You are on page 1of 10

PATULOY NA PATIBAYIN ANG IYONG KAUGNAYAN SA DIYOS

INTRODUKSYON (2 mins.)
Mayroong dalawang grupo ng mga tao ang ipinag-eksperimentuhan ng mga
psychologist. Ang dalawang grupo na ito ay binigyan ng mga puzzle para i-solve nila.
Napakadali lang ng mga puzzle kaya lahat ng mga tao sa dalawang grupo ay
nagawang lutasin at sagutin ang mga ito.
Ang kaakit-akit sa eksperimento na ito ay: yung unang (1) grupo sinabihan sila
na kaya nila nagawang lutasin yung mga puzzle ay matalino sila, samantalang yung
pangalawang (2) grupo ay sinabihan naman na kaya nila nalutas iyon ay dahil
matiyaga sila.
Pinalaki ng mga tao sa eksperimento na ito ayon sa mga paniniwalang iyon.
Pagkalipas ng ilang taon, natuklasan ng mga psychologist na mas naging
successful sa buhay yung grupo na sinabihang matiyaga sila kesa dun sa sinabihan na
matalino.
Bakit kaya sa tingin ninyo, mga kapatid at bisita namin?
Mamaya, balikan natin kung bakit.
Pero kunin muna natin yung punto ng pagiging matiyaga.
Bilang mga Estudyante ng Bibliya, iyan yung katangian na laging hinihikayat
mula sa atin upang magkaroon ng matibay na kaugnayan sa Diyos.
Nagkataon din na iyan ang tema natin para sa bahaging ito.
Kaya sa pagkakataon na ito, mayroon tayong apat (4) na tanong na tatalakayin:

 Posible bang magkaroon tayo ng mabuting kaugnayan sa Diyos na Jehova?


 Ano ang kailangan nating sanayin upang mapalapit sa Kaniya?
 Mayroon ba tayong kailangang linangin na katangian?
 Paano natin mapapanatili ang ating kaugnayan sa Diyos?
KATAWAN (22 mins.)
POSIBLE MAGKAROON NG MABUTING KAUGNAYAN SA DIYOS NA JEHOVAH
(2 MINS.)

Ngayon, talakayin natin ang unang tanong, “Posible bang magkaroon ng


mabuting kaugnayan sa Diyos?”
Mayroon tayong dalawang saligan mula sa Bibliya upang maisagot iyan.
(1) Una. Yung nakaulat sa Gen 2:9, 15-18. Binanggit sa teksto na inilagay
ng Diyos ang tao sa isang napakagandang kapaligiran, taglay ang pag-
asang mabuhay nang walang hanggan, at binigyan ng mga prinsipyo
upang sundin ng mga tao.

1
Ito ay mga bagay na tanda at pagpapakita ng pag-ibig.

Ibig sabihin nito na sa una pa lamang, mayroon ng intensyon ang Diyos na


magkaroon ng mabuting kaugnayan sa pamamagitan ng mga tao.

Ngayon mayroon pang isang saligan na nagpapatibay sa positibong sagot natin


sa unang tanong
(2) Pangalawa. Basahin natin ang (Genesis 1:27). Nilalang ni Jehovah
ang mga tao na may kakayahang ipakita ang mga katangian ng Diyos.

Kapag tayo, mga kapatid, kung gusto natin maging malapit sa isang tao, ano
ginagawa natin?

Diba nagbibigay tayo?

Nagbibigay tayo ng mga regalo, shina-share natin yung mga pagkain natin,
sinusubukan natin ipanood sa kanila yung mga paborito nating mga palabas,
pinapakinig natin yung mga gusto nating mga musika, at marami pang iba pa.

Basta bigay tayo nang bigay.

Bakit kaya? Dahil yung nararamdaman natin tungkol sa isang bagay na iyon
gusto natin na maramdaman din nila.

Sa katulad na paraan, ayon sa teksto, ang Diyos na Jehova ay punong-puno ng


pag-ibig, kagalakan, katarungan, kapakumbabaan, at lahat ng napakagandang
katangian Niya. At ibinigay din niya sa atin ang mga pagpapalang iyon.

Gusto ng Diyos na Jehova na nararamdaman at tinataglay natin ang mga ito.

Bakit?

Dahil, muli, gusto Niya tayong maging malapit sa kaniya. At dahil sa mga saligan
na ito, tunay nga na posibleng magkaroon ng mabuting kaugnayan sa Diyos.
SANAYIN ANG IYONG BUDHI (10 MINS.)

Kaso, tulad ng ating sinabi, “posible” ito.

Hindi ito awtomatikong kaugnayan.

Dahil sa mga kasalanan ng unang mga magulang natin – kasama na ang mga
kasalanan natin sa kasalukuyan – ang sangkatauhan, sa kabuohan ay nagkaroon ng
malaking pagitan may kinalaman sa kaugnayan sa Diyos.

2
Para makamit ito, may kailangan tayong gawin: Dapat tayong gumawi kaayon ng
kaniyang matuwid na mga pamantayan.

Kaya sa ikalawang tanong natin, “Ano kaya ang espesipiko na kailangan


nating sanayin upang mapalapit sa Kaniya?”

Nakakita na ba kayo ng dalawang tao na magkaibang-magkaiba ang kanilang


personalidad at mga interes sa buhay ngunit nagkakasundo?

Marahil kayo mismo ay mayroong ganung klase ng relasyon.

Sabihin natin yung isa mahiyain, habang yung isa palakaibigan. Yung isa mahilig
sa sports, habang yung isa mahilig lang magbasa. Yung isa magaling mag-drawing,
habang yung isa mahilig sumayaw at kumanta.

Magkaiba ba ang kanilang pagkatao? Oo.

Pero parehas silang naniniwalang pagkatapos kumain, kailangan nilang iligpit


yung mga pinagkainan. Parehas silang naniniwala na dapat irespeto ang mga
magulang at lahat ng mga may-edad na. Parehas silang nag-aaral ng mabuti sa
eskuwelahan dahil na e-enjoy nila ito.

Pag nagkakilala ba sila, sa tingin ninyo magiging mabuting magkaibigan sila?

Oo, dahil magkaiba man ang kanilang mga gusto, parehas naman sila ng mga
pamantayan sa buhay.

Ganun din pagdating sa Diyos na Jehova.

Napakaliit natin kumpara sa Diyos. Tao tayo, habang ang Diyos ay isang
Espiritu. Ang Diyos perpekto, tayo hindi.

Pero sa kabila ng lahat, posible tayong magkaroon ng mabuting kaugnayan sa


Diyos kapag sinisikap nating abuting ang Kaniyang mga Pamantayan.

At para maabot ang kaniyang mga pamantayan, kailangan nating sanayin ang
ating mga budhi.

Basahin natin ang Roma 2:14-15. Ayon sa teksto, mayroon tayong tinatawag na
konsensya o budhi na likas sa atin.

Ang salitang “budhi” ay nangangahulugang “kaalaman sa sarili.”

Ito ay ang kakayahan na kilalanin ang ating sarili batay sa pag-alam, pagsuri, at
pagdesisyon sa mga sitwasyon na kailangan ikonsidera ang moralidad.

3
Mahalaga itong wastong sanayin dahil nagbibigay ng babala ang ating budhi
kapag ang ginagawa natin ay hindi kaayon ng mga pamantayan ng Diyos at patiuna
tayong binababalaan nito sa mga pagkilos na makasisira sa ating kaugnayan sa Diyos.
Ito yung bumabagabag sa atin kapag napapaharap tayo sa mga sitwasyon na
katulad ng pagpapasalin sa dugo, paninigarilyo o pagdodroga, at pagpaslang sa ibang
mga tao.
Sa madaling salita, ang ating budhi ay inihahalintulad sa isang compass.
Itinuturo nito ang tamang direksyon patungo sa kung anong desisyon ang mas
magiging kalugod-lugod sa Diyos na Jehova.

Ngunit tandaan na kapag lalakbay tayo sa isang lugar, bago pa natin gamitin ang
compass, ano muna ang malamang sa malamang na gagawin natin?
Siyempre magbabasa muna tayo tungkol sa lugar na iyon. Aalamin natin kung
may kailangan ba tayong iwasan? Ano ang puwede nating gawin doon? Kung ano-ano
yung mga puwedeng kainin?
Tiyak, kasi, na kapag nalaman na natin ang lahat ng impormasyon sa lugar na
iyon, mas magagamit na natin ng maayos ang ating compass.
Bakit?
Dahil mayroon na tayong mga basehan. Higit pa, mas magkakaroon tayo
ng kumpiyansa tungkol sa lugar na pupuntahan natin.
Oo, kung paanong hindi sapat na maglakbay ka sa isang lugar gamit ang
compass lang, hindi rin tayo puwedeng magdesisyon gamit ang isang budhi na
hindi pa sanay.
At para masanay ang ating budhi, kailangan natin ng Salita ng Diyos.
Kailangan natin magbasa ng Bibliya at pag-aralan ang mga simulain nito.
Dahil ang mga simulain sa Bibliya ang nagiging basehan ng mga dapat nating
pagpasiyahan sa buhay. At ang mga pagpapasiyahan natin sa buhay ay
nangangailangan ng higit na paggamit ng budhi.
Tapos, ang mga simulain ay mga saligang katotohanan na nagsisilbing gabay sa
moralidad. Kapag lagi tayong nagbabasa ng Bibliya, mas lalong nasasanay ang
ating mga budhi.
Kaya umiikot lang yan, mga kapatid.
Sa madaling salita, upang masanay ang budhi, kailangan magbasa ng
Bibliya at ikapit ang mga simulain dito. At para ikapit ang mga simulain sa
Bibliya, kailangan ng higit na paggamit ng sanay na budhi.
Higit pa, bukod sa pag-gabay sa atin ng mga simulain ng Bibliya mula sa
kapamahamakan sa sanlibutan na ito, tinutulungan tayo nito na maintindihan ang
4
personalidad at pag-iisip ni Jehova. Babalik ito muli sa orihinal na layunin kung bakit
natin sinasanay ang ating budhi: ito ay upang magkakaroon ng mabuting ugnayan sa
Diyos.
Ngunit, tandaan na compass at mga general information lang ang ibinigay sa atin
ni Jehova. Walang listahan ang Diyos ng mga desisyon na dapat nating gawin sa
bawat sitwasyon na napapaharap sa atin.
Halimbawa, kanina nabanggit natin na kapag tayo ay sasalinan na ng dugo,
siyempre tatanggihan kaagad natin ito base sa ating budhi. Ngunit paano kapag sinabi
ng doctor na hindi naman “purong dugo” ang isasalin, kundi mga “fractions” lamang ng
dugo.
Ano ang magiging desisyon natin?
Sa pagkakataon na ito mga kapatid, personal ito na pagpapasiyahan natin.
Ngunit, tandaan, ang mahalaga, bago tayo magdesisyon tiyakin natin na
mayroon tayong malalim na pag-unawa sa mga simulain ng Diyos na Jehova.
Ibig sabihin, lagi dapat tayong nag-aaral, nag r-research, at nagbubulay-bulay
may kinalaman sa Bibliya. Para pag napaharap tayo sa mga sitwasyon na hindi basta
nasasagot ng “oo” o “hindi”, alam pa rin natin ang dapat nating gawin.
Nakikita ng Diyos na Jehova ang lahat ng pagsisikap natin sa pagsasanay ng
ating budhi sa pamamagitan ng pagiging handang sumunod sa mga simulain niya.
At kapag consistent mo itong ginagawa, may papausbungin sayo na katangian
ang Diyos na Jehova.
SUMULONG SA ESPIRITUWAL NA PAGKAMAYGULANG (10 MIN.)
Sa ikatlong tanong natin, “May kailangan ba tayong linangin na katangian
upang magkaroon ng mabuting ugnayan sa Diyos?”
Basahin natin ang Hebreo 5:14-6:1.
Ang pagkakaroon ng isang bihasang budhi ay mahalaga, ngunit simula pa
lamang ito ng ating mabuting ugnayan kay Jehova. Ang kasunod na hakbang, katulad
ng binanggit sa teksto, ay kailangan nating sumulong patungo sa espirituwal na
pagkamaygulang.
Kung ang pagsasanay ng budhi ay nakapokus sa impormasyon; sa pagbabasa
at pag-aaral ng Bibliya at mga reperensya, sa kabilang banda naman, ang pagsulong
sa espirituwal na pagkamaygulang ay nakapokus sa paggawi.
Para sa aming mga Bible Study, mayroon na ba tayong plano kung kailan natin
iaalay ang ating sarili sa Diyos sa pamamagitan ng Bautismo? Kung bautismado na
tayo, patuloy ba tayong nagpapagabay at nagpapailalim sa mga kaunawaaan may
kinalaman sa Salita ng Diyos?

5
Napakahalaga kay Jehova ang isang kaibigan na tanggap lahat ng kaniyang
mga turo at, higit sa lahat, yung isinasabuhay ang mga ito.
Nasubukan niyo na ba mga kapatid magkaroon ng isang kaibigan, o kahit
kakilala lang, na lumapit sa inyo para humingi ng payo patungkol sa isang
napakahalagang desisyon na gagawin niya sa buhay. Tapos talagang nag research ka
at ikinonsidera mo yung mga emosyon niya bago mo siya bigyan ng payo.
Pero sa huli, hindi niya iyon sinunod yung payo mokasi nagpadala siya sa
kaniyang mga damdamin nang napaharap siya sa mismong sitwasyon na iyon.
Hindi kalugod-lugod iyon sa Diyos na Jehova.
Bilang patunay, Basahin natin ang Efeso 4:13, 15.
Ipinapaliwanag sa teksto na maging mga “adulto” tayo sa espirituwal at hindi
pabago-bago ang ating mga damdamin pagdating sa mga simulain Niya.
Ano ba ang mga tungkulin ng isang “adulto”?
Ang mga adulto ay responsable, may pananagutan, maaasahan at, higit sa
lahat, isinasakatuparan ang lahat ng ikinakapit nilang simulain sa buhay.
Kung mayroon man silang mga hindi magandang ugali nung sila ay “sanggol” pa
lamang, kinikilala nila ang lahat ito at patuloy na isinisikap na baguhin. Hinihubad nila
ang mga lumang personalidad katulad ng nakaulat sa Efeso 4:22-24. Higit pa,
inaayon din nila ang kanilang mga katangian sa iba ring mga “adulto.”
Wala rin iyan pagkakaiba sa mga naghahangad magkaroon ng mabuting
ugnayan kay Jehova.
Sinisikap ba natin abutin ang mga pribilehiyo sa kongregasyon?
Para sa mga lalaki,
Nagsisikap ba tayo na manguna sa ating mga paglabas sa larangan?
Ginagampanan ba natin ang ating mga bahagi?
Pinapahalagahan ba natin ang pribilehiyo na mag opening o closing prayer?
Nag a-assist ba tayo sa ating audio-visual system?
Tayo ba ay naghahangad na maging Auxiliary o Regular Pioneer, Ministeryal na
Lingkod, Elder, o maglingkod sa mas malaki ang pangangailangan?
Para sa mga babae,
Nagpapasakop ba kayo at sinusuportahan niyo ba ang mga lalaki sa
kongregasyon?
Pinapahalagahan ba na ang ating mga bahagi mula sa ating entablado
hanggang sa paglilinis ng kingdom hall?

6
Inaalagaan ba natin ng mabuti ang ating mga pamilya?
Kayo ba ay naghahangad na mag Auxiliary o Regular Pioneer?
Tunay nga na kapag tayo ay nag-iisip, naghahangad, at patuloy na nagsisikap na
abutin ang mga pribilehiyo na nabanggit, tayo ay sumusulong sa espirituwal na
pagkamaygulang.
Iwasan natin na maging “tulad-sanggol” ang ating espirituwalidad.
Tulad ng isang sanggol na hindi pa kayang kumain ng mga matitigas na mga
pagkain, hindi rin dapat tayo mapili sa mga espirituwal na pagkain na ibinibigay sa
atin ni Jehova.
Patuloy tayo na maging matalino pagdating sa mga desisyon natin sa buhay.
Dahil habang tayo ay mas nagiging “adulto” sa espirituwal – mas napapalapit din
tayo sa Diyos na Jehova.
Karagdagan pa, kapag nananatili tayong abala sa mga bagay na ito –
napoprotektahan din tayo sa mga patibong ng Satanas na Diyablo.
Kaya’t napakagandang itatak natin sa ating mga isipan ang kahalagahan ng mga
espirituwal na pagkain na ibinibigay sa atin.
Kunin natin bilang halimbawa ang napakagandang karanasan ni Serhiy na isang
elder sa Odessa, Ukraine.
Nakakalungkot ang estado ngayon ng mga kapatid na naapektuhan ng digmaan
doon.
Kaya noong Abril 26, 2022, dumating si Brother Mark Sanderson sa Poland para
mapatibay sila sa pamamagitan ng isang espesyal na programa.
Sabi ni Serhiy: “Sa nakalipas na mga linggo, hindi ako makatulog dahil sa pag-
aalala, kalungkutan, at takot. Pero, napatibay ng [espesyal na programa] ang
pananampalataya ko na nagmamalasakit si Jehova sa kaniyang bayan at gayundin sa
bawat isa sa atin.”
Napakatibay ng ugnayan ni Serhiy kay Jehova.
Hindi niya hinayaang maapektuhan ang kaniyang budhi para gumawa ng mga
desisyon na salig sa simulain ng Diyos.
Sa halip, higit niyang isinanay ang kaniyang budhi at ipinasulong sa
espirituwal na pagkamaygulang ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng espesyal
na programang iyon. Tunay na dahil doon, nasalamin niya ang mga katangian ni
Jehova dahil patuloy rin niyang inaayon ang pag-iisip niya sa Diyos.

7
PATULOY PANG PATBAYIN ANG IYONG KAUGNAYAN SA DIYOS (3 MINS.)
Tungo tayo sa huling tanong ng bahaging ito, paano natin mapapanatili
ang ating kaugnayan sa Diyos?
Sa bahaging ito, natalakay natin (1) na posibleng magkaroon ng mabuting
ugnayan sa Diyos; (2) Ang kahalagahan ng pagsasanay ng budhi at (3) Ang pagsulong
sa Espirituwal na Pagkamaygulang upang magkaroon at mapatibay ang ating ugnayan
sa Diyos na Jehova.
Ngunit, sabihin man natin na taglay na na natin ang lahat ng ito – dapat na ba
tayo maging kuntento o maging kampante sa ating espirituwalidad?
Hindi. Hindi dapat tayo maging kuntento rito.
Kunin nating halimbawa ang, walang iba, kundi ang isang masigasig na
kabataan na si Timoteo. Basahin natin ang 1 Timoteo 4:15.
Si Timoteo, bagama’t isang may-gulang na Kristyano, ay pinayuhan parin ni
apostol Pablo na sumulong. At dapat din nating tularan si Timoteo –na patuloy na
sumulong sa pagpapakita ng bunga ng espiritu.
Bakit?
Maraming dahilan kung bakit.
Mayroong tatlong (3) dahilan.
Una (1), ang Diyos na Jehova ay nagtataglay ng mga kaalaman na hindi natin
kailanman maaabot. Mayroon din siyang mga katangian na kailanman hindi natin
maaarok. Oo, ang Diyos na Jehova ay walang hanggan o infinite.
Ibig sabihin, lagi tayong may matututuhan na bago sa Diyos na Jehova. Kung
ano man ang mga magagandang katangian na nakukuha natin sa mga pamantayan
niya, lagi’t lagi na puwede pa natin ito pasulungin. Pinapatibay ito ng 1 Timoteo 4:
12-13.
Karagdagan pa, walang hanggan din ang kaligayahan na madadama natin
habang isinusulong natin ang mga ito.
Pangalawa (2), sa mas praktikal naman na dahilan, sa Awit 25: 4, 5 – binanggit
na habang mas lumalawak ang ating kaalaman sa Diyos na Jehova mas nagiging ligtas
tayo sa sanlibutan na ito at mas tumitibay ang ating pananampalataya na maililigtas
niya rin tayo sa hinaharap. Dahil si Jehova ay Diyos ng Kaligtasan.
Pangatlo, at ang pinakamahalagang dahilan sa lahat, ayon sa Roma 11:33 –
wala nang ibang mas magandang pribilehiyo pa kundi ang patuloy na pag alam
sa lahat ng iniisip at katangian ng Diyos na Jehova. Yung masasabi natin talaga
na kaibigan natin ang si Jehova.

8
KONKLUSYON (3 MINS.)
Reviewhin natin mga kapatid yung mga punto sa bahaging ito:

 Posible bang magkaroon tayo ng mabuting kaugnayan sa Diyos na Jehova?


Oo, dahil ayon sa Genesis 1:27, nilalang tayo ni Jehovah na may
kakayahang ipakita ang mismong mga katangian niya.
 Ano ang kailangan nating sanayin upang mapalapit sa Kaniya? Ayon sa
Roma 2:14-15, mayroon tayong tinatawag na konsensya o budhi na likas sa
atin na kailangan nating sanayin upang matulungan tayong na gumawa ng
matatalinong desisyon na nakabase sa pamantayan ng Diyos.
 Mayroon ba tayong kailangang linangin na katangian? Oo, sa Efeso 4:13, 15
binanggit na kailangan natin sumulong sa espirituwal na pagkamaygulang.
 Paano natin mapapanatili ang ating kaugnayan sa Diyos? Sa 1 Timoteo
4:12-13 at 15, katulad ni Timoteo, kailangan natin patuloy na magkaroon ng
kaisipan na laging may isusulong pa ang mga magagandang katangian na
natututuhan natin kay Jehova.

Balikan natin mga kapatid at bisita naming yung tungkol sa research kanina.
Sa dalawang grupo, mas naging successful sa buhay yung mga sinabihan na
matiyaga sila kesa dun sa mga matatalino.
Bakit kaya?
Unahin natin yung mga matatalino.
Napansin ng mga eksperto na, dahil ipinalaki silang naniniwala na matalino sila,
tuwing napapaharap na sa mga problema at hindi nila ito magawang mai-resolba, mas
mabilis silang sumuko at lagi nilang isinisisi ito sa mga bagay na hindi nila
nakokontrol.
“Hindi ko nagawa ito dahil umuulan.”
“Di ko kaya iyon kasi ayaw ko yung itsura ng lugar.”
“May nangyari kasi sa bahay kaya hindi ko ito natapos nang nasa oras.”
And so on and so on…
Ngunit, yung sa kabilang grupo, dahil ipinalaki naman silang matiyaga sila,
tuwing napapaharap sila sa mga problema mahihirap, hindi nila ito sinusukuan. Sa
halip, mas ginugugulan pa nga nila ito ng oras. At kung hindi man sila magtagumpay,
iniisip nila na ito ay dahil sa isang katangian na pakiramdam nila na hindi naipakita nang
higit pa. Nakapokus naman sa mga bagay na nakokontrol nila.
“Hindi ko ito nagawa kasi nagkulang ako sa paninindigan.”
“Hindi ko ito nagawa dahil hindi ako nagising ng mas maaga.”

9
“Hindi ko ito nagawa dahil dapat sana pinag-aralan ko pa.”
Tapos itong grupo na ito, ini-improve nila sa susunod yung mga katangian na
iyon.
Sa katulad na paraan, ang pagkakaroon ng mabuting kaugnayan kay Jehova ay
isang mahabang proseso; isang walang-hanggan na proseso. Dahil sa di-kasakdalan,
mapapaharap tayo sa mga problema at masusubok ang ating kaugnayan sa Diyos.
Ngunit, tandaan na lahat ng mga kailangan gawin upang magkaroon ng
mabuting ugnayan sa Diyos ay mga bagay na kayang mong i-kontrol. Kung
ikakapit natin palagi ang simulain ng 1 Timeoteo 4:15 at patuloy tayong sumusulong
o magiging matiyaga sa pagkakaroon ng mabuting kaugnayan kay Jehova, tiyak na
tayo ay magtatagumpay.
At wala nang hihigit pang pribelihiyo sa buhay, kundi ang maging personal na
kaibigan ng Diyos na Jehova.

10

You might also like