You are on page 1of 11

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 1:
Paglago ng Pagmamahal sa Diyos
(Una - Ikalawang Linggo)
MODYUL 1: Paglago ng Pagmamahal sa Diyos

Alamin

Mga Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatoto

❖ Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos.


EsP10PB-IIIa-9.1
❖ Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal
sa Diyos sa kongretong pangyayari sa buhay. EsP10PB-IIIa-9.2
❖ Napangangatwiranan na: Ang pagmamahal sa Diyos ay
pagmamahal sa kapwa. EsP10PB-IIIb-9.3
❖ Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad ang
pagmamahal sa Diyos. EsP10PB-IIIb-9.4

Subukin
HANDA KA NA BA?
Tingnan natin...
[[[

Paunang Pagtataya (Pre-Test)


Pagpipili-pili (Multiple Choice)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang
sagot sa inihandang papel. Titik lamang ang isulat para sa iyong kasagutan.
1. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang
a. kawangis ng Diyos c. kamukha ng Diyos
b. katuwang ng Diyos d. kamanlilikha ng Diyos
2. Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo ang
katangian na nasa ibang tao. Ang ibig sabihin ay____________.
a. ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para
sa kanya
b. ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang
gusto
c. marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba
d. higit na mabuti ang magpakatotoo ka

1
3. Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang_________.
a. kabutihan c. kasipagan
b. kagandahan d. katalinuhan
4. Ano ang diwa nag pahayag na ito? “Ang iyong buhay ay biyayang galing sa
Diyos. Kung paano mo isasabuhay ang biyayang iyan ay iyong ihahandog
sa Kanya.”
a. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat
tayo sa kanya.
b. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng
buhay.
c. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.
d. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito
5. Ang mga biyayang bigay ng Diyos ay isang paraan ng pasasalamat sa
Kanya. Ano ang kahulugan ng pahayag?
a. Kailangang paunlarin natin ang ating sarili habang buhay.
b. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos.
c. Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba.
d. Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pag-
unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.

Panimulang Aral
Paano mo nadarama ang pagmamahal ng Diyos sa iyong buhay? Paano
nababago ng pagmamahal ng Diyos ang iyong buhay? Ano-ano ang
kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos?

Halika at ating matuklasan at mapalalim ang iyong pag-unawa sa


kahalagahan ng pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos. Nilalayon ng araling
ito na masagot ang pangunahing tanong na, “Bakit mahalaga ang
pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos sa buhay ng tao?”

Kahulugan at Kalikasan ng Pagmamahal ng Diyos

Masasabing pagmamahal sa Diyos ang anumang ispiritwal at matalik


(intimate) na pakikipag-ugnayan sa kanya (communion with God). Isa rin
itong natatanging karanasan mula sa inspirasyon ng Diyos upang mahinuha
ang bawat isa ang karunungan at kalooban ng Diyos sa buhay ng tao.
Gayundin naman, itinuturing ang pagmamahal ng Diyos, bilang
pangunahing daan upang mapasimulan ng tao ang kailangan niyang gawin
upang mapalapit sa Diyos at maisagawa ang Kanyang kalooban. Sinasalamin
ng pagmamahal ng Diyos ang walang hanggang kaliwanagan ukol sa Kanyang
kabutihan at aktibong kapangyarihan sa buhay ng tao. Ang pagmamahal ng
Diyos ang maituturing na sentro ng pananampalataya ng bawat tao.
Mahalaga ang pagtitiwala sa bawat isa sa walang hanggang pagkakandili ng
Diyos at kabutihang hatid nito sa ating buhay.
2
Ilan sa mga Katangian ng Pagmamahal ng Diyos:

Ang pagmamahal ng Diyos ay nagbubuklod sa lahat ng tao. Sa bisa


ng pagmamahal ng Diyos, nagkakaroon ang tao ng matibay na sandigan
upang pag-isahin ang puso ng bawat isa sa pamamagitan ng pag-ibig. Dahil
sa ang Diyos ay pag-ibig, sinuman na nabubuhay sa pagmamahal ay
nananahanan din sa pagmamahal ng Diyos.
Ang pagmamahal ng Diyos ay isang biyaya ng espiritu. Kung
naniniwala tayo sa pagmamahal ng Diyos, ito ang magiging batayan at
pamantayan ng ating buhay at pagpapasiyang moral.
Ang pagmamahal ng Diyos ay banal at walang hanggan. Ang
pagmamahal ng Diyos ay masasalamin sa kasaysayan ng pagkakalikha at
kaligtasan ng tao. Nakaukit sa bawat isa sa atin ang pagmamahal ng Diyos
mula sa ating pagsilang hanggang kamatayan.
Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay ng lunas o kagalingan
at pagbabago sa buhay ng tao. Ang pagmamahal ng Diyos ay isang espirituwal
na enerhiya na nagbibigay-daan tungo sa pagbabago at pagbabalik-loob. Sa
panahon ng mga pagsubok, tinatawag tayo ng Diyos upang baguhin ang ating
buhay ayon sa Kanyang kalooban.

Kahalagahan Ng Pagmamahal Ng Diyos

Nababago nito ang kamalayan ng tao.


Dahil sa pagmamahal ng Diyos, nahihikayat ang bawat isa tungo sa
makatotohanan at walang takot na pagsusuri ng sariling buhay.
Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa
kapwa.
Mula sa karunungan ng kaisipan, pinatitingkad ng pag-ibig na nanggagaling
sa puso ang ugnayan ng tao sa Diyos at kapuwa. Dahil dito, ang pagmamahal
sa kapuwa ay isang marapat na pagtugon sa biyaya ng pagmamahal ng Diyos
na ibinigay sa atin. Ang anumang gawin natin sa ating kapuwa ay parang
ginawa na rin natin sa Diyos. Kung kaya ang ipinamalas nating pagmamahal
at pagmalasakit sa kapuwa ay katulad din ng pagmamahal natin sa Diyos.
Nagagabayang magpasiya at kumilos ang tao.
Ito ay batay sa pagpapahalagang moral at pagsasabuhay ng mga birtud. Dahil
dito napakikinang at napatitibay ang kaganapan ng tao tungo sa
mapanagutang paggamit ng kalayaan, paggalang sa dignidad ng tao, at
pagkilala sa kabanalan ng buhay.

3
Nakakaranas ang tao ng pagbabalik-loob.
Binabago ng pagmamahal sa Diyos ang mga maling gawi at kilos ng tao.
Nagsisilbi itong liwanag upang maituwid ang landas ng tao at mapagtanto
ang mga bagay na mahalaga at makatwiran sa buhay. Pinatitibay rin ang isip
upang makita ang mga bagay-bagay sa iba’t ibang perspektibo, samantalang
hinuhubog nito ang kilos-loob upang kumilos tungo sa mga bagay na mabuti
at mainam para sa tao.

Mga Hakbangin Upang Mapaunlad ang Pagmamahal sa Diyos


Ang pagmamahal sa Diyos ay maituturing na pinakamahalagang batayan
upang maisabuhay ng tao ang kanyang kaganapan at tumugon sa kalooban
ng Diyos.

1. Buksan ang kaisipan at pukawin ang kamalayan upang suriin ang


bawat karanasan at sitwasyon sa buhay.
2. Suriin ang mga potensiyal na karanasan at kaalaman na maaaring
magbunga ng pagmamahal sa Diyos.
3. Isaalang-alang ang lahat ng kaalaman at pagmamahal sa anumang
hakbangin tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahal sa Diyos.
4. Maglaan ng regular na panahon upang paunlarin ang pagmamahal
sa Diyos.
5. Makilahok sa mga pangkatang Gawain ng iyong simbahan.

Aralin 1: Paglago ng Pagmamahal sa Diyos


(Unang Linggo)

Tuklasin at Suriin

Suriin:
Panuto: Ipakita ang iyong pagkaunawa sa mga konseptong tinatalakay sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga pamprosesong tanong. Isulat ang sagot sa
isang buong papel.

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pag-unawa sa pagmamahal ng


Diyos?

2. Ano-ano ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos


sa buhay ng tao?

4
3. Ano-ano ang hakbangin na maaari pang maisagawa upang maisabuhay
ang pagmamahal sa Diyos? Paano magagamit ang pagmamahal ng Diyos
upang mahalin ang kapuwa at lahat ng nilikha?

Isaisip

Pag-isipan mo…

Panuto: Pagnilayan ang larawan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa isang
buong papel. Sundin ang pormat nasa ibaba, gamit amg mga gabay na
tanong.

1. Napaiintig ba ang iyong puso? Bakit?


2. Ano ang iyong damdamin ukol sa pagmamahal sa Diyos?
3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos sa iyong
buhay.

1. Napaiintig ang aking puso dahil ___________________________________


___________________________________________________________________
2. Ang aking damdamin ukol sa pagmamahal sa Diyos ay ____________
___________________________________________________________________
3. Ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos sa aking buhay ay _____

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

5
Isagawa

Gawin ito...

Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin,


marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto sa Paglago ng Pagmamahal
sa Diyos. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa
paksang pinag-aralan, subukan mong gawin ito.

Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang mga pagsubok sa buhay na hindi
natin makakalimutan. Sa mga pagsubok na ito, dito natin natutukoy ang
pagmamahal sa Diyos.

Gawain 1

Panuto: Sumulat ng sanaysay ng konkretong pangyayari sa iyong buhay na


hindi mo makakalimutan.

Ipaliwanag at ilahad kung paano nakatulong ang pagmamahal ng


Diyos at paano mo napaunlad ang pagmamahal sa Kanya?

Isulat ang sagot sa isang buong papel.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

_______________________________________ .

6
Ikalawang Linggo

Gawain 2

“Kung anumang gawin mo sa iyong kapwa, ay parang ginawa


mo na rin sa akin”
- - Matthew 25:40

Panuto: Gawin kung ano ang hinihingi. Isulat ang sagot sa isang buong
papel.

1. Ipaliwanag ang kasabihan mula sa banal na aklat.

“Kung anumang gawin mo sa iyong kapwa, ay parang ginawa mo na rin sa


akin”

2. Bilang isang estudyante sa baiting 10, paano mo ipinapakita ang


pagmamahal sa iyong kapwa lalo na sa panahon ng pandemya?

7
Tayahin (Post Test)

Pagpipili-pili (Multiple Choice)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang tamang
sagot sa inihandang papel. Titik lamang ang isulat para sa iyong kasagutan.
1. Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang_________.
a. kabutihan c. kagandahan
b. kagandahan d. katalinuhan

2. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang__
a. kawangis ng Diyos. c. kamukha ng Diyos.
b. katuwang ng Diyos. d. kamanlilikha ng Diyos.

3. Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasa iyo ang


katangian na nasa ibang tao. Ang ibig sabihin ay__________________.
a. ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para sa
kanya
b. ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto
c. marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba
d. higit na mabuti ang magpakatotoo ka

4. Ang mga biyayang bigay ng Diyos ay isang paraan ng pasasalamat sa


Kanya. Ano ang kahulugan ng pahayag?
a. Kailangang paunlarin natin ang ating sarili habang buhay.
b. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos.
c. Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba.
d. Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pag-
unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.

5. Ano ang diwa nag pahayag na ito? “Ang iyong buhay ay biyayang galing sa
Diyos. Kung paano mo isasabuhay ang biyayang iyan ay iyong ihahandog
sa Kanya.”
a. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat tayo
sa kanya.
b. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay.
c. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.
d. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito

8
6. Ano ang kahulugan ng pahayag na “patay ang pananampalatayang walang
kalakip na gawa”?
a. Mahirap maligtas ang iyong kaluluwa kung magdarasal ka lamang.
b. Nasa pagtulong sa kapwa ang pagsasabuhay ng pananampalataya.
c. Ipagdasal nating ang mga taong nagugutom.
d. Nalalapit sa Diyos ang taong kumikilos.

7. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kabutihang ating ginagawa.” Ano ang


ibig sabihin nito?
a. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa natin sa ating kapwa.
b. Iginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa.
c. Ang gawang mabuti ay nakaguhit sa ating buhay.
d. Nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan.

8. Likas sa tao ang pagiging maka-Diyos at ang patunay nito ay__________.


a. ang pagdududa ng tao sa kapangyarihan ng Diyos.
b. ang pagtanggap niya sa kanyang mga lakas at kahinaan.
c. ang pagtatanong ng tao ukol sa kapangyarihan ng Diyos.
d. ang patuloy niyang pag-aaral at pananaliksik sa katotohanan

9. Isinilang ang tao na hindi perpekto katulad ng Diyos subalit maaari siyang:
a. tumulad sa kabutihan ng Diyos.
b. sumunod sa kapangyarihan ng Diyos.
c. manalangin upang maging perpekto tulad ng Diyos.
d. magsaliksik upang maging perpekto tulad ng Diyos.
10. Hindi maaaring sabihin sa isang taong nagugutom na ipagdasal niya ang
kanyang pagdurusa. Kailangan ay____________.
a. makiramay ka sa kanyang gutom na nadarama.
b. may gawin ka upang maibsan ang kanyang gutom.
c. manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom.
d. tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.

9
Susi sa Pagwawasto

TUKLASIN AT SURIIN:

❖ Tanggapin ang magkakaibang sagot

ISAISIP:

❖ Tanggapin ang magkakaibang sagot

ISAGAWA:

❖ Gawain 1 Tanggapin ang magkakaibang sagot

❖ Gawain 2 Tanggapin ang magkakaibang sagot

Mga Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul

Rex Book Store


Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao sa Sekondarya

EASE EP IV, Modyul 1 and 6

Mga larawan mula sa internet:

https://www.istockphoto.com/vector/friendship-helping-hand-pictogram-gm164569693-
21116697?st=528b043

http://goldenhandsofgrace.blogspot.com/2012/05/you-are-my-beloved-says-jesus-christ.html

10

You might also like