You are on page 1of 1

ANG KABUTIHAN NG GAWAIN

Sinabi ng Diyos, Tayo ay gumawa ng tao na kawangis Namin, katulad ng Aming kagustuhan Ang ibang Kristiyano ay patuloy na lumalago sa paniniwalang ang gawa ay masama- ito ay sumpa na nagmula tungkol kayna Adan at Evang kasalanan.Nakaligtaang hindi naiwasto ang maling paniniwalang ito ay nakapagdudulot sa tao na maramdaman na kung ano ang kanilang ginagawa sa kanilang trabaho araw-araw ay hindi mahalaga sa Diyos o kaya ang pinakakaunti, ay hindi kasing halaga sa ginagawa ng mga misyonero at mga pastor. Ito ay hindi totoo, mula sa Genesis 1:26-31ay itinuturo sa atin. Una, tayo ay natututo na ang Diyos sa Kanyang sarili ay gumagawa, bilang patunay mula sa paggawa ay karamay ang paglikha at bilang kayunayan na Siya ay namahinga sa ika-pitong araw. Pagkatapos ating nalaman na tayo ay nilikha na kawangis Niya at sa pamamagitan nito tayo ay pinagkalooban ng kapangyarihan mula a paglikha. Ito ay nagpapahayag na tayo ay dapat gumawa upang mangasiwa ng paglikha. Malinaw ang pangangalaga ng Diyos ang paglikha ay Gawain marangyang Gawain, para sa Diyos na tumitingin sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa at itinatalaga na ito ay napakagaling. Ito ay hindi kinakailangang takasan kung ating mapapansin o kahit na ang gawain ay itinatalagang magaling bago ang kasalanan ay pumasok sa larawan. Sa ibang salita, ang gawa ay hindi resulta mula sa pagbagsak at samakatwid ito ay hindi sumpa. Nakikita natin ang kaisipang ito mula sa Genesis 2, nang ang Diyos Kinuha Niya ang tao at inilagay sa p araiso ng Eden upang bantayan at alagaan ito. Halina lumapit bawat araw sa paggawa kahit na ito ay isang trabaho o paggawa ng aibang aktibidad upang tulungan an gating pamilya na may malaking pagpapahalaga sa dignidad at pagiging mabuti sa Diyos na nagkaloob nito sa paglikha. Ang ating araw-araw na na gawain ay ginagamit ng Diyos Upang tulungan tayong pangalagaan sa ating pang-araw-araw na pangangailangan At ang Gawain na natpos ay para sa Panginoon Nagbibigay saksi sa ating salita at mga mabuting gawain Bib\nigyan ako ng Diyos ng gawain hanggang ang aking buhay ay magwakas at buhay hanggang ang aking mga Gawain ay matapos. May mabuting napapala ang taong gumggawa ng mabuti at kasawian naman sa mga taong gumagawa ng masama. Hindi lahat ng Gawain ay ikinalulugod ng Diyos sapagkat sa bawat kasamaan at kasalanan na nagagawa ng tao ay nakapagdudulot ng sugat at sakit na nararamdaman ng Diyos. Dahil sa masidhing pagmamahal ng Diyos sa tao ay nilikha Niya ito na kawangis Niya upang mangalaga sa lahat na Kanyang ginawa na mabuti. Sa kwento ay tinalakay ang maling paniniwala ng ibang Kristiyano tungkol sa paggawa na ito ay masama at kasumpa-sumpa mula sa kataksilang ginawa ng ating unang mga magulang na sina Adan at Eva. Ang pagsuway sa utos ng Diyos ay karaniwan ng ginagawa ng tao. Ito ay kasalang minana mula sa ating unang mga magulang. Kaya nga ito ay naitama sa pamamagitan ng paghingi natin ng tawad sa Diyos at ng pagtubos ng Anak ng Diyos na si Kristo sa ating mga kasalanan. Ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus ay gawaing hindi mapapantayan nino man. Ang pag-aalay ng buhay para sa ikaliligtas ng kaluluwa ng tao ang pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang paglalang ng Diyos sa atin ang pinakamabuti at lubha Niyang ikinalulugod. Ang paglikha niya sa lahat ng bagay at pamamahinga Niya sa ika-pitong araw ay nagpapatunay na tayo ay kinakailangang gumawa para sa ikalalago ng ating sarili at magpahinga at maglaan ng oras para sa pagpapasalamat at padakila sa kabutihan ng Diyos sa lahat ng biyaya at pagmamahal na ating tinatanggap mula sa Kanya. Kung tayo man sa ating buhay ay nakagagawa ng mga kasalanan, huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Mahal tayo ng Diyos basta aminin natin na tayo ay nagkasala at pagsisihan ang mga ito upang tayo ay Kanyang kalugdans. Ang lahat na kabutihan na ating ginagawa para sa ating kapwa, pamilya, mga kaibigan at maging kasama sa trabaho ay may kapalit na kabutihan mula sa Diyos. Kaya habang tayo ay nabubuhay dito sa mundo huwag tayong magsawang gumawa ng mga bagay na mabuti sapagkat sa ating katapusan ay may buhay na naghihintay sa atin kapiling ang Diyos sa kaluwalhatian sa langit.

You might also like