You are on page 1of 31

ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS AT KAPUWA

ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA


GNG. LIEZEL OLANO RIOFLORIDO
Guro sa EsP
PANUTO: KUNG IKAW ANG NASA BAWAT
SITWASYON, PAANO KA TUTUGON.

• Kumatok ang iyong kapitbahay na si Monica at humihingi


sa iyo ng tulong dahil ang kaniyang anak ay may
malubhang karamdaman. Noong araw na iyon, sakto
lamang ang iyong pera para sa inyong gastusin sa bahay.
Ano ang iyong gagawin?
•Papasok ka sa paaralan. Napansin mong
may isang batang naka wheelchair ang
hindi makaalis dahil napasabit ang
gulong nito sa bakod. Ano ang dapat
mong gawin?
•Bago ninyong kaklase si Jaypee. Galing siya
sa isang malayong probinsya. Lagi siyang
nag-iisa dahil wala pa siyang kaibigan at
hindi niya maintindihan ang lengwaheng
gamit ninyo. Ano ang dapat mong gawin?
• Isang araw, habang ikaw ay naglalakad pauwi sa
inyong bahay, may nakita kang isang babaeng
nakahandusay sa kalsada at walang malay. Paglapit mo
sa kaniya ay namukhaan mong siya ang kapitbahay
ninyong si Aling April na laging gumagawa ng tsismis
sa iyong pamilya. Ano ang dapat mong gawin?
• Si Norman ay isang musikero. Marami syang
tattoo at hikaw sa katawan. Isang araw, dumalo
siya sa inyong simbahan. Habang kayo ay nasa
pagsamba, narinig mong pinag-uusapan siya ng
iyong mga kaibigan dahil sa kanyang hitsura. Ano
ang dapat mong gawin?
ANO ANG IYONG
PAKAHULUGAN SA
ANG MAGMAHAL ANG
PINAKAMAHALAGANG
‘Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa kautusan?’
Sumagot si Jesus, ‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos
nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong
pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman
ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng
iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang
buong kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.’’
(Mateo. 22:36-40).
Ang pagmamahal sa kapuwa
ang daan upang mapalalim ng
tao ang kaniyang pagmamahal
at pananampalataya sa Diyos.
Madaling mahalin ang ating mga sarili
lalo pa’t kasa-kasama natin ito saan man
tayo magpunta. Ang ating sarili ang
“pinakamalapit” sa atin kung kaya’t
natural at normal lamang na mahalin natin
ito.
Dahil sa pagmamahal natin sa ating
mga sarili, kung minsan ay hindi
nagiging madali ang magmahal sa ating
kapwa dahil madalas, bilang tao ay
namamayani sa ating puso ang
pagkamakasarili.
Hindi maaaring sabihin ng tao na
mahal niya ang Diyos kung hindi niya
minamahal ang kaniyang kapuwa dahil
anuman ang ginagawa natin sa ating
kapuwa ay sa Diyos natin ito ginagawa.
Ang pag-ibig sa Diyos at sa ating kapuwa ay hindi
maaaring paghiwalayin. Mababasa sa Mabuting Balita
(Matt. 22:34-40) ang tungkol sa pagtatanong ng isang
Pariseo kay Jesus kung alin sa Jewish Law ang
pinakamahalaga. Mula sa sampu, binuod ang mga batas
sa dalawang pinakaimportanteng utos batay sa
paliwanag ni Jesus sa Pariseo: Ang pagmamahal sa
Diyos at pagmamahal sa kapuwa.
Ang pag-ibig ang nagtutulak sa tao upang
magbahagi ng kaniyang sarili sa iba. Sa oras
na magawa niya ito, masasalamin sa kaniya
ang pagmamahal niya sa Diyos dahil
naibabahagi niya ang kaniyang buong
pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-
buo at walang pasubali.
Ang tunay na diwa ng espiritwalidad
ay ang pagkakaroon ng mabuting
ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa
tawag ng Diyos nang may kasamang
kapayapaan at kapanatagan sa kalooban.
1 Juan 4:20 “Ang nagsasabi na iniibig ko
ang Diyos, subalit napopoot naman sa
kaniyang kapatid ay isang sinungaling.
Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay
hindi niya magawang ibigin, paano niya
maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?”
Sinabi ni Mother Teresa: “Paano mo
nalalaman na nagmamahal ka? Ito ang tunay
na pagmamahal, ang magmahal nang
walang hinihintay na anumang kapalit kahit
na nahihirapan o nagsasakripisyo ay
nagmamahal pa rin”.
Ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig
kung kaya’t imposibleng maghiwalay ang
pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapuwa.
Siya ang sentro at inspirasyon ng lahat ng
pag-ibig sapagkat sukdulan ang pag-ibig na
ibinigay Niya para sa atin.
Magkakaroon lamang ng katuturan ang
isang pag-ibig kung ang pag-ibig natin sa
ating kapuwa ay gaya ng pag-ibig natin sa
Diyos. At magkakaroon ng kabuluhan ang
pag-ibig natin sa Diyos kung magagawa
nating mahalin at kahabagan ang ating
kapuwa.
APAT NA URI NG PAGMAMAHAL AYON KAY CLIVE STAPLES LEWIS.

• Affection – Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o


maaaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
• Philia – Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon
na kung saan sila ay magkakaugnay.
• Eros – Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang
makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya dahil maganda
siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao.
• Agape – Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na walang
kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at
patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin Niyang minamahal dahil ang TAO ay
mahalaga sa Kaniya.
Panuto: Bumuo ng
Akrostik gamit ang salitang
PAG IBIG sa pamamagitan
ng pagsulat ng mga
pangungusap na
nagsisimula sa bawat letra
ng salitang ito. Ang mga
pangungusap na ito ay dapat
naglalahad ng kahalagahan
ng pagmamahal sa kapuwa.
Isulat sa kahon ang sagot.
PANUTO: BASAHIN AT PILIIN ANG TAMANG SAGOT. ISULAT
ANG LETRA NG TAMANG SAGOT.
1. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman
sa kaniyang kapatid ay sinungaling.” Ang pahayag ay______.
A. Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.
B. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa
pamamagitan ngpagdarasal at pagsisisimba.
C. Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa
mabutingugnayan sa Kaniya.
D. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa
Diyos kung minamahal din ang kapwa.
2. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Jomalyn at hindi nakalilimot na
magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit
ganito, malupit si Aling Jomalyn sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan
niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Jomalyn ng
kaniyang pananampalataya?
A. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.
B. Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya
ay ikinalulugod ng Diyos.
C. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
D. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi
maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa.
3. Dumating ang inyong kamag-anak na nasalanta ng
baha. Wala silang matutuluyan dahil naanod nang baha
ang kanilang bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sasabihin ko na masikip na ang aming bahay.
B. Papaalisin sila kapag umalis sina nanay.
C.Tatanggapin sila ng maayos.
D.Hindi sila papansinin.
4. Mayroon kayong bagong kaklase mula sa isang
malayong lugar, lagi siyang nag-iisa dahil wala pa
siyang kaibigan. Ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin at kakaibiganin ko siya.
B.Lalayuan ko siya at hindi kakausapin.
C.Hindi ko siya papansinin.
D.Sasabihan ko siya na bumalik na sa lugar nila.
5. Ang pagmamahal sa kapwa ang susi ng
pagpapalalim ng tao ng kaniyang pagmamahal
at ___________________.
A. pagiging matagumpay
B. relasyon sa kanyang kumunidad
C. pananampalataya sa Diyos
D. pagkakaroon ng samahan
PANUTO: TUKUYIN ANG MGA SUMUSUNOD.

6. ______________ Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon


silang iisang tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay
magkakaugnay.
7. ______________ Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay
ang pagmamahal na walang kapalit.
8. ______________ Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na
sa mga magkakapamilya o maaaring sa mga taong nagkakilala at naging
malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa.
9. ______________ Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng
isang tao. Kung ano ang makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili.
10. ______________ Ayon sa kanya ay may apat na uri ng pagmamahal.
PANUTO: BASAHIN ANG MGA PANGUNGUSAP AT SAGUTIN KUNG TAMA O
MALI. ISULAT ANG MGA SAGOT SA IYONG SAGUTANG PAPEL.

11. ______________ Ito ang pinakamahalagang utos “Ibigin mo ang


iyong kapwa higit sa iyong sarili”.
12. ______________ Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang
pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa tawag ng
Diyos.
13. ______________ Magkakaroon ng kabuluhan ang pag-ibig natin sa
Diyos kung magagawa nating mahalin at kahabagan ang ating kapwa.
14. ______________ “Ang pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa
kapwa”,hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang utos na ito.
15. ______________ Natural at normal ang magmahal sa sarili
SUSI SA PAGWAWASTO
1.D 6. PHILIA 11. MALI
2.D 7. AGAPE 12. TAMA
3.C 8.AFFECTION 13. TAMA
4.A 9. EROS 14. TAMA
5.C 10. C.S LEWIS 15.TAMA
RBB TASK/CHALLENGE:
1. Gumawa ng Personal Daily Log (Pansariling pang-araw-araw na
talahanayan) na may kinalaman sa pagpapaunlad ng pananampalataya at
espiritwalidad para sa susunod na isang linggo.
2. Itala rito kung nagpapakita ng mabuting ugnayan sa Diyos at kapuwa.
3. Maglakip ng patunay sa iyong ginawa.
4.Ipakita at ipabasa ito sa iyong mga magulang. Bigyan sila ng
pagkakataon na makapagbigay ng payo o komento sa iyong ginawa.
Anyayahan sila na ito ay lagdaan.
5. Gawin ito sa malinis na bond paper. Maging malikhain sa iyong
gagawing Personal Daily Log.

You might also like