You are on page 1of 2

Repliksiyon sa ESP

Natutunan ko po sa araling na ito ay ang pagmamahal ng isang tao sa


kanyang minamahal ay nakapagbibigay ng kahulugan sa kaniyang buhay. Sa
pagmamahal ng isang tao sa kanyang kapwa ay masalamin sa kaniya ang
pagmamahal sa Diyos. Ito po ang dahilan ng kaniyang pag-iral sa mundo.

Pangalawa po, ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay ng isang


tao. Sa paglalakbay niya ay kailangan niya ng kasama upang siya'y maging
magaan sa kaniyang paglalakabay. Sa paglalakbay niya, kasama niya ay ang
kapuwa at pangalawa ang Diyos upang may silbi at gabay sa kanyang bubay.
Hindi lahat ng oras ay magiging banayag ang ating paglalakbay, maaring tayo
magluksa,madapa,maligaw at masaktan ng ilang beses, ang mahalaga dito ay
huwag tayong bibitiw o lalayo sa ating kasama at ito din ang dahilan kung bakit
tayo ay nagkaroon ng lakas sa buhay, ang hirap ng buhay ay may silbi sa atin
ito ang dahilan kung paano tayo ay patuloy sa paglakbay. (kapuwa at ang
Panginoon) dahil kasama natin sila, sila ang lakas ng ating paglalakbay sa ating
buhay. Kahit ano mangyari, anumang hirap na naranasan natin sa daan,
mahalaga po ay may determinasyon na marating ang pupuntahan sa ating
paglalakbay.

Hindi dapat hiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapuwa at ang


paglalakbay kasama ang Panginoon natin dahil makikita ng tao sa mga ito ang
kahulugan ng kaniyang buhay. Bawat isa ay may misyon sa buhay, alam ko ang
misyon ko sa buhay ang pagpatuloy na pagsasamba ng Diyos at patuloy sa
paglalakbay kasama ang mahal ko sa buhay at ang panginoon. Nais ng
panginoon na maranasan ng tao ang kahulugan at kabulunan ng buhay, ang
mabuhay nang maligaya at maginhawa. Ngunit tandaan natin na hindi sa lahat
ng bagay tulad ng gadgets at mamahaling bagay ay Hindi makakabibigay ng
tunay na kaligayahan dahil ito ay temporary lamang, mawala agad ito. Ang
tunay na kaligayahan ay ang Diyos siya ang magbibigay ng biyaya at pagpapala
sa atin.

Anumang relihiyon ng isang tao, ang espiritwalidad ang pinakarurok na


punto kung saan niya nakatagpo ang Diyos. Ang pananampalataya ay ang
personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa po itong biyaya na maaaring malaya
niyang tanggalin o tanggihan. Sa pananampalataya sa Diyos, naniniwala at
umaasa ang mga tao sa mga bagay na hindi nakikita O himala. Nagiging
panatag ang tao dahil siya naniniwala sa Diyos Kahit hindi pa niya ito nakikita,
nararanasan niya ang kapanatagan,tunay na kaginhawan at kaligayahan.

May iba't ibang pananampalataya ng tao kahit ano pa man ang kaniyang
relihiyon. (Kristiyanismo,buddhismo at iba pa.) Kahit anong relihiyon tayo ang
mahalaga may pananampalataya tayo sa panginoon.
Repliksiyon sa ESP
"Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo"
nauunawaan ko ang ibigsabihin nito. Huwag mong saktan o husgahan ang ibang
tao kung ayaw mo din gawin nila sa iyo. May iba't iba ang relihiyon natin at mga
pamaraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya, mahalagang igalang natin ito.
Magkaiba man ang turo at aral ng bawat isa, ang mahalaga ay nagkakaisa sa
iisang layuning magkaroon nang malalim na ugnayan ang yao sa Diyos at
kapuwa.

"Masasabing lamang ng tao na siya ay nagmamahal sa Diyos kung


nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa." Kung minahal mo ang kapuwa tao
mo ng buong puso ay masasalamin ka sa pagmamahal ng Diyos, magtulungan
tayo at mahalin natin ang isa't isa ng walang kapalit. Inspirasyon ko po si
Mother Teresa, siya po ang nagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapuwa at
ng Diyos, malaki po ang tulong at pagbigay ng inspirasyon niya sa lahat,
nagpapasalamat ako na may mabuting puso at isip ang mayroon siya. Mahalin
natin ang Diyos ng buong isop,puso at kaluluwa at ibigin ko ang kapuwa ko tulad
ng aking sarili. Ang magmahal ang pinakamahalagang utos. Kahit nahihirapan o
nagsasakripisyo tayo ay magmahalan pa rin tayo.

Ang apat na uri ng pagmamahal ayon kay C. S Lewis. Ang una ay


Affection ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, pangalawa ay philia ito
ay pagmamahal ng magkaibigan. Pangatlo ay Eros, ito ay pagmamahal batay sa
pagnanais lamang ng isang tao (hal, mahal mo siya dahil maganda siya) Ang
pangapat naman o ang panghuli ay ang Agape, ito ay ang pinakamataas na uri
ng pagmamahal, ito ay pagmamahal ng walang kapalit. Ganyan ang Diyos sa
tao, patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at patuloy ng
pagkakasala ng tak ay patuloy pa rin niyang minamahal dahil Tao ay mahalaga
sa kaniya.

"Sikapin nating mahalin ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng
pagmamahal natin sa Diyos na lumikha." Maraming salamat po ma'am dahil may
natutunan po ako dito sa aralin na ito. Nauunawaan ko po ng lubos ang aralin,
sana ay patuloy akong manalig at magkaroon ng pananampalataya sa Diyos at
sa inyo po din. Godbless ma'am!❤

You might also like