You are on page 1of 2

ANG DIYOS BILANG TAO

Kahit malaking hadlang ang namamagitan sa Diyos at sa tao


dahil sa kanyang pagiging Diyos, malimit pa ring isalarawan ng
iblia ang Diyos sa mga anyo ng tao, upang tulungan tayong
maunawaan ang kanyang kalikasan.
Ang Diyos ay may mukha, na nagbibigay katiyakan na siya’y
ngumingiti sa atin ng may pag-ibig at biyaya. Ang Diyos ay may
tainga na nagpapahayag na dinidinig niya tayo habang
nananalangin. Ang Diyos ay may mat ana nagpapatotoo na
Nakita niya ang lahat ng mga nangyayari sa mundo. Ang Diyos
ay may bibig at boses na nagbibigay katiyakan na kinakausap
niya tayo sa pamamagitan ng kanyang salita. Ang Diyos ay may
daliri na nagpapakita na ginawa niya ang lahat ng bagay. Ang
isang tiyak na mahalaga ay ang mga kamay ng Diyos na
nagpapatunay na siya ay nagliligtas, nag-aakay, nagkakaloob at
nag-iingat sa atin, bagamat sa pamamagitan parin ng kaniyang
mga kamay ay nararanasan natin ang pag-palo at parusa.
Ang ating pag-kaunawa kung sino nga ang Diyos at kung ano
siya ay lalo pang ipinaliwanag sa tuwing ang Biblia ay tumutukoy
sa mga katangian na nakikita sa ama at ina. Ang Diyos ay
inilarawan sa Biblia bilang Ama – ang Ama ng lahat, dahil nilikha
niya ang bawat isa, at higit sa lahat, siya rin ang Ama ng lahat na
tumanggap kay Jesus bilang Panginoon at Taga-pagligtas. Bilang
Ama, ang Diyos ayuu mahabagin, puno ng pag-ibig, marunong
sa lahat at makatarungan. Ang malapit na damdamin ng Diyos
para sa kanyang bayan ay inihambing sa magiliw, maamo,
mapag-arugang damdamin ng isang mapagmahal na Ina sa
kanyang anak. Ang iba pang mga katangian ng tao katulad ng
paninibugho, at pagkagalut na nakikita nating mali, ay nagiging
tama kung itutukoy sa Diyos. Ang lahat ng mga katangiang
pantao na nasa Diyos ay makakatulong sa ating pagkaunawa
tungkol sa sangkatauhan na nilikha ayon sa larawan ng Diyos.
ADAN
Ang unang tao na si Adan ay nilalalang mula sa
alabok at hiningahan ng Diyos upang magkaroon ng
buhay. Mula kay Adan ay nilalang ng Diyos ang
babae. Kapwa sila nilalang ayon sa larawan ng Diyos.
( Gen. 1:26). Bagamat inutusan ng Diyos si Adan na
huwag kakainin ang bunga ng puno na nasa gitna ng
halamanan, si Eva ay tinukso ng ahas at sila’y
sumuway sa Diyos. Bilang bunga, bawat batang
isinilang ay may batik na ng kasalanan at
nakatakdang mamatay, at ang bawat tao ay
napatunayang nagkasala sa harap ng Diyos na
Manlilikha.
Subalit nagsugo ang Diyos ng isa pang Adan, ang
kanyang anak na si Jesu-Cristo, isang inapo ng unang
Adan, upang akuin ang ating masamang kalikasan at
bayaran ang parusa nito, upang ipakita ang daan sa
pamamagitan ng kanyang buhay na may pagsunod, at
upang magtagumpay labas sa diyablo at sa lahat ng
kapangyarihan ng kasamaan. Sa pamamagitan ng
kanyang buhay at kamatayan at muling pagkabuhay,
nagawa niyang maibigay ang kagandahang loob ng
Diyos na puspos ng kaloob na katuwiran at buhay. Sa
pamamagitan ng pangalawang Adan na nagbibigay
buhay, matatanggap natin ang kaloob na bagong
buhay at makakaasa sa bagong katawang espirituwal
tulad ng kay Cristo.

You might also like