You are on page 1of 21

Happy sunday and happy new year mga

kapatid at mga kapamilya. Welcome and


Thank you so much for joining us again
on our 1st sunday on line worship
celebration. Though, as far as lggm is
concerned almost isang taon na rin
naman na tayong nagkakaroon ng face to
face gathering with only 50 percent
attendance nga lang dahil sumusunod pa
rin tayo sa pinapatupad na protocol ng
ating pamahalaan. But we are believing
and declaring that by the grace of God
ngayong taong 2022 ay sana totally mag
end na po itong pandemic para makabalik
na po in full swing ang ating mga gawain.

We in LGGM church believes in the


power of the first. For me it is the most
powerful principle for success na
kailangan nating lahat ma master. Sa
First book, sa first chapter, at sa first
verse pa lang ng Bible ay nilatag na po
ng Diyos ang napaka powerful na
principle na ito na kapag masusugan
nating lahat ay siguradong gaganda at
uunlad ang buhay natin. Gen 1:1
says ...In the beginning God....Sa
pasimula ang Diyos. Dapat laging una
ang Diyos. Iyan po ang sikreto ng pag
unlad. UNLAD means Unahin Natin Lagi
Ang Diyos. Putting God first in everything
is always the right thing to do mga
kapatid. In fact this is the first and the
greatest commandment. Sa lahat ng
institution saating bansa gaya ng senado,
ng kongreso, ng mga korte, at maging sa
preamble ng ating constitution ay laging
inuuna ang pagkilala sa Poong Maykapal.
Sabi doon
sa preamble "WE THE SOVEREIGN
PEOPLE IMPLORING THE AID OF THE
ALMIGHTY GOD...Nagsisimula ang
session sa panalangin kahit sa pag take
ng oath nakapatong ang isang kamay sa
Bible tanda ng pagkilala sa Diyos na
makatarungan at may ari ng lahat.

Kayat ngayong araw ng linggo the first


sunday of the year 2021 dapat ang unang
naiisip sana ng isang kristyanong pamilya
ay sama samang magsimba dahil iba ang
buhos ng blessing ni Lord sa unang pag
attend natin. We call it the power of the
first. One example of putting God first in
everything is by spending the 1st hour or
minutes of the day with God. Paggising
natin siya muna uunahin natin bago fb.
Bible muna bago youtube. Sabi nga sa
Matt6:33
seek ye first the kingdom of God and in
his righteousness and all these things
shall be added unto you. Mga Awit 5:3 Sa
kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y
iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw,
tugon mo'y hihintayin. Pag inuna mo siya
may naghihintay saiyong blessing. We
have to reserve to God also the first day
of the week and that day is sunday.
Sunday is called the Lord's day. It's not
your day it is His day. We believe that if
we give God the first day of the week he's
gonna take care of the rest of the days.
He is going to bless our monday, our
tuesday, our wednesday and so on and
so forth. Isa pa po, mapapansin po nyo
sa Bible na si Lord ay laging may naka
reserba sa kanya na di natin dapat
galawin o pakialaman. Halimbawa ay ang
isang halaman sa garden of eden
na sabi nya kay Eba at kay Adan, you are
free to eat everything in the garden
except this one tree in the midst of the
garden. Hindi natin alam kung bakit pero
yun ang sabi ng Diyos na wag nilang
gagalawin. Pero ano ang ginawa ni Eba
at ni Adan? Pinakialaman nila. So alam
natin ang naging consequence- they lost
everything- they lost the whole garden.
Ganun din sa 1st conquest ng Israel sa
city of Jericho. Utos din nya na walang
makikialam sa lahat ng masasamsam
nilang mga kayamanan pero alam natin
ang kwento na ito ay pinag interesan ni
Achan kaya napahamak tuloy ang buo
nyang angkan. So may mga bagay na
sagrado- sagrado ang araw ng linggo,
sagrado saatin ang communion, sagrado
saatin ang kasal, etc. sagrado saatin ang
ikapu o tithes dahil sabi sa
Leviticus 23: Our tithe belongs to the
Lord. Ang isa pa sa natutunan natin at
matagal na nating practice ay ang pag
honor sa Diyos by giving our first fruit
offering. We do not do it by tradition or by
imitation only but by revelation. Hindi po
ito gaya gaya lang at hindi rin po ito
sapilitan mga kapatid at lilinawin ko wala
po itong epekto sa ating kaligtasan gawin
man natin ito o hindi. But this is a proven
principle already na ginagawa ng
maraming kristyano worldwide. We've
been practicing this principle for more
than 15 years now. And since then, our
finances has never been the same. Saan
po ba galing ang principle na ito? Ito po
ay nanggaling sa practice sa OT na
paghahandog ng mga Israelita ng
kanilang firstborn son at firstfruit of their
produce. Sabi sa Prov 3:9, Honor
the Lord with your wealth and with the
best part or firstfruit of your produce. Ang
first born at firstfruit ay may redeeming
power. Dahil sabi sa Exodus 13 kapag
ang hayop na nanganak ay donkey since
donkey is an unclean animal dapat itong
tubusin ng tupa kung hindi ay dapat baliin
ang leeg ng firstborn na asno. Sa Egypt
lahat ng mga unclean na panganay na
mga anak ay namatay ngunit sa
pamamagitan ng pagkatay ng kordero ay
na preserba ang mga panganay na anak
ng mga hudyo. Rom 11: 16. Kung banal
ang unang tinapay mula sa masa ng
harina, gayundin ang buong masa. At
kung ang ugat ng punongkahoy ay banal,
gayundin ang mga sanga nito. If the
firstfruit of the dough is holy so all the rest
of the dough becomes holy. So first
fruit has a redeeming power. Meaning
nalilinis at nagiging sagrado na rin ang
natititira kapag naihandog ang unang
bunga. How do we apply it sa panahon
natin ngayon? Ang unang ani, ang unang
blessing, ang unang sahod, ang unang
kita, sa pagpasok ng unang taon o kaya
ang unang sweldo sa bagong trabaho o
promotion natin ay pwede nating ioffer as
first fruit offering kay Lord believing na
seselyuhan at ibi bless ni Lord ang mga
kasunod pa na kikitain natin. It is all by
faith mga kapatid. hindi po ito
compulsory. Wala namang masama kung
susubukan mo. Subok na po namin ito.
Bawat taon ay naghahanda kami ng
aming firstfruit offering para i honor ang
mga taong naging bahagi ng aming
spiritual growth. Mga taong nag impart
saamin at mga kinikilala naming
mga spiritual leaders. Ang isang verse sa
Bible tungkol dito na gustong gusto ko at
sanay maging revealed din po sainyo ay
ang Ezek 44: 30 The first of the ripe fruits
and all the gifts brought to the lord will go
to the priests. The first batch of dough
must also be given to the priests so the
lord will bless your homes. Ang gandang
panghawakan di ba? SO THE LORD
WILL BLESS YOUR HOMES. Gusto ko
itong mangyari sa pamilya ko ngayong
2022 kaya i will honor God by giving my
first fruit offering ngayong new year.

Napakaganda po dahil total bagong taon


naman ay ginagawa natin ito sa lggm as
an opportunity to appreciate our pastors
and spiritual leaders na nag aalaga,
nananalangin at nagpapala
saatin ng word of God sa buong isang
taon. It is our time to honor them dahil
kung aware po kayo hindi na po tayo
sumasabay doon sa Pastors'
Appreciation month tuwing October dahil
ang pinaka appreciation month natin ay
ang month of January dahil ito ang buwan
ng bigayan natin ng firstfruit offering.
Well, yun lang naman ay kung mahal nyo
ang mga pastor nyo pero hindi naman po
kayo nagkakasala kung di nyo gagawin
ito. It's a principle na may kinalaman sa
kabuhayan at financial blessings ng
pamilya natin. We provide you an
envelope for your firstfruit offering, it is a
white envelope, pinalitan po muna natin
instead of seed for the word you can use
our white envelopes for our firstfruit
offering. Gets nyo ba mga kapatid? Pa
assist po kayo
sainyong mga barangay coordinators
kung kailangan nyo ng tulong.

Ok. Another very important practice that


we do every turn of the year is to receive
a word from the Lord. Mahalaga po ito
saatin as a church. John 1:1 says in the
beginning was the word ... sa pasimula ay
ang salita. Naniniwala tayo na
nagsisimula ang lahat sa salita.
Everything starts with the word. Nothing
was made that has been made without
the word sabi doon sa v.2 & 3 ng John
chapter 1. Lahat ng gusto nating makita
ngayong bagong taon ay magsisimula sa
natanggap nating salita na galing kay
Lord. As a church and as an individual
dapat may lalakaran at panghahawakan
tayong word ni Lord ngayong taon.
Church, makinig po kayo, andaming
sinira at nawala saatin nitong nagdaang
pandemic. Madaming nasirang
commitment. Pati mga programa at
aktibidad ng mga simbahan ay maraming
natigil dahil sa covid. But this year 2022
let us start all over again. Magsisimula uli
tayong magdeklara ng mga bagong
bagay na gusto nating makita at
mangyari. Gen 1:2 actually was a
recreation. Most Bible scholars believe
that God created again the earth. Nasira
at nawala kasi ang magandang mundo na
nilikha ng Diyos dahil dito sa mundo
naitapon ang Diyablo noong magrebelde
siya sa Diyos. Kaya nga ito ay nababalot
ng kadiliman. Sa verse 3 ang Diyos ay
nagpapasimula uling maglikha. He
started creating again the world by
declaring a word... and God said, Let
there be light and there was
light. Let there, be let there be,
magkaroon, magkaroon... at sa bawat
araw na nagdi deklara ang Diyos ang
mundo na dating madilim ay muling
nagliwanag. Ang mundong nasira ay
muling nagkahugis, nagkaroon uli ng
anyo at muling nagkaroon ng kulay.
Naglabasan at naglitawan uli ang
magagandang nilalang by the power of
his word. His word has a creative power
mga kapatid. Magsimula po uli tayo na
magdeklara ng mga gusto nating gawin at
pangyarihin ng Diyos saatin ngayong
2022. Every year we receive a word from
the Lord at nakita natin kung paano
nagkakatotoo at nagkakaroon ng
manifestations ang ating mga
declarations mula pa noon. For example
last year kahit pandemic ay nagdeklara
tayo na 2021 is the year of God' s favor
and divine appointment. Indeed, we
experienced the overflowing favors of
God at maraming mga divine
appointments at mga unexpected
blessings ang dumating sa church at sa
mga pamilya natin. Pitong faith houses po
ang dineklara natin at pinangyari po ito ng
Diyos lahat last year despite the crisis in
finances. And today ladies and
gentlemen, brothers and sisters, i want to
bring you the word of the Lord for us in
2022. Are you ready? The word of the
Lord for lggm is... RE- ALIGN and
REBUILD with God. Again, 2022 is the
year to Re align and Re-build with God.
The word align or Alignment in the
dictionary simply means proper
positioning. May mga kailangang maibalik
at mailagay sa ayos na mga buhay
ngayong taon. May mga
commitment, at may mga priorities na
dapat mari- align sa will ni God.
Kamakailan ay 10 ang ikinasal natin na
mga nagsasamang hindi pa kasal, ang
iba 19, 20 years na nagsasama na hindi
kasal ang iba bago lang. Gusto nating i
bless ni Lord ang mga buhay natin ngunit
kapag wala tayo sa alignment ay
naghihintay tayo sa wala mga kapatid.
May dapat magre align ng kanyang
buhay para kay Lord ngayong 2022. May
mga dapat mabalik na commitment sa
kanilang assignment. May mga dapat
ayusin na priority. Ang word ni Lord
saatin ngayong 2022 kapag nailagay
natin sa proper positioning ang buhay
natin ay dadaloy saatin ang kanyang
blessing, gusto nyo ba yun? Mahirap
pong i drive ang sasakyan na hindi align
ang mga gulong. May kabig ang
sasakyan at laging may tendency na
lumihis ng direksyon. Ang hirap i drive.
Madaling masira ang mga gulong na wala
sa alignment. Iba ang kunsumo sa gas ng
sasakyan ng may problema sa alignment.
Ganyan din ang mga buhay natin kapag
hindi naka align sa purpose ni Lord. Ang
bigat dalhin. May kabig, may tendency na
lumihis ang direksyon ng buhay natin. At
makunsumo, andaming tapon andaming
nasasayang at nami miss na blessings at
opportunities kapag hindi naka align kay
Lord ang buhay natin. Bakit di muna tayo
maupo as a family at i-check kung ang
pamilya natin ay nasa proper alignment?
Baka may lumilihis, let's take this chance
na ayusin ang mga dapat ayusin. Mga
ugali, pati mga priorities natin ay i check
natin. Nasa priority pa
rin ba saatin ang ating calling? nasa
priority pa rin ba saatin ang ating
assignment? ang ating ministry? Are we
still walking according to God's purpose?
o baka hindi na naka align kay Lord ang
ating puso mga kapatid. Samantalhin nyo
po ang bagong taon na magbagong
buhay para doon sa alam nyo namang
lihis na lihis na ang buhay nyo sa will ni
Lord. Tandaan nyo na steady and fixed
ang will ni Lord tayo lang ang lumilihis at
nagbabago. Kaya ang word ni Lord saatin
this year is RE-ALIGN yourself according
to God's purpose and design.

Another word for 2022 is REBUILD.


Nasabi ko nga kanina na madaming
nasira. Nasirang bahay, nasirang
relasyon, nasirang respeto o reputasyon,
nasirang kabuhayan at nasirang pamilya,
o nasirang focus. We will rebuild the walls
that was broken. We will rebuild all that
the enemy has destroyed. We will rebuild
broken altars. We will rebuild broken
dreams. We will rebuild broken
relationships. We will rebuild broken
focus. I like what Zech8:13 says ito po
actually di ba ang minsitry verse natin?
sabi doon kung babasahin natin ng buo
ay.... I WILL MAKE YOU BOTH A
SYMBOL AND SOURCE OF
BLESSING....
SO KEEP ON REBUILDING THE
TEMPLE. Mga kapatid sa tulong at sa
biyaya ni Lord we will continue to build
more churches, more faith houses this
year 2022. We dream of building more
outreaches in different barangays and if
possible in different towns amd
countries. Magtatayo tayo ng mga maliliit
o malalaking gusali na pagdadausan ng
mga gawain natin sa ibat ibang lugar.
Iyan po ang direksyon ng simbahan natin
ngayong 2022 mga kapatid. Kayat
hinahamon ko po ang bawat isa, ang
bawat pamilya na napabilang sa lggm
church. Sabayan nyo po ang gagawin ni
Lord. Let us re- align ourselves to God's
vision for our church. Mga tatay, mga
nanay, mga kabataan, sama sama po
nating itakbo ang vision ni Lord. I promise
you those who will align themselves to
the vision sila yung tatambakan ni Lord.
Sila ang magta thrive hindi lang magsu
survive but your life, your family, your
business will thrive this year mga kapatid.
Nananawagan din po ako sa mga
matagal ng di nagcha church dahil sa
covid. Kung alam nyo namang wala ng
covid at pwede ng magsimba na uli sa
physical church ay simba na po kayo
para masaya. Saka na lang uli tayo
magsimbahay kung talagang mag persist
pa itong covid sa bayan natin. You
presence is highly appreciated and
needed in our sunday worship
celebration.

Also, may group chat po tayo na SSB


UNSTOPPABLE. Please try to visit our
group chat mga kapatid. You will be
amazed dahil punong puno tayo ng
aktibidad at mga kaganapan nitong
nagdaang mga araw. Ang ipinapakita ko
sainyo mga kapatid na ang church natin
ay hindi paupo upo lang. Mayroon tayong
ginagawa. We are expanding the
kingdom of God. We are touching lives
of countless individuals. We are making a
great damage into the kingdom of Satan.
Be part of what God is doing in LGGM.
Re- align yourself kapatid. Join us as we
rebuild relationship of families and help
us in rebuilding more churches this year.
Let me close by thanking all our faithful
tithers and kingdom partners in lggm. The
journey is still long mga kapatid.
Tulungan nyo po ang church natin.
Huwag po kayong mapapagod sa
pagsuporta at pananalagin. And dont
forget the word of the Lord for this year,
ano yun? RE- ALIGN & REBUILD. God
bless you mga kapatid again HAPPY
NEW YEAR.

You might also like