon ng disiplina, ang nagpapakilala sa atin bilang puno.

We can conclude by saying that to become “good trees” our root must be in God. Ang ating
ugat ay nakaconnecta sa matatabang lupa.

You might also like