You are on page 1of 21

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Ikatlong Markahan

Page 1 of 21
Modyul 1: Ang Pagmamahal ng Diyos
Manunulat: Lily Ann B. Marcos

Ang pagmamahal ng Diyos ay maituturing na


pinakamahalagang batayan upang maisabuhay ng tao ang kaniyang
kaganapan at tumugon sa kalooban ng Diyos. Ito rin ay nagbubuklod
sa lahat ng tao at sandigan upang pag-isahin ang puso ng bawat isa
sa pamamagitan ng pag-ibig.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos
(MELC 9.1).
2. Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal
sa Diyos sa kongkretong pangyayari sa buhay (MELC 9.2)

Basahin ang akda at suriin ang mensahe nito tungkol sa pagmamahal


ng Diyos sa atin.

Akda 1. Ito ay hango mula sa isang overblog na isinulat ng Pangkat


Pagkakaisa noong Oktubre 7, 2015 na may pamagat na “Ang
Dakilang Pag-ibig”

ANG DAKILANG PAG-IBIG


OCTOBER 7 2015
Hango mula sa Isinulat ng Pangkat Pagkakaisa mula sa Overblog
http://tunaynapagibig-com.over-blog.com/2015/10/ang-dakilang-pag-ibig-3.html,
halaw Enero 21,2021

Naranasan mo na bang umibig? Naranasan mo na rin ba ang


pakiramdam ng iniibig? Natural sa ating mga tao ang umibig at
napakasarap ng pakiramdam ang maramdaman ang pagmamahal ng
mga tao sa ating buhay tulad na lang ang pagmamahal ng ating mga
magulang, kaibigan, kasintahan at marami pang iba.

Ngunit ano? At kaninong pag-ibig ba ang pinaka dakila sa lahat?


Ito ang ating pag-uusapan. Ang pag-ibig na dakila at natatangi sa
lahat ay ang pag-ibig ng ating Diyos na lumikha. Napakadakila at
dalisay ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan at hindi nya tayo
pinapabayaan na mapahamak na lang at mapasa-apoy ng impyerno.
Hinarap nya ang lahat ng paghihirap na dapat tayo ang dumaranas,
lahat ng latay at sugat sa kanyang katawan ay lahat ng iyon ay tiniis
nya para sa ating kaligtasan. Patuloy pa rin tayong minamahal ng

Page 2 of 21
ating panginoon sa kabila ng ating patuloy na pagkakasala ay palagi
niya tayong pinapawatad kapag atin itong idinulog at hiningi ng
tawad sa kanya.

Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin ay patuloy nyang


pinagkakaloob sa atin ang ating mga pangangailangan at tayo ay
pinagpapala sa lahat ng aspeto ng ating buhay, sa pinansyal,
materyal, maging ang ating talino at karunungan ay siya rin ang
nagbigay. Palagi nya rin tayong iniingatan at pinapatnubayan saan
man tayo pumaroon at kailan man sa lahat ng panahon ng ating
buhay.

Dahil na rin sa pagmamahal ng ating Diyos at pagmamahal


natin sa kanya kaya nararanasan natin ang pagmamahal sa lahat ng
tao sa ating buhay at lahat ng pagmamahal na ito ay galing sa Diyos
at mula sa Diyos. Dalawa nga sa utos ng Diyos sa Bibliya ay ibigin mo
ng Diyos ng buong puso at buong pag iisip at buong kaluluwa, at
ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong pag-ibig sa sarili.

Kaya't kailangan muna nating mahalin ang ating Diyos dahil siya
ang unang umibig at nagmahal sa ating lahat at sunod na rito ang
pagmamahal natin sa ating kapwa. Kaya rin natin nararanasan ang
iba't-ibang uri ng pag-ibig sa ating magulang, kapatid, kaibigan,
kasintahan at marami pang iba dahil ito ay regalo sa atin ng Diyos.

Akda 2: Ito ay hango mula 2021 One Reason · An iERA Project 

ANG PAGMAMAHAL NG DIYOS


Hango mula sa onereason.org/uncategorized-ph-fi/
https://onereason.org/uncategorized-ph-fi/ang-pagmamahal-ng-diyos/?lang=ph-fi, hinalaw
noong Enero 21, 2021
 
Ang pagmamahal ng Diyos ay nakahihigit sa lahat ng uri ng
pagmamahal, kabilang ang pagmamahal ng isang ina. Ang
pagmamahal ng ina, bagama’t hindi makasarili, ay batay sa kanyang
panloob na pangangailangan upang mahalin ang kanyang anak. Ito
ay lumulubos sa kanya, at sa pamamagitan ng kanyang mga
sakripisyo, kanyang nararamdaman ang kabuuan at katuparan.
Ngunit kapag ating pag-uusapan ang tungkol sa pagmamahal ng
Diyos, ang Diyos ay isang natatanging umiiral na sapat sa sarili at
perpekto. Hindi Siya nangangailangan ng anuman, ni ang Kanyang
pagmamahal batay sa isang pangangailangan o pagnanais; ito
samakatuwid ay ang dalisay na uri ng pagmamahal. Ngunit, upang
lubos na mayakap ang pagmamahal na yaon, at upang yaon ay
maging makabuluhan, kailangan mong mahalin Siya at sundin ang

Page 3 of 21
landas na magdadala sa Kanyang pagmamahal. Ang pagmamahal ay
ipinahahayag sa mga pagkilos; ang isang taong nagmamahal sa iyo ay
magpapakita ng kanilang pagmamahal. Ang isang malinaw na tanda
na mahal mo ang Diyos ay kanya mo Siyang gawing tanging nag-
iisang iyong sinasamba. Sa Islam, ang pagsamba ay isang
komprehensibong katagang tumutukoy sa pagkilala sa Diyos,
pagmamahal sa Diyos, pagsunod at pagpapasakop sa Kanya at pag-
iisa sa lahat ng mga pagkilos para sa Kanya lamang. Anumang
kabutihan na ating ginagawa ay maaaring maging isang gawang
pagsamba, maging ito ay pagpupuri sa Diyos, pagiging mabuti sa
ating mga magulang at pamilya, pagninilay sa kalikasan, pagbibigay
ng kawanggawa, pag-aayuno, pag-ngiti, paghahanap ng mga medikal
na lunas, o maging pag-iisip ng mabuting mga kaisipan tungkol sa
Diyos at pagpapatawad sa pagkakamali ng mga tao. Ang lahat ng mga
ito ay itinuturing na pagsamba, kung ang mga ito ay ginagawa para
sa kapakanan ng Diyos.
  “At ang inyong Diyos ay ang nag-iisang Diyos: walang ibang
diyos maliban sa Kanya, ang Panginoon ng Awa, ang Tagapagbigay ng
Awa. Sa pagkakalikha ng mga Kalangitan at mga Kalupaan; at sa
pagsasalitan ng gabi at ng araw; at sa mga sasakyang-dagat na
naglalayag sa karagatan na may dalang mga pakinabang para sa mga
tao; ang tubig na ipinadala pababa mula sa langit upang magbigay-
buhay sa lupa nang ito ay natigang, at sa lahat ng uri ng mga
nilikhang gumagala na Kanyang ikinalat doon; at sa pagbabago ng
mga hangin at ng mga ulap na sunud-sunuran sa Kanyang kautusan
sa pagitan ng kalangitan at ng kalupaan; naririto ang mga
palatandaan para sa lahat ng ito para sa mga taong nakauunawa;
Magkagayon, may ilang mga mas piniling magtambal sa iba bukod sa
Diyos bilang Kanyang mga kapantay, kanilang minamahal ang mga
ito tulad ng kanilang pagmamahal sa Diyos, ngunit, yaong mga tunay
na naniniwala ay higit na masidhi ang kanilang pagmamahal sa
Diyos.” Ang Qur’an, Kabanata 2, Talata 163 – 165.

Modyul 2: Ang Pag-unawa sa Pagmamahal


ng Diyos
Manunulat: Lily Ann B. Marcos

Ang Diyos na ating Ama ay isang mapagmahal na Diyos.


Hindi siya nagpapahirap. Hindi niya hinahanap ang ating mga
kakulangan. Sinugo niya ang kanyang anak upang turuan tayo ng

Page 4 of 21
mga paraan ng pagmamahal. Tinutulungan Niya tayong makita ang
kabutihan ng ating Amang, itnatanim niya sa ating puso ang
pagmamahal. Kung kaya’t minamahal natin ang Ama mula sa
kaibuturan ng ating loob. Tinuturuan din tayo ng Diyos na mahalin
ang bawat tao gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili. Ang
pagmamahal natin sa kapwa ay nagmumula sa ating pagmamahal sa
Diyos. Ang ugat at pinagmumulan ng lahat ng pagmamahal ay ang
pagmamahal sa Diyos. Samakatwid, at kapag minamahal natin ang
Diyos, mahalin din natin ang ating kapwa at ipapakita ang
pagmamahal sa pamamagitan ng paghahandog ng sarili. Ibinibigay
natin ang ating mga sarili sa Diyos. Ibinibigay natin ang ating mga
sarili sa kapwa.

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga


sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

1. Napapangatwiranan na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal


sa kapwa (MELC 9.3).

2. Nakagagawa ng kilos upang mapaunlad ang pagmamahal sa


Diyos (MELC 9.4).

Basahin at intindihin ang mensahe na nakapaloob sa mga sanaysay


tungkol sa pagmamahal ng Diyos.

Ano ang Pag-ibig sa Kapwa-Tao?


Hango mula sa https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel-
principles/chapter-30-charity

Paano ninyo bibigyang-kahulugan ang pag-ibig sa kapwa-


tao? Mababanaag sa buhay ng Diyos ang dalisay na pag-ibig Niya
para sa lahat ng tao. Ibinigay pa Niya ang Kanyang buhay para sa
atin. Pag-ibig sa kapwa-tao ang dalisay na pagmamahal na iyon na
taglay ng ating Diyos. Sinabi Niya sa atin na mahalin ang isa’t isa
tulad ng pagmamahal Niya sa atin. Sinasabi sa atin ng mga banal na
kasulatan na ang pag-ibig sa kapwa-tao ay nagmumula sa dalisay na
puso (I Kay Timoteo 1:5). Tayo ay may dalisay na pag-ibig, mula sa
puso, kapag nagpakita tayo ng tunay na pagmamalasakit at habag
para sa lahat ng ating mga kapatid.

Pag-ibig sa Kapwa-Tao ang Pinakadakila sa Lahat ng Kabutihan

Sinabi sa atin ni propetang Mormon, “Kaya nga, manangan


sa pag-ibig sa kapwa-tao, na pinakadakila sa lahat, sapagkat ang

Page 5 of 21
lahat ng bagay ay nagkukulang—datapwat ang pag-ibig sa kapwa-tao
ay dalisay na pag-ibig ni Cristo, at iyon ay nagtitiis magpakailanman”
(Moroni 7:46–47)

“Walang may lalong dakilang pag-ibig kaysa rito, na ibigay ng


isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan” (Juan
15:12–13).
Sa pakikipag-usap sa Panginoon, sinabi ni Moroni:
Maaaring hindi natin kailangang ibigay ang ating buhay tulad
ng ginawa ng Diyos ngunit maaari tayong magkaroon ng pag-ibig sa
kapwa-tao kung gagawin natin siyang sentro ng ating buhay at
susundin ang Kanyang halimbawa at mga turo. Tulad ng Diyos,
maaari din nating pagpalain ang buhay ng ating mga kapatid dito sa
mundo.

Bakit pag-ibig sa kapwa-tao ang pinakadakila sa lahat ng


kabutihan?

Maraming itinuro sa atin ang Diyos na sa pamamagitan ng


mga kuwento o talinghaga. Itinuturo sa atin ng talinghaga ng
mabuting Samaritano na dapat tayong magbigay sa mga
nangangailangan, sila man ay ating mga kaibigan o hindi (Lucas
10:30–37);

Itinuro ng Diyos na dapat tayong magbigay ng pagkain sa mga


nagugutom, kanlungan sa mga walang tirahan, at mga damit sa
mahihirap. Kapag dinadalaw natin ang mga maysakit at ang mga
nasa bilangguan, parang ginagawa na rin natin sa Kanya ang mga
bagay na ito. Nangako Siya na sa paggawa natin ng mga bagay na ito
ay mamanahin natin ang Kanyang kaharian. ( Mateo 25:34–46.)

Hindi natin dapat tangkaing magpasiya kung karapat-dapat


ba o hindi ang isang tao sa ating tulong ( Mosias 4:16–24). Kung
naisaayos na natin ang mga pangangailangan ng sarili nating
pamilya, sa gayon ay dapat nating tulungan ang lahat ng
nangangailangan ng tulong. Sa ganitong paraan tayo ay magiging
katulad ng ating Ama sa Langit, na nagkakaloob ng ulan kapwa sa
mabubuti at sa masasama (Mateo 5:44–45).

Ipinaalala sa atin ni Pangulong Thomas S. Monson na may


mga taong nangangailangan ng higit pa sa mga materyal na bagay:
“Itanong natin sa ating sarili: ‘Ako ba’y may kabutihang nagawa? Ako
ba ay nakatulong na?’ [Mga Himno, blg. 135]. Napakagandang
pormula ng kaligayahan! Napakagandang reseta para sa
kapanatagan, sa kapayapaan ng kalooban ang mabigyang-inspirasyon

Page 6 of 21
ang isa pang nilalang upang magpasalamat. “Ang ating mga
pagkakataong tumulong ay tunay na walang hangganan, ngunit
nabubulok din ang mga ito. May mga pusong pasasayahin. May
mabubuting salitang sasambitin. May mga regalong ibibigay. May mga
gawaing gagawin. May mga kaluluwang ililigtas” (sa Conference
Report, Okt. 2001, 72; o Liahona, Ene. 2002, 60).

Ang Pag-ibig sa Kapwa - Tao ay Nagmumula sa Puso


Paano natin magagawang mahalin ang mga tao sa kabila ng
kanilang mga kasalanan at pagkakamali?

Kahit na nagbibigay tayo sa mga nangangailangan, kung


hindi tayo nakakaramdam ng pagkahabag sa kanila, tayo ay walang
pag-ibig sa kapwa-tao (I Ni Juan 3:16–17). Itinuro ni Apostol Pablo na
kapag tayo ay may pag-ibig sa kapwa-tao, tayo ay puno ng mabuting
damdamin para sa lahat ng tao. Tayo ay mapagpasensya at mabait.
Hindi tayo mayabang o palalo, maramot o walang-galang. Kapag tayo
ay may pag-ibig sa kapwa-tao hindi natin tinatandaan o ikinagagalak
ang kasamaang ginawa ng ibang tao. Ni hindi natin ginagawa ang
mabubuting bagay dahil lamang sa kapaki-pakinabang ito sa atin. Sa
halip, kasama tayong nagagalak ng mga taong namumuhay sa
katotohanan. Kapag tayo ay may pag-ibig sa kapwa-tao tayo ay
matapat, naniniwala tayo sa kakayahan ng ibang tao, at mabait tayo
sa kanila. Itinuturo ng mga banal na kasulatan na ang “pagibig ay
hindi nagkukulang kailan man.

Taglayin ang Mabuting Katangian ng Pag-ibig sa Kapwa-Tao

Paano natin higit na maiibig ang ating kapwa?

Ang isang paraan upang maibig natin ang ating kapwa ay pag-
aralan ang buhay ng Diyos at sundin ang Kanyang mga kautusan.

Pangalawa, kapag hindi tayo nakadarama ng pagmamahal sa


kapwa-tao, maaari nating ipagdasal na magkaroon tayo ng dagdag na
pag-ibig sa kapwa. Hinihimok tayo ni Mormon na, “Manalangin sa
Ama nang buong lakas ng puso, nang kayo ay mapuspos ng ganitong
pag-ibig (Moroni 7:48).

Pangatlo, maaari nating matutuhang mahalin ang ating sarili,


na ang ibig sabihin ay nauunawaan natin ang tunay na kahalagahan
natin bilang mga anak ng ating Ama sa Langit. Itinuro ng
Tagapagligtas na kailangan nating mahalin ang iba tulad ng
pagmamahal natin sa ating sarili upang mahalin ang ating sarili,
kailangan nating igalang at pagtiwalaan ang ating sarili. Ibig sabihin

Page 7 of 21
kailangan tayong maging masunurin sa mga alituntunin ng
ebanghelyo. Kailangan nating pagsisihan ang anumang pagkakamali.
Kailangan nating patawarin ang ating sarili kapag nakapagsisi na
tayo. Lalo nating mamahalin ang ating sarili kapag nadama natin ang
taos at nakapapanatag na katiyakan na talagang mahal tayo ng
Tagapagligtas.

Pang-apat, maiiwasan nating isipin na mas mabuti tayo kaysa


sa ibang tao. Mapagpapasensyahan natin ang kanilang mga
pagkakamali. Sinabi ni Joseph Smith, “Kapag mas napapalapit tayo
sa ating Ama sa langit, mas nahahabag tayo sa mga taong naliligaw
ng landas; nais natin silang pasanin, at balikatin ang kanilang mga
kasalanan” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith
[2007], 502–3).

Sa Aklat ni Mormon mababasa natin ang tungkol kay Enos,


isang binata na nagnais malaman kung napatawad na ang kanyang
mga kasalanan. Sabi niya sa atin: “Ang aking kaluluwa ay nagutom;
at ako ay lumuhod sa harapan ng aking Lumikha, at ako ay
nagsumamo sa kanya sa mataimtim na panalangin at hinaing para sa
aking sariling kaluluwa; at sa buong araw ako ay nagsumamo sa
kanya; oo, at nang dumating ang gabi ay inilakas ko pa ang aking
tinig sa kaitaasan kung kaya’t iyon ay nakarating sa kalangitan. “At
doon ay nangusap ang isang tinig sa akin, sinasabing: Enos, ang
iyong mga kasalanan ay pinatatawad na, at ikaw ay pagpapalain”
(Enos 1:4–5). Labis na nagpasalamat si Enos sa pagmamahal at
pagpapatawad ng Panginoon kung kaya kusa niyang iniukol ang
nalalabi niyang buhay sa pagtulong sa iba na matanggap ang
ganitong kaloob.

Modyul 3: Paggalang sa Buhay


Manunulat: Vicenta C. Danigos
Ang buhay ang siyang pinakadakila na biyaya sa atin ng
Diyos. Sa tuwing umaga ng araw araw na ating paggising ay malaking
pasasamat ang sambit natin sa Kanya. Tayo ay nilikha ng Diyos ayon
sa kagustuhan at kawangis Niya. Dahil dito, ang patuloy na pag-
aaruga sa kalusugan ng ating katawan ang maisusukli natin sa
regalong ito.
Paano nga ba natin inaalagaan an gating buhay? Ano ano ang
batayan natin upang masabi na taos-puso at isipan na lahat na ating
ginagawa ay naaayon sa moral na pamantayan para mabuhay o
mapangalagaan ang bigay sa atin na buhay. Subalit sadya na sa isang

Page 8 of 21
materyalistikong uri ng pamumuhay, may hindi kaaya-ayang mga
pangyayari na nagaganap o nagagawa ng isang tao na sa kalaunan ay
lalabag sa kasagraduhan ng buhay.
Tatalakayin sa modyul na ito ang ilan lamang sa mga gawaing
maituturing na paglabag sa paggalang sa buhay. Bakit paglabag? Ang
mga ito ba ay sinasadya na ginagawa? Wala bang pagpipilian ang tao?
Kailangan o sapilitan ba na gawin ang mga ito o pwede na hindi? Ito
ay ilan lamang sa mga katanungan na bibigyang-pansin sa
kagamitang pagkatuto na ito.
Inaasahang pagkatapos mong magawa ang mga gawain sa
modyul na ito, maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay (MELC
10.1)
2. Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay (MELC
10.2)

MGA ISYU TUNGKOL SA PAGLABAG NG PAGGALANG SA


BUHAY

 Ang paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot – Droga

Ayon kay Agapay noong 2007 ang katagang “High on Drugs” ay


isang estadong pysikal o sikiko(psychic) na kung saan ang tao ay
naka depende sa gamot pagkatapos nitong gamitin paulit-ulit at kung
kailan niya gugustuhin.
Dahil sa paggamit ng droga na nagdudulot ng mga masasamang
epekto, ang tao ay maaaring gumawa ng krimen dahil hindi siya
makapag isip ng husto.
Ang nakakalungkot ngayon ay karamihan ng mga
naaapektuhan o nag sisimula sa droga ay mga kabataan. Ang
karaniwang dahilan kung bakit sila gumagamit ng mga ganito ay:
problema sa pamilya, gusto lang subukin kung ano ngang
mangyayari, makalimutan ang kinahihiyan o ang nakaraan, takpan
ang kahihiyan o anumang kadahilanan. Ang paggamit ng droga ay
nakakaapekto sa tamang pag-iisip na pwedeng makagawa ng masama
sa sarili, kapwa, pamilya, kaibigan, o sino man.

 Alkoholismo at Paninigarilyo

Page 9 of 21
Ang alkoholismo at paninigarilyo ay maitutulad din lang sa
paggamit ng droga, na kung saan pag nasobrahan ay maging
dependent na ang tao dito. Ang maging kaisipan niya ay nakadepende
ang buhay niya sa alak at sigarilyo. Ngunit tama bang ito ay ang
bubuhay sa kanya? Tandaan natin na ang alak at sigarilyo ay may
masamang dulot sa ating katawan at pag tatagal ay magiging
malubhang sakit kagaya ng kanser sa atay at kanser (liver cancer) sa
baga (lung cancer).
Ilang epekto ng alkoholismo ay maaari itong makaapekto sa
pag-iisip ng tao, tulad lang ng dahas na pananalita, madaling magalit,
nahihilo at kung ano ano pa, maaari rin itong sumira ng mga pamilya,
barkada at kakilala dahil may pagkakataon na pwede kang maging
abuser o palalo.

 Aborsiyon

Isa sa mga paglabag na kume-kwestiyon sa moral na integridad


ng tao. Kadalasang nakikita sa mga young parents at single parents
na kung saan kung hindi nila ginusto ang nangyari, kanilang
hinuhulog ang bata. Ayon kay Agapay, ang Aborsiyon ay tinuturing
krimen dito sa Pilipinas kahit man ito ay lehitimong paraan.
Ang tanong sa aborsiyon kung tama ba nga o mali ito ay nahati
sa dalawang panig: Ang Pro-Life at Pro-Choice
Ang mga taong parte ng Pro-Life ay nagsasabing masama ang
aborsiyon sapagkat mula nang ipaglihi ito ng kanyang ina, siya ay tao
na kaya ang paglaglag o pag-abort sa sanggol ay isang aksiyon ng
pagpatay. Sabi rin nila na kung ang ina ay nabuntis dahil hindi sila
nag-ingat ng kaniyang nobyo o kasintahan, dapat parin nilang
pangatwiranan ang nangyari, tungkulin nila bilang magulang na
alagaan ang kapakanan ng bata. Dahil ang bawat sanggol o anak ay
may karapatang mabuhay.
Sinasabi naman ng Pro-Choice na ang mga magulang ay gusto
at pwedeng magka-anak kung sila ay may kakayahang alagaan at
mahalin ang kanilang magiging mga anak. Sa mga ina naman na ang
dahilan ng pagkabuntis ay rape, moral na kilos pa rin na buhayin ang
sanggol na kanyang dinadala dahil ang sanggol ay may karapatang
mabuhay dahil ang sanggol ay hindi rin niya ninais na mabuo at
mabuhay. Karaniwan, sa sistema ng ating pamahalaan may ahensiya
na tumutulong sa mga biktima ng rape. Mayroong bahay-ampunan
na maaaring pagdalhan sa bata kung ayaw ng ina na alagaan dahil
maaaring magpaalala ito sa hindi magandang karanasan ng ina.
Dalawang Uri ng Aborsiyon

Page 10 of 21
 Kusa(Miscarriage) – Aborsiyon na natural na nangyari at
walang anumang prosesong naganap at kadalasang
nangyayari sa mga magulang na hindi kaya ng katawan o
mga maraming ginagawa kaya naman hindi napangalagaan
ang sanggol sa sinapupunan.

 Sapilitan(Induced) – Aborsiyon na dumaan sa proseso –


opera man o gamot - na kung saan ginusto ng ina ang
pangyayari.
 Pagpapatiwakal – Suicide

Ang pagpapatiwakal o suicide ay ang pagkitil ng isang tao sa


kaniyang sariling buhay sa kung ano ano mang paraan. Kadalasang
nakikita sa mga kabataan at karaniwang kadahilanan ay depresyon o
malubhang kalungkutan, ‘pagtakas sa reyalidad’, paghihirap, at iba
pang rason.
Ang mga taong nagpapatiwakal ay mga taong nawalan na ng
pag-asa o ang nararamdaman nila ay wala silang halaga. Sabi ni E.
Moralo noong 2012 sa kaniyang aklat na Self-Mastery, upang hindi
mawalan ng pag-asa ang tao ay dapat na mag-isip ng paraan upang
harapin ang mga problema. Sapagkat ang pag papanatili ng isang
problema ay maaring magdulot ng kawalan ng tiwala sa sarili.
Maraming paraan kung paano puwedeng masolusyonan ang
kalungkutan o depresyon, magdasal sa Diyos, tumulong sa kapwa o
lipunan, maghanap ng ikakasaya at iba pa.
 Euthanasia (Mercy Killing)

Ang Euthanasia ay prosesong nagpapadali sa pagkamatay ng


isang tao (paggamit ng gamot o medisina) na kinakailangang gawin ng
mga doktor upang hindi na magdusa pa ang pasyente o sinabi ng
pasyente mismo na ito ang kanilang gagawin. Sa ibang salita ito ay
assisted suicide na kung saan ginusto ng pasyente ang pangyayari.
Ang Euthanasia ay kumekwestiyon din sa moral na integridad
ng isang tao sapagkat iyong ‘pinapatay ang pasyente’, kahit man ang
iyong pakay o layunin ay para sa kabutihan ng pasyente at kaniyang
pamilya, hindi parin ito ‘tama’ dahil ito pa rin ay isang uri ng krimen,
sapagkat ang buhay ay paghihirap at ang pagputol sa buhay ay hindi
angkop sa plano ng Diyos.

Modyul 4: Mahalaga ang Buhay


Manunulat: Winnie Freda D. Domerez

Page 11 of 21
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng
malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

a. Mahalaga ang buhay dahil kung wala ang buhay, hindi


mapahahalagahan ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa
buhay; di makakamit ang higit na mahalaga kaysa buhay;

b. Ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay


bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang mapatibay ang
ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan at kapangyarihan at
kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos. (EsP10PB-IIId-
10.3)

c. Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu


tungkol sa paglabag sa paggalang sa buhay ayon sa moral
na batayan. (EsP10PB-IIId-10.4)

Basahin ang kwento mula sa panulat ni Dieter F. Uchtdorf, Second


Counselor, Church of Jesus Christ of the Later day Saints.

“Sa mga Bagay na Pinakamahalaga”

Nakasakay na ba kayo sa eroplano at nakaranas ng pag-uga


nito? Ang karaniwang sanhi ng pag-uga ay ang mabilis na pag-iba ng
galaw ng hangin na nagpapayanig, nagpapalihis, at dahilan para
magpagiwang-giwang ang eroplano. Kahit na ginawang matibay ang
mga eroplano upang makatagal sa mas matitinding pag-uga kaysa sa
anumang maranasan ninyo sa isang karaniwang paglipad,
nakakakaba pa rin ito para sa mga pasahero.

Ano sa palagay ninyo ang ginagawa ng mga piloto kapag


nakararanas sila ng pag-uga? Ang iisipin ng isang nag-aaral pa
lamang maging piloto ay ang pagpapabilis nito ay isang mahusay na
paraan dahil madali niyang malalampasan ang nakapagpapaugang
hangin. Ngunit maaaring iyon ay di tamang gawin. Alam ng mga
sanay nang piloto na may tamang bilis para makalampas sa pag-uga
na makababawas sa di magandang epekto nito. At madalas ang ibig
sabihin nito ay bagalan ang iyong takbo. Ganito rin ang alituntuning
umiiral sa mga speed bump sa daan.

Samakatuwid, maganda ang payo na bumagal nang kaunti,


dumiretso ng lipad, at magtuon sa kung alin ang mahahalaga kapag
nakararanas ng masasamang kondisyon.

Page 12 of 21
Modyul 5: Pagmamahal sa Bayan
Manunulat: Jesabell Fe C. Lag-asan/ Alcero C. Compalas

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

1. Nakapagpapaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa


bayan (Patriyotismo). (EsP10PB-IIIe-11.1).

2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan


(Patriyotismo) na umiiral sa lipunan. (EsP10PB-IIIe-11.2)

Pagmamahal sa Bayan
Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat
gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong
patriyotismo, mula sa salitang “pater” na ibig sabihin ay ama na
karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinaggalingan.

Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang


pagkamakabayan at damdaming bumubigkis sa isang tao at sa iba
pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o
tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalang-alang nito ang
kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba ng wika, kultura at
relihiyon na kung saan tuwiran nating binibigyang-kahulugan ang
kabutihang panlahat.

Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan

Mahalaga ang pagmamahal sa bayan. Ang pagsasabuhay sa


responsibilidad na ito ay umiiral dahil ang tao ay nagmamahal
kasama ang kaniyang kapwa. Ang pagmamahal na ito ay magiging
daan upang makamit ang layunin na gustong maisakatuparan.
Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan.
Naiingatan at pinahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang
karapatan at dignidad ng tao gayundin ang kultura, paniniwala at
pagkakakilanlan.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan

 Pagpapahalaga sa buhay
 Katotohanan
 Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa

Page 13 of 21
 Pananampalataya
 Paggalang
 Katarungan
 Kapayaan
 Kaayusan
 Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
 Kasipagan
 Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
 Pagkakaisa
 Kabayanihan
 Kalayaan
 Pagsunod sa batas
 Pagsulong sa kabutihang panlahat

“Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kanyang


karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunang
makapag-ambag sa kabutihang panlahat.” –San Juan Pablo XXIII
(1818- 1963).

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan:


1. Mag-aral ng mabuti.
2. Huwag magpapahuli dahil ang oras ay mahalaga.
3. Pumila ng maayos.
4. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
5. Maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya.
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huawag itapon ang
basura kung saan-saan.
7. Iwasan ang anumang gawaing hindi nakatutulong.
8. Bumili ng produktong sariling atin.
9. Kung pwede nang bumoto, isagawa ito nang tama.
10. Alagaan at igalang ang nakatatanda.
11. Isama sa panalangin bansa at ang kapwa mamamayan.

Mga Halimbawa ng Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa


Bayan

 Kung hindi ka nagbibigay sa pugay sa bandila o watawat ng


ating bansa.
 Kung hindi mo tinutupad ang iyong mga tungkulin bialng isang
mamamayan.
 Kung hindi ka tumatawid sa tamang tawiran at pasiga-siga sa
lansangan.
 Kung hindi painahahalagahan ang iyong pag-aaral.
 Kung hindi mo pinapahalagahan ang ating kultura at mga
tradisyon.
 Kung hindi mo tinatangkilik ang mga produktong sariling atin.
Page 14 of 21
 Kung ikaw ay nagkakalat ng basura sa lansangan.
 Kung isa ka sa pumuputol ng mga puno sa kabundukan na
nakasisira sa kalikasan.
 Kung isa ka sa humuhuli at pumapatay ng mga hayop na
pinagbabawal hulihin.
 Kung isa ka sa lumalabag sa mga batas na ipinatutupad ng
bansa.
Modyul 6: Pagmamahal sa Bayan
Manunulat: Jacqueline P. Puyao

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

1. Napapangatwiran na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa


pagmamahal sa bayan. (MELC 11.3)

2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang


pagmamahal sa bayan (Patriyotismo). (MELC 11.4)

Mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang


maisabuhay ang pagmamahal sa bayan na nakapaloob sa 1987
Konstitusyon ng Pilipinas.

Bawat tao ay obligasyon sa Diyos ang


paggalang sa buhay dahil ang buhay ay galing
 Pagapahalaga sa sa Kanya kaya’t walang sinoman ang
buhay maaaring kumuha ng sariling buhay o buhay
ng iba maliban sa Kanya.

Kaugnay ng prinsipyo ng katamaan,


 Katotohanan katunayan, katiyakan,katapatan, kataimtian
at mabuting paniniwala.

 Pagmamahal sa Maipapakita ang malasakit sa kapwa sa


pagmamalasakit pamamagitan ng pagtulong na walng
sa kapwa inaasahang kapalit.

Mahalaga ang pananampalataya at pagtitiwala


 Pananampalataya sa Diyos na lahat ay makakaya at possible

Mahalaga ang paggalang sa mga pamayanan


 Paggalang dahil tumutulong ito sa mga tao na makibagay
sa ibang mga tao.

Page 15 of 21
Ang pagpapanatili ng kung ano ang tama sa
 Katarungan paraang walang kinikilingan. May paggalang
sa karapatan ng kapwa mamamayan

Pagkakaroon ng katahimikan o walang


 Kapayapaan kaguluhan at kapanatagan

Pagiging organisado at disiplinado sa lahat ng


 Kaayusan pagkakataon

 Pagkalinga sa Pamilya ang pangunahing institusyon ng


pamilya at lipunan. Dito unang tinuturuan ang mga bata
salinlahi tungkol sa kultura at tradisyon ng bansa.

Ginagamit ang talent at kahusayan sa


anumang pamamaraan upang makatulong sa
 Kasipagan ikabubuti ng mas nakararami. Ginagawa ang
gawain nang matiyaga at may pagmamahal.

 Pangangalaga sa Lahat ng tao ay may responsibilidad na


kalikasan at alagaan ang kalikasan at lahat ng nilikha ng
kapaligiran Diyos sa pagkasira nito.

Ang pakikipagtulungan ng bawat tao na


 Pagkakaisa mapag-isa ang ninanais at saloobin para sa
iisa a maayos na layunin.

Isa sa mga ipinagmamalaking ugali ng mga


Pilipino ay ang tinatawag na “bayanihan”.
 Kabayanihan Hindi hinihintay kung ano ang magagawa ng
bayan sa tao sa halip ginagawa ng tao ang
magagawa para sa bayan.

Ang pagiging malaya na gawin ang mabuti,


kumilos ayon sa batas na ipinapatupad ng
 Kalayaan bansa at paggawa ng tungkulin ng isang taong
may dignidad.

Ang pagkilala, paghikayat at pakikibahagi


 Pagsunod sa sapagsasabuhay sa mga batas ng lipunan. Isa
batas ito sa mga susi sa pag-unlad ng lipunan.

Ang pagtutulungan ng bawat isa at paghikayat


 Pagsusulong ng sa iba upang makilahok sa pagtutulongan ay
kabutihang para sa ikabubuti hindi sa sarili at pamilya
panlahat kundi para sa lahat.

Page 16 of 21
Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan

Ayon kay Alex Lacson, ang mga sumusunod ay mga simpleng bagay
na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa.

 Mag-aral nang mabuti


 Huwag maging palalo o gumawa ng masama sa kapwa
 Pumila nang maayos
 Awitin ang Pambansang awit nang may paggalang at dignidad
 Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya
 Magtipid ng tubig, magtanim ng puno at huwag magtapon ng
basura kahit saan
 Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong
 Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled
 Kung pwede nang bumoto, isagawa ito nang tama
 Alagaan at igalang ang nakatatanda
 Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan
 Pagkakaroon ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip

Modyul 7: Isyung Pangkalikasan


Manunulat: Mariliese C.Yangken

I. Ang Kuwento ng Paglikha


Mula sa Genesis, kabanata 1, talata 27-31, nilalang ng Diyos ang tao ayon
sa Kaniyang sariling larawan bilang lalaki o babae. Binasbasan sila ng Diyos
at binigyan ng tagubilin na magparami. Kaakibat ng pagbabasbas na ito ay
ang utos na punuin ang daigdig at magkaroon ng kapangyarihan dito lalo na
sa lahat ng Kaniyang nilalang.
Ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihan na
pangalagaan ang kalikasan na Kaniyang nilikha.

Ang pagtitiwalang ito ay isang patunay na minamahal


tayo ng Diyos kung kaya’t ibinigay Niya sa atin ang
kalikasan.

Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay


patuloy na mabuhay. Samakatuwid, tayo ay binubuhay
ng kalikasan

Page 17 of 21
II. Ang Kahulugan ng Kalikasan
Ito ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaring may
buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng
iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki. Maituturing
ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik tulad ng hangin, lupa, tubig at
iba pa na siyang nagbibigay daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng
mga nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang kanilang buhay.

III. Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan


Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang ginagawa ng tao na
tuwirang nakasisira sa ating kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito at
suriin mo ang inyong sarili kung kabilang ka sa mga kabataan na
gumagawa sa mga ito.
A. Maling pagtatapon ng basura
Walang habas ang ginawang pagtatapon ng basura kung saan-
saang lugar na lamang.
B. Ilegal na pagputol ng mga puno
Ang kadalasang pag-ulan na nagdudulot ng mga pagbaha ay
bunga ng walang tigil na pagputol ng mga puno at hindi
pagpapalit ng bagong halaman sa mga naputol na puno.

C. Polusyon sa hangin, tubig at lupa


Ito ay ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa kondisyo
ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay.
Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman tulad ng respiratory
diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat, at marami pang
iba.

D. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa


kagubatan
Maraming uri ng hayop at halaman ang nagiging threatened,
endangered at ang pinakamalala sa lahat ay ang kanilang
extinction.

E. Malabis at mapanirang pangingisda


Unti-unting nauubos ang mga yaman dito dahil sa hindi matigil
na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami na
pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang
natural habitat o tirahan.
F. Ang pag-convert ng mga lupang sakahan, ilegal na pagmimina, at
quarrying. Maling sistema na patagong ginagawa ng mga

Page 18 of 21
kompanyang tulad ng pagpapasabog ng mga bundok at
paghuhukay sa mga dalampasigan upang makakuha ng mga
yamang mineral.

G. Global Warming at Climate Change


Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa
panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa
pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na climate
change.
Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami
ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa
ating atmospera ay tinatawag na global warming.
H. Komersiyalismo at urbanisasyon
Ang komersiyalismo ay tumutukoy ito sa pag-uugali ng tao at mga
kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng
pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na
ibang mga pagpapahalaga.

Ang urbanisasyon ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na


maisasalarawan ng pagtatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at
condominium units.

Modyul 8: Paninindigan sa Pangangalaga sa


Kalikasan
Manunulat: Mariliese C.Yangken

Kumusta na? Naging mulat ka na ba sa mga isyung pangkalikasan? O


kaya’y sawang-sawa ka na sa paulit-ulit na pagtalakay sa mga ito.
Huwag kang magsawa, nangangahulugan lamang ito na seryoso ang
usaping pangkalikasan. Isang usaping nangangailangan ng dagliang
aksyon para sa inang kalikasan.
Sa modyul na ito, mas higit pang malilinang sa iyo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Napangangatwiranan na:
a. Maisusulong ang kaunlaran at kabutihang panlahat
kung ang lahat ng tao ay may paninindigan sa tamang
paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan.
b. Lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil
nabubuhay tayo sa iisang kalikasan (mother nature).
Inutusan tayo ng Diyos na alagaan ang kalikasan
(stewards) at hindi maging tagapagdomina para sa
susunod na henerasyon.

Page 19 of 21
c. Binubuhay tayo ng kalikasan. (EsP10PB-IIIh-12.3)
2. Nakabubuo ng mapaninindigang posisyon sa isang isyu
tungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa
kalikasan ayon sa moral na batayan. (EsP10PB-1IIh-12.4)

I. Ang Tao Bilang Tagapangalaga ng Kalikasan

Inutusan ng Diyos ang tao na alagaan ang kalikasan


at hindi maging tagapagdomina nito para sa
susunod na henerasyon.

Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay


pagpapakita ng paggalang at kabutihang panlahat
na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos
ang kalikasan.

Ang tungkulin na pangalagaan ang kalikasan ay


nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay
mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay
tayo sa iisang kalikasan.

II. Sampung Utos Para sa Kalikasan


(Ten Commandments for the Environment)
Ni Obispo Giampaolo Crepaldi)

Ito ay hindi listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin, kundi mga
prinsipyong gagabay (Guiding principles) sa pangangalaga ng
kalikasan.
1. Ang tao na nilikha ng Diyos na Kanyang kawangis ang
siyang nasa itaas ng lahat ng Kaniyang mga nilikha bilang
pakikiisa sa banal na gawain ng paglilikha.

2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang


kasangkapan na maaaring manipulahin at ilagay sa mas
mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao.

Page 20 of 21
3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa
lahat bilang paggalang sa kalikasan na para rin sa lahat,
kabilang na ang mga henerasyon ngayon at ng sa hinaharap.

4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na


isaalang-alang muna ang etika at dignidad ng tao bago ang
makabagong teknolohiya.

5. Ang kalikasan ay kaloob ng Maylikha sa mga tao na dapat


gamitin nang may katalinuhan at pananagutang moral.

6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa


politika ng ekolohiya. Ang halaga at tunguhin ng bawat
pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang pansin at
timbangin nang maayos.

7. Ang wakas ng pagkamundong kahirapan ay may kaugnayan sa


pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat
ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat
tao na may pagkakapantay-pantay.

8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay


kailangang protektahan sa pamamagitan ng pang-
internasyonal na pagkakaisa at layunin.

9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng


pagbabago sa uri ng pamumuhay na nagpapakita ng
moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa sarili at ng iba.
Ito ay nangangahulugang pagtalikod sa kaisipang
konsyumerismo.

Ang mga isyung pangkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na


pagtugon bunga ng paniniwala na ang lahat na nilikha ng
Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon tayong
responsibilidad

Page 21 of 21

You might also like